Sie sind auf Seite 1von 4

IKALAWANG PAMANAHUNANG PAGSUSULIT

Araling Panlipunan 9 - EKONOMIKS

Pangalan____________________________________________ Petsa_______________ Iskor._______________


I-Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at ilagay sa puwang.
b______1. Isa sa mahalagang elemento na sinusuri sa pag-aaral ng microeconomics ay ang konsepto ng Demand na
idinidikta o nagmumula sa mga konsyumer. Alin sa sumusunod ang tamang pagpapakahulugan sa konsepto ng demand?
A. Ito ay tumutukoy sa mga produktong kahalili ng mga pangangailangan ng isang konsyumer.
B. Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto na handa (willing) at kayang (able) bilhin ng mga konsyumer sa iba’t ibang
halaga o presyo.
C. Ito ay tumutukoy sa kabuuang dami ng produkto na mabibili sa bawat presyo kung ang konsyumer ay makakabili
ng lahat ng kanilang pangangailangan.
D. Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto na handa at kayang bilhin ng prodyuser sa iba’t ibang presyo.
b_______2. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na gusto at kayang bilhin ng mga
mamimili sa ibat-ibang presyo sa isang takdang panahon?
A. Supply B. Demand C. Elasticity ng Supply D. Elasticity ng demand
b_______3. Ang grapikong paglalarawan ng iskedyul ng demand.
a. Grap b. Kurba ng demand c. Kurba ng Supply d. Dayagram
c_______4. Ayon sa batas ng Demand, alin sa mga sumusunod na pahayag ang malinaw na
nagpapaliwanag ng ugnayan ng presyo at demand ng mga konsyumer?
A. Kaunti ang mabibli ng konsyumerbkapag mataas ang presyo
B. Maraming mabibili ang konsyumer kapag mataas ang presyo
C. Habang tumataas ang presyo, bumababa ang Quantity Demanded ng mga konsyumer
D. Habang tumataas ang presyo, tumataas ang demand ng mga konsyumer
d_______5. Kapag ang kurba bg demand ay gumagalaw mula itaas, pababa, at pakanan o downward sloping, ito ay
nagpapahiwatig ng _______________________
A. Walang kaugnayan ang demand sa presyo
B. Hindi nagbabago ang presyo ayon sa demand
C. Negatibong ugnayan ng presyo sa dami ng demand
D. Positibong ugnayan ng presyo sa dami ng demand
d_______6. Ang mga sumusunod ay mga salik na nakakaapekto sa demand maliban sa isa. Alin ito?
a. Kita c.Presyo ng magkakaugnay na produkto sa pagkonsumo
b. Panlasa d. Pagbabago sa dami ng nagtitinda
a_______7. Kalakal na bumababa ang demand kasabay ng pagtaas ng kita ng mamimili.
a. Complementay goods b. Substitutes goods c. Inferior goods d. Snob goods
a_______8. Ano ang maaaring mahinuha, kapag ang kurba ng demand gumalaw pakaliwa o pakanan. Anong salik ang
ang nakaapekto ditto?
a. Presyo b. Supply c. Demand d. Iba pang salik liban sa presyo
a_______9. Alin ang nagpapaliwanag kung bakit mahal ang bulaklak sa tuwing sasapit ang Araw ng mga patay?
A. Dahil sa okasyon, tumataas ang demand ng mga konsyumer sa bulaklak na nagreresulta sa pagtaas ng presyo
nito.
B. Dahil sa tuwing sasapit ang Araw ng mga Patay, nagkakasundo na ang mga konsyumer at prodyuser na itaas
ang presyo sapagkat pareho naman silang nakikinabang dito.
C. Tanggap ng mga konsyumer ang pagtaas ng presyo ng bulaklak tuwing sasapit ang Araw ng mga Patay
sapagkat hindi matatawaran ang kapanatagan ng damdamin natatamo ng mga konsyumer sa pag-aalay ng
bulaklak sa kanilang mga mahal sa buhay na namayapa.
