Limang taon tayong magkasama, sa hirap at ginhawa,
pero dahil sa pahabol mong Aguinaldo, sa pag amin ng pag suko,
sinalubong mo ko ng pasabog parang pagpasok ng ENERO.
Sa unang araw ng unang buwan ako’y tulala,
Hindi namalayang isang buwan na ang nawala
Ng dahil sa pagkukulang ko kaya ngayon ang pakiramdam ko’y kulang ako,
Parang mga araw ng PEBRERO. Ako ay mag isa sa araw ng mga puso,
Sa unang araw ng pangalawang buwan akoy tulala,
Hindi namalayang dalawang buwan na ang nawala
Magkaparehas ang ating paghihiwalay at ang aking kaarawan,
Dahil parehas sa marso naganap at parehas kong hindi napaghandaan.
Sa unang araw ng pangatlong buwan akoy tulala,
Hindi namalayang tatlong buwan na ang nawala,
Sasapit nanaman ang ABRIL para sa magigiting,
Ngunit sa katotohanang wala ka, ay ayaw ko pang gumising.
Sa unang araw ng pangpat na buwan akoy tulala,
Hindi namalayang apat buwan na ang nawala.
Darating na ang MAYO para sa mga mangagawa,
Hindi para sa katulad ko na walang ginawa nung ikay mawawala na.
Halos apat na buwan ang nagdaan
Ngunit sa aking isip sariwa paring ang iyong pangalan
Sasapit ang HUNYO na hindi ko parin dama ang sapilitang pag laya. Hindi ko din alam kung ang mag patuloy ay kaya.
Sa bilis ng panahon hindi ko nadama ang HULYO at akoy tinangay
Hinahanap ang iyong init at ingay.
Halos anim na buwan na ang nagdaan
Ngunit sa aking isip sariwa paring ang iyong pangalan
Ako ay may bagong nakilala sa buwan ng AGOSTO
OO, sabay turo sa puso, sumasabay lang sa agos to.
At sa buwan ng SETYEMBRE akoy natutong ulit ngumiti,
Naranasan ulit mabuhay at at maging masaya ng kaunti
Sasapit ang OKTUBRE para sa araw ng mga guro,
Ngumti at maging Malaya, yan ang kanyang turo. Ililipat ko na ang pahina sa bagong kabanata ng aking libro
Siyam na buwan na ang nag daan at akoy masaya na
At tanging hiling koy sanay ikaw rin ay maligaya. Sasapit nanaman ang NOBYEMBRE at bigla kitang naalala, Ganun naman talaga pag all souls day, lahat ng namatay ay inaalala.
Darating ang DISYEMBRE at nasa likod ko nalang ang PAST KO