Beruflich Dokumente
Kultur Dokumente
-1990-
CAST:
Gianni Marie Atienza Luzviminda Esperanza aka Luz 60 years old Unemployed
Marcel Andres Ricardo Esperanza aka Cardo 35 years old Junk shop manager
Jasper Pancho Juliano Esperanza aka Julio 30 years old Assistant Editorial Chief
Birthday mo na po pala next month! Sana naman mabuo na tayo ngayong birthday mo. Alam
ko magiging masaya ka nun, na magiging kumpleto na ulit kaming magkakapatid at makikita ko na
yung ngiting matagal ko nang hindi nakikita sayo.
Papasok si Cardo
Tatalikod si Cardo
Cardo: Oh bakit?
Karen: Naalala ko, birthday na ni Mama next month. Naisip ko na sana magkasama-sama man lang tay --
interrupted
Scene 2: Sala
Luz: Oh, Cardo, nak! Oh yung mga kalakal daw ni Mang Hernan kunin mo na daw kaagad.
Luz: Ha? Hindi nak, kakakita ko lang sa kanya kanina. Binanggit niya pa nga sakin na nanalo ang tatay mo sa
sabong.
Cardo: Ah sige Nay kukunin ko po, dito ka na lang po muna sa kwarto ni Karen, dadalhan kita doon ng
meryenda. Punta sa kwarto ni Karen
Luz: Sinusuklayan ang buhok ni Karen Ang ganda ganda talaga ng anak ko, manang mana sakin. Siguradong
maraming manliligaw sayo kapag naging dalaga ka na.
Luz: Hay nako Cora! Nung kasing-edad mo ako, ang daming nagkakandarapa sa akin. tawa
Karen: Nay, hindi po ako si Cora. Si Karen po ito, yung pinakamaganda niyong anak, mas maganda pa kay ate
Cora.
Darating si Cardo
Cardo: Anong pinag-uusapan niyo? Parang nagkakasiyahan kayo diyan ah! Sali naman ako oh.
Cardo: Bakit ko sila tatawagan? Masaya naman kami ditokahit kaming apat lang.(lakad lakad lakad) Tatawagan
ko ba sila?(lakad lakad lakad)Hindi lang isa, hindi lang dalawa kundi maraming beses ko na silang
kinausap na umuwi na dito sa Pinas. (lakad lakad lakad) Magkakaroon ba sila ng pake kung tatawagan
ko sila ngayon?
CLOSE CURTAINS
Ngayon, nag talumpati ako sa paaralan. Nakita ako ni Maam Buco, sinabihan niya ako na
paheras pala kami ng hilig ni Ate Cora, namana siguro namin yun sayo, ang galing galing mo talaga.
Maganda ka na, may talent ka pa!
Papasok si Cardo
Karen: Luh Kuya! Anong pinag-iisip mo diyan? *tawa* Teka nga pala, nakausap mo na ba sila ate Cora at kuya
Julio?Sa susunod na buwan na yung birthday ni Nanay sana man lang makapunta na sila ngayong taon.
OPEN CURTAINS.
Scene 6: Conversation
Cora: Pero kasi wala naman ginawang masama sayo si kuya Cardo. Di mo ba naalala na siya nag paaral sayo?
Julio: Oo nga, pero sino ba nagbubuhay sa kanila ngayon? Kung wala yung pera ko, wala silang kakainin.
Mapapakain ba sila ng junkshop niya?!
CLOSE CURTAINS.
Dodoy: Sumisinghot-singhot.
LIGHTS OFF.
OPEN CURTAINS
Julio: Nakaupo habang nag-aantay kay Cora. Mag-impake ka na, uuwi na tayo bukas.
CLOSE CURTAINS.
OPEN CURTAINS.
Dodoy: Kinakalabit si Karen. Uy uy, ano ginagawa mo? (Sabay kuha ng notebook at tinaas ang kamay)
Karen: Kuya ano baaaa, pa-epal ka eh! Nagsusulat akooo, balik mo yan!!!
Karen: Naaay, si kuya Dodoy oh!! Sabay hablot ng notebook at tumakbo sa pintuan para buksan.
Pagbukas ng pinto:
Cardo: Enter at kukunin ang bagahe. Oh, buti nakauwi kayo nang ligtas.
CLOSE CURTAINS.
