Sie sind auf Seite 1von 12

TIMPALAK PANGWIKA

MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGPILI NG MGA KATEGORYANG


GAGAMITIN SA MGA PATIMPALAK
1. PANAHON

1.1 Panahong kakailanganin sa diseminasyon at distribusyon ng memorandum sa lahat ng


mga kinauukulang rehiyon, dibisyon, distrito o paaralan.

Kailangang maglaan ng sapat na panahon ang tagapagtaguyod para sa


desiminasyon at distribusyon ng memorandum sa lahat ng mga kinauukulang rehiyon,
dibisyon, distrito o paaralan. Kinakailangang tiyakin ng tagapagtaguyod na ang lahat ng
dapat mapadalhan ng paanyaya o memorandum ay nakatanggap nito.

Ang panahong gugugulin sa diseminasyong ito ay kinakailangang higit na mas


maaga upang mabigyan ng sapat na panahon para sa paghahanda at pagsasanay ang mga
inaasahang kalahok.

Maaaring gumamit ng pa-elektronikong paraan ng paghahatid ng mensahe gamit


ang social media gaya ng facebook at email, ngunit higit na mainam pa rin ang personal na
pagtungo sa mga kaukulang tanggapan upang makatiyak na talagang matatanggap nnila ang
paanyaya at upang mahingi na din ang kaniling kumpirmasyon ng paglahok.

1.2 Panahong gagamitin para sa isang Pangkalahatang Oryentasyon para sa lahat g mga
Gurong Tagapagsanay at punongguro ng bawat paaralang lalahok sa naturang patimpalak.

Napakahalaga ng pagtatakda ng isang Pangkalahatang Oryentasyon para sa lahat


ng mga Gurong Tagapagsanay at/o Punongguro ng bawat paaralang lalahok sa naturang
patimpalak. Kailangang talakayin nang malinaw, sinsero at detalyado ang mga tuntunin at
gabay sa pagsasagawa ng bawat kategorya ng mga patimpalak. Tiyakin ang mga paraan ng
pagsasagawa sa bawat kategorya ng mga patimpalak. Tiyakin ang mga paraan ng
pagsasagawa sa bawat kategorya upang hindi magkaiba-iba sa uri at anyo ng pagtatanghal
ang bawat kalahok. Halimbawa, kung ang kategorya ay pagkukwento, kailangang tiyakin
kung Madamdaming pagbasa ng kwento, madulang pagbasa ngkwento, muling
pagkukwento, masining na pagkukwento at iba pa.

Kailangang maging malinaw din sa mga tagapagsanay kung ano-ao ang mga
limitasyon at mga inaasahang kalalabasan ng bawat lahok sa mga kategoryang
paglalabanan. Ang Oryentasyon ay kinakailangang maisagawa agad bago pa makapagtakda
ng kani-kanilang mga pagsasanay at paghahanda ang bawat kalahok.
Bahagi rin ng Pangkalahatang Oryentasyon ang pagtalakay hinggil sa mga
itinakdang pamantayan sa bawat kategorya. Mahigpit ding itinatagubilin sa mga
tagapagtaguyod ng ganitong mga patimpalak na kung anuman ang nailahad at
napagkasunduan sa ginanap na Pangkalahatang Oryentasyon ay kinakailangang maibahagi
rin at maipaliwanag nang lubos sa mga bubuo ng Lupon ng Inampalan sa bawat kategorya
upang maiwasan ang pagkakaiba, iba ng standards pagdating sa paghusga o pagpili ng mga
mahuhusay na lahok na magwawagi sa bawat patimpalak.

1.3 Panahong gugugulin sa Pagsasaulo, pagsasanay at Pagahahanda sa patimpalak ng mga


mag-aaral na lalahok dito.

