You are on page 1of 8

MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGBILI NG MGA KATEGORYANG

GAGAMITIN SA MGA PATIMPALAK

1.PANAHON
1.1 Panahong kakailanganin sa disenimasyon at distribusyon ng memorandum
sa lahat ng mga kinauukulang rehiyon, dibisyon , distrito o paaralan.
kailangang maglaan ng sapat na panahon ang tagapagtaguyod para s
desiminasyon at distribusyon ng menoramdum sa lahat ng mga kinauukulang
rehiyon,dibisyon distrito o paaralan .kinakailangang tiyakinng tagapagtaguyod n
gang lahat ng dapat mapadalhan ng paanyaya o memoramdum ay nakatangap
nito.

BAKIT MAHALAGA NATATAKADAAN NG PANAHON N PAGSASAWA NG


BAWAT PATIMPALAK
Una,upang mai-budget ang ora kung ang itinakda ay isang araw lamang para
sa lahat ng patimpalak . Sa dami ng patimpalak na isasagawa at dapat tapusin
sa loob ng isang araw lamang ,kailangang magkaroon ng pag hahati ng oras sa
bawat gawain upng maiwasan ang pagkaroon ng karagdagan o extension sa
oras at/ o araw ng pagsasagawa.
Ikalawa, Upang hind imaging kabagot-bagot para s mga manonood at/o
tagapakinig.Ang napakahabang pagtatanghal ay nagiging kabag-bagot para
mga manonood.
Ikatlo, sa panig ng mga nagtatanghal o ng mga kaholok ang mahabang oras na
ilalaan para sa pangtatanghal ay maaring mangahulugan para sa kanila ng
pagdaragdag ng mga konsepto.
Ikaapat, ang pagkakaroon ng mahabang oras ng pantatanghal ay
nangangahulugan din ng pagpili ng mahabang piyesa, na magiging dagadag
sauluhin para a mga kahalok.
ikalima, ang mahabang panahon na ilalaan ay maaari sa nang makapagbigay-
daan para sa iba pang mas makabuluhan at/o makahulugan mga patimpalak.

ANO ANG MGA DETALYENG DAPAT TAGLAYIN NG MECHANICS O


TUNTUNIN NG PATIMPALAK:
MGA LAYUNIN
Mga kaalamang nais linangin
Mga kasanayan at kakayahang nais paunlarin
Mga pagtatanghal na dapat ipakita
Mataas na paggamit na wika (Filipino/ English)
Pagkakaroon ng malawak na talasalitan
Pagpapaganap ng wika(Filipino/ English)
2.PAKSA/TEMA
Kaugnayan na pagdiriwang na ginaganap ( hal. Buwan na wika)
3.URI NG PATIMPALAK
Katangian
Limitasyon
Sino ang maaring lumahok
Bilang ng kalahok
takdang haba
Bilang ng:
salita
talata
saknong
Tagal ng pagtalakay
Haba ng pagtatanghal

4.PETS AT TIYAK NA ORAS


Oryentasyon para a mga Gurong Tagapagsanay
Eliminasyon at Pangwakas na patimpalak
cluster/distrito
pansangay
pang-relihiyonal
pambansa

5. VENUE O TAKDANG LUGAR PAGDARAUSAN NG PATIMPALAK.

open spase gymnasium


bulwagang multi-purpose
auditorium
silid awyo-biswal
cultura hall
atbp

6. MGA TAKDANG KAGAMITANG DAPAT/DAPAT DALHIN


HALIMBAWA NG DAPAT DALHIN
ID
LAPTOP
CAMERA
SCHOOL PAPER SAMPLE
CELLPHONES
PAGGAMIT NG APOY
MATITILOS NA BAGAY
PATALIM

7.KASUOTAN.
Filipiniana
School Uniform
at iba pa.
ANG SINING NG MADULANG PAGBASA

Ang Sining ng Madulang Pagbasa ay ang pagsasanib ng mga


elementong teatrekal ay sangkap pamproduksyon sa madadaming pagbasa ng
anumang uri anyo ng Panitikan.

Mapagpakahugan at humihingi ng masusi at mapanuring interpretasyon


ang madulang pagbasa ng isang texto o piyesta .Ang piyesa ay maaring sariling
likha o kayay hinango o hinilaw ng bahagi ng isang tula, dula,kwento , liham,
nobela ,editorial, talumpati,atbp,
Maituturing isang payak ng Madamdaming Pagbasa lamang ang
paglalapat n damdamin sa inig at ekpresyon ng mukha ay inilalangkap sa
pagbabasa ng isang piyesa o texto .Subalit nagiging madula ang isang
madamdaming pagbasa kung itoy nilalagyan nan g kilos ,kumpas ,galaw, at
akmang kortograpi kung hinihingi ng pagkakataon.

