Sie sind auf Seite 1von 7

ALAMAT

Alamat ang tawag sa pasalitang literatura na ipinamana pa sa atin ng ating mga


ninuno. Mga simpleng istorya ito na nagsasalaysay kung saan nanggaling ang
maraming bagay-bagay sa ating kapaligiran.
Ilan sa klasipikasyon ng alamat ay tumutukoy kay Bathala, sa kalikasan, sa kultura, at
sa pinanggalingan ng mga hayop at halaman.
Ang alamat ay isang bahagi ng malawak na kwentong bayan. Lalong
nagkakahugis ang mga ideya ng kapaligiran kung may mga ganitong pasalitang
literatura na naisusulat at naikukuwento sa mga kabataan.
Sinasabi na bukod sa nakaaaliw ito sa mga mambabasa ay nakapagtuturo rin ito
ng aral upang makamit natin ang kabuuang kaunlaran.
May kasabihan tayong, "Ituro mo sa akin ang bansang may mayamang alamat at
ituturo ko sa iyo ang bansang may kulturang ganap."
Sa kahalagahan ng mga ito sa kabuhayang pambansa, marami na ring naisulat
na mga pag-aaral tungkol dito. Maisasama sa listahan ang mga sumusunod: Origin of
Myths Among The Mountain People ni Otley Beyer, 1913; Filipino Popular Tales ni Dean
Fansler, 1921; Philippine Folktales ni Mabel Cook Cole, 1916; The Origin of Earth and of
Man ni Arturo Arcilla, 1923; Mga Alamat ng Pilipinas ni Sofronio Calderon, 1947; A
Collection of Igorot Legends, 1955; Philippine Tales and Fables ni Manuel at Lydia
Arguilla, 1957; Isang Pagsusuri at Pagpapahalaga Sa Mga Alamat At Kuwento ng Nueva
Ecija, 1967; Legends from Mindanao ni Dr. Corazon Martin Roquero, 1976; Tinuray
Tales ni Fernando C. Trecero, 1977; Maranao Folk Literature ni Victoria Adeva, 1978;
at The Myths ni Damiana Eugenio, 1993.
Malayo pa ang mararating ng pasalitang literatura lalo na ang paghabi ng mga
alamat. Sa pamamagitan ng pagsasaliksik ay maaaring madagdagan pa ang kabang
yaman ng ating literatura.

Kwentong Bayan
Kwentong Bayan (//www.pinoyedition.com/kwentong-bayan/) Bukod sa alamat, may
mga kwentong bayan din ang ating mga ninuno. Ang kwentong bayan ay kwentong
walang may-akda. Nagpalipat-lipat lamang ito sa bibig ng mga tao.
Ang kuwentong-bayan (Filipino: folklor) ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na
mga tauhan na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari,
isang marunong na lalaki, o kaya sa isang hangal na babae. Karaniwang kaugnay ang
kwentong-bayan ng isang tiyak na pook o rehiyon ng isang bansa o lupain. Kaugnay
nito ang alamat at mga mito.

Halimbawa ng Kwentong Bayan


Ang Sayaw ng Mandirigma (/kwentong-bayan/ang-sayaw-ng-mandirigma/)
Nilubid na Abo (/kwentong-bayan/nilubid-na-abo/)
Si Juan at ang Alimango (/kwentong-bayan/si-juan-at-ang-alimango/)
Si Wigan at si Ma-i (/kwentong-bayan/si-wigan-at-si-ma-i/)
Alamat ng Ampalaya
Alamat ng Ampalaya (/mga-alamat/alamat-ng-ampalaya/) NOONG ARAW, sa bayan ng Sariwa
naninirahan ang lahat ng uri ng gulay. Dito makikitang naghahabulan sina Labanos at Mustasa.
Nagpapatintero rin sina Bawang, Sibuyas, Upo at Patola. Nagtataguan sina Singkamas, Talong,
at Luya habang nagluluksong-baka sina Kamatis at Kalabasa. Isang araw, umusbong ang isang
kakaibang gulay. Siya'y si Ampalaya. Maputlang-maputla ang kulay ng balat niya at sa kahit
anong lasa'y salat siyang talaga! Dahil dito, unti-unting pumulupot ang mabalahibong inggit sa
katawan ni Ampalaya. Naging bugnutin siya at maiinitin ang ulo. Lahat ng gulay na lumapit sa
balag niya ay binubulyawan niya. "Wag kayong lumapit sa akin! Hindi ko kayo kailangan! Layas!"
