Sie sind auf Seite 1von 2

Ang Aming Lorna

Si Yaya Lornang mahal namin


Higit labing pitong taon na sa amin
Inalagaan niya kaming lahat
Tulad nang sarili niyang pamilya
At ang aking si Yaya Lorna
Bahagi na ng aking pamilya

Maaga siya nag-asawa


Anim ang naging anak nila
Para tumulong sa kanyang mag-anak
Siya ay nagtrabaho at tumira sa amin
Mula ng ako ay isang sanggol
Inalagaan niya kami at minahal

Gumigising ng alas singko araw-araw


Para tumulong sa mga gawain
Iba't-ibang masasarap na pagkain
Sa amin ay hinahain
Kahit siya'y napapagod
Lagi pa rin nakangiti

Sa pagtanda ni Yaya Lorna


Ako ay may dalangin
Lagi sana siya malusog at masaya
Pati na ang kanyang pamilya
Sa lahat ng kaniyang sakripisyo
Habang-buhay ang pasasalamat ko

Martin Viladolid

Lagi siyang tumutulong


sa mga oras na kailangan natin siya.
Kung baga lumilinis o nagluluto,
Nandito siya sa bahay tumutulong para sa lahat

Dahil dito, may respeto ako sa aking yaya


At gusto kong ipakita sa kanya ito
Kaya, gagawa ko ang mga gawaing bahay ko,
at ang mga responsibilidad ko para sa kanya
Kaya ako ay may insperasyon sa kanya
para ako ay maging masipag
para ako ay maging responsable
para ako ay maging isang mabuti na tao.

Sa pagtatapos, gusto ko lang magpasalamat sa aking yaya


sa lahat ng mga ginawa niya para sa pamilya ko.
Siya ang dahilan kung bakit tayo ay maginhawa
Dapat lahat kayo mauunawa ang makatutulong sa atin.

Das könnte Ihnen auch gefallen