Sie sind auf Seite 1von 22

DINGGIN MO ANG TURO

(Tula para sa mga tamad dumalo)

Sa lahat sa inyo ay nananawagan


Ang tula pong ito ay inyong pakinggan
Mga kapatid at mga bisita man
Aking sasambitin inyong pagbulayan

Nadinig mo na ba ang turong totoo


Na naramdaman mong kumurot sa puso
Kung tunay ngang ito'y naganap na sa yo
Ang katanungan ko'y tinupad mo ba to?

Ang pakikinig ay nawawalang saysay


Kung ang napakingga'y di isasabuhay
Sa katotohanan ika'y mawawalay
At maiwawala kapalarang taglay

Ang taong marunong siya ay tumutupad


At siya'y nabibilang na taong mapalad
Ngunit ang suwail at ang taong tamad
Kapos kapalara't mangmang ang katulad

Kaya nga ang mangmang wag nating tularan


Nagtayo ng bahay sa may buhanginan
Upang tayo ay hindi magkaganyan
Saguti't isipin aking katanungan

Dumadalo ka ba ng pagkakatipon
Kahit ika'y puyat pilit bumabangon
Di baleng mapagod di baleng magutom
Pagkat nalalaman ang halaga niyaon?

Ikaw ba ay tamad at ayaw dumalo


Takot na mapuyat sa mahabang teksto
At paniwala mo ay ayos lang ito
May patawad naman iyan ang sabi mo

Di mo ba nadinig sa ating doktrina


Na pagkakatipo'y napakahalaga
Dapat na daluhan hanggang may hininga
Wala nang patawad pag iyong sinadya

Paglilingkod sa Dios wag sanang biruin


Wag aabusuhin ang habag Niya sa tin
Maliit na sala kung sadyaing gawin
Iya'y mapanganib ikamamatay rin
Tandaan mo sanang ang sala'y may daya
Di dapat masilo nang nakatunganga
Pag ang tinig ng Dios ay binalewala
Titigas ang puso't lulugmok sa sala

Di katakataka na balewalain
Ng 'sang walang aral ang doktrina sa 'tin
Subalit kung tayong nakarinig na rin
Mas lalong mabigat kung sasalansangin

Masdan mo ang Dios kung Siya ay gumawa


The best kung magbigay at kung magbiyaya
Ikaw ba kapatid the best ding gumawa
Alang-alang sa Dios na sa ti'y lumikha

Di lahat ng tao na nasa iglesia


Ay mangaliligtas sa pagparito Niya
Pagkat mayrong ilan na nagpapabaya
Galit ng May-Lalang ay di alintana

Kaya't sana tayong lahat magsumigla


Gawing totohanan gawa sa iglesia
Kahit walang tao na nakakakita
Kitang kita ng Dios puso mo'y alam Niya

Ang panawagan ko'y dinggin mo ang turo


Yong pakaingatan itago sa puso
Ang udyok ng Diyos na ika'y dumalo
Wag balewalain giginhawa tayo

Sa pagkakatipon ang ikatitibay


Upang sa iglesia ay di ka mawalay
Dun lang madidinig aral na dalisay
Pag naunawa mo tyak di ka sasablay

Patunayan natin sa tuwituwina


Na tayo'y totoo na nakaunawa
Sa pamamagitan ng ating paggawa
Ang mangmang at pantas ay makikilala

Walang 'sang bagay na sapat idahilan


Upang aral ng Dios ay 'yong pabayaan
At isa mang paksa ay di mo pakinggan
Matuwid ay hahabol gagawang paraan

O pagkahalaga ng ating pagdalo


Dahil sa lokal ay may bisita tayo
Ama, Espiritu, at si JesuCristo
Maaatim mo bang pabayaan ito

Sana mensahe ko ay naunawaan


Sa pagkakatipon ay mapapakinggan
Ang tinig at turo ng Amang marangal
Kaya hindi dapat natin pabayaan
Likas Tayong Mababa

