Sie sind auf Seite 1von 18

FILIPINO6

ACTIVITYSHEETQ1W5

ARALIN 5

Paghihinuha sa Kinalabasan ng mga Pangyayari


sa Alamat na Napakinggan

Unang Araw
Tuklasin Mo
Ano-ano ang alam mong kuwento tungkol sa sumusunod?

Tukuyin ang kahulugan ng mga salitang may guhit sa bawat


pangungusap.

1. Masaya at matiwasay ang balangay ng Laguna.


a. bayan c. pamayanan
b. pamahalaan d. kapuluan

2. Gumagamit siya ng kamay na bakal para sumunod ang


kaniyang nasasakupan
a. yari sa bakal ang kamay c. pinapalo ng bakal
b. malupit at marahas d. pamatay na bakal

3. Nang hindi na makatiis, sinabi na niya ang kaniyang saloobin.


a. makapagtimpi c. makaiwas
b. makayanan d. makatagal

4. Agad na sinadya ni Carlo ang hari at ibinalita ang


mahiwagang pangyayaring nasaksihan sa asawa.
a. kagilas-gilas c. kataka-taka
b. kahambal-hambal d.kasiya-siya

1
FILIPINO6
ACTIVITYSHEETQ1W5

5. Tumalima ang mga kawal sa utos ng hari.


a. sumunod c. sumailalim
b. sumuway d. sumakabila

6. Mapait ang naging buhay ni Maria sa piling ng kanyang asawa.

a. pighati c. malungkot
b. pagtanggap d. masaklap

7. Taimtim na panalangin ang iniuukol ni Maria sa Diyos.


a. iniisip na mabuti c. tahimik
b. buong-puso d. wala sa alinman

Alamin Mo
Pakinggang mabuti ang isang alamat na babasahin ng guro.
1. Sagutin ang sumusunod na mga tanong.
2. Ano ang ginawa ni Maria sa madalas na pagmamalupit ni carlo
sa kaniya?
3. Ano ang ipinagtaka ni Carlo matapos kainin ni Maria ang
lansones?
4. Bakit sa palagay mo hindi muna kumain ang hari ng lansones
at bagkus ang mga bilanggo ang inutusan niyang kumain nito?
5. Ano ang ipinakitang reaksyon ng hari nang makita na sarap na
sarap na kumakain ang kanilang mga bilanggo?
6. Ano kaya ang ipinahihiwatig ng mapait na buto ng lansones sa
alamat na napakinggan ninyo?
7. Nakakita na ba kayo ng mag-asawa na palaging nag-aaway sa
kanilang tirahan?
8. Sa iyong palagay, ano kaya kahihinatnan nito? Makakaepekto
kaya ito sa samahan ng bawat pamilya?
9. Ano kaya ang mangyayari sa mga anak nila kung patuloy ang
hidwaan ng mag-asawa sa iisang bubong?

2
FILIPINO6
ACTIVITYSHEETQ1W5

Gawin Ninyo
Bumuo ng mga pahayag na nagbibigay hinuha sa kalalabasan ng
mga pangyayari sa binasang alamat.

Halimbawa:
Si Carlo ay lubhang malupit sa kanyang asawa.
Paghihinuha :
Marahil isa siyang lasinggero, sugarol, tamad o
may masamang kaasalan.

1. Kumain ng nakalalasong lansones si Maria.

2. Hindi narinig ni Maria ang tinig na iyon.

3. Batang-bata at kaakit-akit si Maria.

4. Kinain ng mga bilanggong hinatulan ng kamatayan ang


lansones subalit hindi sila namatay.

5. Tumikim din ng lansones ang hari.

Gawin Mo
Ano sa palagay mo ang ipinahihiwatig ng mapait na buto ng
lansones?
May kaugnayan kaya ito sa nangyari sa ating pangunahing
tauhan na si Maria. Bigyan ng paghihinuha.
Sikaping maiugnay ito sa wakas ng kuwento na napakinggan.
Kung ikaw ang magbibigay ng wakas ng kuwento, paano mo ito
isusulat?

