Sie sind auf Seite 1von 375

##################################

~~Bloody Crayons v2.00~~

##################################

This is an edited version of the story Bloody Crayons.

What's different?

1. May mga nabago.

2,Meron ring kaunting natanggal.

3. May mga eksenang malabo na inelaborate.

4. May mga chapters na nadagdag.

5. Nireconstruct at binigyan ng depth ang mga characters.

Kung nabasa mo na to, sana basahin mo uli dahil hindi na 'to yung dating BC na
pabara bara ginawa. Slight nalang to haha.

At maraming salamat sa mga sumusuporta at sa mga susuporta pa!


-Josh

Uso teaser? Ito, pagtiisan.

John: "Life is a game. A ruleless game. And what do we do with ruleless games? We
play it with our own rules."

Eunice: "Sana mas madalas mong ginagamit yang utak mo kaysa bunganga mo."

April: "The real you is the monster inside you."

Richalaine: "I realized that even things that are not meant to be together like oil
and water can be mixed. Even people like you and me. You just need to add something
to bond them together. Maybe friendship. Maybe love."

Cover made by: Myka Marie


Bloody Crayons Official Fanpage

https://www.facebook.com/BloodyCrayonsv2

Or try clicking the external link

##################################

~~Bloody Crayons~~

##################################

14 teenagers

7 couples

2 weeks of fun

1 great vacation!
1 dead

The others will soon follow.

Who did the killing?

BLOODY CRAYONS

© JoshArgonza

Gusto mong gamitin ang utak mo and at the same time magenjoy? Then this story is
for you.

Let's see if you can see right through the killer's murder tricks and find out his
true identity. I'll be gladly waiting for your comments.

Tip: Wag kang magbasa ng comments, andaming spoiler pramis haha.

NOTE: merong mga POV na PLASTIC. Pero mostly honest to goodness ang POVs. Either
isa o dalawa lang ang nagsisinungaling tapos hindi sagaran yung pagsisinungaling
kaya okay lang naman.
Difficulty: Easy-Average

Tsaka check niyo narin yung fanmade trailer ni @yaginachi. Salamat nga pala! Di ko
yan inexpect!

##################################

~~A Ruleless Game~~

##################################

Bloody Crayons

A Ruleless Game

-----------------------------------------------------------------------------------
------------

John

Kung mayroong isang bagay na iniwan sakin ang yumaong lolo ko na natatandaan at
naalala ko talaga, yung tipong may sense talaga, siguro yoon yung advice niya na
ang buhay ay isang laro. Isang laro na walang definite rules. It's up to you on how
you play the game. May punto naman siya eh. Nasa atin kung pano lalaruin itong
ruleless game na 'to. May nakalimutan lang siyang idagdag. When playing a ruleless
game, you are entitled to make your own rules.

Life is a game. A ruleless game. And what do we do with ruleless games? We play it
with our own rules.
"Marie, malapit na ba tayo sa isla?" medyo naiinip na tanong ni Olivia. Napailing
nalang ako nung narinig ko ang sinabi niya. Bakit ba hindi marunong makaintindi ang
babaeng yan? Kita niya namang wala ni kahit isang pulo ang makita eh. Bakit ba kasi
sa sobrang ruleless ng mundo na ito, pati common sense hindi pa naipakalat sa lahat
ng tao?

"Don't worry Olivia. Mga ten minutes nalang at makakarating na tayo." Nakangiting
sabi ni Marie. Sinabi ko na kanina. Life is a ruleless game and the only way to
effectively play it is to play with your own rules. Lahat tayo players. Lahat tayo
kasali. Marie is no exemption. And we all have our own playing style. At mukhang
ang napili niyang paraan para laruin itong ruleless game na ito ay sa pagiging
sobrang mabait sa ibang tao. Halos lahat na nga kami sa barkada badtrip na badtrip
diyan sa Olivia na yan tapos heto siya, nagpapakabait parin sa kanya. Ewan ko lang
talaga kung may saanghel siya o magaling lang talaga siyang makipagplastikan.

"Mga ten minutes? Cut the BS Marie. Ni wala nga akong makita kahit isang isla tapos
sasabihan mo ako ng mga ten minutes?" Nakakunot noong tanong ni Olivia. "Tell me,
how is that even possible?"

Lalayuan ko na sana sila kasi naririndi na talaga ako sa boses ni Olivia kaso
narinig ko yung boses na memoryadong memoryado ko na ang tono. That made me stop.
"I find it amusing na kailangan mo pang itanong kung gaano pa katagal ang biyahe
kung nakikita mo namang wala pang islang nagpapakita. And I find it even more
amusing that you asked her a question but you didn't believe in her answer. Tell me
Olivia, dense ka lang ba o talagang tanga ka?" I turned my head and saw a girl
staring intensely at Olivia. Maliit lang siya. Barely five feet pero kung ano ang
ikinaliit niya, binabawi niya naman sa taas ng lebel ng pagiisip niya. Siya yung
patunay na kapag kulot daw ang isang tao, mas malaki raw yung tsansa na maging
matalino ito.
Nung nakita kong medyo malapit ng ma stress si Marie, lumapit na ako sa kanila at
niyakap siya mula sa likuran. "Woah! Chill ka lang babe. Wala rin lang naman tayong
mahihita kung magaaway pa kayo ni Olivia." Di naman kasi tago na hindi talaga gusto
ni Eunice si Olivia. Hindi lang naman si Olivia eh. Sabi ko nga halos lahat kami.
Maiksi lang talaga ang pisi ni Eunice sa mga taong tanga kung magtanong. Mga taong
walang common sense. Minsan nga sinabi niya sakin na curse daw ang pagkakaroon ng
common sense kasi kailangan mong magtiis sa mga taong hindi nabiyayaan nito. "And
Olivia, maghintay ka nalang kasi. Have some patience."

"At sinong nagbigay ng karapatan sayo na tawagin akong tanga Eunice?" Naiiritang
sabi niya. Mainit narin yung tingin niya kay Eunice. Para silang mga bundok na
gustong magumpugan. "Tsaka hello John? Are you forgetting na pinaggagagago tayo ni
Marie? Ten minutes? Mga sampung minuto nalang? Oh please!" Sasagot pa sana pabalik
si Eunice kaso pinigilan ko siya. I don't want to continue this bullshit anymore.

"Olivia, stop being a bitch pwede? Sana hindi ka nalang sumama. Kaunti nalang
talaga makakatikim ka na." Nanggigigil na sabi ng isang lalake. Base sa
pinanggalingan ng boses, nasa likuran ko siya. Si Justin. The boyfriend to the
rescue. Di ko rin masisisi si Justin kung naasar na siya. Ako nga rin nagtitimpi
kanina pa eh. Kung ibibitch talk niya rin si Eunice, di ko lang talaga sure kung
makapagpigil pa ako. Kung di lang talaga masamang pumatay ng tao eh. Sarap ipatapon
sa dagat.

Tiningnan niya si Justin mula ulo hanggang paa bago siya nagsalita na para bang
nangaasar. "Oh please Justin. As if naman makakaya mo." Counted pa ba sa mga babae
kapag ganito kabitchy? Ang sarap talagang sapakin eh. Ayaw kong nananakit ng mga
babae pero kung ganito rin lang naman. Tsk. Kung di lang talaga siya syota ni Kenly
baka matagal na siyang nakickout sa barkada.

"Gusto mo gawin ko?" Justin said menacingly as he stared at Olivia. Sa laki ng


height difference nila, para talagang higante at tiyanak ang nakikita ko ngayon sa
harapan ko.
"Tama na yan Justin. Pabayaan mo nalang si Olivia please? Baka excited lang siyang
makita yung isla." Pang aawat ni Marie habang hinihila si Justin palayo. "Diba
Olivia?"

"Pwede ba! Bakit naman ako magiging excited sa vacation na 'to?" Umiirap niyang
sabi. "Sumama lang naman ako kasi meron si Kenly. Mahirap na kung may mang agaw pa
sa kanya. Tsaka why should I be excited kung ang pupuntahan lang naman natin ay
isang stinking island in the middle of nowhere." Napailing nalang ako nung narinig
ko yung reply niya. Niligtas na nga lang ni Marie pero wala parin. Minsan
napapailing nalang ako sa katangahan ng ibang tao. Sasabat pa nga sana si Justin
kaso tinulak na siya palayo ni Marie para matapos na yung usapan.

"Alam mo Olivia? Sana mas madalas mong ginagamit yung utak mo kaysa bunganga mo.
Nakakabobo ka eh." Inis na sabi ni Eunice bago siya magwalk out. Napapailing nalang
akong sinundan siya.

ÃÃÃ

Pano mo nga ba masasabing tama yung desisyon mo? How can you tell if you made the
right choice? What is your assurance? Lalo na kung naglalaro ka ng isang laro na
wala namang definite rules. Where something wrong can be right and something right
can be wrong.

"Ughhh! I really hate that bitch!" Naiinis na sabi niya. Kahit asar na asar na yung
itsura niya, hindi parin ito nakabawas sa kagandahan niya. "Bakit ba kasi
kailangang biyayaan ng bunganga ang mga taong walang utak? Meron naman na silang
puwet ah! Isn't one hole enough? Why do they have to let stupidity fall out of
their mouth? She's literally spewing crap every time she talks!"

Ano nga ba ang pwedeng makapagindicate na tama yung choices na pinili mo? Some say
if it makes you happy then it's the right choice. Hindi mo talaga malalaman na tama
yung desisyon mo. You will always need to take that leap of faith. Pero kung masaya
ka sa pinili mo, ibig sabihin daw nun tama ka. In this ruleless game that we call
life, I met a girl who made me feel like she's the best choice that I have ever
made. And I'm staring at that girl right now. Eunice.

"Hoy! Magreact ka naman! Kanina pa ako dada ng dada rito tapos hayan kang nakangiti
lang. Did I say something amusing?" Nagtatampo niyang sabi. "Pinagtatawanan mo ba
ako?"

I smiled as I stared at her in the eye. "No. Di kita pinagtatawanan. Somehow, you
just made me feel really happy." I hugged her before whispering in her ears. "You
really look beautiful with the sun setting behind you."

ÃÃÃ

"Anong sinabi ni Marie sayo? Diba mga ten minutes lang? Hindi siya
nagsisinungaling." Narinig kong sabi ni Justin habang bumababa sila ng yate. Hindi
pa pala sila tapos sa pagbabangayan. "Sa susunod kasi kung magtatanong ka,
tanggapin mo yung isasagot ng tao. Nakakagago ka eh."
Nandito na kami sa isla. Pagkatapos magwalkout ni Eunice, lumitaw na raw sa horizon
yung destination namin. Kahit na naguumpisa nang magdilim yung kalangitan,
mahahalata mo parin na maganda talaga yung lugar. Ito yung isa mga kakaunting lugar
na hindi pa nasisira ng mga tao.

"Ano ba malay ko? Eh kanina para naman kasing hindi totoo yun." Nakaingos na sabi
ni Olivia.

"Magsorry ka kay Marie." Seryosong sabi ni Justin.

"Oh please. Ang childish mo Justin. Seriously? Magsorry kay Marie? For what?" Kung
di ko lang talaga kilala to, maiisipan kong nananadya na siya. Pairap irap pa eh.

"Ano ba? Wag na nga kayong magaway. Kala ko ba mageenjoy tayo? Bayaan mo na si
Olivia Justin. Di naman ako nasaktan or something." Sabi ni Marie. This time hindi
na siya nakangiti. Hindi naman siya nakasimangot pero pag hindi na ngumingiti si
Marie, malapit na siyang maasar. Bihira lang mangyari yan kaya big deal saming
lahat. Ikaw ba naman makita mong nagagalit o naaasar yung pinakamatimpihing member
ng grupo niyo, hindi ka ba maninibago?

Pero mukhang hindi napansin yun ni Justin kaya nagpatuloy lang siya sa
pakikipagaway kay Olivia."Eh kasi---"
"Tama na justin. Okay na." Putol ni Marie sa paliwanag niya. This time halata ng
nakasimangot siya kaya pati si Justin tumahimik narin. Nakakatawa lang kasi kanina
ang tapang tapang niya pero isang salita lang kay Marie napatahimik na siya. Di rin
napaghahalataang andres siya eh.

"Madalang lang 'yan sumimangot. Lagot ka pre! Tirikan mo na ng mga kandila yung
laha ng mga santo para mapatawad ka niya." Nangaasar na bulong ni Kenly.

"Kasalanan 'to ng syota mo. Bakit mo ba kasi sinama sama yan dito. Feeling niya ata
may mall eh." Bulong din ni ni justin pabalik. Nagbubulungan ba talaga sila? Kasi
kahit medyo malayo ako, umaabot parin sakin yung mga sinasabi nila.

"Siya kaya nagsama sa sarili niya. Dapat ibebreak ko na yan eh, ayaw niyang
pumayag." Naiinis na rin na sabi ni Kenly. "Di ko nga maintindihan yang babae na
yan. Matagal ko ng pinaparamdaman na ayaw ko na sa kanya pero sige lang nang sige.
Ewan ko lang kung martir ba o tanga lang talaga."

Pinakinggan ko lang silang 'nagbubulungan' habang hinihintay naming makababa yung


mga iba pa naming kasama. Marami rami rin kasi kami kaya nakakagulat na nagkasya
lahat kami pati na mga gamit namin sa yate nila Marie.

Nang makababa na ang lahat at uumpisahan na sana naming tahakin yung daanan
papuntang resthouse nagambala kami nang makarinig kami ng sigaw. Punong puno ito ng
takot. 'Yung tipong sigaw mo kapag nanganganib na ang buhay mo. Yung tipong sigaw
na makakapagpatayo ng mga balahibo sa batok mo.
"Oh my god! May crab. Ilayo niyo yan sakin." tili ni Olivia. Eh putang inang babae
yan at ang kaartehan niya. Kala ko pa naman mamamatay na siya. Namublema pa ako
kasi akala ko nanganganib na yung buhay niya tapos crab lang pala. Nakakatagis
talaga ng bagang yang kaartehan niya.

"Crab? Where?" narinig naming sabi ni April habang hinahanap niya yung crab
kinakatakutan ni Olivia. Dahil sa height niya, nagitsura siyang bata na naglalaro
ng piko sa damuhan. Kapansin pansin rin na siya lang ang nakasuot ng itim sa grupo.
Common sense kasi na kapag mainit ang pupuntahan mong lugar, wag na wag kang
magsusuot ng itim. Black absorb light and heat. Maganda lang isuot ang black kapag
taglamig, hindi tagaraw.

"Ayun!" Hindi parin tumitigil sa pagtiling turo ni Olivia. Konti nalang talaga
papasakan ko na ng bato yung bunganga niya. Nung nahanapan na ni April yung
talangka na kinakatukan ni Olivia, walang kagatol gatol niya tong tinapakan at
pinatay.

Isa lang naman talaga ang dahilan kung bakit siya mahilig sa black at kung bakit
basta basta niya nalang pinatay yung talangka. Siya kasi ang sadista ng grupo.
Syempre sa dami naming magbabarkada, hindi maiiwasang magkakaroon ng iba't ibang
personalidad sa grupo. Pero kahit ganun, nagkakasundo parin kami. Maliban kay
Olivia. Lahat nalang kasi talaga ata ng mga groups at organizations may black
sheep. At siya yun para sa grupo namin.

"April, ang sama mo. May buhay parin yung talangkang pinatay mo! Alam mo ba yun?"
Sabi ni Marie. Isa kasi sa mga bagay na ayaw na ayaw makita ni Marie ay yung mga
namamatay na mga bagay. Nalulungkot daw kasi siya. Tsaka animal rights activist yan
kaya ayaw na ayaw niyang may namamatay na mga hayop. Sa sobrang pagmamahal niya sa
mga hayop, naging vegetarian na siya.

"Pinapunta ko lang siya sa heaven." Nakangiting sabi ni April.

"Oh my god, I'm leaving." Sabi ni Olivia sabay labas ng iPhone niya. Pasaway.
Napagusapan na nga na walang magdadala ng gadget for communication. Yung
pinakamamahal na boyfriend niya pa yung nagsuggest tapos siya rin pala yung
lalabag. Kung alam ko lang sana eh di dinala ko narin yung laptop ko.

"Akin na nga yan Olivia, may rules tayong sinet at pinagusapan. Bawal lumabag. 'Wag
kang paimportante." Sabi ni Kyamii habang kinukuha ang iPhone ni Olivia. Ni hindi
niya man lang tinitigan yung iPhone at basta basta nalang itong itinapon sa dagat.

"My god! Alam mo ba kung magkano yon?" galit na sabi ni Olivia.

"Kung gusto mo bigyan pa kita ng isang tambak pagbalik natin." Walang pakialam na
sabi ni Kyamii. Di na kataka taka yung ginawa niya. Bukod sa stickler siya sa
rules, gusto niya fair at equal palagi. Kahit na mayaman sila, hindi siya yung
katulad ng iba na mapagmataas at matapobre. Di katulad ni Olivia na feeling
mayaman.

Two weeks din ang stay namin dito sa magandang isla na to. Buong sembreak. Since
hindi kami nakadalo sa debut ni Marie, inanyayahan niya nalang kaming magbakasyon
sa isla nila. At dahil wala nga naman kasi kaming gagawing matino maliban sa
magkulong sa kwarto at maginternet, umoo nalang kami.

Naaalala ko nga na excited ang grupo habang pinagpaplanuhan namin itong trip. Tapos
si Kenly, sinuggest na wag magdala ng gadgets, be one with nature raw ang gawin
namin. Nature buff kasi yang ungas na yan. Pero ang pinaka kataka taka ay yung
napapayag niya kami. Bakit nga ba? Ah, oo nga pala. Kasi mahirap ang kuryente sa
isla. Limited. At kapag nagdala kami ng mga gadget na kailangan pang icharge, baka
wala kaming gamiting pang ilaw.

"Okay, so guys ready na kayo?" tanong ni Marie siyempre hindi mawawala yung
trademark niyang ngiti.

"Ready" sabay sabay naming sabi bago namin tahakin ang daanan papunta sa resthouse
nila.

Lumingon ako sa gilid ko at nakita ko ang mukha ni Eunice. Ang mukha ng babaeng
pinakamamahal ko. Loving her may be the best decision that I have ever made, but
going into this island ranks as the worst.

Sana hindi nalang kami tumuloy. Sana hindi nalang itinapon yung iPhone sa dagat.
Wala sanang namatay. At wala sanang mamamatay.
[Chapter End]

##################################

~~Mixing The Unmixable~~

##################################

Bloody Crayons

Mixing the unmixable

------------------------------------------------------------------------------

Richalaine

Have you ever tried standing outside a store? Ever tried looking at those beautiful
things inside the display cases? Ever felt that selfish desire to own them? To have
them?

Ever tried extending your hand to reach them? Ever wanted to be with them? Ever
wished that you were on the other side of that window?
Ever experienced getting your hand blocked by the glass?

Have you ever felt and realized that there is always something preventing you from
getting what you wanted? That there's always a glass window blocking you from going
to that place you wanted to be?

For me that glass window is poverty. Ang hirap maging mahirap. Hindi mo mapuntahan
yung gusto mong lugar. Hindi mo makain yung gusto mong kainin. Hindi mo magawang
magsaya kasi nga gastos lang din naman yun. Na nakabudget lahat. Na lahat ng
gagawin mo, dinidikta ng budget. Pati nga pagaaral ko hindi rin nakatakas. Palaging
meron yung takot ko na baka matigil ako kapag nawala ang scholarship ko. Who ever
said that poverty is not a hindrance to success is an overly optimistic idiot whose
head is way up in the clouds.

Poverty is a hindrance. A threat. It controls you because you are powerless to


fight it. I can't even love someone I wanted to love because of my economic status.
Ganun kalaking balakid ang kahirapan sa buhay ng mga tao.

Langit siya. Ako hampaslupa. Purified water siya, ako nanlilimahid na langis na
napakarungis. Mayaman siya at perpekto, ako mahirap na walanghiya.

"Oh, mukhang malalim ata ang iniisip mo ngayon ah?" Untag sakin ng katabi ko. Hindi
na ako nagabala pang lumingon kasi hininga palang, kilala ko na kung sino siya.
Siya lang naman kasi ang lalaking naging dahilan para mawasak at mabitak yung glass
window na pumipigil at humaharang sakin palagi. Siya lang naman yung talang matagal
kung tiningala sa ere at pinangarap na balang araw, makita ko ito ng mas malapitan.
Siya lang naman ang boyfriend ko.

"Di naman masyado lalabs. Nag reminisce chuchu lang ako." Nakangiti kong sabi.
"Yung mga momentum na was pa tayo mag jowewe."

Napakunot siya nung hindi niya naintindihan yung sinabi ko. "Again with the gay
lingo Richalaine? Alam mo namang hindi ako ganun kabihasa sa lengguwaheng yan
diba?"

Natawa nalang ako sa reaction niya. "Sabi ko, inaalala ko yung mga panahong hindi
pa tayo. Yung mga panahong negative pa ang take ko sa life."

"Mga panahong negative pa yung take mo sa life? Bakit di mo ata nakwento sakin
'yan?" Nakataas ang isang kilay na tanong niya. Di na ako nagtaka kung bakit siya
nagulat sa sinabi ko. From day 1 kasi na nagkakilala kami, yung masayahing
Richalaine lang yung pinapakita ko sa kanila. Yung Richalaine na babaeng bakla.

I just didn't want them to see my problems. I just didn't want them to see me
troubled. I just didn't want them to see me suffering.
It's funny really. Despite me being loud and talky, I still hide things. I still
keep secrets. I talk a lot but in reality, I talk less.

And this is what people really do.

Contrary to what others believe, it's not the silent that is really secretive.
Oftentimes those that are very loud, very happy and very energetic people are the
ones with the saddest stories. And they hide those behind the smiles and the
laughter.

Not because they're strong. No. That is never a sign of strength. They keep their
suffering secret because they're scared to show their weakness. They're afraid to
bend. And what happens to things that don't bend? They break. They snap. They
crack.

Kaya mahilig tumawa ang mga baliw.

"Wit ko pa ba naitalak sayo? Sorry lalabs!" Pinisil ko yung tungki ng ilong niya
para mawala yung kunot sa mga noo niya. Di niya bagay ang supladong look! Dapat
nakangiti lang siya palagi para ang cute cute niyang tignan. Masyado kasi siyang
hot pag seryoso baka di ko mapigilan ang sarili ko at mahubaran ko siya ng disoras.
Kastress siya sa ovaries pramis!
Pinisil ko pa uli yung tungki ng ilong niya bago ako nagkwento. Kwinento ko yung
mga panahong madrama pa ako, yung mga panahong piling ko hampaslupa ako nang
lubusan. Yung mga panahong hindi pa niya ako sinasagot. Charot lang!

"And?" Nakangiti niyang sabi nung naputol yung kwento ko. Chaka kasi ng face niya
kaya ko tinigil. Tawanan ba yung mga pang MMK kong kwento? Kelan pa naging
katatawanan ang trahedya? Binalak ko pa namang isend kay ate Charo yung life story
ko tapos tatawanan niya lang? Kajirits!

"And then I realized something when you confessed your love to me. Hindi pala
importante kung purified water ka man at grasa lang ako. Hindi ko pala dapat
ikinatakot na hinding hindi magiging tayo dahil malaki ang agwat natin. I realized
that even things that are not meant to be together like oil and water can be mixed.
Even people like you and me. You just need to add something to bond them together.
Maybe friendship. Maybe love." He gave me that heart-warming smile when he heard
what I said. Somehow I knew deep inside my heart that he loved me even more dahil
sa sinabi ko.

We were about to kiss kaso may istorbo. Ayun na eh! Kaunti nalang! Millimeters
nalang! Kaiyak naman kasi yung istorbo eh! Maglalapat na yung lips namin eh. Torrid
na sana eh. "Great! After that long trip via boat meron nanaman tayong mahaba
habang paglalakad na gagawin. This is officially the worst vacation ever!" malakas
na reklamo ni Olivia. Napaungol nalang lahat ng mga nasa paligid niya pati narin
kami. Here we go again.

The dawn of the Queen B. The rise of the Demonica Bitchesa Animalia Putanesca!
Letseng Olivia!
Jeez. Bakit ba kasi siya masyadong stuck-up? Ang sarap niyang regaluhan ng
magasawang sampal tsaka sabunot. Nakakakulot siya ng bangs!

"Olive baby, ano ba. 'Wag ka na ngang magreklamo diyan. Ayaw mo bang magkasabay
tayong maglakad?" pagpapatahimik sa kanya ni Kenly. Kawawang Kenly. Nagkaroon ng
joweweng demonyita.

"Of course naman Kenlybabes! Kaso hindi naman tayo nagsosolo eh. Meron tayong mga
kasama na ewan. Mga monkeys in human clothing!" maarte niyang sabi. Kafal ng mukha!
Eh mas itsura siyang unggoy na nakalipstick eh. Chaka chakita!

"Di imaginin mo nalang na ako lang kasabay mo."

"Oh my god. You know what? That was like the most brilliant idea baby! I so love
you very much Kenlybabes" natutuwang sabi ni Olivia sabay yakap sa braso ni Kenly.
Gash! Hindi naman halatang malanditang malandi siya ano? Kung makalingkis kay Kenly
parang sawa!

"Teh, hindi porke gabi na magiingay ka na. Wag masyadong pahalatang member ka ng
banda ng mga kuliglig!" Naasar kong sabi sa kanya. Istorbo siya sa kissing scene
namin ni fafa Kiko! Pag talaga hindi pa natigil 'yang mahaderang Olivia na yan sa
pagiging bitchy niya chachopchopin ko siya tapos itapon ko yung mga pieces dun sa
kadulu duluhang bahagi ng mother earth natin. Hohoho. Nakaisip ako ng magandang
idea! Patayin ko kaya siya? Makakatulong pa ako sa society. Hello Nobel peace
prize, here I come!
"Oh just shut up. Ayaw kong makipagusap sa isang babaeng ni hindi man lang matino
magsalita! Like duh! YUCK!" halata ang pandidiri niya sa bawat salitang binanggit
niya. Ang kapal ng mukha nitong demonica na to! Pandirihan ba ako? Naghahamon ata
ng away tong chaka chakitang to eh!

"Okay ladies, wag na magaway. Tsaka Olivia, wala namang masama kung ganun magsalita
si Richalaine. She's still that Richalaine that we accepted. She's still the
Richalaine that I love." Opo na kuya. Ikaw na mahal ko. Ay labyu na talaga!

"Whatever. Ang korni mo."

"K Bye, nanay mong bumbay." Sabi ko nalang kaysa matuluyan pang malagas ang bangs
ko sa sobrang inis ko sa kanya.

Sasabat pa sana si Demonica, pero nakarating na kami sa house kaya was na siya
matalak. Maygad. Mapapatay ko talaga siya. Seriously. Sarap ibaon ng mga kuko ko sa
mga mata niya.

Para mawala ang inis ko sa kanya, pinagala ko nalang yung mga mata ko sa exterior
ng bahay na nasa harapan ko. In fairness! Maganda ang resthouse nila Marie. Malaki
siya, pero hindi yung kasinglaki ng isang mansiyon. May second floor kaya
siguradong ample ang rooms para samin. Though I wish na sa sala matulog yang Olivia
na yan.
Then nung pumasok ako, maygad, napanganga ako. Ang ganda, napakatalented naman ng
interior designer! Ang luwang nung sala, mababa lang pero maganda yung center
table. Tapos malambot yung feel ng carpet. Pati yung mga handicrafts ang ganda
ganda rin! Ang talented talaga nung naglagay ng mga anik anik sa house na itis!

Tapos yung aquarium na nakadisplay sa gitna itsura talagang mamahalin! May mga
castles tapos yung mga isda na nagsisilanguyan sa loob wala akong masabi. Itsurang
napakarare at mamahalin nila. Gustong gusto ko tuloy maguwi ng isa para maisanla.
Pwede kaya yun?

Dahil sa napagod din kami ng slight sa pagbubuhat ng mga gamit namin, nagpahinga
kami sa sala. Ang lambot ng sofa! Pang mayaman! Nahiya tuloy akong idikit ang
panghampaslupang puwet ko.

"Fourteen lang ba tayo dito?" tanong ni Mai. Siya ang pinakamatanda sa aming lahat.
Mag te-twenty one na ang lola niyo. Kung hindi kasi paulit ulit ng year, pashift
shift ng course. Buti nga nakaabot pa siya sa second year ng kolehiyo eh. Ako tuloy
ang nasasayangan sa perang ginagastos ng mga magulang niya.

"Yeah. Baka naman merong hot na maid kayo dito or something." Hirit ni Kyle kaya
piningot siya ni April.

"Nope, wala tayong kasama rito. Tayong fourteen lang talaga. Pero wag kayong
magalala. Provided lahat ang supplies natin. Hindi tayo magugutom dito." Paliwanag
ni Marie. "At tsaka meron naman yung speedboat dun sa pampang kung meron mang
emergency na mangyari kaya safe na safe talaga tayo dito. Walang mangyayaring
masama."

"That's good. How about communication?"

"Ah, wag din kayong magalala tungkol diyan. Meron tayong working telephone. So in
case of emergencies, we can call for help. Just go to the study room and you'll
find it there." After nun marami pa kaming pinagusapan pero puro inconsequential
and trivial matters lang.

Then nag aya na si Mai na makita yung mga bedrooms. Bale apat yung bedrooms sa
taas at dahil si Jake ang pinakamagaling sa math, siya na ang nagdistribute.

Una, kinuha niya yung LCM or least common multiple ng 14 at 4 which is 28. Then
chinopchop niya yung mga katawan namin into 28 pieces. So ang kinalabasan ay 98
body parts per room. Tsugi kaming lahat. There, end of story.

Which is a joke. Sana nga naging joke nalang yung susunod na nangyari.

Exciting ang bakasyon diba? Nakakarelax. Nakakawala ng mga problema. Pero bakit
ganun ang kinalabasan ng mga pangyayari?
It was supposed to be fun. What happened?

[Chapter End]

##################################

~~The Fairytale That You Have Always Wanted~~

##################################

Bloody Crayons

The Fairytale That You Have Always Wanted

-----------------------------------------------------------------------------------
-----

Olivia
Nung nadistribute na yung mga kwarto namin, dumiretso na ako sa room na nakaassign
sakin kaysa sumama pa sa tour tour na nalalaman nila. Ayaw kong makasama yung mga
plastic na yun. Naiirita lang ako sa kanila. All those facades. All those farces.
All those fakeness. And they have the audacity to call themselves as 'friends'.

Para mawala yung inis ko, I chose to divert my attention to something that is much
less stressful than my companions. Baguhan palang ako sa larangan na ito pero
nakakaengganyo talaga.

I'm starting to love the world of writing. There I'm free. I can reach my dreams. I
can do everything.

I can make my fantasy seem like a reality.

Kinalkal ko yung bag ko at kinuha yung notebook na ginagamit ko sa pagsusulat ng


isang kwento. A fairytale. My fairytale.

Sa unang tingin, para lang siyang isang retelling ng the little mermaid. Pero there
is more to it than that. It has a little story hidden inside it. My life story. My
love story.

It was the fairytale that I have always wanted. If you look past the magic, if you
look past the fantasy; you'll see another story.
ÃÃÃ

Once upon a time, there was a mermaid who lived in a castle at the deepest part of
the ocean. Her name was Arielle.

Now living in the deepest part of the ocean means living in the darkness. And
living in the darkness means living in despair. In melancholy. In misery.

Arielle had always hated the darkness.

And the only way she can escape the darkness is by going to the surface where it is
bright and sunny. But the surface, as bright and sunny as it seems, was much more
dangerous than the darkness that she had grown to hate. For it was filled with
humans.

Humans are very judgmental. They tend to discriminate, demean and destroy those
that are very different from them. They always say that you have to be real, you
have to be you. But if you act differently, if you act like your true self, you are
treated as a weirdo and a queer. They persecute you. And Arielle being a mermaid is
not helping her case.
But humans still fascinate her. They have a complex moral system. Their concept of
what is good and what is bad is very different from one individual to another. And
they seem to judge others because they sin differently than them.

But despite the danger, despite the peril, Arielle still wished to go to the
surface.