Dahil dito, nilayuan tuloy siya ng lahat ng gulay sa bayan ng Sariwa. ISANG MAALINSANGANG
gabi, isang maitim na balak ang namulaklak sa utak ni Ampalaya. "Kailangang magkaroon din
ako ng lasa, kulay at ganda tulad ng ibang mga gulay!" bulong ni Ampalaya sa sarili. Habang
nananaginip ang mga gulay, isinagawa ni Ampalaya ang kaniyang balak. Dahan-dahan,
gumapang siyang papalapit sa balag ng mga walang kamalay-malay na biktima. Sinunggaban
niya ang tamis ni Kalabasa. Isinilid din niya sa bayong ang asim ni Kamatis, pati na ang anghang
ni Luya. Nakita rin niyang nakasampay sa bintana ang kaputian ni Labanos. Agad niyang kinuha
ito. Sinaklot din niya ang lilang balat ni Talong at ang luntiang pisngi ni Mustasa. Ipinuslit din
niya ang lutong ni Singkamas, ang manipis na balat ni Sibuyas, ang malasutlang kutis ni Kamatis
at maging ang gaspang ni Patola. "Ha! Ha! Ha! Ha! Sa wakas! Nasa akin na ang lahat ng lasa,
kulay, at ganda! Siguradong kaiinggitan ako ng lahat ng gulay!" sabi ni Ampalaya sa sarili.
KINABUKASAN, umalingasaw ang balita tungkol sa nakawang naganap. Nagtipon-tipon ang
lahat ng gulay. Lumuwa ang mga mata ng lahat nang biglang dumating ang isang di-inaasahang
bisita: isang dayuhang gulay. Iba't iba ang kulay ng balat niya at kaya pa niyang mag-iba-iba ng
lasa! Kahanga-hangang gulay talaga! Ngunit para kay Kamatis, kaduda-duda ang pagkagulay ng
bisita. Kaya't kinagabihan, tinipon niya ang mga kasamang gulay ay sama-sama silang nanubok
sa balag ng dayuhang gulay. Kitang-kita nila ang dayuhang gulay, nakaharap sa salamin, habang
isa-isang hinuhubad ang mga lasa, kulay at ganda mula sa katawan niya. Nagulat sila nang
tumambad sa harap nila ang isang maputlang gulay: ang bugnuting si Ampalaya! ISINAKDAL SA
HARAP ng Kalunti-luntian, Kasari-sariwaan, Kasusta-sustansiyang Hukuman ng mga Gulay si
Ampalaya. Dumating sa paglilitis ang lahat ng gulay sa bayan ng Sariwa. Nandoon din bilang
hukom ang mga diwata ng Araw, Lupa, Tubig, at Hangin. "Hindi pa nililikha ang gulay na
nagtataglay ng lahat ng lasa, kulay, at ganda ng Kalikasan!" sigaw ng diwata ng Araw. "Ikaw ay
napatunayang nagkasala laban sa batas ng mga gulay at sa batas ng Kalikasan," bulong ng
diwata ng Lupa. "A-ampalaya, ikaw ay parurusahan..." hikab ng diwata ng Tubig. "Bilang parusa,
lahat ng ninakaw mong lasa, kulay, at ganda mula sa mga kasama mong gulay ay mapapasaiyo
na," ugong ng diwata ng Hangin. "Parusa ba 'yon? Ano bang klaseng parusa 'yon?" buska ng
bugnuting si Ampalaya. Pagkaraan ng paglilitis, nangako ang mga diwatang ibabalik nila ang
mga lasa, kulay at ganda ng mga gulay na ninakawan ni Ampalaya. At nang gabing iyon, may
kagila-gilalas na nangyari kay Ampalaya. Nag-away ang lahat ng lasa, kulay at gandang ninakaw
ni Ampalaya sa loob ng katawan niya! Nang magsuntukan ang puti, luntian, lila, dilaw, at iba
pang kulay, nagmantsa ang madilim na luntian sa kaniyang balat. Nang magsabunutan ang kinis
at gaspang, lumabas ang kaniyang mga kulubot. At nang magsigawan ang tamis, asim, at
anghang, lumitaw naman ang pait. MULA NOON, naging madilim na luntian ang kulay ni
Ampalaya. Naging kulubot ang balat niya. At naging mapait ang lasa niya. Ngayon, kahit
masustansiyang gulay si Ampalaya, marami ang hindi nagkakagusto sa kaniya. Pero alam n'yo,
nagsisi na si Ampalaya. Sa susunod n'yo siyang makita sa inyong pinggan, subukan n'yo siyang
tikman at patawarin sa kaniyang mga kasalanan.
