Beruflich Dokumente
Kultur Dokumente
Ang sistemang pang-ekonomiya ay isang aspeto ng bansa kung saan binibigyang-katugunan ang
pangangailangan at kagustuhan ng tao.
Layunin:
Mapigilan ang labis-labis na paglikha ng mga kalakal o serbisyo at gayundin upang maiwasan ang kakulangan sa
mga bagay na ito
Piyudalismo
Merkantilismo at
Kapitalismo
Komunismo
Sosyalismo at
Pasismo
Samakatuwid, masasabing walang perpektong sistema na aangkop sa isang bansa. Ito ay nangangahulugan na
maaring mabago pa ang mga nasabing sistema alinsunod sa mga pangangailangan ng isang ekonomiya. At ito ay
posible sapagkat sa araw-araw na pamumuhay, nagbabago ang mga pangangailangan ng tao. Ngunit, kaakibat pa
rin nito ay ang paglilikha ng mga sistemang makakatulong ng malaki sa lipunan at hindi isang uri ng sistemang
iilan lamang ang makikinabang.
Merkantilismo – sumikat ito noong 16th century sa Western Europe. Ito ang sistemang namayaning pang-
ekonomiyang kaisipan na gumagabay pagdating sa mga patakaran ng napakaraming bansa sa buong daigdig nuong
mga naunang panahon. Nagbibigay ito ng mga kaisipang nagsusulong na ang kapangyarihan ng isang partikular na
bansa ay nakadepende sa dami ng suplay ng mga ginto at pilak. Noong unang panahon, nakadepende ang
pagkakaroon ng kapangyarihan at pamumuno ng isang pinuno sa dami ng ginto at pilak na mayroon ang isang tao.
Maraming bansa sa Europa ang nagtuon ng pansin sa pagkolekta ng napakaraming ginto at pilak na kanilang
ginawa sa pamamagitan ng pananakop sa mga bansang mahihina. Karagdagan nito, ang sistemang Merkantilismo
ay isang sistemang pang-ekonomiya na ang isang bansa ay uunlad sa pamamagitan ng pagpigil sa pag-angkat at
pagsuporta sa pag-export ng mga kalakal. Sapagkat, ang pangunahing layunin ng Merkantilismo ay ang
pagkakaroon ng isang balanseng pangangalakal na magdadala ng ginto at pilak sa bansa at pagpapanatili ng
tinatawag ng domestic employment. Kabilang sa mga bansang gumamit ng sistemang ito ay ang mga bansang:
Espanya
Pransya at
Britanya
*Ano nga ba ang Merkantilismo? Bakit isinilang ito?
Ang merkantilismo ay sistemang pangkabuhayan na nagbibigay diin sa akumulasyon ng ginto at pilak, pagtatag
ng mga kolonya at regulasyon ng kalakalang panlabas upang pakinabangan ng bansang mananakop.Sa pagsilang
ng merkantilismo,ang Europeo ay naniniwala na may malaking magagawa ang ginto at pilak sa pagtupad ng
kanilang adhikain.
Naniniwala ang mga Europeo na may malaking magagawa ang ginto at pilak sa katuparan ng kanilang adhikain.
Ang Merkantilismo
• Ito ang namayaning kaisipan pang-ekonomiya na gumagabay sa mga patakaran ng maraming bansa sa daigdig
noong unang panahon.
Isinusulong nito ang kaisipan na ang kapangyarihan ng isang bansa ay nakasalalay sa dami ng ginto at pilak dahil
sa panahong iyon, nakasalalay ang pamumuno at pagkakaroon ng kapangyarihan ng isang pinuno sa dami ng ginto
at pilak.
• Naniniwala sila na dapat ang presyo at halaga ng kalakal ay nasa pantay – pantay na kategorya
• Yumaman ang Portugal dahil sa kalakalan ng mga alipin (Africa) at spice o pampalasa (Asia)
• Dinagdagan ang mga produktong galing sa ibang bansa at itinataas din ang butaw.