ÃÃÃ

"So one day, she decided that she will just take a quick peek above. If it is only
just a few minutes, then there is no real danger. She will not be seen, she will
not be caught." pagtutuloy ko sa kwento. "But the first thing that she saw at the
surface was a man so bright that he seemed to chase the darkness away."

And she thought, 'If she is near this man, then she will never have to fear the
darkness again.' Arielle learned to love someone that day.

Napangiti ako nung naalala ko yung unang beses kaming nagkita ni Kenly. Nakakahiya.
ÃÃÃ

It happened a year ago. Hanap ako ng hanap ng CR kasi nga iba na yung nararamdaman
ko.

"Eeh! Bakit ba kasi kailangang ngayon pa tumawag ang kalikasan!" Pagrereklamo ko


habang patuloy sa paglalakad. Natyempuhan naman kasing ang daming tao run sa girl's
restroom kaya di ko mairaos 'tong nararamdaman ko. Kasalanan 'to nung sandwich na
kinain ko kanina eh!

Habang abala ako sa paghahanap ng CR, umutot nanaman ako. This time malakas.
Nakakahiya lang kasi pinagtitinginan na ako ng mga tao. Wa poise!

Nung nakita ko yung shower room ng mga boys, napatalon ako sa tuwa. May klase lahat
sila kaya baka walang tao run ngayon. Tapos pagkakaalam ko, may tatlong cubicle run
na may mga toilet bowl.

Ligtas na ako mula sa kahihiyan! Di hamak naman kasing mas nakakahiyang makatae ka
kaysa matagusan ka. Ano nalang iisipin ng mga tao? Na dugyot ako? No way!

Dali dali akong pumasok sa shower room nung nakita kong wala ngang tao sa paligid.
Pagpasok ko sa loob, natuwa ako kasi wala talagang tao kahit sa loob. It's just me
and the toilet bowl that I desperately needed.

Pagupong pagupo ko, di ko na pinigilan yung pagsabog ng sama ng loob na kanina ko


pa kinikimkim. Iba talaga ang ginhawa na naidudulot ng pagtae. Alam ko na
napakabalahura pero that's life! Tao lang naman ang marunong magsugarcoat eh. Life
always deal the truth in the most unpretentious way possible.

After cleaning myself, lalabas na sana ako ng shower as a changed person pero
napatigil ako. I heard someone singing.

Normally di naman na bago sakin ang mga lalakeng kumakanta pero may something akong
naramdaman habang pinapakinggan ko yung kantang kinakanta niya.

It was one of those rare moments when a song contains the things inside your head.
The things that you wanted to say.

It was a song containing my life story. The days of loneliness. Yung pagiisa. At
yung moment na nahanap ko yung taong magpapaligaya sakin habang buhay. Well...
hindi pa nangyayari yung nahanap ko yung lalakeng para sakin. I do not even believe
in love.

But I still found myself admiring the person singing that song. Ang sarap sa tenga
ng boses niya. Ang hot.
Yung tipong isang salita palang yung maririnig mo, kaya na niyang buhayin yung
katawang lupa mo. He sounded so fucking sexy.

And I stood there like an idiot caught in a trance. A trance caused by his
spellbindingly handsome voice.

And just as the song quickly started, it also finished instantly. Chorus lang pala
ang kinanta niya pero parang isang buong kanta na yung narinig ko.

Nagulat ako nung biglang bumukas yung pintuan ng isang shower stall. Out came
someone from out of this world.

Nakatapis lang siya ng tuwalya at kitang kita ang nakakapanlaway niyang katawan. Di
ko namamalayan, napapakagat na pala ako ng labi habang tinitigan yung mga matitigas
niyang abs. Di ako malandi pero he made me become one instantly.

Para akong hibang na pinadaan yung mga mata ko sa buong katawan niya. Drinking
every detail in, marveling at that sweet candy of a man standing in front of me.
And then the unthinkable happened.

Sa sobrang gulat niya sa pagkakakita sakin, nalalaglag niya yung tuwalyang


ginagamit niya para matakpan yung kaselanan niya.

I started sweating. Kung pwede lang sana akong himatayin baka nagawa ko na. Pero
mas masarap paring titigan yung nasa harapan ko kaysa mawalan ako ng ulirat. Pwede
bang sabihing perpekto na siya? A handsome face and a very sexy body. What more can
a girl wish for?

Una siyang nakagetover sa shock at dali dalian niyang kinuha yung tuwalya na
nalaglag niya. Talk about killjoy. But the image of his muscles dancing as he
kneeled down to pick his towel, was the best image of him that I had ever saved on
my brain. Well... aside from his full naked glory.

"What the fuck are you doing here?" Asar na tanong niya sakin. He still looked
dreamy even when he's angry.

Nung hindi ako nakasagot, napabuntunghininga nalang siya ng malakas. "Just leave."
ÃÃÃ

At marami pang nangyari pero heto kami ngayon. In a relationship. It was everything
that I could truly wish for. It was the fairytale that I have always wanted.

"Ehem." narinig kong may tumikhim galing sa pintuan. Lumingon ako at nakita ko siya
na nakasandal sa pader. Kahit na isang taon na yung nakalipas, hindi parin
nababawasan yung kagwapuhan niya. Kung pwede nga lang na sabihin kong nadagdagan pa
nga ata eh. But I still stand with what I said a year ago. He's perfect.

"Yes Kenlybabes?" I replied with a sweet smile.

"Ano ginagawa mo dito? Ni hindi ka sumama samin. Ano ba yung ginagawa mo at inabot
ka ng isang oras dito?" lumapit siya at tinignan yung ginagawa ko pero naisara ko
na yung notebook na hawak ko bago pa man niya makita ang nilalaman nito. I checked
the time on my Gucci wristwatch at nagulat talaga ako nung makita kong isang oras
na pala talaga ang nakakalipas. Ganun pala talaga kabilis ang oras kapag nagmumuni
muni ka.

"Nothing much babes. Missed me?" I said hugging him. Kailanman hindi ako magsasawa
sa napakabangong amoy niya.

"Very. Pero hindi yan ang pinakadahilan kaya kita pinuntahan dito." Kinalas niya
yung yakap ko sa kanya. "Let's go. Oras na nang pagkain." Tumango ako at pinauna ko
na siya. Kailangan ko pang itago 'tong notebook. Sinuksok ko yung notebook sa
kadulu duluhang parte ng maleta ko bago ko siya sinundan.

Loving him was the biggest decision that I have made in my entire life. As long as
I am with him, the darkness will never ever touch me.

[Chapter End]

##################################

~~The Beginning Of The Nightmare~~

##################################

Bloody Crayons

The Beginning Of The Nightmare

---------------------------------------------------------------------------
Jerard

Madilim na yung kalangitan nang marating namin yung resthouse kaya di narin kami
nakapaglibot libot pa sa paligid. Idagdag narin yung pagod na dulot ng byahe at
paglakad namin papunta rito, malamang masyado na kaming lobatt para magikot ikot
pa.

Sa bungad palang, halata mo ng pagmamayari ng isang mayaman na tao yung bahay.


Malawak yung sala tsaka di basta basta yung mga muwebles na nilagay nila. Kahit sa
mata ng hindi eksperto na katulad ko, itsura talagang gumastos ng malaki yung
nagdisenyo nito. At sala palang 'to. Pano pa kaya kung napuntahan na namin yung
iba't ibang sulok ng bahay na 'to?

"Di ko na kaya guys. Babagsak na ako." humihingal na sabi ni Kyamii. "How about we
rest our tired bodies in those plush looking divans?"

Napapikit ako ng maramdaman ko yung lambot nang sofa sa likuran ko. Kung ganto lang
palagi kalambot ang pagpapahingahan pagkatapos ng medyo mahahaba habang lakad,
kahit death march di ko aatrasan.

"Fourteen lang ba tayo rito" narinig kong tanong ni Mai. Tapos sinegundahan pa ng
tanong ni Kyle pero di ko nalang sila pinansin. Mas masarap isipin yung lambot ng
sofa kaysa yung sa boring na topic nila.
Inabot ata sila ng kalahating oras sa pagkukwentuhan at nung malapit na akong
makatulog, biglang naramdaman kong may yumugyog sa balikat ko.

Dinilat ko yung isang mata ko at nakita si Kyamii na nakatingin sakin. Ang ganda
niya talaga. "Bakit?" pupungas pungas kong tanong.

Niyugyog niya uli yung balikat ko nung nakita niyang pinikit ko uli yung mga mata
ko. "Tara na raw. Lilibutin pa natin yung bahay eh."

Sinadya kong hindi siya pansinin kaya niyugyog niya nanaman uli yung balikat ko.
Tapos nung sisigawan niya sana yung tenga ko, lumingon ako at ninakawan ko siya ng
halik. Natawa ako nang nakita ko yung pamumula ng mga pisngi at tenga niya.

"B-bastos!" namumula niyang sabi bago ako iwan. Napapailing na sinundan ko nalang
siya. Boyfriend niya ako pero sinabihan niya ako ng bastos nung ninakawan ko siya
ng halik. Ano tingin niya samin? Nasa ligawan stage parin?

Nung nakahabol ako sa kanila, tinabihan ko si Kyamii at tinanong kung ano na yung
napagusapan nila. Mukhang di naman siya nagalit sakin kasi di niya ako nilayuan.
Kapag kasi nagtatampo siya, kahit anong lapit ko siya namang layo niya. Para kaming
magnet na parehas ang dulo. Di nagdidikit kahit anong pilit.
"Di ka ba nakikinig kanina? Ano ginawa mo? Umidlip?" nanenermon na sabi niya. "Apat
yung kwarto dito sa bahay. Dun kayo nila John, Justin at Jake sa third room."

"Sorry. Nalobatt talaga ako eh. Buti nalang dahil sa kiss mo bumalik yung lakas
ko." sagot ko sa kanya nang nakangiti.

"E-ewan ko sayo!" mas lalong lumawak yung ngiti ko nung nakita kong namula nanaman
yung mga pisngi niya. Ang ganda ganda niya talaga.

Pinagpatuloy na namin yung paglalakad at dahil sa pagtatanong tanong, nalaman ko na


kasama ni Kyamii sila Mai, Eunice at Marie sa pinakaunang kwarto. Sila Richalaine,
April at Olivia naman dun sa pangalawa. Nasa pinakahuling kwarto sila Kiko, Kenly
at Kyle. Nang nilibot ko uli ang paningin ko sa mga kasama ko, napansin kong parang
kulang kami. Nasan nga pala si Olivia?

Nung tinanong ko, sinabi nila na pumunta na raw sa kwarto nila si Olivia. Okay nga
raw eh. Walang bitch na istorbo at papansin.

Natigil yung paglilibot namin kasi nagutom kami sa kalagitnaan kaya nagsibalikan
uli kami run sa sala sa first floor.

Dahil sa wala naman akong ginagawa habang hinihintay yung pagkain, napagisipan kong
maglipat nalang ng mga gamit. Nung binuksan ko yung cabinet, may nakita akong isang
pangalan na nakaukit sa gilid. Myka Marie Ramag. Myka? Myka Marie? Napakunot yung
noo ko sa nabasa ko. Kailanman hindi ginamit ni Marie yung Myka. May tinatago bang
sikreto samin si miss angel?

Mayroon pang nakaukit sa tabi ng pangalan niya kaso nasa madilim na sulok kaya di
ko na talaga mabasa kahit anong pilit ko. Itsura ring mas bago kaysa run sa nauna.
Kaso wala akong dalang flashlight kaya di ko mabasa. Nagkibit balikat nalang ako at
pinagpabukas ko nalang yung paguusyoso ko sa mga gamit dito sa resthouse nila
Marie. Mahihiga muna ako. Palobatt na talaga yung katawan ko eh.

Nung pinikit ko yung mga mata ko, nakita ko si Kyamii na nakatali sa isang upuan.
May isang lalake sa tabi niya ang sumasabunot sa buhok niya. Dahil madilim yung
paligid, di ko maaninag ang mukha niya.

Sinampal sampal niya si Kyamii habang patuloy ang pagtawa niya. Yung tawa na yun.
Kailanman di ko malilimutan yung tawa na yun. Kahit saan naririnig ko. Matinis.
Masakit sa tenga. Punong puno ng ligaya.

Tawa ng isang baliw.

Nagising akong pawisan at nanginginig. Yung panaginip na yun nanaman. Tapos na yun
eh. Dapat nakalimutan ko na. Dapat nakamove on na ako. Pero bakit paulit ulit kong
napapanaginipan yung mga nangyari kahit isang taon na ang nakakalipas?
"Pre, kain na raw." Napalingon ako nang may nagsalita. Si Justin. Nung nakita
niyang pawisan ako at nanginginig, napakunot yung noo niya. "Okay ka lang?"

Tumango nalang ako at pinauna na siya. Mukhang nakaintindi naman si Justin at hindi
na nagtanong pa.

Tinignan ko yung relo ko at nakita kong mag aalas otso na. Halos kalahating oras na
pala yung nakalipas pero parang ilang minuto lang yung bangungot ko.

Pagbaba ko, naamoy ko kaagad yung niluto nila. Dahil sa gutom na talaga ako, di ko
napigilang kumalam ang sikmura ko.

"Sino nagluto?" tanong ko.

"Ako. Tsaka si Marie." sagot ni April habang inaayos ang lamesa.

"Wait. This is unexpected. Nagluluto ka pala April? Bakit di ko alam?" pangtutukso


ni Kyle sa girlfriend niya.
"Tse! Tigil tigilan mo ako Kyle Ramos ha! Pag nagpanting ang tenga ko ibebreak
talaga kita." Humahalukipkip na sagot ni April.

"Uy, wag ganun babe. Di ka naman mabiro eh. Matikman nga yung luto mo."

Di natigil yung paglalambutsingan nung dalawa kahit kumakain na kami. Napapailing


na nga lang ako. Di naman February pero nakaoverdrive ang mga hormone nila.

Pagkatapos kumain, nagpahinga kami sa sala. "Guys, laro tayo nito oh." Nakangiting
aya samin ni Eunice sabay pakita nung Scrabble na malamang nakita niya sa ilalim ng
lamesa sa gitna. Luma narin 'to at itsurang matagal nang hindi nagagamit. Kelan
kaya huling nagkatao maliban sa caretaker ang resthouse na 'to? Mukhang ngayon lang
uli nagalaw yung scrabble eh. Aksidente pa. Siguro dahil sa walang magawa,
nakahanap si Eunice ng bagay na pagbabalingan ng atensiyon niya.

"No thanks, wala naman kaming laban sa inyo ni John eh. Parehas kayong dean's
listers." Tanggi ko. Parehas pa silang all-rounders. Magaling sa Math, English at
Art pari na sa psychomotor skills. Mga taong sa sobrang perpekto, bababa talaga
yung self-esteem at confidence mo sa sarili. Ano nalang naman ba binatbat namin sa
kanilang dalawa?

"Sige na o, promise, hindi kami magkateam." Pangungulit niya.


"Jerard, tara na sali tayo." pangungulit narin ni Kyamii. "Tutal wala naman tayong
ginagawa."

"Oo nga, Sali tayo Justin." Yaya rin ni Marie sa boyfriend niya.

At kapag girlfriend mo na ang nagrerequest, sino ka ba naman para tumanggi? Tsaka


bihira lang mangulit si Kyamii. Mahirap namang pahindian yung simpleng request
niya.

Labindalawa kami ngayon dito sa sala, pero sampu lang kaming maglalaro. Si April
nahihilo raw kaya matutulog nalang. Sumama na rin si Kyle para ihatid siya tapos
magpapahangin nalang daw siya sa labas. Si Olivia at Kenly umupo dun sa couch para
maglandian. Mga hormones nga naman talaga ng mga kabataan ngayon.

Apat kami nila Kyamii, Justin at Marie sa third team at ganun din sila Richalaine,
Kiko Mai at Jake sa fourth. Dahil nga sa magaling naman sila John at Eunice, magisa
na nila. Walang kahirap hirap naming nabuo ang apat na teams. Halata na rin talaga
kung sino ang matalino. Napakalaking handicap ang binibigay nila sa amin.

"Deathly. Eighteen points times two kasi ako yung unang tumira. Thirty six plus
fifty dahil nakabingo ako. Eighty six points lahat." Tira ni John. Napanganga kami
run. Umpisa palang naubos niya na lahat yung tiles niya. Sabi na kasi wala kaming
laban eh.
"Strategy. Twelve times four dahil dalawang double word yung nalandingan ng tiles
ko. Forty eight yun plus fifty kasi nakabingo ako. Ninety eight points lahat." Kung
ano yung kinalaki ng pagnganga nung bunganga namin sa tira ni John, mas malaki
pagkatapos tumira si Eunice. Naubos niya rin agad lahat ng tiles niya.
Nakikipaglaro kami sa mga halimaw.

Nagambala yung paglalaro namin nang marinig namin na parang nagaaway yung dalawa sa
couch. "You know what Kenly? I'm tired. I'm so done with this bullshit. Palagi mo
nalang akong sinasaktan." galit na sigaw ni Olivia.

"Hindi lang ikaw ang napapagod. I'm tired of your bitchiness. You changed a lot.
Hindi na ikaw yung Olivia na nakilala ko." Nakatiimbagang na sabi ni Kenly.
Halatang halata yung pagkainis niya.

Ngumiti ng mapait si Olivia bago nagsalita. "Sa tingin mo ginusto ko to Kenly? Sa


tingin mo? Diba kilala mo yung dating ako? Sa tingin mo gugustuhin nung dating
Olivia yung kinalabasan ko ngayon?"

Pumikit ng mariin si Kenly para pigilan ang inis na nararamdaman niya. Tiningnan
niya ng malungkot si Olivia bago nagsalita gamit ang mahinang boses. "Hindi ko alam
Olivia. Hindi ko na alam kung ano nga ba dapat ang paniwalaan ko. Mas mabuti pang
wag muna tayo magusap habang mainit ang mga ulo natin."

Nagumpisa nang maglakad papalayo si Kenly pero hindi siya pinigilan ni Olivia.
Tahimik niya lang pinanood si Kenly hanggang sa nakapunta na ito sa second floor.
Nung nakasigurado na siyang wala na si Kenly, doon niya lang hinayaan ang sarili
niya na humagulgol. Looking at her condition made me feel sorry for her. Kung meron
mang isang bagay o tao na kayang makapanakit kay Olivia, si Kenly yun. Importante
si Kenly sa kanya eh. At ang mga bagay na importante lang sayo ang kayang
makapanakit sayo.

Tahimik na tumayo si Marie at nilapitan si Olivia. "Okay ka lang?"

"Don't touch me bitch. I can help myself." Angil ni Olivia sa kanya. Pero mukhang
wala na yung dating bagsik niya ngayong nakikita naming umiiyak na siya.

"Come on Olivia. I'm just trying to help." Sabi rin ni marie sabay hawak sa braso
ni Olivia. Kahit anong pilit tanggalin ni Olivia yung kamay ni Marie, hindi niya
magawa. Dun ko lang napansin na kahit mala anghel kumilos si Marie, may tinatago
siyang pambihirang lakas.

"Let me go." Mahinang sabi nalang ni Olivia nung napagtanto niya na hindi niya
talaga kayang tanggalin yung pagkakahawak ni Marie sa braso niya.

"Tuloy niyo lang yung ginagawa niyo okay? Hahatid ko lang si Olivia sa kuwarto
nila." sabi ni Marie bago igiya si Olivia papunta sa hagdanan ng second floor.

Dahil sa tapos na yung drama, nag move on narin kami. Pinagpatuloy namin yung
paglalaro. Wala na talagang chance yung team namin. Si Kyamii at Marie lang dati
ang nakakapagbigay ng kahit papanong magagandang words tapos ngayun si Kyamii
nalang ang natitira.

"Crayons. Nineteen points." Nanlumo ako nung nakita ko yung score ng itinira namin.
Kumpara sa eighty six ni John at ninety eight ni Eunice, ano nalang naman ba ang
laban ng nineteen namin?

Nagpatuloy siguro kaming maglaro ng mga twenty minutes bago nakabalik si Marie.
"Natagalan ka ata Marie?" tanong ni Eunice.

"Eh kasi umiiyak pa siya. Ayaw ko namang iwanan siya ng ganun ganun nalang kaya
pinatahan ko muna. Si April naman tulog na tulog kaya wala talaga siyang kasama."
Napabuntong hininga si Marie. "Nakakaawa talaga siya guys."

"Ewan ko sayo Marie. Matagal ko nang tinanggal sa sistema ko yang Olivia na yan."
Sabi naman ni Kyamii. Wala rin akong matututol. Naawa nga ako sa kanya ng kaunti
kanina pero badtrip parin ako kay Olivia.

"Tama na yan. Maglaro nalang tayo." Sabi nalang ni Eunice.

Inumpisahan naming maglaro ng badang 8:30 at nakabalik si Marie ng mga nine. Akala
namin aabutin kami ng mga alas diyes sa paglalaro pero may nangyari exactly 20
minutes after nakabalik si Marie.

Nakarinig kami ng sigaw na punong puno ng takot.

"Ano? Pupuntahan natin?" tanong ko. Naalala ko kasi kaninang sumigaw nanaman si
Olivia nung pagdating namin. False alarm lang pala dahil dun sa talangka.

"Ano bang tanong 'yan Jerard!" saway sakin ni Marie. "Syempre naman. Kahit papano
kaibigan parin natin siya."

Pagdating namin sa taas, nakasalubong din namin sila Kyle at Kenly. Sabay lang nga
kami dumating sa harapan ng pintuan. At nung binuksan namin yung pintuan, we saw
something that chilled our spines.

Si Olivia. Yung bangkay ni Olivia. Duguan. Laslas ang leeg at puno ng sugat at hiwa
ang buong katawan. Sa sobrang dami ng dugo yung puting kumot naging kulay pula na.
Pero ang pinaka kapansin pansin sa buo nyang katawan ay yung nakatarak sa noo niya.

Hindi naman 'to matigas. Parang gumawa muna ng butas bago ito isinuksok. Si John
ang unang lumapit at gamit ang panyo hinugot ito. Tapos pinakita niya sa amin yung
nakuha niya.
Hindi ito kasing pula ng dugo na nakalagay rito pero mahahalata mo kung ano ito.
Isang Crayola. A maroon colored crayon.

[Chapter End]

##################################

~~Let's Play a Game~~

##################################

Bloody Crayons

Let's Play a Game

-----------------------------------------------------------------------------------
-

Eunice
Minsan natanong sa akin kung ano raw ba yung dalawang klase ng tao. Simple lang
naman ang sagot ko run eh. Humans are a carbon-based life form. And the two most
commonly known allotrope of carbon are charcoals and diamonds. May mga taong parang
diyamante na napakalaki ang worth. At may mga taong parang uling. Worthless.

At minsan, pinipili pa ng mga uling na isagad yung pagiging walang kwenta nila.

Tinignan ko yung mga tiles na nasa rack ko. Bakit ko nga ba naisipang imbitahan
silang maglaro ng scrabble? Mas lalo lang makakadagdag sa boredom ko 'tong laro na
to eh. Always winning is boring.

"Deathly. 18 points times two kasi ako yung unang tumira. 36 plus 50 dahil
nakabingo ako. 86 points lahat." Not bad. But...

"Strategy. 12 times four dahil dalawang double word yung nalandingan ng tiles ko.
48 yun plus 50 kasi nakabingo ako. 98 points lahat." I'm still better.

I stared at their shocked expressions with boredom. Ganun na ba talaga kagulat


gulat yung itinira ko? It's nothing special really. Normal na para sakin yun.

Pero ano nga ba talaga ang normal? Ano nga ba ang kakaiba? What is ordinary and
what is weird?
Normal is dependent on perception. What's normal for a cat means death for a mouse.

"You know what Kenly? I'm tired. I'm so tired of this bullshit. Palagi mo nalang
akong sinasaktan." Ever heard of the phrase 'Silence is Golden'? Well duct tape is
silver. Kung di pa siya tatahimik, god forbid daduct-tapan ko talaga yung bunganga
niya. Kanina pa siya namumuro. May nabasa pa naman ako sa isang libro na stress
will make you look old. Stress siya, promise.

Sa kanya lang ako nakakaramdam ng urge na pumatay. Ang sarap niyang


pagsasaksaksakin eh. Kung hindi lang talaga labag sa Article III, Section One of
the Constitution of the Philippines pati narin sa moral law and ethics, baka
nakapatay na ako ng tao. Kaso wala akong magagawa eh. Kahit pa makakabuti yung
gagawin ko sa sanlibutan.

Sa tingin ko naman capable akong gawin yun. Maano lang ba yung ilang saksak dito at
ilang laslas diyan. Well, hypothetically speaking. Pwede rin naman kasing maging
frustrated murder ang kalalabasan nang kagagahan ko. Amateur ako eh, di ko pa
talaga nararanasan.

I grimaced at the thought. What was I thinking? Nahahawa na talaga ako sa mga
mystery suspense thriller novels na binabasa ko.
"Hindi lang ikaw ang napapagod. I'm tired of your bitchiness. You changed a lot!
Hindi na ikaw yung Olivia na nakilala ko." Nagbangayan pa sila hanggang sa umabot
sa parteng nagwalkout si Kenly. At ito namang si Marie, nagpakamartyr nanaman.
Tinulungan nanaman si Olivia.

Kaso ang problema, ang dami pang nalalaman na let me go, let me go si Olivia. Ang
daming kaartehan. Isang kaartehan pa talaga ang marinig ko mula sa bunganga ng
Olivia na yan makikita niya.

Kakaladkarin ko siya palabas ng kwarto gamit yung pang poodle niyang buhok. Kala mo
naman kagandahan kung maginarte eh itsura namang noodles yung buhok niya.

Nung nawala na yung panggulo, nagpatuloy na yung paglalaro namin. This time turn na
nila Kyamii. Curious ako kung ano ang ititira nila na pwedeng maipanglaban sa
scores namin ni John. "Crayon. 19 points." I stared at their happy faces. Masaya na
sila sa 19 lang. Kuntento na sila. Somehow I felt envious.

To feel happiness because of something as simple as 19 points. Naiinggit talaga


ako. I wish I can have that kind of shallow happiness. To be happy with the simple
things in life. To not have high standards. To just be weak.

"Bag, 5 points!" Pwede bang tumawa ng hindi nila mamasamain? My God. Five points?
Seriously? Kahit ata pilitin ko hindi ko kayang makaiskor ng ganyan eh.
But when I stared at their faces, the smile in my lips died. Why are they so happy?
Five points lang yun eh. Pano nakakapagbigay ng kasayahan yun?

"Destiny, 12 x triple word score. 36 points." I stared at John's face and saw that
his reaction is just what I expected. He's disappointed with himself. Hindi siya
kuntento sa 36 kahit na mas mataas yun ng di hamak sa mga naitira ng iba naming
kalaro.

Bakit parang kahit sila yung natatalo, kami ni John ang hindi nageenjoy sa larong
to? Why can't we have their simple happiness?

"Destined. 11 x 3, 33 plus bingo bonus na 50. 83 points." Naubos ko nanaman yung


tiles ko at mataas nanaman yung nakuha kong score. Pero hindi parin ako masaya. I
hate this feeling. This feeling like everything's not enough.

Mga twenty minutes siguro kaming ganyan. At kahit isang beses hindi ko nakitang
ngumiti si John o Ako. At ni isang beses, hindi ko rin nakitang nawala yung ngiti
sa mga labi nila. Balak ko na sanang magquit kasi di rin lang naman ako nageenjoy
ng makita ko si Marie.

"Natagalan ka ata Marie?" I asked. Sumagot nanaman siya ng isang Marie trademark na
sagot. Selfless. Kind. Naasar nanaman ako sa sagot niya. How can she care so much
for someone like Olivia?
Sumabat pa si Kyamii sa usapan at sumagot pa si Marie pero bored na ako sa topic.
Everything is starting to get boring. Bago pa ako maasar, shinift ko nalang yung
atensiyon ko sa laro. Yung laro na kahit nananalo ako, wala man lang akong
maramdamang sense of achievement.

Kaso nakatwenty minutes uli kami ng paglalaro pero wala paring nagbabago. Wala
paring bago. I was about to quit for the second time when I heard Olivia screaming.
Bakit ba palaging may istorbo?

"Ano? Pupuntahan natin?" Wag na. Mas ikakatuwa pa yan nung attention whore na yun.

"Ano bang tanong yan Jerard. Syempre naman. Kahit papano kaibigan natin siya." Ano
bang sagot yan Marie? My gosh, tinuturing mo paring kaibigan yung babaeng yun?

And sad to say, si Marie ang nasunod, pinuntahan namin siya. Well, siya tumakbo,
ako naglakad. I don't see any reason para magmadali. I don't want to exert any
effort at all.

Pero halfway through, naramdaman ko nalang na tumatakbo na rin ako. Hindi ko alam
kung bakit. Maybe women's intuition or something. Parang may masamang mangyayari.
Wag naman sana. Kawawa naman si April.
Nung pagdating namin sa harapan ng kwarto, nakita rin namin sila Kyle. Pati si
Kenly na inaway ni Olivia kanina pumunta rin. O di siya na ang magaling
magpapansin. Mapapatay ko talaga siya kung kaartehan niya nanaman to.

Pero hindi na pala kailangan. What we saw behind that door shocked us.

First time kong makakita ng patay na tao. O mutilated na bangkay. Or duguang


higaan. Pero for some reason, naging kalmado ako. Parang nangibabaw yung intellect
ko kaysa sa gulat at takot na naramdaman ko. Yung iba kong kaibigan, nahimatay.
Yung iba naman nagsisigaw. Pero imbis na maghisterikal ako, mas pinili kong
pagmasdan ang kwarto.

Actually maganda naman ito. Yung tipong maipagmamalaki mo at pwede mo pang ipakita
sa isang TV program sa isang lifestyle network. Pero dahil dun sa duguang kama na
may bangkay ni Olivia, para kang nasa loob ng isang horror film.

Doing a quick count, I saw 14 cuts. Isa sa leeg. Mukhang kalmado siya nung
ginilitan niya si Olivia. Base sa sugat, gumamit siya ng military throat cutting
style. I can see it clearly.

Hinawakan niya yung kutsilyo sa kanang kamay niya at sinigurado niyang


perpendicular sa neck yung kutsilyo. Kitang kita to sa perpektong sugat sa leeg ni
Olivia. He severed her carotid artery. And a severed carotid artery spurts 100mL of
blood per second. Na siyang explanation sa dami ng nakakalat na dugo sa paligid.
Meron din siyang cuts sa torso pati na dun sa upper and lower extremities niya.
Kung sino man siya, he's sadistic, cruel and good at killing.
"Guys, tignan niyo to." Narinig kong sabi ni John then pinakita niya samin yung
isang crayon na kulay maroon." Nakatarak ito sa ulo ni Olivia."

"Bakit may Crayon? Anong silbi niyan?" tanong ni Jerard.

"Oo nga." Segunda naman ni Kenly.

Hindi ko sila pinansin at chineck ko yung pulso ni Olivia. Nothing. I can't hear a
thing. She's dead. Pero ang kataka taka, bakit ang lamig agad ng bangkay niya?
Hindi ba dapat mainit init pa to kasi kamamatay niya palang?

"Teka, teka. Bago niyo problemahin yan, tignan muna natin si April." Nagaalalang
sabi ni Kyle. Oo nga pala. Si April.

"Okay lang siya. Natutulog parin."

"You mean she slept throughout all that screaming?" di ko napigilang sabihin.
"Anong ibig mong sabihin Eunice? Na si April ang pumatay?" Malakas ang boses na
tanong ni Kyle.

"Hindi naman sa ganun Kyle. Pero imposibleng hindi ka magising kung ganun kalakas
yung sigaw." Pangangatwiran ko. "Dalawang klase lang ng tao ang kayang matulog sa
ganung klaseng kalakas na sigaw. Yung mantika kung matulog. O yung taong nagtutulog
tulugan."

"Pinagdududahan mo nga si April." Nakatiimbagang na sabi ni Kyle sakin.

"Woah, chill lang pre." Awat sa kanya ni John.

"Hindi pre. Harap harapang pinagdududahan ng girlfriend mo yung girlfriend ko.


