Sie sind auf Seite 1von 1

NARIYAN

P. Tirol
Hangad Music Ministry

Puwede rin namang hindi tayo nagkatagpo


Puwede rin namang iba ang tawag ng puso
Puwede rin namang sariling tinig ay di natuklasan
Puwedeng wala, ngunit nariyan.

Puwede rin namang walang mga tinig at himig


Puwede rin namang walang gustong makarinig
Puwede rin namang walang naidulot ang bawat hakbang
ngunit mayroon, anong dahilan?

Puwedeng hindi, bakit oo?


Puwedeng ganoon, bakit ganito?
Sa tawag ng pagpipilian bakit kaya tayo ang dahilan?
Nariyan! Nariyan! Nariyan.

Sunod sunod na nag-uumapaw


Walang patid ang pagmamahal
Nariyan pag-ibig na nakasisilaw
‘Pagkat sa bawat dahilan Siya ang sanhi at simula
Lahat, lahat, lahat ay biyaya!

Puwede rin namang hindi umalab ang sindi


Puwede rin namang hindi sumibol ang binhi
Puwede rin namang matagal nang makakaabot sa hangganan
Ngunit narito, naroon, nariyan!

Puwedeng hindi, ngunit oo


Puwedeng ganoon, ngunit ganito
Kaya ngayong walang sawang nagdiriwang tayo
Sa ngalan ng Diyos ang dahilan.
Nariyan! Nariyan! Nariyan!

Das könnte Ihnen auch gefallen