Ang isang madulang pagbasa gumagamit ng ibat ibang mga sangkap


pampruduksyong tumutulong sa paghahatid ng mensahe at kaisipang nais
palutangin ng texto .gaya ng paggamit ng props, set piece, costume atbp. Ang
mga sangkap ng teknikal gaya ng tunog musika pag-iilaw ang nagbibigan-
buhay at nakakapagpakahuluga sa madamdaming nais palutangin sa sa
kabuuan ng piyesa o texto.

Tunay ngang napalawak ng nasasaklaw ng madulang pagbasa sangkap


ang lahat o anumang mga uri at anyo ng Panitikan ay maaaringpaghanguan
an piyesa nito. Ang ganitong masining na Gawain ay humahamon sa
kasanayan at kahusayan ng mambabasa sa pagbigkas pagkukwento,
pangganap at malikhaing pagpapakahulugan sa texto sa pamamagitan ng tinig ,
ekspresyon ng mukha, kumpas, galaw, kilos.

MGA PAMANTAYAN:
I.KATAPATAN-----------------------------------------------------------------------------------
20%
Pyesa (15%)
Interpretasyon (15%)
II.HIKAYAT----------------------------------------------------------------------------------------
15%
Kilos ,galaw,kumpas (15%)
Ekspresyon ng mukha (15%)
III. TINIG-------------------------------------------------------------------------------------------
20%
(Lakas,taginting at tono)
IV.SANGKAP PAMPRUDUKSYON/TEKNIKAL----------------------------------------------
-15%
V. BIGKAS/HUSAY SA PAGBASA--------------------------------------------------------------
30%
KABUUAN--------------------------100

ANG PAGSULAT NG SANAYSAY


Ang pagsulat ng snaysay ay isa sa mga karaniwang ginagawang
patimpalak sa ibat ibang pagdiriwang at pagkakataon upang sanayin ang mga
mag-aaral sa paglikha ng isang sulatin.
Sa ganitong patimpalak , ang tagapagtaguy ay nagbibigay ng
isang paksaupang maging tema ng sulatin na gagawin ng mga kalahok na mag-
aaral . Ang tema ay maaring isang sitwasyon o kaganpan o pwedeng isan g
tao o kagamitan na may kaugnayan sa sa pagdiriwang o kaya ay sa pang araw
araw na pamumuhay.

Ang pagsulat ng sanaysay ay nangangailangan ng masusing pag-


iisip. Dapat na isaalang-alangang mga sumusunod:

Tiyakin ang paksang susulatin at kung paano bubuuin ang mga kaisipan.
Piliin ang paksang kawili-wili
Mahusay sa pagkakabuo
Paghahanda ng isang balangkas bago sulatin
Paggamit ng mga salitang may tiyak at malinaw na kahulugan
Ang sanaysay ay isang maikling komposisyon na
kalimitang naglalam ng personal na kuro-kuro ng may-akda higgil sa
isang paksa.

ANG SINING NG PAGSASATAO

Ang Sining ng pagsasatao ay pinaglangkap na konsepto at


kasanaya sa Pagsasalaysay, Pagkukwento. Monolog at Pagsasadula Ito
ay ang masining na pagpakakahulugan at paglalahad ng kahit na annong
akdang pampanitikan na isinalin sa adaptasyong iskrip na
pampagtatanghal ng isang Masining na Pagsasatao.

Kung hindi man adaptasyon mula sa isang akda, Itoy maaaring


isang orihinal na akdang magbibigay ng karakter sa mga bagay na
walang buhay ( inanimate object), o kung may buhay man ay may
kaakaiba o kakatwang sitwasyon kalagayan.

Ang Sining ng Pagsasatao ay halos katulad ng monologo ngunit


ang Pagsasatao ay man higit na gumagamit ng paglalarawang tauhan at
nagtatampok ng isang madula at madamdaming bahagi ng buhay.
Kaiba sa monologo, na maaring payak na pagbibitiw lamang ng
mga linya ng isang tauhan o karakter na bahgi ng ksbuuan ng isang dula,
ang Pagsasatao ay mas humihingi ng malalin na treatment at pagkilala
sa kaligirang pang-sikolohika , sosyo-politikal , moral at sosyo-
emosyonal na aspekto ng inihaharap na karakter o tauhan,

Malalimm ang mga pagkakahulugan. pahiwatig at mga


interpretasyon ng isang piyesa ng Pgsastao .Ang isang inanimate object o
bagay na walang buhay ay maaring pagsalitain at bagay buhay katauhan
at damdamin sa Sining ng pagsasatao.

