Sie sind auf Seite 1von 4

impormasyon

Mga argumento ng sang-ayon sa aborsyon:

1) karapatan ng isang babae ang makapili nang malaya kung ano ang dapat gawin sa kanyang
sariling katawan

2) ang mga babaeng ginahasa ay dapat sumailalim sa pantay na pagdedesisyon kung kaya ba
niya o hindi ang maging isang ina

3) ang bawat bata ay may karapatan sa maayos na pamumuhay; kung ang magulang ay
walang kakayahan na suportahan ito, tama lamang ang aborsyon

4) marami nang kaso ng “unwanted pregnancies”

5) ang buhay ay hindi daw nagsisimula sa pagbubuntis kundi sa panganganak

Ayon sa World Health Organization (WHO), ang pagpapatiwakal ay ang aktong


pagpatay sa sarili. Ito ay ginagawa nang may buong kaalaman at inaasahang
nakamamatay na kahinatnan.

Bawat taon, ang pagpapatiwakal ay kabilang sa dalawampung dahilang ng kung bakit


namamatay ang isang tao sa buong mundo anuman ang edad. Ito ay kabilang sa
tatlong pinakadahilan ng kamatayan ng mga nasa edad 15-44 taong gulang; at ikalawa
sa dahilan ng kamatayan ng mga nasa edad 10-24 taong gulang sa buong mundo.

Sa halos lahat ng bansa maliban sa China, ang pinakamaraming bilang ng mga


nagpapatiwakal ay mga lalaki. Ayon pa rin sa World Health Organization, ang suicide
rate ay sa 100,000 ka tao, 16 ang may insidente ng pagpapatiwakal; labingwalo (18) sa
kaso ay mga lalaki, habang labing-isa (11) ang babae.

Ang mga dahilan kung bakit nagpapatiwakal ay sobrang kalungkutan o depresyon,


kawalan ng pag-asa, bipolar disorder, pagkakabahala, trauma, pabigla-biglang desisyon
o pag aktong pagsakit sa sarili, at sobra at palaging paglalasing.
Ang mga argumento tungkol sa aborsyon ay tumatalakay sa kabuuan ng aborsyon at kung
paano ito nakaapekto sa buhay ng mga mamamayan. Tinalakay ang pagiging biktima ng
panggagahasa at pagbubuntis. Sapat ba itong dahilan upang kitilin ang buhay ng isang
inosente? Napag-usapan din ang maaaring gawin kapag nakataya ang buhay ng ina sa
pagbubuntis. Tama bang ipalaglag ang bata para sa kapakanan ng ina? Ang aborsyon kahit
ano pang dahilan ay mali at kasalanan pa rin ngunit walang hindi napapatawad ang Diyos.

Mga ebidensya

Ang euthanasia or mercy killing ay isang paraan kung saan hinahayaan na lang mamatay ang
isang tao para hindi na siya mahirapan. Minsan nangyayari sa ospital kung saan ang pag gawa
nito ay may konsento ng mga mahal sa buhay ng pasyente. Hati ang opinion ng mga tao ukol
dito.

Argumento ng mga sumasang ayon:


1. Hindi nila kayang tignan na nahihirapan ang isang tao na wala ng pag asang gumaling.
2. Malaki na ang gastos nila sa ospital at maliit ang tsansang gumaling ang pasyente.

Argumento ng mga di sumasang ayon:


1. Bigay ng Diyos ang buhay ng tao kaya walang karapatan ang ibang tao na kitilin ito.
2. Nakakapagpatatag ng pananampalataya ang paniniwalang may milagrong darating kasi hindi
naman natin hawak ang ating buhay.
3. Kung ang pasyente ay lumalaban, kailangan din lumaban ng mga mahal nito sa buhay.

Mga ebidensya

Ayon sa ulat ng La Consolacion College may kinalaman sa isyu ng


pagpapatiwakal: (Ebidensya para sa argumento)

Ang kahulugan ng pagpapatiwakal ay ang pansariling kagustuhan na nag-uudyok sa isa na


paslangin at kitilin ang sariling buhay nito. Ipinakikita nito ang kabuuang desisyon niya na
udlutan ang kaniyang nalalabing buhay.

Ang kahalagahan nito ay madaling nakatatakbo o nakatatakas mula sa mga suliranin sa buhay
na nagtutulak sa isa patungo sa depresyon.