Alamat ng Bulkang Mayon
Alamat ng Bulkang Mayon (/mga-alamat/alamat-ng-bulkang-mayon- 1st-version/) - First
Version Noong unang panahon, sa kaharian ng Albay ay may isang makapangyarihang Rajah.
Siya ay may anak na kaakit-akit na ang palayaw sa kanya ng mga tao sa Daragang Magayon na
ang kahuluga'y "Magandang Dalaga." Maraming naakit sa kanyang taglay na kagandahan kaya
di mabilang na mga datu at mga ginoong tanyag ang nag-alay sa kanya ng pagmamahal. Ang isa
sa mga nanligaw ay si Kauen, anak ng mayamang Rajah sa kanugnog na kaharian. Naghandog ng
mahalagang hiyas at ginto ang binata subalit tumanggi sa regalo ang dalaga. Si Kanuen ay
nabigo subalit nagyabang pa na ang dalaga ay magiging kanya pagdating ng araw. Mula sa
malayong Katagalugan narinig ni Gat Malaya ang nabalitang kagandahan ni Daragang Magayon.
Marami siyang mga pagkakataong makaniig ang paraluman subalit nagkaroon ng mga sagabal.
Minsan, malapi sa munting ilog, nakita ang dalagang namumupol ng bulaklak. Kinamaya-maya'y
ang binibini'y nagtampisaw sa batis. Ang binata'y nagparinig ng himig ng masayang awit upang
matawag ang kanyang pansin. Nagkatitigan sila at ang binata'y nginitian. Nabuhayan ng loob
ang prinsipeng Tagalog at ito'y nagsalita, "Magandang Mutya, mula ako sa malayo upang ikaw
ay sadyain at Makita ang tangi mong kariktan!" "Sino ka? Hindi kita kilala! Isa kang pangahas!"
"Ako'y si Gat Malaya, galing sa kahariang malapit ditto. Bigyan mo ako ng isang bulaklak at ako'y
masisiyahan na!" Bantulot na ihinagis ng dalaga ang bulaklak. Dumapo sa mga palad ng binata
at ito'y kagyat na idinampi sa kaliwang dibdib. "Maaari bang kita'y makitang muli?" At
nagsimula ang maraming tipanan ng dalawa sa makasaysayang batis. "Isang araw," mungkahi
ng lalaki, "kita'y iniibig. Tayo'y pakasal!" "Ngunit ang Rajah? Ang aking ama?" may alinlangang
paliwanag. "Dapat niyang malaman!" "Huwag kang mag-alala! Hihingin ko ang kamay mo sa
kanya!" Pumayag ang Rajah. Ang batang prinsipe ay kanyang nagustuhan pagkat magalang at
nakakahalina kung kumilos. Itinakda ng Rajah ang kasal sa pagbibilog ng buwan, matapos ang
anihan. Nagpaalam si Gat Malaya upang ipabatid sa kanyang mga magulang ang itinakdang
kasalan. Kakaunin niya ang ama't ina at silang tatlo ay babalik sa Albay. Nabalitaan ni Kauen
(nabigong manliligaw) ang napabalitang pag-iisang-dibdib. Kanyang sinamantala ang
pagkakataong wala si Gat Malaya. Pinuntahan niya si Daragang Magayon. Matigas ang
pagtanggi ng dalaga sa kabila ng mga pagbabala: "Kung hindi kita makamtan, walang
magkakamit sa iyo sinuman!" Ang prinsesa ay natakot dahil sa pagbabala sa buhay niya at sa
kanyang ama. Siya'y sumagot, "Ako'y magiging iyo kung si Gat Malaya ay hindi bumalik!"
Nagtumulin ang mga araw at mga lingo. Malapit na ang tag-ani ngunit wala pa si Malaya. Hindi
pa siya nagbabalik. Gabi-gabi ang dalaga'y nakaupo sa duruwangawan at naghihintay. Nang
dumating ang kabilugan ng buwan napilitan nang pakasal si Daraga kay Kauen. Nagkaroon ng
maringal na handaan - kainan at sayawan. Sa gitna ng kasayahandumating si Gat Malaya
kasama ang mga magulang. "Ako'y naparito upang angkinin ang aking nobya!" sabi ni Malaya.