Ating pagkatao kung pag-aaralan


Ay mapapansin mong mayrong kahinaan
Palibhasa tayo ay alabok lamang
Mababa kumpara sa sangkalangitan

Hindi nararapat nating maramdaman


Na tayo'y para bang mayrong kataasan
Kahit sa ting tingi'y mayrong kakayahan
Kahit kayamanan o katalinuhan

Ang pagmamayabang ang sabi ng pantas


Walang pakinabang sa araw ng bukas
Kapahamakan ang siyang magiging wakas
Kung sa yong sarili'y nagpapakapantas

Kung mayrong nasa yo na wala sa iba


Di ibig sabihin ay mataas ka na
Upang yong apihi't laiitin ang iba
Baka para sa Dios ay mas mahal sila

Ang sabi ni Pablo sa taga Corinto


Sangkap na mahina pahalagahan nyo
At labis na puri ang iukol dito
Dahil sa kanila'y maliligtas tayo

Kung wala ang mangmang at ang mahihina


Ang kalakasan mo'y aanhin mo kaya
Di ba't kaya ika'y Kaniyang pinagpala
Upang alalayan yaong mga wala

Ang mga kaloob binigay sa atin


Upang sa matuwid ay ating gamitin
Hindi upang ating masabit isipin
na tayo'y dakila sa kapuwa alipin

Kung nagkakamali ang kasama natin


Dahil sa bagay na di niya kayang abutin
HUwag yang maging dahil upang siya'y laiitin
Magkagat labi ka't yo na lang tiisin

Huwag nating hanapin ang ating sarili


At huwag na rin tayong laging managhili
ANG PAG-AASAWA

O mga kasamang kapuwa nagbabata


Na palaging laman niyaring ala-ala
Di ko maiwasang sa inyo'y mangamba
Kaya't sa king tula'y nagpapaalala

Sa 'ting kalagayang may maselang tungkulin


Di maiiwasang tayo ay tuksuhin
Ang ating kalaban ay nagtutumulin
Upang mga diwa ay paghiwalayin

Bilang kabataan di maiiwasan


Na maramdaman ang pagsinta ng laman
Walang pangit-pangit maganda't guwapo man
Pag puso'y tumibok tiyak na tatamaan

Ang mahalaga lang o mga kasama


Huwag kang mapamangmang ng iyong pagsinta
Aral at katuwiran, laging maalala
Na ang katungkula'y napakahalaga

Hindi ba't kayganda niyaring kalagayan


Sa Kaniyang gawain ay naaasahan
Wala nang abala't tiyak ang kaligtasan
Sa iyong paglakad walang alinlangan

Ngunit kung susubo ng wala sa oras


Ay ano kaya ang yong magiging wakas
Lalo't kung gagawin nang labag sa batas
Tungkulin mo kaya ay hindi mautas?

Alalahanin mong sinabi ng pantas


Ang tiyak na daan nang tayo'y maligtas
Tungkuli'y ingatan ng buo mong lakas
Di pagwiwikaan pagdating ng wakas

Wag tayong padala sa tawag ng laman


Nang wag maiwaglit ating katungkulan
Lingap magdaraya
wag kang mabulagan
Sa banda huli ay yong pagsisisihan

At gayundin naman yaring kagandahan


Na humahalina pag pinagmamasdan
Hindi iyan sapat upang yong iwanan
Mahalagang bagay kaysa kabuhayan
Ang pag-iwas diya'y mayroong paraan
Nang huwag mabitag ng ating kalaban
Madlang kalikuan ay ating layuan
Nang huwag mapaso sa init ng laman

Huwag tayong pumayag na may maiiwan


Lalake't babae'y magkasarilinan
Malalaking sunog nagmumula lamang
Kung mumunting ningas ay papabayaan

Cellphone, computer at iba pang paraan


Ang mge demonio'y maraming pasukan
Kung di mapagbantay baka maisahan
At bandang huli ay Dios na ang kalaban

