Sie sind auf Seite 1von 2

Dalawang uri lamang ng tao ang ipinapanganak sa mundo

Lalake at babae.

Pero sa panahon ngayon ang dating dalawa, ngayon ay apat na.

Minsan ay higit pa

Lesbian gay bisexual at transgender

Alam ko sa simula hindi pa nila ito alam

Hanggang sa isang araw mararamdaman na nila

Ang katawang lalake ay pusong babae

At ang katawang babae ay pusong lalake.

Para sa mga may gantong kalagayan, isa itong malaking sikreto

Dahil natatakot sila na sila ay hindi matanggap

Mahusgahan at ipagtabuyan

Dito sa mapanghusgang lipunan, na ating ginagalawan

Isa lang ang inaasam, ang sila ay matanggap

Matanggap nang walang halong diskriminasyon at pagmamaltrato

Sa bibliya man ay sinasabi na ang lalaki ay para sa babae at ang babae ay para sa lalake

Minsan nawawalan nang pag-asa dahil sa mga katagang

“DI KA KATANGGAP-TANGGAP SA LIPUNAN”

Sabayan pa ng kanilang tawanan na akala mo’y wala ng bukas

Parang ang mga inipong lakas ay pabawas nang pabawas

Ang mga pangamba ay nananatili.

Kailan ba ito magwawakas?

Lumabas na yata ang lahat ng panlalait

Hindi nila alam kung gaano ito kasakit

Parang pinagsakluban ng lupa at langit


Araw-araw nakasuot ng mascara

Kunwaring walang dinadala

Sobrang hirap

Sobrang hirap magpanggap

Buti nalang

Buti nalang

Buti nalang may mga taong lumaban

Lumaban para sa mga taong naiiba ang kasuotan

Ipinaglaban ang karapatan

Dahil sa kanila, nagkaroon ng espayo sa lipunan

Kaya naman ngayon, ang mga lgbt ay tanggap na

Sila ay nabibigyan na ng pansin

Na dati walang pumapansin

Marami na tayong kababayan

Nagbigay inspirasyon sa maraming tao

Na bumangon,lumaban, at magtagumpay

Pinatunayan nila na kahit iba man ang iyong kaanyuan

Wala itong kinalaman sa iyong kapalaran

Pagdating sa huli.

Iisa pa rin ang kayang maghusga sa atin

Siya ang nasa itaas

Kahit anong mangyari hindi hahayaang makapintas

Diskriminasyon ay tigilan

Walang perpekto

Tao lamang tayo.

Das könnte Ihnen auch gefallen