3
FILIPINO6
ACTIVITYSHEETQ1W5

Isaisip Mo
Ang paghihinuha ay mabisang paraan sa pagpapahayag ng
kaisipan batay sa sariling ____, ________, ____ ayon sa ating
pagkaunawa. Nagagawa ito sa tulong ng mga salitang
nagpapahiwatig tulad ng ______,_______,______,______, na madalas
gamitin sa paghihinuha.
Isapuso Mo
Para sa iyo, ano ang kahulugan ng pagmamahal?
Isulat Mo
Isa kang mananaliksik at ang proyekto mo ay alamin ang alamat ng
isang bagay. Mamili ka ng isang tema ng iyong alamat at bumuo ng
limang tanong na nais mong sagutan sa iyong pananaliksik.
1. Alamat ng inyong bayan/ lugar
2. Alamat ng isang historikal na bagay/ lugar
3. Alamat ng isang prutas na hindi pa nailalathala
4. Alamat ng inyong pamilya mula sa kanunu-nunuan

Ikalawang Araw

Paggamit ng ibat ibang uri ng panghalip sa ibat ibang sitwasyon

Tuklasin Mo
Basahin at pag-aralan ang usapan.

Carla, halika
Pumunta tayo sa mall
Anong gagawin natin doon?
Bibili ako ng mga damit.
Ano, sasama ka ba?
Siyempre sasama ako

Nakikilala mo pa ba ang mga salitang may guhit?


Anong bahagi ng pananalita ito?

4
FILIPINO6
ACTIVITYSHEETQ1W5

Ano ang hinalinhan ng mga salitang may guhit?


Aling salita ang humalili sa tao?
Aling salita ang nagtatanong?
Aling salita ang ginamit sa pagtuturo sa tao, hayop, lugar o
pangyayari?

Alamin Mo
Matutukoy mo ba ang mga gamit ng mga panghalip sa bawat
pangungusap?
1. Siya ang maybahay na uliran at minahal ng kaniyang mga
anak.
2. Nakita niya ang kahirapan dinaranas ng pamilya.
3. Sino ang dapat sisihin sa katayuan ng pamilya? Doon muna
kayo sa aming munting tirahan, alok ng taong
nagmamalasakit.
4. Anuman ang mangyari ay sama-sama tayong makibaka sa
buhay.
5. Lahat ay nagpasalamat sa kabutihang loob ng kaibigan
6. Para sa mahihirap handa akong tumulong at paglingkuran ang
mga nangangailangan.
7. Dito sa lugar ko, ligtas kayo at sana magtulungan tayo upang
labanan ang kahirapan.
8. Ito ang misyon ko sa buhay, ang makatulong sa mga taong
nangangailangan ng kalinga.
9. Kami po ay labis na nagpapasalamat sa kabutihang loob ninyo.
Pagpapalain po kayo ng Poong Maykapal.

Panghalip na Panao ang tawag sa salitang ginagamit na


panghalili sa pangalan ng tao. May panauhan at kailanan ang
panghalip panao. KAILANAN
Panauhan Isahan Dalawahan Kailanan
(Nagsasalita) Ako, ko, akin Kita, kata Kami, tayo
(kausap) Ikaw, ko, akin kayo
(Pinag- Siya, niya, sila
uusapan) kaniya

5
FILIPINO6
ACTIVITYSHEETQ1W5

Ang Panghalip na pamatlig ang tawag sa salitang ginamit na


panghalili sa pagtuturo ng tao, bagay, hayop, pook o pangyayari. Ito
ay may panauhan na nagsasaad ng layo ng taong nagsasalita sa
taong kinakausap.
Panauhan Paturol Paari Patulad Pahimaton
Malapit sa Ito, ire nito, nire ganito, Heto, eto
Nagsasalita ganire
gayari
Malapit sa Kausap iyan niyan Ganyan, ayan
ganiyan
Malayo sa Nag- Iyon,yaon niyan,noon Ganoon, ayan,hayan
uusap gayon ayun,hayun