Napakalaking insulto nun kay April." Ayaw paring paawat na sabi ni Kyle. "Parang
nanggagago eh."

Nagpanting yung tenga ko sa sinabi niya. "Eh kung hindi siya, sino? Ikaw? Si
Kenly?"
"Aba! Pigilan mo yung girlfriend mo John. Kahit babae yan masasapak ko yan.
Sumosobra na siya."

"Oh come on Kyle. Kung hindi si April, ikaw or si Kenly. Wala kayong alibi." Hindi
ko alam kung ano yung dahilan kung bakit patuloy ako sa pagkukwestiyon sa kanila.
Siguro ngayon lang nagsink in sakin ang mga nangyari at naghihisterikal lang ako.
Pero justified naman yung mga sinasabi ko eh. Sampu kaming magkakasama sa sala. Si
April, si Kyle at si Kenly lang yung pwedeng pagdudahan.

"Pre. Sumosobra na yang gf mo ah." Sabi ni Kyle kay John bago bumaling sakin. "Alam
ko matalino ka. Pero hindi naman ata tama na magbigay ka kaagad ng konklusiyon.
Pwede rin namang hindi kasama sa atin yung pumatay diba? May possibility naman na
may nakapasok sa isla diba?"

Nung narinig ko yun. Napatahimik ako. May point siya. Pwedeng tagalabas nga yung
gumawa ng lahat. Now I'm feeling guilty. Hindi ko namalayan na nagiging Olivia na
ako. That I am turning into a bitch.

"I'm sorry." Yun nalang yung nasabi ko. Pahiya ako. Napayuko nalang ako sa
katangahan ko. At dahil sa pagyuko kung yon, I saw a piece of folded paper on the
floor.

And when I picked it up and opened it, I saw something more intriguing than the
identity of Olivia's murderer. Something na nakapagpatindig balahibo ko at nagcause
ng despair. Computerized siya at hindi sinulat. Ibig sabihin, pinagplanuhan talaga
ang nangyari. That whoever killed Olivia planned and thought about it. We're not
dealing with someone who killed wantonly. We're not dealing with a crazy person.
No. Actually it's the opposite. Whoever he is, he's cool and intelligent.

Nanginginig kong pinasa yung papel kay Kyle na binasa naman niya ng malakas.

The first murder was consummated;

The second will soon follow.

The third, the fourth, the fifth, the sixth;

In their deaths please do not wallow.

Because the killer is also one,

Of all the fourteen friends.

If not discovered, the deaths will rise

Into a rising trend.

Don't even try to call for help

Or attempt to escape the island.

Because the only way that you'll escape

Is to tie the killer's hand.

So my dear friends just let me say


That nothing will ever be the same.

And the only thing that you can do

Is to play my guessing game.

A word of advice: play the game seriously. It's either my death, or the death of
all of us. This is not your typical guessing game. You'll have to use your brains,
observe and be wary. I can be the one beside you, I may be the person standing in
front of you or I might be someone who will stab you from behind. There's virtually
no way of telling who I am. And the only clue you'll be having are the crayons,
those bloody crayons.

[Chapter End]

Scrabble photo sa gilid para sa di naniniwalang posible ang scores haha

##################################

~~Cancellation and Disruption~~

##################################

Bloody Crayons
Cancellation and Disruption

-----------------------------------------------------------------

Kyamii

Ang tahimik. Sobrang tahimik.

A long time had passed since Kyle finished reading the letter but there is still no
reaction from the whole gang. Isa isa kong tinignan ang mga mukha nila at pare
parehas lang sila nang itsura. They all wore this pensive expression on their
faces. Looks like everyone is busy digesting the meaning of the message.

I am not a professional message decoder. I am not even a linguist. I suck at words.


Pero alam ko kung ano ang ibig sabihin nang narinig ko. Everything was clearly
stated. The rules were explained.

Hindi lang si Olivia ang mamamatay sa aming labing apat. Hindi rin lang isa. O
dalawa. Hindi to matitigil hangga't hindi kami nauubos. Hanggang hindi namin
nalalaman at nahuhuli kung sino ang pumapatay.

Pero hindi yun ang kinabahala ko. Something bothered me even more than the notion
of my death. Sa binasang tula ni Kyle, I heard this passage that made the back of
my neck tingle. And when my nape tingles, it almost always means bad things will
happen in the future.
Because the killer is also one, of all the fourteen friends.

I shivered as I remembered the line and its implications. Kung tama yung
pagkakaintindi ko, isa sa amin ang killer. Pero kung isa nga talaga sa amin ang
killer, sino?

Si April? Si Kenly? O si Kyle?

The gears on my brain started moving as I ran through the endless possibilities
flashing through my mind.

Is it April? Sa kanilang tatlo, siya ang kahinahinala. Kasi siya lang naman ang
huling nakasama ni Olivia sa kwarto. Tsaka hindi kapani paniwala yung hindi man
lang siya nagising sa lakas nang sigaw ni Olivia. Only a drugged person can
withstand that noise. Kahit anong gawin kong pagbabalik baliktad sa pangyayari,
siya ang pinaka obvious na gumawa ng krimen.

Kakaunti lang naman kasi ang time difference ng pagsigaw ni Olivia at ang pagdating
namin sa crime scene. You need to have the speed of sound to escape without being
seen. Ibig sabihin, kung sino man ang killer hindi siya nalalayo sa crime scene.
Pero parang may mali. Alam kong hindi padalos dalos ang kriminal na gumawa ng lahat
ng ito. Ano ba ang gagawin ko?

Get inside his shoes. Turn the board around.

The gears inside my head started moving faster. I learned this technique from
Jerard. To know the enemy, you must think like the enemy. Stop thinking from your
side of the board. Look at it from the enemy's point of view.

To know the enemy, you must be the enemy.

Kung ako ang killer, ang pinaka malabong gawin ko ay ang magstay sa crime scene. Di
ako tanga. Wala na akong lusot if they caught me red handed. Kaya yung option na
magtulug tulugan seems so... idiotic.

Kaya ang matitira nalang saking possibility ay lumabas ng kwarto. But If I did
that, Kyle and Kenly will see me. Kung ako naman si Kyle at pinili kong lumabas ng
kwarto, makikita ako ni Kenly. At kung ako si Kenly, the same thing will also
happen. Malabo. If I can't get out of the room, the only possible thing left is to
remain inside. Which cancels everyone out. Leaving me back to that square one named
April.
Si April nga ba talaga ang pumatay? Tatanggalin ko na ba sila Kenly at Kyle? But
that really sounds so weak. Pero isang possibility palang naman yun. The assumption
that the killer is just a single individual. What if he has an accomplice? Paano
kung marami sila at sabay sabay nilang pinagplanuhan 'to?

But even that sounds off. Because it was stated in the message that the perpetuator
of the crime is just one person. Killer. I just can't disregard the rules. We need
to follow the rules to survive.

Rules are made for the weak creatures. They were made by the weak creatures. These
so called rules are their lifeline. They need to follow something certain so that
they will not be lost. Human beings are weak creatures. We are weak creatures. So
we need to follow the rules.

Pero paano kapag trick lang pala yun? That's another possibility.

Ano ba ang pwedeng gawing motibo? Kung magiisip ako nang parang si April, ang
pinaka malapit na pumapasok sa isip ko ay dahil nabubuwisit na talaga siya kay
Olivia. Sadista si April, lantad na 'yan sa grupo. Ilang beses na ba namin siyang
nakitang pumatay ng mga animals ng hindi man lang naaapektuhan? Tsaka namutilate
yung bangkay, ang daming saksak. The rank smell of April permeates the crime scene.
Kung meron man saming kayang sumikmura ng ganyan, siya na yun.

How about Kenly? What is his motive? Is it because Olivia refuses to break up with
him? Nagaway sila. Sinabi niya pa ngang sana mamatay na si Olivia. But no one plans
a murder out loud right? Tanga lang ang gagawa nun. At kung may isang bagay akong
sigurado, yun ay yung katotohanang hindi tanga ang killer.

How about Kyle? He can be the accomplice. He's in a relationship with April which
makes even more possible to believe him joining April. But what is his motive?
Obedience to the one he loves? Mutual hate and resentment?

Lahat ng naiisip ko ay mabababaw. Reasons that any normal person won't use to
justify killing people. But being a killer means you are not normal right?

Then there's also the possibility of Marie. She organized this trip. Siya ang
nagdala samin sa isla. Siya rin ang nagdala kay Olivia sa kwarto niya. She has
plenty of time to do the murder. But that still sounds kinda off. Kasi kasama namin
siya nung sumigaw si Olivia. At may 20 minutes interval bago namin narinig yung
sigaw. Hindi naman pwedeng late reaction yung sigaw ni Olivia.

In the end wala parin talaga akong maisip na kungkreto. Everything is gibberish.

"Kyle, takpan mo nalang ng kumot ang bangkay ni Olivia at buhatin natin si April
palabas sa kwartong ito. Kayo naman, pumunta na kayong lahat sa sala. Dun natin
pagusapan ang lahat ng 'to." Narinig kong sabi ni Kenly. Something doesn't sound
right. His voice lacked emotion. Parang wala siyang pake na patay na si Olivia.

I tried to shrug the thought aside. Nagoover think na ako masyado. Parang
imagination ko lang kasi parang ako lang naman talaga ang nakapansin. I don't know
if I'm being paranoid. Pero di ko talaga maialis sa isipan ko yung paraan ng
pagkakasabi niya. Imagination or not, he sounded really cold. Na parang wala lang
sa kanya yung mga pangyayari.

ÃÃÃ

Tinitigan ko uli ang mga mukha nila habang nakaupo kami sa sala. Katulad sa kwarto,
tahimik nanaman ang paligid at walang gustong sumubok magsalita. Awkward.

Ang awkward awkward sa pakiramdam. Nakaupo kaming lahat sa sala, pilit nagpapanggap
na okay lang. Pilit na nagpapanggap na busy sa ganito o ganyan. Pero ang totoo,
busy kaming lahat sa pakikiramdam sa isa't isa.

Kahit ayaw naming tanggapin, that letter from the killer dealt a huge blow. The
tension was so thick that I can almost even smell it.

"Ehem" Jake coughed breaking the silence. "Ano na gagawin natin?"

"'So anong gagawin natin?' Ano ba namang klaseng tanong yan Jake? We need to get
out of this wretched island." medyo mataas ang boses na sabi ni Mai.
"I agree. Hindi na tayo safe rito. Kailangan nating umalis dahil baka atakehin
nanaman tayo ng mamamatay tao." Nanginginig na sabi ni Marie. "I'm sorry guys. K-
kung hindi ko sana kayo dinala dito, maybe hindi sana namatay si..." Napatigil si
Marie, she can't even bear to say Olivia's name.

"Marie, stop blaming yourself. It's not your fault. Inimbita mo kami rito para
magsaya. Hindi mo naman plinano na may mamamatay." Pangaalo ni Justin kay Marie.

"I can't help it Justin, k-kung hindi ko kasi sana kayo inimbita rito, sana hindi
mangyayari to." hindi parin nawawala ang panginginig niya. I can't imagine kung
gano kalaking guilt ang nakapatong ngayon sa mga balikat ni Marie.

"Shut up Marie. Stop blaming yourself. Nangyari na ang lahat, kaya wala ka rin lang
magagawa kung sisisihin mo ang sarili mo. I'll go make a call. Meron naman sigurong
working telephone dito diba? We need to inform the police." sabi ni Kenly sabay
tayo.

"Meron nga. Dun sa study room sa right." Sabi ko sabay turo kay kenly ng direction.
Katatawag ko lang kaninang dumating kami sa resthouse para ipaalam kina Mommy at
Daddy na safe kaming nakarating dito. Masyado kasing OA ang nanay ko kung minsan.

Nang nakaalis na si Kenly, natahimik nanaman uli kami. Bumalik nanaman yung awkward
atmosphere. Nagpapakiramdaman nanaman kami.
Kahit anong gawin nila para hindi mahalata ng iba, alam kong busy silang lahat sa
pagiisip kung sino sa amin ang killer. Kahit ako di maiwasang magisip. Kanina pa
palipat lipat yung mga mata ko kay Kyle, Kenly at April. Kahit anong gawin ko, sila
lang talaga ang naiisip ko na pwedeng pumatay.

Because the killer is also one, of all the fourteen friends.

I shivered again as I remembered that line. Bakit kasi kailangang maging isa samin
ang killer? Bakit hindi nalang kasi tagalabas?

Pero alam kong wala ring silbi yung paghiling ko. Kahit ilang beses ko pang iwish
na sana hindi isa sa amin yung killer, it was explicitly stated in the message.

April. Kenly. Kyle.

Sino?
"I can't stand this!" Nabasag yung katahimikan dahil sa sudden outburst ni Eunice.
"Nagpapakiramdaman tayong lahat. We're suspecting everyone kahit ang dapat lang
pagsuspetyahan ay sina Kenly, Kyle at April lang."

"Hindi naman ata tamang pagsuspetsahan mo kami Eunice. Kanina ka pa, namumuro ka na
sakin." Mainit ding sabat ni Kyle.

"Eh sa totoo naman eh. Kayo lang naman ang walang alibi. Kayo diyan, alam niyong
alam ko na parehas tayo ng iniisip." Sabi ni Eunice sabay tingin sa aming mga
tahimik parin hanggang ngayon. She can't blame us, mas magandang wag ng palakihin
pa ang butas. Baka masira pa ang friendship namin. "Great! Sige, magpipi pipian
kayo. Basta ako hindi magpapaka impokrita."

"Bakit ba kasi kami ang pinagsususpetsahan mo? Pwede namang tagalabas yung gumagawa
nito ah." Judging from his tone. Asar na asar na talaga si Kyle.

"Hah." Eunice said venomously, not even trying to hide the contempt from her voice.
"Hindi na uubra yang mga palusot mo Kyle. Sinabi na mismo sa mensahe na isa sa atin
ang pumapatay. Bakit di nalang kasi umamin sa inyong tatlo kung sino ang may pakana
nito nang matapos na ang lahat? Nakakaistorbo kayo sa bakasyon."

"Ganyanan na ba Eunice? Mas pinagkakatiwalaan mo pa yung baliw na mamamatay tao na


yun kasama yung walang kwenta niyang mensahe kaysa saming mga kaibigan mo?" kahit
ayaw niyang ipahalata, alam kong na caught off guard si Kyle sa mga pinagsasabi ni
Eunice. Hindi niya ineexpect na marinig yun galing kay Eunice kaya halatang halata
na nasaktan talaga siya. "Ganun ba talaga kadaling itapon para sayo yung mga
pinagsamahan natin?
"Babe, tama na. Hindi mo alam yung mga pinagsasabi mo." Pangaawat ni John kay
Eunice. "Sorry pre, shocked lang talaga si Eunice kaya niya nasabi yung mga sinabi
niya."

"Kahit ayaw ko tong sabihin, may punto si Eunice. Nakasulat na mismo dun sa
message." Kapag seryoso na 'tong si Richalaine, nawawala yung pagkababaeng bakla
niya. Napapangiti nalang ako minsan, nakakapanibago eh. Parang may split
personality siya.

Magsasabatan pa sana sila kung hindi sila natigilan nang may sumabat sa kanila na
hindi kasali sa usapan. "Ano ba? Ang ingay niyo masyado! Ang sakit sakit na nga ng
ulo ko ang ingay niyo pa. Wala bang mga awa ang mga tao dito?" sabat ni April na
nagising dahil sa bulyawan nila Eunice.

Mukhang nagpanting yung tenga ni Eunice kaya ang kagigising na si April ang sumunod
niyang napagdiskitahan."Oh, so gising na pala si Sleeping Beuty." Maanghang na sabi
ni Eunice.

"Ano ba nangyari at bakit ang Oli-Olivia mong magsalita Eunice?" takang tanong ni
April. Pupungas pungas niyang pinunasan ang mga mata gamit ang kamao niya. If she's
only acting, then she's really good. Parang kagigising niya lang talaga.

"Oh come on! Na amnesia ka ata? Baka naman nauntog ka or something nung nagstruggle
si Olivia laban sayo?" sabi ni Eunice habang tinititigan si April na parang
nansusukat. Wala siyang pinalampas at inobserbahan niya talaga si April mula ulo
hanggang paa.

"Anong nanlaban? Ano bang pinagsasasabi mo Eunice?" takang taka na tanong ni April.

"April. Patay na si Olivia, pinagsasasaksak siya." sabi ko sabay abot sa kanya nung
papel na may message.

Parang hindi pa nagregister yung sinabi ko sa kanya sa umpisa pero nung nabasa niya
yung nakasulat sa papel, namilog ang mga mata niya. "Oh my god! Hindi yun lahat
panaginip? Totoong pinagsasasaksak si Olivia?" nanginginig na bulalas ni April.

"Oh, so mukhang naaalala na ni Sleeping Beauty ang mga nangyari." Nakangising sabi
ni Eunice. "So aamin ka na ba na ikaw ang pumatay?"

"No. Hindi ako Eunice." Mahinang sabi ni April sabay yuko ng ulo.

"Sino? Si Kyle o si Kenly?"


"Hindi rin sila."

"Sino?" nakataas ang kilay na tanong ni Eunice. Aaminin ko, pati ako hindi mapakali
sa isasagot ni April. Kung hindi silang tatlo, sino?

"Si..." mahinang sabi ni April sabay tingin sa isa samin. "Si Marie ang pumatay."

Napanganga ako sa sinabi niya. Parang napakaimposible. Parang inimbento niya lang.

Magrereact sana ako kaso humahangos si Kenly na pumasok sa Sala.

"Guys, bad news." Sabi ni Kenly habang humihingal. "Hindi na gumagana yung
telepono. At may pumutol sa tali ng speedboat. Stranded lahat tayo ngayon sa isla!"

[Chapter End]
##################################

~~Mayhem~~

##################################

Bloody Crayons

Mayhem

---------------------------------------------

Jake

"Eh sa totoo naman eh. Kayo lang naman ang walang alibi. Kayo diyan, alam niyong
alam ko na parehas tayo ng iniisip." Pagkasabi ni Eunice, tinitigan niya kami. Yung
iba yumuko. Yung iba nagbusy busyhan. Yung iba naman umaakting na interesadong
interesado sa himulmol na nasa mga damit nila. Walang gustong sumagot. Walang
gustong madamay. Same goes with me. Hindi ko alam kung bakit nagkakaganito si
Eunice. Naiintindihan ko na pressured siya pero kailangan bang umakto siyang
bitchy? Para kasing sinaniban siya ng ispirito ni Olivia. "Great! Sige, magpipi
pipian kayo. Basta ako hindi magpapaka impokrita."

"Bakit ba kasi kami ang pinagsususpetsahan mo? Pwede namang tagalabas yung gumagawa
nito ah." Naaasar na sabi ni Kyle. Sumabat pa si Eunice kaya hindi lang dun natigil
ang bangayan nila.

Minute ko ang mga boses nilang dalawa sa utak ko para makapagisip. Ano nga ba ang
tsansa na tagalabas ang puno't dulo ng lahat ng ito? Mababa. Napakababa kung
ikukumpara sa posibilidad na isa samin ang pumapatay.

Napakababa nung posibilidad na may pumuslit dito para lang paglaruan kami. Pero iba
yung pakiramdam ko run sa napakababang posibilidad na yun. Minsan kasi yung mga
hindi mo napapansin, yung mga bagay na sa sobrang liit na ooverlook mo, sila pa
yung mga bagay na sagot sa tanong mo.

Pano nga kung taga labas talaga ang gumagawa nito at trick niya lang yung mensahe
para paghinalaan namin ang isa't isa? Kung tutuusin napakasimple lang nun pero
napakaepektibo. Maliit lang yung effort niya kumpara dun sa laki ng pabor na dulot
sa kanya ng resulta. Pwede na siyang pumatay ng hindi man lang namin namamalayan
kasi abala kami sa pakikiramdam at pagbabantay sa mga kaibigan namin.

"Kahit ayaw ko 'tong sabihin, may punto si Eunice. Nakasulat na mismo run sa
message." Tamang desisyon nga ba na maniwala kami sa mensahe? Oo, inaamin ko na
ayaw ko talagang tanggapin na isa sa amin ang pumapatay. Sino ba naman ang gustong
maniwala na yung mga kaibigan mo na matagal mo ng nakasama ang mismong
nagtatangkang pumatay sayo? Pero kung titignan mong mabuti ang hinala ko, pwedeng
mangyari. Na taga labas ang gumagawa nito. Kasi kung isa sa aming magkakaibigan ang
pumapatay, pwede kaming manatili sa isang lugar lang at bantayan ang isa't isa.
That would be an inconvenience to the killer's side. Hindi siya makakahanap ng
chance na pumatay. Tsaka nandirito yung pakiramdam na hindi tanga yung killer.
Parang ang tanga lang na nireveal niya agad yung identity niya. Di talaga eh.
Malabong isa samin. Tagalabas ang gumagawa ng lahat ng 'to.

"Ano ba? Ang ingay niyo masyado! Ang sakit sakit na nga ng ulo ko ang ingay niyo
pa. Wala bang mga awa ang mga tao dito?" nagulat ako nung narinig ko yung boses ni
April. Alam ko marami sa amin ang pinaghihinalaan siya. Kahit ako. Hindi kasi
kapani paniwala na hindi man lang siya nagising nung sumigaw si Olivia. Naalala ko
pa yung sinabi sakin minsan ng mom ko. Mas mahirap gisingin ang nagtutulug tulugan
kaysa ang tulog. Kaso kung paghihinalaan ko si April, parang contradictory yun sa
theory ko na taga labas ang pumapatay. Shit. Ang hirap ng ganto. Kailangan kong
obserbahan ang mga kaibigan ko at kailangan kong obserbahan kung may tagalabas
ngang involve.
Malapit ng sumakit ang ulo ko ng biglang may pumasok na posibilidad sa isip ko.
Pano kung magkasama yung tagalabas at isa sa amin?

Hindi imposible yun. Kung tutuusin, yun ang pinaka posibleng mangyari. Simple pero
effective. Tsaka swak na swak yun dun sa linya sa message na Because the killer is
also one, of all the fourteen friends.

Mukhang nagulat din si Eunice nang biglang sumabat si April kaya ito yung
napagbuntunan niya ng galit niya. Pinakinggan ko lang sila habang nagsasabatan
hanggang sa may sinabi si April na nakakuha ng atensiyon ko. "Oh my god! Hindi yun
lahat panaginip? Totoong pinagsasasaksak si Olivia?" Hindi kaya, aamin na si April?
Pero kung gagawin niyang palusot na hindi siya conscious nung ginawa niya yung
krimen, anong silbi nung outsider? Siya ba talaga yung killer?

"Hindi ako Eunice." Hindi ko na namalayang nagpaharap ako ng konti. Kung hindi
siya, sino? Ganun ba kadali to? Na mahuhuli na yung killer kasi nakita siya ni
April? Kahit ako ayaw kong maniwala. Pero pano nga kung oo? "Si Marie ang pumatay."
Napatanga ako dun. Si Marie? Pano? Napaka lame ng palusot. Ni hindi man lang kapani
paniwala. Baka nga si April ang kakuntsaba ng pumapatay. O baka may
prinoprotektahan siya? Sino? Si Kyle? Nauna sila ni Kenly kaysa samin.

"Guys, bad news. Hindi na gumagana yung telepono. At may pumutol ng tali ng
speedboat. Stranded lahat tayo ngayun sa isla." Napatayo kaming lahat sa sinabi ni
Kenly. Parang nawala yung utak namin sa sinabi ni April.
"No... Kenly, you're joking right?" nanginginig na sabi ni Kyamii.

"I wish." Humihingal paring sabi ni Kenly.

"I don't believe you, let's go and check." Mahinang sabi ni Eunice sabay punta dun
sa hallway na magdadala samin sa study room. Bakit ba ang malas malas namin? Lintik
lang. Kung totoo nga na stranded kami sa isla, mas lalong nalapit sa bingit ng
kamatayan ang mga buhay namin.

"Oh my god. Walang dial tone." Nanghihinang sabi ni Eunice. Walang signal? Kung
walang signal okay lang. Pero kung nasira yung transmitter, wala na talaga.

"Akala ko wala lang talagang signal pero nung tinignan ko yung transmitter, yun
pala yung problema." Mahinang sabi ni Kenly.

"Let me see. Baka maayos ko pa." sabi ni Kiko habang inaabot yung telephone sa
kamay ni Eunice. Sa aming barkada kasi, si Kiko ang pinaka techy. Magaling
magrepair ng electronics kaya siya ang takbuhan namin pag nasisiraan kami ng mga
gadget.
Kinalikot nang konti ni Kiko yung telepono bago umiling iling. "No use, hindi na to
repairable. Kung sino man ang gumawa nito, sinigurado na hindi na magagamit pa."

"Yung killer. Yung killer ang gumawa niyan. Sigurado ako." Galit na sabi ni Eunice
sabay tingin samin ng nang aakusa. Halatang halata ang panginginig ng mga kamao
niya na sobrang puti na ang kulay dahil sa lakas nag pagkakakuyom nito. Dahil sa
galit o takot?

Isa nga ba samin ang gumawa nito?

Nandirito nanaman yung atmosphere na nagpapakiramdaman kami. Sino? Kenly, Kyle,


April, Marie, Kyamii, Kiko, Richalaine, Justin, Mai, Eunice, John, Jerard. Thirteen
kami ngayon. At tatlong tao lang ang pumapasok sa isipan ko.

Kenly, Kyle, April.

Sila paring tatlo. Kahit anong gawin ko, sila paring tatlo.

"Teka, yung speedboat." Sabi ko nung naalala ko yung speedboat. "Napatid yung tali
diba? Baka pwede pa nating languyin."
Parang bigla silang nabuhayan nung narinig nila yung sinabi ko. "Yung speedboat!
Tara na, baka mahabulan pa natin!" sigaw ni Richalaine sabay takbo papalabas ng
bahay. Parang iisa kaming tao na sinundan siya. Sa lagay namin ngayon, yung
speedboat nga ang tanging pwedeng magsalba samin. Kung kailangang languyin,
lalanguyin ko.

Kaso parang huli na ang lahat eh. Papunta palang dun sa beach, inabot na kami ng
mga sampung minuto. Paliko liko kasi yung daanan. Kahit tinakbo na namin, wala
parin. Kahit nga si Kenly na pinakamabilis tumakbo samin inabot ng five minutes.

"No..." narinig kong sabi ni Marie na napaluhod sa buhangin. Di na namin makita


yung speedboat. Ang tanging nakikita nalang namin ay yung signal light niya na
napaka layo.

"Oh my god. Stranded na tayo sa isla. Mamamatay tayo. I don't want to die! Gumawa
na kayo ng paraan please!" Naghihisterikal na sabi Mai. Kahit ako nanghihina na
rin. Napaka hopeless nung sitwasiyon namin. Kailangan naming magsurvive ng two
weeks. First day palang namin ngayon pero ang hirap na. 13 days pa. 13 parin kaming
natitira. May matitira pa ba samin pagkalipas ng dalawang linggo? O baka unti unti
rin kaming mauubos gaya ng araw ng paghihintay namin para makarating ang susundo
samin?

"Teka." Narinig kong sabi ni Eunice. "Bakit hindi mo nilangoy yung speedboat nung
nakita mo? Malapit lapit pa naman siguro yun diba?"
Napatigil ako nung narinig ko yung sinabi ni Eunice. Hindi. Napatigil kaming lahat.
Natuon lahat ang atensiyon namin kay Kenly at sa kung ano ang sasabihin niyang
sagot sa sinabi ni Eunice. Pati nga si Mai natigil sa paghihisterikal eh.

"Eunice, baby, wag ka namang ganyan o!" Awat ni John. "Wag mo namang tanungin ng
mga ganyang tanong si Kenly. Hindi maganda yan."

"Nope, I agree. May point si Eunice. Please sagutin mo ang tanong niya Kenly."
Narinig ko ring sabi ni Richalaine.

"Ako rin, gusto ko ring marinig ang sagot mo Kenly." Segunda ni Kyaami.

"Hindi sa pinagduduhan kita pre, pero may point sila." Nakisali narin si Kiko.

Kahit ako gusto ko ring marinig yung sagot niya. Pero mukhang hindi ko na
kailangang magsalita kasi parang carried naman na. Gusto naming lahat na marinig
yung sagot ni Kenly.

"Hindi ako marunong lumangoy." Di marunong lumangoy? Hindi ko ata alam yan. Hindi
ba talaga marunong lumangoy si Kenly?
"Oh? Di ka talaga marunong lumangoy? O baka naman palusot mo lang yan." Naguumpisa
nanamang magtunog bitchy si Eunice.

"Eunice, alam ko yung gusto mong puntiryahin at hindi ko gusto kung saan
pumapatungo 'tong usapang 'to. Hindi talaga ako marunong lumangoy. Nagkaphobia ako
sa paglangoy simula nung muntikan na akong malunod nung bata pa ako. At ano naman
ang mahihita ko kapag hindi ko nilangoy yung speedboat?" asar na sabi ni Kenly.

"You tell us." Nakangiti na si Eunice na parang nanghahamon.

"Wala akong masasabi kasi nasabi ko na." Sagot ni Kenly na medyo nauubusan na ng
pasensiya. "Hindi ako marunong lumangoy."

"Oh? Eh pano kung ganito." Sabi ni Eunice sabay tinignan niya si Kenly nang puno ng
panlilibak. "Hindi mo nilangoy yung speedboat kasi on the first place..."

Mahirap mang aminin pero ganun din ang nasa isip ko. Alam kong hindi magandang
manghusga ng kapwa, lalong lalo na kung katropa mo to. Pero pano nga kung ganun
talaga?
"Kasi on the first place... Ikaw ang pumatid nung tali?"

[Chapter End]

##################################

~~Like Leaves Falling Off A Tree~~

##################################

Bloody Crayons

Like Leaves Falling Off A Tree

--------------------------------------------

Marie

Ang tensed naman ng atmosphere rito. Hindi ako sanay na ganito sila. Mababait naman
lahat ng mga kaibigan ko eh, medyo loko loko kung minsan pero mababait sila. Kaya
nga masaya kami pag kasama ang isa't isa.
"Teka, bakit hindi mo nilangoy yung speedboat nung nakita mo? Malapit lapit pa
naman siguro yun diba?" pangbabasag ni Eunice sa katahimikan.

"Eunice, baby, wag ka ngang ganyan. Wag mo namang tanungin ng mga ganyang tanong si
Kenly. Hindi maganda yan." Napangiti ako nung narinig ko yung sinabi ni John. Tama
yan John, awatin mo si Eunice. Hindi magandang nagaaway ang magkakaibigan, mas
mabuting pagsama samahin natin ang mga utak natin para makaisip ng solusyon. Para
walang away. Para walang gulo. Para masaya tayong lahat.

Kaso mukhang walang silbi yung effort ni John kasi sumunod na nagsalita yung mga
kaibigan ko. Pati yung mga inaasahan kong tatahimik nalang nagsalita rin. Bakit
ganun sila? Bakit parang ginagatungan nila yung sitwasyon? Why are they being mean
to Kenly?

Ano ba ang maidudulot na mabuti ng pagaaway? Diba wala? Nagkakandagulo lang kami.
Mas magandang pagisipan nalang namin kung sino yung killer.

Pinuntahan ko si Kenly para hilain pabalik ng resthouse. Alam kong frustrated ang
mga kaibigan ko. Kaya mas magandang magrelax muna sila. Kasi kapag relaxed ang
pakiramdam, mas madaling magisip diba? Yung wala ng galit.

I despise anger. It's the most destructive force in this world. Kahit sa isang
minutong galit mo lang masisira na ang isang importanteng bagay na ilang taon mo
ring pinaghirapan buoin. Mawawatak ang pagkakaibigan. Masisira ang tiwala sa isa't
isa. Worst may buhay na mawawala. Hindi ba nila yun naiintindihan?
Pero as usual, bago ako makakilos, naunahan nanaman ako. Sinagot na ni Kenly yung
mga tanong. Alam kong pagduduhan nila yung sagot ni Kenly. Kilala ko si Eunice,
ayaw agad niyang magpaniwala sa mga coincidence.