Ito ang pinakamahalang dapat maisaalang-alang ng tagapagtaguyod ng anumang


uri ng patimpalak. Kinakailangang mabigyan ng sapat na panahon para maisaulo o mai-
memorya ng bawat kalahok ang piyesa, kung ang piyesa ay ipinagkaloob lamang o istandard
na piyesa ang gagamitin. Kung sariling likhang piyesa naman ang gagamitin, lalong higit na
mahaba-habang panahon ang dapat ilaan upang mabigyan ng sapat na panahon ang mga
kalahok na maihanda at maisulat o malikha ang kani-kanilang mga lahok o entry para sa
patimpalak.

Bukod sa sapat na panahong ipagkakaloob sa mga kalahok para sa pagsasaulo


at/o Pagsulat at Paghahanda ng piyesa, dapat ding maisaalang-alang ang pagbibigay ng
panahon para sa pagsasanay lalo’t higit kung ang mga patimpalak ay pangkatang Gawain
tulad ng Sabayang pagbigkas, Speech Choir, Jazz Chant, at iba pang pampangkatang
pagtatanghal.

Ang pagbibigay ng sapat na panahong ito ay nakasalig din sa DepEd Order #9 na


nagtatadhana na patakaran hinggil sa partisipasyon ng mga guro at mag-aaral mula sa
pampublikong paaralan na dapat ay naaayon sa “no-disruption-of-classes policy at ito ay
may pamagat na “Instituting Measures to Increase Enganged Time-on-Task and Ensuring
Compliance Therewith”. Ito ang naglilimita sa mga oras at panahon ng pagsasanay ng mga
kalahok kung kaya’y dapat ay mabigyan ng konsiderasyon ang mga ito na magkaroon ng
sapat at mahaba-habang panahon na makapagsanay sa paraang hindi maaapektuhan ang
oras ng klase, alinsunod sa tagubilin ng Kagawaran ng Edukasyon gaya ng nasasaad sa itaas.

1.2 Panahong ilalaan sa bawat kategorya ng issagawang patimpalak. Ilang minuto ang
itatakdang haba ng pagtatanghal sa bawat kategorya?

Kaugnay ng mga ihahanay na mga tuntunin o mechanics sa bawat patimpalak,


nararapat lamang magtakda ng karampatang panahon o tiyak na haba ng pagsasagawa sa
bawat timpalak. Kailangang tiyakin kung ilang minuto lamang ang ilalaan para sa bawat
timpalak sapagkat kailangang isaalang-alang din ang bilang o dami ng mga kalahok at/o
entry. Kadalasang ang madulang Sabayang Pagbigkas lamang ang higit na nangangailangan
ng mahaba-habang panahon ng pagtatanghal upang ganap na maipakita ang mga senaryo
at interpretasyong inilapat ng gurong tagapagsanay sa piyesang pinaglalabanan.

BAKIT MAHALAGANG NATATAKDAAN NG PANAHON NG PAGSASAGAWA


ANG BAWAT PATIMPALAK?
Una, upang mai-budget ang oras kung ang itinakda ay isang araw lamang para sa lahat
ng patimpalak. Sa dami ng patimpalak na isasagawa at dapat tapusin sa loob ng isang araw
lamang, kailangang magkaroon ng paghahati-hati ng oras sa bawat Gawain upang maiwasan
ang pagkakaroon ng karagdagan o extension sa oras at/o araw ng pagsasagawa. Isaalang-
alang din na ang mga mag-aaral na kalahok sa anumang patimpalak ay di dapat paghintayin
sa pagpapahayag ng mga nagwagi lalo pa at kung dahil sa time extension ay ginabi na o late
na natapos ang mga patimpalak sanhi upang abutin na ng dilim angpagpapahayag ng mga
nagwagi

Ikalawa, upang hindi imaging kabagot-bagot para sa mga manonood at/o tagapakinig.
Ang napakahabang pagtatanghal ay nagiging kabagot-bagot para sa mga manonood