D. Tuwing sasapit ang Araw ng mga Patay, itinatago ng mga prodyuser ang panindang bulaklak upang lalong
tumaas ang presyo nito.
b_______10. Ano ang katangian na dapat taglayin ng isang mamimili sa pagtugon sa pagbabago sa mga salik ng
demand?
a. Maging matalino sa paggasta b. Maging mahusay sa pagpili ng bibilhin
c. Maging mahusay sa pagtawad d. Wala sa nabanggit
c_______11. Ang mga sumusunod ay mga katangian na dapat taglayin ng isang matalinong mamimili maliban sa isa.
a. May alternatibo b. Matalino sa paggasta c. Nagpapanic – buying d. Hindi nagpapadala sa anunsyo
b_______12. Kapag may inaasahang pagtaas sa presyo ng mga produkto sa susunod na araw. Ano ang nararapat gawin
mong bilang isang mamimili?
a. Magpanic buying b. Bumili lng ng sapat sa pangangailangan
c. Ipaalam sa mga kapitbahay ang pangyayari
d. Hikayatin ang iba na mamili na habang mababa pa ang presyo
b_______13. Ito ay tumutukoy sa bahagdan ng pagbabago sa dami ng demand at supply batay sa
pagbabago ng presyo.
a. Elasticity b. Supply elasticity c. Demand elasticity d. Wala sa nabanggit
d_______14. Alin sa mga sumusunod na uri ng produkto at serbisyo ang halimbawa ng perfectly
inelastic ang demand?
a. Pagkain/Bigas b. Luho/Gadgets c.Preskripsyon/Gamot d. Elektrisidad
a_______15. Ang perfectly inelastic demand ay mayroong coefficient na Zero, ibig sabihin walang nagaganap na
pagbabago sa quantity demanded kahit pa tumaas ang presyo. Kapag elastic ang demand ang coefficient nito ay
a. < 1 b. >1 c. = d=1
d_______16. Ano ang tawag sa dami ng produkto na handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser?
a. Demand b.Ekwilibryo c. Produksyon d. Supply
b_______17. Ceteris Paribus , ang mababang presyo ng produkto ay ___
a. Nakapagpapababa sa dami ng supply b. Nakapagpapataas sa dami ng supply
c. Walang epekto sa dami ng supply d. Pantay lamang ang dami ng supply sa demand
d______18. Sa tuwing magkakaroon ng mga bagyo inaasahan ang pagkasira ng nmga pananim dahilan para bumaba
ang suplay sa pamilihan. Ano ang maaring mangyari sa supply sa ganitong pangyayari?
a. Magkakapareho lamang b. Dadami ang konsumo
c. Ang supply ay lalong dadami d. Bababa ang suplay: tataas ang presyo
______19. Upang masabing supply, kailangang may kagustuhan at kakayahan na ipagbili ng prodyuser ang isang uri ng
produkto. Halimbawa, may 30,000 lata ng sardinas ang kailangan sa pamilihan. Ayon sa datos, mayroong 10 kompanya
ng sardinas ngunit sa bilang na ito, 6 lamang ang nais gumawa ng kabuuang 20,000 lata ng sardinas kung ipagbibili ito sa
presyong Php10.00. Batay sa pahayag, ilan ang maitatalang supply ng sardinas?
a. 6 b. 20,000 c.10 d. 30,000
_______20. Ang mga sumusunod ay mga salik na nakakaapekto sa supply maliban sa isa.
a. Pagbabago sa teknolohiya b. Ekpektasyon ng mamimili sa presyo
c. Pagbabago sa dami ng nagtitinda d. Halaga ng salik ng produksyon
_______21. Kapag inaasahang tataas ang presyo ng mga podukto sa mga susunod na araw ay nagsasagawa ang ilang
mga prodyuser ng hoarding na nagbubunga ng ________________
a. Pagbaba ng dami ng supply sa pamilihan b. Pagtaas ng dami ng supply sa pamilihan
c. Pagtaas ng dami ng demand sa pamilihan d. Pagbaba ng dami ng demand sa pamilihan
_______22. Kung ang salik na nakapagpabago sa supply ay ang presyo ng mga produkto. Anong pagbabago sa kurba
ang magaganap? Piliin sa ilutrasyon sa sagutan ng no. 23 ang tamang sagot.
_______23 . May patahian si Aling Noemi ng mga kumot at punda ng unan sa Cagayan De Oro. Noon ay nakagagawa
lamang siya ng 5 pirasong kumot at 10 pirasong punda ng unan sa isang araw ngunit ng gumamit ng highspeed sewing
machine ay halos magtriple ang kanyang produksyon kaya ibinaba niya ang presyo. Piliin ang grapikong paglalarawan
nito?