"Di kasi ako marunong lumangoy." Kenly said the truth out loud. Ang tagal niya yang
sinikreto. Ayaw niyang may makaalam kasi ayaw niyang may makakita at makaalam ng
kahinaan niya. Alam kong nakipagtalo pa siya sa sarili niya para lang masabi niya
yun. It's so said that my friends received it with skepticism.

Parang childhood friends na kami ni Kenly. Magkaklase kami nung nasa elementary pa
kami, hindi close pero kilala namin yung isa't isa. At totoong hindi siya marunong
lumangoy, he almost drowned when he was a kid.

Naaalala ko pa nga yun eh. May fieldtrip kami when we were on out sixth grade. 'Di
nga lang ako entirely sure kung fieldtrip nga ba yun. Kasi parang bakasyon naman.
Pumunta kami sa beach nun para raw "pag aralan ang mga lamang dagat" pero ang hula
ko ay gusto lang magbeach ng mga teachers namin. We were divided into 6 groups at
ang nakagrupo pa ni Kenly ay yung mga meanies.

Siguro hinamon siya kaya lumangoy siya palayo mula sa mababaw na parte nung dagat.
Di niya na rin daw kasi matandaan ang dahilan. Pero ang point, may something na
nangyari na naging dahilan para lumangoy siya papunta sa malalim na parte. At first
okay naman, kahit papano alam niyang lumangoy. Kahit langoy aso. Kaso pagdating sa
malalim na parte, nag cramps yung mga muscle niya kaya di niya na nakayang
palutangin ang sarili niya. Tapos ang akala naman ng mga meanies ay umaakting lang
siya kaya iniwan na siya. Buti nalang at nakita ko kaya sinabi ko sa mga teachers.
Nasa kritikal na siya nung naligtas siya. From then on hindi hindi na siya sumasama
sa mga 'fieldtrips' na malapit sa mga bodies of water. Kaya nga napakalaking
surpresa na sumama siya ngayun, I know it took a lot of will power on his part. And
I appreciated him more for that.

"Oh? Eh pano kung ganito. Hindi mo nilangoy yung speedboat kasi on the first
place..." Oh no Eunice. Don't. Wag mong sabihin please? Don't ruin our beautiful
friendship. "Ikaw ang pumatid nung tali?" Kaso hindi ko rin siya napigilan. Why did
she have to say that?

"Kasi on the first place ako ang pumatid ng tali? Oh come on!" Tiningnan niya ng
masama si Eunice. "Kakalimutan kong sinabi mo yan Eunice. Pero kapag inulit mo..."
kahit hindi tinapos ni Kenly yung sasabihin niya naintindihan namin yung balak
niyang iparating.

"Ooh! Threatening me huh. So dahil wala ka ng ibang masabi, nananakot ka nalang?


Umamin ka nalang kasi---" kaso hindi na natapos ni Eunice ang sasabihin niya ng
sakalin siya ni Kenly. Alam kong mahigpit at totohanan yung sakal na yun, lumuluwa
na kasi yung mga mata ni Eunice tapos itsurang hirap siyang makahinga. First time
kong makitang nagsasakitan ang mga friends ko physically. It made me really sad.

Pero bago pa man magregister sa utak ko yun at maintindihan ko ng buo yung


sitwasyon, nadagdagan nanaman. Sinuntok ni John si Kenly. At bumawi rin si Kenly.
And before I knew it, nagpapalitan na sila ng mga suntok. Kahit nga pinaghihiwalay
na sila nagagawa parin nilang magsapakan. Ayaw ko ng ganito. Gusto ko magsasama
sama sila ng pwersa para mailigtas ang mga buhay nila. Hindi ba nila alam na ito
ang gusto ng killer? They're playing right into the killer's traps!

"STOP IT! Walang magaaway. Please!" I can't help it. Galit na ako. I hate this
feeling. I hate this situation. I hate them for acting like that. Hindi ba nila
narerealize na ang pagaaway nila ay walang mabuting patutunguhan? "Away kayo nang
away. Di niyo ba alam na yan ang gustong mangyari ng killer? Gusto niyo bang
mamatay ng hindi man lang nakakalaban? Please naman o, buhay ninyo, buhay ko at
buhay nating lahat ang nakasalalay dito. So please just for once stop acting like
kids and be serious."

Hindi ko alam kung naintindihan nila ako at nagbago na sila o natulala lang sila
kasi nag break down na ako. I know, pati ako nagulat. I'm not the screaming type, I
deal with problems logically, calmly. Walang saysay kung idadaan lahat sa init ng
ulo.

"Si Eunice ang pagsabihan mo niyan. Hindi ako." Asar na sabi ni Kenly habang
tinatanggal yung mga kamay na pumipigil sa kanya. "Magpapahangin lang ako."

Di ko na pinigilan si Kenly kasi alam kong kailangan niya yun. Mas mabuti na ngang
magpalamig muna kami ng ulo.

"Okay, bumalik nalang muna tayo sa resthouse at dun magpahinga. Alam kong stressed
out na tayong lahat. Eunice, tara na." I guess I have to act as our temporary
leader. Kung hindi, baka magkandagulo na naman sila.

We went back to the resthouse quietly. Actually that was the quietest 15 minute
walk na naranasan namin since dumating kami sa isla. Walang gustong magsalita.
Which is really good. Alam ko kasing kapag nagumpisa nanaman sila, away lang ang
patutunguhan.
At kahit nung nakapasok na kami sa resthouse, tahimik parin sila. Parang
nakakapanibago lang. Ang calm calm na nung pakiramdam, hindi katulad nung previous
times na tahimik kami pero tensed at awkward yung atmosphere.

"Okay, so kalmado na kayo. That's good. Para hindi tayo maging tensed, pagusapan
nalang natin ang bedrooms. Tatlo ang available, I'm sure walang gustong matulog sa
bedroom kung saan namatay si Olivia. So I think we better divide ourselves again,
kahit na gusto kong matulog tayong lahat sa isang kwarto di tayo kasya." Pagbubukas
ko ng topic nang nakaupo na sila sa sala.

"Dalawang kwarto nalang ang gamitin natin. That way, 6 and 7 ang division. Kung
sino man ang killer, hindi niya tayo kayang atakehin. There's safety in numbers."

"You know, magandang suggestion yan Kyle. So, sang ayon ba kayo na dalawang kwarto
lang ang gamitin natin?"

And when everybody said yes, na nakakatuwa kasi bumalik na ang unity ng grupo, we
divided the house.

Napagdesisyunan din namin na hatiin ang boys, since pito pa naman sila, mas
magandang meron sila para may magprotekta samin. Kaya ang kinalabasan, si Mai,
Kyamii, Richalaine, John, Kiko, Kenly at Justin sa room 1 samantalang kami nila
Eunice, April, Kyle, Jake at Jerard ang napunta sa room 2.
Pagkatapos nun we decided to call it a night. Though yung karoom mates ko, parang
hindi makatulog. Tinitigan ko lang sila kasi pati rin ako hindi inaantok. We've
been through a lot kahit kadarating palang namin dito sa isla. Naghalo halo na ang
emotional at psychological fatigue sa katawan nila. They needed a good long sleep
para marefresh sila.

Lumipas ang ilang minuto at parang nasagot yung hiling ko kasi tumahimik bigla yung
kwarto and next thing I knew, tulog na silang lahat.

"Marie, bakit di ka pa natutulog?" inaantok na tanong sakin ni April, di pa pala


lahat.

Nginitian ko siya bago sumagot. "Magbabantay ako. Mahirap na."

"Ahh, okay. Sige, matutulog na ako."

"Sige, sweet dreams."

* * *
Marie, gising. Lalabas na kami ng kwarto." Naalimpungatan ako ng gising ng marinig
ko ang boses ni Eunice habang niyuyugyog ang balikat ko. "We have to make breakfast
remember? Baka naunahan na tayo nila Richa" Napangiti ako nung narinig ko yung
sigla sa boses niya. Seems like kalmado naman na si Eunice. That's good. That's
really good!

"Okay! Maghihilamos lang ako." Sagot ko sa kanya ng nakangiti. Nakatulog pala ako.
So much for that whole night vigil thingy.

Pagbaba namin, nakita ko si April na dinodrawingan yung mukha ni Kenly habang


natutulog sa sofa. Napapailing nalang ako. Bumabalik na yung mga friends ko sa dati
nilang magulo at hindi nangaaway na mga ugali. Isang grupo nanaman kami, at I'm
also glad na hindi napaano si Kenly kahit sa labas siya natulog.

"Ang aantukin naman nila Richalaine. Wala pa ni isa sa kanila ang bumabangon ah."
Narinig kong sabi ni Kyle.

"OMG, narinig mo yun Marie? Nauna tayo kay Richa! Yun kaya ang pinakamaaga satin."
Nakangiting sabi ni Eunice. Yep, she's back to normal. "Let's go there at sunduin
siya, oh I can't wait to rub it on her face." Nagpaalam kami sa mga kasama namin sa
living room at umakyat ulit kami papuntang mga bedrooms.

"Wow, ang strange huh. Ang tahimik nila. Eight na at lahat lahat pero tulog parin
sila? Weird!" Weird nga. Hindi ganito kalate magising si Richa. Naninibago rin ako
kasi masyado atang dumaldal si Eunice ngayon. Pero mas gusto ko na tong Eunice na
to kaysa dun sa Eunice kahapon. "Wait, ano yun? Ang baho."

Naamoy ko rin yung mabaho ng narating na namin yung pintuan. Tapos nung binuksan
namin yung kwarto, nakita namin medyo may usok usok. Yung tipong parang dun sa
stage kapag may program or concert.

Tinakpan namin yung mga ilong namin bago namin pinasok yung kwarto. And as we stood
in the middle of the room, as if planned, the smoke began to disappear revealing
something shocking. Narinig ko nalang na humiyaw si Eunice, tapos dumating lahat ng
mga kasama namin.

We were too naïve, too trusting. That's why we paid the price. Para kaming mga
dahon. Sa isang gabi ang dami agad nalagas.

In just one night, nangalahati ang grupo.

[Chapter End]
##################################

~~Where Art Thou?~~

##################################

Bloody Crayons

Where Art Thou?

----------------------------------------------------------

Kyle

Isinara ko yung jacket ko ng maramdaman ko ang lamig ng gabi. Nasa balcony ako
ngayon at nagpapahangin dahil hindi ako makatulog. Ang hirap ng maraming iniisip.
Pati magpahinga hindi mo magawa.

Pinikit ko ang mga mata ko at nakita ko nanaman yung bangkay ni Olivia. Yung
katawan niyang puro saksak. Yung napakaraming dugong nagkalat. Kadarating palang
namin dito pero may hindi na magandang nangyari. Sinurpresa nanaman kami ng
kagaguhan ng buhay.

Kung meron man sigurong magaling gawin si life, yun siguro ay ang gaguhin tayo.
Ilang beses na ba na kapag masaya ka, biglang may darating na trahedya? Sabi ng iba
para daw mabalance ang buhay. Para daw quits. Bullshit.
Mahirap kasi maging masaya masyado. Yung tipong hindi na gumagana ng matino yung
utak mo. Yung tipong hindi ka na realistic magisip. You lower your guard down. Mas
nagiging vulnerable ka kaya bigla bigla ka nalang masusurpresa ng kaputanginahan.
Kaya mas intense yung impact. Kaya nasasaktan ka.

Ano gagawin mo? Pipigilan mong maging masaya? Lugi ka parin. Di ka parin mananalo.
Ganyan kagago si life.

Aminado ako na hindi lang isang beses kong inisip na mas mabuti pang mawala nalang
si Olivia sa tropa. Ilang beses naring sumagi sa isip ko na pano kaya kung nadedo
siya. Ano kaya ang mangyayari? Mapapabuti na ba yung grupo o hindi? Pero hindi ko
naman ginusto na ganuon ang mangyari sa kanya. Hindi ko ginusto na ganuon ang
kahinatnan niya.

Be careful of what you wish for. Sa mga ganitong sitwasyon, naririnig ko yung mga
advice ng nanay ko. Ironic lang kasi palaging huli na kapag nagpapakita sila sa
isipan ko.

Pero hindi naman siguro ako at ang kahilingan ko ang dahilan kung bakit namatay si
Olivia diba? Para mangyari yun, kaylangan ng magic na tutupad sa kahilingan ko.
Kaso, sa pagkakaalam ko, wala namang mahika sa mundo. You can't just wish for
something, that's not the way the world works.

Unfair ang mundo eh, magulo at masalimuot. Merong kailangang magbigay ng sagad
sagad na effort pero kokonti lang ang kapalit. Meron namang kaunting pitik lang
pero ang laki na ng biyaya. Ewan ko kung naïve lang si Newton o hindi talaga
applicable sa mga tao ang Newton's third law of motion. For every action there is
an equal and opposite reaction. Bullshit.

Sabi ko unfair ang mundo. Pero sino nga ba ang bumubuo ng mundo? Tayo ring mga tao.
Sabi ko gago si life pero sino ba talaga ang gumagawa at nagsusulat ng mga buhay
natin? Tayo rin naman. Kung tutuusin nakakatawa yung kasagutan eh. Ginagago at
ginugulangan lang din natin ang mga sarili natin.

Umalis ako sa railing ng balcony at umupo sa upuan na nasa gilid. Naalala ko


nanaman yung nangyari kanina. Alam ko isa ako sa pinagsususpetyahan nila. Yung isa
yung mahal ko. Yung isa si Kenly. At nalaman ko rin, the hard way, na walang saysay
na magsabing inosente ka sa kanila. Especially kay Eunice. Kahit pala matalino
walang laban kapag tinamaan na ng panic. Kapag pala sobrang emotional at takot ka,
nagsasara na yung utak mo sa paliwanag. Nagiging close minded ka na.

Sa sobrang takot mo para sa buhay mo, di ka na nakakapagisip ng matino. Sino ba


naman kasing hindi matatakot? Napakadali lang naman kasing napatay si Olivia.

Nakwento na rin sakin ni Jake yung mga pangyayari. Nagiiscrabble sila tapos
nagaaway si Olivia at Kenly. Hinatid ni Marie si Olivia, mga twenty minutes daw ang
tinagal ni Marie kasi sobrang naapektuhan si Olivia. Then after twenty minutes,
sumigaw si Olivia.

That's the gist of it. At sigurado naman akong mayroon na silang theory kung paano
napatay si Olivia. Kung tutuusin madali namang gumawa ng theory kung itatapon mo
ang feelings mo para sa tao. Kung tatanggalin mo yung emotion mo. I can even
formulate one right on the spot.
Naghihintay si April na nagtutulug tulugan lang pala na makaalis si Marie. Tapos
nung nakasigurado na siyang wala na si Marie tinawag niya kami, binuksan niya yung
pintuan sa balcony kung saan kami nakatago ni Kenly tapos inatake namin si Olivia
na nakasigaw bago namin matakpan ang bunganga niya. Hinawakan ni Kenly ang
nagpupumiglas na si Olivia at kami naman ni April ang humiwa at lumaslas sa kanya.
Nang nakasigurado na kaming patay na siya, tinarakan na namin ng Crayola ang ulo
niya at inilalaglag yung sulat. Itinago yung pinangpatay na mga gamit para di kami
mabisto. Nagpanggap na tulog si April at kami naman ni Kenly ay umakting na
kadarating lang. Yun. Mystery solved.

Kaso may malaking flaw dun sa ginawa ko. Yung narinig ko yung sigaw ni Olivia, nasa
balcony ako nung kwarto namin at nagpapahangin at nagiisip ng kung ano ano. Kapag
kasi nagiisa ako, nagiging seryoso ako. Nawawala yung happy go lucky attitude ko at
napapalitan ng serious Kyle. Yung tipong pati problema ng bansa natin iisipan ko ng
sulosyon.

Kung bakit may corrupt. Kung bakit may mahirap. Kung bakit may tunay na mahirap at
may naghihirap hirapan lang. Kung bakit mabagal ang due process ng pilipinas at
kung bakit may kagutuman. The heck, pati nga gamot ng diabetes iniisip ko na rin.

Meron kasi akong theory na baka mahahanap sa langgam ang sagot. Diba mahilig ang
langgam sa sweets? Pero hindi sila nagiging diabetic. Who knows, baka may hormones
or enzymes sila na kumacounter sa pagtaas ng glucose level sa katawan. Yan nga yung
nasa isip ko nung binulabog ako ng sigaw ni Olivia.

Kaya pano akong napunta run kung nasa balcony ako ng kwarto namin? Yung resthouse
kasi nila Marie ay may tatlong palapag. Yung first, dining, sala at yung mga
tipikal na parte ng isang bahay. Yung second floor naman ay dedicated para sa mga
bedrooms at yung third ay attic daw. Meron din silang basement kung saan namin
nilagay yung katawan ni Olivia.

Sa second floor may apat na mga kwarto, dalawa sa east at dalawa sa west. May
malawak na hallway sa gitna. Since nasa east side north ang kwarto namin at nasa
Westside south naman ang kwarto nila April, imposible talagang ako yung gumawa ng
krimen.

Pero wala namang nakakita sakin sa balcony, malay natin imbento ko lang yan at ako
talaga ang pumatay kay Olivia. Malay natin hindi talaga tulog si April at nakita
ako pero dahil mahal niya ako, gusto niya talagang protektahan ako? Simple lang
naman kasi yan eh. Kung sino man ang pumapatay, magaling siyang magsinungaling. To
the point na pati siya, kayang lokohin ang sarili niya. Who knows, baka isa ako sa
mga killer.

Kaso may isang bagay na kanina pa nasa likuran ng isipan ko. Nuong papunta ako sa
kwarto nila Olivia, nakita ko si Kenly na lumabas ng pintuan.

ÃÃÃ

"Pre, gising na." naputol yung pagkaganda ganda kong panaginip dahil sa pagyuyugyog
sakin ni Jake. Badtrip. Mag kikiss na sana kami ni April eh. Lips to lips na yun
pero napurnada pa. Hanggang cheeks at panaginip lang kasi ang mga halik ko sa
kanya. Nakakatorpe kasi kahit girlfriend ko siya.
"Ang aga naman ata pre, anong oras naba?" pupungas pungas kong tanong.

"Anong maaga ka diyan, alas nuwebe na kaya. Gising na!" sabi tanggal niya ng kumot
ko.

"Alas nuwebe?" napabalikwas ako ng bangon nung narinig ko yun.. Ganun ako katagal
nakatulog? Di naman ako masyadong nagpakapuyat kagabi. Tsaka yung body clock ko
nakaset ng maaga kasi morning person ako. Weird. "Yung iba? Nauna na?"

"Di. Nakahiga parin yung iba. Tayo ata ang pinaka maaga eh, ewan ko nalang duon sa
kabilang kwarto."

"Baka nga nauna na yung mga yun. Gisingin nalang natin yung iba."

"Nice Idea."

Tapos ginising na namin yung mga kasama namin parang ang himbing himbing talaga ng
tulog nila. Bale dalawa lang ang hindi namin ginising. Yung isa ay si Eunice.
Personal Reasons. Yung isa naman ay si Marie, na nakatulog sa couch. Nadatnan ko
siyang nagbabantay kagabi kaya mukhang kaunti palang ang oras ng tulog niya.
Napapailing nalang ako. Nilagyan nalang namin siya ng unan tsaka kumot bago umalis
sa kwarto.

"Pre, magpahuli ka. May sasabihin ako sayo." Awat ko kay Jake nung mauuna sana siya
samin. Kwinento ko sa kanya na nakita kong lumabas si Kenly sa kwarto nila Olivia.

"Pre, sigurado ka diyan?" Halatang gulat na gulat siya sa narinig niya.

"Yeah. Pero hindi naman ibig sabihin nun na siya ang pumapatay diba?"

"Not one hundred percent. Pero dahil sa sinabi mo, nadagdagan ng mga 5 percent ang
possibility na maging siya ang killer." Napailing nalang ako nung pinasok nanaman
ni Jake yung perce percentage. Porke magaling sa math. "Si Kenly na ang may pinaka
mataas na probability."

"I see..." kung tutuusin, dapat na akong matuwa. Pero di parin. Sino ba ang
matutuwa na isa sa inyo ang pumapatay?

Natahimik na kami habang bumababa ng hagdan, parehong abala sa pagiisip. "Kyle,


look here. Nakakatawa yung mukha ni Kenly." Natatawang tawag sakin ni April.
Napailing nalang ako ng makita ko yung mga sulat sa mukha ni Kenly. Ayan nanaman
siya sa pantitrip niya.
"Ang aantukin naman nila Richalaine. Wala pa ni isa sa kanila ang bumabangon ah."
Narinig kong sabi ni Jerard.

"OMG, narinig mo yun Marie? Nauna tayo kay Richa! Yun kaya ang pinakamaaga satin."
Narinig ko yung sinabi ni Eunice. Gising na pala sila at mukha namang okay na siya,
parang wala na yung demonyong sumanib sa kanya. At napaisip rin ako sa sinabi niya.
Si Richa yung pinaka punctual samin. Ako yung second most punctual sa grupo. Kaya
nakakapagtaka na late siyang nagising. "Let's go there at sunduin siya, oh I can't
wait to rub it on her face."

"Guys, we'll just go and wake them up." Paalam samin ni Marie. Umoo nalang ako
tapos ginising ko na si Kenly. Napamura nga yung gago nung nakita yung mukha niya
sa salamin. Tumatawa nalang si April habang binibigyan siya nung masamang tingin ni
Kenly.

"Pre, now's the time." Narinig ko nalang na bulong ni Jake.

"Sigurado ka dre?" Ewan ko, parang wrong timing naman atang pagkagising na
pagkagising ni Kenly bubulabugin na namin siya.

"Oo, kung gusto mong malinaw ang lahat. Mas magandang maaga, mas mabilis matapos
yung problema mas madali." May punto siya, pero nandirito parin yun pakiramdam na
parang hindi parin ngayon ang tamang time. Pero para matapos na to, sige.
Tatanungin ko siya.
"Pare, may paguusapan tayo. Tara sa labas." Sabi ko sabay tapik sa balikat niya.

"Ang aga ata ah, pero sige maghihilamos lang ako. Napagtripan nanaman ako ng gf mo
eh." Natatawang sabi ni Kenly.

"Wag na, importante to." Seryoso kong sabi.

"Okay, ano ba kasi yun?" sumeryoso narin siya.

Kahit hindi ko sinagot yung tanong niya, mukhang naintindihan niya naman na ayaw
kong pagusapan dito sa loob yung issue dahil sumunod siya sakin nung naglakad ako
papuntang puntuan.

Pano mo ba uumpisahang sabihin sa isang tao na siya lang naman ang


pinagsususpetsahan mong pumatay sa kaibigan mo kasi nakita mo siyang lumabas dun sa
kwarto kung saan naganap ang krimen ng di siya nasasaktan o naooffend? "Pre, hindi
sa sinasabi kong ikaw. Tatanungin lang sana kita kung bakit--" Kaso nagambala kami.
Sabi ko na kasing hindi ngayon ang tamang panahon para tanungin to eh.
"Kung bakit ano?" tanong sakin ni Kenly.

Di ko na siya nasagot dahil tumakbo na ako diretso papunta dun sa pinanggalingan ng


sigaw ni Eunice. Parang nangyari na 'to kahapon eh. Kahit ganun yung ugali ni
Eunice, tropa parin yun.

Halfway through, napansin ko narin na kasabay ko na si Kenly. Nagets niya na siguro


kung ano yung nangyari. Lintik naman kasi eh.

Pagdating namin sa taas, nandun na silang lahat. Isang tingin palang sa likod nila,
kinabahan na ako. Shit naman eh, wag mong sabihing...

One, Two, Three, Four, Five.

Limang bangkay. Anim na kaagad ang nabawas samin ni wala pang 24 hours ang
nakalipas. Lintik lang talaga.

Tapos napatingin ulit ako. Limang bangkay? Nasaan si Kyamii?


[Chapter End]

##################################

~~The Prelude Wrapped In Darkness~~

##################################

Bloody Crayons

The Prelude Wrapped In Darkness

---------------------------------------------------------------------------

Mai

"Guys sa tingin niyo, sino ang pumatay kay Olivia?" narinig kong tanong ni John.
Nakahiga na kami ngayon sa kwarto at naghahanda nang matulog. Kaso alam ko namang
hindi kami makakatulog agad agad. Hindi dahil sa may namatay kundi dahil sa nasa
bingit rin ng kamatayan ang nga buhay namin. It's amazing how much fear can do.
"That's a very loaded question John." Sagot ko.

"I agree. Parang ang hirap sagutin ng tanong mo John." Segunda ni Richa.

"Pero may point si John, alam naman nating lahat na may pinagsususpetyahan tayo."
Kalmadong sabi ni Justin.

"Exactly my point. At tignan niyo, ang problema kasi satin, magisa nating sinosolve
yung challenge nung killer. Minsan kaya itry nating pagsama samahin yung mga ideas
natin at tignan natin kung ano ang logical at hindi?"

"Hmm, you have a point there. So, do you think this is the right time?" tanong
naman ni Kyamii.

"Why not? Kahit naman siguro hindi natin sabihin, tatlong tao lang ang suspects
natin." I guess it's the leader inside John that is talking right now. He's the
university's Student Government President. Natural na sa kanya na magtake ng role
ng leader. Idagdag mo pang napakatalino niya.
At tama siyang tatlo lang ang suspects namin. Kyle, Kenly, April.

Kasi kung sino man ang pumapatay, nasa kanila lang tatlo. Dahil kaming natitirang
sampu, nanduduon sa sala at nagiscrabble. Imposible naman sigurong pumatay ng nasa
second floor kung ikaw ay nasa first floor. Dagdagan mo pang napapalibutan ka ng
mga tao.

"I'm sold." Sabi ni Kyamii. "April."

"Kenly." Sabi naman ni Justin.

"Si Kyle at April." Napataas ang kilay ko ng narinig ko yung sinabi ni John.
Dalawa? Pero diba isa lang yung killer? Pero tama nga bang pagkatiwalaan namin yung
mensahe ng killer?

"Silang tatlo." sabi ni Kiko sabay punta dun sa upuan na malapit sa kumpol namin.
Nanahimik lang yan kanina pero nakikinig din pala.

"Kyle and April." Mukhang parehas sila Richa at John.


"Kenly naman sakin." Sagot ko narin.

"Okay. Kenly got 2 votes. April got 1. Two voted na magkasama si April at Kyle at
isa naman ang nagsabi na tatlo sila ang magkakasama." John paused to jot all of
that on a piece of paper. "Kyamii, bakit mo nasabing si April?"

"Simple, sa iksi ng lapse ng pagsigaw ni Olivia at sa pagdating natin, I doubt na


kaya pang magtago nung pumatay. Kaso, kung iisipin natin ng mabuti, kung
icoconsider natin yung alam natin sa killer at kung sasabihin nga nating si April
ang killer, bakit niya ijejeopardize ang sarili niya? Alam nating matalino ang
killer kaya bakit parang gumawa siya ng katangahan kung si April nga siya." Ano ba
yan, pati tuloy ako naguluhan sa sinabi ni Kyamii. "So hindi parin talaga ako
makapagdesisyon."

"I see, medyo nagcocontradict nga ang sinabi mo. Ikaw Justin. Why Kenly?"

"Simple lang din, kung yung killer nga ang nagsabotahe nung speedboat at nung
telepono, maraming time si pareng Kenly para isagawa yung mga yun. Pero kung
nagpapanggap nga lang talaga sila April at Kyle, di hamak na mas marami silang time
para isabotahe ang communication at means of escape natin."

"Contradictory din, pero pwede nang intindihin kasi parang ganun din yung theory
ko. Kung tutuusin, pwedeng nagpapanggap lang si April na may sakit siya para
magkaroon ng rason para mapunta siya sa kwarto. Tapos hihintayin nilang magsolo si
Olivia para maatake nila siya. Si Kyle ang maghahawak at pipigil sa pagpupumiglas
ni Olivia dahil mas malakas siya at hula ko, si April naman ang may gawa ng
panghihiwa. Kung titignan nating mabuti, napakabrutal nang pagpatay kay Olivia at
si April lang ang sadista sa ating grupo." Parang may mali. Pano kung hindi pumunta
si Olivia sa kwarto? Edi walang silbi yung plano. "Ikaw Kiko, bakit mo nasabing
tatlo silang gumawa?"

"Hula ko lang 'to, pero kung tatlo nga silang gumawa, baka ganito yung nangyari."
Sabi ni Kiko habang nagkakamot ng ulo. "Nagsakit sakitan si April para magkaroon
siya ng valid na dahilan para makapunta sa kwarto nila. Napagusapan na nila na
aawayin ni Kenly si Olivia para maging emotional 'to na magreresulta sa pagpunta
nito sa kwarto. Kaso hindi nila narealize na sasamahan ni Marie si Olivia kaya
walang nagawa si April kundi magtulog tulugan. Nang nakasigurado na siyang wala na
si Marie, duon niya na pinapasok sila Kyle at Kenly na nagtatago sa balcony ng
kwarto. Pero di nila narealize na naramdaman ni Olivia ang balak nila kaya
nakasigaw siya bago pa man matakpan ang bunganga niya. Dahil sa wala na silang
magawa, minadali na nila ang pagpatay kaya napakakalat ng crime scene."

"Nagtataka kayo kung bakit nagstay si April sa crime scene diba? May sagot din ako
run." Biglang ngumiti si Kiko ng napakalapad. Di ko namalayan na nagpaharap na pala
ako para marinig yung susunod niyang sasabihin. "Dahil nakita siya ni Marie."

"Dahil nakita siya ni Marie?" Paguulit ni Kyamii sa huling sinabi ni Kiko.

"Oo. Dahil nakita siya ni Marie. Hindi ba parang napakaweird naman ata na nakahiga
at natutulog si April nung hinatid ni Marie si Olivia sa kwarto nito pero nung
napatay na si Olivia, bigla biglang nagising at nawala si April?" Nanlaki yung mga
mata namin nung marealize namin yung sinasabi ni Kiko. It's possible. The heck.
Baka yun nga talaga ang nangyari. Yung tanong namin kung bakit parang ang tanga
naman atang move ang manatili si April kung siya ay killer ay nasagot ni Kiko.
"Gods! You're a genius Kiko!" Sabi ni Kyamii na parang natutuwa. Kaso pagkatapos ng
ilang segundo naging seryoso ulit yung mukha niya. "Pero kung silang tatlo nga
talaga ang killer, bakit naman nila iiincriminate yung sarili nila? Diba parang
tanga yun? Kaso kung titingnan mo, baka gumagamit lang sila ng reverse psychology."

"Ngayong nasabi ni Kiko maylabs yang proposition nya, napaisip tuloy ako. Baka nga
ganuon talaga ang nangyari. At dahil mas mahina yung argument ko dun sa kung bakit
si Kyle at April ang pinili ko na kung tutuusin ay parang ibang version lang ng
sinabi ni John, maniniwala nalang ako sa sinabi ng boyfriend ko." Katulad ng kay
Richa, parang ibang version lang rin ng kay John ang nasa isipan ko.

"Ako rin, dun nalang ako sa sinabi ni Kiko. Since yun naman ang pinakamalapit sa
katotohanan. Pero may something lang akong itatanong, pano kung unconsciously
ginagawa ng killer ang pagpatay?" Diba kailangan din naman nating tignan lahat ng
options? Tsaka sabi ng mom ko, leave no stones unturned, kaya mas magandang
pagusapan narin namin yan.

At kung ganun nga, baka pwede pa naming tulungan yung kaibigan namin. Baka
kailangan niya ng doctor or something.

"What do you mean unconscious? Tulog?" Napaface palm ako ng di oras sa tanong ni
Justin.

"Hindi Unconscious na tulog. Yung unconscious na baka may sakit lang siya sa utak
or something." Medyo naiirita kong sabi.
"Ahh, baliw?" Konti nalang babatukan ko na to. Ayaw magseryoso.

"Hindi baliw, alam mo yung..." Kahit anong pilit ko nasa dulo ng dila ko yung sagot
na nasa isipan ko. Itsura tuloy na parang nahawa na ako kay Justin. Nakakabobo.
"Ano ba yun? Di ko mahagilap yung term!"

