Sie sind auf Seite 1von 21

Brunei Darussalam

(Malay:Brunei Darussalam) ay isang bansa na matatagpuan sa


hilagang bahagi ng pulo ng Borneo, sa Timog Silangang Asya. Ito ay
napapaligiran halos ng Estado ng Sarawak, na bahagi ng Malaysia,
maliban na lamang sa hilagang baybayin nito kung saan naghahanggan
sa Dagat Timog Tsina. Ang Brunei ay isang nagsasariling sultaneyt na
nasa pagitan ng estadong Sabah at Sangrawak ng Malaysia. Ang
kanilang kabisera ay Bandar Seri Begawan.

Ang Brunei ang pinakabatang bansa sa Timog-Silangang Asya


dahil hindi sila sumagot ng positibo sa paanyayang sumali sa
Fedarasyon ng Malaysia at piniling maghintay ng sariling kasarinlan na
ipagkaloob ng Britanya at nakamtam nila ito noong 1 Enero 1984.

Ang Brunei ay dating pinakamakapangyarihang kasultanan noong


ikalabing apat hanggang ikalabing anim na siglo. Ang kaharian nito ay
dating sumasakop sa mga rehiyong baybayin ng
kasalukyang Sarawak at Sabah, angarkipelago ng Sulu, at ang mga
malalapit na mga pulo sa hilagang kanlurang bahagi ng Borneo. Ang
impluwensiyang Europeo ang nagdulot sa paghina ng kapangyarihang
rehiyonal nito. Hindi naglaon, may naganap na maikling digmaan sa

1|Panitikang Asyano
pagitan nila at ng Espanya, kung saan nasakop ang kabisera ng Brunei.
Hindi nagtagal nagwagi ang Sultanato subalit nawala ang mga
nasasakupan nito at napunta sa Espanya. Ang paghina ng Emperyong
Bruneiay nagwakas noong ikalabing siyam na siglo kung saan
karamihan sa mga sakop nito ay natalo mula sa mga Puting
Raha ng Sarawak, na nagdulot sa kasalukuyang maliit at magkahiwalay
na lupain. Ang Brunei ay datingprotectorate ng Nagkakaisang
Kaharian mula 1888 hanggang 1984. Sinakop ng Hapon ang Brunei
noong 1941 hanggang 1945 noong kasagsagan ngIkalawang Digmaang
Pandaigdig.

May naganap na maliit na paghihimagsik laban


sa monarkiya noong dekada '60. Ang kaganapan na ito ay nakilala
bilang Pag-aaklas sa Brunei at nakadulot ng bahagya sa pagbagsak ng
pagbubuo ngKalipunan ng Hilagang Borneo. Nakaapekto rin ang pag-
aalsa sa desisyon ng Brunei upang hindi sumali sa Kalipunang
Malaysiano at naging unang yugto ng Paghaharap Indonesia-Malaysia.

Heograpiya
Ang Brunei Darussalam ay binubuo ng dalawang magkahiwalay na
bahagi ng lupa na may kabuuang sukat na 5,766 km. parisukat
(2,226 mi. parisukat). Nahahati sa apat na distrito ang Brunei: Ang
Temburang, Brunei, Tutong, at Belait. Nahiwalay ang Temburong sa
tatlong distrito dahil sa Limbang River na nabibilang sa teritoryo ng
Malaysia.

Politika at Pamahalaan
Ang Kasultanan ng Brunei ay natagpuan ni Sharif Ali ng Hejadz na
nakapangasawa ng katutubong prinsesang taga-Brunei. Dinala niya ang
pananampalatayang Islam at nagpatayo ng maraming moske sa Brunei.
si Sultan Hassanal Bolkiah ng Brunei, na ang titulo ay napasa sa loob
na iisang dinastiya simula pa noong ikalabing limang siglo, ay ang
pinuno ng bansa at ng pamahalaan ng Brunei. Ang Sultan ay
pinapayuhan ng ilang mga lupon at ng mga kalihim ng mga ministro
kahit na siya pa ang pinakamakapangyarhing namumuno. Ang Brunei
ay isang dalisay na monarkiya at ang Sultan ay may dalisay na
kapangyarihan. Walang inihahalal na kinatawan ng tagapagbatas. Noong
Setyembre 2004, Ang Sultan ay bumuo ng mga itinalagang Batasan o

2|Panitikang Asyano
Parliyamento na hindi natamasa simula pa noong kalayaan nito noong
1984, subalit ito ay walang kakayahang payuhan ang monarkiya.