MGA PAMANTAYAN:
I. TINIG---------------------------------------------------15%
II. BIGKAS-------------------------------------------------20%
III. INTERPRETASYON------------------------------------20%
Kilos,galaw at kumpas.ekpresyon ng mukha ,pagpapkahulugan sa piyesa.
IV. HUSAY SA PAG-ERTE / PAGGANAP-----------------------------25%
V. SANGKAP PAMPRUDUKSYON------------------------------------10%
VI. HIKAYAT SA MADLA------------------------------------------------ 10%
VI.KABUUAN-------------------------------------100%

MGA PAGHAHANDA/HAKBANG SA PAGTUTURO


NG SINING NG PAGKUKWENTO
A. Ang Pamimili NG Piyesa
1. Pumili ng isang piyesang angkop sa okasyon/pagdiriwang( kung
hinihingi ng pahkakataon).Maari di namang isang Kwentong naiibigan
lamang ngunit puno ng postibong kaisipan at halagang pantao.
2. Nararapat isaalang-alang ang uri ng manonood .Ang kwentong pinili
ay nararapat na angkop sa tagapakinig.
3. Ang kwento ay nagtataglay na payak na istrutura lamang ngunit may
mabilis na pagtaas ng antas ng kawilihan. Maikli ngunit malaman
ang mga pahayag . May malnaw na tunggalian at gumagamit na
angkop ng wika sa antas ng tagapakinig.
4. Ang piyesa ay kailangan angkop din sa kakayahan , karanasan at
kawilihan ng tagapagkwento.
5. Higit kaninuman, ang piyesa ay kinakailangang nauunawaan ng
tagapagkwento .Higit na mabibigyan ng lakas ,diin ,bias at damdamin
ang isang piyesa kung itoy abot ng kaalaman ng nagkukwento at tiyak
na itoy magiging isang makulay na bahagi ng kanyang karanasan.

B. Pag-aaralan at Balangkasin Ang Kwento

1. Kontrolin ang talasalitaan at haba ng kwento


2. Tayahin at sukatin ang kahusayan ng piyesa sa maraming paraan
Maraming dahilan kung bakit kailangan ang pagbabagong-anyo ng
isang piyesa-maaring bawasan o dagdagan ang linya/mga linya,
maaring ulitin ang salita / mga salita.
3. Tandaan na sa pagdaragdag , pagbabawas pagsasalin o anumang
transpormasyong isinasagawa .kailangan manatili at manaig nang
buong linaw ang mensahe ng piyesa.

C.BIGYANG PANSIN ANG TINIG, KILOS/GALAE, AT GAGAMITING PROPS/


KASUOTAN.
1. TINIG
Napakahalagang puhunan ng isang tagapagkwento ang kanyang tinig.
May mga katangian ang tinig na maaaring pag-ibaibahin; Bilis ,Diin , Taas o
Baba at ang uri nito. Isinasaalang alang di ang mga uri nito: ang kanyang
lakas o Pwersa, Ang Tempo .Ang Ktaasan, Katinisan, atbp, Ang Paglakas at
Pahina ng tinig ay nayon sa diwa ng kwento.

Dapat nating tandaan na ang binibigyang-din sa paglalapat ng wastong


tinig ay ang damdamin at kaisipan ng kwento. Ang maliwanag na pagbigkas
ng salita ayon sa wastong pagkakapantig-pantig at diing taglay nito at dapat
dig isaalang-alang sa diwa ng kwento.
Ang Sining ng Pagkukwentong ay nangangailangan ng
kahusayan at kasanayan sa pagpapalit-palit ng tinig ,nang naayon sa
karakterisasyong ng m ga tauhang inilalarawan sa kwento.

2. KILOS/GALAW
Mahalaga para sa isang nagkukwentong ang kilos o galaw ito ang
nagbibigay ng bhay at interpretasyon sa kwento, bukod pa sa ekspresyon ng
mukha.
Ang Kilos/ Galaw ang nagbibigay linaw sa mensahe at kaisipan
diwang nais palutangain ng kwento.
Bagaman at tunay na epektibo ang paggamit ng kilos at , galaw, huwag
kaliliutang ang mukha..

