Sie sind auf Seite 1von 1

ILOILO KING OF GLORY CHRISTIAN ACADEMY INC.

Villa Paterna Subdivision, Canoan, Estancia, Iloilo


IKAAPAT NA BUWANANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 7
I. PAGKILALA
A. Kilalanin kung sino ang tinutukoy ng mga sumusunod na aytem. Isulat ang iyong sagot sa puwang na
inilaan bago ang numero.
1.Kilala bilang diyos ng kasamaan at kadiliman ng mga Persian
2.Kilala bilang diyos ng katotohanan ng mga Persian
3.Pinayagan nya ang mga Jew na muling magtayo na panibagong templo at pader sa Jesusalem
4.Kinikilalang bilang pinakakamakapangyarihang imperyo ng sinaunag kabihasnan
5.Sila ay naging mga manggagawa at bihasang manlalayag na nakipagpalitan ng mga produkto sa
ibang lupain
6. Rebeldeng gobernador ng Babylonia
7. Siya ang pumalit sa kanyang amang si Darius the Great bilang pinuno ng mga Persian
8. Sila ay umokupa sa teritoryong kilala sa kasalukuyan bilang Lebanon at Syria.
9. Itininatag nya ang Zoroastrianismo
10. Siya ang nagpasimula sa paggamit na salaping barya o coinage
11. Mga gobernador na namahala sa mga lalawigan ng imperyo sa panahon ni Darius the great
12. Sila ay pinamunuan ni Abraham, ang tradisyunal na tagapagtatag ng Israel
13. Sya ay naging mapagparaya sa sa usaping relihiyon
14. Kauna-unahang dakilang mandirigma na mga Assyrian
15. Sya ang unang namuno sa mga Persian
B. Kilalanin kung ano ang tinutukoy ng mga sumusunod na aytem. Isulat ang iyong sagot sa puwang na
inilaan bago ang numero.
1. Ano ang pinakamahalagang kontribusyon ng mga Phoenician sa kabihasnan?
2. Saang lugar sa Egypt nanirahan ang mga Hebrew?
3. Ano ang katangi-tanging likas na yaman ng mga Phoenician?
4. Saan pinayagan ni Darius ang mga Jew na muling magtayo ng panibagong templo at pader
5. Saan nagmula ang paniniwala sa iisang diyos?
6. Ano ang tawag sa paglikas ng mga Hebrew mula sa Egypt?
7. Anong lupain ang nagsisilbing tulay sa pagitan ng Asya, Africa at Mediterranean Sea?
8. Saan ibinigay ng Diyos ang kanyang sampung utos kay Moses?
9. Ang Persia ay kilala bilang anong bansa sa kasalukuyan?
10. Saan dinala ng mga Chaldean ang mga Jew na ginawa nilang alipin?
II. TAMA O MALI
Basahin at unawain ang mga sumusunod na mga pahayag at isulat ang T kung ito ay tama at kung ang
pahayag ay mali palitan ang salitang may salungguhit para ito ay maging tama. Isulat ang iyong sagot sa patlang bago
ang numero.

1. Ang mga HITTITE ang kauna-unahang pangkat ng mga taong gumawa na babasaging bote.
2. Kinikilala si ASSURBANIPAL bilang malupit at marahas ngunit napakahusay na administrador.
3. Ang kultura ng mga PERSIAN ay pinaghalong kultura ng mga Sumerian at Babylonian.
4. Sa mga HEBREW nagmula ang monotheism.
5. Si DARIUS THE GREAT ay unang namuno sa mga Persians.
6. Ang NINEVEH na kabisera ng imperyong Assyrian ay kilala bilang simbolo na kalupitan at katayugan ng
mga Assyrian.
7. Sa pamumuno ni NABOPOLASAR, nilusob ng mga Chaldean ang Jerusalem.
8. Ang mga PHOENICIAN ay tinaguriang stargazers of Babylon.
9. Ang mga PALESTINIAN ay kilala bilang mga nomad o gala.
10. Ang mga ASSYRIAN ay kabilang sa mga nadayuhang semitikong pangkat sa ilog-lambak ng Tigris at
Euphrates.

Das könnte Ihnen auch gefallen