"Hindi maaari!" tugon ni Kauen. Nagkaroon ng sukatan ng lakas. Magugunita na si Malay ay
subok sa espada subalit si Kauen naman ay malansi at mapaglalang. Nang ihahagis ni Kauen ang
kanyang sibat, si Daragang Magayon ay tumakbo upang pumagitna at sawayin ang dalaga. Sa
kasamaang-palad, ang sibat ay tumama sa dibdib ng dalaga. Niyakap ni Malaya ito ngunit
pataksil na sinibat ng katunggali. Kapwa nalagutan ng hininga ang magsing-ibig. Nagluksa ang
Rajah at ang buong palasyo. Ipinag-utos niya na ang dalawa'y ilagak na magkasama sa isang
hukay. Lumipas ang mga araw. Himala ng mga himala. Ang lupa sa puntod ng libing ay tumaas
hanggang sa itoy maging bundok. Napakaganda at perpekto ang hugis. Tinawag itong Bundok
ng Mayon, bilang alaala kay Daragang Magayon.
Alamat ng Butiki
Alamat ng Butiki (/mga-alamat/alamat-ng-butiki/) Noong araw, sa isang liblib na nayon ay may
mag-ina na naninirahan sa tabi ng kakahuyan. Ang ina; si Aling Rosa ay isang relihiyosang babae.
Palagi siyang nagdarasal, at sinanay din niya ang kanyang anak na lalaki na magdasal at mag-
orasyon bago sumapit ang dilim. Ang anak; si Juan ay isang mabuti at masunuring anak. Palagi
niyang sinusunod ang utos ng kanyang ina tungkol sa pagdarasal. Bago dumilim, kahit saan sya
naroon ay umuuwi siya upang samahan ang ina sa pagoorasyon sa tapat ng kanilang bahay.
Maagang namatay ang asawa ni Aling Rosa, natutuwa naman siya at naging mabait ang kanyang
anak na si Juan, na nakatuwang niya sa pagtatanim at paghahanap ng mga makakain. Sa
paglipas ng panahon, mabilis na tumanda si Aling Rosa, at si Juan naman ay naging isang
makisig na binata. Si Aling Rosa an nanatili na lamang sa bahay at palaging nagpapahinga,
samantalang si Juan ay siyang naghahanap ng kanilang makakain sa araw-araw. At kahit mahina
na si Aling Rosa ay hindi pa rin nila nakakalimutan ni Juan ang magdasal. Minsan, habang si Juan
ay nangunguha ng bungangkahoy sa gubat, isang babae ang kanyang nakilala; si Helena. Si
Helena ay lubhang kaaki-akit, kung kaya't agad umibig dito si Juan. At dahil sa panunuyo ni Juan
kay Helena, gabi na ito nang makauwi. "O anak, ginabi ka yata ng uwi ngayon. Hindi mo na tuloy
ako nasamahang mag-orasyon," ang wika ni Aling Rosa sa anak. "Pasensiya na po, Inay!
Nahirapan ho kasi akong maghanap ng mga prutas sa gubat," ang pagsisinungaling ni Juan.
Dumalas ang pagtatagpo ni Juan at Helena sa gubat. Nahulog ng husto ang damdamin ni Juan sa
dalaga. Hangang minsan, nabigla si Juan sa sinabi ni Helena. "Hanggang ngayon ay hindi ko pa
nararamdaman na tunay ang pag-ibig mo sa akin, kaya nagpasya ako na ito na ang huli nating
pagkikita." "Ngunit, bakit? Sabihin mo, paano ko mapapatunayan sa iyo na tunay ang aking pag-
ibig. Sabihin mo at kahit ano ay gagawin ko," ang pagsusumamo ni Juan. "Maniniwala lamang
ako sa pag-ibig mo, kung dadalhin mo sa akin ang puso ng iyong ina na nasa iyong mga palad!"
ang matigas na wika ni Helena. Hindi makapaniwala si Juan sa narinig. Malungkot itong umuwi
dahil binigyan siya ng taning ni Helena. Kailangan niyang madala ang puso ni Aling Rosa bago
maghatinggabi Nang dumating si Juan sa kanilang bahay ay agad siyang niyaya ni Aling Rosa na
mag-orasyon. Nagtungo ang mag-ina sa harap ng kanilang bahay. Ngunit habang nagdarasal iba
ang nasa isip ni Juan. Naiisip niya ang pag-iibigan nila ni Helena. At bigla, hinugot ni Juan ang
kanyang itak at inundayan si Aling Rosa sa likod. Bumagsak sa lupa ang ina ni Juan, at kahit
nanghihina na ay nagsalita ito. "Anak, bakit? Ngunit anupaman ang iyong dahilan ay napatawad
na kita. Ngunit humingi ka ng tawad sa Diyos! Napakalaking kasalanan ang nagawa mo sa iyong
sariling ina," ang umiiyak na wika ni Aling Rosa. "Dios ko po, Inay! Patawarin n'yo ako!" ang
nagsisising nawika ni Juan na nagbalik sa katinuan ang isip. Umiyak nang husto si Juan lalo na
nang pumanaw ang kanyang ina. Kasabay niyon ay bigla na lamang nagbago ang anyo ni Juan.
