Sie sind auf Seite 1von 4

MASUSING BANGHAY ARALIN

Guro: Lucel Palaca


Petsa at Oras: Marso 4, 2017

I. LAYUNIN
Sa katapusan ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Naipaliliwanag nang maayos ang kwentong Si Pingkaw.
B. Napahahalagahan ang paksang tinalakay sa pamamagitan ng paglalahad ng sariling
opinyon at pananaw sa loob ng klase.
C. Nakapagtatanghal ng isang dula na kakikitaan ng isang pangyayari na nangyayari sa
ating lipunan ang hanggang ngayon.

II.PAKSANG ARALIN

A.Paksa: “SI PINGKAW”


B.Sanggunian: Internet, aklat
C.Kagamitan: Kagamitang biswal
D.Halagang pangkatauhan: Napahahalagahan ang paksang tinalakay sa pamamagitan ng
paglalahad ng sariling opinyon at pananaw sa loob ng klase.
E. Kasanayan: Nahahasa ang kasanayan ng mga mag-aaral sa pagtatanghal sa loob ng
klase.

III. ESTRATEHIYA
Gawaing Guro Gawaing mag-aaral
A.PAGHAHANDA/PAGGANYAK

“Magsitayo ang lahat para sa (Sabay-sabay na tumayo at nanalangin.)


panalangin.Pangunahan mo ang panalangin,
Rey”

“Magandang umaga sa inyong lahat.” “Magandang umaga rin Bb. Palaca.”

“Bago umupo ay pulutin muna ang mga (Pinulot nila ang mga kalat at isinaayos ang
kalat sa sahig at pagkatapos ay ihanay ito mga upuan)
ng maayos.”

“Kamusta ang araw n’yo?” “Okay lang po.”

“Mabuti naman kung ganoon,


nangangahulugan lamang na kayo’y handa
na sa ating klase. Sa araw na ito ay may
bago tayong paksa ngunit bago magsimula
ay magkakaroon muna tayo ng isang
pampagising katawang lupa. Itong hawak
kong box ay naglalaman ng mga
katanungan. Ang gagawin n’yo lamang ay
ipapasapasa n’yo habang kayo ay
kumakanta ng “Leron-leron Sinta”. Kapag
sinabi kong stop ay titigil kayo at ang
huling nakahawak ng box ay bubunot ng
papel at sagutan ito. Nagkakaintindihan ba Opo.
tayo? (Isinagawa ang gawain hanggang natapos).

B. PAGHAHANDA

Pag-aalis ng mga sagabal na salita. Sagutin


kung ano ang mga kasingkahulugan ng mga
salitang may salunguhit.

Tuliro si Ana ng makita nyang Hindi makaimik


nakahandusay ang kanyang ama.

Naidlip muna ako dahil ako’y pagod sa Natulog


trabaho.

Wala siyang magawa kundi humahagulhol Umiyak


na lamang.

Ang kanyang suot ay gula-gulanit na. Punit-punit

Hinehele niya ang kanyang anak upang Kantang pampatulog


ito’y makatulog.

C. PAGTATALAKAY

“Ngayon ay ating tingnan ang isang video


ang tungkol sa maikling kwento ni Isabelo (Tiningnan ang video hanggang ito ay
Sobrega na pinamagatang Si Pingkaw. matapos)

“Naintindihan n’yo ba ang kwento?” “Opo.”

“Sino nga ba si Pingkaw sa kwentong ito?” “Si Pingkaw ang mabutihing ina ng mga
bata na nagtratrabaho sa talipapa na dahil sa
pangyayaring iyon ay nabaliw.”

‘Tama. Si Pingkaw ay isang mabuting ina


kayang gawin ang lahat para sa mga anak.

“Paano hinarap ni Pinkaw ang suliranin? “Walang nagawa si Pinkaw kundi tignan na
lamang niyang unti-unting mamatay ang
kanyang mga anak habanag ang mga tao ay
nakamasid sa kanya.”
“Sa katunayan ginawa lahat ni Pingkaw ang
knayang makakaya upang madala sa ospital
at mabuhay ang knyang anak ngunit dahil
walang tumulong sa kanya kahit na sa
ospital na ay namatay rin ito.”

“Gagawin mo rin ba ang kanyang ginawa “Oo! Dahil ang ina ay siyang mag-aaruga
sa mga anak? sa kanyang mga anak at bilang ina ay dapat
alagaan ang kanyang mga anak.”

“Bakit kaya hindi siya binigyang pansin?” “Hindi siya ninigyang pansin sapagkat sila
ay mahirap lamang.”

“Maaari kayang mangyari ito sa totoong “Oo. Kadalasang nangyayari ito sa lungsod.
buhay?” Sa lungsod ay maraming mga mahihirap at
kung halimbawa’y humingi sila ng tulong
ni isa ay walang pumapamsin sa kanila.
Minsan pa nga ay pinapaalis pa nila ang
mga ito.”

D. PAGLALAHAT

“Kung ikaw ay magiging Presidente, ano


ang iyong gagawin sa mga taong naghihirap
katulad ni Pingkaw na nabaliw sapagkat “Kung ako ay magiging presidente ay
namatay ang kanyang mga anak at kung bibigyan ko sila ng mga trabaho na maaring
paano mawawala ang ganitong mga makakapagangat sa kanila sa buhay at
problema? sisiguruhin kong hindi mangyayari sa
pampublikong hospital ang nangyari kay
pingkaw na walang pumapansin sa kanya.”

“Mabuti kung ganon sapagkat maraming


mga pampublikong ospital na ganito ang
nangyayari na hindi binibigyan ng
magandang serbisyo ang mga tao.

E.PAGLALAPAT

Bumuo ng grupo na may limang membro at


pag-usapan kung paano n’yo itatanghal ang
isang pangyayari na may pagkakatulad sa
kwento na nagyayari sa ating lipunan
hanggang ngayon. Ang pagtatanghal ay
kailangangan aabot lamang sa 3 hanggang 5
minuto. Naiintindihan? “Opo”
IV. EBALWASYON

Sa isang buong papel, sumulat ng isang


sanaysay kung bakit ito nangyayari sa ating
lipunan. Gawin n’yo yan sa loob ng 10
minuto.

V. TAKDANG-ARALIN

Sa isang bondpaper ay gumuhit ng isang


larawan na kung paano alagaan ng isang ina
ang kanyang mga anak at kung paano rin
susuklian bilang isang anak ang lahat ng
ginawa ng inyong ina sa inyo.

Das könnte Ihnen auch gefallen