Sie sind auf Seite 1von 2

ABSTRAK NG AKADEMIKONG PAPEL

Suliranin : PAHAMBING NA PAGSUSURI SA MAKABAGO AT MAKALUMANG OPM: T


ANAW NG BSCS 1-4MANANALIKSIK: Group-A, Bscs 1-
4UNIBERSIDAD: Politeknikong Unibersidad Ng PilipinasSAKLAW NG ASIGNATURA: F
ilipinoTAON: 2011DIGRI: Bachelor of Science in Computer Science
Katatagpuan ng mga Sipi:
Silid-Aklatan Pahatiran RehiyonCCMIT Learning Resource Center NCR Maynila
Panimula
Upang magkaroon ng malinaw na pananaw at magandang pag-unawa sa isinagawang
pag-aaral na ito,pumokus lamang sa pahambing na pagsusuri ng makabagong OPM at
makalumang OPM. Ang dalawang uri ngOPM ay kinunan ng mga awiting
magrerepresenta sa kanilang uri. Ito ang Hawak Kamay ni Yeng Constantino,Narda ng
Kamikazee, Picha Pie ng Parokya ni Edgar at Wag na Wag Mong Sasabihin ni Kitchie
Nadal para samakabagong OPM at Kahit Maputi na ang Buhok Ko ni Noel Cabangon,
Anak ni Freddie Aguilar, Kay Ganda ng AtingMusika ni Ryan Cayabyab at Batang Bata Ka Pa
ng Apo Hiking Society para sa makalumang OPM.
Natuklasan
Ang mga patuklas sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod ayon sa suliraning nabanggit sa kabanata
1.Limampu t siyam na porsiyento (59%) ng mga mag-aaral sa unang taon ng PUP-
CCMIT Departamento ngComputer Science ang nagsabing 1960 s hanggang 1990 s ang taon
kung saan sumasaklaw ang makalumang OPM.May pitumpu t apat na porsiyento (74%) ng
mga mag-aaral ang sumang ayon na ang taong 1960 shanngang 1990 s ang taong
sumasaklaw sa makabagong OPM.May dalawampu t isang porsiyento (21%) ng mga mag-
aaral ang mas nais pakinggan ang awiting HawakKamay ni Yeng Constantino. Labing
tatlong porsiyento (13%) ang sa Narda ng Kamikazee. Labing anim naporsiyento (16%)
sa Picha Pie ng Parokya ni Edgar. Labing apat na porsiyento (14%) sa Wag na Wag
Mong Sasabihinni Kitchie Nadal. Dalawampung porsiyento (20%) sa Kahit Maputi na
ang Buhok Ko ni Noel Cabangon. Limangporsiyento (5%) naman sa Anak ni Freddie
Aguilar. Walong porsiyento (8%) sa awiting Kay Ganda ng Ating Musikani Ryan
Cayabyab. At tatlong porsiyento (3%) naman ang may nais pakinggan ang awitin ng
Apo Hiking Society naBatang Bata Ka Pa.
Kongklusyon
Pagkatapos ng maingat na pagtalakay at pagsuri ng mga datos ng pananaliksik,
inilahad ang mgasumusunod na kongklusyon:

1.

Na sa kasalukuyan ay kaunti pa lang ang mga pag-aaral at pagsasaliksik na nagawa sa


larangan ngmusikang OPM kaugnay ng paghahambing sa makabago at makalumang
OPM.2.

Na karamihan sa mga pag-aaral ay tumatalakay sa kung paaano nagmula ang OPM sa bansa.
Rekomendasyon
Pagkatapos ng isinagawang pag-aaral at pagsusuri sa ikauunlad ng pananaliksik
pangmusika,iminumungkahi ang mga sumusunod: na dapat ipagpatuloy ang
pagtangkilik sa OPM; na paunlarin at pagyabunginang sariling atin; na dapat ipagmalaki
ang mga awiting Pilipino; na ang natuklasan ay maaaring gamitin ng mgamag-aaral,
guro at iba pa sa kanilang pag-aaral at pagsusuri sa Original Pilipino Music

Das könnte Ihnen auch gefallen