Siya ay naging isang maliit na hayop na may buntot. Si Juan ay naging isang butiki; ang kauna-
unahang butiki sa daigdig. Mula sa malayo, natanaw ni Juan si Helena na papalapit. Nasindak si
Juan nang makita niyang si Helena ay naging isang napakapangit-pangit na engkanto.
Humalakhak itong lumapit. Sa takot, dagling gumapang si Juan papanhik ng bahay hanggang
makarating sa kisame. Nakita rin ni Juan ang engkanto, sa labis na katuwaan ay naging iba't
ibang uri ng kulisap at insekto, at naglaro sa paligid. Agad na pinagkakain ng butiking si Juan ang
mga kulisap na napagawi sa kanya. At dahil doon ay hindi na nakabalik sa dating anyo ang
engkanto, at nagtago na lamang ito sa mga halamanan bilang kulisap. Nagsisi ng husto si Juan
ngunit huli na. At bilang pag-alala sa kanyang ina, sinasabing si Juan at ang sumunod pa niyang
lahi ay patuloy na bumababa sa lupa bago dumilim upang mag-orasyon. At hanggang sa ngayon
nga ay patuloy pa ring pinupuksa ng mga butiki ang mga kulisap na sa paniniwala nila ay mga
engkanto
Alamat ng Rosas
Alamat ng Rosas (/mga-alamat/alamat-ng-rosas/) Noong araw ay may isang magandang
dalagang nagngangalang "Rosa," na balita sa kanyang angking kagandahan, kayumian, at
kabaitan. Maraming nangangayupapa sa kanyang kagandahan. Ngunit ni isa sa mga ito ay hindi
niya mapusuan. Dahil ang gusto ni Rosa ay ang maglingkod sa Panginoon at sa pagtulong sa
mga nangangailangan ng kanyang tulong. Ngunit si Cristobal, isang mahigpit niyang
mangingibig, ay di makapapayag na di mapasakanya ang dalaga, at ito'y nagtangkang agawin si
Rosa at dinala ito sa hardin. Ngunit nananalangin si Rosa sa Panginoon at noon di'y siya'y naging
bangkay. Sa takot ni Cristobal ay ibinaon niya ang dalaga sa bakuran nito at saka siya lumayo sa
pook na iyon upang di na magbalik kailanman. Mula noon ay hindi na nakita ng mga taga roon si
Rosa. Sa halip, sa bakuran nito ay may isang halamang tumubo na may bulaklak ngunit
paghawak sa tangkay nito ay mapapasigaw ka dahil sa talas ng tinik ng halamang hinahawakan.
Dahil niloob ito ng Panginoon na gawing bulaklak si Rosa na ang tangkay ay may mga tinik na
tagapangalaga rito upang di-pagnasaang pupulin lamang ng sinuman
Alamat ng Saging
Alamat ng Saging (/mga-alamat/alamat-ng-saging-1st-version/) - First Version May isang
prinsesang napakaganda; kaya ang tawag sa kanya ay Mariang Maganda. Ang kanyang tahanan
ay malapit sa isang maliit na gubat; doo'y maraming magaganda't mababangong halamang
namumulaklak. Araw-araw, ay nagpapasyal ang prinsesa sa gubat na ito. Namimitas siya ng mga
bulaklak na katangi-tangi ang ayos. Isang araw, sa kanyang pamamasyal, ay nakatagpo siya ng
isang prinsipe. Magandang lalaki ang prinsipeng iyon. Nang makita ni Mariang Maganda ay
nakaramdam siya agad ng kakatuwang damdamin. Ang prinsipe naman pala'y gayon din. Kaya
agad silang nagkapalagayan at nagkahulihan ng loob. Araw-araw ay namamasyal sila ng
prinsipe, hanggang sa magtapat ng pag-ibig ang prinsipe. Palibhasa'y sadyang may inilalaan
nang pagtingin ang prinsesa, hindi na ito nagpaumat-umat at tinanggap ang iniluluhog na pag-
ibig ng prinsipe. Isang hapon matapos silang mamasyal, nag-ulayaw ang dalawa sa lilim ng
mabangong halamanan ng prinsesa. "Mariang Maganda, kay ganda ng mga bulaklak mo, nguni't
ang mga bulaklak doon sa aming kaharian ay higit na magaganda at mababango; walang
makakatulad dito sa inyo." "Bakit, saan ba ang inyong kaharian?" "Doon sa dako roon na hindi
maaaring marating ng mga taong may katawang-lupa.