Mga kapatid ko'y wag sanang magalit


Sa bagay na ito na aking naisip
Sa akin po kasing mga pagmamasid
Pagsintang purorot kayraming nasaklit

Ako ay masaya na makita kayo


Na nagpapatuloy at di sumusuko
Huwag lamang sanang tayo'y magpalalo
Lakip ng pag-ibig bawa't gagawin nyo

Hindi masusukat galing ng kabayo


Sa bilis at ganda ng kanyang pagtakbo
Kung hindi naman niya matatapos ito
Mithing gantimpala'y hindi matatamo

Gayundin naman po tayong mga lingkod


Ang Dios sa atin tiyak na malulugod
Kung sa sinimula'y di ka tatalikod
At hanggang sa wakas tayo ay susunod

Ang pananlangin ko para sa ting lahat


Sa iglesia sana'y huwag tayong magkalat
Biglang pag-aasawa'y ingat tayong lahat
Gawin pong lahat ang takdang pag-iingat
Tanging Alay

Walang maapuhap aking kaliitan


Upang sa iyo ay aking mailaan
Kulang ang tangkilik maging tanang yaman
Upag pag-ibig Mo'y aming matumbasan

Aking nalalaman tanging ikaw lamang


Pinanggagalingan ng lakas at yaman
Madlang karunungan at kapangyarihan
Nawa itong hain ay mapagdamutan

Haing pasalamat ang tangi kong alay


Aking ihahandog habang mayro'ng buhay
Hanggang kaligtasan ay aming mataglay
Maglilingkod kami't sa Yo'y pagagabay
Mga kapatid kong pinakasisinta
Ako'y nagagalak sa tuwi-tuwina
Na tayong lahat ay nagsasamasama
Tumawag umawit sa ating Dios Ama

Walang laking yaman na kasinghahalaga


Na tayo'y natawag tunay na iglesia
Sapagka't dito ay nakatitiyak ka
Na ang ating tinig ay dinidinig Niya

Hindi mahalaga kung ikaw ay paos


Basta't umaawit ka ng buong taos
Sa puso at isip awit ay tatagos
Galak ng loob ay lubos na lubos

Kaya kapatid huwag sanang magsawa


Sa awita'y laging tayo'y makiisa
Pagka't ito'y bagay na pagkahalaga
Sa Dios na Ama ay nagpapasaya
MAIKSI LANG ANG BUHAY
(By Frederick Quinto)

Mga kabataan dinggin niyo't pakinggan


Ito'y isang bagay na dapat malaman
Ito ay patungkol sa kapanahunan
Isipin mo ito't nang maintindihan

Ang buhay sa mundo ay sandali lamang


Oras lumilipas, di namamalayan
Ang ngayon bukas ay kahapon na lamang
Dumaang mabilis nang hindi mo alam

Kaya kabataan huwag nating sayangin


Ang bawat sandali na bigay sa atin
Ang bawat oras mo'y sa tama gamitin
Sa pagkakatulog ikaw ay gumising

Habang may panahon ay iyong mahalin


Ang mga magulang lumingap sa atin
Sa kanilang edad huwag nang pighatiin
Sa tigas ng ulo'y huwag dalamhatiin

Alalahanin mo mga hirap nila


Sa pagaaruga mula pagkabata
Sa araw at gabi'y laging alaala
Di mapagkatulog noong may sakit ka

Ang bawa't pagod sa paghahanapbuhay


Ang mahal na anak sa isip ang taglay
Ang tanging pangarap bago man humimlay
Ang sintang anak ay maayos ang buhay

Kaya kapatid ko dinggin mo ang payo


May katotohonang dapat mong matanto
Pansamantala lang ang buhay sa mundo
Ibuhos na ngayon ang pagmamahal mo

Di mo kailangang lahat ay subukin


Bisyo kasamaan at kalayawan din
Sa mga ito ay walang buting kamtin
Sa huli'y sarili din ang sisisihin

Sana'y piliin mo mga kabarkada


Tiyakin na mabuti impluwensiya nila
Sapagka't kung hindi'y mapapariwara
Sakit at hinagpis sa aba mong ina
Pahalagahan mo ang mas mahalaga
Dios una sa lahat saka ang pamilya
Ano bang puhunan ng yong kabarkada
Nang pinalaki ka'y may ambag ba sila?