_______24. Gawaing dapat iwasan ng konsyumer kapag kulang ang suplay ng produkto.
a. Panic buying b. Hoarding c. Pagpapalitan d. Pag-iimpok
_______25. Ang mga sumsunod pagtugon ng mga prodyuser sa pagbabago ng mga salik na nakakaapekto sa supply.
Maliban sa isa
A. Sapat na kahandaan sa anumang balakid sa negosyo
B. Iwasan ang pagsasamantala sa panahon ng kagipitan
C. Masusing pag-aaral sa pamamalakad sa negosyo
D. Maghanap ng alternatibo o pamalit
_______26. Maraming balakid na kakaharapin ang iyong negosyo. Ilan dito ang bantang kalamidad at krisis sa
kabuhayan at sa ekonomiya. Paano mo mapapatatag ang iyong negosyo?
a. Pagiging mapamaraan b. Mahusay makisama
c. Kahandaang makipagsapalaran d. Malakas ang loob
_______27. Inilalarawan sa _________________ na ang dami ng supply/Demand ay hindi nagbabago kahit may
pagbabago sa presyo.
a. Inelastic na Demand/Supply b. Perfectly Inelastic na Demand/Supply
c. Perfectly elastic na Demand/Supply d. Elastic na Demand/Supply
_______28. Inilalarawan sa _____________ na Demand/supply na maaaring magbago ang dami ng Demand/Supply
kahit walang
pagbabago sa presyo.
a. Inelastic na Demand/Supply b. Perfectly Inelastic na Demand/Supply
c. Perfectly elastic na Demand/Supply d. Elastic na Demand/Supply
_______29. Kompyutin ang price elasticity: Q1 – 400, Q2- 200, P1-21, P2-25
a. .6 b. .9 c. 1.2 d. 1
_______30. Ang ________ ay isang kalagayan sa pamilihan na ang dami ng handa at kayang bilhing produkto o serbisyo
ng mga konsyumer at ang handa at kayang ipagbiling produkto at serbisyo ng mga prodyuser ay pareho ayon sa
presyong kanilang pinagkasunduan.
a. Ekwilibryo b. Disekwilibryo c. Shortage d. Surplas
_______31. Pamamaraang maaaring gamitin upang makuha ang punto ng ekwilibryo sa pamilihan.
a. Demand function b. Supply Function c.Demand and Supply Function
d. Ekwilibryo at Disekwilibryo
_______32. Ano ang kalagayan ng pamilihan ng sapatos kapag ang presyo ay Php 200.00
a. Shortage b. Surplas c. Ekwilibryo d. A&B
_______33. Ano ang kalagayan ng pamilihan ng sapatos kapag ang presyo ay Php 600.00
a. Shortage b. Surplas c. Ekwilibryo d. A&B
_______34. Nagaganap ang ekwilibryo sa pamilihan kapag sa iisang presyo ay pantay ang dami ng quantity demanded
at quantity supply. Sa kalagayang ito, ano ang implikasyon ng ekwilibryo sa pamilihan?
A. Sa presyong ekwilibriyo, parehong masaya ang konsyumer at prodyuser sapagkat ang dami ng nais bilhin ng
mga konsyumer ay kasindami ng nais ibenta ng mga prodyuser.
B. Sa presyong ito, may labis na supply sapagkat maaaring magtaas ng presyo ang mga prodyuser upang
tumaas ang kita.
C. Sa presyong ito, parehong nasiyahan ang konsyumer at prodyuser sapagkat tumaas man ang presyo, kaunti
na lamang ang bibilhin ng mga konsyumer.
D. Sa presyong ito, hindi masaya ang konsyumer dahil ang labis na demand ay hindi napupunan ng labis na supply.
_______35. Isang uri ng pamilihan kung saan may iisa lamang bahay kalakal na gumagawa ng produkto na walang
malapit na kahalili.
a. Oligopolyo b. Monopsonyo c. Monopolyo d. kompetisyon
_______36. Ang Institusyon na ang pangunahing tungkulin ay paglingkuran at pangalagaan ang kapakanan at kaligtasan
ng bawat sambahayan.
a. Pamilihan b. Bahay-kalakal c. Pamahalaan d. Ahensya
_______37. Legal na proteksyon na ipinagkakaloob sa mga gumagawa at naglalathala ng mga aklat, computer software,
video, komposisyong musical, at iba pa laban sa pangongopya ng iba.