Ilan pang saglit at nagpaalam na ang prinsipe na malungkot na malungkot. Kaya napilitang
magtanong si Mariang Maganda. "Mangyari'y..." at hindi na nakuhang magpaliwanag ang
prinsipe. "Mangyari'y ano? Ano ang dahilan?" ang tanong ng prinsesang punung-puno ng agam-
agam. "Dapat an akong umuwi sa amin, kung hindi, hindi na ako makababalik. Ibig ko sanang
isama kita, nguni't hindi maaari, hindi makapapasok doon ang tulad ninyo. Kaya paalam na
irog." "Bumalik ka mamayang gabi, hihintayin kita sa halamanang ito. Babalik ka ha?" "Sisikapin
ko Mariang Maganda," ang pangako ng prinsipe. Nang malapit ng maghatinggabi, dumating ang
prinsipe. Sinalubong siya ng prinsesang naghihintay sa loob ng hardin. Nag-usap na naman sila
ng nag-usap. Kung saan-saan nadako ang kanilang pag-uusap. Hawak-hawak ng prinsesa ang
mga kamay ng prinsipe. Kaginsa-ginsa'y biglang napatindig ang prinsipe. "Kailangang umalis na
ako, Mariang Maganda. Maghahatinggabi na, kapag hindi ako lumisan ay hindi na ako
makababalik sa amin. Diyan ka na subali't tandaan mong ikaw rin ang aking iniibig," at
ginawaran ng halik ang mga talulot na labi ni Mariang Maganda. Pinigilan ng prinsesa ang mga
kamay ng prinsipe. Hindi niya mabatang lisanin siya ng kanyang minamahal. Sa kanilang
paghahatakan, biglang nawala ang prinsipe at naiwan sa mga palad ng dalaga ang dalawa
niyang kamay. Natakot ang prinsesa, kaya patakbong nagtungo sa isang dako ng kanyang
halamanan at ibinaon ang mga kamay. Ilang araw, pagkatapos ay may kakaibang halamang
tumubo sa pinagbaunan niya. Malalapad ang mga dahon at walang sanga. Ilan pang araw
pagkaraa'y nagbulaklak. Araw-araw, ay dinadalaw ng prinsesa ang kanyang halaman. Makaraan
ang ilang araw, ang mga bulaklak ay napalitan ng mga bunga. Parang mga daliring
nagkakaagapay. Iyon ang mga unang saging sa daigdig
Ang Pinagmulan Ng Palay
Ang Pinagmulan Ng Palay (/mga-alamat/ang-pinagmulan-ng-palay/) Noong unang
panahon ang mga tao ay walang palay. Ang kanilang kinakain ay gulay, bungang-
kahoy, isda at mga hayop. Sila ay nangangaso sa gubat at nangunguha ng bungang-
kahoy sa parang. Sila ay maligaya noon. Nawala na ang mga hayop sa gubat at
kakaunti na ang mga bungang-kahoy. Ang mga tao ay nalungkot. Ang mga lalaki ay
nangaso sa bundok. Sila'y pagod na pagod at gutom na gutom. Sila'y nagpahinga nang
dumating ang magagandang dalaga. Ang mga ito ay engkantada. Sila ay
makapangyarihan subalit magagalang. Ang mga mangangaso ay kinumbida ng mga
engkantada. Sila'y nagpunta sa yungib. Dito ay napakarami palang engkantada. Sila'y
may reyna. Sila'y nagsaya noon, nag-awitan at nagsayaw. Nagkaroon ng kainan. Nakita
ng mga mangangaso ang malalaking tagayan. Ang mga ito ay punung-puno ng pagkain
na puting-puti. Noon lamang sila nakakita ng ganitong pagkain. Natapos ang kainan at
ang mga lalaki ay naging bata. Sila ay lumakas. Sila'y pinainom ng puting alak at naging
matalino.

Das könnte Ihnen auch gefallen