Ikatlo, sa panig ng mga nagtatanghal o ng mga kalahok, ang mahabang oras na inilalaan
para sa pagtatanghal ay maaaring mangahulugan para sa kanila ng pagdaragdag ng mga
konsepto at mga pamamaraan upang mapahaba lamang ang kanilang pagtatanghal, at sa
kabuuan ay sa halip na makadagdag o maging plus factor, ito pa ang nakasira sa
pangkalahatang kakintalan ng pagtatanghal

Ikaapat, ang pagkakaroon ng mahabang oras ng pagtatanghal ay nangangahulugan din


ng pagpili ng mahabang piyesa, na magiging dagdag pahirap at dagdag sauluhin para sa mga
kalahok

Ikalima, ang mahabang panahon na ilalaan ay maaari sanang makapagbigay-daan pa


para sa iba pang mas makabuluhan at/o makahulugang mga patimpalak. Sa halip na
dalawang patimpalak lamang ang magagawa ay maaaring maging tatlo pa it o apat kung
may tamang pagbabaha-bahagi ng oras sa bawat patimpalak.

1.3 Panahong itatakda para sa bawat serye ng mga timpalak ayon sa iba’t ibang level nito:
Cluster, District, Division, Regional, National

Kasama din sa dapat isaalang-alang ang paglalaan ng sapat na panahon para sa


pagsasagawa ng mga Eliminasyon bago pa ang Pangwakas na Patimpalak. Kabilang na sa
mga Eliminasyon ang pagtatakda ng panahon para sa Inter-Cluster na kinapapalooban ng
ilangmga paaralang hinati-hati mula sa iisang distrito. Matapos ang serye ng mga Cluster
Elimination at napili na ang mga kampeon sa bawat cluster ng mga distrito, magkakaroon
naman ng Pansangay na Patimpalak upang mapili ang pinakamahusay na magiging
kinatawan ng Dibisyon para sa Panrehiyonal na Patimpalak ay muling maglalaan ng panahon
para naman sa Panrehiyong Patimpalak. Matapos mapili ang mahusay na kakatawan sa
rehiyon, ang pinakahuling patimpalak na pagdadaanan ay ang Pambansa o National Level.

2. PIYESA

2.1 sariling likha/akda

2.2 halaw (kinakailangang humingi ng kaukulang pahintulot sa may-akda)

2.3 sinipi ngunit hindi kilala ang may-akda

2.4 mula sa internet/website (kailangan pa rina ng kaukulang pahintulot ng may-akda)

2.5 sariling likha nng mga kalahok

2.6 may kaugnayan sa paksa ng pagdiriwang

2.7 angkop sa interes at edad ng mga kalahok at ng mga tagapakinig/manonood

2.8 hindo kabagot-bagot, maaksyon, mapaghamon at may uring pagkamaitatanghal

2.9 nagtataglay ng mga salitang madaling nauunawaan ng mga kalahok at ng mga


tagapakinig/manonood

2.10 naghahatid ng magagandang aral, mensahe at halagang pangkatauhan

3. PARAAN NGPAGSASAGAWA/PAGTATANGHAL

3.1 hindi kabagot-bagot ( pumupukaw ng interes)

3.2 sumusubok sa kahusayan, kasiningan at pagkamalikhain ng/ng mga kalahok

3.3 mapanghamon sa diwa, mensahe at mga kaisipan

3.4 mapagpakahulugan at humahamon para sa iba’t ibang interpretasyon

3.5 maaaring lapatan ng mga elementong pansining at pamproduksyon

3.6 tumutugon sa tiyak na rubrics at pamantayan


3.7 napapanahon at nagpapakita ng mga makabagong pamamaraan at/o inobasyon

3.8 may orihinalidad at may sariling tatak ng estilo at konsepto

ANO ANG MGA DETALYENG DAPAT TAGLAYIN NG MECHANICS O TUNTUNIN NG


PATIMPALAK
1. MGA LAYUNIN

Mga kaalamang nais linangin

Mga kasanayan at kakayahang nais paunlarin

Mga pagtatanghal na dapat ipakita

Mataas na paggamit ng wika (Filipino/English)