Noong nakaraang Sabado, bumalik galing Amerika sila ate at kuya. Hindi man ganun kalapit
ang loob namin, pero iba ang saya nito sa akin. Iba pala pag buo ang pamilya, pero hindi ko
maintindihan kung bakit parang may mali. Ano kaya yun? Bakit parang hindi ko pa rin maramdaman
na kumpleto kami?
Julio: Sabi ko naman kasi sayo, ibenta mo na yang junk shop mong bulok! Kailan ba kasi naging uso ang
gawing koleksyon ang basura? Wala yang kwenta! Tignan mo nasugat pa ako! Paano kung nakita to sa
trabaho ko? Ano na lang sasabihin ng mga kasama ko?
Cardo: Pasensya ka na sa mga basura kong nagkalat pero sana malaman mo na itong mga basurang to ang
nagpaaral sayo. Basurero man ako sa paningin mo mas basura naman yang pagkatao mo. WALANG
UTANG NA LOOB!
Julio: Utang na loob? Bakit hiningi ko ba sayo na gawin yon? Ganun ba ako kaawa awa sa paningin mo? Diba
ginawa mo lang naman yon para magmagaling nanaman kay mama? Masyado kang papansin. Imbes na
junkshop bat hindi ka magtayo ng Jollibee para bida ang saya tutal masyado kang bida bida.
Cora: TUMIGIL NA KAYO! Minsan na nga lang tayong magsama sama tapos ganito pa ang mangyayari?
Dodoy: Oh? Tapos na? Yun na yun? Sisinghot singhot at biglang tatawa
Dodoy: Sinong adik? Titingin tingin sa side. Adik ka rin? Tanong kay Julio
Luz: Bakit ang ingay? Bakit kayo nag-aaway? Wala dapat mag-away. Dapat bati-bati lang. Parang bata kung
magsassalita at biglang iiyak.
Cardo: Nay, hindi kami nag-aaway. Ginagaya lang naming ang nakita naming sa palabas. Ang galing ba namin
nay?
Luz: Titingin kay Cardo at ngingiti Ayyyy, ang galing niyo naman. Sabay papalakpak.
CLOSE CURTAIN
Lumipas ang dalawang linggo ng hindi nagpapansinan sina kuya Cardo, kuya Julio, at Ate Cora.
Si Kuya Dodoy naman ay bihira na lamang na umuwi dito sa bahay. Naging mas tahimik pa kaysa sa
bahay ng mga kwago ang aming tahanan.
Malapit na ang birthday mo nanay, sana man lang ay magkabati bati sila kahit man lamang sa
iyong kaarawan.
Cora: Ang laki-laki mo na. Parang yung huli kitang nakita baby ka pa lang. Ngayon kamukha mo na ako. Gusto
ko pag nagkaaanak ako,ikaw.
Lalabas ng pinto
Karen: Nay, ako uli ang magiging pambato ng aming schoolsa talumpatian.
Luz: Matutuwa. WOW! Ang galing galing talaga ng anak kong si Cora. Nakatingin kay Karen manang mana ka
talaga sa akin. Naalala ko tuloy noong kabataan ko nabighani sa akin ang tatay ninyo dahil sa
interrupted
Julio: So, ano gusto niyo mangyari sa birthday niyo? Gusto mo bang maghanda? Magpapapyesta ba tayo?
Name it.
Cora: Kuya
Cardo: Bakit ka ganyan magsalita? Nasa harap tayo ng hapag kainan, igalang mo naman.
Luz: Naguguluhan sa mga nangyayari, sabay takip sa tenga. Ang ingay *low tone* ang ingay *average tone*
ang ingay, ang ingay *high tone* ingaayyy *very high tone*
Karen: Naluluha at pasigaw na nagsalita Ano ba! Titigil ang lahat DI NINYO NA IGINALANG SI NANAY! Noong
wala kayo ang tahimik tahimik ng bahay nato, pero nung simula nang dumating kayo naging parang
perya na tong bahay! Akala ko sa pagdating ninyo magiging mas masaya ang pamilya na to pero hindi
pala. Sana di na lang kayo dumating. Aalalayan sa pagtayo si nanay at aalis sa hapag kainan.