Panghalip na pananong ang tawag sa mga katagang ginagamit


sa pagtatanong, maaaring tungkol sa tao, bagay, panahon, lunan o
pangyayari. Maaari itong isahan o maramihan.
Isahan Maramihan Isahan Maramihan
Ano Ano-ano Kailan Kai-Kailan
Sino Sino-sino Kanino Kani-Kanino
Ilan Ilan-ilan Paano Paa-paano
Alin Alin-alin Gaano Gaa-gaano
Saan Saan-saan Magkano Magka-
magkano

Gawin Ninyo
Ilista sa papel ang limang tanong na nabuo para sa
pananaliksik ng alamat. Rebisahin ito gamit ang mga uri ng
panghalip na natutunan. Humanda para sa pagsusuri ng pangkat.

Gabay sa Pagsusuri
1. Direktang tumutugon ang mga nabuong tanong sa alamat.
6
FILIPINO6
ACTIVITYSHEETQ1W5

2. Gumamit ng panghalip bilang aplikasyon ng aralin.


3. Ang mga tanong ay hihikayat sa mga tatanungin na maglahad
ng kanilang alamat.
4. Ang mga tanong ay tutumbok sa inaasahang awtput.

Gawin Mo
Basahin ang maikling tula. Tukuyin ang mga panghalip pamatlig
Ganoon ang nakita ko sa karagatan
Ganitong mga isda ang aking natunghayan
Kasamay mga sirena yariy ang kagandahan
Ganyan ang mga kulay na nagkikislapan
II.
Gaano ba kaganda ang karagatan?
Ano-ano ang ginagawang kapinsalaan?
At sino-sino ang pinagbibintangan?

Isaisip Mo
Isipin na sisimulan na ang pananaliksik sa napiling alamat.
Tukuyin kung sino-sino ang tatanungin at kung paano makakuha ng
impormasyon.
Isulat Mo
Sagutin at dugtungan ang pahayag

Sa araling ito, lubos kong natutuhan ang pagiging


mapagkawanggawa at ito ay
______________________________________________________
______________________________________________________

7
FILIPINO6
ACTIVITYSHEETQ1W5

Ikatlong Araw
Pagbibigay ng kahulugan ng pamilyar at di-kilalang salita
sa pamamagitan ng sitwasyong pinaggamitan

Tuklasin Mo
Sa paanong paraan naging bahagi ang guro sa tagumpay na natamo
ng kaniyang mag-aaral?

Alamin Mo
Basahin ang kuwento. Sagutin ang sumusunod na mga tanong.
Walong Taong Gulang

Leonora Magtanggol ang pangalan ng batang nakatawag sa


akin ng pansin, hindi sa una pa lamang malas kundi sa tinagal-
tagal ng panahong kamiy nagkakilala Ang batang yaoy isa lamang
sa aking mga tinuturuan.
Lumipas ang dalawang linggo ng pasukan, lalo kong nakilala si
Leonora. Kakaiba siya sa mga batang aking tinuturuan, hindi
lamang sa kaniyang panlabas na anyo kundi maging sa kaniyang
kakayahan sa pag-aaral. Araw- araw ay nakikita kong si Leonora ay
patingin-tingin lamang sa kaniyang mga kaklaseng nagsipaglaro sa
bakuran ng aming paaralan.
Minsan, sinubukan kong makipaglaro sa kanila. Gayon na
lamang ang katuwaan nila. Sa isang kisapmatay napaligiran ako ng
mga mag-aaral. Kinawayan ko si Leonora . Lumapit naman siya.
Nakita kong hindi siya mabilis kumilos na gaya ng iba. Iminungkahi
ng mga bata ang larong habulan. Naisip ko naman ang larong
Pusa at Daga.
Si Anselma ang gumanap ng daga at si Leonora naman ang
pusa. Mabilis ang sibad ni Anselma. Nang aabutan na ni Leonora si
Anselma, kitang-kita ko ang kanyang pagkadapa.
Lampang-lampa! Di sanay maglaro. Ito ang katotohanang
aking nasaksihan.
Mula noon, madalas ko siyang kausapin. Ipinaliliwanag ko sa
kaniya ang kabutihang maaaring idulot ng pagsali sa paglalaro.
Nauunawaan naman niya ito. Datapwat, sa kabila noon ay nakikita