Mga Lahi

 Malay 66.3%,
 Intsik 11.2%,
 Katutubo 3.4%,
 Iba pa 19.1% (2004 est.)

Ayon sa pinakahuling istatistika ay nasa 406,000 ang populasyong ng


bansa. Ang 66.3% ng populasyon ay nagmula sa lahing Malay at matagal
na pinangungunahan ang ekonomiya ng bansa, 11.2% ay mula sa
lahing Intsik, 3.4% ay mga katutubo at 19.1% ay mula sa ibang lahi. Ang
opisyal na wika ng bansa ay ang Wikang Malay (Malay: Bahasa
Melayu), subalit ang mga kakaunting mga Instik ay nagsasalita
ng Wikang Intsik. Ang Wikang Ingles ay sinasalita ng karamihan at may
kalakihan din ang bilang ng mga pamayanan ng dumarayong Briton at
Amerikano.

Ang Islam ay ang opisyal na relihiyon ng Brunei na may 67%, at ang


sultan ang pinuno ng relihiyon sa bansa. Ang ibang paniniwala na
mayroon ay ang Budhismo 13% (na karamihan ay Intsik),
10% Kristiyano, at sa mga maliliit na mga pamayanan ay mga relihiyong
katutubo.

Ekonomiya
Sa pamamagitan ng industriya ng langis at gas para sa nakaraang
80 taon. Ngayon, ang Brunei ay ang ika-apat na pinakamalaking
tagagawa ng langis sa Timog Silangan Asya at ang ikasiyam na
pinakamalaking tagalipat ng tunaw natural gas sa mundo. Dahil sa
langis at mga natural na gas ay maunlad na naninirahan ang mga tao
sa Brunei

3|Panitikang Asyano
Arkitektura
Ang arkitektura ng Kabisera ng Brunei at ang kalapit na mga distrito ay
napapalibutan ng ginto katulad na lamang ng Omar Ali Saifuddien Mosque
(1958);

ang Nurul Iman Palace (1983), ang pinakamalaking residensyial na lugar sa


buong mundo ;

4|Panitikang Asyano
ang Royal Regalia Building (1992);

at ang Legislative Assembly (1968).

5|Panitikang Asyano
Ang libingan ng ikalimang sultan na may dalawang metrong layo sa Kabisera

Ang Hassanal Bolkiah National Stadium na naging lugar para sa


malalaking pampublikong selebrasyion.

6|Panitikang Asyano
Bandila

Ang taluktok ay binubuo ng bandila at ang payong maharlika;


ang apat na balahibo ay proteksyon ng hustisya, katahimikan,
kasaganaan at kapayapaan; ang dalawang kamay ay nagrerepresenta
sa pangako ng gobyerno na ipromote ang kapakanan, katahimikan at
kasaganaan; ang buwan na hugis suklay ay sumisimbolo sa Islam at
naisulat sa Arabic “ Always in service with the God’s guidance.” At may
nakapalibot na sulat sa letrang Arabic, Brunei Darussalam (“Brunei the
Abode of Peace”).

Ang pambansang awit

Allah Peliharakan Sultan

7|Panitikang Asyano
Ya Allah lanjutkanlah Usia Oh Diyos Iligtas ang Sultan
Kebawah Duli Yang Maha Mulia
Adil berdaulat menaungi nusa Oh Diyos pahabain ang buhay
Memimpin rakyat kekal bahagia ng Kanyang Kagalang-galang
Hidup sentosa Negara dan Siya na makatwirang namuno
Sultan At nagdala ng karangalan
Ilahi selamat kan Brunei Kapayapaan para sa Sultan at sa
Darussalam Bansa
Oh Diyos Iligtas ang Sultan.

Literatura

Ang literatura ng Brunei ay nakasulat sa wikang Malay at Ingles.


