Sie sind auf Seite 1von 2

ANG BATIK NG BUWAN

Maikling Kuwentong – Bayan Ng Bisaya

Mag-asawa ang araw at ng buwan. Marami silang mga anak na bituin.


Gustung-gusto ng araw na makipaglaro sa kanyang mga anak at ibig na ibig niyang
yakapin ang mga ito ngunit pinagbawalan siya ng buwan sapagkat matutunaw ang
mga bituin sa labis na init ng araw. Kinagagalitan ng araw ang mga anak kapag
lumalapit sa kanya.

Isang araw, nagtungo sa ilog ang buwan upang maglaba ng maruruming damit.
Ipinagbilin niya sa asawa na bantayan ang mga anak ngunit huwag niyang lalapitan
ang mga ito. Binantayan nga ng araw ang mga anak. Buong kasiyahan niyang
pinanood ang mga ito habang naghahabulan. Nakadama siya ng pananabik at hindi
siya nakatiis na hindi yakapin ang mga anak. Bigla niyang niyakap ang lipon ng
maliliit na bituin nang madikit sa kanya ay biglang natunaw.

Hindi naman nagtagal at umuwi n ang buwan. Nagtaka siya sapagkat


malungkot ang asawa. Naisipan niyang bilangin ang mga anak ngunit hindi nya
nakita ang maliliit kaya't hinanap niya ang mga ito kung saan-saan. Hindi niya
matagpuan ang mga anak. Sa gayo'y sinumabatan niya ang asawa. "Niyakap mo
sila? Huwag kang magsisinungaling!”

Hindi na naghintay ng sagot ang buwan. Mabilis niyang binunot ang isang
punong saging at tinangkang ipukol sa asawa na nakalimutan na ang kanyang
kasalanan. Ang tanging nasa isp niya ay kung paano niya maipagtatanggol ang
sarili sa asawang galit na galit. Dumampot siya ng isang dakot na buhangin at
inihagis sa nukha ng buwan at dahilan sa nangyari ay nagkaroon ng batik ang
mukha ng buwan. Hinabol ng buwan ang araw upang makaganti sa ginawa nito sa
kanya at hanggang ngayon ay hinahabol pa rin ng buwan ang araw.

Das könnte Ihnen auch gefallen