8
FILIPINO6
ACTIVITYSHEETQ1W5

ko pa rin ang kanyang pag-iisa at patingin-tingin lamang sa mga


nagsisipaglarong kaklase.
Isa si Leonora Magtanggol sa pinakamatalino sa loob ng klase.
May mga pagkakataong balisa at di nakikinig si Leonora at tila
inaantok. Tinanong ko siya kung ano ang dahilan. Napag-alaman
ko sa kaniya na kung minsan ay nahihilo siya. Sa pag-uusap din
naming ay napansin ko ang tila pinagkalakhang damit na kaniyang
suot at ang yayat niyang bisig.
May limang araw nang di pumapasok si Leonora. Nagpasama
ako sa isang batang nakaalam ng kanyang tirahan. Malayu-layo rin
naman ang nilakad namin.
Isang babaeng nasa katanghalian na ng buhay ang nagpatuloy
sa amin. Binigyan niya kami ng luklukan. Tinawag ang anak niyang
si Leonora. May sakit pala siya. Iniabot ko sa kaniya ang dala kong
pagkain. Sa unay ayaw niyang tanggapin nito ang aking dala.
Ngunit sa kalaunay pinaunlakan niya ito.
Pamahalaan.. . pag-aalsa. . . buhay na pagsunod.. . ama ni
Leonora. . . nadaya. . . mapagpanggap na lider. . .bilangguan. . . apat
na taon na. . . . Leonora. .. .Leonora. . .
Ang mga salitang iyan ang nagbabagang katotohanang nag-
iwan ng bakas sa aking kaluluwa.

1. Ano-anong isyu ang tinalakay ng manunulat sa kuwento?


2. Alin sa mga isyu ang lubhang nakaapekto kay Leonora?
3. Bakit ganoon ang naging reaksiyon ni Leonora sa maraming
pagkakataon?
4. Ano ang natuklasan ng kaniyang guro sa katapusan ng
kuwento?
5. Paano hinarap ng ina ni Leonora ang masasakit na
katotohanan sa buhay nilang mag-ina?
6. Paano nakaapekto kay Leonora ang mga suliranin ng
kaniyang pamilya?
7. Sa iyong palagay, magkakaroon ba ng pagbabago kay
Leonora matapos matuklasan ng guro ang pangyayari sa
kaniyang pamilya? Patunayan.
8. May positibo kayang pagbabago na magaganap sa buhay ni
Leonora?

9
FILIPINO6
ACTIVITYSHEETQ1W5

Gawin Ninyo
Ano ang kahulugan ng salita o mga salitang may guhit sa
sitwasyong pinaggamitan nito?

1. Ang batang iyon, higit sa lahat ang nakatawag sa akin ng


pansin, hindi sa una pa lamang malas kundi sa tinagal-tagal ng
panahong kamiy ipinagkilala.
2. Lumakad na ang ikatlong linggo ng pasukan nang
matandaan ko ang mukhang iyon na may kaitiman sa
karaniwan.
3. Isa lamang sa pulutong si Leonora sa animnapung bata na
nakakaharap ko.
4. Pinag-ukulan ko ng tingin ang batang si Leonora.
5. Minsay nakaupo siya sa damong malamig naluntian. Sa isang
kisapmatay napaligiran ako ng mga batang aking tinuturuan.
6. Mabilis ang sibad ni Anselma.
7. Isang babaeng nasa katanghalian na ng buhay ang sumagot sa
akin.

Gawin Mo

A. Basahin ang mga pangungusap at tukuyin ang kahulugan ng


mga salitang may guhit.

