Sie sind auf Seite 1von 4

BRENDAN LEWIS A.

DELGADO 9-FLEMING AP/EKON REPORT

AGRIKULTURA isang agham na may kinalaman sa paghahalaman at pagpaparami ng mga hayop.

KAHALAGAHAN NG AGRIKULTURA

1. BUMIBILI NG MGA PRODUKTO NG INDUSTRIYA Ginagamit ng industriya ang hilaw na materyales na mula sa
agrikultura upang makalikha ng mga produkto.

2. PINANGGAGALINGAN NG MGA HILAW NA MATERYALES Ang mga hilaw na material na ginagamit ng industriya ay
buhat sa agrikultura.

3. NAGPAPASOK NG DOLYAR SA BANSA May mga produktong agricultural ang pinagkakakitaan ng ating bansa.

4. NAGBIBIGAY NG HANAPBUHAY Nagbibigay ng maraming trabaho ang agrikultura.

MGA SULIRANING KINAHAHARAP NG AGRIKULTURA

1. KAKULANGAN NG SAPAT NA IMPRASTRUKTURA AT PUHUNAN. Dahil ditto nagiging mabagal ang pag-unlad ng
agrikultura. Maraming produktong agrikultura ang nasisira, nabubulok at nalalanta kagaya ng prutas at gulay dahil sa
kawalan ng mapag-iimbakan.

2. PAGDAGSA NG DAYUHANG PRODUKTO Ang globalisasyon at liberalisasyon ang mga dahilan ng pagdagsa ng mga
dayuhang produkto sa ating pamilihan, kung kaya nagkakaroon ng kakumpetensiya ang ating mga local na produkto.

3. MABABANG PRESYO NG PRODUKTONG AGRIKULTURA Dahil sa pagkakaroon ng kakumpetensiya ay mabibili lamang sa


murang halaga ang local na produkto, kaya hirap ang magsasaka at mangingisda na magkaroon ng sapat na puhunan.

4. KAKULANGAN SA MAKABAGONG KAGAMITAN AT TEKNOLOHIYA Ang mga magsasaka ay patuloy na gumagamit ng


makalumang kagamitansa pagsasaka na nagiging dahilan ng mabagal nilang gawain.

5. IMPLEMENTASYON NG TUNAY NA REPORMA SA LUPA Matagal ng pinapangarap ng mga magsasaka na magkaroon ng


sariling lupain at marami na ring batas ang inaprubahan ukol sa reporma sa lupa ngunit hanggang ngaton ay di nila
madama ang tunay na reporma sa lupa.

6. PAGLAGANAP NG SAKIT NA PESTE Ito ay nagiging dahilan upang masira ang kanilang mga pananim at mamatay ang
mga halagang hayop na nagdudulot upang mawalan sila ng kinikita.

MGA SOLUSYON SA MGA SULIRANIN

Tunay na implementasyon ng reorma sa lupa


Pagtatakda ng tamang presyo sa mga produktong agrikultura
Pagbibigay ng subsidy sa maliliiit na magsasaka
Pagpapatayo ng mga imbakan, irigasyon, tulay at kalsada
Pagbibigay ng impormasyon at pagtuturo sa mga magsasaka ukol sa paggamit ng makabagong teknolohiya
Pagtatatag ng kooperatiba at bangko rural na magpapautang sa mga magsasaka at mangingisda
Paghihigpit sa mga dayuhang produktong agricultural na pumapasok sa bansa
Mga Patakaran at Programang Pangkaunlaran sa Sektor ng Agrikultura
Sa kalagayan ng agrikultura sa ngayon makikita natin ang mga problemang kinakaharap nito at ng mga
mamamayang umaasa ditto. Ang mga problemang bunga ng nakaraan at kasalaukuyang desisyong ginawa ng
mga namumuno sa bayan, ganundin ng mga mapang-abuso sa likas na yaman kung kaya maraming batas at
programa ang ginawa ng pamahalaan upang mapalakas ang sektor ng agrikultura. Kailangang mapag-ibayo ang
implementasyon ng mga batas at programa para makasiguro na maging maayos ang sektor ng agrikultura.
MGA BATAS TUNGKOL SA SEKTOR NG AGRIKULTURA

