Beruflich Dokumente
Kultur Dokumente
Ang balagtasan ay hawig sa isang duplo. Ang mga kasali dito ay gumaganap na nasa isang korte na
sumisiyasat sa kaso ng isang hari na nawala ang paboritong ibon o singsing. May gumaganap na fiscal o
tagausig, isang akusado,at abogado. Ito ay magiging dibate o sinasabing tagisan ng katwiran sa panig ng taga-
usig at tagapagtanggol at maaaring paiba-iba ang paksa. Bagamat ito ay lumalabas na dibate sa
pamamaraang patula, layunin rin nito na magbigay aliw sa pamamagitan ng paghahalo ng katatawanan, talas
ng isip, na may kasamang mga aktor sa isang dula. Ang balagtasan ay ginamit ng mga manunulat upang
maipahiwatig ang kanilang palagay sa aspetong politika at mga napapanahong pangyayari at usapan.
Kasaysayan
Nabuo ang konseptong ito sa isang pagpupulong nang mga nangungunang manunulat noong Marso 28, 1924,
Linggo, sa tanggapan ni Rosa Sevilla sa Instituto de Mujeres (Women's Institute), Tondo, Maynila. Ito ay
naganap bilang paghahanda sa pagdiriwang ng kaarawan ng dakilang makata na si Francisco Balagtas o
Balagtas Day sa darating na Abril 2.
Ang unang balagtasan ay nangyari noon 6 Abril 1924. Tatlong pares ng makata ang nagtalo na gumamit ng
iskrip. Ang pinakamagaling sa mga nagbalagtasan ay sina Jos Corazn de Jess at Florentino Collantes,
kaya naisipan ng mga nag-organisa na magkaroon ng isa pang balagtsan para sa dalawang kagalang-galang
na makatang ito, ngayon naman na walang iskrip. Ginawa ito noong 18 October 1925, sa Olympic Stadium
sa Maynila. Si De Jesus ang nagwagi bilang unang Hari ng Balagtasan.Nakilala si Jose Corazon de Jesus
bilang si "Huseng Batute" dahilan sa kanyang angking kahusayan sa balagtasan noong 1920.
Mula noon hanggang ilang taong makalipas ang Ika-2 Digmaang Pandaigdig, naging paboritong aliwan ang
balagtasan. Gumawa pati ang mga makata sa ibang mga wika sa Pilipinas ng sarili nilang bersyon, gaya ng
bukanegan ng mga Ilokano (mula sa apelyido ng makatang Ilokanong si Pedro Bukaneg at ng crisotan ng mga
Pampango (mula sa pangalan ng Pampangong makata na si Juan Crisostomo Soto.
[baguhin]Pamamaraan
Ang balagtasan ay karaniwang may mga paksa na pinag-uusapan ng tatlo katao. Ang mga kalahok ay
inaasahang magaling sa pag-alala ng mga tulang mahahaba at pagbigkas nito ng may dating (con todo forma)
sa publiko. Ang takbo ng tula ay magiging labanan ng opinyon ng bawat panig. May mga hurado na
magsisiyasat kung sino sa kanila ang panalo o ang mas may makabuluhang pangangatwiran.
Ngunit nang pumanaw si De Jesus noong 1932, ang korona ay napunta kay
Collantes at tinanganan niya ang korona hanggang sa kanyang kamatayan
noong 1951.
Ang balagtasan ay uri ng pagtatalo ng dalawang magkaibang panig ukol sa isang paksa. Hinango
mula sa pangalan ni Francisco Balagtas, inilalahad ang sining na ito ang isang uri ng panitikan na
kung saan ipinapahayag ang mga saloobin o pangangatwiran sa pamamagitan ng pananalitang may
mga tugma sa huli.
Unang nagsimula ang balagtasan sa Pilipinas noong Abril 6, 1924 na nilikha ng mga pangkat na
manunulat para alalahanin ang kapanganakan ni Francisco Balagtas.[1] Ginawa nila ang unang
balagtasan na may tatlong hanay ng mga makata na ipinapahayag ng isang naka-iskrip na
pagtatanggol. Binatay nila ang anyo sa mas naunang mga uri ng pagtatalo na gumagamit din ng
elemento ng tulakatulad ng karagatan, huwego de prenda at duplo.
Kadalasan itong binubuo ng tatlong magtatanghal na may dalawang magtatalo na magkasalungat
ang pananaw at isang tagapamagitan na tinatawag na lakandiwa (lalaki) o lakambini (babae).
Mayroon din mga hurado na siyang maghuhusga kung sino ang mananalo. Inaasahan ang
panitikang ito na patalinuhan ng pagpapahayag ng mga patulang argumento ngunit maaari din itong
magbigay libangan sa pamamagitan ng katatawanan, anghang ng pang-aasar, pambihirang talas ng
isip, at mala-teatrikong at dramatikong pagpapahayag.[2]
Nagsimula ito noong Panahon ng mga Amerikano batay sa tradisyon ng makatang pagtatalo gaya ng
karagatan, duplo at juego de prenda.