"Ahh, parang ano, psychotic?" Panghuhula ni Richa.

"Ayun, tama ka Richalaine, psychotic lang siya. Diba pwede naman siguro natin
siyang kausapin or something?"

"Mai, parang baliw na rin yung psychotic eh." Sabi ni Richa sabay tawa ng konti.
Okay! Sorry naman.

"Ahh basta yun bang parang hindi niya alam na pumapatay siya. Diba pwede namang
mangyari yun?"

"Nope, parang imposible naman ata. Hindi naman porke psychotic ka, baliw ka na.
Pero kung psychotic nga yung pumapatay, dapat may thought disorders siya. Since ang
impression ko sa killer ay matalino, masasabi nating hindi pwede yun. Tsaka
premeditated murder to. Pinagisipan. Computerized ang message niya diba? Kaya
imposibleng hindi siya aware." Okay. I give up. Napapalibutan ako ng mga matatalino
dito.

"How about Alter Ego?" Nice one! Kaso ironic kasi kay Richa pa talaga nanggaling.
Eh parang siya nga yung may alter ego. May times na baklang babae siya at may times
na matino siyang magsalita.

"Alter ego? Mahirap nga yan. Kung alter ego nga ang labanan, malaki ang chance na
'unconscious' yung killer na pumapatay nga siya." Napangiti ako kasi bumalik
nanaman yung suggestion ko. Thanks Kiko!

"Alter ego nga ba talaga?" Tanong naman ni Justin. "Ano nga ba ang possibilities na
may alter ego yung pumapatay?"

"Malaki. Pero wag muna yun ang isipin natin. Diba sabi dun sa message, malaking
clue yung mga crayons? Ano ba meron dun sa crayons na yun? Ano ba ang ibig sabihin
ng maroon?" Oo nga pala. Meron pala yung issue tungkol sa crayons, buti pinaalala
ni John. Ano nga ba ibig sabihin ng Maroon?

"Maroon? Marami. Pero ang naaalala ko, kapag nanaginip ka ng tungkol sa maroon
naaalala mo yung something sa kabataan mo. Yun bang panahon na free ka. Baka ibig
pahiwatig sa atin ng killer na tumingin tayo sa past ng mga kaibigan natin. Baka
yun yung major clue." Sagot ni Kyamii. "Or maybe may kaibigan tayong nagbago pero
hindi natin nahalata or nalaman. Maybe that's what the killer is trying to tell
us."
"Kyamii, meron talaga yan?" Tanong ni Justin. Katulad ko, mukhang pati siya naamaze
rin.

"Yep, nabasa ko yan somewhere. Reader's Digest? Hindi ata. Basta nabasa ko yan
somewhere Justin. Hindi ko lang maalala kung saan."

"Let's just say na ganun nga yung gustong ipahiwatig satin ng killer since wala pa
naman tayong ibang clue. Pano natin malalaman yung nakatagong past ng mga kaibigan
natin?" tanong ni John.

Napailing nalang ako sa biglang pinuntahan ng topic. Kanina lang sakit sa utak.
Bakit ba kasi ganyan ang mga pinipili nilang topic? Puro masyadong demanding sa
cognitive skills.

Dahil sa tinatamad na talaga akong pakinggan sila, pinagala ko nalang ang mga mata
ko sa kabuuan ng kwarto. Itsura namang malinis ito. Ni isang agiw wala. Siguro
pinalinisan 'to or something, ay ang syunga. Baka may caretaker sila.

Pagpasok ko kanina sa sala, nakita kong napakaganda nung interior design nito. At
hanggang sa sala lang kaso buong bahay pala ang pinagkagastusan. May maliit na
chandelier na nakasabit sa mababang ceiling ng kwarto. Nakapatay ito dahil hindi
naman na namin masyadong kailangan ng ilaw. Sapat na ang isang maliit lang na lamp
na nakasindi. May mga paintings din sa pader, kaso dahil dim lang yung ilaw sa lamp
di ko makitang maayos kasi madilim nga. May mga rugs, cute curtains, matang
nakasilip sa pintuan.

Matang nakasilip sa pintuan?

Oh my god! Kailangan kong ipaalam sa kanila. Kaso nung sinubukan kong magsalita,
walang lumabas na boses mula sa lalamunan ko. I was paralyzed with fear.

At bago ko pa man makontrol yung sarili ko sa pagpapanic para maipaalam yung nakita
ko sa mga kasama ko, mukhang napansin na rin nung nakasilip na nakita ko siya.
Biglang nawala yung mata tapos may something na inihagis papasok dito sa kwarto.

Hindi ko alam kung poisonous o sleeping gas lang siya. I just found my vision
getting darker and darker until it became pitch black.

* * *

Kyamii

I woke up alone.
Hindi ko alam kung saang lupalop ako ng bahay napunta. Ang huli kong naaalala
naguusap kami tapos may usok then parang nawalan ako ng malay.

Ouch! Sa tuwing sinusubukan kong igalaw ang kamay ko, ibang klaseng sakit ang
nararamdan ko. Nang tinignan ko kung ano ang dahilan nanlaki ang mga mata ko.

Oh no... Oh my god... Mamatay na ba ako? Bakit may pulang crayola na nakatarak sa


kamay ko? Please, wag sana.

I wanted to scream for help. I wanted to shout.

But I can't speak.

I can't even scream. Puro ungol lang ang kaya kong gawin. Mas malala pa ako sa
baboy na naitali. Bakit niya ba nilagyan ng busal yung bibig ko? Ugh. Alam kong
walang saysay ang pagiyak, pero I just can't help it.

What's that ticking? A clock? A bomb?


Nang nilingon ko ito, nakita kong timer lang pala ito. A timer connected to a gun
pointed at me. I guess I'll really die. Unless maliligtas pa ako ng mga kaibigan
ko...

Mas lalong lumakas yung pagsargo ng mga luha ko ng makita ko yung dial sa timer:

Target: 9:45 a.m. Current time: 9:30 a.m.

Fifteen minutes? I don't think they'll be able to save me.

Please save me...

[Chapter End]
##################################

~~Mini Game~~

##################################

Bloody Crayons

Mini Game

--------------------------------------------------

Kenly

Ang hirap kung ikaw yung pinagsususpetsahan ng mga kaibigan mo na trumaydor sa


kanila. Ang hirap pala kapag ikaw yung iniisip nilang pumapatay.

Pero ang pinakamahirap pala ay yung pakisamahan sila habang ganun ang turing nila
sayo. Lalo na si Eunice. Pwede namang sabihin nang maayos. Pwede namang sabihin
nang mahinahon. Kung makaturo sa akin parang may ebidensiya siya.

Minsan natatawa nalang ako. Dati akala ko solid yung pagkakaibigan namin. Dati
akala ko malakas yung tiwala namin sa isa't isa. Kaso akala ko lang pala ang lahat.
Malalaman mo pala talaga kung sino talaga ang totoo mong kaibigan kapag
nagkagipitan na.

Ang sakit lang kasi sa pride na yung inakala mong pagkakatiwalaan mo, hindi ka man
lang pinagkakatiwalaan. Ang sakit lang kasing isipin na yung pinagsamahan niyo
ganun pala karupok na pwedeng masira dahil sa isang minuto lang ng galit at takot.

Ano kaya ang magiging reaksiyon nila kung sasabihin ko ang pangalan nang pumatay
kay Olivia?

* * *

Marie

Pinagmasdan ko ang mahimbing na pagtulog ng mga kaibigan ko. Nakakatuwa sila. So


peaceful. Wala ni isang trace ng takot sa nangyari kanina ang makikita sa mukha
nila.

Serene. That's the word that I can use to describe their faces. Naïve. That's
another one.
Nakakapagod pala kapag ganito. Hindi mo alam kung sino ang pagkakatiwalaan mo.
Palaging mayroong takot na baka ang kausap mo ang siyang papatay sayo.

Tapos hindi parin mawaglit sa isipan ko na ako ang pumatay kay Olivia.

* * *

Kenly

Ano kaya magiging reaksiyon nila kapag nalaman nila kung sino ang pumatay kay
Olivia? Sigurado ko naman na kapag ako ang nagsabi, maniniwala silang lahat sakin.
Tutal ang dali naman nilang nagpapaniwala sa kung ano ano diba?

Pumasok na ako ng resthouse nang makaramdam ako ng lamig. Nakakagago lang. Kanina
napakainit tapos ngayon napakalamig. Idagdag mo pang hindi ako nakapagdala ng
Jacket.

Umupo ako sa sofa at binalot ang sarili ko sa kumot. Dito nalang ako matutulog sa
sala kaysa samahan ko pa sila run sa kwarto nila. Alam ko naman kasing magiging
tensiyonado lang sila kapag meron ako run.
Pinikit ko ang mga mata ko para makapagpahinga yung utak ko kaso mas lalo lang
nagiging malinaw yung image ni Olivia na nakahilata sa higaan at duguan. Mas lalo
lang lumalaki yung konsiyensiya na nadarama ko.

Napakatanga ko kasi eh. Kung tutuusin ako naman talaga ang pumatay kay Olivia.

* * *

Marie

Hindi ko na napigilan ang sarili ko ng biglang tumulo ang mga luha ko. Napakatanga
ko kasi.

Kung hindi ko sana hinatid si Olivia run sa kwarto hindi sana siya napatay ng
killer. Sana hindi siya nagalaw ng killer. Sana buhay pa siya ngayon.

Minsan kasi galaw nalang ako nang galaw, react nalang ako nang react ng hindi ko
man lang iniisip yung kahihinatnan ng mga aksiyon ko. Kung sakit lang talaga siguro
ang katangahan, baka stage four na ang kondisyon ko.
Dahil sa padalos dalos ako, namatay si Olivia. Pinatay si Olivia. Nakakamatay pala
talaga ang katangahan. Nakakapatay palang talaga ang katahangahan.

Tinuyo ko yung mga luha sa mukha. Hindi ko gusto yung nararamdam ko ngayon. I'm
feeling anger. I hate it when I'm angry.

Matutulog narin sana ako ng makarinig ako ng kaluskos na nanggagaling mula sa


labas. Meron atang tao. Baka si Kenly na yun. Hindi niya nga pala alam na sa
kabilang kwarto siya dapat matulog. Baka akala niya dito parin siya sa kwarto
namin.

I'll go and fetch him.

* * *

Kenly

I killed Olivia.
Kung di ko sana siya inaway, baka buhay pa siya ngayon. Sana hindi siya pumunta dun
sa kwarto. Sana hindi siya namatay.

Pero hanggang sana nalang kasi talaga eh. Wala na kong magagawa para maibalik yung
panahon. I can't reverse the clock. In the end I'm just an asshole.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa sofa at naglakad patungong hagdan. Hindi parin
ako makatulog kaya pinili ko nalang na maglakad lakad.

"Kenly gabi na ah. Delikado rito, punta na tayo dun sa kwarto niyo." Nagulat ako
nung may nagsalitang babae sa tabi ko.

"Marie, anong ginagawa mo dito?"

"Sinusundo ka, ano pa ba?" Ngumiti siya pero imbis na matuwa ako, parang
kinilabutan ako sa ginawa niya. Hindi niya bagay ngumiti pag may nararamdamang
galit. "Ikaw naman kasi eh, wag ka nang magalit kay Eunice, she's just shocked."

Sa ating dalawa, ikaw ang galit ngayon. "Hindi parin kasi sapat na dahilan yun.
Tsaka halika na nga, delikado rito." Pagsakay ko nalang sa kanya. Meron akong
pakiramdam na hindi maganda ang kalalabasan kapag tinanong ko kung ano ang
kinakagalit niya.

"Wag kang magalala, armado ako." Sabi ni Marie sabay pakita sakin sa kutsilyong
hawak niya. "Ikaw ang delikado." Ngumiti nanaman siya nung nakakakilabot na ngiti
niya. "Pano kung ako pala yung pumapatay? Di nasaksak na kita. Halika na sa kwarto,
dun ligtas ka."

Kung kanina kinikilabutan ako sa ngiti niya, nanlamig yung buong pagkatao ko sa
takot ng inilabas niya yung kutsilyo na nakatago sa likuran niya. Bakit ba may
pakiramdam ako na...

"Uy Kenly! halika na. Ano ba!"

Papatay siya.

"Okay na ako duon sa sala. Baka kasi magising ko pa sila." Tanggi ko sa kanya.

"Eh? Sure ka? Delikado dun ano ba." Panghihikayat niya parin.
"Mas delikado kapag sumama ako sa inyo."

Napatahimik nalang siya ng marinig yung sagot ko. Mukhang alam niya narin kung ano
yung gusto kong ipahiwatig.

"Halika, hahatid na kita dun sa kwarto niyo." Aya ko sa kanya. Hindi naman siya
tumutol at naglakad nalang din. Pagkahatid ko sa kanya dun sa kwarto nila,
nagpasalamat siya sakin tapos sinara na ang pinto. Ako naman bumalik na sa sala at
natulog sa sofa.

Hindi ko namamalayan na may nakatitig pala sakin, kanina pa.

* * *

April

Limang bangkay.
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko habang tinititigan ko yung mga katawan
sa harapan ko. Ang weird pala sa pakiramdam. Kahapon buhay pa sila ngayon patay na
sila. Ang rupok pala talaga ng buhay.

Kung gugustuhin mo, pwede mong putulin.

Habang tumatagal yung pagtitig ko sa kanila, mas lalong lumalaki yung paghanga ko
kay Marie. Paano kaya niya nagagawang pumatay ng hindi siya nahuhuli?

Paano niya kaya napatay nang ganun ganun nalang si Olivia ng hindi man lang siya
narurumihan? And I like her style. She's definitely a sadist. Hindi lang pala ako
sa grupo ang sadista. Pati nga yung pagkakapatay dito sa limang ito. Oh my god. I'm
not even feeling any inch of pity.

Ano kaya ang magiging reaksiyon niya kung nilapitan ko siya para tumulong?

Pero bago yun, kailangan ko munang sagutin yung puzzle na iniwan niya.

Sa limang bangkay na nakaharap sa amin at nakaupo sa upuan kapansin pansin na may


mga crayons na nakatarak sa mga kamay nila.
Mai Justin Kiko John Richalaine

Almond Yellow Apricot Magenta Khaki

At dun sa mga kamay nila may mga letra na nakasulat gamit ang dugo.

T A C I T

Ano meaning nun? Ang alam ko kasing ibig sabihin ng tacit ay unspoken, implied or
inferred. Ano ngayon ang kinalaman nun sa pagkamatay ng limang to? Ito na ba yung
clue kung saan magpapakita samin nung bangkay ni Kyamii?

Kulang yung clue!

Nang inilibot ko ang paningin ko, may nakita ulit akong papel. This time, hindi na
siya computerize. Handwriting pero in bold so kahit anong gawin mo, hindi mo
malalaman kung kaninong penmanship ito.
Tsaka kahit naman hindi na eh. Kasi alam ko na kung sino ang pumapatay.

Si Marie.

Alam kong si Marie. Sigurado akong si Marie.

"May sulat uli oh." Sabi ko sabay abot kay Kyle nung papel. Binuklat niya yung
letter tapos binasa ang nilalaman nito ng malakas.

Naïve, Naïve, you're all naïve

My friends you're all naïve.

You're bitten once, you should be shy

Or else you all will die.

The killer's out there on the loose,

So you should look for clues.

Your thoughts delayed, you'll soon be slayed

You suck at the game you played.


And so here is a mini-game

To put you all to shame.

When the time is up, the gun will fire

So she'll have to retire.

P.S.: You have up to 9:45. If you still haven't solved the puzzle, then my bad,
she'll die the most painful death. Can you find her? Happy gaming!

Sincerely yours,

The killer <3

[Chapter End]
##################################

~~Take Me High~~

##################################

Bloody Crayons

Take Me High

-----------------------------------------------------------------------------

Jake

"Pre, gising na." sabi ko habang niyuyugyog si Kyle. Ang weird nga eh. Hindi naman
ako mantika kung matulog pero ito yung first time na tinanghali ako ng gising.
Tapos yung iba ko pang kasama ganun din. Alam ko nakakapagod yung nangyari samin
kahapon pero yung sabay sabay kaming tinanghali ng gising... Weird.

"Ang aga naman ata pre, anong oras naba?"

"Anong maaga ka diyan, alas nuwebe na kaya. Gising na!" Ang normal na gising ko ay
5:00. Morning person ako eh. Kaya ang weird talaga. Tapos nung nagising pa ako,
groggy yung pakiramdam ko at meron din yung parang amoy mabaho. Parang...

Sleeping gas.
My father is the tactical commander of Special Weapons And Tactics kaya familiar na
sakin ang amoy ng sleeping gas. At sigurado ako na ang naamoy ko ay trace smell
nito. Mukhang binomba kami kagabi. Kaso may isang malaking tanong na naiiwan sa
utak ko.

Bakit walang nasaktan sa amin?

Kasi kung tinapunan nga talaga kami ng sleeping gas, isa lang ang posibleng may
motibo na gumawa nun. Yung killer. At isa lang ang naiisip kong dahilan kung bakit
niya kailangang bombahin kami ng sleeping gas. Para hindi kami makapanlaban kapag
umatake na siya.

Pero bakit walang nasaktan samin?

At ano ang ibig sabihin ng sleeping gas? Bakit niya kami binomba kung hindi naman
pala niya kami kakantiin? Warning ba 'to na masyado kaming defenseless? O gusto
lang ipakita ng killer na kontrolado niya ang sitwasyon? Kung tutuosin, pwedeng
pwede yung dalawa. Masyado nga kaming naïve, masyadong defenseless. Siguro kasi
inisip namin na hindi agad agad pwedeng umaksyon ang killer.

Nang ginising namin yung mga kasama namin sa kwarto, napataunayan kong tama nga
yung hinala ko. Lahat groggy. Sigurado na talaga ako na nasleeping gas kami.
Pinakitaan ako dati ng dad ko ng footage ng epekto ng sleeping gas pati na kung ano
ang itsura ng taong naexpose rito kapag gumising. At kahit ayaw kong tanggapin,
parehas na parehas ang mga itsura ng kasama ko dun sa lalakeng nasa footage.
Kaya bumabalik ako dun sa una kong tanong. Bakit walang nasaktan samin?

Warning nga lang ba o show of power? Alam kong hindi fickle minded ang pumapatay
samin. Lahat ng aksiyon niya ay parte ng isa pang mas malaking aksiyon.

Planado.

Alam ko ring matalino yung killer. Pero napagisipan ko kagabi na hindi yun yung
pinaka delikado sa kanya. Meron pa dapat kaming pagingatan. Something na hindi mo
aakalaing nakakamatay dahil most of the time, positive asset siya.

Magaling siyang mag adlib, mag adapt. He's very resourceful.

Kung isang killer lang na planado to the smallest detail ang kalaban namin, pwede
naming sirain ang mga plano niya kung magbabago kami ng plano in the last minute.
Do something insane and unexpected. Pero ramdam kong iba siya. May framework at
strategy ang mga plano niya pero at the same time, flexible rin. Na kahit on the
last minute, pwede niyang baguhin para sa ikabubuti niya.
Oo nga at nagplano siya ng mga bagay bagay bago pa man kami pumunta rito sa isla,
pero maraming bagay din ang nangyari na hindi niya kayang ipredict.

Isa pang bagay na napansin ko ay kaya niyang imanipulate ang mga pangyayari. Kaya
niyang magtago. Kaya niyang umakting. Tatlo ang suspects sa pagpatay kay Olivia. Si
Kyle, Kenly at April. At alam ko rin na may pangapat. Si Marie.

Kasi kung tutuusin, siya ang may pakana kung bakit kami napunta rito. Siya ang may
alam talaga sa lugar. Kung may magpaplano man ng pagpatay dito sa isla siya yun.

Pero hindi eh. Yang line of reasoning na yan ay napakacommon. Napaka obvious.
Napaka unbelievable. Kasi kung totuo nga na plinano lahat 'to ni Marie, bakit siya
magpapaka obvious? Obvious naman from the start na siya yung isa sa
pagsususpetyahan kaya anong silbi ng "GAME" na inilatag ng killer?

Yung sinabi pa ni April na si Marie daw yung killer kase nakita niya yung mga
nangyari sa pagpatay kay Olivia. Puro flaws. Kung si Marie nga ang pumatay kay
Olivia, bakit delayed ang sigaw? Isa lang ang naiisip kong dahilan,
naghahallucinate si April ng mga panahong yun. Kaya alam kong hindi kasali si Marie
sa mga pumapatay. Hindi rin si Kenly. Oo nga at sagad sa obvious na siya ang
tinuturo ng ebidensiya pero hindi eh, pakana lahat 'to ng killer. Inosente rin si
Kyle at April. Pakiramdam ko, nasetup yang apat na yan. Kung sino man ang killer,
nagtatago siya ngayon at hindi siya active sa mga discussion namin. Pinapanood niya
yung mga aksiyon namin pati narin yung mga opinions namin. Pupusta ako na everytime
na may magsasalita samin tungkol sa identity ng killer, pinipigilan niyang tumawa.
Pero sino?

"Pre, magpahuli ka. May sasabihin ako sayo." Nabasag yung konsentrasiyon ko dahil
sa biglang pagsasalita ni Kyle. Tumigil ako sa paglalakad at pinakinggan ko yung
sasabihin niya.

Napaisip ako. Isa nanamang ebidensiya 'to na nagtuturo kay Kenly. At self-
incriminating pa. Kaso hanggang hindi umaabot sa 90 percent yung probability na
siya nga talaga ang killer may posibilidad paring nasetup siya. Malaki rin kasi ang
posibilidad na nandudun sa mga 10 percent lang ang pumapatay. Kailangan lang naming
makita yung link sa ebidensiyang kayang magdagdag ng 80 percent. At isa lang ang
naiisip ko, yung mga crayons.

"I see..." sabi nalang ni Kyle na parang nagiisip ng malalim. Ako man ay nagpatuloy
din sa pagiisip. Pakiramdam ko talagang malapit ko ng malaman kung sino ang killer.
Isang ebidensiya nalang.

Pagdating namin sa sala, nanibago ako. Parang ang peaceful nung pakiramdam. Kahapon
lang sobrang tense kami. Takot na takot. Tapos ngayon napakakalmado naming lahat.
Siguro kasi wala si Eunice.

Pero kahit peaceful nga yung pakiramdam, parang may hinahanap yung isipan ko.
Parang may kulang. Parang may hindi pa ako narerealize na importante.
"Ang aantukin naman nila Richalaine. Wala pa ni isa sa kanila ang bumabangon ah."
Napalingon ako nung narinig ko yun. Tama siya. Wala pang nandirito sa sala
nanggagaling sa room 1 maliban kay Kenly. At mukhang dito pa siya sa sala natulog.
Nasleeping gas din sila?

"OMG, narinig mo yun Marie? Nauna tayo kay Richa eh yun yung pinaka maaga satin."
Shit. May masamang kutob ako. Kumpleto na ngayun kaming mga nasa room 2 pero wala
parin talagang bumababa sa room 1. "Let's go there at sunduin siya, oh I can't wait
na ipamukha na nauna tayo sa kanya."

"Guys, we'll just go and wake them up." Umoo nalang ako tapos umupo sa sofa sa tabi
ni Kenly. Mukhang napasarap ng tulog nito. Habang ginigising ni Kyle si Kenly,
nakakita ako ng tsansa na masagot kung bakit lumabas ng kwarto nila Olivia si
Kenly.

"Pre, now's the time."

"Sigurado ka dre?"

"Oo, kung gusto mong malinaw ang lahat. Mas magandang maaga, mas mabilis matapos
yung problema mas madali." Tapos nung itsurang napapayag ko na si Kyle, iniwan ko
na siya para makipagusap kay kenly. Pinagisipan ko nalang kung pano nagawa ng
killer yung trick sa pagpatay kay Olivia. This time ang pinili kong suspects ay
yung mga nagiiscrabble. Alam kong imposibleng mangyari na isa sa kanila ang
pumapatay. At tutuusin, dahil itsurang imposibleng isa sa mga nagiiscrabble ang
pumatay, hindi na inisip masyado ng mga kasama ko na baka may trick na ginawa ang
killer.
Ibig sabihin, kung isa nga sa nagiiscrabble ang killer, nagawan niyang
proteksiyonan ang sarili niya mula sa pagsususpetsa namin.

Pero paano? Anong trick ang ginamit niya? Kailangan kong malaman. Konti nalang.
Malapit na eh.

Kaso biglang nawala lahat. Nasira yung concentration ko sa sigaw ni Eunice. Bumalik
nanaman yung masamang kutob ko. Yung pakiramdam na may masamang mangyayari.

Bigla biglang nasagot yung tanong ko kanina pa. Sabi na eh, may dahilan kung bakit
nasleeping gas kami. Para kung may sumigaw man dun sa room 1, hindi namin maririnig
at matutulungan.

At meron din yung pakiramdam na walang makakaligtas dun sa anim na nasa Room 1.

Dali dali akong tumayo at tumakbo papunta kina Eunice. Pagkakita ko sa itsura
nilang dalawa, kahit hindi ko pa alam o nakikita yung nasa loob, alam ko na na tama
yung pakiramdam ko na lahat silang anim ay nabiktima. Biglang sumikip yung dibdib
ko. Mai...
Hindi. Hindi pwede yun. Alam kong makakaligtas si Mai. Hindi siya pwedeng mapatay.
Please Lord, nagmamakaawa ako sa inyo, wag si Mai.

Kaso mukhang huli na ang pagdarasal ko na mailigtas siya. Siya pa yung nasa unahan
ng linya ng mga bangkay. Langya lang. Bakit ganun? Bakit siya pa?

Ganito pala ang pakiramdam kapag may nawawalang importante sayo.

Kung binalak ng killer na panghinaan kami ng loob sa ginawa niyang ito. Nagtagumpay
siya. Wala na akong pakealam. Ayaw ko na. Hihintayin ko nalang na patayin niya rin
ako. Sa tatlong taon na naging mag-on kami ni Mai, alam ko na siya na yung babaeng
pakakasalan ko. From highschool pati na ngayung college kami, siya parin. Parehas
pa nga yung kinuha naming kurso eh.

Tapos sa isang iglap lang, mawawala na lahat. Ayaw ko na. I give up.

Kung tutuusin, kaya ko naman pinipilit yung sarili ko na sagutin yung puzzle at
hanapin yung killer ay dahil sa kadahilanang gusto ko siyang iligtas. Pero ngayong
wala na siya. Wala narin akong pakialam.
"Jake, kunwari nasa malaking panganib ako. Handa ka bang mamatay para sakin?"

"Hindi."

"Eh? Bakit? Kala ko ba mahal mo ako. I hate you!"

"Eh kasi, ayaw kong mamatay para sayo. Gusto nga kitang makasama ng panghabang
buhay diba? Kung namatay ba ako na niligtas kita, gugustuhin mo ba?"

"Hindi..."

"Kitams. Pero kung tatanungin mo kung handa akong gawin ang lahat para iligtas ka,
oo ang sagot ko. Gagawin ko ang lahat para maligtas ka. Kasi ganun kita kamahal."

Gagawin ko ang lahat para iligtas ka. Bakit ko ba naalala yang conversation namin
ni Mai? In the end puro salita lang pala talaga ako. Ni wala nga akong nagawa eh.
Ni hindi nga ako nakapalag eh. In the end, isa lang akong madaldal na lalake na
puro hangin ang mga salita.
Walang kwenta sa walang kwenta. Tanga sa tanga. Naïve. Ulul.

Mai, sorry...

"Jake. Patay na si Olivia, meron na yung possibility na pati ako mamatay."

"Kung sakaling mamatay ako Jake--"

"Wag ka ngang magsalita ng ganyan Mai. Baka magkatotoo."

"May possibility Jake. Kaya gusto kong magpromise ka na kapag mamamatay man ako,
gusto kong lumaban ka. Gusto ko na isa ka sa makakalabas ng isla ng buhay."

"Tigilan mo nga yang sinasabi mo. Kung makakalabas man ako sa islang ito ng buhay,
yun ay kasama ka. Walang mamamatay sating dalawa."
"Maganda ngang isipin yan. Pero magpromise ka na lalaban ka. Wag kang papatalo dun
sa killer.

"Tumigil ka na sabi eh. Di maganda yang biro mo.

"Basta magpromise ka."

"Okay, okay. I promise. Can we drop the topic?"

Nagpromise lang naman ako nun para matigil na yung usapan. Hindi ko naman
inaakalang mangyayari talaga. Tsaka wala na akong pakialam sa promise promise na
yun.

Kasi kung wala na yung taong pinagpromisan mo, wala naring silbi yung promise diba?
Kaya wala na akong pakealam. Panalo na yung killer.

Ganun nalang ba yun Jake? Di mo man lang ba ako ipaglalaban? Di mo ba ako hahanapan
ng hustisya?
Hindi ko alam kung dahil sa masyado akong depressed kaya parang naririnig ko yung
boses ni Mai. Siguro nga nababaliw na ako. Pero tama siya. Wala pa akong karapatang
mamatay. Hindi pa ako pwedeng mamatay. Kailangan ko munang mahuli yung killer at
mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Mai. At kapag nagawa ko na yun, dun lang ako
pwedeng mamatay. Dun lang ako pwedeng magpakamatay.

This time, sigurado na ako sa gusto kong mangyari. I'll find the killer or at least
die trying.

1, 2, 3, 4, 5. Limang bangkay na may mga nakatarak na crayons sa kanang kamay. At


dun naman sa kaliwa nilang kamay eh may mga letrang nakasulat. T A C I T.

Tacit? Inferred? Ano meaning nun?

Tsaka bakit ganun? Kulang ng isa. Nasan si Kyamii?

"May sulat uli oh." Narinig kong sabi ni April sabay abot kay kyle.
Nung nabanggit ni Kyle yung 9:45, dali dalian kong tinignan yung relo ko.

9:38

Seven minutes. Masyadong kokonti yung natitirang time. Nasan yung puzzle?

Nilibot ko yung mata ko sa buong kwarto tapos nung tiningnan ko yung kaliwang kamay
nila, nakita ko uli yung mga letters na nakasulat. T A C I T.

Hinablot ko yung letter sa pagkakahawak ni Kyle at tinignan ito. Tama yung hinala
ko. Handwritten. Pero nakabold para hindi mahalata ang penmanship.

Ang nakakatakot na asset ng killer ay yung adaptability niya. Magaling siya sa


magaling. Pero magaling din siyang mag adapt sa mga pangyayari.

Nagawa niyang gamitin yung paghahati namin ng kwarto. Walang silbi yung there is
safety in numbers sa kanya.
Walang silbi ang intimidation sa kanya.

Hindi siya natatakot. Confident siya. Cool and precise. Manipulative. Adaptive.
Coy. Cunning. Intelligent. A very dangerous combination.

Pero sino sa amin ang nagpopossess ng ganyang quality?

T A C I T

A T T I C

Nasa attic si Kyamii. "Nasa attic si Kyamii." Simple lang yung puzzle. Jumbled
letters lang. Non threatening. Except kung naging pabaya kami.

9:41
"Attic? Sigurado ka jan Jake?" tanong ni Jerard na itsurang tense na tense. Alam ko
yung pakiramdam niya. Nasa panganib din yung taong mahal niya.

"Wag. Wag kayong pumunta." Narinig kong sabi ni Eunice. Tumigil na siya sa kakaiyak
dun sa paanan ng bangkay ni John. Napalitan na yung desperation niya ng anger.
Parang ako lang. Pero iba yung galit ko sa galit na nararamdaman niya. Yung sakin
controlled, yung sa kanya ay yung untamed na klase ng anger. Explosive.
Destructive. Delikado ang lagay niya.

"Wag kayong pumunta." Paguulit niya sa sinabi niya.

"Pwede ba Eunice, four minutes nalang ang natitira. Kung ayaw mo, ako nalang ang
pupunta." Asar na sabi ni Jerard. "Marie nasaan ang attic?"

"Wag kayong pumunta." Ulit parin ni Eunice. "Baka patibong yan. Baka lahat tayo
mamatay."

"Shut up Eunice. Shut up! Marie, nasaan yung attic?"