Subalit ang ating ama't ating ina


Buhay pinuhunan nang mapalaki ka
Alalahanin mong nacaesarian pa siya
Maluwal ka lamang at siya ay nagdusa

Ngayon nga na ika'y sadyang malaki na


Ang pakiusap ko'y tulungan mo sila
Pangarapin mo ring sila'y gumihawa
Wag nang pasakitan sa paglalakwatsa

Pusa man kung wala ay hinahanap din


Ang anak pa kayang pinakagigiliw
Kung gagabihin ka ay iyong sabihin
Nang di magalala at ika'y isipin

Pagbutihan mo ang iyong pag-aaral


At kung tapos ka na ay maghanapbuhay
Wag mong sasayangin ang buhay mong taglay
Dahilan lamang sa walang kuwentang bagay

Pag-inom ng alak paninigarilyo


Ika'y walang buting makukuha dito
Sakit lang sa bulsa at sakit ng ulo
Kung mamalasin pa'y masangkot sa gulo

Natural sa tao na siya'y suminta


Pilit mang pigilin darating talaga
Pakiusap ko lang sana'y magsabi ka
Upang kami sa 'yoy makapagpalala

Isipin mong lahat ng sinasabi ko


Sundin mo ang lahat na sa yo ay payo
Mapapabuti ka yan ang tandaan mo
Kung tatalima ka't lalayo sa gulo

Maiksi ang buhay sa mundong ibabaw


Tao’y lilipas at pagdaka’y papanaw
Haharap sa Dios kapag huhukuman
Bawat mong ginawa ay pagsusulitan
You are my strength

I acknowledge my sins before your presence Lord


I know that I dont have even to say a word
For I wholeheartedly believe you understand
And that I will be saved by power of your hand

Your name Oh my Lord is a strong tower to me


To you I always come for you have set me free
No matter how great are the hindrances I see
I'm brave for I know that you're always guiding me

You are my strength my God the one that helps me through


When I feel I am lame I trust all unto you
All good that I have known without you I can't do
For you're my strength oh God glory be unto you

To you Lord I entrust all I am, all I have


For you're the provider of all things that I have
My everyday goal is to make you always glad
I'll never turn away please keep me Oh Lord God
MAG-INGAT SA ASO

Sa Filipos tres dos yan ang nasusulat


Sa mga aso daw tayo ay mag-ingat
Panahon na ngayon na tayo'y mamulat
Upang makaiwas at hindi makagat

Isaias singkwenta sais at onse po


Ating mababasa kung sino ang aso
Mga ito pala'y pastor ng demonio
Pawang matatakaw at ligaw ang turo

Sa ating panahon ngayo'y nagsulputan


Ang napakaraming pastor na bulaan
Pagka't noon pa man ang sabi ni San Juan
Maraming bulaan noo'y naglitawan

Mga manloloko ay makikilala


Kahit pa biblia rin ang daladala
Kung iyong titigan ay maamong tupa
Nguni't sa loob ay lobong maninila

Ang tapat at hindi ay makikilala


Sa pamamagitan ng aral niyang dala
Kung ang tinuturo wala sa biblia
Iyan ay bulaan dapat mag-ingat ka

Ang isa pang bagay na kapansin pansin


Mga manloloko'y pera ang hangarin
Ginawang negosyo relihiyon sa atin
Lahat ay may bayad pati panalangin

Ang buhay ng isang tapat at totoo


Ay puno ng hirap at pagsakripisyo
Naghahanapbuhay noon si San Pablo
Mga pastor ngayon, pasanin ng miyembro

Sadya kayang ganyan ibang mga tao?


