You are on page 1of 4

Ang Pinagmulan ng Araw at Gabi

Noon daw unang panahon ay panay na liwanag; walang dilim, sapagka’t


noon ay magkaisang-palad si Aldaw at si Bulan.Kaya noon ay walang gabi-
panay na araw. Ang dalawa ay nagkaanak ng marami. Ang kanilang mga anak
ay mga tala at ituin at nagsilagay din sa langit na tulad ng kanilang mga
magulang. Kaya, ang daigdig ay lalong nagliwanag.

Nguni;t minsan, ang mga butuin sa kalikutan ay nakagalitan ng kanilang


amang si Aladaw. Si Bulan ay nagkaraoon ng sama ng loob, hanggang sa
nagkagalit tuloy ang mag-asawa. Sa katagalan ay nagkasundo sila na
maghiwalay na lamang.

Ang mga bituin at tala ay pinamili kung kanino sasama. Pinili nila ang
kanilang ina na hindi nagpaparusa.

Naghiwalay si Aldaw at si Bulan at kasama ni Bulan ang mga tala at


bituin Kapag araw ay sumisikat si Aldaw, ngunit kapag nakita ay niyang
papalapit si Bulan ay umalis na siya upang hayaan naman sin a magbigay ng
liwanag. Kaya ngayon ay mayroong tayong araw na maliwanag at gabing
madilim.
Ang Alamat ng Ating Kulay

Noong unang panahon ay wala pang tao sa mundong kundi mga hayop,
halaman karagatan at iba pa ang narito sa maundo, Nakita ng Panginoon na
kailanngan ay may tao sa sanlibutan . Dali- dali siyang gumawa ng tao.

Sinabing pag-iihaw ang paraan na ginawa ng Diyos sa ating lahat.Ang


mga unang Niya sa apoy ay pawing sunog ang balat dahil sa ito ay nakalimutan
niyang tanggalin agad sa dami ng gawain niya. Ang mga taong ito ay ang mga
taong tinayawag natin na mha Negro.

Sa ikalawang pagkakataon ay binantayan ng diyos ang kaniayang niluluto


upang kasiguro siyang hindi ito sunog. Nguni’t kakaiba ang nangyari dahil sa
tinanggal agad ng Panginoon ang kanyang inihaw ay nahilaw naman ito. Ang
mga taong ito ay siya nating tinatag na Amerikano.

Sa ikatlong pagkakataon ay talagang sinigurado, Niyang husto lamang


hindi hilaw o hindi sunog, Kaya nang iahon nga ito lahat at Makita niya, ng
Diyos ay tama lamang, Ang mga taong ito sinasabing tayo , Tayo natinaguriang
mga Pilipinas.

Ang Almat ng Pagiging Husig ng Ating Ilong

Sinabing noon daw na ginawa ng Diyos ang tao ay wala siayang inilagay
na ilong Nang Makita niya na kailangan nating ilong ay ginawa niya ito kaagad.

Nang matapos niya ito ay isinakay agad niya ito sa sasakyang pandangat
upang ipamahagi , Ang mga ilong na inilagay niya sa mga kahon.

Ang mga ilong na nilagay niya sa ilalim ay napipi. Ito ay binigay niya sa
mga taong itim.Sila na may mga ilong na pango.

Ang mga ilong naman na inilagay niya sa gitna ay ipinamahagi niya sa


mga taong puti. Sila na may mga ilong na matatangos.
Sinasabing tayo ang kahuli-hulihan niyang binigay. Ang ating mga ilong
na tama lamang ang pagkagawa .Hindi pango at hindi matangos.Tayo ay may
ilong na husto lamang.

Si malakas at si Maganda

Sa daigdig noo’y wlang makikitang anuman liban sa magkatapat na langit


at lupa na sa pagitan ay may isang ibong walang humpay sa paglipad.

Sa matinding pagod ng ibon sa walang tigil; na paglipad umisip ito ng


paraan upang magkaroon ng mapagpapahingahan. Gumawa siya n dahilan
upang mgakagalit ang langit at ang dagat. Kaya’t isang araw, sa tindi ng galit
ng dagat ay sinabuyan ng tubig ang pisngi ng langit, ito ay huli’y gumanti sa
pamamagitan ng pagtatapon ng mga bato at malalaking kipal na lupa sa dagat
na siayang upang magkaroon mga lupain sa daigdig.

Ang ibon ay nagging mapayapa at nagkaroon ng kasaiyahan matapos


macaroon ngpagkakaunawan ang langit at ang dagat.

Isang arwa, samantalang ang ibong ito’y namamahinga sa dalampasigan,


siya’y nahagip ng isang putol na kawayan at tinangay roon ng agos. Napasigaw
sag alit at sa dahilang nasaktan, pinagtutuka niya ang nasabing kawayan
hanggnag sa ito’y mabiyak.

Lumabas ang isang lalaki sa unang biyas at sa ikalawa nama’y lumabas


ang isang babae. Sila ang nagging kauna-unahang babae at lalaki.
Paano Nalikha ang Mundo

Isa ito sa mga kwento tungkol sa ppinagmulan ng daigdig ang hindi


nagsasawaang isalaysay ng mga matatanda sa Panay, Lalo na iayong mga
naninirahan malapit sa kabundukan.Ayon sa kanilang salaysay, noong una
diumano ay walang langit at lupa.Lahat ay wlang hugis at anyo- ang langit,
lupa, dagat at hangin ay makakahalo.

Mula sa kailaliman ng kawalan, dalawang diyos ang limitaw- sina


TungkungLangit at ALunsina. Kung saan nanggaling ang dalawang diyos ay
walng nakakaalam.taon ng panliligaw, sila’y ikinasal at nanirahan sa
pinakamataas na bahgi ng kawalan kung saan ang tubig ay lagging maligamgam
at ang amihan ay lagging malamig. Mula sa luga na ito, ang kaayusan ay unang
naganap.

Si Tungkung Langit ay masipag, mapagmahal at mabait na diyos na ang


pangunahing nasa ay maisasayos ang lahat na bagay sa paligid. Inako niya ang
pagsasaayos ng galaw ng lath ng bagay sa kalawakan. Smantala, si Alunsina ang
siyang tamad, mapanibughuin at makasariling diyosa na ang tanging gawain ay
tumunganga sa bintana at kanilang tahanan at ablahin ang sarili sa pag-iisip ng
mga walng kapararrakang bagay, Minsan, siya’y bumababa mula sa bahay,
nauupo sa tabi ng lawa ng tubig at nagsusuklay ng buhok sa buong araw.

Minsan, nagpaalam si Tungkung Langit kay Alunsina na siya’y mawawala


ng ilang araw upang ayusin ang takbo ng oras at ang posisyon ng mga bagay-
bagay. Nang makaalis na si Tungkung Langit, pinasunod ni Alunsina ang
hanging habagat upang manmanan ang mga likos ng sawa. Galit nag alit si
Tungkung Langit nang malaman niya ito.