"Wag mong sabihin Marie. Patibong to. Naisip niyo ba kung bakit siya lang ang
iniwang buhay? Bakit hindi si John? Baka kasi, si Kyamii ang killer. At kapag
pumasok tayo sa attic, pagpapatayin niya tayo."

9:42

"Shut up. Just shut up Eunice! Marie, nasaan yung attic?" this time desperado na si
Jerard.

"Marie, sabihin mo na." pati ako nakikiusap na rin kay Marie. I found myself
sympathizing with Jerard. Alam ko ang pakiramdam ng mawalan. Ayaw kong maramdaman
niya ang nararamdaman ko ngayon.

"Sundan niyo ako." Mangiyak ngiyak niyang sabi sabay takbo palabas ng kwarto.

9:43

"Oh my god. Ipapahamak niyo lahat tayo. May trap. May trap sa taas." Naghihisterya
paring pigil samin ni Eunice habang sumusunod siya.
"Shut up!" sabay sabay naming anim na angil sa kanya.

"Hindi niyo alam ang pinapasok niyo! May trap diyan sa loob!"

9:44

Humihingal kaming tumigil sa harapan ng pinto ng attic.

"May trap sa loob niyan!" wala nalang pumansin kay Eunice habang binubuksan namin
yung pintuan.

"Nakalock!" parang asong nasipa yung boses ni Jerard.

"Pwersahin natin." Sabi ni Kenly habang lumalayo siya para kumuha ng buwelo.

"One, two, three!" sigaw niya habang tumakbo ng mabilis papuntang pintuan.
Pero kahit anong lakas ang pagbalya niya, hindi parin bumibigay yung pintuan.

9:44:20

"Dalawa na tayo Kenly." Sabi ni Kyle habang kumuha rin ng buwelo.

"One, two, three!" Sabay na tumama ang likuran nila Kenly at Kyle sa pintuan pero
katulad ng nangyari kanina, hindi parin gumagalaw ito.

"Shit! Bakit ayaw bumigay?" naiiyak nang sabi ni Marie. Kung wala sana kami sa
ganitong sitwasyon, mapupuna ko sana na nagmura siya.

"Kung ayaw ng dalawa, tatlo tayo." Tutulong na rin ako. Kailangang maligtas namin
si Kyamii no matter what.

9:44:35
"One, two, three!" This time, thank God, bumigay narin yung pintuan. Dali dali
kaming pumasok sa loob.

Nakaupo sa isang upuan si Kyamii, nakatali at may busal. May blindfold na


nakatabingi kaya nakikita yung isang mata niya. At nung nakita niya kami, napaiyak
siya.

"Wag kayong lalapit! May patibong!" patuloy parin si Eunice sa pagsasabing


patibong.

Hindi siya pinansin ni Jerard na tumakbo palapit kay Kyamii.

Pero mukhang nahuli na siya. Bago pa man siya nakalapit, umalingawngaw na ang putok
ng isang baril.

Napatingin ako dun sa relo ko.


9:45

Nahuli kami.

[Chapter End]

##################################

~~The Hell Inside~~

##################################

Bloody Crayons

The Hell Inside

-------------------------------------------------------------------------

Kyle

"Nasa attic si Kyamii." Attic? Onga no, ang TACIT pag rinearrange mo yung mga
letters magiging ATTIC. Pagdating sa logic, patterns and numbers magaling talaga si
Jake.
"Attic? Sigurado ka diyan Jake?"

"Wag. Wag kayong pumunta." Narinig kong sabi ni Eunice. Oh come on, bakit ganito
nanaman ang ugali ni Eunice? Parang yung ugali niya kahapon. Mabilis ba talagang
mapressure yang babaeng yan?

"Wag kayong pumunta." Paguulit niya sa sinabi niya.

"Pwede ba Eunice, four minutes nalang ang natitira. Kung ayaw mo, ako nalang ang
pupunta." Asar na sabi ni Jerard. "Marie nasaan ang attic?"

"Wag kayong pumunta." Ulit parin ni Eunice. "Baka patibong yan. Baka lahat tayo
mamatay."

Patibong. What are the chances na may patibong sa taas? Kung tutuusin, malaki. Pero
dapat ba talaga kaming maniwala kay Eunice?

Dapat ba naming isakripisyo ang buhay ni Kyamii para maligtas kami? O baka naman
siya ang pumapatay? Hindi eh. Malabo. Kung totoo nga ang sinabi nilang hindi siya
umalis dun sa game nila ng scrabble, air tight ang alibi niya. Walang butas at
inosente siya.

Pano kung may ginawa siyang trick? Yung trick na sobrang hirap imaginin kaya hindi
siya mapapagsuspetyahan?

Nagpatuloy pa sa pagdidiskusyon ang dalawa hanggang sa bumigay si Marie at tumakbo


papuntang attic. At all this time, hindi tumigil sa pagdadada si Eunice na may
patibong daw.

Alam kong apektado siya sa pagkamatay ni John kaya siya nagkakaganito. Pero kahit
na parang nababaliw na siya, nararamdaman kong may sense parin ang sinasabi niya.
Parang bait si Kyamii para papuntahin kami sa isang patibong. Para kaming mga daga
na lumalapit sa pusa.

Kaso habang salita siya ng salita tungkol sa trap, may biglang pumask sa isipan ko.
Parang may napansin akong kakaiba sa inaakto niya. Parang gusto niya kaming
idelay. Parang ayaw niya talagang makarating kami sa attic bago ang time limit.

Baka hindi niya na namamalayan na naging innermost wish niya na ang mamatay kaming
lahat. It's just a feeling, pero I usually follow my instincts.

"Hindi niyo alam ang pinapasok niyo! May trap diyan sa loob!"
Habang napuntahan na namin ang pintuan ng Attic, tinignan ko yung oras dun sa
orasan sa may pader.

9:44 Shit. Halos isang minuto nalang.

"May trap sa loob niyan!"

"Nakalock!"

"Pwersahin natin."

Habang patagal ng patagal, nauubos yung isang minuto. Nakailang balibag na kami sa
pinto pero ayaw paring bumukas. Napamura nanaman ako. Ang daya ng killer. Bakit
niya pa kailangang ilock ang pinto?

Isang buwelta pa at saw akas bumukas narin yung pintuan. Kaso nung tinignan ko yung
orasan ko, napuno ako ng kaba. Halos wala ng sampung segundo ang natitira.

Madilim yung attic pero dahil nakabukas yung malaking bintana sa dulo, para naring
may ilaw na nakasindi. Maalikabok yung sahig at may isang pares ng paa na nakabakat
rito. Papunta at pabalik. Markang iniwan ng killer? Kung ganun nga, ibig sabihin
pwede naming malaman kung sino ang killer gamit yung pattern dun sa swelas ng
sapatos.

9, 10, 11, 12, 13, 14. Fourteen na pares ng hakbang. Para talagang ginagago niya
kami. Nakakainit lang ng ulo kung titgnan mo yung distance in between ng mga
footprints. Normal lang yung mga ginawang hakbang ng killer. Gusto niya bang
iparating samin na hindi siya natatakot o nagmamadali nuong nilagay niya si Kyamii
rito sa attic?

Si Kyamii!

Hindi ko na kailangan ng masusing paghahanap kasi kapansin pansin siya. Tsaka kung
titignan mo yung mga footprints, humahantong ang mga ito sa kinalalagyan niya.

Nakaupo siya, hindi pala, nakatali siya sa isang upuan na nasa sentro ng attic. May
busal sa kanyang bibig tapos yung blindfold niya ay parang natanggal kasi yung isa
niyang mata nakikita. Umiiyak siya. Bakit?
"Wag kayong lalapit! May patibong!" at the same time na sinabi ni Eunice yun, sakto
namang tumakbo si Jerard papunta sa kinalalagyan ni Kyamii. Pero nahuli siya.
Nahuli kami.

Umalingawngaw ang putok ng baril.

9:45

Parang dugo ang kulay ng mga numerong nakadisplay sa timer na nakapatong sa lamesa
sa tabi ni Kyamii. Parang kaluluwa naman ang puting usok na lumalabas sa baril na
kapuputok lang.

Hindi kapani paniwala. Parang nasa pelikula lang kami.

Pero totoo to. Totoo yung amoy ng gunpowder. Totoo yung tunog ng baril. Totoo yung
kulay ng pulang likido na nagmamantsa sa kamay ni Jerard.

"Shit. Kyamii! Wag kang mamatay please!" nanghihinang sabi ni Jerard habang
tinatanggal ang mga tali na nakapalibot kay Kyamii.
Para kaming naestatwa, para kaming tinubuan ng mga ugat. Hindi makagalaw, hindi
makapagsalita. Ibang iba 'to sa mga nangyaring pagpatay. This time, nakita namin sa
harapan namin, nakita namin mismo na may namatay.

"Kyamii, please! Lumaban ka. Lumaban ka." Kung meron mang boses na puno ng
pinaghalo halong desperasyon, takot, pangamba, galit at poot siguro yun na yung
boses ngayon ni Jerard. Kahit pa gusto kong sabihing naiintindihan ko yung
kalagayan niya, alam kong lolokohin ko lang ang sarili ko.

Hindi ko pa nararanasang mamatayan ng mahal sa buhay. Hindi ko pa alam kung ano ang
pakiramdam ng mawalan ka ng isang importanteng tao sa buhay mo. At wala akong balak
maranasan. Kung sino man ang pumapatay, dapat na siyang mapigilan.

"Jerard. Patingin ng tama ni Kyamii." Eunice's cold voice cut through my dazed
mind. Parang biglang nagkaroon ng gravity na humila pabalik sa lumulutang kong
utak.

Saan nga ba tinamaan si Kyamii? Hindi sa ulo, sigurado ako.

Ni hindi man lang tumutol si Jerard. Nilapag niya ang humuhinga paring si Kyamii sa
maruming sahig at pinayagang tignan ni Eunice.
Humihinga pa si Kyamii. Paulit ulit na tumatakbo sa utak ko. Buhay pa siya.

Parang nawala yung pagkakaestatwa namin. Sabay sabay kaming lumapit sa tabi ni
Eunice.

"This is bad. Oh my god..." yun nalang ang nasabi ni Eunice habang tinitignan ang
maliit na butas sa bandang tiyan ni Kyamii.

Hindi ko maintindihan. Panong naging masama yun? Kakaunti lang naman ang lumalabas
na dugo. Hindi malala ang tama niya.

"This is really bad." Hindi ko talaga maintindihan kung ano yung pinagsasasabi ni
Eunice. At mas lalo kong hindi maintindihan kung bakit niya kinuha yung baril.

"E-Eunice, anong ginagawa mo?" gulat na gulat na tanong ni Marie habang


pinagmamasdan si Eunice. Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako
nagulat. Magsisinungaling ako kung sasabihin kong wala lang sakin ang nakikita kong
pagtutok niya ng baril sa ulo ni Kyamii. Magsisinungaling ako kung sasabihin kong
hindi ako nakaramdam ng kilabot sa nakikita ko ngayon.

"Kailangang gawin 'to Marie. Para rin sa ikabubuti ni Kyamii." Malamig na sabi ni
Eunice habang ang daliri niya ay gumagalaw para kalabitin ang gantilyo ng baril.

"Putangna mo Eunice! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" galit na sabi ni Jerard.
Siguro dahil sa galit o baka sa gulat kaya napalakas yung tabig niya kay Eunice
dahil parehos silang tumalsik ng baril na hawak niya.

"Hindi mo naiintindihan Jerard, kung hindi natin siya papatayin, mas masakit ang
mangyayari sa kanya!" pasigaw na sabi ni Eunice habang pilit inaabot ang baril na
tumilapon sa sulok.

"Ikaw ang hindi namin maintindihan Eunice." Sumabat narin si Kenly sa usapan. Dali
dali niyang pinulot yung baril at itinapon malapit sa pintuan ng attic. "Bakit
gustong gusto mong tapusin ang buhay ni Kyamii?"

"Para sa ikabubuti niya rin ito. Hindi niya ba napansin kung saan siya tinamaan?"
tatakbo sana si Eunice para kunin ulit ang baril pero napigilan ko na siya. Sa
tiyan tinamaan si Kyamii. Ano ngayon? Pwede pa siyang mabuhay kasi hindi naman
fatal yun.

Kaso nagpakatanga nanaman kami. Hinayaan nanaman namin ang mga sarili namin. Tama
pala siya. Kasi habang kasulukuyan ko siyang pinipigilan, biglang sumigaw si Kyamii
na kinagulat naming lahat. Yung sigaw na punong puno ng sakit.
Pinagpag ni Eunice ang suot niya bago magsalita. "Nabaril siya sa tiyan. May
punctured stomach siya at ang ibig sabihin nun, tatagas ang mga digestive juices
niya at ngayon ay tinutunaw na ang mga lamang loob niya. Kung talagang gusto niyo
ang ikabubuti niya, kailangan na nating wakasan yung sakit na nararamdaman niya."
Paliwanag ni Eunice habang pinupulot ang baril. Ni hindi ko na nga napansing
nakawala na pala siya sa pagkakahawak ko. "At magtatagal yan ng 15-20 minutes."

Parang nasa panaginip ako habang paulit ulit na tumatakbo sa isipan ko ang sinabi
ni Eunice.

Ibig sabihin, yung digestive juices niya ay tumagas at ngayon ay tinutunaw na ang
mga lamang loob niya. Fifteen to twenty minutes siyang mahihirapan.

Anong klase ng tao ang kayang sumikmura ng ganito?

"Hindi." Matigas na sabi ni Jerard habang niyayakap ang patuloy paring pumapalahaw
na si Kyamii. "Hindi ako naniniwala sayo Eunice. May pagasa pang iligtas si
Kyamii."

Tinutunaw na ngayon ang mga lamang loob niya. Unti unting nalulusaw at natutunaw
ang mga ito. Kahit anong pilit kong gawin, paulit ulit parin na tumatakbo ang
masakit na katotohan sa aking isipan.
"Pare, alam kong alam mo na yung sinasuggest ni Eunice nalang ang tanging paraan."
Sabi ni Jake kay Jerard habang pilit siyang hinihiwalay kay Kyamii.

"Pero..." nanghihinang sabi ni Jerard. "Wala ba talagang paraan?" masakit sa


damdamin kapag nakakakita ka ng umiiyak na babae. Pero ngayong nakikita kong
umiiyak yung kaibigan kong lalake...

"J-jerard... p-please, pakawalan mo na ako. H-hindi ko na kaya ang s-sakit."


Nahihirapang sabi ni Kyamii bago ulit siya napasigaw sa sakit.

Ano ba ang pakiramdam habang natutunaw ang mga lamang loob mo? Ulcer? Hindi eh. Mas
malala pa sa ulcer. Sagad ang lala sa ulcer. Siguro parang uminom ka ng asido.
Siguro parang may sunog sa loob ng katawan mo. Kung ano man ang katumbas ng
nararamdaman ngayon ni Kyamii, hindi ko malalaman. Pero isa ang sigurado ako.
MASAKIT. NAPAKASAKIT.

"Pero Kyamii---"

"Jerard, please?" Nagmamakaawang pakiusap ni Kyamii.

Tumango nalang si Jerard at binigyan ng huling mahigpit na yakap si Kyamii bago


tumango kay Eunice. "I love you."
Kahit nakakaramdam siya ng matinding sakit, napangiti si Kyamii ng narinig niya ang
sinabi ni Jerard. "I love you too."

Siguro ganito nga talaga ang dapat mangyari. Siguro ganito nga dapat ang tamang
gawin namin.

Pero ang daya ng killer. Ang daya daya niya.

Isa lang ang nilagay niyang bala sa baril.

[Chapter End]

##################################

~~Let Your Demons Dance~~

##################################

Bloody Crayons

Let Your Demons Dance


---------------------------------------------------------------

Jerard

I was so close. Kaunti nalang eh. Ang lapit lapi ko na sa kanya eh. Kaunting galaw
nalang, kaunting hakbang nalang at nailigtas ko sana siya.

Sana.

Pero bakit ganon? Parang pinaglalaruan kami ng tadhana. Kung kailan nasa harap ko
na siya saka pa siya mawawala?

Destiny's a bitch.

Sabi nila lahat tayo may kanya kanyang destiny. Lahat tayo may nakaplanong kwento.
Wala kang magagawa para baguhin ito dahil yuon ang nakatakda.

Bullshit. Gusto kong lumaban. Gusto kong ipakita na hindi nito hawak ang lahat ng
bagay. Gusto kong ipakita na hindi palaging nagwawagi ang tadhana. That I can write
my own destiny.
Pero wala eh. Wala din akong nagawa. In the end, I'm just a cocky guy thinking big
of himself. In the end I'm powerless. In the end, everything that I wanted to do
was just an impossible dream.

Sa pangalawang pagkakataon, hindi ko nanaman naprotektahan ang isa sa mga babaeng


importante sa buhay ko. Déjà vu? Siguro.

"Shit. Kyamii! Wag kang mamatay please!" Minsan may panahon sa buhay natin na
magtatanong tayo ng bakit ako? Bakit siya? Pwede namang iba. Siguro isa na ito sa
mga panahon na yon.

Life was unfair with me. Life was also unfair with Kyamii. Pinanganak nga kami sa
mayayamang pamilya pero hindi iyon sapat na rason para mangyari saming dalawa ang
trahedya na dinanas namin.

We both saw our mothers die in front of us.

Kung pwede lang ibigay ang lahat ng ariarian namin ni Dad para lang maibalik ang
oras. Ginawa na sana namin. Pero ganun talaga siguro ang kalakalan ng tadhana. Kung
oras mo na, oras mo na. Kaso, ako dapat ang namatay hindi ang mom ko. Oras ko na
dapat yun at hindi siya. Sana buhay pa siya ngayon at masaya kapiling ng Dad ko.
Ako nalang sana ang namatay. Tutal wala naman talaga akong silbi.
"Kyamii, please! Lumaban ka. Lumaban ka." Saan ko na nga ba narinig yang katunog ng
linyang yan? Biglang lumitaw yung imahe ng isang lalake na may hawak na duguang
babae sa mga braso niya. Ahh, sa Dad ko nga pala. Ganyan din ang sinabi niya kay
mommy nung nadatnan niya ito. At ako? Nanduon lang sa isang sulok at umiiyak.
Walang nagawa. Walang kwenta. Walang silbi.

Bakit kung sino pa ang dapat manatili sa mundong ito, siya pa ang dapat mawala ng
maaga? Life is so unfair. At nagiging unfair nanaman ulit ito. Ang dami nang mga
hindi magandang pangyayari sa buhay ni Kyamii eh. Ang dami nang mga bagay na
pinagdaanan niya. Her mother was killed in front of her. Killed by the same
criminal that slaughtered my mother. Nakakatawa nga talaga ang mga paraang
ginagamit ng tadhana. Dahil sa pagiimbistiga naming dalawa kaya kami nagkakilala.

Last year. Last year lang namin nasagot yung mystery kung sino ang pumatay sa
kanila. Right at this same date. It was a hard case. Sampung taon ang inabot bago
pa man nasolve ang kaso, at kung wala kami baka hindi na nasagot ito ng tuluyan.
Minsan kailangan talaga ng mga pulis ng mga pakelamerong highschoolers para mas
madaling masolve ang isang case.

"Jerard. Patingin ng tama ni Kyamii." Biglang naputol yung memoryang nagpaflashback


sa utak ko ng marinig ko ang boses ni Eunice? Saan nga ba tinamaan si Kyamii? Sa
tiyan? Biglang nawala yung bigat sa dibdib ko, may pagaasa pang mabuhay si Kyamii.
She's a fighter, she can survive this.

"This is bad. Oh my god..." kung ano man ang gustong tukuyin ni Eunice, hindi ko
maintindihan. "This is really bad."
"E-Eunice, anong ginagawa mo?" narinig kong sabi ni Marie. Kung nagulat siya sa
ginawa ni Eunice, mas lalo ako.

It was the second time that I saw someone point a gun at Kyamii.

Yung unang beses na nangyari yun, muntikan na siyang mamatay.

"Kailangang gawin to Marie. Para din sa ikabubuti ni Kyamii."

"Put*ngna mo Eunice! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" it was purely reflex
action. Reflex action and anger.

"Hindi mo naiintindihan Jerard, kung hindi natin siya papatayin, mas masakit ang
mangyayari sa kanya!" anong mas masakit? Na maghintay siya na dumating ang tulong?
Kung mabubuhay siya sa huli, alam kong kakayanin niya ang sakit. Ganun ang Kyamiing
kilala ko.

"Ikaw ang hindi namin maintindihan Eunice." Nakahinga ako ng maluwag ng nakita kong
ibato palayo ni Kenly yung baril. "Bakit gustong gusto mong tapusin ang buhay ni
Kyamii?"

"Para sa ikabubuti niya rin ito. Hindi niya ba napansin kung saan siya tinamaan?"
sa tiyan. Hindi sa puso, hindi sa ulo. Sa tiyan lang.

Pero mali ako. Kasi habang nagsasalita si Eunice, biglang sumigaw si Kyamii.
Narinig ko na dati ang klase ng sigaw na yan. Galing sa isang babaeng tinotorture
sa harapan namin. Ginawang canvas ang mukha niya. At ang paintbrush? Isang
kutsilyo.

Bumalik nanaman yung mabigat na pakiramdam sa dibdib ko. Minsan kaya tayo mas
nasasaktan kasi pinipilit nating umasa sa mga imposibleng bagay. Pero kahit ganun,
handa akong masaktan. Kung ang paraan para humaba ang buhay ni Kyamii ay magdusa
ako, gagawin ko.

Pero hanggang puro salita nalang siguro talaga ako.

"J-jerard... p-please, pakawalan mo na ako. H-hindi ko na kaya ang s-sakit."

"Pero Kyamii---"
"Jerard, please?" I saw it in her eyes. Alam kong handa na siya sa magiging tadhana
niya. At wala akong tanging pwedeng gawin kundi sumangayon nalang. For the second
time, destiny won.

"I love you." Marami pa sana akong gustong sabihin. Marami pa sana akong gustong
ipaalam sa kanya. Pero alam kong maiintindihan niya lahat ng gusto kong iparating.
She always did. Alam niya kung kailan ako malungkot. Alam niya kung ano yung mga
kinakatakutan ko. She made the demons inside me dance within the hell contained
inside her.

"I love you too." Nginitian niya ako at nawala ang takot na nararamdaman ko. She's
finally free. Tinignan ko si Eunice at binigyan siya ng signal para gawin ang dapat
niyang gawin.

Pero mapaglaro nga talaga ang tadhana. Mapaglaro at malupit sa napipili nitong
biktimahin. At kami ang napili nitong paglaruan ngayon.

"W-walang bala? Oh my god. Kyamii..." mahinang sabi ni Marie.

"Shit." Mahina ring sabi ni April. "Ano na mangyayari kay Kyamii?"


"Wala tayong magagawa kundi ang maghintay." Parang nasasakal na sabi ni Jake.

Maghintay? Tangina. Anong gusto nilang gawin ko? Ang maghintay? Ang panuorin si
Kyamiing naghihirap?

* * *

Eunice

15-20 minutes. Yun ang tagal ng paghihirap na kaylangang danasin ni Kyamii. Akala
ko matatapos ko na ang pagdurusa niya pero hindi pala. Kung sino man ang killer...

"Ayoko na." I heard Jerard say before leaving us. Di ko siya masisi. Ang isa sa
pinakamahirap na pakiramdam sa mundo ay iyong panuorin ang isang taong mahalaga
sayo na naghihirap at wala ka man lang magawa para makatulong.

Ilang beses ko na naranasan yang ganyang pakiramdam and I know it freaking hurts.
"Ano gagawin natin?" tarantang tanong ni Marie at April. Nagumpisa nanaman kasing
sumigaw at tumungayaw si Kyamii.

Pero parang may mali. Bakit ganun? Parang tumigil sa paghiyaw si Kyamii? Kung
talagang nasasaktan siya dapat tuloy tuloy ang hiyaw niya. Hindi kaya...

Nope. Imposible. Pano mangyayari yun kung nakita naming nabaril siya? Kung talagang
plinano niya yung mga nangyari, paano? Marami namang bagay na pwedeng gamitin.
What's the sense of shooting yourself?

Still...

Bakit parehas ng soleprint ng sapatos niya ang mga bakas ng sapatos sa sahig? At
bakit siya nakasapatos kung nakapyjama naman siya?

Andaming tanong sa isipan ko. At hindi nakakatulong ang pagsigaw sigaw ni Kyamii
para makapagconcentrate ako.

Nalilito na talaga ako. Hindi ko na alam kung si Kenly nga ba ang killer o si
Kyamii. Si Marie o si April. Si Kyle? Andami na nila. Hindi ko alam kung sinong
oobserbahan ko.
Kumonti nga kami pero mas humirap naman ang mga pangyayari. Wala na talaga, pati
ako hindi na sure...

9:58

Thirteen minutes na ring sumisigaw si Kyamii. Ten minutes na rin ang nakalipas
buhat ng umalis si Jerard.

Sino ang pumapatay? Sino sa aming labingapat ang halimaw na gumagawa nito?

Ano yun?

A vial full of liquid-like substance was partially hidden by the chair behind
Kyamii. Sometimes nagkakaroon ako ng mga kutob na tama ang resulta. At alam kong
tama ito ngayon. Kung ano man ang laman ng botelyang yun ay importante.

"Eunice, anong ginagawa mo?" nagtatakang tanong ni Jake ng makita niya akong
lumapit sa bandang likuran ng upuan. I made sure that they would not see me pick
the bottle up. Ako nalang ata ang hindi nakatakip ang kamay sa kanyang ears. Mas
lumala na ang pagsigaw ni Kyamii. Palala ng pala.

Then as if by magic, her screams started to weaken until it faded away and the
attic was filled again with silence.

Silence and the ticking of another timer.

10:00

I was right. There is a trap.

[Chapter End]
##################################

~~Are You Afraid Of The Dark?~~

##################################

Bloody Crayons

Are You Afraid Of The Dark?

-------------------------------------------------------------------

April

Have you ever been afraid of the monster underneath your bed? Inside your closet?
At that dark corner of your room? What if I tell you that that there are no
monsters? Will you be happy? Will you be really safe?

Look at the mirror. Stare hard. Memorize every part. Remember what you see. That is
the real monster.

That is the only kind of monster in this world. You hold the monster inside you.
You are the monster. The real you is the monster inside you.
You don't believe me? I really don't care. Denying things won't make it less true.
Denying it won't kill the monster inside you.

Because the cold hard truth about us, about human beings, is that we are part
monsters.

Kanina pa kami sa attic at kanina ko pa pinapakiramdaman ang isang babae. Si Marie.


Kahit anong mangyari si Marie dapat ang lumabas na killer. Hindi ako papayag na
hindi siya. Ayaw kong magkaroon ng pangit na ending ang bakasyon namin dito.

It would be really thrilling if she turned out to be the killer. "Miss innocent"
Marie on the outside but "Miss psychotic" Marie on the inside that would be really
the icing on the cake.

Nung umpisa akala ko boring ang bakasyon. Pero thrilling pala. Umpisa palang may
namatay na. And isa ako sa suspects. How romantic! I always wanted to be inside a
murder mystery. I guess it was my biggest dream.

Most people see me as evil personified because of what I say, because of what I do.
Let them judge. Let them label me. Let them call me names. I really don't give a
shit. After all, I already embraced the monster inside me. And when you embraced
the darkness in your soul, that's all you'll ever need.
Hindi sa baliw ako. Sabihin na nating honest ako sa nararamdaman at iniisip ko.
Hindi ako katulad ng ibang mga tao na impokrito. Mga nagbabaitbaitan sa labas pero
pinagdarasal na mamatay na ang isang tao sa loob. Angelic plastics.

Pero sige, I'll admit it. Medyo mentally deranged ako. Kung hindi lang bawal
pumatay ng tao baka nagkaroon na ako ng listahan ng mga taong papatayin. Normal
girls will go on a shopping spree. I'll go on a killing spree. But of course that's
all in my mind. Ayaw ko makulong. Di raw masarap pagkain sa loob eh.

Pero dito sa isla, kung saan hindi kami abot ng batas. Baka pwede ko nang
maisakatuparan ang deepest darkest desire ko. At isa lang ang sagabal. Ang identity
ng killer.

Sino nga ba kasi talaga siya? Si Marie syempre. Siya lang dapat ang maging killer.
Kung kailangang ipagdasal ko, gagawin ko. Alam kong matalino ang killer at mautak
siya. Kung si Kenly at Marie ang pagsususpetyahan ko, para ko naring sinabi na
napaka mediocre at cliché ng hula ko. Kasi sila ang pinaka unang
mapagsususpetyahan.

But that alone won't stop me. This is real, hindi isang cleverly plotted,
intricately twisted plot ng isang murder mystery. Yung tipong kung sino pa ang
hindi masyadong active siya pa ang killer? That's a load of BS.

Pero in some ways I have to admit na parang isang murder mystery nga talaga ang
nangyayari sa amin. Actually isa talaga siyang murder mystery. A clever death game
planned by a clever killer. At ang gusto kong maging identity niya ay si Marie. I'm
a hopeless romantic. It has to be her. I want it to be her.
Call me a cheater, call me whatever you want. Pero yung sinabi kong nakita kong
pinatay ni Marie si Olivia? That was a big fat lie. Ni hindi ko nga alam na may
namatay na pala sa tabi ko. Masakit talaga ang ulo ko nun kaya natulog ako. Tsaka
sinabi ko lang naman yun para makita ang reaksiyon niya. And boy was I impressed!
Kung meron mang dapat bigyan ng Olivier, si Marie yun. Ni hindi man lang nawala
yung cool façade niya, instead she looked so genuinely shocked as if she really was
innocent.

Ang mali niya lang, hindi ako tanga. Monsters can sense the presence of other
monsters. And I smell that dangerously sweet aroma of an awake beast inside her.

Just once. Kahit isang beses lang na makitaan ko ng flaw ang acting niya, I will be
really happy. Then, I can make her spill the beans.

It has to be Marie.

* * *

Marie

Hindi ako mabait na parang santo. Tao rin ako na katulad ng mga kaibigan ko. I
guess the only thing that can separate me from normal humans is that I can control
my anger.

I think art is the best way to express your anger. To let yourself be creative. I
love art. Nung mga panahong wala akong kaibigan, painting and building something
out of scraps was my only companion.

I am a loner. It's very hard for me to show my true feelings to others. Meron kasi
yung takot ko na baka layuan nila ako. Naranasan ko na dati yun. At ayaw ko nang
maulit uli.

Siguro isa ako sa mga angelic plastics na maituturing. Kung may galit man ako sa
isang tao, hindi ko sasabihin. I'll just keep it all in. At kapag hindi ko na
talaga kaya, I'll turn my attention towards art. Art is everywhere. In a tree, in a
stone, in letters, paintings, everywhere. And the feeling when I convert my anger
into art, is just so rewarding.

Pero tao parin ako. Sometimes hindi sapat ang art. Sometimes kailangan kong isigaw
ang nararamdaman ko. Kailangan kong magbasag ng gamit. Manira ng mga bagay bagay
just to channel my anger out. I'm not an angel, I'm normal.

Or maybe, quite abnormal.

* * *
Eunice

A trap!

I was right. There's a trap.

"Takpan niyo mga ilong niyo. Wag na wag niyong susubukang singhutin ang usok." My
hands automatically shot up to cover my nose when I heard Marie shout.

What kind of gas? Poisonous gas, sleeping gas or just normal smoke? I have to know.

"Don't you ever try Eunice. Let's go." Pigil ni Marie sa gagawin ko. Hinawakan niya
ang siko ko at giniya niya ako palabas ng attic na punong puno na ngayon ng usok.
"Let's get away from here."

Sabay sabay kaming anim na bumaba ng hagdan papalayo sa pintuan ng attic na


kasalukuyang nagbubuga ngayon ng usok. We just kept on running and running until we
arrived at the bottom of the stairs. And we still kept on running. The ironic thing
is, the place where we finally stopped was right in front of room 1. The room where
the bloody massacre happened.

"Sabi ko sa inyo may trap." I can't help it. Alam kong hindi tamang panahon ngayon
ang sisihin sila. Pero I just can't help it.

