Sie sind auf Seite 1von 3

Ang Huling Tula na Isusulat ko Para Sayo ni Juan Miguel Severo .

Posted by: abby on: Mayo 16, 2015

Marunong akong magsulat. Kaya ko ring tumula, pero ang nawala sa akin ngayon ay yung mga salita
upang ilarawan kung anuman ang nararamdaman ko ngayon. At itong maikling video na ito na nakita ko
lamang na nakapaskil sa Facebook ang sumuma sa kinikimkim kong pakiramdam.
Nais ko ibahagi ang maikling video na ito sa kahit sinong masasaling ng mga salitang ginamit dito.
Wala akong kahit isang pagmamay-ari dito, ang tanging pagmamay-ari ko lamang ay ang parehong
damdamin na sinisigaw ng bawat salita na binigkas.
Dahil minsan may mga tao na mas kayang isigaw ang hindi ko maibulong man lamang

Pangako yan, at totoo.


Hindi ko alam kung magiging gano kahaba
kung kasya ba sa isang pyesa,
ilang pahina,
ilang minuto ang itatagal at ihahaba nito
kaya posibleng hindi ko agad makabisado.
Pero pangako yan
Ito na, ang huling tula na isusulat ko para sa yo.
Itaga mo to sa bato
abutin man ako ng umaga dito
hindi ko ipipikit ang mga matang ito.
uubusin ko ang lahat ng salita na posibleng tugma ng pangalan mo
o ng anumang tawag ko sayo,
(mahal, sinta, irog, pangga, babe, beh, bae, asawa ko, mine? wifey, bae, kulet, kapal, k*pal, walangya,
p*ki, p*king *na ka)
ano pa ba?
Wala akong pakialam kung abutin ako ng ilang talata dito,
pero hindi ko na pwedeng patirahin lang,
dito sa loob ko, ang mga salitang ito.
Kaya pangako
Ito na, ang huling tula na isusulat ko para sa yo.
Magsisimula ako sa umpisa,
sa kung paanong nginitian mo ako
at tinanong kung saan ako nakatira
hindi mo nga pinansin, ang mga agiw sa dingding.
Hindi ka nga natinag sa ipis na biglang dumating sa iyong pagbisita.
Pero hindi mo rin man lang din tinignan ang mga libro na nasa tabi ng kama ko, natutulog din.
At tangi ko noong kapiling.
Magsisimula ako sa umpisa,
sa kung paanong niyakap mo ako noong sabihin ko sayong, Mahal Kita
Sa kung paanong hinalikan mo ako sa noo sabay sabi ng:
Mahalaga ka
At ako naman tong si tanga,
tuwang-tuwa,
dahil hindi pa nalilinawan na ayaw ko na maging mahalaga,
ayaw ko na maging mahalaga
Hindi ako antigong salamin na matagal mo nang pag-aari,
na tinitignan mo lang para ipaalala sa sarili mo na maganda ka.
Ayaw ko na maging mahalaga.
Hindi ako telepono mong dududukutin lang sa bulsa,
kapag kailangan mo ng solusyon sa kawalan mo ng koneksyon,
sa mundo mong masyado nang malawak para bigyang atensyon ka pa.
Ayaw ko na maging mahalaga.
Hindi ako kwintas na isusuot mo lang sa piling-piling mga okasyon,
kapag mayroong mga sitwasyon na pakiramdam mo ay kulang ka pa.
Hindi ako para ibalik sa loob ng isang kahon
kapag matutulog ka na sa gabi sa takot na masakal ka sa yakap ko kapag mahimbing ka na.
O ibalik sa loob ng kahon at itabi sa sulok ng isang aparador sa takot na manakaw ako ng iba.
Ayaw ko na maging mahalaga..
Ang gusto ko
ay mahalin.
Ang kailangan ko
ay mahalin.
Kailangan ko na mahalin mo ako gaya ng kape mo sa umaga,
tanggap ang tamis at pait,
kailangan para sa init pero hindi isinasantabi dahil lang nanlamig na.
Kailangan ko na mahalin mo ako gaya ng sarili mong opisina.
Kabisado kung para saan ang ano
kabisado kung nasaan nakatago ang alin.
Kabisado ang mga itinatago kong patalim, silbi, dumi, lihim..
patalim silbi dumi lihim!
Kailangan ko na mahalin mo ako gaya ng unan mo sa gabi.
Niyayakap sa ginaw,
sinasandalan kahit na mainit,
binubulungan ng mga pinakatatago mong panaginip.
Ayaw ko na maging mahalaga
Ang kailangan ko ay mahalin
At nagsulat ako noon hanggang sa mahalin mo..
Kaya patawad pero magsusulat ako hanggang sa maubos ko ang lahat ng salita,
na posibleng tugma ng pangalan mo.
Patawad. Pero magsusulat ako, para patawarin mo.
Dahil minsan may nakapagsabi sa akin na ang hindi raw marunong magpatawad, ay hindi
makapagsusulat.
Kaya mahal sa pagkakataong ito, sa huling pagkakataon na magsusulat ako ng tula para sa yo,
gumawa tayo ng kasunduan
Patatawarin kita, pero patatawarin mo rin ako.
Patawarin mo ako sa hindi ko pagtahan, at patatawarin kita, sa hindi mo pagluha.
Patawarin mo ako sa hindi ko pananahimik, at patatawarin kita, sa hindi mo pagsasalita.
Patawarin mo ako sa hindi ko pag-alis, at patatawarin kita, sa hindi mo pananatili.
Patawarin mo ako sa hindi ko sa yo paglimot, at patatawarin kita, sa hindi mo sa akin pagpili,
mahal.
Gumawa tayo ng kasunduan: Patatawarin kita, pero patatawarin mo rin ako.
Patawarin mo ako sa hindi ko pagbitiw at patatawarin kita, sa hindi mo pagkapit.
Patawarin mo ako sa hindi ko paglayo at patatawarin kita, sa hindi mo paglapit.
Patawarin mo ako sa hindi ko pagsuko, at patatawarin kita, sa hindi mo pagsugal.
At patawarin mo ako sa hindi ko pagkamuhi sa yo, at patatawarin kita, sa hindi mo sa akin
pagmamahal, mahal.
Gumawa tayo ng kasunduan: Patatawarin kita, pero patatawarin mo rin ako.
Para sa wakas ay matapos ko na itong tula, na masyado nang matagal nang nakatira dito.
At patawad kung magiging masyadong mahaba, at maraming masyadong boladas.
Pero pangako: huli na to huli na to huli na to
Magsisimula ako uli sa umpisa,
sa kung paanong nginitian mo ako at tinanong kung saan ako nakatira
Magsisimula ako uli sa umpisa, sa kung paanong nginitian mo ako
Magsisimula ako uli sa umpisa
Magsisimula ako uli
Magsisimula ako
Ito na ang huling tula na isusulat ko para sa yo
Mali!!!
Ito na ang huling tula na isinulat ko tungkol sa yo
T**g *na mo!
Tapos na ako

Das könnte Ihnen auch gefallen