1. Ang batang iyon, higit sa lahat ang nakatawag sa akin ng


pansin, hindi sa una pa lamang malas kundi sa tinagal-
tagal ng panahong kamiy nagkakilala
2. Lumakad na ang ikatlong linggo ng pasukan nang
matandaan ko ang mukhang iyon na may kaitiman sa
karaniwan.
3. Isa lamang sa pulutong si Leonora sa animpung bata na
nakakaharap ko.
4. Pinag-ukulan ko ng tingin ang batang si Leonora.
5. Minsay nakaupo siya sa damong luntian.
6. Sa isang kisapmatay napaligirian ako ng mga batang aking
tinuturuan.
7. Mabilis ang sibad ni Anselma.
8. Isang babaeng nasa katanghalian na ng buhay ang sumagot sa
akin .

10
FILIPINO6
ACTIVITYSHEETQ1W5

B. Tukuyin kung pamilyar o di pamilyar ang sumusunod na mga


salita. Bigyan ng sariling kahulugan.

Salita Kahulugan Pamilyar o Di


pamilyar
sibad
kisapmata
luntian
Pinag-ukulan ng
tingin
pulutong
bakas ng
kaluluwa
balisa
Katanghalian na
ng buhay
Lampang-lampa
luklukan

Isipin Mo

Ang pamilyar na salita ay mga salitang madaling maunawaan


samantalang ang di-kilalang salita ay matalinghaga o mahirap
maunawaan. Kailangang pag-isipan ito at palawakin upang maging
maayos ang pakikipagtalastasan.

Isapuso
Isapuso ang pagkakawang-gawa. Tulungan ang
nangangailangan ng Kalinga.

Isulat mo

Ipagpalagay na ikaw si Leonora Magtanggol. Ano ang


mensaheng maibibigay mo sa iyong kababayan upang huwag
mawalan ng pag-asa sa kanilang buhay. Sa pagsulat ng mensahe
sikaping gumamit ng mga salitang pamilyar at di- pamilyar.

11
FILIPINO6
ACTIVITYSHEETQ1W5

Ikaapat na Araw
Nasasagot ang mga tanong tungkol sa tekstong pang-impormasyon

Tuklasin Mo

Suriin ang pagkakaiba ng mga larawan.

Alamin Mo
Basahin upang masagot ang ibinigay na mga tanong.
Ang Ilog Pasig noon ay isang mahalagang rutang
pantransportasyon na may habang 25 kilometro, malinis ang tubig
na dumadaloy sa ilog. Tunay na kabiha-bighani sa kagandahan ang
ilog na ito. Kasingganda raw ito dati ng Grand Canal sa Venice. Ito
ay na napalilibutan ng mga berde at malalagong puno at halaman.
Sagana ito sa ibat ibang uri ng ng isda at buhay-dagat. Ito rin ang
nag-uugnay sa Look ng Maynila sa Look ng Laguna. Ito rin ang
nagsasala ng mga sobrang tubig mula sa Look ng Laguna at sa iba
pang labintatlong ilog at estero sa Manila. Nilason din ang ilog ko.

Heto ngayon ang Ilog Pasig. Animoy lupa ang inyong nakikita
sa larawan. Ngunit tunay na hindi maikubli ang katotohanan. Ito
ay pawang mga naipong basura, napakarumi, nakadidiring tingnan
at nakasusulasok ang amoy na mula sa ilog. Halos wala ka nang
makikitang buhay na isda sa ilog na ito. Nagsimulang dumumi ang
katubigan sa ilog nang mag-umpisang tirahan at tayuan ng kung
ano-anong estruktura ang gilid ng ilog. Naging tapunan ito ng mga
basura ng mga nakatira na malapit dito. Dahil dito, unti-unting

12
FILIPINO6
ACTIVITYSHEETQ1W5

umalis ang mga hayop na naninirahan sa ilog na, ang iba pa nga, sa
kasamaang palad, ay namatay.
Sa ngayon, gumagawa ng hakbang ang gobyerno natin at ang
ibat ibang ahensiya na buhayin muli ang Ilog Pasig.

1. Gaano kahaba ang Ilog Pasig?


2. Paano inilalarawan ng may-akda ang tubig na dumadaloy sa
Ilog Pasig noon?
3. Sa anong ilog inihahalintulad ang kagandahan ng Ilog Pasig
noon?
4. Bakit sinasabing mahalaga ang papel na ginagampanan ng Ilog
Pasig sa ating pang-araw-araw na pamumuhay?
5. Paano naging nakasusulasok ang amoy ng Ilog Pasig ngayon?
6. Sa iyong palagay, sapat ba ang ginagawa ng pamahalaan
upang ibalik ang ganda ng Ilog Pasig? Pangatwiranan.

