Sie sind auf Seite 1von 13

TORTANG TALONG

Mga Sangkap:
1. Talong
2. Itlog
3. Mantika
4. Magic Sarap, Asin

Pamaraan
Ilaga / Ihawain ang mga talong, balatan /
tanggalin ang balat pagkaluto set aside.
Sa isang bowl ilagay ang itlog lagyan ng
asin o magic sarap. Kumuha ng talong at
I dip sa binateng itlog at iprito sa tamang
init ng mantika.
Serve with ketsup.
LUGAW WITH EGG
Mga Sangkap:
1. Bigaw with malagkit
2. Nilagang egg
3. Luya, sibuyas, bawang
4. Atsuwete
5. Asin, paminta, magic sarap
6. Mantika

Pamaraan
Igisa ang bawang, sibuyas at luya, isunod
ang nahugasang bigas / malagkit. Lagyan
ng tamang dami ng tubig hayaang
kumulo hanggang maluto ang
bigas/malagkit. Lagyan ng pampalasa
(Asin, paminta at magic sarap).Lagyan
ng atsuwete, kapag luto na ang bigas /
malagkit ilagay ang nilagang itlog.
Serve while hot.
LONGGANISA
Mga Sangkap:
1. Longganisa
2. Mantika
3. Ketsup

Pamaraan
Pakuluan ang longganisa upang
masigurong malambot at luto ang luob
nito at kusang lumabas ang natural na
mantika mula sa karne nito. Kapag
natuyo na ang tubig dagdagan ng tamang
dami ng mantika sapat upang maluto ang
longganisa o golden ang kulay.
Iserve with ketsup.
GINISANG MONGGO
Mga Sangkap:
1. Monggo
2. Hinimay na tinapa
3. Malunggay
4. Asin, magic sarap
5. Bawang, sibuyas
6. mantika

Pamaraan
Ilaga ang monggo hanggang sa
sabog/malambot na ang bawat butil nito
iset aside.
Maggisa ng bawang sibuyas. Isunod ang
hinimay na tinapa. Isunod na ilagay ang
nilagang munggo lagyan ng tamang dami
ng tubig, pakuluin. Ilagay ang malunggay
patayin ang apoy at ihain.
FISH STEAK
Mga Sangkap:
1. Fish (Tuna/Bangus)
2. Mantika
3. Bawang, sibuyas, paminta
4. Toyo
5. Calamansi
6. Magic sarap / asin

Pamaraan
Iprito ang isda hanggang maging golden
brown. Maggisa ng bawang sibuyas
ilagay ang pritong isda. Lagyan ng tubig
at toyo pakuluin. Ilagay ang katas ng
kalamansi, lagyan ng paminta, magic
sarap / asin. Pakuluin at ihain.
OROZCALDO
Mga Sangkap:
1. Manok (chop, hinimay)
2. Asin/Magic sarap / Chicken cube
3. Paminta
4. Atsuwete
5. Bigas / malagkit
6. Bawan, sibuyas, luya
7. Patis
8. mantika

Pamaraan
Igisa ang bawang, sibuyas at luya. Ilagay
ang manok, kapag namuti na ang karne
ilagay ang patis isunod ang bigas. Ilagay
ang atsuwete. Lagyan ng tubig, pakuluin
hanggang maluto ang bigas. Lagyan ng
pampalasa (asin, magic sarap / chicken
cube, paminta) ihain habang mainit.
CHICKEN ADOBO
Mga Sangkap:
1. Manok (chop)
2. Bawang, sibuyas
3. Toyo
4. Suka
5. Laurel leaf, paminta
6. Asin, magic sarap
7. mantika

Pamaraan
Igisa ang bawang sibuyas. Ilagay ang
manok. Lagyan ng tamang tubig, lagyan
ng laurel, toyo at suka. Pakuluin
hanggang lumambot ang karne. Lagyan
ng paminta asin o magic sarap. Pakuluin
at ihain.
ABODONG BABOY
(with Kamote)
Mga Sangkap:
1. Baboy (Chop)
2. Bawang, sibuyas
3. Toyo, suka
4. Mantika
5. Asin, magic sarap
6. Kamote
7. Lautel leaf, paminta

