Sie sind auf Seite 1von 2

JUDICIAL AFFIDAVIT

Ako po si SPO1 Angel Doctor Baleza Jr, 40 taong gulang, may asawa,
kasalukuyang nakatira sa, Bgy Talisay,Sorsogon City at naka destino sa Prieto Diaz
Municipal Police Station, ako ay sumusumpa sa ngalan ng Batas ng Republika ng
Pilipinas na magsasalaysay ng katotohanan, walang iba kundi pawang katotohanan
lamang. At aking nauunawaan na kung ako ay magsisinungaling ako ay maaaring
sampahan sa kasong False Testimony o Perjury. Ang salaysay na ito ay kinuha sa
harapan ni Prosecutor _____________________________ dito sa Provincial
Prosecutors Office, Bulwagan ng Katarungan, Sorsogon City.

1. Tanong:Bakit ka nandito ngayon sa tanggapan ng Provincial Prosecutors Office?


Sagot : Nandito po ako para magbigay ng kusang loob na salaysay kaugnay ng
aming pagkakahuli sa anim katao na nag lalaro ng sugal na tong its.

2. T: Maari mo bang isalaysay ang mga pangyayari?


S: Bandang alas tres ng hapon (3:00 PM) ng Setyembre 14, 2017, habang ako
po kasama nina PO3 Domino Flestado, PO1 Manuel M Almonte ay naka duty sa
Prieto Diaz Municipal Police Station ay nakatanggap po kami ng impormasyon
na nagsasabing mayroon ng mga taong nagsusugal sa Purok 2, Bgy Calao,
Prieto Diaz, Sorsogon.

3. T: Ano pa ang sumunod na nangyari?


S: Agad na ipinagbigay alam po namin kay hepe ang natanggap na impormasyon
at si hepe ay bumuo ng isang team para sa mabilis na pagresponde.

4. T: Sino-sino ang kasama sa team na binuo ng inyong hepe?


S: Ako po, SPO1 Angel D Baleza, team leader at kasama ko po sina PO3 Domino
Flestado at si PO1 Manuel M Almonte.

5. T: Ano pa ang sumunod na pangyayari, kung mayroon man?


S: Pinuntahan po namin ang Bahay na sinasabing may mga nagsusugal at
nalaman namin na ang may ari ng bahay ay si Teresita Escario y Peliyas. Nakita
din namin na may dalawang mesa ng mga naglalaro ng sugal na tong its. Agad
na linapitan ko kasama ang aking team, matapos magpakilala na kami ay mga
pulis na nakadestino sa Prieto Diaz MPS at magtanong kung meron sila ng
permit sa ginagawang sugal at wala namang naipakitang permit ay kinunan ko
sila litrato habang nakaupo sa harap ng mesa, baraha at perang taya at sinabi ko
sa kanila ang kanilang mga karapatan na ayon sa saligang batas. at kung bakit
sila hinuhuli at matapos hulihin at agad na dinala sa himpilan ng pulisya para sa
pagdodokumento at mga kaukulang proseso.

6. T: Mayroon ba kayong na kumpiska na mga ebidensya?


S: meron po sa unang mesa (Table Nr 1) kung saan nakaupo at nagsusugal sina
GENEROSO DIOQUINO Y ESTABAYA, 47 taong gulang, may asawa, traysikel
drayber, VIVENCIA LELIS Y DON, 50 taong gulang, may asawa, laborer at
JONY DORMITORIO Y DON, 39 taong gulang, may asawa, magsasaka ay naka
kumpiska po kami ng isang set ng baraha at pera o taya na nagkakahalaga ng
limampu at isang piso ( 51.00). Sa pangalawang mesa (Table Nr 2) na
pinagsusugalan nina RICO PELIYAS Y DULVA, 36 taong gulang, may asawa,
laborer, DOMINGO ESPINOCILLA Y ESTONANTO, 58 taong gulang, may
asawa, laborer at ROBERTO OLLET Y DOMASIG, 44 taong gulang, binate,
magsasaka ay nakakumpiska din kami ng isang set na baraha at pera o taya na
nagkakahalaga ng pitumpu at tatlong piso ( 73.00).

7. T: Maliban sa pera at baraha meron pa bang ebidensya na maari mong ipakita?

1
S: Meron po. Mga larawan ng mga taong hinuli namin habang nasa aktong
nagsusugal.

8. T: Minamarkahan ko bilang exhibit ADB-1, ADB-2 AT ADB-3, ang mga larawang


ito para maging bahagi ng iyong salaysay, sang ayon ka ba sa ginawa ko?
S: Opo.

SPO1 ANGEL D BALEZA


Nagsalaysay

SUBSCRIBED AND SWORN to before me this _____day of September 2017 in


the Province of Sorsogon, Sorsogon City, Philippines .

________________________________
(Person Authorized to Administer Oath)

I, Prosecutor _________________________________ attests that I personally


conducted/supervised the examination of the witness that I have faithfully recorded or
caused to be recorded the questions asked of the witness and the corresponding answers
that the witness gave; that I did not or any other person present during the taking of the
statement coached the witness regarding the answer given by him/her, that the witness
understood the questions and voluntary gave the answers herein.

________________________________
(Person Authorized to Administer Oath)

SUBSCRIBED AND SWORN to before me this _____day of September 2017 in


the Province of Sorsogon, Sorsogon City, Philippines.

_______________________________
(Person Authorized to Administer Oath)

Das könnte Ihnen auch gefallen