Sie sind auf Seite 1von 1

Si KAREN JOYCE DELA CRUZ-BULABOS ay kasalukuyang nagtuturo sa Mababang

Paaralan ng Balbino Seron at tagapayo ng Ika-Anim na Grado, Seksyong Topaz. Siya ay


nagtuturo ng Mathematics 6, Filipino 5, at Music at Health sa ikalima at ika-anim na grado.
Isa rin siyang tagapagsanay ng English Declamation, Vocal Solo (Pop) at Vocal Solo
(Classical) at tagapayo ng ‘Ang Bungyod’, ang opisyal na pahayagan ng BSES. Maliban
dito, siya din ay nagsilsilbi bilang Journalism, Cultural at Music Coordinator ng paaralan.

Nagtapos siya ng Bachelor of Education major in General Education sa Iloilo Science and
Technology University (ISAT-U) Miagao Campus (dating kilala bilang Southern Iloilo
Polytechnic College) taong 2013 at tumanggap ng parangal bilang isa sa mga Proficient
in Student Teaching Awardees.

Isa siyang manunulat at dalawang taong nagsilbi bilang Managing Editor at


Photojournalist ng ‘The Techno Forum’, ang opisyal na pahayagan ng ISAT-U Miagao
Campus. Ilang beses na rin siyang nakakuha ng pagkilala bilang isa sa mga Most
Promising Journalists ng Philippine Information Agency (PIA) Region VI sa larangan ng
Editorial Writing (English) at Photojournalism sa ginaganap sa taun-taong Journalism
Press Conference Training and Contest.

Siya ay miyembro ng Iloilo Public School Teachers Association (IPSTA), San Joaquin-
North Public School Teachers Association (SJNPSTA) at San Joaquin-North Teachers
Choir.

Sa kasalukuyan, siya ay nagpapakadalubhasa sa Iloilo Science and Technology (ISAT-


U) Miagao Campus sa kursong Masters of Science in Industrial Education major in
Educational Management na mayroong 18 units.

Maaring makipag-ugnayan sa kanya sa kanyang email address:


karenjoyce.bulabos@deped.gov.ph.

Das könnte Ihnen auch gefallen