Sie sind auf Seite 1von 4

BRENDAN LEWIS A.

DELGADO 9-FLEMING AP/EKON REPORT

AGRIKULTURA – isang agham na may kinalaman sa paghahalaman at pagpaparami ng mga hayop.

KAHALAGAHAN NG AGRIKULTURA

1. BUMIBILI NG MGA PRODUKTO NG INDUSTRIYA Ginagamit ng industriya ang hilaw na materyales na mula sa
agrikultura upang makalikha ng mga produkto.

2. PINANGGAGALINGAN NG MGA HILAW NA MATERYALES Ang mga hilaw na material na ginagamit ng industriya ay
buhat sa agrikultura.

3. NAGPAPASOK NG DOLYAR SA BANSA May mga produktong agricultural ang pinagkakakitaan ng ating bansa.

4. NAGBIBIGAY NG HANAPBUHAY Nagbibigay ng maraming trabaho ang agrikultura.

MGA SULIRANING KINAHAHARAP NG AGRIKULTURA

1. KAKULANGAN NG SAPAT NA IMPRASTRUKTURA AT PUHUNAN. Dahil ditto nagiging mabagal ang pag-unlad ng
agrikultura. Maraming produktong agrikultura ang nasisira, nabubulok at nalalanta kagaya ng prutas at gulay dahil sa
kawalan ng mapag-iimbakan.

2. PAGDAGSA NG DAYUHANG PRODUKTO Ang globalisasyon at liberalisasyon ang mga dahilan ng pagdagsa ng mga
dayuhang produkto sa ating pamilihan, kung kaya nagkakaroon ng kakumpetensiya ang ating mga local na produkto.

3. MABABANG PRESYO NG PRODUKTONG AGRIKULTURA Dahil sa pagkakaroon ng kakumpetensiya ay mabibili lamang sa


murang halaga ang local na produkto, kaya hirap ang magsasaka at mangingisda na magkaroon ng sapat na puhunan.

4. KAKULANGAN SA MAKABAGONG KAGAMITAN AT TEKNOLOHIYA Ang mga magsasaka ay patuloy na gumagamit ng


makalumang kagamitansa pagsasaka na nagiging dahilan ng mabagal nilang gawain.

5. IMPLEMENTASYON NG TUNAY NA REPORMA SA LUPA Matagal ng pinapangarap ng mga magsasaka na magkaroon ng


sariling lupain at marami na ring batas ang inaprubahan ukol sa reporma sa lupa ngunit hanggang ngaton ay di nila
madama ang tunay na reporma sa lupa.

6. PAGLAGANAP NG SAKIT NA PESTE Ito ay nagiging dahilan upang masira ang kanilang mga pananim at mamatay ang
mga halagang hayop na nagdudulot upang mawalan sila ng kinikita.

MGA SOLUSYON SA MGA SULIRANIN

• Tunay na implementasyon ng reorma sa lupa


• Pagtatakda ng tamang presyo sa mga produktong agrikultura
• Pagbibigay ng subsidy sa maliliiit na magsasaka
• Pagpapatayo ng mga imbakan, irigasyon, tulay at kalsada
• Pagbibigay ng impormasyon at pagtuturo sa mga magsasaka ukol sa paggamit ng makabagong teknolohiya
• Pagtatatag ng kooperatiba at bangko rural na magpapautang sa mga magsasaka at mangingisda
• Paghihigpit sa mga dayuhang produktong agricultural na pumapasok sa bansa
Mga Patakaran at Programang Pangkaunlaran sa Sektor ng Agrikultura
Sa kalagayan ng agrikultura sa ngayon makikita natin ang mga problemang kinakaharap nito at ng mga
mamamayang umaasa ditto. Ang mga problemang bunga ng nakaraan at kasalaukuyang desisyong ginawa ng mga
namumuno sa bayan, ganundin ng mga mapang-abuso sa likas na yaman kung kaya maraming batas at programa ang
ginawa ng pamahalaan upang mapalakas ang sektor ng agrikultura. Kailangang mapag-ibayo ang implementasyon ng
mga batas at programa para makasiguro na maging maayos ang sektor ng agrikultura.
MGA BATAS TUNGKOL SA SEKTOR NG AGRIKULTURA
MGA BATAS TUNGKOL SA LUPA
1. Land Registration Ito ay sistemang Torrens sa panahon ng pananakop ng mga
Act ng 1902 Amerikano na kung saan ang mga titulo ng lupa ay ipinatalang lahat. Ang
TORRENS TITLE ang nagbigay daan para agawin ang mga lupang matagal ng
binubungkal ng mga magsasaka nang walang titulo.
Nakapaloob dito ang pamamahagi ng mga lupaing pampublilko sa
2. Public Land mga pamilya na nagbubungkal ng lupa. Ang bawat pamilya ay maaaring
Act ng 1902 magmay-ari ng hindi hihigit sa 16 na ektarya ng lupain.