Pamaraan
Igisa ang bawang , sibuyas. Ilagay ang
karne, lagyan ng tubig, toyo at suka pati
dahon ng laurel, paminta. Pakuluin
hanggang lumambot ang karne. Ilagay
ang kamote (pwedeng iprito muna o
hindi bago ilagay) pakuluin hanggang
lumambot ang kamote. Lagyan ng asin o
magic sarap. Pakuluin. Serve with rice.
SINIGANG NA
BANGUS
Mga Sangkap:
1. Bangus
2. Sampaloc mix
3. Kamatis
4. Sibuyas
5. Siling panigang
6. Asin
7. Kangkong, labanos

Pamaraan
Maglagay ng tamangdami ng tubig.
Lagyan ng asin. Ilagay ang sibuyas,
kamatis, siling panigang, hiniwang
labanos. Pakuluin hanggang maluto ang
labanos ilagay ang isda, pakuluin. Ilagay
ang kangkong pakuluin hanggang maluto
ang gulay at ihain with rice.
PATOLA with
MISUA
Mga Sangkap:
1. Patola
2. Giniling na baboy
3. Bawang, sibuyas
4. Asin, paminta, magic sarap
5. Mantika
6. Misua

Pamaraan
Maggisa ng bawang, sibuyas. Ilagay ang
giniling. Lagyan ng tamang dami ng
tubig, pakuluin. Kapag kumulo ilagay
ang patola hayaang maluto bago ilagay
ang misua. Haluin upang hindi magdikit
dikit ang misua. Lagyan ng pampalasa
(asin, paminta, magic sarap). Iserve with
rice.
SARCIADONG
GALUNGGONG
Mga Sangkap:
1. Galunggong
2. Kamatis
3. Bawang, sibuyas
4. Mantika
5. Itlog
6. Asin/Betsin

Pamaraan
Iprito ang isda. Maggisa ng bawang,
sibuyas. Ilagay ang hiwang kamatis
pakuluin hanggang maluto ang kamatis.
Lagyan ng konting tubig. Durugin ang
kamatis upang mas lumabas ang katas
nito. Lagyan ng pampalasa (asin/betsin).
Ilagay ang pritong galunggong. Lagyan
ng itlog. Haluin hanggang maluto ang
itlog.
Serve with rice.
TINOLANG MANOK
(with sayote)
Mga Sangkap:
1. Manok (chop)
2. Bawang, sibuyas, luya
3. Mantika
4. Asin, chicken cube
5. Sayote
6. Patis

Pamaraan
Maggisa ng bawang, sibuyas at luya.
Ilagay ang manok hanggang pumuti ang
karne. Lagyan ng patis. Lagyan ng
tamang dami ng tubig pakuluin hanggang
maluto ang karne. Lagyan ng asin at
chicken cube. Ilagay ang sayote.
Pakuluin hanggang maluto ang sayote.
Serve with rice.
GINISANG PETCHAY
Mga Sangkap:
1. Petchay (chop)
2. Tokwa, giniling na baboy
3. Kamatis
4. Bawang, sibuyas
5. Mantika
6. Asin/patis, magic sarap

Pamaraan
Igisa ang bawang at sibuyas. Ilagay ang
kamatis, isunod ang giniling. Lagyan ng
konting patis. Kapag malambot na ang
giniling o luto na ilagay ang petchay.
Haluin. Lagyan ng tokwa. Ilagay ang
mga pampalasa. (Asin at magic sarap)
lagyan ng konting tubig pakuluin
hanggang maluto ang tokwa at gulay.
Wag i-over cook. Serve while hot with
rice.

Das könnte Ihnen auch gefallen