Sie sind auf Seite 1von 1

BAGYO

 Ang bagyo ay isang malakas na hanging kumikilos ng paikot, na madalas ay may


kasamang malakas at matagal na pag-ulan. Ang bagyo ay isang higanteng buhawi. Sa
mata ng bagyo ay walang hangin subalit malakas naman ang hangin sa eyewall nito

BAHA

 Pagtaas ng tubig nang higit sa kapasidad ng ilog at ibang daluyan na ang resulta ay pag-
apaw nito sa kapatagan.

 Ito ay dulot ng labis na pag-ulan, biglaang pagbuhos ng ulan o thunderstorm, pagka-ipon


ng tubig dahil sa pagbabara ng mga daluyan ng tubig, at tuluy-tuloy na pag-ulan sa loob
ng ilang araw.

FLASHFLOODS

 Rumaragasang agos ng tubig na may kasamang putik, bato, kahoy, at iba pa. 2.
 Mabilis ang pagdating nito at mabilis din ang paghupa. 3.
 Maaaring sanhi ito ng pagkakalbo ng bundok at pagmimina (kagaya ng dahilan kung
bakit naging mapaminsala ang bagyong Ondoy)

LINDOL

 Ang lindol ay sanhi ng isang mabilis na paglabas ng enerhiyang seismiko. Madalas, ang
mga lindol ay sanhi ng pag-galaw ng fault sa ibabaw na bahagi ng mundo (crust). Ang
enerhiyang lumalabas ay sumasanga sa lahat ng direksiyon mula sa kanyang
pinanggalingan, ang pokus, sa anyo ng mga seismikong alon. Ang anyo ng mga
seismikong alon ay maihahalintulad sa anyo ng payapang tubig na hinulugan ng isang
bato. Kahit na ang enerhiya ay mabilis na nababawasan habang ito ay papalayo sa pokus,
may mga sensitibong kagamitan na nakatalaga sa iba’t ibang panig ng mundo para itala
ang mga pangyayaring may kinalaman sa pagyanig ng lupa

TSUNAMI

 Ang tsunami ay mga sunod-sunod na alon na nabuo kapag ang isang bahagi ng tubig,
tulad ng karagatan, ay mabilis nabago ng malakihan. Ang mga lindol, malaking pagkilos
ng tubig, sa ibabaw man o sa ilalim, pagputok ng bulkan at iba pang uri ng pagsabog sa
ilalim ng dagat, pagguho ng lupa, malaking pagtama ng kometa at pagsusubok ng mga
kagamitang nukleyar sa karagatan ay maaaring makabuo ng tsunami. Ang epekto ng
tsunami ay mapapansin at napakalala.

BUHAWI

 Ang buhawi o ipu-ipo ay isang biyolente, mapanganib, at umiikot na kolumna ng hangin


na dumarapo o sumasayad kapwa sa kalatagan ng lupa ng daigdig at ng isang ulap na
kumulonimbus, o sa hindi kadalasang pagkakataon, sa paanan ng isang ulap na kumulus.
Dumarating ang mga buhawi sa maraming mga sukat at laki ngunit karaniwang nasa
anyo ng isang nakikitang embudo ng kondensasyon, na humihipo ang makipot na dulo sa
lupa ng mundo, at kalimitang napapalibutan ng ulap o usok ng mga pinagguhuan o mga
nawasak at mga alikabok.Ang buhawi ay nabubuo sa ibabaw ng lupa samantalang and
ipo-ipo naman ay nabubuo sa ibabaw ng tubig.

Das könnte Ihnen auch gefallen