Galit pag nadinig nila ang totoo
Di ba nasusulat naman sa biblia niyo?
Di lang binabasa ng mangangaral mo

Panahon na ngayon na tayo'y gumising


Alikabok ngayon iyo nang pagpagin
Biblia sa bahay iyo nang basahin
Wag idisplay lamang na parang figurin

Dun mo makikita ang palatandaan


Ng isang tapat at ng isang bulaan
Ang relihiyon po ay maselang usapan
Pagka't kaluluwa nakataya riyan

Kung nais subukin at mapatunayan


Sa biblia po ay mayroong paraan
Tanungin mo ngayon iyong mangangaral
Pag mali ang sagot siya ay bulaan

Pagkat ang isang tandang makikita


Ang sa Dios ay laging handa sa tuwina
Na sumagot bawa't itanong sa kaniya
Pangako ng Dios di mapapahiya

Kung tunay ngang tayo ay naniniwala


Na salita ng Dios ay nasa biblia
Di ba dapat ito'y basahin mo tuwina?
Walang iiwasan kahit 'sang talata

Sa wakas po nito ang masasabi ko


Sa mga aso ay mag-iingat tayo
Pagka't nakataya ay kaluluwa mo
Di na mababawi pag napahamak 'to
SALAMAT PO AMA

Kung aking pagmasdan aking kalagayan


Pagpatak ng luha ay di maiwasan
Pagka't kaming hamak at alabok lamang
binigyang pansin at pinahalagahan

Di man lang marapat akong sumambitla


Ng ngalan mong banal at pagkadakila
Pagkat ako’y laging nagkakabisala
Ang tanging pag-asa ay ang iyong awa

Kung kaya't ngayon ako'y sumasamo


Inaaming lahat ng kasalanan ko
Umaasang ako'y kahahabagan Mo
Pagka't tanging Ikaw ang siyang kanlungan ko
ANG LAYON NG PAGKATAWAG

Ang bawa't kaanib sa iglesia ng Dios


Ay may katungkulang tumupad ng utos
Bawa't isa sa 'tin ay mayro'ng kaloob
Sukat na gamitin at maipaglingkod

Nang araw na ating tanggapin ang aral


At maunawaan dahil ng pag-iral
Ay mayrong tungkuling sa 'tiy inilaan
Kung 'yong matagpuan, huwag mong iiwanan

Ang bawa't tungkulin dito sa iglesia


Ay pawang kaloob binigay ng Ama
Kung ito sa ati'y sadyang mahalaga
Iiwan ba ito't babalik sa wala?

Mayroong paraan ayon sa biblia


Tungkulin sa atin maaring mawala
Kung bigyan ka ng Dios ng lalong dakila
Tulad halimbawa maging manggagawa

Ngunit kung sa ating sariling paraan


Tungkuling kaloob basta iiwanan
Iya'y tiyak na labag Kaniyang kalooban
Anong hirap kaya ang kahihinatnan?

Sa buhay po nating sadyang maiksi lang


Nagpapahalaga'y tungkulin po lamang
Kung walang tungkulin tayo'y wala lamang
Tulad ng upuang di na maupuan

Mayro'ng ginagawa ang ating kaaway


Upang sa tungkulin tayo'y ihiwalay
Minsan nga ay maging 'tong sariling buhay
Pinapapagnasa ng di tamang bagay

Huwag tayong mabulag huwag tayong masilaw


Hiling namin sa Dios huwag tayong maligaw
Dakilang tungkulin sa 'yo'y mananakaw
Kung tutulog tulog at di ka gagalaw

Ito ang dahilan niyaring pagkatawag


Tungkuling dakila sa ati'y ginawad
Hawakang mahigpit ng buo mong lakas
May ganting tagumpay pagdating ng wakas
Ang tamang paggugol

Sa buhay ng isang tunay na Kristiano


Sa maraming bagay ay dapat matuto
Ngunit hindi lahat sasabihin sa iyo
Matututo ka rin sa pagmamasid mo

