Sie sind auf Seite 1von 1

LOCAL CHILD PROTECTION LAW PASADO NA SA CDO!

Lalong hinigpitan ngayon ng local na pamahalaan ng Cagayan de Oro ang


proteksyon para sa mga kabataan.

Itoy matapos inaprobahan na ng majority member ng City council, ang


Child Protection Ordinance na ipinasa sa konseho nitong syudad.

Ayon kay Konsehal Edna Dahino, abot hanggang langit ang kanyang saya
at tagos hanggang lupa ang kanyang pasasalamat sa kanyang mga
kasamahang konsehal.

Malaman na ilalim ng Approved Ordinance Number 13195-2018, nakasaad


na mapaparusahan nito ang mga magulang na mapapatunayang may
kasalanan sa pagpapabaya sa kanilang mga anak at magbibigay daan sa
kanilang mga anak na minor de edad, na lalabas ng bahay na walang
kasamang may idad na.

Ipinasa ito ni konsehal Dahino upang maiwasan ang Child Trafficking


nitong syudad.

Nakalosot man ang nasabing Ordinansa, dumaan ito sa butas ng karayom


o mahigpit na debate.

Itoy dahil sinigurado ng mga opisyal na hindi ito taliwas sa mga provisions
na nakasaad naman sa National Child Protection Law.

Isa sa nagpatibay nito si City Councilor Leon Gan at kabilang sa kanyang


bunago ang Provision na mandatory na ginawang directory na lamang
upang hindi konfkekto sa naunang batas ng bansa na nagbibigay
proteksyon sa mga kabataan.

Das könnte Ihnen auch gefallen