MGA BATAS TUNGKOL SA LUPA


1. Land Registration Ito ay sistemang Torrens sa panahon ng pananakop ng mga
Act ng 1902 Amerikano na kung saan ang mga titulo ng lupa ay ipinatalang
lahat. Ang TORRENS TITLE ang nagbigay daan para agawin ang mga
lupang matagal ng binubungkal ng mga magsasaka nang walang
titulo.
Nakapaloob dito ang pamamahagi ng mga lupaing
2. Public Land pampublilko sa mga pamilya na nagbubungkal ng lupa. Ang bawat
Act ng 1902 pamilya ay maaaring magmay-ari ng hindi hihigit sa 16 na ektarya
ng lupain.
Nakapaloob dito ang pagtatatag sa National Resettlement
and Rehabilitation Administration (NARRA) na pangunahing
3. Batas Republika nangangasiwa sa pamamahagi ng mga lupain para sa mga
Bilang 1160 rebeldeng nagbalik loob sa pamahalaan. Kasama rin sa mga
binibigyan nila ay ang mga pamilyang walang lupa. Ito ay sa ilalim
ng administrasyon ng dating Pangulong Ramon Magsaysay.
4. Batas Ito ay batas na nagbibigay-proteksiyon laban sa
Republika Blg. pangaabuso, pagsasamantala, at pandaraya ng mga may-ari ng lupa
1190 ng 1954 sa mga manggagawa.
Ito ay simula ng isang malawakang reporma sa lupa na
nilagdaan ng dating Pangulong Diosdado Macapagal noong ika-8 ng
Agosto 1963. Ayon sa batas na ito, ang mga nagbubungkal ng lupa
ang itinuturing na tunay na may-ari nito. Kabilang din sa inalis ng
5. Agricultural Land
batas ang sistemang kasama. Ang pagbili ng pamahalaan sa mga
Reform Code
lupang tinatamnan ng mga magsasaka ay sinimulan. Ang mga
lupang ito ay muling ipinagbili sa mga magsasaka sa paraang
hulugan at katulad ng presyong ibinayad ng pamahalaan sa may-ari
ng lupa.
Itinadhana ng kautusan na isailalim sa reporma sa lupa ang
6. Atas ng Pangulo buong Pilipinas noong panahon ni dating Pangulong Marcos.
Blg. 2 ng 1972
Kaalinsabay ng Atas ng Pangulo Blg. 2 ay ipinatutupad ang
batas na ito na sinasabing magpapalaya sa mga magsasaka sa
tanikala ng kahirapan at paglilipat sa kanila ng pagmamay-ari ng
lupang sinasaka. Sinakop nito ang lahat ng lupa na tinatamnan ng
7. Atas ng Pangulo palay at mais. Hindi kasama rito ang malalawak na lupain na
Blg. 27 tinatamnan ng niyog, tubo, pinya, at iba pang pananim.
Ang mga magsasaka ay binigyan ng pagkakataong magmay-
ari ng limang ektarya ng lupa kung walang patubig at tatlong
ektaryang lupa kapag may patubig. Ito ay kanilang bubungkalin.

Kilala sa tawag na Comprehensive Agrarian Reform


Law (CARL) na inaprobahan ni dating Pangulong Corazon Aquino
noong ika-10 ng Hunyo, 1988. Ipinasailalim ng batas na ito ang
lahat ng publiko at pribadong lupang agrikultural. Ito ay
nakapaloob sa Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP).
Ipinamamahagi ng batas ang lahat ng lupang agrikultural
anoman ang tanim nito sa mga walang lupang magsasaka. May
hangganan ang matitirang lupa sa mga may-ari ng lupa. Sila ay
makapagtitira ng di hihigit sa limang ektarya ng lupa. Ang bawat
anak ng may-ari ay bibigyan ng tatlong ektarya ng lupa kung sila
mismo ang magsasaka nito.
Ang pamamahagi ng lupa ay isasagawa sa loob ng 10 taon.
Hindi sakop ng CARP ang ginagamit bilang:
- liwasan at parke
8. Batas - mga gubat at reforestration area
Republika Blg. - mga palaisdaan
6657 ng 1988 - tanggulang pambansa
- paaralan
- simbahan
- sementeryo
- templo
- watershed, at iba pa
Ang pagbabayad sa lupa ng pamahalaan sa mga may-ari
ay isinasagawa sa ibat ibang paraan. Maaaring magbayad ng
salapi ng ilang porsiyento at ang ilang bahagi ay sa panagot o
bonds ng pamahalaan. Ang lupaing higit sa 50 ektarya ay
binabayaran ng 25% na salapi at 75% ay panagot o bonds ng
pamahalaan. Ang 24-50 ektarya ng lupa ay 30% ng salapi. Ang
natitirang bahagi ay bonds ng pamahalaan. Isa pang paraan ay
pagbibigay ng kredito sa buwis na binabayaran ng may-ari ng lupa.