Isang anyo ng tula na kilala bilang sajak ang tanyag sa mga batang
mag-aaral

Ang Brunei Darussalam ay aktibo sa paggawa ng may mataas na


kalidad ng literatura. Si Dewan Bahasa Dan Pustaka ng Ministry of
Youth, Culture and Sports ng Brunie ay responsable sa pagpa-unlad ng
Literatura ng Brunei. Ang literatura ng Brunei ay sumibol noong
nagumpisang mamuhay ang ang relihiyong Islam. Ang dalawang tanyag
na mga aklat ay Silsilah Raja-Raja at ang Syair Awang Semaun (ang
pinakatanyag na epikong tula ay ang Sya’ir Awang Semaun, na kung
saan ay isinalaysay ang mga mahahalagang nagawa ng mga bayani ng
Brunei na si Semaun at hirangin bilang tradisyunal na kasaysayan ng
sultanato). Ang dalawang aklat ay tungkol sa kasaysayan at
nagpapasalin- salin sa bibig ng mga taga Brunei. Gayunpaman, noong
1920’s ang mga manunulat sa Brunei ay pinaunlad ang literatura sa
pamamagitan ng pagsusulat ng nobela, sajak at cerpen.

8|Panitikang Asyano
Pengiran(Dr.) Haji Mohd Yusof
Pengiran Haji Abdul Rahim. Sa
Ang mga sikat na mga mundo ng panitikan mas kilala
manunulat sa Brunei ay si siya bilang si Yura Halim.
Pengiran Setia Negara
Ipinanganak siya noong Ika 2 ng
Mayo 1923 sa Kampong Tutong.

Noong 1939, nag-aral siya sa


Sultan Idris Teachers College,
Tanjong Malim sa Perak,
Malaysia.

Noong 1943, nag-aral

naman siya sa labas ng bansa sa International School Kokusao


Gakuyuki sa Japan at noong 1954; nag-aral naman siya sa
South Devon Technical College sa Torquay ng United Kingdom. At noong
1944, nag-aral ulit sa Japan sa Bunrika University at sinuwerteng
nakaligtas sa Atomic Bomb sa Hiroshima noong kasagsagan ng World
War II.

Sa kanyang kabataan ay nag-umpisa siya bilang isang guro sa


gobyerno noong 1939 hanggang siya nagretiro noong 1972. Naging
ambasador sa Malaysia at Japan. Noong ika 16 ng Mayo 1968
ginawaran siya ng titulong Pengiran Setia Negara. Noong 1961
pinarangalan ng International Academy ng Vancouver, Canada ang
kanyang titulo sa paggiging Doctor of Law. 1985, ginawaran bilang 1st
Class Order of the Rising Sun at ang iba pa niyang mga parangal ay
ASEAN Cultural award 1987, Anugerah Guru Berbakti 1993, Penulis
Berjasa Asterawani 1993, honorary Dlitt by Unversiti Brunei Darussalam
1997 at Honorary Doctorate by Universiti Pendidikan Sultan Idris noong
2002.

Nag-umpisa siyang magsulat noong 1940’s at kadalasan niyang


sinusulat ay mga tula, maikling kwento at mga sanaysay. Noong 1951,
sinulat niya ang aklat na Pengiran Bedahara Mendaji Sultan sa Jawi at
ang Makhota yang Berdarah. Ang pinakamagandang niyang nai-ambag
sa bansang Brunei ay ang pagkasulat niya ng “Allah Perlihakan Sultan”
noong 1947 na kalaunay ginawang pambansang awit ng Brunei noong
1951.

9|Panitikang Asyano
“Allah Perlihakan Sultan”
Ya Allah Lanjutkanlah usia

Kebawah Duli Yang Maha Mulia

Adil berdaulat menaungi nusa

Memimpin rakyat kekal bahagia

Hidup sentosa negara dan sultan

Ilahi selamatkan Brunei Darrussalam

Translation sa Ingles:

God bless His Majesty

With a long life

Justly and nobly rule the Kingdom

And lead oue people happily forever

Peacefully be, the Kingdom and Sultan

Lord, save Brunei, the Abode of Peace

10 | P a n i t i k a n g A s y a n o
Yura Halim ay kilala bilang manunulat ng Brunei. Lahat ng
kanyang mga ambag bilang isang huwaran ay nasisilbing inpirasayon ng
mga kabataang manunulat. Lahat ng kanyang mga gawa ay ginawaran.

