Sie sind auf Seite 1von 4

Source: https://www.youtube.com/watch?

v=PHAQcPW69N8

10 Nakakatakot na Archaeological Discoveries sa Mundo

Kung may natutunan man tayong kahit ano sa Indiana Jones, ay maaring maging nakakatakot talaga
ang mga Arkeolohiya na kwento. Tunay nga naman na ang modernong arkeologo ay medyo di
ganun mapaghanap ng thrill kumpara sa pakikipagsapalaran ni Indi pero tingnan niyo ang ilan sa
mga nadiskubre nilang mas nakakatakot at pangako magkakaron ka ng respoto sa mga arkeologo sa
kanilang lakas ng loob. Patuloy na manuod habang kinacountdown ko ang mga pinaka nakakatakot
na arkeolohiyang nadiskubre. KAHANGA-HANGA!

10. Mummified Moa Remains

Nung 1986 sa loob ng madilim na kweba sa Bundok ng Owen sa New Zealand, isang pangkat ng mga
arkeolohiko ang nakakita ng isang mahusay na napanatiling malaking kuko na mukhang pag-aari ng
isang dinosaur kahit na makaliskis. Hindi ito ebidensyang patunay kay Godzilla. Tingnan mo, ito
talaga ay parte ng isang 3300 na taon ng isang sinaunang ibon na tinatawag na “Upland Moa”. May
isang beses na meron itong 10 iba’t-ibang klase ng Moa nagkalat sa mundo bago mangyari ang
megafauna extinction. Ito ang pinakamalaking ibon ng mundo. Karamihan sa mga uri ngf Moa ay
umaabot ng napakalaking 10ft na taas. Ang Upland Moa ay karaniwang nasa 4.2ft na taas kahit na
isa parin itong maiituring na malaking ibon. Salamat sa kukong ito at iba pang mga napanatiling
labi, ay posibleng ang paggaya sa DNA ay maaring buhayin muli ang mga Moa gamit ang tulong ng
ng mga embryo ng manok. Napakahusay na agham!

09. Cannibal Attack on an Entire Family

Sapat ng nakakakilabot pag ang isang pamilya ay pinatay pero may mga mas malala pa na
makakapaglarawan kung gano nakakatakot ng pataying ang isang pamilya ay pinatay at kinain ng
kapwa tao. Nung 1994 isang grupo ng Neanderthal skeleton na binubuo ng 3 bata, 3 tinedyer at 3
matanda ay natagpuan ng mga mananaliksik sa isang sistema ng kweba tinatawag na el Sidron sa
Northwest ng Espanya. Inisip na ang mga ito ay patay na ng 49000 nakalipas na taon. Ang mga
piraso ng buto ay nagpapakitang sobrang matuling pinatay at ang mga buto at bungo ay ibinuka
para makuha ang utak, dila at kahit kaloob-looban. Ano pa! Walang ebidensya ng apoy ang nakita,
parang nagpapakita na hilaw na pagkain ang order ng araw na iyon. Itong nakakadiring aktibidad
ay mukhang di naman talaga labas sa karakter ng mga Neanderthal para sa mga arkeolohiyong
nagkaroon ng pagkakataong makadiskubre ng cannibalism ng Neanderthal kahit na ito ang
pinakamalaki sa ngayon, parang di naman sila nag dalawang isip na gamiting ang isa’t-isa bilang
pagkkain sa mga pagkakataon.

08. Mass Grave of Shackled Young Men

Ang nakakagambalang tingnan na 80 eskeleton. Karamihan sa kanila ay nakaposas na naka nganga


ay natagpuan ng isang arkelohiyo sa loob ng isang sinaung Greek cementery. Madaming pagdududa
at espekula ang nakapalibot sa kanilang pagkamatay pero isang maaring tamang paliwanag sa
kanilang pagkabitay ay sila ay mga tagasunod ng isang Thienen noble Silo. Sinubukan niyang
ibagsak ang gobyerno nung 632 BC pero sobrang nabigo pero nakatakas. Sabi sa record ng
kasaysayan na lahat ng taga sunod nito ay talagang binitay. Ang mga skeleton ay ipinetsa sa gitna ng
650 at 625 BC at kita dito na ang mga ito ay mga binatilyong nasa mgandang kalusugan. Di lang sila
binato sa lupa katulat ng mga karaniwang criminal mukhang ibinurol naman sila ng may respeto.
Ang mga dahilang ito ay maaring makapagsabi na ang storyang ito ay totoo.