PAGSASAKA/PAGTATANIM
Batay sa CARP 2003, patuloy na isinasagawa ang sumusunod upang
maikatuparan ang nais ng pamahalaan na maiangat ang kalagayang
pangkabuhayan ng mga magsasaka:
- Pagtatayo ng bahay-ugnayan para sa mga magsasaka upang masigurong
mayroon suportang maibibigay sa kanila;
- Pagtatayo ng gulayan para sa mga magsasaka;
- Pagsisiguro na ang mga anak ng mga magsasaka ay makapag-aaral kaya itinayo
ang Pangulong Diosdado MacapagalAgrarian Reform Scholarship Program; at
- KALAHI agrarian reform zones.
Ang lahat ng mga programa/gawain ay isinaisip at isinulong upang matiyak
ang kaayusan ng mga magsasakang tumanggap ng mga lupa sa pamamagitan ng
reporma sa lupa.

PANGINGISDA
Pagtatayo ng mga Philippine Fisheries Fishery research. Ang
daungan. Upang higit na Code of 1998. Ito ang pananaliksik at pagtingin sa
mapadali ang pagdadala sa itinadhana ng potensiyal ng teknolohiya
mga huling isda sa pamilihan pamahalaan na tulad ng aquaculture marine
o tahanan, nagsisilbing sentro naglilimita at resources development, at
o bagsakan ng mga ito ang naglalayon ng wastong post-harvest technology ay
mga daungan. Dahil dito, paggamit sa yamang patuloy na ginagawa upang
nagiging mas madali para sa pangisdaan ng masiguro ang pagpaparami
mga mamamayang maabot Pilipinas. at pagpapayaman sa mga
ang mga produkto mula sa yamang-tubig.
mga ito.

PAGTOTROSO
Community Livelihood National Integrated Sustainable Forest
Assistance Program Protected Areas Management Strategy
(CLASP) paglilipat System (NIPAS) ito ito ay pamaraan upang
teknolohiya o pagtuturo sa ay programa na ang matakdaan ang
mga mamamayan ng wastong pangunahing layunin permanente at sukat ng
paglinang sa mga likas na ay maingatan at kagubatan. Ito ay
yaman ng bansa. Halimbawa, protektahan ang estratehiya ng pamahalaan
upang maiwasan ang
ang mangrove farming sa kagubatan. Ito ay
Bohol, plantasyon ng paraan upang suliranin ng squatting,
kawayan sa La Union, at mailigtas ang mga huwad at ilegal na
plantasyon ng mga halamang hayop at pananim dito. pagpapatitulo ng lupa at
medisinal sa Penablanca, pagpapalit ng gamit sa
Cagayan. lupa.

Habang lumilipas ang panahon, makikita natin na lumiliit ang kita ng sektor ng agrikultura dahil sa
kinakaharap na mga problema nito. Madalas nating mabalitaan ang pag-aangkat ng mga produktong
agrikultura tulad ng bigas sa ibang bansa. Kaya mahalaga ang papel ng ating pamahalaan upang mapaganda
nito ang sektor ng agrikultura. Maaari nitong maging bigyan ng pansin o gawing priority ang pagpapatatag sa
isang sektor. Ang maling desisyon at priority ng gobyerno ay maaaring magbigay ng epekto sa takdang
kakayahan ng isang sektor. Ang mamamayan din ay may kritikal na responsibilidad bilang kumukunsumo ng
likas na yaman. Dapat na sila ang unang nag-iingat sa yamang ito upang magkaroon pa ng magagamit ang
susunod na henerasyon.,

Das könnte Ihnen auch gefallen