Gawin Ninyo
Tunghayan ang mga detalye. Sumulat ng mga argumento o
isyung tinatalakay upang mabuo ang graphic organizer na ito.
Maaari ring manaliksik at mangalap ng datos.

Ilog Pasig Noon Ilog Pasig Ngayon


_______________________
______________________

___

Paano nagbago ang Ilog Pasig ?

Bakit nagbago ang Ilog Pasig?

__________________________________________________________
_________________________________________________________

13
FILIPINO6
ACTIVITYSHEETQ1W5

Gawin Mo
Ipaliwanag ang sagot sa bawat tanong.
1. Sino sa inyong palagay ninyo ang sumisira sa ating anyong
tubig katulad ng Ilog Pasig?
2. Ano ang kasalukuyang nadarama ng mga tao kapag nakikita
ang kaanyuan ng Ilog Pasig ngayon?
3. Sa palagay mo, ano ang mangyayari sa mga anyong tubig kung
patuloy na nilalapastangan ito ng ating mga mamamayan?
4. Masosolusyonan pa kaya ang lumalalang kalagayan ng Ilog
Pasig ngayon?

Isaisip Mo
Ano kaya ang mangyayari sa Ilog Pasig sampung (10) taon
mula ngayon?
Isulat Mo
Isa kang mamamahayag at magpapasa ka ng iyong ulat hinggil
sa dahilan ng unti unting pagkasira ng likas na yaman. Nakatira ka
malapit sa Ilog Pasig kaya ito ang napili mong gawan ng ulat.

Ikalimang Araw

Nagagamit nang wasto ang Kard na Pang-aklatan

Tuklasin Mo
Saan ka ba pupunta kung nais mong magsaliksik tungkol sa iyong
takdang-aralin?
Sino ang iyong kakausapin?
Alam mo ba ang mga ito?
May tatlong uri ng Kard Katalog.

14
FILIPINO6
ACTIVITYSHEETQ1W5

Tunay na mapadadali ang paghanap ng aklat na iyong sasaliksihin


sa silid-aklatan sa tulong ng Kard Katalog.

KARD NG PAKSA KARD NG PAMAGAT KARD NG MAY-AKDA

Ano ang maitutulong ng kaalaman sa paggamit ng kard katalog.

Alamin Mo
Basahin ang usapan ng mga mag-aaral
Mag-aaral 1 : Maaari mo ba akong matulungan kung
paano ko makikita ang aking sasaliksikin
sa aking takdang-aralin? Tunay na
napakalaki ng silid-aklatan na ito kung
lahat ay titingnan ko ang mga naka-
display na mga aklat na ito.

Mag-aaral 2 : Aba! Oo. Katulad ng ginawa ko. Pinag-


aralan namin sa asignaturang Filipino
kung paano gagamitin ang Kard
Katalog. Isang mabisang paraan ito
upang mapabilis na matukoy ang lugar
ng aklat na hahanapin mo.

Mag-aaral 1 : Salamat. Mukhang ikaw lamang ang


makasasagot sa aking problema. Hindi
siguro ako gagabihin ng pag-uwi kung
magagamit ko ang tamang paraan ng
pananaliksik. Nasaan ba ang Kabinet ng
Kard Katalog.

Mag-aaral 2 : Halika, sasamahan kita at ituturo ko sa


iyo ang paggamit ng Kard Katalog.

15
FILIPINO6
ACTIVITYSHEETQ1W5

Narito ang mga hakbang sa wastong paggamit ng Kard Katalog.


1. Pumili lamang ng isang uri ng kard sa Kard Katalog.
2. Tiyaking mababasa agad ang mga nakatalang
impormasyon sa kard
3. Isulat sa papel ang nilalaman ng napiling kard
4. Itala sa papel ang call number o bilang ng aklat sa gawing
itaas ng kaliwang bahagi ng papel.
5. Isauli isa cabinet ang Katalog nang buong ingat
6. Ibigay sa librarian ang call number ng aklat na
hihiramin.

