Sie sind auf Seite 1von 8

Mga Pambansang Pagdiriwang

Ang mga okasyong ipinagdiriwang sa buong kapuluan ay yaong


napakahalaga sa kasaysayan at lipunan. Nakikiisa ang bawat isa sa mga
Pilipino sa pagdaraos ng mga ito kaya't tinatawag itong pambansang
pagdiriwang. Karaniwang idinedeklarang pista opisyal o walang pasok sa
mga opisina at paaralan ang mga pambasang pagdiriwang.

Bagong Taon

Tuwing unang araw ng Enero


ipinagdiriwang ang Bagong Taon.
Masayang sinasalubong ito bago
maghating-gabi ng Disyembre 31.
Masayang sama-samang kumakain at
nagkukuwentuhan pa ang mga kasapi ng
mag-anak. Nag-sisimba, nagbabatian, at nag-iingay pa sila nang buong sigla
sa pagsalubong nito. Ginagawa pa nila itong family reunion. Dito ipinapakita
ang pagbubuklud-buklod ng pamilya.

Araw ng Rebolusyong EDSA

Makaysaysayan ang araw na ito.


Ipinagdiriwang ito tuwing ika-25 ng Pebrero.
Ang araw na ito ang naging hudyat ng pagbalik
ng kalayaan ng mga mamamayan mula sa
rehimeng diktador. Nagkaisang nagtungo ang
libu-libong mga Pilipino sa EDSA noong
Pebrero 22-25, 1986. Ito ay sa harap ng Camp
Aguinaldo at Camp Crame. Sinuportahan ito ng
mga mamamayan. Tinawag itong Rebolusyong
EDSA o EDSA Revolution. Tinatawag din itong
People's Power Revolution o Rebolusyong
Lakas-Sambayanan at Rebolusyon ng Pebrero.
Araw ng Kagitingan

Ang krus sa tuktok ng Bundok Samat sa Bataan


ang nagpapagunita hinggil sa mga matatapang na
sundalong Pilipino na lumaban sa mga Hapones
noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Dambana
ng Kagitingan ang tawag sa bantayog na ito.
Ginugunita ng bansa ang Araw ng Kagitingan tuwing
sasapit ang Abril 9. Ipinakita rin dito ang pakakaisa
laban sa mga dayuhan.

Araw ng Manggagawa

Ipinagdiriwang tuwing Mayo 1 ang Araw


ng Manggagawa. Pinahahalagahan ang mga
manggagawa dahil sa kanilang mga paglilingkod
sa lipunan. Sila ang tumutulong sa atin sa
pagtugon sa ating mga pangangailangan.
Tumutulong sila upang tayo'y may pagkain
araw-araw, maayos na tirahan, iba-ibang
kagamitan, at iba pang bagay.

Araw ng Kalayaan

Tuwing Hunyo 12 ng bawat taon ginugunita


at ipinagdiriwang ng mga Pilipino ang Araw ng
Kalayaan mula sa España. May parada at pag-aalay
rin ng mga bulaklak sa bantayog ni Rizal. Nag-aalay
rin ng mga bulaklak sa iba pang mga bayani.
Itinataas pa ng pangulo ng bansa ang watawat ng
Pilipinas sa Rizal Park. Marami pang inihahandang
programa, konsiyerto, at kasayahan sa pagdiriwang
na ito. Sama-sama ang mga Pilipino ipinagdiriwang
ang okasyong ito.
Araw ng mga Bayani

Ang Araw ng mga Bayani ay ipinagdiriwang


tuwing Agosto 26 taun-taon. Nag-aalay ang mga
Pilipino ng mga bulaklak para sa kanila. May mga
palatuntunan pa. Pinahahalagahan sa araw na ito
ang mga nagawa ng mga bayani para sa kalayaan at
kapakanan ng bansa.

Mga Pansibikong Pagdiriwang

May iba pang mga pagdiriwang sa Pilipinas. Kabilang dito ay ang mga
pansibikong pagdiriwang. Isinasagawa ang mga ito sa iba't ibang buwan sa
buong taon. Ipinakikita rito ang mga katangian at ilang kaugalian ng mga
Pilipino. Di tulad ng mga pambansang pagdiriwang na idinideklarang pista
opisyal, ang mga pangsibikong pagdiriwang ay karaniwang idinaraos nang
may pasok din sa opisina at paaralan sa buong bansa. Gayunman, may ilang
lugar na nagdedeklarang walang pasok gaya ng Lungsod Quezon kapag
nagdiriwang ng pakakatatag nito tuwing Agosto 19.

Araw ng mga Puso

Tuwing ika-14 ng Pebrero ito. Ipinakikita


natin sa ating mga mahal sa buhay kung gaano
natin sila inaalala. Ipinakikita rin natin ang
kahalagahan nila. Marami tayong ginagawang
paraan upang ipakita ang ating pagmamahal.
Nagkakaisa tayo sa pagdaraos ng pagdiriwang na
ito. Nagbibigayn tao ng kard o anumang alaala sa
araw na ito.
Linggo ng Pag-iwas sa Sunog

Ipinagdiriwang ang Linggo ng pag-iwas sa Sunog sa buwan ng Mayo.


