Sie sind auf Seite 1von 8

Ricardo Lee

Page issues

Si Ricardo A. Lee, kilala bilang Ricky Lee


ay isang manunulat mula sa Pilipinas.
Higit siyang popular bilang isa sa
itinuturing na pinakamahusay na
scriptwriter ng bansa sa larangan ng
pelikula at telebisyon, bagamat kilala rin
siya sa kanyang masining na
kontribusyon sa larangan ng maikling
kuwento, nobela, dula at pamamahayag.
Nakapagsulat na siya nang mahigit sa
150 naisapelikulang iskrip mula pa
noong 1973. Nakapagtamo na siya nang
mahigit 50 tropeo mula sa iba't ibang
samahang pampelikula; kabilang na dito
ang isang Natatanging Gawad Urian.
Marami sa kanyang mga pelikula ay
naipalabas na sa Cannes, Toronto, Berlin
at iba pang mga internasyunal na film
festivals. Kabilang dito ang Himala,
Moral, Brutal, Relasyon, Karnal, Bulaklak
ng Maynila, Gumapang Ka sa Lusak,
Jaguar, Salome, The Flor Contemplacion
Story, Dolzura Cortes, Muru-Ami, Bagong
Buwan, Rizal, Nasaan Ka Man, Madrasta,
Anak at Dubai.
Bilang fiksiyunista, mandudula at
mamamahayag, si Lee ay nakapagkamit
din ng maraming pagkilala sa pagsusulat
ng fiksiyon mula sa Pilipino Free Press,
Don Carlos Palanca Memorial Awards for
Literature at Gawad Pambansang Alagad
ni Balagtas. Noong 2000, hinirang din
siya bilang isa sa 100 Artista na
pinarangalan ng Cultural Center of the
Philippines ng Centennial Honors for the
Arts award.

Si Lee ang naglathala ng unang libro ng


mga iskrip sa Pilipinas, ang
Brutal/Salome. Naglabas din siya noong
1988 ng isang manwal sa pagsusulat ng
iskrip, ang Trip to Quiapo, na naging
isang bestseller at isang rekisitong
teksto sa mga kursong
pangkomunikasyon sa bansa. Ang iba pa
niyang publikasyon ay ang mga
sumusunod: Si Tatang at mga Himala ng
Ating Panahon, isang antolohiya ng
kanyang mga sanaysay, lathalain at ang
iskrip ng Himala, na nagkamit ng CNN
Award for Best Asia-Pacific Film of All
Time noong 2009); Moral (iskrip), at;
Pitik-Bulag sa Buwan ng Pebrero (dula).
Nagwagi din ng Philippine National Book
Award ang dalawang libro niya ng iskrip:
Brutal/Salome (1981) at, kasama sina
Jun Lana at Peter Ong Lim, Screenplay
ng "Jose Rizal" (1999). Noong 2009,
naglathala din siya ng ispesyal na
edisyon ng mga librong Si Tatang... at
Trip to Quiapo.

Noong Nobyembre 2008, inilabas niya


ang kanyang unang nobelang Para Kay B
(o kung paano dinevastate ng pag-ibig
ang 4 out of 5 sa atin) na mainit na
tinanggap ng mga mambabasa. Ang
kanyang pangalawang nobela, Si
Amapola sa 65 na Kabanata, ay
matagumpay ring inilunsad noong
Nobyembre 2011.

Mula pa noong 1982, nagbibigay din si


Lee ng libreng scriptwriting workshop sa
kanyang tahanan para sa mga
nagsisimulang manunulat. Daan-daang
scriptwriters na ang dumaan sa kanyang
workshop at lumilikha na ng kanilang
marka sa industriya ng telebisyon at
pelikula. Noong 2000, kasama ng
kanyang mga workshoppers, itinatag at
pinamunuan ni Lee ang Writers Studio
(ngayo'y Philippine Writers Studio
Foundation) bilang daluyan ng
pagkakaisa at pagtutulungan ng mga
manunulat.

Sa kasalukuyan, nagtatrabaho si Lee sa


ABS-CBN bilang Creative Manager at
abala sa pagsusulat ng pangatlo niyang
nobela.

Isinilang siya noong 19 Marso 1948 sa


Daet, Camarines Norte.
Mga kawing panlabas
[1] RICARDO LEE: A Writer in the Film
Industry. Isinulat ng National Artist for
Literature Dr. Bienvenido Lumbera
[2] Spotlight on the Filipino Author:
Ricky Lee, Contributions to Society
[3] Ricky Lee, Nobelista
[4] A ‘manananggal’ is the heroine of
Ricky Lee’s new novel
[5] Ricky Lee launches second novel,
Si Amapola sa 65 na Kabanata

Kinuha mula sa
"https://tl.wikipedia.org/w/index.php?
title=Ricardo_Lee&oldid=1646569"
Last edited 2 day ago by MagicJuli…

Maaaring gamitin ang nilalaman sa ilalim ng CC


BY-SA 3.0 maliban kung nabanggit.

Das könnte Ihnen auch gefallen