Sya’ir Awang Semaun

Ang Sya’ir Awang Semaun ay patungkol sa labing-apat na


magkakapatid. Ang labing-apat na magkakapatid ay sina Awang Alak
Betatar, Pateh Berbai, Pateh Mambang, Pateh Tuba, Pateh Sangkuna,
Pateh Mangguran, Pateh Malaki, Pateh Pahit, Damang Sari, Pateh
Sindayong, Damang Lebar Daun, Hapu Awang at Pateh Laila Langgong.
Naninirahan ang magkakapatid sa iba’t-ibang lugar kasama ni Awang
Samaun ang kanyang kapatid na si Damang Sari sa Gamang na malapit
sa Kuala Labu ng Temburong.

Sinasabing ang kanilang ama ay nagkaroon ng labing-apat na


anak sa kanyang paglalakbay. Ang kanyang Lolo ay si Sang Aji Brunei.
Sa kabila ng pagiging kasal ay wala siyang anak. Isang araw, habang
siya ay naglalakad sa labas ng kanyang palasyo ay may nakita siyang
malaking itlog at dinala niya ito sa kanyang palasyo. Nang gabing iyon,
may lumabas na isang bata sa malaking itlog at nangangalang I-Pai
Samaring. Di kalaunan ay pinakasalan niya ang anak ni Sang aji at
pinanganak si Alak Betatar. Nang magbuntis ang prinsesa ay gusto
niyang kumain ng Temabadau (wild cow). Si I-Pai Samaring ay naghanap
at napana niya ang Temabadau ngunit ito’y nakatakas. Sinundan niya
ang bakas ng dugo hanggang sa makarating siya sa iba’t ibang nayon.
Bawat nayon ay napapangasawa niya ang anak ng Chieftain at ito ay
isang malaking karangalan para sa kanya. Siya ay sa labingtatlong
babae hanggang natagpuan niya ang Tembadau. Lahat ng kanyang
napangasawa ay nagkaroon ng anak. Hanggang lumaki na si Awang
Betatar ay hinanap niya ang kanyang mga kapatid at nagsama-sama
silang lahat. Sila ay naglakbay upang maghanap ng bagong lugar na
matitirhan at gawin itong bansa. Nang matagpuan na nila ang lugar sa
Kampong Ayer ay sinabi nila ang “Baru nah” na ang ibig sabihin ay
natagpuan na nila. Ang salitang Baru nah ang pinagmulan ng pangalan
ng Brunei.

Ayon sa Iban poklor, si Awang Semaun o Sumuan ay anak ni


Derom anak Sabatan. Kasama ni Derom ang kanyang aman na bumaba
sa Tanjong Batu (pagitan ng Sarawak at Indonesia). Si Sumaun at ang
kanyang kapatid ay pumunta sa Naga Rajang nang sila ay lumaki na.
Nagpakasal si Serabungkok kay Lemina at ipinanganak si Dayang Ilam
ng di kalaunan ay nagpakasal din kay Raja Semalanjat. Sinsabi ng mga
Ibans na ninuno nila si Serabungkok.

11 | P a n i t i k a n g A s y a n o
Sa kabilang dako naman, si Semaun ay may anak at
pinangalanang Tugau at ang sabi ng mga Melanus na ninuno nila si
Tagau. Ayon sa alamat ng Iban, pumunta si Semaun sa Brunei para
hanapin ang kanyang kapalaran.

Syair Awang Semaun

Si Awang Semaun ay kabilang sa labing-apat na magkakapatid si


Awang Alak Betatar, Pateh Berbai, Pathe Membang, Pateh Tuba, Pateh
Sangkuna, Pateh Manggurun, Pathe Malakai, Pateh Pahit, Damang Sari,
Pathe Sindayong, Damang Lebar Daun, Hapu Awang at si Pateh Laila

12 | P a n i t i k a n g A s y a n o
Langgong. Lahat sila’y nanirahan sa iba’t-ibang lugar. Sinasabing silang
labing-apat ay iba-iba ang ina.