Pagkakaroon ng malawak na talasalitaan

Pagpapalaganap ng wika (Filipino/English)

2. PAKSA/TEMA

Kaugnay na pagdiriwang na ginaganap (Hal. Buwan ng Wika)

3. URI NG PATIMPALAK

Katangian

Limitasyon

Sino ang maaaring lumahok

Bilang ng kalahok

Takdang haba

Bilang ng:

Salita

Talata

Saknong

Tagal ng pagtalakay
Haba ng pagtatanghal

4. PETSA AT TIYAK NA ORAS

Oryentasyon para sa mga Gurong Tagapagsanay

Eliminasyon at Pangwakas na Patimpalak

Cluster/distrito

Pansangay

Pang-rehiyonal

Pambansa

5. VENUE O TAKDANG LUGAR NA PAGDARAUSAN NG PATIMPALAK

Open space gymnasium

Bulwagang multi-purpose

Auditorium

Silid awyo-biswal

Cultural hall

Atbp

6. MGA TAKDANG KAGAMITANG DI DAPAT/DAPAT DALHIN

HALIMBAWA NG DAPAT DALHIN HALIMBAWA NG DI DAPAT DALHIN


ID CELLPHONES
LAPTOP PAGGAMIT NG APOY
CAMERA MATITILOS NA BAGAY
SCHOOL PAPER SAMPLE PATALIM

7. KASUOTAN

Filipiniana

School Uniform

At iba pa
8. PREMYO O GANTIMPALA PARA SA MGA MAGWAWAGI
9. REGISTRATION/ENTRANCE FEE (may mga tagapagtaguyod na humihingi nito, mayroon
din namang wala)

ANG PAGPILI NG MGA HURADO

Kadalasan, ang nagiging suliranin sa pagpili ng mga magwawagi sa isang


patimpalak ay ang pagiging malayo na kinalabasan nito mula sa mga inaasahan ng mga kalahok,
manonood at/o tagapakinig.

Bagama’t hindi natin maaaring labagin ang tuntuning :ANG HATOL NG


INAMPALAN AY PINAL AT DI MAAARING TUTULAN”, ngunit kapag may mga diumanong maling
hatol na taliwas sa panlasaat sa pagpili ng mga manonood at/o tagapakinig, kadalasang inuulan
ng batikos, protesta at kontrobersya ang naganap na patimpalak , humahantong din ito kung
minsan sa di pagkakaunawaan at pagtutungayawan ng mismong mga kalahok na kung di
mapipigil ay humahantong sa berbal o pisikal na away.

Paano ng aba dapat lutasin ang suliraning ito? Sa simula pa lamang ay may
malaking gampanin na ang isang Tagapagtaguyod ng mga Timpalawak Pangwika. Sa sandaling
matapos nang magdesisyonan at mapili kung ano-ano ang mga patimpalak na isasagawa,
kinakailangang maghanap o pumili na ang tagapagtaguyod ng mga tiyak na taong gaganap
bilang mga kasapi sa lupon ng inampalan sabawat patimpalak.

Ang ansabing mga kasapi ng lupon ay kinakailangang magkakaroon ng sapat na


oryentasyon hinggil sa mga KAHULUGAN, KATANGIAN, PARAAN NG PAGSASAGAWA, MGA
TUNTUNIN O MECHANICS AT PAMANTAYAN SA PAGPILI NG MGA NMAGWAWAGI ng bawat
patimpalak na kanilang uupuan at huhusgahan.

ANO-ANO BA ANG MGA KATANGIANG DAPAT TAGLAYIN NG MGA KASAPI NG


LUPON NG INAMPALAN?
Mahalagang mabatid ng isang tagapagtaguyod ang mga salik na dapat
maisaalang-alang sa pagpili ng mga kasapi ng Lupon ng Inampalan na magbibigay-hatol sa
bawat uri at kategorya ng itinataguyod na timpalak pangwika.