Nakapaloob dito ang pagtatatag sa National Resettlement and


Rehabilitation Administration (NARRA) na pangunahing nangangasiwa sa
3. Batas Republika pamamahagi ng mga lupain para sa mga rebeldeng nagbalik loob sa
Bilang 1160 pamahalaan. Kasama rin sa mga binibigyan nila ay ang mga pamilyang
walang lupa. Ito ay sa ilalim ng administrasyon ng dating Pangulong Ramon
Magsaysay.
4. Batas Ito ay batas na nagbibigay-proteksiyon laban sa pangaabuso,
Republika Blg. pagsasamantala, at pandaraya ng mga may-ari ng lupa sa mga
1190 ng 1954 manggagawa.
Ito ay simula ng isang malawakang reporma sa lupa na nilagdaan ng
dating Pangulong Diosdado Macapagal noong ika-8 ng Agosto 1963. Ayon
sa batas na ito, ang mga nagbubungkal ng lupa ang itinuturing na tunay na
may-ari nito. Kabilang din sa inalis ng batas ang sistemang kasama. Ang
5. Agricultural Land
Reform Code pagbili ng pamahalaan sa mga lupang tinatamnan ng mga magsasaka ay
sinimulan. Ang mga lupang ito ay muling ipinagbili sa mga magsasaka sa
paraang hulugan at katulad ng presyong ibinayad ng pamahalaan sa may-ari
ng lupa.

Itinadhana ng kautusan na isailalim sa reporma sa lupa ang buong


6. Atas ng Pangulo Blg. 2 Pilipinas noong panahon ni dating Pangulong Marcos.
ng 1972
Kaalinsabay ng Atas ng Pangulo Blg. 2 ay ipinatutupad ang batas na
ito na sinasabing magpapalaya sa mga magsasaka sa tanikala ng kahirapan
at paglilipat sa kanila ng pagmamay-ari ng lupang sinasaka. Sinakop nito ang
lahat ng lupa na tinatamnan ng palay at mais. Hindi kasama rito ang
malalawak na lupain na tinatamnan ng niyog, tubo, pinya, at iba pang
7. Atas ng Pangulo Blg. 27 pananim.
Ang mga magsasaka ay binigyan ng pagkakataong magmay-ari ng
limang ektarya ng lupa kung walang patubig at tatlong ektaryang lupa
kapag may patubig. Ito ay kanilang bubungkalin.

Kilala sa tawag na Comprehensive Agrarian Reform


Law (CARL) na inaprobahan ni dating Pangulong Corazon Aquino noong ika-
10 ng Hunyo, 1988. Ipinasailalim ng batas na ito ang lahat ng publiko at
pribadong lupang agrikultural. Ito ay nakapaloob sa Comprehensive
Agrarian Reform Program (CARP).
Ipinamamahagi ng batas ang lahat ng lupang agrikultural anoman
ang tanim nito sa mga walang lupang magsasaka. May hangganan ang
matitirang lupa sa mga may-ari ng lupa. Sila ay makapagtitira ng di hihigit
sa limang ektarya ng lupa. Ang bawat anak ng may-ari ay bibigyan ng
tatlong ektarya ng lupa kung sila mismo ang magsasaka nito.
Ang pamamahagi ng lupa ay isasagawa sa loob ng 10 taon. Hindi
sakop ng CARP ang ginagamit bilang:
 - liwasan at parke
 - mga gubat at reforestration area
8. Batas  - mga palaisdaan
Republika Blg.  - tanggulang pambansa
6657 ng 1988
 - paaralan
 - simbahan
 - sementeryo
 - templo
 - watershed, at iba pa
Ang pagbabayad sa lupa ng pamahalaan sa mga may-ari ay
isinasagawa sa iba’t ibang paraan. Maaaring magbayad ng salapi ng ilang
porsiyento at ang ilang bahagi ay sa panagot o bonds ng pamahalaan. Ang
lupaing higit sa 50 ektarya ay binabayaran ng 25% na salapi at 75% ay
panagot o bonds ng pamahalaan. Ang 24-50 ektarya ng lupa ay 30% ng
salapi. Ang natitirang bahagi ay bonds ng pamahalaan. Isa pang paraan ay
pagbibigay ng kredito sa buwis na binabayaran ng may-ari ng lupa.