07. Vampire Burial in Bulgaria

Ang Arkeolohikong paghuhukay ay natuklasang na ang Bulgaria ay bahay ng mga labi ng bampira.
Sa bolken panahon ng middleages, mga pamahiin tungkol sa bampira ay nagkalat. Dahil sa mga
paniniwalang ito ang mga tao ay minsang gumagawa ng pang iwas para matigil ang pagkabuhay
muli bilang mga bampira at istorbohin ang mga nabubuhay. Ito ay mga kaso sa mga taong nagdusa
sa isang kakaibang pagkamatay, lalo na kung ang pagkamatay nito ay dahil sa suicide. Sa
Perperikon, isang lalaki na nasa mga 40s ang natagpuang may bakal na pamalong nakamartilyo sa
kanyang dibdib sa may filament at ang binti ay tinagtag para di ito magamit. Ang ibang mga
eskeleton ay nakitang merong mga bakal na gamit na nakasaksak sa kanilang mga rib cages kung
nasan ang mga puso nila o kahit na sa kanilang solar plexus. Ang isang bampira ay si Krivich, ang
walang awang pinuno ng Sozopol Fortress. Siya ay natagpuang may nakatarak na bakal sa kanyang
dibdib para maiwasang masakop nya ang bayan pagkamatay nya.

06. 100 Dead Babies

Ang nag-iisang maaring mas nakakatakot sa mga patay na sinaunang hayop o mga patay na tao ay
ang pagkatuklas sa mga patay na sanggol. Mga 100 eskeleton ng sanggol ang natuklasan ng isang
arkeologo sa loob ng kanal nung 1988. Ang kanal ay nasa ilalim ng Roman bathouse sa Ashkelon,
isang sinaunang daungan ng Mediterranean coast sa Israel. Ang madaming libingan ng bata ay isang
bagay na hindi mo dapat marinig. Nakakalungkot. Ito Nadikubreng ito ay ang pinakamalaking
nakita na patay na mga sanggol sa iasng lugar. Ang mga buto ng sangool ay forensic tested at
natukoy na ang mga sanggol na ito ay namatay ng dipa nakaka isang linggong taon pero malusog
habang buhay. May teorya na ito ay mga di gustong mga bata na ipinanganak ng maalin sa mga
manggagawa o ng mga bayaran sa bathhouse. NAKAKAGITLA! Mga bagong inanak ay di pa talaga
bilang sa mga tao nung panahon ng mga Roma. Ito ang nagpapaliwag kung bakit walang ingat silang
itinapon. Kahit na ang hirap parin satin na intindihin ito ngayon.

05. Alien Skulls in Mexico

Sa Wakas! Ang buhay ng mga alien ay nadiskubre. Di naman masyado. Mga naninirahan sa isang
maliit na barangay sa Mexico na tinatawag na Onavas ay gumagawa ng patubig na kanal nung 1999
ng makakita sila ng isang Pre Hispanic cemetery. Sa loob nito ay nakakita sila ng skeleton na may
kakaibang bungong pahaba. Madaling mag ingay at sabihing ang mga bungo ay pag-aari ng mga
alien. Ang tunay ay ebidensya ito ng cranial deformation na ginawa sa ibang bata habang nalaki sila
sa Central Amerika. Ang mga patusok at pahabang bungo ay nakamit gamit ang pagtali ng kahoy na
table sa ulo ng mga bata na nagbigay ng pressure na talagang makakaimpluwesiya kung pano
lumaki ang mga bungo. May ibang oras na ang mga ngipin ay natagpuan ding sa kakaibang hugis.
Ang pagtrato ng ganto sa mga bata ay kahit papano ay mas nakakatakot kaysa sa makakita ng
alien,diba? Eh bakit ito ginawa? Di nalaman kung bakit ginawa talaga ito ng grupo. Ngunit ibang
lipunan ay ginamit ito para sa mga ritwal o para makilala ang pagkakaiba ng mga grupo ng lipunan.

04. Frozen Sacrificed Children Llullaillaco Volcano, Argentina

Isipin mong nagiimbistiga ka sa isang templo at natutuklasan na mo na ang mga bata ay


isinasakripisyo at niyeyelo hanggang sa mamatay, panghabangbuhay na pinanatili ang kanilang
kwento. Ito ang eksaktong nangyari nung 1999 sa isang temple ng Llullaillaco Volcano sa Argentina.
Mukhang 500 taong nakalipas na itong 3 di sineswerteng bata ay napili sa Inca Sacrificed Ritual na
tinatawag na capacocha. Ang mga arkeologo ay pinangalan ang mga bata na Llullaillaco boy and
Lightning girl. 13 na taong gulang na Llullaillaco maiden ay pinaniniwalaang ito ang
pinakaimportante sa tatlo dahil manahal ito gamit ang mainam nitong pagkatirintas at ng
mabalahibong palamuti sa ulo. Isang taon bago ang kanilang pagakamatay, ang mga bata ay kasapi
sa mga seremonya at pinakain ng mga pagkaing pang elite. Nakakalungkot. Nakainom din sila ng
madaming Maize Beer at Coco Leaves, pinabayaan silang lasing at nakadroga ng ilang oras.
Mukhang ito na ang pagsangayon sa kanilang nalalapit na pagkamatay para sa isang pagkain ng
Diyos.