Mangangaral ng Dios tapat kung magturo


Kaniyang pamumuhay mapagmamasdan mo
Di lang sinasabi iniaaral sa yo
Siya munang gumawa bago niya ituro

Ang isang bagay na ating natutunan


Ang tamang paggugol niyaring kayamanan
Ang paggastos pala'y may tamang paraan
Pagkat nasa atin ay pawang hiram lang

Kung nasa atin ay hiram lamang sa Dios


Di ba nararapat siya ang mag-utos
Kung pa'no gugugol at pa'no gagastos
Yan ay kung ika'y may tiwalang lubos

Mateo sais treinta'y tres mababasa


Kung aling bagay ang dapat na mauna
Prioridad pala'y walang dili iba
Mga bagay ng Dios saka na ang iba

Ang pangangaral ng aral at katwiran


Ang unang marapat pagtulong-tulungan
Ng tunay na lingkod sa Kaniyang tahanan
Bulaang relihiyon ay di gagawin iyan

Yan ang nakita nating halimbawa


Bro Eli Bro Daniel, yan ang pinakita
Isusubo na lang ay aagawin pa
Alang-alang sa 'ting mga kaluluwa

Hindi baga ito ang dapat na sundan


Ng bawa't may ibig niyaring kaligtasan
Pagkat bawat bagay nitong sanglibutan
Pawang nakikita at mayrong hangganan

Subalit ang aral at salita ng Dios


Ay pawang totoo't hindi matatapos
Kung dahil nga dito ikaw ay gumastos
May yaman kang tiyak nakatago sa Dios

Kung di sa gawaing pagpapalaganap


Ay saan ka kaya aariing ganap
Kung paggugulan bagay na may wakas
Ay ano kaya ang 'yong magiging bukas

Mga kalabisa't mga kalayawan


Yaman ng marami inuubos diyan
Ngunit ang Cristianong tapat tinuruan
Mabuhay ng simple at may kasayahan

Ang Wika ni Pablo nung unang panahon


May pagkai't damit, masiyahan ka na do'n
Pagka't ang paglabis, kalasingan na yon
Baka ka masilo sa araw na yaon

ANg lakas at buhay pati kaalaman


Ang lahat ng ito'y pawang hiram lamang
Di ba dapat ito'y ipaglingkod naman
Sa Ama nating Dios na sa 'tiy may lalang
PAMIMILI

Sa mundong ibabaw ng dusa't pighati


Di maiiwasang tayo ay mamili
Sa buti at sama sa tama o mali
Ano ang susundin isip ba o budhi?

Nang tayo'y umanib tayo'y pumili na


Susunod sa utos di paaabala
Sa udyok ninoman kahit pa pamilya
Kahit nga ng ating mga sarili pa

Ang pamimili ay hindi nagtatapos


Nang magpabautismo't umanib na lubos
Pagka't bawa't araw ay may pagtutuos
Mabuti't masama sa puso ng musmos

Gagawin ko ba 'to o ito bang isa?


Kakain ba ako o tiis na muna?
Mananatili ba'ng binata't dalaga
O nasok sa buhay ng 'sang may asawa?

Ang kahihinatnan niyaring pamumuhay


Depende pong lahat sa piniling bagay
Ngunit sana'y laging aral maging gabay
Upang sa mabuti ay huwag mahiwalay

Naaalala ko sabi ni Brad Eli


Di ang option natin masama't mabuti
Kundi sa mabuti at lalong mabuti
Turong pampasakdal panlinis ng budhi

Ang nagpahintulot sa kaniyang dalaga


Na ito'y lumarga sa pag-aasawa
Ay mabuting gawa wika ng biblia
Ngunit lalong buti kung pigilan sila

Ang wika ng isang aking kakilala


Mabuti naman daw ang pag-aasawa
Ngunit ba mabuti ay gagawin mo na?
Kung ganyan ang logic lahat ay lalarga

Kaya nga ang lalong mabuti ang kunin


Mataas na antas kabanalan natin
Kung dahil sa ating dakilang tungkulin
Tayo'y magparaya't sarili'y tiisin