a. Copyright b. Patent c. subscription d. Writer Protection
_______38. Sa estrukturang ito maaring maganap ang sabwatan ng mga malalaking negosyante sa pamilihan.
a. smuggling b. Kartel c. sindikato d. monopolistiko
_______39. Ito ay estrukturang pamilihan na may isa lamang na consumer ng maraming uri ng produkto at serbisyo.
a. Oligopolyo b. Alyansa c. Monopsonyo d. Monopolyo
_______40. Bakit mahalagang masukat ang economic performance ng isang bansa?
a. Dahil magiging tanyag ang bansa sa mga pandaigdigang institusyong pampinansyal.
b. Dahil magagamit ito upang makabuo ng mga patakarang magpapa-angat sa ekonomiya
c. Dahil repleksyon ito sa kahusayan ng namumuno na magagamit upang botohan
d. Dahil makikilala ang bansa sa pagkakaroon ng mahusay na pamamalakad
_______ 41. Bilang isang mag-aaral, alin sa mga sumusunod ang nararapat na gawin kung maliit lamang ang baon na
ibinigay ng iyong magulang?
A. Bilhin ang nararapat bilhin at humingi na lamang kapag kulang na ang salapi.
B. Bilhin ang nararapat bilhin at tipirin ang mga bagay na hindi naman mahalaga.
C. Bilhin ang nararapat bilhin at tipirin ang sarili sa lahat ng pagkakataon.
D. Bilhin ang nararapat bilhin at hayaan na lamang ang mangyayari kinabukasan.
_______42. Lahat tayo ay kinikilala bilang mga konsyumer na may mga pangangailangan subalit hindi lahat ay may
kakayahang maging prodyuser o gumawa ng mga produkto o serbisyo na tutugon sa ating mga pangangailangan. Ano
ang tawag sa lugar kung saan ang mga konsyumer at prodyuser ay nagtatagpo at nagkakaroon ng palitan sa
pamamagitan ng itinakdang presyo ng mga produkto?
A. department store B. pamilihan C. talipapa D. tiangge
_______43. Ang pamilihang may ganap na kompetisyon ang sinasabing pinakamodelong estruktura ng pamilihan dahil sa
dami ng nagbebenta o dami ng konsyumer. Ang sumusunod ay katangian ng estrukturang ito maliban sa
A. malayang kalakalan sa bilihan B. may kakaibang produkto
C. maraming prodyuser at konsyumer D. malayang paggalaw ng mga sangkap pamproduksiyon
_______44. Nagtatakda ang pamahalaan ng presyo sa mga panustos upang mapanatiling makatuwiran ang halaga sa
pangunahing bilihin ng mga mamamayan.
a. Industrial regulatory b. Price ceiling c. Sequestration Tight regulatory
_______45. Hindi sinasadyang negatibong naibubunga ng mga gawain ng mga kalahok sa pamilihan
a. Negative externality b. Negative internality c. Positive externality d.Subsidy
_______46. Ang pamilihan ay sinasabing may ganap na kompetisyon kapag ang sinumang prodyuser ay walang
kapangyarihan na palitan o baguhin ang presyo sa pamilihan. Paano nakakatulong ang ganap na
kompetisyon sa pamilihan?
A. sumisigla ang kompetisyon sa pamilihan dahil marami ang konsyumer at prodyuser
B. napapababa ng prodyuser ang kalidad ng kanilang produkto
C. nakakakuha ng malaking tubo ng mga prodyuser
D. hindi nakakahikayat sa mga prodyuser na magpasok ng produkto
_______47. Panghihimasok ng pamahalaan sa pamilihan upang matiyak ang kalidad ng mga produktong ipinagbibili.
a. Tight Industrial regulatory Regime b. Industrial Deregulatory Regime
c. Price ceiling d. Sequestration
_______48. Anong ahensya ng Pamahalaan ang nagangasiwa sa mga regulasyon sa pamilihan.
a. DOH b. DOJ c. DTI d. DFA
_______49. Ang Presyo ng isang produkto na ayon sa regulasyong pinahintulutan ng pamahalaan.
a. Suggested Retail Price b. Whole Sale Price c. Mandatory Price d. Price Index
_______50. Dahil sa malawakan at malaki ang naging pinsala ng bagyong Lawin; nagpatupad ang pamahalaan ng “Price
Freeze”sa lahat ng apektado ng kalamidad; Alin ang hindi kabilang sa nararapat na isaalang-alang ng pamahalaan.