• Pinahintulutan ni Queen Elizabeth I ang East India Company na palaganapin ang komersyo sa Asya at kalapit-
bansa sa Silangan.
Kinailangan nila ang maraming magtatrabaho sa kanilang mga taniman na halos isang pamayanan.
• Nagwakas ang kalakalan ng mga alipin pagkatapos ng digmaang sibil noong 1861 – 1865.
Mga Epekto
• Noong ika 16 na siglo, naniniwala ang mga bansang Europeo na ang ekonomiya ay maaaring maging instrumento
ng pagtaas ng pambansang kapangyarihan. Ang merkantilismo rin ang naghaharing doktrinang pang-ekonomiya
noon sa Europa. Naniniwala na ang tunay na kayamanan ng isang bansa ay ang kabuuang dami ng ginto at pilak na
mayroon ito.
France
Great Britain
Netherlands
Russia
Spain
"Adam Smith and David Hume were the founding fathers of anti-mercantilist thought. A number of scholars found
important flaws with mercantilism long before Adam Smith developed an ideology that could fully replace it.
Critics like Hume, Dudley North, and John Locke undermined much of mercantilism, and it steadily lost favor
during the 18th century."
Komunismo – ito ay ipinatupad sa Russia noong 1927 ni Vladimir Ilich Lenin na mas popular sa pangalang Lenin.
Samantala, pinalaganap ang komunismo sa Tsina noong 1949 sa pamumuno ni Mao Zedong na mas kilala sa tawag
na Mao Tse-tung. Ito ay isang uri ng sistema kung saan lumilikha ng makataong lipunan na hindi tumitingin sa
kaurian o estado. Ito ay may layunin na manindigan sa panlahatang pagmamay-ari at sa matibay na prinsipyong
“Galing sa bawat isa base sa kanyang kakayahan, para sa bawat isa base sa kanyang mga pangangailangan.”
Mahigpit na ipinagbabawal sa sistemang ito ang pagmamay-ari ng mga pribadong industriya. Ang mga aklat na
isinulat nina Karl Marx at Freidrich Engels ang itinuring na bibliya ng mga komunismo.
Communist Manifesto at
Das Kapital
Ang Komunismo (mula sa Latin na communis, para sa lahat o pankalahatan) ay isang ideolohiya na ekonomiko,
pilosopikal, politikal at sosyal na umaayon sa pagtatag ng organisasyong panlipunan na walang estado at
kaantas-antas batay sa pantay na laki o height sa gamit ng produksiyon na tinatawag na lipunang komunista, na
nakabalangkas sa pagmamay-ari ng buong lipunan ng means of production at pagkawala ng salapi at ng klaseng
sosyal. Maaring isa itong sanga ng kilos sosyalista. Ang komunista ay tumubo sa maraming uri na nangaling sa
iba't ibang tao at kultura. Mga example ay ang Maoismo, Trotskismo, Luxemburgismo, anarkismo-komunismo.
Si Karl Marx ang nagbuo ng isip ng komunismo sa libro niyang Manipestong Komunista na tinapos ng taong 1848.
Sa isang komunistang bansa, hindi pinapayagan ang mga mamamayan na makilahok sa pamamahala. Hindi sila
nagtataglay ng mga karapatan at itinuturing silang walang kalayaan. Higit na tinatangkilik ng mga bansang hindi
umuunlad ang komunismo. Marahil, naiimpluwensyahan sila ng paniniwalang sa lipunang komunismo, pantay-
pantay ang mga tao.
Ang panlipunang pag-aari na ito ng lahat ng produktibong pwersa at sa mga kagamitan ng produksiyon ay
tanging ang proletaryado lamang ang makagagawa: isang pinagsamantalahang uri, na walang pang-
ekonomiyang pag-aari, at kumikilos bilang isang produktibong kolektibidad.
