Beruflich Dokumente
Kultur Dokumente
Sa dakong baybayin isang bayan ng Ilokos, may naninirahang mga tao. Sila ay nananalig at
sumasamba sa diyoses ng kanilang ninuno. Bilang ganti, sila naman ay pinagkakalooban ng
kanilang anito ng isang masagana at maunlad na pamumuhay.
Natunugan ng mga taga baybaying dagat ang masamang balak taga karatig-bayan kung kaya't
itinago nila ang malaking kampana. Ibinaon nila ito sa masukal na gubat. Na malapit sa kanila,
Tinambangan nila ang paglusob ng mga kaaway. Malaking labanan ang namagitan sa
magkabilang panig. Maraming namatay nguni't nanaigi parin ang kampo ng kabutihan.
Nanalo man ang taga—baybaying-dagat sa labanan ay malungkot pa rin sila sa dahilang walang
makapagturo sa kinababaunan ng malaking kampana. Ang mga kalalakihan nangasiwa sa
pagbabaon ng malaking kampana ay pawang nangasawi sa labanan.
Nagpatuloy ang ganoong kahirapan. Minsan isang bata ang naghahanap ng makakain sa
kagubatan ang nakapansin sa isang puno na hitik na hitik sa bunga. Ang buganang ito ay hugis-
kampana. Pumitas siya ng isa at nasarapan siya sa lasa ng bungangkahoy. Pumitas siya nang
pumitas sa abot ng kanyang madadala. Iniuwi nya ito sa kanilang lugar. Nagustuhan din ng
ibang tao ang lasa ng bungangkahoy. Nguni't ang ipinagtaka ng mga taga baybaying dagat ay
kung bakit ito hugis-kampana. Nagtalu-talo sila hanggang sa maalaala nila ang malaking
kampanang nawawala. Naghukay sila sa tabi ng puno at laking tuwa nila nang matagpuan doon
ang malaking kampana. Bglang nagdilim ang kalangitan at bumuhos ang isang malakas na ulan.
Walang pagsidlan sa tuwa ang mga tao. Inisip nilang ito ay sagot ng Apo sa bundok bilang tugon
sa pagkakatuklas nila sa malaking kampana.
Magmula noon ay muling umunlad ang buhay ng mga taga baybaying dagat. Tumubong muli
ang kanilang mga pananim. Palagi rin nilang tinutugtog ang malaking kampana tulad ng kanilang
nakagawian. Bilang pagtanaw ng utang na loob sa halamang naging dahilan ng pagkakabalik ng
nawalang kampana, nagtanim pa sila ng marami pang mga punong ito at ang mga bungang
punong ito ay tinawag nilang "Makopa."
Ang Alamat Ng Gapan
May isang batang matigas ang ulo. Hindi siya sumusunod sa payo ng kanyang ina bagkus ay
ginagawa pa niya ang mga bagay na ayaw ng kanyang ina. Siya ay si Badoy.
"Kung hindi ninyo siya makita, kumuha ka ng bilao, ipukpok ninyo sapuno ng hagdan at tawagin
nang mnalakas ang kaniyang pangalan," ang payo naman ng isang magsasaka.
Sinunod iyon ng ina ni Badoy nguni't napagod lang siya pero walang dumarating na Badoy.
Si Badoy ay nagising sa malakas na palahaw ng iyak ng isang sanggol. Hubad ito at malaki ang
tiyan. Nakahiga ito sa isang dahon ng sagging, Kinalong ni Badoy ang sanggol, pinaghele, nguni't
patuloy pa rin ito sa pag-iyak. Nayamot na si Badoy at akmang papaluin ang sanggol ng biglang
magbago ito ng anyo. Ang sanggol ay naging matanda, mahahaba ang buhok at balbas at
mukhang hindi naliligo ibinagsak ni Badoy ang matanda at kumaripas ng takbo. Nang lumingon
siya, muli siyang natakot nang nawala ang matanda. Takbo siya nang takbo nguni't sa paligid
lamang pala ng kawayanan tumatakbo. Magdidilim na noon at si Badoy ay pagod na pagod na.
Nadapa siya pero nagpumilit pa rin siyang makauwi kahit na siya ay gumagapang na sa hirap.
Samantala, ang ina naman at kasama ay may lungkot na pauwi. Laking gulat pa nila nang makita
si Badoy na gumagapang sa matinding pagod. Gumapang siya nang gumapang dahil sa
pinaglalaruan siya ng tiyanak. "Iyan ang napapala ng batang salbahe at matigas ang ulo. Mabuti
at hindi ka niya kinagat. At mabuti na rin at nabigkas mo ang Hesus, Maria at Jose. Kaya ikaw
lagi kang magdarasal."
Magmula noon ay naging bukambibig na ng mga tao ang "Baka matulad ka kay Badoy, gapang
nang gapang." Dahil dito, ang pook na kinaroroonan ng bukid na napaliligiran ng kawayan na
kung saan nakita si Badoy na gumagapang ay pinangalanang Gapan. Sa ngayon ang Gapan ay
isang bayan sa lalawigan ng Nueva Ecija.