Sie sind auf Seite 1von 1

Hildegard ng Bingen

Iluminasyon mula sa Liber Scivias na pinapakita si Hildegard na tinatanggap ang isang pangitain at dinidikta sa
kanyang tagasulat at sekretarya

Si Hildegard ng Bingen (Aleman: Hildegard von Bingen; Latin: Hildegardis Bingensis; 1098 17
Setyembre 1179), kilala din bilang Banal na Hildegard at Santa Hildegard, ay
isang Alemang pryora, may-akda, konselor, dalubwika, naturalista, siyentipiko, pilisopo, doktor,
hebalista, manunula, bisyonaryo at kompositor. Nahalal siyang isang magistra ng kapwa niyang mga
madre noong 1136, tinatag ang monasteryo sa Rupertsberg noong 1150 at Eibingen noong 1165.
Isa siyang kompositor na may natitira pang talambuhay sa kanyang sariling panahon. Isa sa
kanyang mga gawa, ang Ordo Virtutum, ay isang naunang halimbawa ng dramang pang-liturhiya.[1]
Nagsulat siya ng mga tekstong teolohikal, botanikal at medisinal, at gayon din ang mga sulat,
awiting pang-liturhiya, mga tula at ang unang nakaligtas na teatrong pagganap na tungkol sa
moralidad, at habang pinamamahalaanan ang magaling na maliliit na mga Iluminasyon.

Das könnte Ihnen auch gefallen