Binibigyang-diin ang mga paraan kung paano tayo mag-iingat sa sunog.
Tinuturuan din tayo sa pag-iwas sa sunog. Natututuhan pa natin ang
nararapat na gagawin kung may sunog. Kapag may sunog sa ating lugar,
nagtutulungan tayo upang mapatay ito. May mga programa pa ang mga
barangay na nagpapakita ng mga paraan ng pag-iwas sa sunog.

Araw ng mga Ina/mga Ama

Mga pagdiriwang na pansibiko ang Araw


ng mga Ina at Araw ng mga Ama. Tuwing
ikalawang Linggo ng Mayo ang pagdiriwang para
sa mga ina at tuwing ikatlong Linggo ng Hunyo
ang sa mga ama. Ginugunita natin sa mga araw
na ito ang kabutihan ng ating ina at ama.

Linggo ng Wika

Marami paligsahan tuwing sasapit ang buwan ng Agosto. Ito'y mga


patimpalak sa pagtula, pag-awit, at pagsusulat ng sanaysay sa wikang
Filipino. Karaniwang ipinagdiriwang ito sa ika-19 ng Agosto. Ito ang
kaarawan ni Pangulong Manuel L. Quezon, ang Ama ng Wikang Pambansa.
Karaniwang nagkakaisa ang buong bansa sa okasyong ito. Binibigyang-diin
ang pagmamahal sa ating wika. Pinahahalagahan at pinayayaman pa natin
ito. Nakikiisa ang mga Pilipino sa paggamit ng Filipino sa pagpupulong, sa
pagsulat, at sa talakayan.
Araw ng mga Nagkakaisang Bansa

Pagsapit naman ng Oktubre 24, ipinagdiriwang ang Araw ng mga


Nagkakaisang Bansa. Ipinakikita ng pagdiriwang na ito ang ang
pakikipagkaibigan natin sa iba't ibang bansa sa buong mundo.
Pagkakabuklud-buklod ang simbolo nito. Ang Samahan ng mga
Nagkakaisang Bansa ang nagbubuklod upang lubos na magkaunawaan at
magkaisa ang mga bansa. Pagtutulungan ang isa pang layon nito. May mga
palatuntunan din inihahanda rito. Hindi lamang sa paaralan kundi pati na sa
telebisyon at radyo.

Mga Pagdiriwang na Panrelihiyon


Marami pagdiriwang na panrelihiyon sa Pilipinas. Isinasagawa rin ito
sa iba't ibang buwan sa buong taon. Makikita rito ang mga kaugalian at
katangiang Pilipino

Pasko

Mahalaga para sa mga kapatid nating


Kristiyano ang pagdiriwang ng Kapaskuhan
tuwing ika-25 ng Disyembre. Araw ito ng
paggunita sa pagsilang ni Jesus, ang Anak ng
Diyos ng mga Kristiyano. Misa de gallo o
simbang-gabi ang hudyat ng pagdiriwang ng
Kapaskuhan. Nagsisimula ito sa ika-16 ng
Disyembre. Ang misa de gallo ang
magkakasunod na siyam na simbang-gabi
hanggang sumapit ang araw ng Pasko.
Nagkakaisa ang mga Pilipino sa pagdiriwang
nito. Marami ang dumadalo sa misang ito.
Sama-samang nagsisimba ang mag-anak dito.

Pagmamahal sa bawat isa ang mensaheng ipinahahatid sa atin tuwing


sasapit ang Pasko. Isang araw rin ito para sa mga mahal sa buhay - mga
kamag-anak at mga kaibigan - at pati na rin ng mga kaaway. Kailangang
maghatid ang bawat Kristiyanong Pilipino ng kapayapaan hindi lamang sa
buong bansa kundi pati na rin sa buong mundo. Kung kaya't dapat tandaan
na ang mensahe ng Pasko ay pagmamahal at kapayapaan. Tanda rin ito ng
pagkakabuklod ng mga mag-anak. Nagsasama-sama rito o nagkakaroon ng
reunion ang mga kasapi ng mag-anak.

Isa pang napakagandang pagdiriwang kung Pasko ang parada ng


makukulay at maiilaw na parol na yari sa San Fernando, Pampanga. Dinarayo
ng mga turista ang paradang ito.

Ati-atihan

Ito ay pagdiriwang sa Kalibo, Aklan. Tatlong


araw ito ng pag-awit at pagsayaw sa mga daan.
Nagpaphid ng uling o anumang itim na pangkulay
sa buong katawan ang mga sumasali sa parada.
Nagsusuot pa sila ng makukulay na kasuotan
habang nagsasayaw sa saliw ng tugtog ng mga
tambol sa kalsada. Hawak ang imahen ng Santo
Niño ng isang ati habang sumsayaw. Sumisigaw
naman ng "viva" ang iba sa kanilang pagsasayaw.
"Mahabang buhay' ang kahulugan ng salitang viva.