Ang mga katangiang dapat taglayin ng mga gaganap na kasapi ng Lupon ng


inampalan ay ang sumusunod:

KAALAMAN
Ang pagiging isang inampalan ng anumang paligsahan o patimpalak ay hindi
siang ordinaryong Gawain na maaaring gawin ng kahit a sino lamang. Ito ay may kaakibat na
mga kahingiang pang-akademikong at pang-kognitibo.

Kinakailangang may “proper training” at sapat na kaalamang teknikal ang


sinumang inampalan hinggil sa timpalak na kanyang inuupuan at hinuhusgahan. Kinakailangang
ang inampalan at may sapat na kaalaman hinggil sa mga pamamaraan/pamaraan ng
pagsasagawa ng timpalak ng kaniyang bibigyan ng matalino at mahusay ng pagpili at paghusga
ng mga magwawagi.

Sa mga timpalak pangwika, kalimitan na ang mga nauupong kasapi ng Lupon ng


inampalan ay mga kilalang naging trainer na din o tagapagsanay ng ganitong mga gawainn.
Kung maaari ay isang guro/retiradong guro ng English o Filipino na may sapat na kaalaman sa
pagsasagawa nito.

Kung hindi man, ay may masining at malikhaing mga alagad ng sining mula sa
daigdig ng Teatro, pelikula at Telebisyon. Maaari din na mismong ang may akda ng piyesa ang
anyayahan at kung hindi man ay mga kilalang manunulat, popular man o hindi ngunit may
kaalaman hinggil sa patimpalak na isasagawa.

KASANAYAN

Hindi maaaring maupo bilang kasaping Lupon ng inampalan ang isang taong
walang kasanayan sa timpalak na kaniyang huhusgahan. Hindi mabibigyan ng katarungan ang
magiging desisyon kung ang mismong mga pipiliay walang kasanayan hinggil dito. ANG
KASANAYAN AY PINAHIHINOG NG MGA KARANASAN.

Kung walang karanasan ang mga kasapi ng Lupon ng Inampalan sa naurang mga
Gawain ay nangangahulugang wala pa rin silang sapat na kasanayan upang maunawaan kung
alin sa mga magtatanghal o mula sa mga kalahok ang dapat magwagi sa isang patimpalan.

Simple lamang ang nais nating ipakahulugan dito. Paano mabiigyang-katarungan


ng isang inampalan ang kaniyang ginawang pagpili sa mga magwawagi sa pagsulat ng balita at
pag-aanyo ng mukha ng pahayagan kung wala naman siyang karanasan at kasanayan sa
gawaing ito? Paano niya mapipili kung sino o alin ang mahusay gayong ni minsan sa buhay niya
ay di pa siya nakasulat ng kahit na anong uri ng balita. Paano niya bibigyan ng isang matalinong
hatol at pagpapasya ang isang mahusay na balagtasan o sabayang pagbigkas kung ni minsan ay
di pa siya nakalahok sa mga ganitong Gawain?
Ito ang kadalasan nating naririnig sa mga nag-aanyaya ng mga inampalan? “ SIGE
NA, KAYA MO YAN… MADALI NA YAN PAG NAKAUPO KA NA… BASTA PILIIN MO NA LANG KUNG
ALIN ANG MAGANDA”. Mahirap gawing panukatan ang kagandahan ng isang pagtatanghal.

Maaaring ang isang inampalan ay maakit sa ganda at ringal ng mga ginamit na


props, set, costume at iba pang mga sangkap panteknikal gaya ng mga tunog at musikang
inilapat o di kaya naman ay maakit siya sa mga awit at sayaw gayong ang paligsahan ay
SABAYANG PAGBIGKAS na may higit na tuon at prayoridad sa linaw at lakas ng pagbigkas nng
piyesa na amy tamang pagkakasabay-sabay, koordinasyon ng tinig at kaisahan sa kilos, galaw at
damdamin.