Si Sang Aji ang kanilang lolo ay walang anak na lalaki kahit


marami na itong napangasawa. Isang araw habang siya’y naglalakad sa
kaniyang hardin siya’y may nakita na malaking itlog at ito’y kaniyang
dinala pabalik sa loob ng palasyo. Nang gabing yaon napisa ang itlog at
kaniyang nakita sa loob nito ang isang batang lalaki na pinangalanan
niyang I-pai Samaring. Kalauna’y pinakasalan niya ang anak ni Sang Aji
at ito’y nagdalang-tao ipinanganak niya si Alak Betatar.

Sa kaniyang pagdadalang-tao, ninais niyang makakain ng isang


Tembadau (baka), kaya’t si I-pai Samaring ay naghanap. Sa kaniyang
pangangaso may nahuli siyang Tembadau ngunit ito’y nakawala hinabol
niya ito sa pamamagitan ng pagsunod sa mga patak ng dugo nito. Sa
kaniyang paglalakbay sa bawat lugar napangasawa niya ang anak ng
bawat pinuno. Siya’y nakapag-asawa ng Labing tatlo bago niya nakita
ang Tembadau.

Ang Puting Buwaya

May isang pamilyang mahirap na naninirahan malapit sa lawa.


Ang ama ay si Benu, si Lastri ang ina ng tahanan at may isang anak na
lalaki sila na si Farmin. Ang araw-araw na kinikita ng kanayang ama ay
mas maliit pa sa sweldong makukuha ni Lastri sa kanyang paglalaba at
si FaSrmin naman ay binayayaan ng magandang boses. Araw-araw
silang nagtatrabaho at pagdating ng linggo ay araw ng kanilang pahinga
at oras sa isa’t- isa. Doon sila namamalagi sa lawa at nanghuhuli ng isa
tuwing linggo. Ang lawa ay malinis. Kadalasan sa makukuha nilang isda
ay malaki at sapat na para sila ay mabusog. Ngunit tila hindi ganito ang
nangyari sa araw na iyon, ang araw na mabuhay si Farmin ng mag-isa
habang buhay.

Linggo, gaya ng dati, masasaya ang mga puso Kahit na sila ay


naghihirap ni hindi nila kinalimutan ang magkaroon ng oras para sa
pamilya. Masaya silang nakaupo sa isang malaking bato at naghihintay
na may mahuli silang isda gamit ang kanilang panghuli o fishing rod.
Malalaki at masisiglang nagngingitian ang pamilya. Gayunpaman sa
buong araw na iyon ay wala pa rin silang nahuling isda. Sila ay
namangha ng may nakita silang mga itlog sa may damuhan, sa una ay
hindi nila ito napansin. Napansin na nila ito ng lumingon si Farmin

13 | P a n i t i k a n g A s y a n o
upang hagilapin ang kanilang bahay. Nang bigalng sumigaw si Farmin :
“Ma, may mga malalaking itlog!”

“Mukha namang hindi ito nakakasamang kainin” sabi ng ina.


Inuwi nila ang itlog niluto at ang amoy ng lutong itlog ay katulad
lamang ng karaniwang itlog. Inihain ng ina ang itlog at dahil sa pagod sa
buong araw na paghihinatay na makakuha ng isda ay agad-agad itong
nilantakan ng kanyang ama, at kumain na rin ang ina. Habang si
Farmin naman nag-aayos ng gamit sa panghuhuli ng isda.

Nagulat si Farmin na kinabukasan ay nawala ang kaniyang mga


magulang sa halip ay nakakakita siya ng mga dalawangmalalaking
buwaya, ngunit ang isa ay mas maliit . Sa gulat ni Farmin ay kumaripas
siya ng takbo at naghihingalo. Habang kumukuha ng hangin si Farmin
ay biglang nagsalita ang isang buwaya sa kanyang harapan.
“Huminahon ka anak ko, ako ang iyong ama, at sa tabi ko ay ang iyong
ina”. Nagulat si Farmin at sa halip magulat dahil sa ang mga buwaya ay
nagpagsasalalita ay naglaro sa kanyang isipan kung paano naging
buwaya ang kanyang mga magulang.