03. Genocide Pit at Sacred Ridge

Sa isang native American na kasunduan na tinatawag na Sacre Ridge sa Colorado, ang mga
arkeologo ay nasa masayang pagcacatalog ng artifacts ng mapagtanto nila na sa grupo ng 22 butas
ng hukay ay natatakpan ng mga pira pirasong wasak na katawan ng tao. At ang ginamit na sandata?
Madali itong nadeduced dahil ng nakakita rin sila ng maraming madugong double headed na
palakol. Lumabas na mga 1200 na nakakaraang taon, 35 na taga nayon ang tinali at binugbog ang
ankles at nadurog na mukha ay tinadtad pirapiraso at sinunog. Oh at merong eskeloton sa
nakakagimbal na proseso. Ang nakakagitlang masaker na ito ay ginawa ng mga kapwa taga-nayon.
Bakit? Mukhang papatay sila para sa elite na pwesto. Ito ay kilalang angklan, kung san may kontol
sa ibang grupo sa ridges basin at ang ibang taga-nayon ay nagdesisyong idespatcha sila gamit ang
axe. Nag- dedebate ang mga scientists kung tatawagin ba itong genocide, ethnocide or Mill Massacre
lang ito. Kung anomang tawag dito ang butas ng patay ay talagang nandyan para sa nakakatakot na
arkeolohikal na natagpuan.

02. Modern Human Petrification

Babala: Maaring makaramdam ka na matinding gustong sumigaw, pag nakita mo ang mga
modernong tao na pinatigas ng makabago ngunit nakakatakot na si Dr. Segato. Ang Italian na si
Girolamo Segato ay nag aaral mummification practices sa Egypt ng mga 1820. Na obsess sya sa mga
paraan kung pano panatilihin ang katawan ng tao at nakadevelop sya ng sariling paraan na hindi
kailanman na dokumentado. Ang kanyang paraan ay napakatagumpay na ang mukha at katawan na
kanyang pinagtrabahuhan ay mukhang nagging bato. Sa kasamaang-palad ay pinagsama nya ang
kanyang siyantipikong paraan kasama ang pag nanakaw ng mga labi para isakatuparan ang
kanyang pagkaobsess sa petrification process. Nakakuha sya ng mga bagong patay na katawan
galling sa mga manghuhukay ng patay at mga ospital ng walang pahintulot sa pamilya ng patay. Ang
sarili nyang libingan ay may na kasulat na “Dito nakalibing si Girolamo Segato na galling Belluno ay
maaring napetrify kung ang kanyang sinning ay hindi namatay kasama nya. Hindi ba yun ang
nababagay na katapusan para sa magulong isipan?

01. Screaming Mummies

Parang di naman kayo nabigyan ng sapat na material para sa mga bangungot pa. Ito na ang
pinakanakakatakot na natuklasan ng mga arkeologo sa libro natin at ito ay pagtanggal sa balot ng
mga Egyptian mummies kung san pinapakitang namatay gawa ng pagsigaw ng napakalakas. Ang
swerte! Ang dahilan kung bakit ganto ang nakakatakot na itsura nila ay mas mababa ang
nakakaistorbong kumpara sa unang itsura. Tingnan mo, ang pagkabalot sa mummy ay madalas
nakasekyur ang tire sa may panga. Habang nabubulok ang katawan, ang panga ay malalaglag na
lang na nakabukas. Isa sa mga sumisigaw na mummy ay kilala sa pangalang unknown man E. Nakita
sya sa isang walang pangalang sarcophagus nung 1881. Walang pangalan ang kanyang Sarcophagus
ay isinumpa sya ng walang hanggan. Di kalianman maabot ang kabilang buhay. May teorya tungkol
sa malas nalalaking ito. Medyo possible na sya si Prinsipe Pentawer. Sya ay napapunta sa kahihiyan
dahil sa pag akusa sa kanya na plinano nya ang pagkamatay ng ama na isa Pharaoh. Sa CT Scan ng
kanyang mga labi ay nagpapakita ng ibang katangian ng isang Maharlikang dugo ng isang Egyptian.
Mukhang sa kabila ng respetadong pagkamatay ng mga Egytian Nobles. Ang kanilang nakangangang
mga panga at pagkaayos ng mukha ay habangbuhay mananatiling nakakatakot sa mga susunod na
henerasyon.

May alam ka bang iba pang nakakatakot na natuklasan ng mga Arkelogo. Ipaalam mo sakin sa mga
komento sa baba at tsaka kung natuwa ka sa video na ito. Kung maari sana mag-subscribe sa Be
Amazed. Gagawa pa kami ng marami pang video katulad nito sa hinaharap.

Salamat sa Panunuod.

Das könnte Ihnen auch gefallen