Maraming mga salik at aspekto ang dapat isaalang-alang ng isang inampalan sa


pagpili ng mahusay na kalahok. Maraming mga anggulo ang dapat niyang suriin at pakalimiin
bago maihayag ang matalinong pagpili o paghusga. Maraming mga detalye ng pamantayan ang
marapat lamang na pakatimbang-timbangin.

Hindi ang kagandahang Aestetiko lamang ang dapat na maging konsiderasyon sa


pagpili. Maraming mga pagsipat-sipat sa bawat kanto at sulok upang lubusang masuri ang mga
kalakasan at kahinaan ng isang kalahok nang naaayon sa mga nilalamaan ng pamantayang
dapat makapangyari at maging silbing batayan para sa matalinong pagpili ng mga magwawagi.

MATATAG NA DISPOSISYON

Ang isang taong may kaalaman, karanasan at kasanayan sa isang bagay ay


masasabing buo ang loob, may kumpiyansa sa sarili at may Matatag na Disposisyon. Kailangang
taglayin ng isang inampalan ang katatagan ng disposisyon sapagkat anuman ang maging hatol
ng mga kasapi ng inampalan ay may kaakibat ng mga Protista at batikos.

Ang isang inampalan na may matatag na disposisyon ay di nagpapadala sa


anumang uri ng kontrobersiyang ito bagkus ay buong diplomasya, taglay ang mataas na antas
ng dignidad at pananalita ay buo ang loob na haharapin ang mga nagtatanong at tumutuligsa sa
naging desisyon ng inampalan upang ipaliwanag sa lahat ng mga manonood ang mga naging
batayan nila sa pagpili ng mga magwawagi nang may pagsaalang-alang sa inilahad na
pamantayan sa pagpili.

INTERES SA SINING

Tunay ngang ang mga Timpalak Pangwika ay humahamon sa taglay na


kasiningan at pagkamalikhain ng mga kasapi ng Lupon ng Inampalan. Ang isang inampalan ay
kinakailangang may interes sa mga masining at malikhaing pagsulat at pagtatanghal.
Ang interes na puhunan niya sa mga ganitong Gawain ay nagpapakilala din ng
kaniyang pagiging malikhain, at ang mga ito ang magsisilbing pundasyon sa pagsusuri at
pagbibigay-hatol niya sa iba’t ibang mga interpretasyong ikinakapit at inilalapat sa mga
piyesang ginagamit sa patimpalak. Hindi magiging kabagot-bagot para sa kanya ang
panonood/pakikinig/pagbasa sa iba’t ibang mga kalahok kung may interes siya sa ganitong mga
larang.

DISIPLINA

Ang pagkakaroon ng tamang disciplinang pansarili at disiplina sa larangan na ito


ng masining at malikhaing mga Gawain ay inaasahang tinataglay ng bawat isang kasapi ng lupon
ng inampalan. Angmaagap na pagdating sa oras ay isang pansariling disiplinang una sa lahat ay
dapat taglayin ng isang inampalan.

Kinakailangang dumating siya nang mas maaga pa sa takdang oras ng


pagsisimula ng patimpalak. Hindi magandang impresyon ang maiiwan ng isang inampalan na sa
tuwina’y dumarating nang huli at palagaing siya na lamang ang hinihintay kaya hindi pa
makapagsimula ng patimpalak o pambukas na palatuntunan. Ang taglay na disiplina sa ganitong
larangan ay magbibigay sa kanya ng isang impresyong karapatdapat nga siyang maging isang
inampalan, na dapat igalang, hangaan at pamarisan.

PERSONALIDAD

Sa tikas, tindig at pananamit at pangkalahatang personalidad ng isanginampalan


ay mahalang salik upang makuha niya ang simpatya at tiwala sa kanya ng mga kalahok at ng
mga manonood/tagapakinig.