PAGSASAKA/PAGTATANIM
Batay sa CARP 2003, patuloy na isinasagawa ang sumusunod upang maikatuparan ang nais ng
pamahalaan na maiangat ang kalagayang pangkabuhayan ng mga magsasaka:
- Pagtatayo ng bahay-ugnayan para sa mga magsasaka upang masigurong mayroon suportang maibibigay
sa kanila;
- Pagtatayo ng gulayan para sa mga magsasaka;
- Pagsisiguro na ang mga anak ng mga magsasaka ay makapag-aaral kaya itinayo ang Pangulong Diosdado
MacapagalAgrarian Reform Scholarship Program; at
- KALAHI agrarian reform zones.
Ang lahat ng mga programa/gawain ay isinaisip at isinulong upang matiyak ang kaayusan ng mga
magsasakang tumanggap ng mga lupa sa pamamagitan ng reporma sa lupa.

PANGINGISDA
Pagtatayo ng mga daungan. Upang higit na Philippine Fisheries Code Fishery research. Ang
mapadali ang pagdadala sa mga huling isda sa of 1998. Ito ang pananaliksik at pagtingin sa
pamilihan o tahanan, nagsisilbing sentro o itinadhana ng potensiyal ng teknolohiya
bagsakan ng mga ito ang mga daungan. Dahil pamahalaan na tulad ng aquaculture marine
dito, nagiging mas madali para sa mga naglilimita at naglalayon resources development, at
mamamayang maabot ang mga produkto mula ng wastong paggamit sa post-harvest technology ay
sa mga ito. yamang pangisdaan ng patuloy na ginagawa upang
Pilipinas. masiguro ang pagpaparami at
pagpapayaman sa mga
yamang-tubig.

PAGTOTROSO
Community Livelihood National Integrated Sustainable Forest
Assistance Program (CLASP) – paglilipat Protected Areas System Management Strategy – ito
teknolohiya o pagtuturo sa mga mamamayan ng (NIPAS) – ito ay ay pamaraan upang
wastong paglinang sa mga likas na yaman ng programa na ang matakdaan ang permanente
at sukat ng kagubatan. Ito ay
bansa. Halimbawa, ang mangrove farming sa pangunahing layunin ay
estratehiya ng pamahalaan
Bohol, plantasyon ng kawayan sa La Union, at maingatan at upang maiwasan ang
plantasyon ng mga halamang medisinal sa protektahan ang
suliranin ng squatting, huwad
Penablanca, Cagayan. kagubatan. Ito ay paraan
at ilegal na pagpapatitulo ng
upang mailigtas ang mga
lupa at pagpapalit ng gamit sa
hayop at pananim dito.
lupa.

Habang lumilipas ang panahon, makikita natin na lumiliit ang kita ng sektor ng agrikultura dahil sa kinakaharap
na mga problema nito. Madalas nating mabalitaan ang pag-aangkat ng mga produktong agrikultura tulad ng bigas sa
ibang bansa. Kaya mahalaga ang papel ng ating pamahalaan upang mapaganda nito ang sektor ng agrikultura. Maaari
nitong maging bigyan ng pansin o gawing priority ang pagpapatatag sa isang sektor. Ang maling desisyon at priority ng
gobyerno ay maaaring magbigay ng epekto sa takdang kakayahan ng isang sektor.
Ang mamamayan din ay may kritikal na responsibilidad bilang kumukunsumo ng likas na yaman. Dapat na sila
ang unang nag-iingat sa yamang ito upang magkaroon pa ng magagamit ang susunod na henerasyon.,

Das könnte Ihnen auch gefallen