Namalagi ang katahimikan sa pagitan ni Farmin at sa kanyang


mga magulang, at ng nagsalita ang kanyang ina “Aking anak, huwag
mong kainin ang mga natitira pang mga itlog dahil sa pagkain nito maari
kang maging buwaya, at habang kinakain namin ito ay may nakita
kaming pangitaain na may gustong sumira sa boung lawa at balak
niyang pagharian ang boung lugar at isa siyang puting buwaya” . Sa
pagkain ng itlog ang magiging buwaya ang mga taong kakain nito at
dahil nalaman ng dyosa ang binabalak ng puting buwaya ay sekretong
pumasok ang dyosa habang natutlog ang buway at binahiran ng majika
ang mga itlog ngunit sa nagising ang puting buwaya nahuli ang dyosa.
Bago pa man nahuli ang dyosa ang may mga itlog siyang pinagulong sa
may lawa patungo sa mga tao at kapag makain ito ng mga tao ay
magiging buwaya sila at ang lalaban sa puting buwaya. Kapag malaman
ng puting buwaya na may nawawalang itlog ay hindi niya kakayanin ang
lakas ng mga puting buwaya bagamat siya ay dyosa ngunit hindi
kakayanin ng kanyang lakas ang maraming buwaya.

Pagkatapos na marinig iyon ni Farmin ay biglang huminto ang


oras. Natahimik. Ano ang maaring kong sabihin? ang tanong na
tumatakbo sa isipan ni Farmin...

14 | P a n i t i k a n g A s y a n o
“Oo, ama alam ko na kayo ang pupunta upang labanan ang
buwaya”. “Alam ko na kayo ang pupunta upang talunin ang buwaya.
Ngunit, ama, ako ay natatakot na mamamatay kayo sa laban”. Ang
lahat ay tahamik at nagtingin sa isa’t –isa. Biglang naalala ng ama ang
sinabi ng dyosa. “Aking anak, kung kami man ay maglisan at pupunta
na sa ibang bahagi ng mundo tandaan mo lang ito pagsapit ng hapon
ikaw ay makakakuha ng senyas kung oras na ba talaga naming mawala
o hindi pa. Kapag isang bahaghari ang lumitaw sa ibabaw ng lawa ibig
sabihin nagapi namin ang puting buwaya at kapag dumadalugdog,
babagyo ibig sa sabihin kami ay natalo sa labanan...”

Si Farmin ay masyadong nagulat sa pagpaliwanag ng kanyang


ama lalo pa at hindi niya alam kung kailangan lilitaw ang mga senyales.
Sumang-ayon si Farmin sa pag-alis ng kanyang mga magulang at sa
pagsang-ayon ni Farmin ay siyang nagdulot ng ginhawa sa kanyang
mga magulang. Dalawang araw na ang nakalipas ng huling nagpaalaam
ang kanyang mga mgulang upang labanan ang buwaya. Malakas ang
paniniwala ni Farmin na babalik ang kanyang ama at ina. Bagaman
dalawang araw na ang nakalipas ay hindi pa rin nawawalan ng pag-asa
ang kanyang kaloob-looban.

Samantala ang mga magulang ni Farmin at mga kasamahang


ngaing buwaya ay naglakbay na upang harapin ang puting buwaya.
Naghanap ng naghanap ang mga magulang ni Fermin at kahit na takot
ay kailangan nilang harapin ang puting buwaya at talunin ito. Habang
natutulog ang buwaya ay pumasok sa kanilang isipan na kahit sino ay
kayang lamunin nito na walang awa. Nang ililantad ng buwaya ng
kanyang mga pangil at kuko ay biglang nanginig ang mga kalaman at
tuhod ng mag-asawa at may malalaki at matatalim na mga tusok sa
likod ng buwaya. Sabay na sinigaw ng mag-asawa pati rin ang mga taong
nakakakain ng magic itlog “ kamusta ka buwaya kami ang lalaban
upang talunin ka , kami ang mgaliligtas sa dyosa, kami ang mag liligtas
sa kinabukasan ng lawa”

Nang buksan ng buwaya ang kanyang mata ay


nakakapanghilakbot, maliliwanag ang kulay dilaw sa mga mata nito at
ang nakamamatay na itim nitong tuldok sa mata. “Ang sinumang nang-
iistorbo sa aking pagtulog ay mamatay, kayo mga tao kinain niyo ang
aking mga itlog at panahon na ngayon ng masayang handaan”. Nang
marinig ito ng mag-asawa ay agad silang kinalibutan at natakot ng
husto, ngunit meron silang ipanangako sa kanilang anak na sila
bababalik.