Ang Solusyon ng pagpapatiwakal ay nagmumula sa sarili. Sa pamamagitan ng hindi lubusang


pag-intindi sa mga kabalisahang kinakaharap sa buhay lalo na sa paraang pagkitil sa buhay.
Makatutulong ang mga bihasang tao na nakararanas tumulong sa mga may ganitong
tendensya. Andidiyan na ang mga espesyalista sa isip, o kaya naman mga guro na responsable
sa pagpapayo.
impormasyun
Aborsiyon – Ang relihiyon lang ang nagsasabing mali ang aborsiyon. Karapatan ng
babae ang gawin ang kahit anong nais niya sa sarili niyang katawan, kaya’t tama lang
ang aborsiyon. Ito’y dahil parte pa lang ng katawan ang fetus.
Euthanasia – May karapatang mamatay at pumili ang tao. Una sa lahat, ang kahulugan
ng euthanasia sa salitang Griyego ay good death, kung kaya’t hindi ito karumal-dumal
na gawain. Mayroon rin namang tinatawag na voluntary euthanasia.
Paggamit ng Droga – Ang paggamit ng ipinagbabawal na gamut ay mayroon
masamang epekto sa kalusugan, ngunit mayroong medical marijuana atbp.
Alkoholismo – Walang problema ang katamtamang pag-inom ng alak. Ang suliranin
rito ay ang sobra-sobrang pag-inom sa alak na magdudulot ng ilang mga problema sa
kalusugan ng isang tao.

Una sa lahat hindi lahat ng pananaw ng tao ay pare-pareho, tulad ko.. naniniwala ako na ang bawat
problema ng tao ay may kalakip na solusyon, hindi naman yan ibibigay sa atin kung hindi natin kayang
lagpasan. Nasa atin lang kung paano ireresolba at lahat ng yan meron tayong matutunan . hindi kasi ako
yung tipong susuko na lang, gusto kong sulitin yung bawat minuto ng buhay ko, kaya bakit ko idedepress
ang sarili ko?

Naniniwala din ako na ang bawat tao ay may kanya kanya paniniwala. May iba na naniniwala. May iba na
naniniwala sa kung ano ang ginawa mo sa isang tao ay babalik sayo “karma” kung tawagin. may
naniniwala na lahat ng nakaplano ay may rason. Ngunit ang paniniwala ko ay lahat ng bagay na
ginagawa mo tama man yan o hindi “choice” mo yan.

Noon nga naisip ko bakit ganun, kung ano minsan ang gusto hindi pwede, kung ano minsan ang gusto
hindi pwede, kung saan ka masaya ay mawawala pa, Pero para sa aking pananaw kaya yan nawawala o
kinukuha dahil may darating na mas higit o mas maganda o hindi talaga iyon para sayo.

Sa ngayon ang pananaw ko ay ang edukasyon ang tutulong para sa aking para kinabukasan, gusto ko
araw araw may bago akong natututunan, gusto ko yung nachachallenge ako sa isang bagay, kung ano
yung hindi ko kayang gawin yun ang ginagawa ko. Di naman hadlang kung mahirap ka ngayon. Pero
kasalanan mo ng pag mahirap ka pa rin pag dating ng panahon.

buod

Ang Euthanasia o Mercy killing ay ang pagpapatiwakal ng isang indibidwal na nagnanais na


mawakasan o kitilin ang sariling buhay sa tulong ng ibang tao. Ang paraang ito ay maaring
makatulong sa isang tao na wala ng pisikal na kakayahan na isagawa ang pagpapakamatay dahil sa
matindi nyang karamdaman.

Ang karaniwang tumutulong sa pagsasagawa ng isang Euthanasia ay isang myembro ng pamilya o


ang doktor. Ngunit maisasagawa mo lang ito kung nasa bansa ka na legal ang ganitong mga
pamamaraan.

Ang ganitong pamamaraan ay hindi pinapayagan o hindi legal dito sa ating bansa. Ngunit may mga
bansa na legal o pwede ang mga ganitong gawain. Halimbawa na lamang ay ang bansang
Switzerland kung saan ang klinikang Dignitas sa bansang ito ay dinarayo ng mga indibidwal mula sa
ibang bansa na nagnanais na magpakamatay sa pamamagitan ng Euthanasia.

buod

May dalawang magkasalungat na pagtingin sa pagpapatiwakal.


1. Ito ay isang karuwagan, isang pagtakas sa problema o pagsubok sa buhay.
2. Ito ay isang pinakamataas na porma ng katapangan. Wala na raw kasing makapapantay
sa desisyon ng tao na kitilin ang sariling buhay.

Pero sa ating lipunang ginagalawan ngayon, Ang pagpapakamatay ng mga taong pinagkaitan
sa buhay ay hindi akmang tawaging karuwagan o katapanga. Ito ay isang desperasyon o pinal
na pagsuko sa mga pagsubok na kailangang harapin bawat araw.

buod

Das könnte Ihnen auch gefallen