Mahal na Araw

Isang napakahalaga at natatanging


tradisyon ito ng mga Katolikong Pilipino.
Nagkakaisa ang ito sa pagdaraos nito.
Karaniwang makaririnig ng pabasa sa baryo,
kapilya, at pati na sa mga tahanan na
ikinukuwento ang buhay ni Cristo. Penitensiya
naman ang tawag sa ginagawa ng mga
Pilipinong nagpapasakit o namamanata
tuwing Mahal na Araw, Kanilang
pinahihirapan at pinarurusahan ang sarili sa
pagdadala ng krus o pagpalo at pagsugat sa kanilang mga katawan. Isang
prusisyon ng mga rebulto ni Cristo at iba pang santo ang inilalakad sa mga
pangunahing daan ng baryo o bayan tuwing Biyernes Santo. Maingay at
masayang naririnig ang kampana ng lahat ng simbahan tuwing Linggo ng
Pagkabuhay upang ipabando o ipahayag ang muling pagkabuhay ng ating
Panginoon.

Pahiyas

Isang tradisyon din ito. Pinararangalan


dito ang santo ng mga magsasaka na si San
Isidro de Labrador. Nagkakaisang nagsasabit
ang mga taga-Quezon ng mga produktong-
bukid at katutubong pagkain sa pintuan at
mga bintana ng kanilang bahay.

Isang Bahagi ng pagdiriwang ng San


Isidro ang pagbasbas sa mga kalabaw.
Ipinaparada ng mga magsasaka ang kani-
kanilang mga kalabaw patungo sa simbahan
upang mabasbasan ng pari. Naniniwala sila na malalayo sila at ang kanilang
mga kalabaw sa mga sakit at aksidente sa pagbasbas na ito. Isang makulay na
pagdiriwang ito na kinalulugdan ng lahat sa Quezon tuwing buwan ng Mayo.

Santakrusan

Ito ang isa pa ring kasayahan. Ang


santakrusan ay isinasagawa kung Mayo. Isang
prusisyon ito na nagpapakita at isinasadula
ang paghahanap ni Santa Elena sa Banal na
Krus. Maraming naggagandahang kababaihan
sa prusisyong ito na kumakatawan kay
Birheng Maria at iba pang mga babaing tauhan
sa Bibliya at mga akadang kaugnay nito.
Pista ng Peñafrancia

Isang kapistahan ang idinaraos tuwing


Setyembre 17 sa Lungsod ng Naga, Camarines
Sur sa rehiyon ng Bicol. Isang prusisyon sa ilog
ng mapagmilagrong imahen ng Birhen ng
Peñafrancia ang dinarayo sa pagdiriwang na
ito. Isinasagawa ang prusisyong ito sa Ilog ng
Naga at kalalakihan lamang ang lumalahok.
Magandang nilagyan ng palamuti ang trono ng
birhen na nasa isang kasko.

Araw ng mga Patay o Todos los Santos

Ipinagdiriwang ito tuwing unang araw ng Nobyembre. Ginugunita at


pinararangalan ang mga namatay na kamag-anak sa araw na ito. Karaniwang
nagtutungo ang mga Pilipino sa sementeryo upang magsindi ng mga kandila, mag-alay
ng mga bulaklak at pagkain, at magdasal para sa namatay na mga mahal sa buhay.
Nagkakaisa rin ang mga Pilipino sa pagsasagawa ng mga kaugaliang ito.

Ramadan

Isang buwang pagdiriwang ito ng ating mga kapatid na Muslim sa Timog


tuwing Marso hanggang Abril. Sama-sama at nagkakaisa rin sila sa pagdiriwang ng
okasyong ito. Mahalagang pagdiriwang ito sa kanila. Idinaraos ang kaugalian at
tradisyong ito ng mga tagasunod ng Islam sa buong mundo. Nagsusuot ng mahabang
belo sa kanilang mukha ang mga babaing Muslim kapag nagtutungo sila sa kanilang
mosque. Nangingilin or nag-aayuno ang lahat ng mga Muslim sa mga pagdiriwang na
tulad nito. Nagdarasal sila kay Allah na kanilang Panginoon. Ginugunita nila ang
pakakahayag o rebelasyon ng Koran kay Mohammmed, ang propeta ng Islam.
Nagbabasa pa sila ng Koran. Ang Koran ay banal na aklat ng mga Muslim.

Hari Raya Puasa

Pagkatapos ng Ramadan, ipinagdiriwang ng mga kapatid nating Muslim ang


Hari Raya Puasa. Isa itong pasasalamat nila. Nagsisimula at ginigising sila ng malalakas
na ingay ng mga tambol. Agad silang nagbibihis ng kanilang magagarang kasuotan at
nagtutungo sa mosque. Nagdarasal sila ng isang oras. Imam ang tawag sa kanilang
pari.

Das könnte Ihnen auch gefallen