Sosyalismo – sa sistemang sosyalismo, pag-aari ng pamahalaan ang mga primyerang industriya o gawain gayundin
ang mga gamit sa produksyon. Pinapayagan rin sa sistemang ito ang mga tao ng magmay-ari ng mga maliliit na
negosyo ngunit mga uri ng negosyo na maari pa ring kontrolin ng pamahalaan. Gayundin ang mga pribadong
sektor na magmay-ari ng mga negosyo at pagkakaroon ng mga pribadong pag-aari. Ang pangunahing layunin nito
ay ang pagkakaroon ng patas o magkakapantay-pantay na mga tao sa isang bansa. Ang pagkakamit ng tinatag na
“welfare state” ay isang daan upang maibigay ang mga pangangailangan ng lahat ng tao. Ito rin ay masasabing
pinaghalong ekonomiya dahil sa pagpapairal ng “command” at “market “ na ekonomiya.
Ang ekonomiyang may malayang pamilihan ay isang ekonomiyang kinapapalooban ng lahat ng mga pamiliihan
na hindi tinataban o pinasusunod sa gawi o kagustuhan ng anumang mga partido, maliban na lamang sa mga
nakikilahok sa pamilihan. Sa pinakadalisay nitong kaanyuhan, ang pamahalaan ay mayroong isang gampaning
walang kinikilingan sa pangangasiwa nito at sa paglikha ng mga batas (lehislasyon) na para sa gawaing pang-
ekonomiya, at hindi rin nagbibigay ng limitasyon dito sa pamamagitan halimbawa ng paglalagay ng regulasyon
sa mga industriya o pagbibigay ng proteksiyon sa mga ito magmula sa mga pagdiin o presyong pangpamilihan na
maaaring magmula sa loob at sa labas. At ang pamahalaan ay hindi rin masiglang nagtataguyod sa o
tumatangkilik sa mga ito, katulad ng sa hindi pagmamay-ari ng mga kagustuhang pang-ekonomiya o hindi pag-
aalok ng mga tulong na pondo (subsidy sa Ingles) sa mga negosyo o sa gawain ng pananaliksik at pagpapaunlad.
Pasismo – sinimulan ito ni Benito Mussolini sa bansang Italya noong 1922. Samantalang si Adolf Hitler naman
ang nagpakilala nito sa Alemanya. Ito ay makalumang pamamaraan ng pamumuno na pinangungunahan ng isang
diktador na mayroon namang absolutong kapangyarihan. Ito ay isang uri ng pinuno na may istriktong paraan ng
pamumuno at ang kanyang mga nasasakupan ay may tiyak na disiplina. Isang magandang halimbawa ng isang
diktador na may istriktong pamumuno ay si Adolf Hitler. Ipinagbabawal sa sistemang ito ang pag-angkat ng
produkto galing sa ibang bansa. Samantala, ang mga tao ay walang karapatang sumuway at magreklamo sa
itinatadhana ng batas ng pamahalaan.
Ang Pasismo o Fasismo (mula sa Italyanong fascismo na binibigkas na [fa·shíz·mo]), kapag malaking titik, ay ang
dating awtoritaryang kilusang politikal na namayani sa Italya mula 1922 hanggang 1943 sa ilalim ng pamumuno
ni Benito Mussolini. Kumalat sa buong Europa ang mga katulad na kilusang pampolitika sa pagitang ng Unang
Digmaang Pandaigdig at Ikalawang Digmaang Pandaigdig at kinuha ang mga ilang anyo ng Nazismo at
pasismong klerikal. Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ginagamit sa pangkalahatan ang
neopasismo upang isalarawan ang mga kilusan na may nakitang katangian ng pagiging pasista.
Iniuri ang pasismo sa pamamagitan ng mga pagsubok ng estado na ipataw ang pagpipigil sa lahat ng aspeto ng
buhay. Maraming iskolar na binibilang ang pasismo na bahagi ng, o kasama sa koalisyon, sukdulang makakanan
na politika. Ngunit di matapos ang debate at argumento ng mga nasa akademya sa kahulugan ng pasismo.
Malinaw na may elemento ng parehong kaliwa at kanang ideolohiya ang pagsulong na Pasismo.
