Sie sind auf Seite 1von 1

#BCFConfessions

KUNDIMAN

Duwag ako. Oo, duwag ako. Duwag ako kasi alam kong sa huli, hindi ko maipaglalaban kung
ano yung meron tayo.

Mahal, sa araw-araw na ginawa ng Diyos, yung kantang "Kundiman" ng Silent Sanctuary yung
palaging tinutugtog ko. Hindi ko alam. Pero sa tuwing naririnig ko yung kanta, ikaw, ako, tayo,
yung unang pumapasok sa isip ko at naiiyak ako. Mahal, alam kong bawal kung ano man yung
meron tayo at di katulad ng mga fairytales na napapanood natin sa tv na nauuwi sa "happily
ever after", yung atin, pang-"once upon a time" lang. Gustuhin ko mang matulad sa
mala-fairytale yung lovestory natin pero alam ko sa sarili ko na imposibleng mangyari. Mahal, sa
ngayon, gusto ko lang sulitin yung mga araw na mahahagkan pa kita. Yung makakasama pa
kita sa saya, yung tipong tayo lang sa mundong to, yung hindi iniisip yung ibang tao, yung basta
masaya lang tayo. Gusto ko sulitin yung araw na kaya ko pang isurprise ka, yung effortan ka,
yung kaya ko pang iparamdam kung gaano ka ka-special sakin, yung ikaw lang lang at ako,
yung walang sila. Mahal, hayaan mong manatili ako sa tabi mo hangga't pwede pa. Hayaan
mong iparamdam at ibigay ko sayo yung mga bagay na deserve mo. Kasi ayokong maghiwalay
tayo nang may sakit at sama ng loob sa isa't isa. Atleast, kahit maghiwalay tayo, masaya pa rin
tayo. Mahal, palagi mong tatandaan ang linyang to. "At kundi man tayo hanggang dulo, wag
mong kalimutan andito lang ako laging umaalalay, hindi ako lalayo." Oo, I will always be right
beside you come what may. I may not be with you everyday but I promise to be with you during
your darkest days. I promise to love you forever kahit wala nang tayo. Because I believe na
hindi kelangan ng label para lang maparamdam mo sa isang tao kung gaano mo siya kamahal.
Yes. Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita despite the odds. Hindi mo man ako
makakasama sa laban nating dalawa pero nasa tabi mo lang ako kapag kelangan mo ng taong
masasandalan. Andito lang ako mahal. Lagi kitang aalalayan sa lahat ng hirap na
pinagdadaanan mo sa buhay.

Mahal, sana wag kang magagalit sakin ha? Ngayon pa lang humihingi na ako ng tawad.
Nagiging honest lang ako mahal. And I'm so fucked up kasi alam kong masasaktan kita ng
sobra.

I'm sorry. Habang tinatype ko to naiiyak ako kasi baka kapag nabasa mo to, baka i-break mo na
ako. Masyado pang maaga kung gagawin mo yan. Gusto ko pa maging masaya araw-araw na
kasama ka.

If only I could, I would do everything to make our once upon a time turn into a happily ever after.

Forever be yours

Das könnte Ihnen auch gefallen