CLOSE CURTAINS
Cardo: Naiiyak na nagsalita. Julio, Cora, bakit tayo nagkaganito? Anong nangyari? Alam ko, di ako
nakapagtapos ng pag-aaral pero sana, sana irespeto ninyo ako bilang kuya ninyo. Alam kong may
hinanakit kayo sa akin, ramdam ko yun. Pero sana man lang maintindihan niyo din ako bilang kuya
ninyo. Ginawa ko ang lahat para maitaguyod ang pamilya natin. Pinipilit ko naman kayong intindihin
ngunit bakit parang kayo mismo ang lumalayo. Ayoko na nagkakaganito tayo
Julio: Hindi mo kasi kami maiintindihan. Kahit kailan hindi mo kami maiintindihan. Ikaw na perfect na anak ni
mama. Ikaw na kahit anong gawin ay hindi magiging mali. Lahat ng gusto mo, sinusuportahan ka ni
Mama, kahit anong gawin mo, na sayo ang tiwala ni mama, kami, sunod lang nang sunod sa sinasabi
nila. Wala na ba kaming karapatan sumaya? Si papa lang naman ang nakakaintindi sa amin.
Cardo: Alam mong hindi totoo yan. Alam mong sa lahat ng ginagawa ko ay para sa inyong lahat. Madami akong
pangarap sa buhay, oo, pero ang buhay ninyo ay mas mahalaga pa kaysa sakin. Iisa lang naman ang
hiling ko sa pamilya natin, ang maging panatag tayo!
Sisilip si Karen
Julio: Bakit? Sino ba nagsabing iwanan mo ang mga pangarap mo para samin? Bakit mo kasi iniiisip na di
namin kayang abutin ang mga pangarap namin kung wala ang tulong mo? Choice mo naman yun eh,
bakit mo sinusumbat samin?
Cardo: Kailangan ko bang mamili kung ang tungkulin ko ay buhayin ang pamilyang to?! Tinutulungan ko kayo
dahil gusto kong mapaunlad ang bawat isa sa atin at dahil mahal ko ang pamilyang to.
Cora: Pwede bang tumigil na kayong dalawa! Kuya tingin kay Cardo nagpapasalamat ako dahil tinulungan mo
kami. Tingin kay Julio Hindi ka pa ba nagsasawa kuya na magalit sa mundo? Hindi ba pwedeng maging
isang tahimik na tayong pamilya?
Karen: Kuya, Ate please, tama na po Naiiisip ninyo po ba si nanay? Yung kondisyon niya? Sana marunong pa
po kayong umintindi, sana marunong pa kayong mahabag. Hindi po ba dapat nagtutulungan ang
magkakapatid? Nag-uunawaan at inaalagaan ang bawat isa? Bakit puro away na lang ang inaatupag
ninyo? Di po ba kayo nagsasawa? Sana itigil ninyo na po ito, natutulog na din si nanay. Intindihin ninyo
naman yung matanda.
Cardo: Hindi ba kayo nahihiya sa bata? Bata pa ang nag-sasaway sa atin? Walk out.
Cora: Kuya Julio, sana ngayon lumambot na yang puso mo. Walk out.
Julio: Kausap ang sarili. Bakit ako pa ang nagmukhang masama? Anong ginawa ko? Ano?! (Sabay iiyak) Sila pa
ang walang utang na loob.
Julio: Kausap ang sarili. Kuya Cardo, patawarin mo ko sa lahat ng ginawa ko, naging isip bata ako sa mga kilos
at desisyon ko. (Humahagulgol) Patawarin mo ako, Cora. Naging sunud-sunuran ka simula nang dinala
kita sa Amerika, sana naintindihan mo si kuya mo. Patawarin ninyo ako.
CLOSE CURTAIN
Kaloy chillin
Lalapit sa halaman
Dodoy: Halaman secret lang natin ha. Kinakalabit yung halaman. Alam mo ayokong umuwi Madaming adik sa
bahay e.yung isa nagiipon ng basura yung isa naman basura yung ugali, si Karen lang yung dahilan bat
umuuwi pa ako e.Sya lang di adik sa bahay. Pause ng bahagya.
Pero alam mo pareng halaman madaming sikreto yung pamilya namin, parang telenobela boi. Shhh wag
ka maingay baka marinig ka nila.alam mo si Karen,nakakaawa talaga yung batang iyon he he he muntik
nan yang di makita ang mga ulap at ang araw pano ba naman yung nanay nya bata palang nabuntis na
kung di banaman adik he he buti nalang pinigilan ni kuya Cardo. (Aakbayan yung halaman.) Wag mo
kwekwento sa mga mokong na to.( Ituturo niya ang tatlo niyang kaibigan)
Gener: Anong tinuturo-turo mo diyan? (Habang naglalaro ng appear-disappear kay Kaloy)
CLOSE CURTAINS
Cora: Ang laki laki na talaga ng anak ko. Magiging malungkot ang boses Pero sa loob ng maraming taon di ko
man lang naparamdam sa kanya ang kalinga ng isang ina. Ngayon, sasabihin ko na sa kanya ang lahat.