Mahalagang maiangkop ng isang tagapanayam ang kaniyang kasuotan kundi man


sa pagdiriwang o okasyong ginaganap ay kinakailangang maging angkop na isuot sa isang pang-
akademikong institusyon at maging katangap-tangap para sa mga mag-aaral, guro at mga
magulang na dumadalo at nakikiisa sa gawaing ito.

Ang mabini o mapinong kilos, maingat na mga pananalita, maayos na pananamit,


at kaaya-ayang bukas ng mukha sa pamamagitan ng palagiang pagngiti at pagbati sa bawat
isang naroroon ay nagpapakilala ng isang mahusay na personalidad ng isang inampalan.

ANO-ANO BA ANG MGA TIMPALAK PANGWIKA NA KADALASANG NILALAHUKAN NG ATING


MAG-AARAL?

Taon-taon na lamang ay paulit-ulit lamang ag mga patimpalak na itinataguyod sa


mga paaralan. Mahalagang malaman natin kung ano-ano ang kahulugan, kahalagahan,
katangian, paraan ng pagsasagawa, tuntunin, at mga pamantayan sa bawat isang uri ng
timpalak pangwika upang maging madali na ang gagawin nating paghahanda at pagsasanay
taon-taon upang magwagi sa inba’t ibang patimpalak na ito.

Maituturing nating DIGMAAN ng INTERPRETASYON ang mga ganitong Gawain


kung kaya’t kinakailangang maging malinaw sa atin na ang pagkakaiba-iba ng magiging mga
kalahok ay sa interpretasyon lamang ngunit kinakailangang ang lahat ay may pagkakatulad at
sumusunod sa iisang tuntunin, pamamaraan ng pagsasagawa, at pamantayan.

Sa isang Madulang Sbayang Pagbigkas halimbawa, maaaring magkapit o


maglapat ang kaniya-kaniyang interpretasyon ang bawat trainer o tagapagsanay ngunit
kinakailangang katulad pa rin siya ng ibang trainer o tagapagsanay na sumusunod sa bilang ng
kalahok, haba ng pagtatanghal, at iba pang itinakdang tuntunin o istandards ng pagsasagawa.

Sa aklat na ito ay isa-isanating tatalakayin ang iba’t ibang uri ng mga TIMPALAK
PANGWIKA na itinataguyod sa iba’t ibang paaralan sa Wikang English man o Filipino. Kikilalanin
natin ang bawat timpalak pangwikang ito ayon sa:

 KAHULUGAN
 KAHALAGAHAN
 KATANGIAN
 PARAAN NG PAGSASAGAWA
 TUNTUNIN
 PAMANTAYAN

ANG MGA PATIMPALAK NA ITO AY ANG SUMUSUNOD:

 JAZZ CHANT
 SPEED CHOIR
 READERS THEATER
 CHAMBER THEATER
 ORATION
 DECLAMATION
 INTERPRETATIVE DANCE
 MADULANG SABAYANG PAGBIGKAS
 ISAHANG PAGBIGKAS
 TALUMPATI
 MASINING NA PAGKUKWENTO
 PAGSASATAO
 MADAMDAMIN AT MADULANG PAGBASA NG KWENTO
 BROADCASTING
 ESSAY WRITING
 PAGSULAT NG BALITA
 PAGSULAT NG LATHALAIN
 PAGSULAT NG EDITORYAL
 PAGSULAT NG BALITANG PAMPALAKASAN
 EDITORIAL CARTOONING
 PAGSULAT NG ULO NG BALITA
 MOVIE TRAILER
 AT IBA PA

ANG JAZZ CHANTS

 KAHULUGAN

Ang Jazz Chants ay isang mabisa at kasiya-siyang paraan upang maging kawili-wili para sa
mga mag-aaral ang pagkatuto ng wikang Ingels sa tulong ng mga ritmo at intonasyong iknakapit
o inilalapat sa wika.

Ginagamit ito upang magbigay-diin sa isang tiyak na kasanayang nais linangin ng mga guro

Das könnte Ihnen auch gefallen