"Alam ko Eunice. We're sorry, okay? Imbis na manisi ka, kailangan nating magisip
kung anong susunod nating gagawin." Inis na sagot ni Jake. My god! Siya pa ang may
ganang mainis sakin. The nerve!

"How about we move the bodies while we are waiting for the smoke to clear up?"
naghahamon kong sabi.

"That's a good idea." Napanganga ako nung narinig ko yung sagot niya. I meant that
as a joke. Marami kaming mas importanteng bagay na dapat harapin kaysa paglilipat
ng mga bangkay papunta sa basement.

It's better to get the evidence while it's still fresh. "Pano si Kyamii?"

"We can get her body later. In the meantime, mas magandang may gawin tayo kaysa
umupo at maghintay na mawala ang usok." Pati ikaw Marie? Ewan ko sa inyo. I still
believe that fresh evidence is the key to success.

Napatigil ako nang may narealize ako. Kung lahat kami pupunta sa basement, walang
magtatamper ng mga evidence so it can still count as fresh. This can still work out
in our favor.

"Nasaan si Jerard?" I have to ask. Nasaan nga ba siya?

"Ewan, baka nagpapahangin. Eunice, please give the guy a break. Mahirap yung
pinagdadaanan niya." Iritadong sagot sakin ni Kyle.

Blah blah blah. Eunice, please give the guy a break. Mahirap yung pinagdadaanan
niya. Sa tingin mo, okay lang sakin makitang patay at duguan si John? No. Pinipilit
ko lang gawing okay ang sarili ko. I need to stay clearheaded kung gusto kong
mabigyan ng katarungan ang pagkamatay niya. Alam kong may karapatan siyang
masaktan. Di ko kinekwestiyon yun. Pero bakit nung tinanong ko kung nasaan siya, I
was treated like the villain of the story?

"Okay. Gawin nalang natin ang dapat nating gawin." I arrived at a decision. No use
talking to these people. Mas magandang magisa nalang ako sa pagsosolve ng
misteryong ito. I can do it on my own.

* * *
Kyle

Bumalik nanaman kami sa kwartong 'to. Nakita ko nanaman yung mga bangkay ng
kaibigan ko. Pero kailangan talaga eh. Hindi magandang hayaan namin silang nakaupo
dun sa upuan na nakatali.

"Ang bigat!" narinig kong sabi ni Marie.

"Nagkakaroon na kasi ng rigor mortis. Bumibigat sila kasi mahirap nang iadjust ang
center of gravity." Paliwanag ni Jake. Ang alam ko lang sa rigor mortis, naguumpisa
tong magsetin after four hours at natatapos to after twelve hours na ang lumipas.
Nakita namin yung ng mga 9 ng umaga kaya kapag magsusubtract ka ng apat na oras
magiging 5 ito. Kaya ang posibleng oras lang na pinatay ng killer ang mga kaibigan
ko ay bago mag alas singko ng umaga.

Masyado paring malawak yung timespan sa pagitan ng pagpatay sa kanila at sa time na


natulog kami. Kaso ang kataka taka, iisa nalang ang survivor from room 1.

Si Kenly. Kaya ba siya naligtas ay dahil natulog siya sa sala o kaya siya naligtas
dahil siya naman talaga ang pumapatay?
Tapos meron pa tong mini game. Kung mini game nga talaga yun, bakit may trap?
Parang hindi naman ata tamang patayin niya kaming lahat agad agad. Pero nagawa na
pala niya. Hindi ba't pinatay niya agad ang lima samin? Warning ba yun na dapat wag
kaming papetiks petiks?

Pwede niyang gamitin ang usok para maalis ang mga ebidensiya.

Hanggang may usok pa duon sa attic, hindi kami makakapasok. Ibig sabihin
magkakaroon siya ng enough time na tanggalin ang mga bagay na kailangan niyang
tanggalin.

Pero lahat naman kami meron dito ah.

Except kay Jerard.

Pero malabo eh. Malabong si Jerard ang killer. Hindi niya kayang gawin yun kay
Kyamii. Strong ang relationship nung dalawa eh. Mahal na mahal nila ang isa't isa.

"Okay guys, let's go. Yung mga babae, magtulungan nalang sa pagbubuhat." Nagambala
yung mga iniisip ko nung marinig ko yung announcement ni Jake. Oo nga pala,
kailangan naming ipunta yung mga bangkay doon sa basement.
"Sigurado kang kaya mong buhatin si Justin, Marie?"

"Anu ka ba Kenly, mas mapayat pa nga ata sakin tong lalakeng to. Ang malaki lang sa
kanya ay yung kayabangan niya." Ngumiti si Marie then tumawa ng malungkot. Parang
tinusok ng sandamakmak na aspili yung dibdib ko nung narinig ko yung tawa niya.
Ngayun ko lang narealize, nagtatapangtapangan lang pala ang mga kasama ko.

Deep inside nasasaktan sila. Pero pinipilit nila ang sarili nilang magpakatatag.

"Kyle buhatin mo na si John. Si Marie daw kay Justin. Eunice tsaka April, buhatin
niyo na si Richalaine. Ako na kay Mai. Kenly ikaw na kay Kiko." Sabi ni Jake habang
binubuhat niya ang bangkay ni Mai. Ano kaya ang nararamdaman niya? Na yung dati
mong binubuhat na puno ng buhay ay isa ng malamig na bangkay sa bisig mo?

Pagkatapos nun, tahimik nalang kami habang naglalakad papunta sa basement. Bawat
isa busy sa kani kanilang iniisip. Kung sino man ang killer, ano kaya ang iniisip
niya ngayon?

"A-ambigat." Mahinang sabi ni Eunice ng narating namin ang pintuan papuntang


basement.
Hindi lang si Eunice ang nabibigatan. Alam kong lahat kami. Sabay sabay nga kaming
napabuntong hininga ng nailapag na namin sila sa sahig ng basement. Yung iba
nagstretch ng braso, yung iba naginat.

"Guys, we have a problem." Napatigil kaming lahat ng narinig namin si Eunice na


nagsalita. "Nawawala yung bangkay ni Olivia."

[Chapter End]

##################################

~~Show Me That Dazzling Smile~~

##################################

Bloody Crayons

Show Me That Dazzling Smile

-------------------------------------------------
Jake

"Guys, we have a problem." Napatigil kaming lahat nang narinig namin si Eunice na
nagsalita. "Nawawala yung bangkay ni Olivia."

Nawawala ang bangkay ni Olivia. Kung titignan natin ang sitwasyon logically, may
dalawang papasok na idea sa utak ng mga kasama ko.

Una, tinago ng killer ang bangkay. Balak niyang gawing panggulo o kaya naman ay isa
nanamang laro na kailangan naming laruin.

Pangalawa, si Olivia ang killer at nagpanggap siyang patay na para mas magkaroon
siya ng free access at oportunidad na gawin ang pagpatay samin.

Kung yuong una ang pagtutuunan natin ng pansin, masasabi nating malaki nga ang
tsansa na ito nga talaga ang nangyari. Mas walang komplikasyon, mas kakaunti ang
effort na nagamit. Kungbaga, napakaconvenient nito sa killer dahil wala siya halos
gagawin kundi damputin at buhatin ang bangkay ni Olivia.

At itago ito sa kung saan.


Pero ganyan nga ba ang gawain ng killer? Base sa analysis ko sa kung ano ang
pattern ng mga movements niya, mas pinapanigan niya ang mga tricky circumstances.
Yung kailangan naming magisip kung pano ang ganito at ganyan. Yung parang nangyari
kay Kyamii.

Granted na madali lang ang puzzle. Pero nastall niya parin kami to the point na
hindi na namin nailigtas si Kyamii.

Pero hindi ba't isa naring trick ito? Kasi ngayon, pinagiisip niya kami kung ano ba
talaga ang ibig sabihin ng nawawalang bangkay ni Olivia.

"Pano nangyari yon? Sino ang may gawa?" nagugulumihanang tanong ni April.

"Gawain ito ng killer. Kinuha niya ang bangkay ni Olivia at tinago niya ito sa kung
saan para isipin nating si Olivia ang killer." takot na sabi ni Marie.

"I agree with Marie. Isa nanaman to sa mga mind games ng killer. Ginagawa niya ito
para mas malito tayo." Segunda ni Kenly.

Out of habit, tinabulate ko ang mga idea nila. Kenly at Marie, sa idea number 1. 2
out of 6.
"Sangayon din ako sa sinabi mo Marie, plano lang lahat ito ng killer para malito
tayo." Pahabol na sabi ni Kyle. 3 out of 6.

Kung tutuusin, hindi ako kasali sa allocation ng stats dahil yung dalawa ang naisip
ko kaya 3 out 5 ang standing. Majority. Kung titignan mo ngayon ang percentage ng
possibility na makapagisip isip si April, masasabi nating nasa 30% lang ang tsansa
dahil nalilito siya. 3 out of 4.

Kung tama ang ang hula ko, si Eunice ay nasa idea number 2. Si Olivia ang killer.

Pero sabi ko nga, madaming inconsistencies ang ideyang ito. Maraming bagay na
kulang. Maraming bagay na kailangang isipin kung paano naisagawa ng killer, ni
Olivia, na magpanggap na patay na siya. Pero sabi ko nga, ayon sa data, nasa
character ng killer ang pagiging tricky.

"Marie, pano mo nasabing tinago lang ng killer ang bangkay?" nakangiting tanong ni
Eunice. Uh-oh, kapag ganyan ang itsura niya...

"Simple. Kung talagang si Olivia nga ang pumapatay at nagpanggap lang siyang patay
na, pano niya nagawang pekein ang mga sugat niya. Tsaka pano niya nagawang pekein
ang pagkakatarak ng crayon sa noo niya?"
"O-oo nga. Pano niya nagawa yun? Parang napakaimposible naman ata nun." tama nga
yung sabi ko. 30% lang ang tsansang makapagisip si April ng idea ngayon. Litong
lito siya, posibleng katulad ko siyang dalawa ang iniisip. Pero ang kaibahan, ang
chances para sa kanya na yuon nga ang nangyari ay 50-50.

Madami mang flaw ang Idea number two, ito ang pinakacompatible sa ugali ng killer
ayon sa data ko. Kaya kung bibigyan ko ng percentage, sasabihin kong ang tsansa ng
idea number 1 ay 49 percent at ang idea number 2 ay 51 percent. 1 percent lang ang
pagitan. At ang 1 percent na yan ang pinakacrucial sa pagsagot namin sa misteryong
ito.

Tinignan ko ang galaw ng killer at inanalyzed ito. At ayon sa data, sapat na ang 1
percent para sa killer. Kaya niya kaming surpresahin. Kaya niya na kaming ubusin.

Kaya niyang gamitin yung one percent at pagiging pabaya namin para magtagumpay.

Kaya namatay si Mai ng hindi man lang ako nakapalag.

Pinikit ko nalang ang mga mata ko ng naalala ko ang nangyari kay Mai. Kailangan
kong magfocus.

"Kung titignan natin sa isang angle, possible yun." Sagot ko sa tanong ni April.
Ayon sa data ko, mahilig sa tricks ang killer. Pero ang sagot sa mga tricks na yon
ay napakasimple lang. Isang patunay ang puzzle niya tungkol sa attic.

"Pano nga?" impatient na ring tanong ni Kenly.

"Seriously, alam kong alam niyo na ang sagot sa tanong na yan." Kalmadong sagot ni
Eunice habang tinitignan niya ang mga kasama naming natahimik bigla.

"Wag mong sabihing gumamit siya ng prosthetics..." bingo. Nahuli mo Marie. "Pero
imposible yun. Depende nalang kung magaling sa makeup at theatre ang killer..."

Mukhang naisip narin ni Marie ang isa sa dahilan kung bakit pinili namin ni Eunice
ang Idea number 2.

Sa aming labing apat, ang member ng theatre arts club at isa rin sa mga makeup
artists kapag may horror na pelikula ay si Olivia.

"Pero paano niya napeke ang pagkamatay niya? Kailangan niyang maging magaling na
actress para mapekeng patay na nga siya..." nagtrail off nanaman ang boses ni Marie
nung narealize niya kung papano naisagawa ni Olivia ang lahat. Sa sinama sama ng
ugali ni Olivia, hindi maitatanggi na magaling siya sa larangan ng pagakting. Kaya
niyang baguhin ang ugali niya sa ibabaw ng stage. Kung hindi mo siya kilala ng
personal, baka maniwala ka pang malaanghel talaga siya at ni hindi man lang
makabasag pinggan.
"Si Olivia ang lead actress ng theatre club." Sinabi ni April ang bagay na
narealize ni Marie.

"Pero hindi parin. You can't just fake na masama ang pakiramdam mo. Ako mismo ang
nagdala sa kanya sa kwarto. She looked dizzy, pale tapos sweaty pa siya. You can't
just fake that out." Pagrarason parin ni Marie.

"Nope. You can. Science 101." Sabi ni Eunice habang may nakadisplay na smug smile
sa bibig niya. Mukha namang naintindihan lahat ng mga kasama namin ang tinutukoy ni
Eunice sa sinabi niyang science 101.

"P-pero..." at sa inaasahan ko, hindi parin tumitigil si Marie.

"Alam kong alam mo na may point ako Marie. Ngayon, pwede bang sagutin mo ang tanong
ko? Bakit ba desidido kang ipagtanggol si Olivia?"

"K-kasi... Ano..." nagistammer na sagot ni Marie. Alam kong hindi lang ako ang
nakahula sa mga salitang sasabihin ni Eunice. Mukhang bumabalik nanaman siya.
"Let me tell the reason. Siguro dahil dalawa kayo ni Olivia ang killers." Sabi ko
na nga ba. Bumalik nanaman ang dating Eunice.

***********************************************

Eunice's POV

"Pero hindi parin. You can't just fake na masama ang pakiramdam mo. Ako mismo ang
nagdala sa kanya sa kwarto. She looked dizzy, pale tapos sweaty pa siya. You can't
just fake that out." Actually you can. Natackle namin yan sa lesson namin sa
science IV. At alam kong alam nila.

"Nope. You can. Science 101." It's actually simple yet dramatic at the same time.
Kung gusto mo talagang palabasing may sakit ka sa teacher mo, simple lang ang
gagawin mo.

Ang kailangan mo lang ay isang sigarilyo.


You eat half of the cigarette and voila! You'll look sweaty, pale, clammy and
dizzy. And after twenty minutes, you'll aggressively vomit everything that you ate
and expel the tobacco that is making you sick. Very simple yet dramatic.

Ewan ko ba kung bakit sinabi samin yan ng teacher namin. Parang ineencourage niya
pa kaming itry yan at magabsent.

"P-pero..." very good. Everything is moving according to the plan.

"Alam kong alam mo na may point ako Marie. Ngayon, pwede bang sagutin mo ang tanong
ko? Bakit ba desidido kang ipagtanggol si Olivia?" A little bit more and I'll see
the results of this little experiment.

"K-kasi... Ano..." konti pa. Time to drop the bomb.

"Let me tell the reason. Siguro dahil dalawa kayo ni Olivia ang killers." There.
Mission accomplished. Hindi naman talaga reaksiyon ni Marie ang tinitignan ko.
Kundi yung reaksiyon ng apat ko pang kasama. And I saw what I wanted to see.
Ewan ko kung napansin ng iba pero isa sa kanila ang napangiti ng bahagya bago
baguhin ang ekspresiyon niya na parang gulat na gulat.

Now, the only thing in question is the vial of liquid. May idea ako sa kung anong
laman ng bottle pero I need to test this out. At kung tama nga ang hinala ko kung
ano ang laman ng vial, isa lang masasabi ko.

The killer got guts.

Ni hindi man lang siya natakot na gamitin ang laman ng vial.

"Nah, I was just joking Marie. Sorry. Ang layo naman ng posibilidad na magkasama
kayo ni Olivia sa pagpatay. After all, singular ang killer." Well, there's the
possibility na more than one ang killer at may posibilidad ding outsider ang isa.
Pero hindi ko muna sasabihin. I'll solve this game myself.

At isa pa, malabong si Olivia ang killer. I already checked her pulse and I didn't
feel anything.

"Hindi magandang joke yun Eunice." Exasperated na sabi ni Marie.


"I know, kaya nga nagsorry eh." Sinabi ko nalang. para matigil na ang usapan at
naglakad papunta sa bintana ng basement.

Nakalagay ang bahay sa gilid ng bangin kaya posibleng lagyan ng bintana. It's
nothing worth mentioning actually. Pero maganda ang window frame.

Then I noticed something na nagpapalpitate ng puso ko. Sa gilid ng window, may


isang matang nakatingin samin. Hindi ko alam kung kanina pa ito pero sigurado akong
may mata.

"Oh my god. May nanunuod sa atin." Histerikal na sabi ni Marie at April. That
proves it. Hindi ko lang basta basta imagination ang nakita ko kanina. The others
saw it too.

Pero ang kataka taka, nung binuksan namin ang bintana wala namang ledge na pwedeng
patungan o hagdan na pwedeng taasan at babaan. At sa ibaba naman ay matarik na
bangin na puno ng tubig at bato.

Ngayon ang tanong, saan nagpunta yung may ari ng mata?


[Chapter End]

##################################

~~Vanish Like The Smoke Around Us~~

##################################

Bloody Crayons

Vanish Like The Smoke Around Us

-------------------------------------------------

Kenly

"Oh my god. May nanunuod sa atin." Histerikal na sabi ni Marie at April.

Ang unang unang pumasook sa isipan ko nuong nakita kong may nanonood samin ay
pagaari ng killer ang mata. Hindi ko alam kung paano niya nagawa yun pero isa lang
ang naisip ko. Kung pagaari ng ng killer yung mata, ibig sabihin lang nito na
tagalabas ang pumapatay.
Pero paano?

Kasi nung tiningnan namin sa labas ng bintana, wala kahit isang ledge na pwedeng
pagtungtungan o kapitan. At kung bibitaw ka man, ang tangi mong babagsakan ay ang
bangin sa baba.

"Shit, shit shit. Ano yun? Bakit may mata?" ngayon ko lang nakitang nagpanic si
April ng ganito. Kahit ako. Muntikan na akong mapasigaw nang nakita ko yung mata.

"Babae." Mahinang sabi ni Jake.

"Anong babae ang pinagsasasabi mo Jake?" histerikal ding sabi ni Marie. Pati nga
si Eunice na kalmado kanina parang aatakehin na sa puso ngayon.

Kung ang pakay ng may ari ng mata ay sindakin kami, nagtagumpay siya.

"Babae ang may ari ng mata." Pagpapatuloy ni Jake sa sinabi niya kanina.
"Sigurado ka?" humihingal na tanong ni Eunice.

"Oo, sigurado ako. Babaeng medyo kulot ang buhok. Saglit lang pero sigurado ako sa
nakita ko."

Shit. Sabay sabay kaming napatingin kay April.

"What? Iniisip niyong ako yung nasa labas ng bintana? Nababaliw na kayo?" Parang
asar na sabi niya.

"Actually hindi, kung totoo nga yung sinabi ni Jake. May dalawa akong naiisip na
explanation sa kung ano ang nakita natin sa bintana." Kalmado nanaman si Eunice.
Kung ganyan sana siya kahapon, di hindi sana kami nagkainitan.

"Una,ang nakita natin ay repleksiyon ko lang. Kung baga, pinaglalaruan lang tayo ng
mga mata natin. Since malapit nga naman ang puwesto ni April sa bintana, pwedeng
pwede. Pero kung ganun nga, bakit ako lang? Meron rin naman kayo sa tabi ko. Kaya
meron yung pangalawa kong explanation."
"Na ano?" sabay sabay naming tanong sa kanya. Kung ano man ang pangalawang rason sa
kung ano ang nakita namin, parang alam ko na. Hindi pala. Parang alam na namin.

"Oh come on guys, alam kong alam niyo na kung ano ang ibig kong tukuyin." Parang
nauubusan ng pasensiyang sabi niya.

"No. Pero parang imposible ata yung sinasabi mo." Tutol ni Marie.

"How?" nakangiting tanong ni Eunice.

"She's dead. Olivia's dead at kung siya nga yung nasa bintana, isa lang ang pwede
niyang puntahan. Pababa. Which means patay narin siya." Dalawa lang ang babae sa
grupo na medyo kulot ang buhok. Si April at Olivia.

"Really? You seem to trust Olivia that much. I don't blame you kung mahina ang utak
mo at hindi mo alam ang tricks na pwedeng gawin niya para maging possible ang
imposible."

Nung sinabi ni Eunice yun, napatahimik nalang si Marie. Lahat ng tao may signs na
pinapakita kapag may dinaramdam sila. At isa sa signs na galit o nagtatampo si
Marie ay tatahimik nalang siya at ikukuyom ng palad.
Totoong hindi basta basta nagagalit si Marie pero hindi siya santo. Naalala ko dati
na nagalit siya kay Olivia, isang semester niya ata tong hindi pinansin. As in yung
parang hindi niya nakikita si Olivia sa daanan. Ni hindi nakikipagusap. Wala.
Parang invisible lang. Wala akong naramdamang tensiyon sa pagitan nila pero
sigurado ako na may malaking gap.

At kahit alam kong parang napakatalino ni Eunice, mukhang nagkakamali siya. Pano
kung itinapon ng killer ang bangkay ni Olivia sa bangin at natiyambahan lang naming
makita to habang bumubulusok ito pababa?

"I think oras na para balikan si Kyamii sa itaas." Malamig na sabi ni Marie.
Napamura ako sa loob loob. Hindi namin kailangan to ngayon. Masyado nang nagkanda
letse letse ang grupo namin para sa ganito. Wag lang talaga sanang nagtatampo na
si Marie kay Eunice.

"That's a great idea." Sangayon ni April na parang hindi parin nararamdaman na


galit na si Marie.

"Please April. There's nothing great about that Idea. Kukunin natin yung bangkay ng
isa nating kaibigan sa taas. Pano naging great yun?" And the sensitive phase.
Nagtatampo nga siya kay Eunice. Nagiging sensitive lang naman si Marie kapag
nagtatampo eh. Most of the time martir siya.

"Okay! Chill ka lang Marie." Sabi ni April habang tinataas ang kamay sa harapan na
parang sumusuko.

"Ano nangyari? Bakit kayo humiyaw?" humihingal na tanong ni Jerard nang nasalubong
niya kami sa hagdanan.

"Ikukwento ko sayo mamaya. San ka ba nagpupupunta pre?" tanong ko sa kanya. Parang


nagbuhat ng kung ano tong lokong to eh. O kaya naman kung saan saan nagpupunta.

"Ah, wala." Lintik. Bakit biglang nagiwas ng mata tong mokong na to?

* * *

Eunice

Habang inaakyat namin pataas ang hagdan, nakita ko si Jerard na humahangos papunta
samin. Siguro narinig niya yung ingay na ginawa namin kanina.

Nagusap silang dalawa ni Kyle hanggang sa umabot ito sa pagtatanong ng huli sa kung
ano ang pinaggagawa niya. "Ah, wala." Bingo! Bakit parang hindi makasagot 'to ng
deretso?
Isang rason lang naman talaga ang puwedeng gawing sagot sa tanong kung bakit nga ba
nagiiwas ang isang tao ng tingin. May tinatago siya.

At kapag may tinatago ang isang tao, dapat siyang pagsuspetyahan.


Napabuntunghininga nalang ako. Sa totoo lang, naguguluhan na ako sa kung sino ang
totoong suspect ko.

Si Kyamii. Si Marie. Kung yung ngumiti nga ba kanina sa baba o si Kenly. Ngayon
naman si Jerard.

Naguguluhan na talaga ako. Ang tangi ko nalang na pagasa para masagot ang
misteryong ito ay ang botelyang nakuha ko kanina. Sana masagot nito lahat ng
katanungan.

"Marie, ang gaganda naman ng mga handicrafts. San niyo binili?"

"Gawa ko yang mga yan April. So ibig mo bang sabihin na hindi kapani paniwala na
kaya kong gumawa ng mga ganyan? Na kaduda duda? Na wala akong kwenta?" Geez. Nasa
sensitive phase na si loka. Bakit ko ba nasabi yun kanina? Nakakaasar kasi eh.
Mahina pa naman ang pisi ko sa mga taong ang kapal kapal ng mukhang magsabi ng
ganito-ganyan pero hindi man lang magbigay ng mga matinong pangsuportang detalye.
That's the biggest problem with this world ika nga ni Bertrand Russell. The fools
and fanatics are always so certain of themselves, and the wiser people so full of
doubts

"Oy. Wala akong sinabi. Sinabi ko lang maganda." She's not kidding. Yung mga
handicrafts ay pang international yung dating. Yung tipong pwedeng iexport. Lalo na
yung mga rattan vase sa tabi ng aquarium.

Napangiti ako nung narealize ko ang importansiya ng aquarium na nakita ko. Mukhang
sineswerte ako ngayon. Pwede ko nang testingin kung ano ang laman ng vial na to.

Pasimple akong nagpahuli at nilapitan yung aquarium. Katulad ng ibang gamit sa


resthouse na ito, mukhang mamahalin at hindi basta basta ang pagkakagawa. Pati na
yung mga isda sa loob ang gaganda. Pinanood ko ng ilang segundo ang paglangoy nila
bago ko binuhos ang kalahati ng laman ng vial sa loob ng aquarium.

At first parang walang nangyari. Para lang akong tangang nakatingin dun sa
aquarium.

Pero pagkatapos ng ilang minuto, nakita kong biglang nangamatay ang mga isda.
Napangiti ako.
50% confirmed.

Alam kong nagiitsura akong baliw habang nginingitian ko ang mga patay na isda pero
hindi ko mapigilan ang sarili ko. I think I'm starting to get closer to the truth.

"Oh my god!" my concentration was broken when I heard another scream.

Ano nanaman? Puro nalang sigaw ang naririnig ko simula kaninang umaga. Nakakarindi
na.

Dali dali kong tinakbo paakyat ang hagdanan papunta sa kanila. Mukhang nasa attic
na sila at lahat sila ay nakatayo sa labas ng pintuan at parang ayaw pumasok. Ano
bang meron sa loob? Wala naman ng usok na dapat nilang katakutan so anong pumipigil
sa kanila?

Humihingal akong napatigil sa likuran nila. Naramdaman ko nanaman ang disadvantage


ng height ko. Nung nakisiksik ako sa kanila, napamura lang naman ako sa nakita ko
sa loob.
Uso ata ang mga taong nawawala.

Nasaan ang bangkay ni Kyamii?

[Chapter End]

##################################

~~Unravel That Thread Called Fate~~

##################################

Bloody Crayons

Unravel That Thread Called Fate

---------------------------------------------------------

Jerard
Tama ba yung desisyon ko na iwan si Kyamiing nagdurusa? Tama bang maduwag ako?
Tangina naman kasi. Bakit ba sobrang mapaglaro ng buhay?

Kung sino pa ang dapat hindi paglaruan, yun pa ang pinaglalaruan. Kung sino ang mga
hindi naman kailangan ng lipunan yun pa ang nagtatagal na mabuhay. Parang
nanggagago. Parang nananadya.

Mahirap daw mamatay ang masamang damo. Kagaguhan.

Ni hindi nga ata totoo yung sinabi ng teacher ko nung High School. Nature runs a
restaurant called 'KARMA'. It's a place where there is no need to place any order.
You're automatically served what you deserved.

Automatically served what you deserved? Bullshit. Kung talagang automatic yun, kung
talagang totoo ang karma, bakit buhay pa yung killer? Diba dapat nakarma na siya?
Diba dapat buhay pa si Kyamii?

Diba dapat... Tangina talaga. Bakit ngayun ko pa napiling umiyak? Kailangan kong
maging malakas eh. Kailangan kong mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mga
kaibigan ko.

Kailangan kong maipaghiganti si Kyamii.


Kung hindi kaya ng karma, ako ang magiging karma. Ako ang gagawa nang paraan para
magbayad siya. Kung sino man ang killer sa amin, nabibilang na ang mga panahon
niya. Ako ang tatapos sa killing spree niya. I will stop this madness.

Kasalukuyan kong tinutuyo ang mga luha ko ng marinig ko silang sumisigaw. Shit. Wag
mong sabihing umatake nanaman ang killer?

Inisip ko kung saan nanggaling ang tunog. Mukhang nanggaling ito bandang ibaba ng
resthouse. At isa lang ang lugar na alam ko na pwede nilang puntahan. Sa basement.

Dali dali kong tinakbo pababa ang hagdan papuntang basement. Pipito nalang kami.
Ayaw ko nang mabawasan pa yun. Seryosohan na to. Seryoso na ako.

24 hours.

Masasagot ko tong laro niya ng 24 hours. Sawang sawa na ako sa laro niya. Habang
hindi ko pa siya natatanggalan ng maskara, maghanda handa siya. Kung may diyos pa
siyang pinapaniwalaan, magdasal dasal na siya.
"Ano nangyari? Bakit kayo humiyaw?" humihingal kong tanong. Medyo malayo layo rin
yung tinakbo ko.

"Ikukwento ko sayo mamaya. San ka ba nagpupupunta pre?" san nga ba ako nagpunta?
Sasabihin ko ba na habang naghihirap ang girlfriend ko nanduon ako sa labas at
nagsesenti? Na hinayaan kong magpakaduwag ang sarili ko? Aaminin ko bang umiyak
ako?

"Ah, wala." In the end wala nalang ako sinabi. Sikretong malupit ko yung kahinaan
kong iyon. Kailanman hinding hindi ko sasabihin.

Papunta na kami sa attic para kunin ang bangkay ng babaeng pinakamamahal ko. Kaya
ko bang makita siyang wala ng buhay?

Pinilit kong patigasin ang kalooban ko. Kakayanin ko 'to para sa kanya. Gagamitin
kong pangdrive sa galit ko ang imahe ng bangkay niya. Hinding hindi na ulit ako
magpapakahina pa. Magiging malakas ako para sa kanya. Hanggang nasa isla kami, wala
akong karapatang magpakita ng kahinaan.

"Nakakita kami ng mata dun sa bintana sa basement." Pukaw ni Kenly sa attention ko.
"Si Olivia. Ngayon sigurado na akong si Olivia siya. May nunal siya sa bandang taas
ng kanang mata niya at naaalala akong may nakita ako nun na nunal sa kanang mata."

Napaisip ako sa narinig ko. "Pero tol, patay na si Olivia. Panong nasa labas siya?"
takang tanong ko.

"Yun nga. Ikaw, alam kong marami kang alam sa mga ganitong bagay. Kung ikaw si
Olivia, pano mo pepekein ang pagkamatay mo?"

"Kung ako si Olivia?" pano nga ba? "Una, pano ko papalabasing patay ako? Isa sa
simpleng trick eh kunwari nalaglag ako sa isang bangin pero hindi pala."

"Wala naman siyang kinalaglagang bangin."

"Yun nga. Kaya ano ang pwede ko pang gawin?" kung tricks na ganyan, maraming
pwedeng gawin. Pero ano ang gagamitin ko kung ako si Olivia?

Obviously, stab wounds. Pwede akong magkaroon ng ready na prosthetics na iaapply ko


panandalian lang. Yun ang family business nila Olivia. Anything about cosmetics at
prosthetics, sila ang pinakauna sa industriya. Ang nagpayaman nga sa kanila ay yung
ready-made prosthetics nila na ididikit mo lang. Pero kung ganuon nga yun, parang
may kulang eh.

"Eh pano kung uminom siya ng gamot na 'papatay' sa kanya then after sometime
'bubuhayin' siya?" Parang hindi sigurado si Kenly sa kung ano ang gusto niyang
tukuyin.
Kaya tinulungan ko na siya. "Ang ibig mong sabihin eh gamot na nakakapagsimulate
ng death?"

"Oo, yun na nga yun pre. Diba merong ganun?" Oo. Meron nga talagang ganun. Actually
masyadong hyped up at exaggerated ang pagkakagamit ng mga ganuong klase ng gamot sa
mga mystery stories and movies na nababasa at napapanood ko. Nung una nga hindi ako
naniniwalang may ganun.

No drug is that convenient. Kung baga it's too good to be true. At kung meron man
akong sigurado sa galaw ng buhay, dapat pagsuspetyahan mo kapag sobrang ganda na ng
pangyayari.

Murphy's First Law: Nothing is as easy as it looks.