15 | P a n i t i k a n g A s y a n o
Malapit ng lamunin ang bagyo ang maaran na hapon, si Farmin ay
abot-abot na ang takot na kanyang naramdaman taos pusong
nagdarasal si Farmin sa diyos para sa kaligtasan ng kanyang mga
magulang. Natapos ng nagdasal si Farmin ay hindi pa rin lumalaho ang
dilim sa kalangitan at patuloy pa rin na naghihitay sa kanyang mga
magulang. Dumating gabi ay nahirapan ng matulog si Farmin dahil sa
patuloy na pagdilim at sa pag-iisip sa kalagayan ng kanyang mga
magulang. Nakatulog si Farmin at sa kanyang paggising hindi parin
humuhupa ang dilim sa kalangitan. Lumundag siya at pumunta sa lawa
at doon siya nag simulang maghintay at nagbilang.

Limang minuto na ang nakalipas, ang sitwasyon ang ganoon


parin. Kahit na dumidilim ng dumilim ay lalong nasasabik si Farmin
makita ang kanyang mga magulang, sampung minuto, ang sitwasyon ay
ganoon pa rin. Naging limang minuto, dalawampung minuto, tatlumpong
minuto naghintay pa rin siyasa ipanangakong pagbabalik ng mga
magulang. Lumipas ang tatlong oras ay naglaho ang kadiliman at ang
hinihintay ang kinasasabikang bahaghari ay nagpakita narin. Ang
bahaghari na hindi katulad ng ibang bahaghari masyado itong makinang
na parang dulo ng espada na na nasikatan ng araw. Ngunit ang
bahagharing ito ay madaling nawala. Masayang –masaya si Farmin
sanasaksihan at hindi na siya makakapaghintay na muling kumain ng
sama-sama at mamingwit sa lawa kasama ang kanyang mga magulang.
Naghintay ulit siya ng ilang beses. Nagpatuloy siyang naghintay,
naghintay, mahinaty at maghinhintay. Maghihintay hanggang sa
katapusan ng kanyang buhay, ngunit hindi niya pa rin nahahagilap ang
mukha ng kanyang pinakamamahal na mga magualang.

LumutLunting at Pilong-Pilongan

by RozanYunos

16 | P a n i t i k a n g A s y a n o
Si AwangAlakBetatar ang unang pinuno ng Sultanato ng Brunei.
Taon-taon nagbabayad ang Brunei sa hari ng Majapahit. Sila’y
nagbabayad ng apatnapung barko na naglalaman ng Camphor na siyang
ibinabayad sa Emperyo ng Majapahit.

Nang panahong yaon,may isang tandang na pagmamay-ari ni


Awang Senuai na pamangkin ni AwangAlakBetatar, kilala siya bilang
isang mahusay namanlalaro ng sabong. Ang balitang ito ay nakarating
sa kaalaman ni RadenAngsukaDewa na nagmamay-ari din ng manok na
panabong na nag-ngangalang Asmara na may katumbas na lakas ni
Mutiara ang manok na pag-aari ni Awang Senuai. Si Asmara
inaalagaang mabuti ni RadenAngsukaDewa– ito’y kanyang pinapakain sa
gintong plato si Asmaraay malakas, matalino at nagtataglay ng
kakaibang kapangyarihan. Sinasabing nang siya’y tumilaok kasabay ng
pagpasok niya sa syudad ng Brunei ang mga manok doo’y namangha, at
natakot kaya’t silay di nakapagtilaok ng ilang araw.

Ang hari ng Majapahit ay nagwika na kung siya’y matatalo siya’y


magbibigay ng apatnapung barko ng pagkain sa Brunei; ngunit kung
siya’y mananaloaangkinin niya ng tuluyan ang iba pang teritoryo ng
Brunei at siya ang magkokontrol nito. Si Asmara at Mutiara ay sinanay
ng mabuti sa harap ng Palasyo ng Sultan.