Cardo: Cora, alam kong sabik na sabik ka ng sabihin sa kanya ang lahat, pero sa tingin mo kaya maiintindihan
niya na ngayon ang mga bagay bagay? Ang dahilan natin kung bakit natin ito isinikreto sa kanya?
Cora: Kuya hindi ba ito na ang tamang panahon? Kailan ko pa aaminin sa kanya? Mangingild ang luha Alam
mo kuya kung gaano ako kasabik na matawag niyang mama.
Cardo: Alam ko yun. Pero humanap tayo ng magandang tsempo. Kakatapos lang ng problema nating
magkakapatid. Nasaksihan niya lahat ng mga pangyayari. Sa tingin mo ba handa siya na marinig yan? Masasaktan siya sa
mga maririnig niya, at alam ko naming ayaw mo yung mangyari sa kanya.
Cora: Pero kuya. Mapapabuntong hininga O sige, wag na muna ngayon. Pero kapag nakahanap na ako ng
magandang tsempo, sasabihin ko na sa kanya, di mo na ako mapipigilan.
FREEZE
CLOSE CURTAIN
Alam mo nay, nagkaayos na sila kuya Cardo, kuya Julio at Ate Cora. Akala ko noong umuwi sila
ay yun na yung kakaibang saya na ngayon ko lang mararamdaman pero nagkamali ako. Ngayon, eto
ang masasasabi kong saya na dulot ng isang pamilya. Nakita ko silang wasak at nakita ko din kung
paano sila muling nabuo. Nanay, happy 60th birthday, napakagandang regalo sayo nito, ang
makasama kaming buong pamilya mo sa espesyal na araw mo.
OPEN CURTAINS
Extra: Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday happy birthday, happy birthday to you.
*clap clap*
Dodoy: Happy birthdaaaay nanay, happy birthdaaaay nanay, happy birthday, happy birthday, happy birthday
nanay kong maganda happy birthdaaaay nanay.
SOUNDS: CLAAAAAAAP
Silence
Dodoy: Titignan ang mga guests. Shhhhh Alam ko ang mga pinag-uusapan niyoooo.
Silence
Kakain sila
CLOSE CURTAINS
Scene 18 Church
First time nating magsisimba ng buong pamilya.Excited na ako dahil ito ang isa sa mga
pinapangarap ni nanay, ang magkasama-sama kami ng masaya at buo.Kaya naman gusto kong sulitin
ang araw na ito
OPEN CURTAINS
Dodoy: Titingin sa side hindi mapakali. Ah, ano may bibilin lang ako may gusto ka ba?
SOUNDS: Applause
Luz: Sino?
Karen: Pag sabay sabay pong nagdarasal ang mga tao. Tapos, iba-iba pa po ang hinihingi natin. Lahat po ba
tayo naririnig niya?
Luz: Kahit yung hindi binibigkas na ating bibig at yung mga lihim na idinadaing ng ating mga puso, nadidinig
niya yun. Kunwari, ikaw. Alam ko na sa paglabas natin sa simbahan, di ba, gusto mo ibili kita ng lobo diba?
Luz: Kasi mahal kita. Kahit hindi mo sabihin sa akin, alam ko kung anong nakakapagpasaya sayo. Ganyan din
ang Diyos. Alam niya kung anong nakakapagpasaya sa atin dahil mahal niya tayo.
Luz: Kung ito ay makakabuti sayo. Pero kung hindi, bakit niya ibibigay? Alam mo, kung minsan, dahil sobra
tayong apurado, akala natin binabaliwala Niya tayo, pero ang totoo, naghihintay lamang Siya ng tamang panahon.
Maliwanag na ba?
SOUND: Gunshot
OPEN CURTAIN
Scene 19 Salas
Cardo: Ma, nasa eskwelahan si Karen mamaya pa sya uuwi. Nakatayo si Karen katabi ni Luz.
CLOSE CURTAIN
OPEN CURTAIN
SOUNDS: Flashback nung mga records sa diary. Mangigilid ang mga luha ni Dodoy
Dodoy: Karen patawarin mo ako. Hindi ako naging mabuting impluwensya sayo. Patawarin mo si Tito kasi
marami syang nilihim sayo. Hindi man ako karapatdapat sa kapatawaran mo sana mapatawad mo parin
ako.
CLOSE CURTAINS