Pinahaba ang kahulugan ng makabagong kolokyal na gamit ng salita sa mga katagang pasismo at neopasismo
na tumutukoy sa kahit anong totalitaryong pananaw sa kahit na anong uri ng ideolohiyang pampolitika,
bagaman nalulungkot ang mga iskolar dito. Ginagamit minsan ang salitang "pasista" sa isang hiperbolikong
dagnay na pampolitika.
Bilang sistemang pampolitika, tumuturing ito sa isang sistemang nagtatampok, pumupuri, dumarakila, nag-
aangat ng antas o uri, o nagpapatingkad ng nasyon at lahi o lipi, na hindi nagpapahintulot ng pagkalaban o
oposisyon, at nagpapanatili ng pagtaban o kontrol sa lahat ng mga aspeto ng mga buhay ng mga mamamayan
ng bansang nasa ilalim ng ganitong sistema.[1]
Nagmula ang salitang "pasismo" sa salitang Italyo na fascio, na ibig sabihin ay "bigkis", na parang sa politika o
militanteng grupo o sa isang bansa, ngunit nagmula din sa fasces (mga baras na binigkis sa palibot ng palakol),
na naging simbolo ng lumang Roma sa awtoridad ng mga mahistrado. Nakilala ang Italyanong 'Fascisti' bilang
Mga Itim na Baro para sa istilo ng uniporme na nilalagay sa itim na baro (Tingnan din: kulay pampolitika).
Kadalasang nasa kapital na "P" ang Pasismong Italyano, dahil ito ang magulang ng pangkalahatang pasismo
(maliit na "p"). Tinuturing na modelo ng ibang anyo ng pasismo ang Italyanong Pasismo, sa kabila noon mayroon
pa ring di pagsangayon sa kung anong aspeto ng kayarian, taktika, kultura at ideolohiya ang kinakatawan ng
"pinakamababang pasista".
Kolonyalismo – ito ay isang sistema ng ugnayan sa pagitan ng mga bansa sa buong mundo kung saan sinasakop ng
mga bansang malalakas ang mga bansang mahihina upang direktang mapakinabangan. Ito ay isang uri ng sistema
kung saan makakaramdam ng panliliit ang mga mahihinang bansa at makakaramdam naman ng sobrang
kapangyarihan ang mga malalakas na mga bansa.
Ang kolonyalismo ay ang tuwirang pananakop ng isang bansa sa iba pa upang mapagsamantalahan ang yaman
nito o makuha rito ang iba pang pangangailangan ng mangongolonya. Ang kolonyalismo ay madalas na
naihahalintulad sa Imperyalismo ngunit ang dalawa ay mayroong pagkakaiba."Maaaring magsilbing baseng
pangkalakal o pangmilitar ang kolonya".[1] Mayroon din itong gamit sa paglalakbay ng mga tao sa ating bayan.
Ang sinasabing tradisyon na ekonomiya ay ang itinuturing na kauna-unahang anyong sistema ng ekonomiya. Ang
mga ginagawang desisyon ay laging nakabatay alinsunod sa tradisyon, paniniwala at kultura ng mga tao sa isang
lugar na kinabibilangan. Halimbawa ng mga ito ay:
Kumpara sa ibang mga pamamaraan, sa tradisyunal na ekonomiya ang mga nagdedesisyon ay ang mga tribo,
komunidad at pamilya sa kung ano ang mga produktong bubuuin, kung paano ito bubuuin at kung para kanino
ito ipamamahagi. Ito ay umiikot lamang sa mga pangunahing pangangailangan ng tao katulad ng mga:
Damit
Pagkain
Tirahan
Ang mga tao ay hindi na nahihirapan pagdating sa paghahanap buhay sapagkat ang mga trabaho noon ay
pangingisda, pagsasaka at pangangaso lamang. Sa madaling salita, napakapayak ng pamumuhay ng mga tao sa
ekonomiyang ito. Kung ano ang mga bagay na kanilang matatagpuan sa kanilang mga paligid ang siya nilang
gagamitin at papakinabangan.