Sa araw na itinakda upang maglaban ang dalawa’y dumagsa ang


maraming tao upang manood. Sila’y naglaban nang di ano-ano’y biglang
lumipad palabas ng bulwagan si Asmara at ito’y sinundan ni Mutiara. Si
Asmara’y nasugatan ng malubha sa kanyang paglipad siya’y nahulog sa
dagat naging bato na di kalauna’y naging isla na (PulauPilong-Pilongan).

Si Mutiara hinahabol si Asmara’y nahulog sa ilog na isinumpa ng


Hari ng Majapahit siya ri’y naging bato at naging isla (LumutLunting).

17 | P a n i t i k a n g A s y a n o
Ayon sa mga naninirahan sa Kampong Ayer ang LumutLuntingay
hindi naaabot ng tubig kahit tumaas pa ang level nito. Kung ito may
maabot ng tubig ito’y nagbibigay ng senyales o babala na may
mangyayaring masama o maaaring mamatay ang Hari.

THE TALE OF THE UNFILIAL SON


NakhodaManis (Brunei's Si-Tanggang)

by RozanYunos

May isang batang lalaki na lumayo sa kaniyang pamilya.


Makalipas ang ilang taon siya’y naging matagumpay at naging
mayaman,nakapag-asawa ng isang marangal na babae at nagmay-ari ng
isang malaking barko na nakalimutan niya na ang kaniyang
pinanggalingan.

18 | P a n i t i k a n g A s y a n o
Isang araw, sila’y dumaong sa lugar kung saan siya ipinanganak
para maiwasan ang paparating na bagyo. Siya’y nakita nang kaniyang
inang lugmok sa kahirapan na lulan ng isang Bangka at tinatawag ang
kaniyang pangalan. Sa harap ng kaniyang maganda at mayamang asawa
siya’y nakaramdam ng hiyang kilalanin ang kaniyang ina na tumakwil sa
kaniya.

Ikinagulat ito ng kaniyang ina at siya’y nasaktan kaya’t sinumpa


niya ang kaniyang anak kung saan biglang bumagyo at tinangay ang
barko at ito’y naging bato.

Ang misteryosong libingan sa gitna ng lungsod

The Tale of Kubur Dang Ayang

by RozanYunos

19 | P a n i t i k a n g A s y a n o
Noong unang panahon sa Brunei may dalawang magkapatid na
nahuling may relasyon, kahit na ito’y bawal ito’y tinatawag na
(sumbangmahram). Silang dalawa’y kapwa anak ng isang sultan si
Sultan Sharif Ali.

Ayon sa batas, ang ganitong pagkakasala ay pinaparusahan sa


pamamagitan ng pagtatapon sa kanila ng bato hanggang sa sila’y
mamatay. Walang sinuman sa kanila ang kayang gumawa noon at hindi
rin pwedeng hindi sila parusahan kaya’t sila’y nagkasundo na gumawa
ng matitirhan sa gitna ng gubat at silang dalawa ay nanirahan doon.
Iniiwanan sila ng pagkain at ginawan ng isang pugon, hanggang sa isang
araw wala na ni isang senyales na ang dalawa’y buhay pa.

Lirik Lagu Adai-Adai - kanta sa pagtatrabaho

Adai-adainya indong dayang anding


anding si dayang indong

Pulau lah cemin dayang anding


jernih airnya jernih

Adai-adainya indong dayang anding


anding si dayang indong

Tempat menyelam dayang anding


anding karang -karangan

Adai-adainya indong dayang anding


anding si dayang indong

Orang tingal dayang anding


sedih merasa sedih

Adai-adainya indong dayang anding

20 | P a n i t i k a n g A s y a n o
anding si dayang indong

Akan di ubah dayang andinganding karang-karangan

Adai-adainya indong dayang anding


anding si dayang indong

Lirik Lagu Adai-Adai - Lagu Asli Brunei @ Lirikami

21 | P a n i t i k a n g A s y a n o

Das könnte Ihnen auch gefallen