Mag-aaral 1 : Salamat.Tunay na hulog ka ng langit sa


akin. Tatapatin kita na hindi naming
napag-aralan ang paggamit ng Kard
Katalog sa klase. Pagbalik ko sa aming
paaralan ituturo ko ito sa kanila upang
maging mainam ang gagawin nilang
pananaliksik. Maraming salamat sa
iyong pagtulong. Hindi kita malilimutan.

Mag-aaral 2 : Walang anuman. Lahat tayo ay dapat


magtulungan upang tayo ay
magtagumpay sa lahat ng ating
gagawin.

1. Kard ng Pamagat. Sa kard na ito, unang mababasa ang


pamagat ng aklat, kasunod ang pangalan ng may-akda at
paksa ng babasahing aklat.

. 372.4 Gintong Pamana, Pagbasa


G93 Gugol, Ma. Victoria
1996 Gintong Pamana: Pagbasa. Ma Victoria
Gugol. Manila: Vival Publishing House,
Inc. c1996
IX, 264 p. ill.

16
FILIPINO6
ACTIVITYSHEETQ1W5

2. Kard ng Paksa. Ang kard na ito ay naglalaman muna ng paksa


ng aklat bago ang pamagat at may-akda ng aklat.
372.4 PAGBASA
G93 Gugol, Ma. Victoria
Gintong Pamana: Pagbasa. Ma.
Victoria
Gugol. Manila: Vival Publishing
House;
Inc. c1996
IX, 264 p.ill.

3. Kard ng May-akda. Sa kard namang ito, ang unang mababasa


ay ang pangalan ng may-akda ng aklat. Kasunod ang pamagat,
at paksa ng aklat.

372.4 Gugol, Ma. Victoria


Gintong Pamana: Pagbasa.
Ma. Victoria Gugol. Manila:
Vival Publishing House; c1996
IX, 264p. ill.

Gawin Ninyo
Pumunta sa silid-aklatan. Hanapin sa kard ang sumusunod na
mga paksa. Kopyahin ang call number ng aklat na nagtataglay ng
paksa.
1. Emilio Jacinto, Utak ng Katipunan
2. Kasaysayan ng Ilog Pasig
3. Global Warming
4. Talambuhay ni Pangulong Duterte
5. Mga Anyong Tubig sa Pilipinas
Gawin Mo
Ayusin ang sumusunod na datos para makabuo ng kard ng
may-akda, pamagat, at paksa. Gawin sa nakalaang espasyo.
1. Garcia, F.G. 6. Goodwill Bookstore, Inc
2. Mga Alamat 7. c.1999
17
FILIPINO6
ACTIVITYSHEETQ1W5

3. Ang Alamat ng Bigas 8. 450


4.Maynila 9. Ga. 37
5. 100p. 10. 22 cm.
Isaisip Mo
Sa kasalukuyan, upang higit na mapadali ang paghahanap ng
mga impormasyon sa silid-aklatan mayroon ng mga aklatan ang
gumagamit ng Online Public Access Catalogue (OPAC). Sa isang
pindot ay tiyak na mahahanap mo na ang materyal na iyong
hinahanap. Paghambingin ang tradisyonal at makabagong paraan
ng paghahanap ng impormasyon sa aklatan
Isapuso Mo
Isaisip na ang pagtulong ay nakakaginhawa ng kalooban.
Isulat mo
Ibigay ang hinihingi ng mga form. Gawin ito sa kuwaderno.
Petsa kung May-akda Pamagat ng Petsa Kung
Kailan Aklat Kailan Isinauli
Hiniram

Paaralan _______________________________________
Address ng Paaralan__________________________
Taong Panuruan _____________________________

Pangalan _____________________________________

Baitang/Seksyon___________Edad____ Kasarian_______

Guro( Class Adviser) ______________________________

18

Das könnte Ihnen auch gefallen