a. Pagpapanatili sa presyo ng mga pangunahing produkto
b. Pagtatakda ng parusa sa lalabag dito
c. Pabayaang mag-panic buying ang mga mamimili
d. Mag-inspeksyon sa mga pangunahing pamilihan
_______51. Si Juanito ay nakagawian ng bumili ng banana cue tuwing recess, nang minsang tumaas ng tatlong piso ang
paborito niyang bananacue hindi na muna siya bumili sa halip ay naghanap ng ibang mabibili sa canteen. Ano ang
ipinahihiwatig tungkol sa quantity demanded ni Juanito para sa banana cue?
a. Ang quantity demanded sa bananacue ay di elastiko sapagkat si Juanito ay tumugon ng malaki sa
pamamagitan ng pagbabawas ng quantity demanded para sa bananacue.
b. Ang quantity demanded sa bananacue ay elastiko sapagkat si Juanito ay tumugon ng malaki sa
pamamagitan ng pagbabawas ng quantity demanded para sa bananacue.
c. Ang quantity demanded sa bananacue ay unitary sapagkat ang dami ng ibabawas na quantity demanded na
bananacue ay kasing dami ng quantity demanded sa pamalit na bananacue ni Juanito.
d. Ang quantity demanded sa bananacue ay ganap na hindi-elastiko dahil hindi makakatagal si Juanito na hindi
kumain ng bananacue sa loob ng isang linggo.
_______52. Ito ay isang uri ng Batas ng kapag tumataas ang presyo, tumataas dina ng dami ng produkto o serbisyo na
handa at kayang ipagbili, kapag bumababa ang presyo, bumababa rin ang dami ng produkto o serbisyo na handa at
kayang ipagbili.
a. Batas ng Demand c. Batas ng Supply
b. Batas ng Pamahalaan d. Batas ng Pamilihan
_______53. Ito ay isang paraan ng pagpapakita ng ugnayan ng presyo at quantity supplied at matematikong pagpapakita
ng ugnayan ng presyo at quantity supplied.
a. Supply function c. supply schedule
b. Supply curve d. Batas ng supply
_______54. Ayon kay Nicholas Gregory Mankiw, paano natatamo ng consyumer at prodyuser ang kasiyahang
ekwilibriyo?
a. Kapag ang konsyumer ay nabibili ang kanilang nais ang prodyuser ay hnd nakakapagbenta.
b. Kapag and konsyumer ay hindi mabili ang kanyang gusto at nakakapagbenta ang prodyuser ng kanyang
gusto.
c. Kapag and konsyumer ay nabibili and kanilang nais at ang prodyuser naman ay nakapagbebenta ng kanilang
mga produkto.
d. Kapag ang prodyuser ay hindi makabili ng gusto at ang prodyuser ay hindi makapagbenta ng nais.
_______55. Ito’y mga katangian ng Monopolyo, maliban sa isa?
a. Iisa ang nagtitinda
b. Produkto na walang kapalit
c. Kakayahang hadlangan ang kalaban
d. May ibang alternatibo
_______56. Ano ang tawag sa paglalagay ng mga simbolo o marka sa mga produkto at serbisyo na siyang nagsisilbing
pagkakalilanlan ng kompanyang may gawa o nagmamay-ari nito?
a. Logo b. Trademark c. Wraffer d. Signage
_______57. Ito ay kilala rin bilang price support at minimum price policy na tumutukoy sa pinakamababang presyo na
itinakda ng batas sa mga produkto at serbisyo.
a. Price ceiling b. Price floor c. Price elasticity d. Price hike
_______58. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng mga produkto o serbisyo na maaaring may alternatibo, maliban sa
isa.
a. Softdrinks b. Bigas c. Coconut oil d. Petroleum gas
_______59. Ano ang ibig sabihin ng Ceteris Paribus?
a. Ang presyo lamang ang salik na nakaaapekto sa pagbabago ng quantity demanded.
b. Ang dami ng produkto ang nakakaapekto sa pagbabago ng quantity demanded.
c. Ang kita ng tao ang nakakaapekto sa pagbabago ng quantity demanded.
d. Ang kalamidad lamang ang salik nakaaapekto sa pagbabago ng quantity demanded.
_______60. Tuwing kelan nagaganap at nangyayari ang substitution effect sa konsepto ng demand?
a. Kapag tumaas ang presyo ng nais bilhin.
b. Kapag nagkaroon ng kakapusan o kakulangan sa produktong nais bilhin.
c. Kapag nagkaroon ng kakulangan sa pambayad ng nais bilhin na produkto.
d. Lahat ng nabanggit

Das könnte Ihnen auch gefallen