Sinasabing ipinanganak ang Balagtasan noong Marso 28, 1924, araw ng Linggo nang magpulong sina
Rosa Sevilla (manunulat) sa Women's Institute sa Tondo, Manila.
Ito ay isinagawa bilang paghahanda sa pagdiriwang ng Balagtas Day o kaarawan ni Francisco Balagtas sa
Abril 2. Tinawag itong 'balagtas' parangal at pagpapahalaga sa pampanulang pamanang iniwan niya sa
sambayanan.
Naganap noong Abril 6, 1924 ang kauna-unahang Balagtasan. Tatlong pares ng makata ang gumamit ng
iskrip sa kanilang pagtatalo. Ang mga ito ay sina Rafael Olay at Tomas L. de Jesus; Amado Hernandez at
Guillermo Holandez; Jose Corazon de Jesus (Huseng Batute) at Florentino Collantes. Sa tatlong
nagbalagtasan, ang
pinakamahusay.
Naging paborito nang aliwan ang balagtasan mula noon hanggang ilang taon ang makalipas ang
Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Nagkaroon pa ito ng ibang bersyon gaya ng bukanegan sa Ilocos (mula
sa pangalan ng Ilocanong si Pedro Bukaneg) at Crissotan sa Pampanga (mula naman sa pangalan ni Juan
Crisostomo Soto.
Ang Kasaysayan Balagtasan
Dahil dito, naisipan nilang magsagawa uli ng isa pang balagtasan para sa dalawang mahusay na makata.
Isinagawa ito noong Oktubre 18, 1924 sa Olympic Stadium sa Maynila.
Full transcript
Ang totoo, ipinanganak ang balagtasan bilang isang makabagong gawain o pakulo para
sa pagdiriwang ng kaarawan ni Balagtas. Ipinanganak si Balagtas noong Abril 2, 1788,
at pumanaw noong Pebrero 20, 1862. Isinakonsepto ang balagtasan noong Marso 28,
1924. Ibig sabihin, ni hindi na napanood ni Balagtas ang tradisyong ito.
Upang magkaroon ng modelo o huwaran ang mga lalahok sa gawain, isinulat ni Patricio
A. Dionisio ang Balagtasanang kauna-unahang iskrip ng balagtasan. Nakasaad dito
ang daloy at mga tauhan ng balagtasan: isang lakandiwa/lakambini na magsisilbing
tagapamagitan o moderator sa dalawang magtutunggaling mambabalagtas. Inilathala
ito noong Abril 5, 1924, subalit hindi ito kailanman naitanghal.
Abril 6, 1924, itinanghal ang pinakaunang balagtasan sa Instituto de Mujeres,
Tondo. May tatlong pares na magtutunggalian: Rafael Olay vs Tomas de Jesus,
Amado V. Hernandez vs Guillermo Holandez. Subalit ang main event, kumbaga sa
boksing, ay sina Jose Corazon de Jesus vs Florentino T. Collantes. Ang paksa
nila ay Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan kung saan pinaglabanan nila kung
sino sa kanila ang mas karapat-dapat para sa isang binibini.
Sa mga susunod nilang labanan, maaagaw ni Collantes ang korona at ang dalawang ito
ang kalaunang kikilalaning mga Hari ng Balagtasan. Maaagaw muli ni de Jesus ang
korona at noong 1932, namatay siyang nasa kanya ang korona. Sa kasaysayan, may
tatlo lamang na Hari ng Balagtasan. Ito ay sina Jose Corazon de Jesus, Florentino T.
Collantes, at si Emilio Mar Antonio.
Bago pa man mauso ang Balagtasan sa kapuluan ng Pilipinas, unang pumatok sa nakararami
ang Karagatan at Duplo [1]. Ang Karagatan ayon kay Julian C. Balmaseda ay isang katutubong laro kung saan ay
nagpapaligsahan ang mga kalahok sa panunula [1]. Halos katulad din ng Balagtasan ang pagdaraos
ng Karagatan at Duplo ngunit karaniwang idinaraos ang nahuling dalawa sa mga lamay at kadalasang walang
paksang tinutungo [1].
Isinilang naman ang Balagtasan noong Abril 2, 1924, kaarawan ni Francisco Balagtas na siyang pinagsundan ng
pangalan ng Balagtasan [1]. Marso 28, 1924, nagpulong sa Instituto de Mujeres sa Tayuman, Tondo, Maynila ang
Akademya ng Wikang Tagalog kaugnay sa gaganaping pagdiriwang ng kaarawan ni Francisco Balagtas [1]. Kabilang
sa mga dumalo ang mga makata at manunulat na sina Lope K, Santos, Iigo Ed. Regalado, Patricio A. Dionisio,
Teodoro E. Gener, Jose N. Sevilla, Jose Corazon de Jesus at Florentino Collantes [2].
