Sie sind auf Seite 1von 3

 HEOGRAPIYANG PANTAO - Saklaw ng heograpiyang pantao (human geography) ang pag-aaral

ng wika, relihiyon, lahi, at pangkat etniko sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.

 WIKA - Itinuturing ang wika bilang kaluluwa ng isang kultura. Nagbibigay ito ng pagkakakilanlan
o identidad sa mga taong kabilang sa isang pangkat. May 7,105 buhay na wika sa daigdig na
ginagamit ng mahigit 6,200,000,000 katao. Nakapaloob ang mga wikang ito sa tinatawag na
language family o mga wikang magkakaugnay at may iisang pinag-ugatan. Tinatayang may 136
language family sa buong daigdig. Ang mga pamilya ng wikang ito ay nagsasanga-sanga sa iba
pang wikang ginagamit sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.

 RELIHIYON - Mabibigyang-kahulugan ang relihiyon bilang kalipunan ng mga paniniwala at


rituwal ng isang pangkat ng mga taong tungkol sa isang kinikilalang makapangyarihang nilalang o
Diyos. Nagmula ito sa salitang religare na nangangahulugang “buuin ang mga bahagi para maging
magkakaugnay ang kabuuan nito.” Dahil sa mga paniniwalang nakapaloob sa sistema ng isang
relihiyon, ay nagiging batayan ito ng pagkilos ng tao sa kaniyang pang-arawaraw na pamumuhay.

 ANG KABIHASNANG MESOPOTAMIA SA KANLURANG ASYA

 SUMER (3500 - 2340 BCE)


 Namalagi ang mga nomadikong Sumer sa mga
lupaing sakahan ng lambak-ilog.
 Nabuo ang 12 lungsod estado (hal. Eridu, Kish,
Lagash, Uruk, at Ur) na pinamunuan ng isang hari.
 Tinawag na Ziggurat ang strukturang nagsilbing
tahanan at templo ng mga patron o diyos na
makikita sa bawat lungsod.
 Naniwala sila sa maraming diyos at diyosa na
anthropomorphic o may katangian at pag-uugaling
tao.
 Cuneiform (hugis-sinsel)ang paraan ng pagsulat na
ginamitan ng stylus at clay o luwad na lapida.
 Nag-alaga sila ng mga baka, tupa, kambing, at baboy.
 Madalas ang tunggalian ng mga lungsod-estado tungkol sa lupa at tubig kaya hindi nakabuo
ng isang metatag na pamahalaan ang mga Sumerian.

 AKKAD (2340-2100 BCE)


 Sinakop ni Sargon I (2334-2279 B.C.E.) ang mga lungsod-estado at itinatag ang kauna-
unahang imperyo sa daigdig.
 Si Sargon I ay mula sa hilagang bahagi ng Mesopotamia sa
lungsod- estado ng Akkad o Agade.
 Isa sa pinakahuling mahusay na pinuno ng Akkadia si
Naram-Sin (2254-2218 B.C.E). Noong 2100 B.C.E.,
panandaliang nabawi ng lungsod estado ng Ur ang
kapangyarihan nito at pinamunuan ang Sumer at Akkad.
 Bumagsak ang dinastiyang Ur sa pagsalakay ng mga Amorite at
Hurrian sa Mesopotamia. Sa loob ng sumunod na tatlong siglo,
ang mga lungsod-estado sa katimugan, partikular ang Isin at
Larsa, ay nagtunggalian upang makontrol ang rehiyon.

 BABYLONIAN (1792-1595 BCE)


 Sinakop ni Hammurabi, pinuno ng lungsod ng Babylon, ang
Mesopotamia.
 Ang Babylon ay naging kabisera ng imperyong Babylonia.
 Sa panahon ng kaniyang paghahari, nasakop ni Hammurabi ang mga kaharian sa hilaga,
kabilang ang kahariang Ashur.
 Nang mamatay si Hammurabi ay nagkawatak-watak ang
kaharian ng Babylon.
 Noong 1595 B.C.E., sinalakay ng mga Hittite Anatolia ang
Babylon bagamat naipagpatuloy pa rin ng mga lungsod
estado ang pamumuhay sa ilalim ng mga dayuhang pinuno.
 Ang mga Hittite ay orihinal na nagmula sa hilagang silangang
bahagi ng Black Sea. Lumisan sila at nanirahan sa Asia Minor
(kasalukuyang Turkey).
 ASSYRIAN (1813-605 BCE)
 Noong 1120 B.C.E., nasupil ni Tiglath-Pileser I (1114-1076
B.C.E.) ang mga Hittite at naabot ng puwersa ang baybayin
ng Mediterranean at itinatag ang imperyong Assyrian.
 Noong ika-9 na siglo B.C.E., nagpadala sila ng mga
ekspedisyong militar pakanluran upang mapasakamay ang
mahahalagang rutang pangkalakalan at makatanggap ng
tributo.
 Pinabagsak ng mga Chaldean ang Assyria sa isang pag-aalsa.

 CHALDEAN (612-539 BCE)


 Si Nabopolassar (612-605 B.C.E.) – ang nagtatag ng bagong
imperyo ng Babylonia matapos pangunahan ang isang pag-
aalsa laban sa Assyria.
 Tuluyang naigupo ni Nebuchadnezzar II (605-562 B.C.E.),
anak ni Nabopolassar ang natitirang hukbo ng Assyria
noong 609 B.C.E.
 Si Nebuchadnezzar II - ang pinuno ng imperyo nang
natamo nito ang rurok ng kadakilaan. Siya rin ang
nagpagawa ng Hanging Gardens of Babylon para sa
kaniyang asawa, kinilala ito ng mga Greek bilang isa sa
Seven Wonders of the Ancient World.
 Noong 539 B.C.E., ang Babylon ay nilusob ng hukbo ni
Cyrus the Great ng Persia hanggang tuluyang nagging
bahagi ng mas malawak na imperyo ng mga Persian ang
Mesopotamia.

 PERSIAN (539-330 BCE)


 Nagtatag ng isang malawak na imperyo ang mga Persian na
tinawag na Imperyong Achaemenid. Nasa Persia
(kasalukuyang Iran) ang sentro ng imperyong ito.
 Sa ilalim ni Cyrus The Great (559-530 B.C.E.) –
nagsimulang manakop ang mga Persian. Napasailalim nila
ang mga Medes at Chaldean ng Mesopotamia at Asia Minor
(kasalukuyang Turkey).
 Darius The Great (521-486 B.C.E.) – Umabot ang sakop
hanggang India.
 Epektibo ang pangangasiwa ng mga pinunong Persian sa
kanilang imperyo. Hinati ang imperyo sa mga lalawigan o
satrapy at pinamahalaan ng gobernador o satrap.
 Nagpagawa din dito ng isang Royal Road na tinatayang may
habang 1677 milya o 2699 na kilometro mula Sardis
hanggang Susa.
 Napatanyag din ang mga Persian sa pagsulong ng relihiyong
Zoroastrianism na itinatag ni Zoroaster.

Das könnte Ihnen auch gefallen