Sie sind auf Seite 1von 15

OYAYI O HELE

Meme na bunso ko
Ang tatay mo'y wala rito
Nagpunta sa ibayo
Bumili ng puto
Ipakakain sa iyo.
Matulog ka na bunso
Ama mo’y malayo
Hindi ka masundo
At may buwaya sa pulo.
OYAYI O HELE

Oyayi!

Ipikit mo ang iyong mga mata, bunso


Tigisin mo ang luha sa puso
Gulanit na lamping basa ng hapis
Hayaang bumalabal sa balisang pag-idlip

Yumayaong araw, nagluluksang paligid


Hayaang magkipkip ng himutok at sakit
Yaring tinig pinaos ng hikbi
Hayaang maghimig ng kilalang oyayi

Sa gayo'y papailanlang ang pagal na isip


Lilisan saglit ang iyong gutom at ligalig
Sugat sa dibdib sandaling ipaagaw
Sa isang matamis na panaginip

Bunso, iuugoy kita


Sa gitna ng dilim
Gunitang tumatagas
Ang hinhin ng hangin
OYAYI O HELE

Nang si Maria ay maglambing


Isang linggong di kumain
Ang napita niya't hiling
Isang kaskong murang saging.

Nang si Maria ay magtampo


Isang linggong di sumuso
Ang napita niya't gusto
Isang kaskong murang saging.
OYAYI O HELE

Sanggol kong anak na giliw


Matulog ka nang mahimbing
Marami akong gawain
Huwag sanang abalahin.

Iyang duyang hinihigan


Lampi't banig mo ay gutay
Mahirap nga tayong tunay
Luha't hapis ang karamay.

Akong ina mo ay dukha


At balo sa nag-aruga
Ulila na 'tang mistula
Sa ama mong makalinga.

Kung lumaki't magkaisip


Ikaw bunso'y magbabait
Mag-aaral na masakit
Ng kabanalang malinis.
OYAYI O HELE

Matulog ka na, bunso


Ina mo ay malayo
Bumili ng bukayo
Sa iyo'y isusubo.
OYAYI O HELE

Ale, aleng namamayong


Paki sukob yaring sanggol
Pagdating sa Malabon
Ipagpalit ng bagoong.

Ale, aleng namamangka


Paki sakay yaring bata
Pagdating sa Maynila
Ipagpalit ng kutsinta.
OYAYI O HELE

Halika na, Neneng kita'y hahanguin


Isisilid sa duyan, babalutin ng lampin
Huwag ka na lamang maglambing sa akin
Ibibili kita ng manika at singsing.

Ang manika't singsing, galing sa Audencia


Kinababalutan papel de Kastilya
Papel de Kastilya, daho'y tangan-tangan
Bulaklak ay lason, bunga'y kamatayan.
OYAYI O HELE

Meme ka na batang sanggol


Isisilid ko sa bumbong
At pagdaraan ng Poon
Bibigyan ka ng bagoong.
OYAYI O HELE

Meme ka na batang munti


Isisilid ko sa gusi
At pagdaraan ng pari
Bibigyan ka ng salapi.
OYAYI O HELE

Matulog ka na, Bira


Ang ina mo'y wala pa
Namupol ng sampaga
Isasabog sa alta.
OYAYI O HELE

Tahan na bunsong mahal


Matulog na sa kandungan
Hihintayin ang tatay
Humanap ng kani't ulam.
OYAYI O HELE

Sanggol kong anak na giliw


Matulog nang mahimbing
Marami akong gagawin
'Wag mo akong abalahin.
OYAYI O HELE

Matulog ka na, bunso


Ang ina mo'y malayo
Di ko man masundo
May putik at balaho.
OYAYI O HELE

Sa Ugoy Ng Duyan Lyrics


(l. San pedro/l. Celerio)

Sana'y di nagmaliw ang dati kong araw


Nang munti pang bata sa piling ni nanay
Nais kong maulit ang awit ni inang mahal
Awit ng pag-ibig habang ako'y nasa duyan

Sana'y di nagmaliw ang dati kong araw


Nang munti pang bata sa piling ni nanay
Nais kong maulit ang awit ni inang mahal
Awit ng pag-ibig habang ako'y nasa duyan

Refrain:
Sa aking pagtulog na labis ang himbing
Ang bantay ko'y tala, ang tanod ko'y bituin
Sa piling ni nanay, langit ay buhay
Puso kong may dusa sabik sa ugoy ng duyan

Sana'y di nagmaliw ang dati kong araw


Nang munti pang bata sa piling ni nanay
Nais kong maulit ang awit ni inang mahal
Awit ng pag-ibig habang ako'y nasa duyan

Sa aking pagtulog na labis ang himbing


Ang bantay ko'y tala, ang tanod ko'y bituin
Sa piling ni nanay, langit ay buhay
Puso kong may dusa sabik sa ugoy ng duyan

Nais kong matulog sa dating duyan ko, inay


Oh! Inay
OYAYI O HELE

Kay lamig na ng gabi sa ilang


Habang ang bituin ay nag-aabang
Giliw ko sa’king sinapupunan
Kay lapit Mo nang isilang

Aming pakikipagsapalaran
Upang makahanap ng tahanan
Abut-abot ang kaba sa dibdib
Kay lapit Mo sa panganib

Kay lamig na ng gabi sa ilang


Habang ang bituin ay nag-aabang
Giliw ko sa’king sinapupunan
Kaunting tiis na lang
Tahanan nati’y daratnan

Das könnte Ihnen auch gefallen