MGA PAMANTAYAN SA PAGKUKWENTO


I.TINIG----------------------------------------------------------35%
Lakas at linaw (15%)
Pag-iiba-iba /Pagpapalit ng tinig (20%)
II.PERSONALIDAD/KAKAYAHAN SA PAGKUKWNTO25%
III.PAGBIBIGAY-KAHULUGAN/INTERPRETASYON----30%
IV.HIKAYAT SA MADLA/KAKINTALAN-------------------10%
KABUUAN-----------------100%.

ANG SINING NG ISAHANG PAGBIGKAS


Ang isahang Pagbigkas ay isang masining na pagppahayag ng matayog
at matalinghagang kaisipan at damdamin na naglalarawan sa isang ideyal
na kariktan at/o kagandahn sa pamamagitan ng pagbibigay ng interpretasypn
at pagpapakahulugan sa isang malikhaing tula.
Angkadalasang tinatawag na timpalak ay ang pagbigkas kung nasa
anyong pampaligtasan sa pagbigkas ng tula . ay lubhang napakadali at hindi
kailangan pagukulan ng napkahabang panahon.
Isa rin mahalga sa pagpili ng isang mambibigkas ay ang tindig at tikas
ng pangangatawan .
Ang piyesa ay kinakailangan nauunawaan ang nilalaman ,mensahe
,kaisipan ,talinhaga at pakahulugang napapaloob sa tula . upang hindi
mahirapan sa pagbibigay ng interpretasyon..
hHigit na dapat manaig at malutang ang damdaming mamayani sa
kabuuan ng tula sa pamamagitan ng mahusay na ekspresyon ng mukha at
madamdaming pagbigkas ng tula.
Ang kasuotan ng tema ng tula at sa ginaganap na pagdiriwang sa
pamamaraan ng pagbigkas ng tula .
hindi dapat malikot ang mata ,kinakailangan tumingin sa mga mata ng
mga manonood / tagapakinig upang maipadama ang sinseridad o katapatan
sa pagbigkas ng tula.
Kadalasan, tula ang paggamit na piyesa sa Isahang .Pagbigkas o
Timpalak Bigkasan. Katulad din ng sabayang pagbigkas , ng tuluyan.

MGA PAMANTAYAN
TINIG (lakas at linaw) ------------------------------------------------------------------------20%
TINDIG/TIKAS---------------------------------------------------------------------------------10%
BIGKAS------------------------------------------------------------------------------------------25%
(diin,himig, indayog)
INTERPRETASYON------------------------------------------------------------------------------
25%
(Kilos, galaw at kumpas, pagpapakahulugan at, ekspresyon ng mukha)
PAKAKASAULO NG PIYESA------------------------------------------------------------------
10%
HIKAYAT SA MADLA--------------------------------------------------------------------------
10%
KABUUAN----------------------100%

ANG SINING NG SABAYANG PAGBIGKAS


Ang sabayang pagbigkas ay isang masining na pagpapakahulugan o
interpretasyon sa anumang anyo ng panitikan sa pamamagitan ng sabayang
pagbabasa nang malakas ng isang koro o pangkat.
Ano ang implikasyon ng pakahulugang ito sa Sabayang Pagbigkas? Ito
ay nangangahulugang hindi sapat na mabigkas lamang ang piyesa nang sabay-
sabay. Mas higit ang pangngangailangang mabigyan ng interpretasyon at
pakahulugan ang piyesa sa pamamagitan ng isang masining at malikhaing
pamamaraan na maaaring maglarawan at maglahad sa kung anumang
interpretasyon o pakahulugan ang nais ikapit sa piyesa.
Isang koro o pangkat ang bumibigkas nang malakas. samakatuwid, hindi
maaaring isa, dalawa o tatlong tao lamang ang bibigkas ng pyesang
pansabayang pagbigkas kundi isang koro o pangkat na binubuo ng maraming
tao. maituturing na ideyal na bilang ang dalawamput limang mambibigkas para
sa pagtatanghal ng isang sabayang pagbigkas.
Ang koro ay nagtataglay ng ibat ibang uri ng tinig. pinagsasanib-sanib
ang mga ito nang ayon sa wasto nilang tunog, homig, puwersa at lakas na
siyang nagbibigay ng karitan. sinasabing ang higit na pinakamabisang
pamukaw/panghikayat ng dam\damin ng tao ay yaong nakatitigatig ng lahat ng
pandama nakikita, naririnig at nadarama. Taglay ng sabayang pagbigkas ang
lahat ng sangkap na ito kung kaya mabisa at mabunga ang nagiging epekto nito
sa mga manonood/tagapakinig, gayon din naman sa mga bumubigkas/koro.
(Andrade, 1993)