Sie sind auf Seite 1von 3

45-day gun ban ng PNP ipapatupad

MANILA, Philippines Muling magpapatupad ng gun ban ang Philippine National Police
para sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Oktubre 28.

Magsisimula ang 45-araw na gun ban sa Setyembre 28 hanggang Nobyembre 12, o 30


bago ang araw ng eleksyon at 15 araw matapos ito.

Inilabas ni PNP chief Director General Alan Purisima ang memorandum circular No. 32
or SAFE 2013-ALPHA ngayong Miyerkules kung saan layunin nitong makipagtulungan
sa Armed Forces of the Philippines sa pamamagitan ng Joint Peace and Security
Coordinating Center.

Sinabi naman ni Deputy Director General Felipe Rojas, National Task Force SAFE
2013-Alpha Commander at PNP Deputy Chief for Operations, na makakalusot sa gun
ban ang mga kumuha ng permit para sa Mayo 2013 national elections.

Nagpatupad ang Commission on Elections noon ng gun ban na tumagal ng limang


buwan mula Enero 13 hanggang Hunyo 11.

Umabot sa 3,684 na katao ang nahuling lumabag sa gun ban, kabilang ang ilang nasa
serbisyo

Binay pinatanggal ang P200M budget sa


2014
MANILA, Philippines - Hiniling ni bise-presidente Jejomar Binay sa Kongreso na
tanggalin na ang kanyang P200-million social services fund para sa 2014 national
budget.

Sinabi ni Binay na ayaw lamang niyang makuwestiyon pa ang pondo sa kanyang


opisina, kasunod ang pagputok ng isyu ng pork barrel scam.

"Pormal kong hinihiling na tanggalin sa 2014 budget ng tanggapan ng Pangalawang


Pangulo ang P200 million na nakalaan sa locally funded projects," pahayag ni Binay
ngayong Miyerkules.

"Nagdesisyon ako kahit hindi pa man sinasabi ng kinauukulan kung ano ang katangian
ng pondong ito, para maiwasan ang ispekulasyon at pamumulitika sa usaping ito,"
dagdag niya.

Sa pagtanggal ng kanyang pondo ay alam ni Binay na maapektuhan ang kanyang mga


programa, scholarships, tulong medikal, at iba pa.

Iginiit din ng bise-presidente na walang anomalya sa kanyang pondo, patunay dito ang
pagsisiyasat ng Commission on Audit (COA).

"Hindi lamang pasado ito sa COA, kundi pinapurihan pa kami, bilang pagkilala sa
hayag at masinop na paggamit ng aking tanggapan sa nasabing pondo, at ang
benepisyo na natatamasa ng ating mga kababayan," sabi ni Binay.
Samantala, pinaninindigan pa rin ng Palasyo na dapat manatili ang Malampaya funds ni
Pangulong Benigno Aquino III.

Iginiit ng Palasyo na iba ang pondo ng Pangulo sa pork barrel ng mga kongresista.

Kahapon ay naglabas ng temporary restraining order ang Korte Suprema upang ipatigil
ang paglabas ng nalalabing pondo ng 2013 budget.

Lumagda ang lahat ng hukom sa TRO na magpipigil sa paglabas ng pondo, kabilang


ang Malampaya Funds ng Pangulo.

Itinakda ng Korte Suprema ang oral argument sa Oktubre 8.

Inilabas ang TRO sa kasagsagan ng isyu ng pork barrel scam, kung saan ang
negosyanteng si Janet Lim-Napoles ang umanoy utak sa likod ng pangungurakot ng
mga mambabatas.

Aquino hindi kilala si Napoles bago ang


'pork scam'
MANILA, Philippines Sigurado si Pangulong Benigno Aquino III na hindi niya kilala
ang umanoy mastermind sa pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles bago pumutok
ang kontrobersyal na isyu.

Sinabi ni Aquino sa press briefing ng 7th ASEAN Navy Chiefs' Meeting sa Makati City
ngayong Martes na hindi pamilyar ang itsura ni Napoles bago ito sumuko sakanya
nitong nakaraang buwan.

"I was trying to look at her and I don't remember her," komento ni Aquino.

"I'm normally very good with faces... she doesn't look familiar or whatsoever," dagdag
ng Pangulo. "I cant even say I ever said 'hi' to her."

Natanong si Aquino kung kilala niya si Napoles matapos lumabas ang mga larawan ng
kanyang kapartido at Senate President Franklin Drilon na kasama ang negosyante sa
isang salu-salo.

Nagpaliwanag si Drilon ngayong araw at iginiit na wala siyang inilaang parte ng


kanyang pork barrel sa mga kuwestiyonableng nongovernment organization ni Napoles

"There is a clear effort to implicate me as guilty by association with the picture shown
last night on television," sabi ni Drilon.

Paliwanag ng Senate President na nakasama niya sa mga social gathering si Napoles.

"Puwedeng mayroon pang lalabas ng ibang pictures kasi nakikita ko rin siya sa ibang
social gatherings," ani Drilon. "But you know, kami naman mga politico ay marami nag
papapicture sa amin... And I did not know the business of Ms. Napoles when all of these
were happening."
Matapos magtago dahil sa kasong serious illegal detention na inihain ng pork barrel
scam whistleblower na si Benhur Luy, kusang lumutang si Napoles sa Palasyo noong
Agosoto 28.

Kasalukuyang nakapiit si Napoles sa Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa, Laguna at


nakatakdang basahan ng sakdal sa Setyembre 23.

Das könnte Ihnen auch gefallen