You are on page 1of 2

“Iyak ng galak”

ni Jaika S. Bantug

Ikatlo ng hulyo, bigla nalang akong umiyak


Ang unang beses na ako’y umiyak
At kasabay ng aking pag-atungal
Ay ang pagbubunyi ng isang ginang

Sa pagmulat ng aking mga mata


Ay siyang pag-usbong ng bagong pag-asa, para sa isang babae
Isang babaeng ang turing sa akin ay regalo
Pinaka-maganda, pinaka-iingatan at pinakamamahal niyang regalo

Araw, buwan, taon ay lumipas at naibsan ang aking pangamba


Kung sino ba itong babaeng akin lagi’y kasa-kasama
Na tuwing ako’y umiiyak ay nariyan upang pawiin ang aking mga luha
Sa bawat pagkakamali ay nariyan upang ibangon ako mula sa aking pagkakadapa

Araw, buwan, taon ay lumipas, ngunit ako’y bulag


Na sa likod ng bawat ngiti at regalong alay mo
May kaakibat na kirot, sakit at sakripisyo
Ngunit nakuha ko pang mag-reklamo

Araw, buwan, taon ay lumipas, ngunit ako’y pilay


Pilit nagdudunong dunungan na kaya ko ng mag-isa
Na kaya ko ng tumayo sa sariling nga paa, kahit wala ka
Ngunit hindi pala, Hindi pala dahil hanggang ngayon ako’y pasan mo pa

Araw, buwan, taon ay lumipas, ngunit ako’y manhid


Pilit mo akong binubuo kahit ikaw mismo’y nadudurog
Na sa bawat masasakit na salitang lumalabas sa bibig ko
Ay tila mga punyal na tumatarak sayong puso

Araw, buwan, taon ay lumipas, ngunit ako’y pipi


“Mahal kita, kahit sa akin ay wala ng matira. Mahal kita”, iyan ang sambit mo
Mahal kita, dalawang salitang hirap akong banggitin
Dalawang salitang araw-araw mong pinadarama sakin, na mahal mo ako
Araw, buwan, taon ay lumipas at saksi ako
Saksi ako, Sa babaeng tila dagat ang lawak ng pang-unawa
Sa babaeng tila bundok ang tayog ng pasensya
Sa babaeng biyaya ng maykapal na lubos kung magmahal, saksi ako

Ikatlo ng hulyo, bigla nalang akong napaiyak


Napaluhod, napapikit at nagsanib ang aking mga palad
At napabulong ng, “salamat, salamat Panginoon”
Sa pinakamaganda, pinaka iingatan at pinakamamahal na regalo

Ang regalong bago ko hilingin, naibigay na


Bago ako umiyak ay inihanda na
Binalewala kahit simulat sapul ay nasa akin na pala
Ang pinakamagandang regalo ay ang babaeng tinagurian kong “ina”