Nguni't kaibigan wag kang magkamali


Di bawal sa atin na tayo'y patali
Basta't gawin lamang na may pagdidili
Nang hindi magsisi sa dako ng huli

Kung di mo makaya ang ningas ng pita


At talagang balak mo nang mag-asawa
Sana pakiusap nami'y magsabi ka
Kinauukulan na ang magpapasya

Ang mensahe lamang ng akin pong tula


Sa pamimili po ay maging pantas ka
Pagka't sabi nga mahal nating kuya
Your thoughts will determine your destiny di ba?

Salamat po sa Dios
To God be the glory!!!
Ang tungkulin ng ama at ina

Pagiging magulang ayon sa biblia


Ay di birong bagay dapat matuto ka
Ano ang tungkulin sa anak na sinta
Mapag-aral sila yun ba ay sapat na?

Ang pagkakandili o pag-aaruga


Ay una sa lahat na dapat magawa
Pangangailangan ibigay sa tuwina
At hindi marapat na maging pabaya

Kung ang pag-uusap pangangailangan


'Yay hindi pagkai't pananamit lamang
Kundi mayrong lalong dapat mailaan
Sa anak na sintang pinakamamahal

Hindi sa tinapay lamang mabubuhay


Ang lahat ng taong may hiningang taglay
Kundi nga sa bawat salita ng Diyos
At sa pagsunod sa Kaniyang mga utos

Ito ang tungkulin na pagkadakila


Ng isang magulang sa anak na sinta
Aral ng May Lalang ituro sa kaniya
Nang siya'y makarating buhay walang hangga

ANg bawat bata ay mayrong kaluluwa


Na tungkulin nating maingatan tuwina
Kung di tuturuan ng gawaing tama
Kalul'wa'y sasama't mapapariwara

Kaya nga marapat habang maliit pa


Maturuang lubos ang musmos na bata
Palong minsan minsan ay hindi masama
Huwag lamang paluing halos mamatay na

Ang sabi ng ibang aking kakilala


Di niya pinapalo ang mga anak niya
Nguin't ang ganito'y labag sa biblia
Pagka't ang parusa'y pag-ibig sa kaniya

Pag ang bata'y hindi nasaway nang tama


Ang kalalakhan niya ay masamang gawa
At kung malaki na ay magsisi ka
Pagka't di na kayang turuan pa sila
Upang ang pagsaway ay maging mabisa
Ikaw ang maunang sumunod gumawa
Upang kung iyong ituro sa bata
Siya ay susunod sa 'yong halimbawa

Mahirap sabihin ng ama sa bata


Na huwag maglalasing kung lasenggo siya
Pagka't pagtuturo'y nagiging mabisa
Kung ikaw muna ang susunod hindi ba?

Ang kayamanan pong mabuting tipunin


At maibigay sa mga anak natin
Di mananakaw ninoman sa atin
Ang yaman sa langit siyang dapat nasain

Kung sa mundong ito ang laan mo lamang


Pera damit bahay, pawang pang-mundo lang
Nguni't kung sa aral ang bata'y mayaman
Babaunin niya hanggang kalangitan

Sa wakas po nito ang masasabi ko


Ang regalo ng Dios pakamahalin niyo
Nang hindi malulong sa layaw at bisyo
At sa kalangita'y magkasama kayo
Ang Panali

Karaniwang gawi pag may kinakasal


Na may taling puti ang nagsusumpaan
Ngunit paglipas ng ilang taon lamang
Ang dalawa’y ibig nang magkahiwalay

Ang tali po kasi ayon sa biblia


Ay di kagaya ng ginagamit nila
Di ito literal na taling mahina
Agad mapapatid pagkat walang bisa

Ang panali’y dili iba’t kautusan


Na dapat masunod at mapanghawakan
Lalake’t babae na ibig magpisan
Hawakang mahigpit hanggang kamatayan

Das könnte Ihnen auch gefallen