Sa pulong, iminungkahi ni Lope K. Santos na magsagawa ng isang makabagong Duplo nang maging katangi-tangi
ang gagawing parangal kay Franciso Balagtas [2]. Ngunit pinuna naman ito ng karamihan sa mga nagsipagdalo
sapagkat walang paksang tinutungo ang isang Duplo [2]. Kung kaya ay iminungkahi ni Patricio A. Dionisio na
hanguin ang pangalan ng ipampapalit sa Duplo mula kay Balagtas [2]. Bagaman si Dionisio ang nagmungkahi nito,
kay Jose N. Sevilla napunta ang karangalan sa pagpapangalan sa makabagong Duplong ito bilang Balagtasan [2].
Ang Abril 2, 19241 ay tumapat ng Miyerkules kung kaya ay idinaos ang pagdiriwang ng Abril 6, 1924, Linggo, upang
maraming tao ang makadalo [2]. Tatlong pangkat ang lumahok sa Balagtasan [2]. Ang unang pangkat ay binuo nina
Rafael Olay at Tomas L. De Jesus [2]. Ang ikalawang binubuo nina Amado V. Hernandez at Guillermo A. Holandez
ay nag-Balagtasan sa paksang Binatang Nayon laban sa Binatang Lungsod [2]. Ang ikatlong pangkat namang
binubuo nina Jose Corazon de Jesus at Florentino T. Collantes ay tumalakay sa Bulaklak ng Lahing Kalinis-
linisan[2].
Simula noon ay naging tanggap na ng Pilipino ang Balagtasan bilang isang karaniwan nang libangan. Nagsimula
itong itanghal sa mga bulwagan hanggang sa mapakinggan sa radyo [1]. Ngayon, ang sining ng Balagtasan ay
buhay na lamang sa mga talakayan at aklat-pangkasaysayan sa mga silid-aralan, hindi na sa mga bulwagan at
paligsahan.
[1] Libiran, Pablo Reyna. Balagtasan Noon at Ngayon. Mandaluyong: Cacho Hermanos, Inc., 1985.
[2] Zafra, Galileo S. Balagtasan: Kasaysayan at Antolohiya. Lungsod Quezon: Ateneo de Manila University Press,
2007.
Duplo - isa ring pagtatalo at pahusayan sa pagbigkas ng tula ang duplo na ginagawa sa
lamayan.tinaguriang punong halamanan ang haring namumuno rito.nagsimula ang paligsahan sa
pagdarasal para sa kaluluwa ng yumaong pinararangalan.
Batutian (Ingles: satirical joust) ay isang uri ng tulang patnigan na hinango sa balagtasan. Ipinangalan
ito sa kinikilalang " Unang Hari ng Balagtasan", si Jose Corazon de Jesus (Huseng Batute). ginagawa ito
sa mga lamayan upang libangin ang mga tao. Naglalaman ito ng katatawanan ngunit may kasama ring
katotohanan. (wiki)
Ang batutian ay hango sa pangalan ng pinakatanyag na man-babalagtas na si Jose Corazon de Hesus alyas
"batuteng huse" Kabilang sa mga katangian ng Batutian na lumabas sa magasin noon ang pagtalakay ng
siste ang pagtalakay sa kasalukuyan isyu pampulitika o pangkultura ang pagpapa-antig ng damdamin ng
mambabasa ang pagpapalitan ng katwirang maaaring taglayin ng magkatunggaling sektor sa pamayanan
ng tulaan.
Balagtasan - isang pagtatalo sa pamamagitan ng pagtutula. Inimbento ito noong panahon na ang
Pilipinas ay nasa ilalim ng Amerika, base sa mga lumang tradisyon ng makatang pagtatalo gaya ng
karagatan, huwego de prenda at duplo. Ang pinagmulan ng pangalan na balagtasan ay ang orihinal na
apelyido ni Francisco Baltazar, Balagtas, dahil ginawa ito para sa okasyon ng pagdiwang ng anibersaryo
ng kanyang kaarawan. (wiki)
Ang balagtasan ay hawig sa isang duplo. Ang mga kasali dito ay gumaganap na nasa isang korte na
sumisiyasat sa kaso ng isang hari na nawala ang paboritong ibon o singsing. May gumaganap na fiscal o
tagausig, isang akusado,at abogado. Ito ay magiging dibate o sinasabing tagisan ng katwiran sa panig ng
taga-usig at tagapagtanggol at maaaring paiba-iba ang paksa. Bagamat ito ay lumalabas na dibate sa
pamamaraang patula, layunin rin nito na magbigay aliw sa pamamagitan ng paghahalo ng katatawanan,
talas ng isip, na may kasamang mga aktor sa isang dula. Ang balagtasan ay ginamit ng mga manunulat
upang maipahiwatig ang kanilang palagay sa aspetong politika at mga napapanahong pangyayari at
usapan.