Murphy's Fifth Law: If anything cannot go wrong, it will anyway.

Pero meron pala talagang ganung klase ng gamot. At ang gamot na yun ay nasa
jurisdiction parin ng mga laws ni Murphy. Nasa jurisdiction parin ito ng rules of
nature.Kung sa mga mystery/thriller stories, isang lagok mo, instant death ang
labas mo tapos pagkawala ng effect instant tayo ka kaagad at mas masigla ka pa sa
kuneho. Iba ang nangyayari kapag sa totoong buhay mo ito ginamit. Hindi ganun ka OA
ang real life. Kung gumamit ka ng drug na yun, may tsansa kang macomatose. Sobrang
laki.
"Meron. Tetrodotoxin. Pero tanga lang o sobrang tapang ang gagamit nun."

"Weh? Meron talaga pre? Astig! Paano kung idadillute niya yun sa tubig para
mabawasan ang epekto?" pwede ulit sa tingin ko. Hypothetically speaking, it's
possible. Maraming solute sa mundo ang nababawasan ang epekto kapag dinullute mo sa
water. Katulad ng suka. Nababawasan 'to ng asim. Pero kailangan mong hanapin ang
tamang timpla. Wag masyadong maraming tubig dahil mawawalan ito ng asim. Wag
kokonti kasi para kang tanga na naglagay pa ng tubig sa suka dahil magiging sobrang
asim parin nito. Kumbaga, kung gusto mo talagang maging banayad sa lalamunan ang
suka, kailangan mong hanapin ang tamang balanse ng asim at tabang.

With tetrodotoxin, it's not that simple. Kailangan mong paulit ulit na testingin.
Trial and error. So it's virtually hard and almost impossible.

Pero naalala ko, prepared nga pala ang killer. Pinaghandaan niya kami. Sino ang
makakapigil sa kanya na gumamit ng tetrodotoxin?

"Meron talaga. Ang problema, mahirap makakuha." Except kung mabibigay mo ang
karampatang halaga. Baka pwede.

"I see, mukhang impossible nga." Mahinang sabi ni Kenly. Bigla lahat kami natahimik
kasi narating na namin yung pintuan ng attic. Sa kabilang bahagi naghihintay ang
malamig na bangkay ni Kyamii. Ano kaya ang naiwang expresyon sa mukha niya?
Kapayapaan o paghihirap?
Lumunok ako at pinilit kong paalisin yung kaba at takot na nararamdaman ko.

Kaso hindi na pala kailangan. Nagsayang lang pala ako ng effort. Kasi wala naman
pala akong makitang bangkay niya. Pati nga upuan nawala. Langya naman eh. Bakit ba
napakamapaglaro ng buhay?

"Oh my god!" napasinghap si April sa likod ko. Hindi ko ito napansin. Nakatuon lang
ang atensiyon ko sa lugar na kinalalagyan ng bangkay ni Kyamii. Hindi pala. Yung
lugar na dating kinalalagyan ng bangkay niya.

"Shit!" may narinig akong nagmura, si Eunice ata. Di ko sure. Sa lagay ko ngayon,
kahit siguro pagpapatayin sila ng killer wala akong pakealam.

"Kung sino man nanguha ng bangkay niya, hindi pa siya nakakalayo. Guys, hanapin
natin siya sa buong bahay." Nagutos si Jake at umoo naman yung iba. Parang tanga
sila. Sino ba nagsabing maghiwalay sila? Mas madali silang mamatay kapag ganun.

Pero ilang minuto na ang nakalipas bago magsink-in sakin ang lahat. Siguro kung may
magdedescribe sakin kanina, para akong baliw na nakatingin sa kawalan.
Galit. Yuon ang una kong naramdaman. Pero paninisi narin siguro. Sinisisi ko yung
sarili ko kasi hindi ko naisip na mangyayari 'to. Pero alam kong wala akong panahon
para hayaang malamon ako ng guilt. Kailangan ko ng wakasan ang death game na 'to.

Taliwas sa iba, hindi ako basta umalis sa attic. May hunch na ako kung sino ang
killer. Isa yun sa pinakaimportanteng bagay kung magsosolve ka ng isang mystery.
Hunch. Pero isang malaking katangahan kung titigil ka ba dun. Hindi mo yun pwedeng
irason. Tatawanan ka. Kailangan mong magbigay ng sapat na ebidensiya. Kahit yung
makakapagbigay lang ng probable cause of doubt.

Wag kang tanga. Wag kung ano anong ebidensiya ang gamitin mo. Naalala ko pa yung
tinuro sakin nung hepe ng pulisya. Tama naman. Magbibigay ka na nga ng ebidensiya
weak pa. Tsaka masamang gamiting ebidensiya na nauutal kuno si ganito. Ang labas
nun, namemersonal ka o kaya siya ang gusto mong maging killer kaya nabubulagan ka
to the point na pati mga normal na bagay katulad ng pagkautal gagamitin mong
ebidensiya laban sa kanya. Pwede mong gamiting pangpalakas ng hinala mo pero wag na
wag mong gagamiting ebidensiya. Except kung nagkaroon ng slip-of-the-tongue. Your
evidence can be 50% guesswork wag mo lang ipapahalata. Isa pa, walang totoong
witness statement. Merong point na may tatanggalin o kaya naman ieexaggerate sila.
Ganun ang mundo. Walang totoong katotohanan.

Lumapit ako dun sa pwestong kinalalagyan dati ng bangkay ni Kyamii at may napansin
akong parang seam. Tinadyakan ko at nansin kong hollow ang loob. Trapdoor. Meron
talagang mga ganito sa mga bahay kung minsan. Nakakatawa kasi hindi rin nila
napansin na nagulo ang alikabok.

Pagtaas ko nung trapdoor, nakita ko yung upuan sa baba kasama si Kyamii. Tapos
nakita ko rin na may timer dun sa latch. Redundant ang killer. Repetitive. Mahilig
sa timer.
Bumababa ako at itinaas yung katawan ni Kyamii. Mabigat, mahirap pero nagtiis ako.
Ito nalang ang kaya kong gawin. Ito at ang bigyan siya ng hustisya. Bago ko siya
iwan, tinakpan ko muna ng panyo ang mukha niya. Kahit sa kamatayan ang ganda niya
parin, para ngang hindi siya namatay eh. She died smiling.

Pinahid ko yung namumuong luha sa mga mata ko at sinara ang pinto ng attic. Oras na
para magimbestiga.

Una kong pinuntahan yung balcony sa taas nung bintana ng basement. Tama sila,
walang kakapitan. Ang makikita mo lang ay ang diretsong pahulog dun sa bangin.
Aalis na sana ako pero may nahagip yung mata ko. Timer at kutsilyo. Nanaman. Timer
nanaman.

Napangiti ako. Ang bilis basahin ng killer. Hindi siya ganun katalino pero meron
siyang nakakatakot na abilidad. Kaya niya kaming gamitin laban sa sarili namin.

Susunod kung pinuntahan ay yung dresser na may nakaukit na name ni Marie. Pero ang
nakaukit lang sa tabi niya eh: 'that's me :)'.

Dito bandang naguluhan ako. Nagdalawang isip ako. Sinabi ni Marie na kahapon lang
uli siya nakapunta rito pero nagsisinungaling siya dahil bago lang yung pagkakaukit
sa kahoy.
Binalewala ko nalang yun at tinuloy ang pagiimbestiga ko.

Madali lang talaga ang larong pinapalaro samin ng killer. Kami lang nagpapahirap.
Simpleng simple lang.

Isa nalang ang lugar na kailangan kong puntahan.

Kung saan nagsimula ang lahat. Sa kwartong namatay si Olivia.

Kung tama ang hinala ko, hindi pa naaalis yung key evidence duon. At yun ang
tanging makakapagpatibay ng hinala ko.

Lahat naman ng mystery may key evidence. Pag nahanap mo yun, madali nalang masagot
ang buong misteryo. Dahil sa panahon ng unang 'pagpatay' ng isang killer, naiiwan
niya ang isang ebidensiyang makakapagturo sa kanya. At kung tama ulit ang hinala
ko, sinadyang iwan ng killer ang key evidence na yun para masagutan namin ang laro
niya. Oo, sinabi niya ngang isang key evidence yung mga crayons. Pero yun ang key
evidence sa 'laro' niya. Playing the game is like killing yourself. Hawak ng killer
ang rules kaya dehado ka. Maglaro ka labas sa game at may tsansa kang manalo.

Making us play the game is pure genius. Naeliminate niya ang threat na madiskobre
kaagad siya ni Eunice. Matalino ang babaeng yun. Mas magaling kaysa samin ni
Kyamii. Kaso naïve siya at nabubulagan. Kung first time ko baka pati rin ako ganun.
Pero hindi lang ito ang unang beses na nalagay ako sa bingit ng kamatayan. May
experience na ako at yun ang kulang kay Eunice. Kung makakaligtas man si Eunice
ngayun, baka pwede pa siyang maging isa sa mga magagaling na detective ng pinas. O
kaya ng buong mundo.

Naputol yung pagiisip ko nung narating ko yung pintuan ng kwarto nila Olivia. Dahan
dahan kong binuksan yung pinto, naghihintay na mayroong bagay sa loob na susunggab
sakin. Napaparanoid na nga siguro ako.

Naghanap ako sa ilalim ng kama. Sa mga closets at sa kung saan saan pa pero wala
parin akong mahanap.

Hindi kaya tinanggal nung killer yung ebidensiyang yun?

Pero malabo. 90% akong sigurado na hindi. Meron pa bang lugar sa kwartong to na
pwedeng paglagyan? Hidden door, trapdoor kahit ano.

Tapos nahagip ng mata ko yung dresser sa gilid. Di ko pa nahalughog yun. Kung meron
mang lugar sa kwarto na natitira, ito yun.

Pinagtatanggal ko yung mga laman nung dresser. Itsura na siguro akong nababaliw o
kaya magnanakaw kapag nakita ako ng ibang tao. Tensed na tensed ako eh. Habang
pakonti ng pakonti yung drawer, kinakabahan at kinakabahan ako lalo.

Pano kung wala na yung ebidensiya?

Pero parang ngumiti sakin ang langit ng nabuksan ko yung huling drawer. Langyang
killer. Pasuspense. Dali dali kong pinulot yung bagay na nakalagay sa panghuling
drawer. Nanginginig pa nga ang mga kamay ko. Para akong tangang nakangiti.

Tama nga ang hinala ko. Dahil sa key evidence na ito, 99 percent sure na ako.

Nokia Xpressmusic.

At nung tinignan ko yung contacts niya, nakasigurado na ako.

Ang pumapatay ay si...

[Chapter End]
##################################

~~Happiness And Resolution~~

##################################

Bloody Crayons

Happiness And Resolution

----------------------------------------------------

Jerard

This time sigurado na ako. Alam ko na lahat ang nangyari. Kung ano ang nangyari sa
ganito at sa ganyan.

Nakakatawa lang.

Threatened masyado ang killer kay Eunice. Simple lang naman talaga eh, simple lang.
Hinawakan ko yung nokia xpressmusic at napangiti ako.
Siya nga talaga ang killer. It all fits. Aaminin kong nagulat talaga ako na totoo
yung hunch ko. Pasok talaga yung sinabi ni Sherlock Holmes, all detectives start
solving a case with a hunch.

Sino ba ang hindi magugulat. To go to such great lengths...

Pero isa lang ang tanong ko. Bakit niya to ginagawa? May naiisip akong dahilan pero
mababaw.

Pinatay ko na yung cellphone ng makuntento ako sa sagot. Mystery solved. Ang


kailangan ko nalang gawin eh ipakita 'to sa iba para maniwala sila. It's game over
for the killer.

Mali pala. Ako pala yung nagame over. Kase pagikot ko nasa likod ko na siya. Ni
hindi ko nga naiwasan yung paghampas niya sakin.

Sumabay ang pagdidilim ng paningin ko sa pagdidilim ng screen ng cellphone.


* * *

XXX

Well done, as expected from the guy who solved a cold case.

Alam kong nandaraya ako sa ginawa kong ito pero sorry nalang kasi hindi pa ito ang
tamang panahon para magtapos ang game na 'to. Magaling ka Jerard kaso, katulad ng
iba, naïve ka rin. Ni hindi mo naisip na sinadya ko ang lahat ng ito para mapapunta
ka rito. Pero kahit ganun, saludo ako sayo.

Kinuha ko ang xpressmusic sa kamay niya. No gadgets allowed. That idea was so
fcking perfect. Dahil naïve ang mga kaibigan ko, nagtatrust silang wala nga
talagang magdadala ng gadget. Ni hindi sila nagcheck ng bag.

Lumuhod ako sa harapan ni Jerard at itinakip ang mga mata niya, as a sign of
respect. Kung nasa ibang panahon sana kami, baka naenjoy ko pang makipagtagisan ng
talino sa kanya.

Bumuntunghininga ako at inilabas ang isang piraso ng crayon. Indigo. Ang pang
walong crayon. Kung gusto talaga nilang talunin ako, wag nilang pagtuunan ng pansin
ang mga crayons. Pinahid ko ang crayon sa wasak na bungo ni Jerard. Napalakas ata
ako ng hampas kasi nakikini kinita ko na yung utak niya.
Iniwan ko sa mga palad niya yung crayon at chineck ko kung may incriminating
evidence pa sa kwarto. Nung nakasigurado na akong wala, umalis na ako at iniwan ko
siya.

Farewell my friend. See you in the afterlife.

* * *

Kyle

Kanina pa ako bukas ng bukas ng mga cabinet at aparador, papalit palit ng mga
kwarto. Tumingin nga rin ako sa ilalim ng mesa sa kitchen pero wala eh.

Siguro mga twenty minutes din akong naghanap bago ko napagdesisyunang tumigil. Wala
rin namang nangyayari, pinapagod ko lang sarili ko. Baka bumalik narin sa taas yung
mga yun.

Nung pagpunta ko nga dun sa attic, nakita ko sila sa loob na parang may
pinagkukumpulan. Tapos nung lumapit ako, nakakita ako ng trapdoor na may upuan sa
loob. Yung upuan kung saan nakatali kanina si Kyamii. Pero ang nakapagtataka eh
kung meron yung upuan, nasaan yung bangkay? Diba magkasama silang nawala?
Siyempre isa lang ang naiisip kong dahilan kung bakit nawawala yung bangkay.

May kumuha.

Pero sino? Ngayong lahat kami ay walang alibi, pwedeng kahit sino samin ang kumuha
at nagtago sa bangkay ni Kyamii.

Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim. Aanim? Nasan si Jerard?

"Hoy, nasan si Jerard?" gulat silang napalingon sakin nung sinabi ko yun.

"Kyle, wag kang nanggugulat ng ganun." Sita sakin ni April. Ganun ko ba talaga sila
nagulat? Tsaka bakit magugulatin sila ngayun?

Tapos naramdaman ko bigla yung dahilan.


Tensed silang lahat. At isa lang ang tinitignan nila, si Marie. Hindi ko nga alam
kung bakit, ano ba ang ginawa ni Marie?

Tapos nung nagets ko, piling ko ang pagong pagong ng utak ko. Yung trapdoor! Kung
meron mang isang taong makakaalam nung trapdoor, si Marie na yun. Siya yung may ari
ng resthouse, ibig sabihin siya ang pinaka free sa paggawa nang pagpatay.

"Marie, siguro oras na para umamin ka." Biglang basag ni April sa katahimikan. Ni
hindi nga nila nasagot yung tanong ko kanina.

"Hindi ko maintindihan, anong aamin?"

"Jeez. Don't act as if you don't have the slightest bit of an idea kung ano ang
tinutukoy namin. "

"April, please. Cut to the chase. Sabihin mo ng deretso para maliwanagan ako. Oo
may idea ako pero wag naman sanang magkatotoo yung hinala ako. You wouldn't do that
to me right? After all, magkakaibigan tayo..." humina yung boses ni Marie nung
bandang nasa dulo na siya nung sasabihin niya. Mukhang nagets niya na nga yung ibig
sabihin ni April. "Oh no! Pinagsususpetyahan niyo ako? Why? Is it because of that
trapdoor?"
Halata sa boses ni marie na nasaktan siya sa paghihinala ni April. "Imposibleng may
makaalam sa amin ng trapdoor na yan. Ikaw ang nagmamayari ng resthouse na to. And
come to think of it, sa lahat sa amin, ikaw ang pinakafree sa paggawa ng pagpatay.
At diba sinabi ko na dati na ikaw yung nakita ko na pumatay kay Olivia? Hindi niyo
lang ako pinaniwalaan kasi malakas ang alibi mo. To the point na pati ako hindi ko
rin pinaniwalaan yung sarili ko. Ilang beses kong sinabi sa sarili ko na
hallucination lang yun pero totoo pala na ikaw yung pumatay."

Napatiim bagang si Marie nung narinig niya lahat ang mga pambibintang ni April.
Alam kong mali yung ginagawa ng GF ko pero may tama naman sa sinasabi niya. "Ganun
pala yung iniisip mo sakin April. Ako yung pumatay kasi ako yung may ari ng bahay.
Ako yung pumatay kase kabisado ko yung bahay. Ako yung pumatay kase ako yung huling
nakasama ni Olivia bago siya namatay. Bakit hindi natin dagdagan yung mga isinisisi
mo sakin?" alam mo yung biglang humina yung boses ng tao? Yun bang parang nasaktan
siya tapos nagpipigil nalang ng galit? Parang ganuon si Marie ngayon. "Pano kung
ganito pa April. Kyle, diba hindi pa bumabalik si Jerard?"

"O-oo. Wala pa siya dito." Gulat kong sagot. Langya naman Marie, walang gulatan.

"Ayun, wala pa si Jerard. Siguro iniisip niyo na baka pinatay na siya ng killer. Na
baka ako ang pumatay sa kanya. Ano? Dagdagan pa natin? O sige na. Para sa
ikatatahimik ng kaluluwa niyo, ako na ang pumapatay. Happy? Masaya ka na April?
Siguro sa tingin mo hindi ko napapansin na dati mo pang pinagpipilitan na palabasin
akong killer. Hinahayaan lang kita kasi pilit kong sinasabi sa sarili ko na wala ka
sa tamang pagiisip kasi shocked ka parin sa mga pagpatay na nangyayari sa paligid
mo. "

"Seriously, sinong shocked? Ako? Wag mo akong istylan ng ganyan Marie, alam naman
naming ikaw ang killer. Wag mo akong pakitaan ng paawa effect mong ganyan. Kase
hinding hindi uubra sakin yang mga yan. Akala mo siguro hindi ka mahuhuli pero
nagkamali ka. Kapag kasi masyadong overconfident ang isang tao, nagkakaroon siya ng
pagkakamali. Ayan, tignan mo yang lintek na trapdoor na yan. Sa tingin mo mayroong
may alam samin nung trapdoor na yan? WALA. Ikaw ang killer kaya umamin ka na!"

Tumawa ng mapait si Marie bago nagsalita ulit. "Alam mo, ayaw ko sana tong sabihin
pero pinipilit mo talaga ako. Yang trapdoor? Yan ba ang pinaglalaban mo? Sige,
isipin mo to, meron bang isang beses na may nakwento ako tungkol sa trapdoor na
yan? Think about it. Aalis na ako at hahanapin ko si Jerard." Pagkatapos nun umalis
na si Marie.

"Pero wala ka namang sinabi kahit min-"

"April, enough. I've heard enough." Pigil ni Eunice kay April nung mukhang susundan
nito si Marie. Kanina pa kaming apat na tahimik. Pinapakinggan lang silang dalawa.
Partly, ayaw madamay. Partly, nakikiramdam.

"Pero nakita mo naman Eunice diba? Yung trapdoor?"

"Oo, nakita ko April." Pinikit ni Eunice ang mga mata niya ng mariin.

"O, di maliwanag na siya nga ang killer. Siya lang nakakaalam na mayroon niyan."
"Babe, actually nakwento na satin yan ni Marie dati." Kahit na gusto kong kampihan
tong girlfriend ko, wala akong magagawa. Kasi totoo naman eh. Nakwento na samin to
ni Marie dati. Dito raw siya mahilig magtago kapag nagtatagu taguan sila ng parents
niya.

Nung narinig ni April yung sinabi ko, napayuko siya. "I see. Naaalala ko na. I was
a bitch."

"Alam niyo, mas mabuting sundan nalang natin si Marie at hanapin natin si Jerard.
Baka kung napano na kasi yun." Sabi ni Kenly habang naglalakad papunta sa pintuan.
"Ano susunod kayo?"

Pagbaba namin sa hagdan, nakita namin dun si Marie na naghihintay. Tapos nung
nakita niya kami, lumapit siya kay april. "Ape, sorry. Naasar kasi ako kanina sa
taas kaya kung ano ang napagsasasabi ko."

"Hindi, ako dapat yung humingi ng sorry sayo Marie. Andami kong pinagsasasabi sayo
kanina ng hindi ko man lang naisip yung mararamdaman mo."

"Hindi, ako ang dapat magsorry. I should've kept my cool."


"Hindi, ako dapat magsorry."

"Will you two please shut up? Magbati na kayo dali. Andami pang satsat." Asar na
sabi ni Eunice na ikinatawa naman nila April at Marie.

"Dali, group hug!" nakangiting sabi nilang dalawa. Nung una nga ayaw sumali ni
Eunice pero napilit rin nila. Nakakatawa lang yung mga kakornihan nang mga babae.
Pero isa lang masasabi ko, madali nilang natapos yung problema nila. Yung ibang
babae kasi kapag nagaway aabutin ng buwan o kaya taon bago magbati. Yung iba nga
hindi na nagbabati. Bakit ganun ang mga girls?

"Hoy kayong mga lalaki, di kayo sasali?"

"Eto na, sasali na." sabay sabay kaming nagkamot ng ulo bago nakisali sa kakornihan
nila. Napapailing nalang talaga ako.

"Siguro naman pwede na nating hanapin si Jerard." Sabi ni Kenly habang kumakalas sa
yakapan. Ang excited nung lokong to ah. Baka nagpapahangin lang yun o kaya di pa
tumitigil sa paghahanap sa girlfriend niya.

"Ang excited mo." Balik nanaman sa pagiging makulit si April. Ewan. At least kahit
papano, nagkaroon ng kaunting positive na pangyayari. Minsan kasi nakakabaliw yung
puro patayan sa paligid. Yung di ka makapagisip ng maayos.

"Tara na. San tayo maguumpisa?" tanong naman ni Eunice?

"Wait." Pigil samin ni Kenly nung aalis na sana kami. "Para mas madali maghiwa
hiwalay nalang tayo."

[Chapter End]

##################################

~~Back To Where We Started~~

##################################

Bloody Crayons

Back To Where We Started

-------------------------------------------------
Jake

"Wait." Pigil samin ni Kenly nung aalis na sana kami. "Para mas madali maghiwa
hiwalay nalang tayo."

"Nope. I don't think that's a great idea." Pigil rin samin ni Marie nung maghihiwa
hiwalay na kami. "Delikado kung maghihiwa hiwalay tayo. Mas madali tayong
mapupuntirya ng killer. I think we should stick together and search as a group."

"Tama si Marie, malaki parin ang possibility na isa sa ating anim ang killer. So
delikado ang paghihiwa hiwalay." Segunda naman ni Eunice.

"Maybe. But think about this, kunwari nga na hindi isa satin yung killer. At
kunwaring nasa panganib na si Jerard, hindi ba mas malaki ang tsansa na mahanap at
mailigtas natin siya kung maghihiwa hiwalay tayo?" kontra naman ni April.

"Yun nga rin yung gusto kong sabihin. Mas madali nating mahahanap si Jerard pag
naghiwa hiwalay tayo. Tsaka bakit ba tayo nagtatalo talo dito? Nagsasayang lang
tayo ng oras." Nagmamadaling sabi ni Kenly.

Ano nga ba ang susundin namin? Kung tutuusin tama yung sinasabi ni Eunice at Marie.
Pero hindi ko rin pwedeng sabihing mali si Kenly at April.
Delikado nga kung maghihiwalay kami pero kung totoo nga yung sinabi ni April na
baka nasa panganib yung buhay ni Jerard, dapat maghiwa hiwalay talaga kami.

"Nope, stay put. Wag tayong padalos dalos. Siguradong plinano ng killer ang mga
nangyayari kaya magingat tayo." Plinano nga ba? Minsan ang pakiramdam ko
inooveranalyze namin yung mga simpleng gawain ng killer. Yung kahit konting
pangyayari iniisip na namin na plinano ng killer ang ganito at ganyan.

Sa math, delikado ang pagooveranalyze sa isang problem. Minsan kasi nakuha mo na


yung sagot pero di ka sigurado kaya uulitin mo uli. Tapos kapag naman napalabas mo
yung isang answer gamit ang isang formula na sigurado ka, yun at yun ang ilalagay
mong sagot. Most of the time kasi kapag hindi ka naman talaga ganun kagaling sa
math, yung tamang sagot pala ay yung sagot na hindi ka sure.

Parang ganun din ang nangyayari samin ngayon.

Hindi kami ganun kagaling sa pagsosolve ng mysteries. Sa umpisa meron kaming mga
suspetsa pero habang tumatagal napapalitan kasi may mga ebidensiyang siguradong
tumutukoy at nagtuturo sa kanya.

Ano nga ba talaga? Ito ang mahirap kapag hindi math ang sinasagot ko eh. Hindi ko
alam kung ano ang mangyayari. At kung di ba naman talaga nananadya, probability ang
pinakamababa sa number abilities ko.
"Nope, kailangan na nating magdesisyon ngayon Eunice. Habang tumatagal, mas lalong
nanganganib ang buhay ni Jerard." Pilit ni Kenly.

"Ni hindi pa nga tayo sigurado na delikado ang buhay ni Jerard eh." Pigil ulit ni
Eunice.

"Guys, sa tingin ko kailangan talaga nating maghiwalay. Ang priority natin ay ang
wag tayong maubos kaya dapat nating iligtas si Jerard. Dun ako sa maghihiwa hiwalay
tayo."

"Sang ayon ako kay Kyle. Pipito nalang tayo kaya dapat tayong maghiwa hiwalay."
Ayaw ko ng magisip. Basta dun nalang ako sa tingin ko ay tama, at sa tingin ko,
dapat kaming maghiwa hiwalay.

"NO! Wag tayong maghiwa hiwalay. Alam niyo naman siguro yung saying na United we
stand, divided we fall! Wag kayong padalos dalos!" Pinagpipilitan parin ni Eunice
yung una niyang desisyon.

"Nope. We split. Outnumbered kayo sa botohan Eunice. Give up." Patapos na sabi ni
April.
"No! Hindi niyo alam! Ahhhh! Whatever!" Frustrated na sabi ni Eunice. Habang
tinitignan ko siya, ewan ko pero parang gusto kong bawiin yung desisyon kong
maghiwa hiwalay kami. Kasi nung huling winarningan kami ni Eunice na may trap,
nagkatotoo. "Bahala kayo kung ano ang gusto niyo. Basta pag may narinig kayong
sumigaw, dapat puntahan niyo agad."

"Agreed." Sabay sabay naming sabi bago kami naghiwa hiwalay.

Saan nga ba nagpunta si Jerard? Kung titignan ko sa data, mostly ang ginagawa ng
taong depressed ay nagpapahangin. Siguro pupuntahan ko yung balcony.

* * *

XXX

Nice. Mabuti naman at naghiwa hiwalay sila in the end. Ang sarap talagang paglaruan
ng mga utak ng mga kasama ko. Konting problema lang pero sagad yung pagiisip nila
kanina. Hindi ko tuloy mapigilang paglaruan sila.

Laughtrip.

Ngayong naghiwa hiwalay na sila, pwede ko ng patayin si Jerard, sigurado naman


akong nasa room na siya kung saan nagumpisa ang lahat.

Habang naglalakad ako, naisip ko na tama bang gamitin ang crayons bilang clue? Kasi
game over agad sila pag yun yung gagamitin nilang key. Pero siguro naïve talaga
sila kapag nagtiwala sila sa kung anong kondisyon na ibinigay ng isang killer.

Hindi naman ako si Jigsaw sa Saw na kung ano yung patakaran forced kang sundin.
Yung iba ngang pinaggagagawa ko ay pawang impromptu moves lang. Pero siyempre
mostly naman planado. Basang basa ko na kasi yung mga nasa laman ng isip ng mga
kasama ko kaya kaya kong magset ng trap na 100% mahuhulog sila.

All thanks to my great analytical ability pati narin sa pakikiramdam at


pagreresearch ko sa kanila. Siyempre kailangan dapat reding ready ako kaya pati
past nila pati na yung mga kung ano ano pang infos ay hinukay ko. Madali nalang
gumawa ng character sheet.

Dinampot ko yung mabigat na brass figurine nung makita ko yung likod ni Jerard
tapos hinataw ko yung ulo niya ng malakas.

Game over.

* * *
Eunice

For the second time hindi nanaman nila ako pinakinggan. Nakakabanas na talaga sila.
Tsaka bakit ko ba kasi sila pinapaalalahanan pa? Diba mas madaling malaman kung
sino ang killer habang pakonti ng pakonti kami?

Kapag tatlo nalang ang natira, mas madali nalang malalaman. Pero parang may
bumabagabag sa utak ko. Pano kung hindi nga isa sa aming pito yung killer? I have
ample evidence na nagsasabing tagaloob siya o isa saming pito pero meron rin akong
ebidensiyang nagsasabing tagalabas siya. At alam kong fatal na pagkakamali kung
magdidiscard ako ng basta basta.

Bumalik ako sa basement pero walang bago kaya umakyat nalang ako. Tapos nung
lumabas naman ako ng resthouse, nakita ko si Jake na nasa balcony kaya sinigawan ko
siya.

"Nakita mo na si Jerard?"

"Di pa. Siguro mas mabuting pumunta na tayo sa sala, baka nandudun na yung iba."

Tumango ako tapos pumasok na ulit sa loob. Sana safe si Jerard kasei mahirap ng
mabawasan nanaman kami. Oo nga na may benefit din na paonti kami ng paonti pero
masakit ding panuorin na namamatay sila isa isa. Kung yung puno nga na oonti nalang
yung dahon ang pangit tignan, pano pa kaya kami?

Pagdating ko sa Sala nanduduon na silang apat.

May isang kulang.

"Nasan si Kenly?" tanong ko kay Jake.

"Ewan. Baka naghahanap pa."

"Ang tagal niya ata? Mga 10 minutes na tayong nagkanda hiwa hiwalay tapos di parin
siya bumabalik?" nagtatakang tanong ni April.

"Hanapin narin kaya natin siya, natatakot ako para sa kanya eh."
"May point si Marie, pero this time, wag na tayong maghiwalay." Sangayon ko naman.

"Saan tayo maghahanap?" Tanong ni Kyle. Pero nasagot agad yung tanong niya ng
marinig naming napamura si Kenly.

"Saan yun galing?" gulat na tanong ni Jake.

"Banda sa mga bedrooms." Sagot naman ni April. Nung sinabi yung bedrooms, parang na
bobo ako. Syempre nagumpisa ang lahat ng kamalasang ito kahapon. Sa isang kwarto.

* * *

Kyle

Parang bumalik kami sa umpisa.

Kasi nung pagakyat namin sa taas, nakita naming nakasandal si Kenly dun sa harap
nung pintuan ng kwarto kung saan namatay si Olivia.
"Tol, wala na si Jerard." Mahinang sabi ni Kenly. Para akong nasapok nung narinig
ko yun. Nabawasan nanaman kami.

"Safe ba sa loob?" tanong ni Eunice, kitang kita mo yung pagaalala sa mukha niya.

"Oo, this time mukhang walang iniwang trap yung killer." Sagot ni Kenly.

Totoo nga yung sinabi ni Kenly na mukhang walang iniwang trap yung killer. Pero
this time mukha nga ring wala siyang iniwang ebidensiya. Kahit na gulong gulo yung
mga drawers, meron parin yung pakiramdam na tinanggal na nung killer yung bagay na
hinahanap ni Jerard.

Pero mali pala.

Hindi pala lahat ng ebidensiya nalinis nung killer.

Kase nung binaliktad namin yung katawan ni Jerard, nakita namin na nagawa niya pang
magsulat ng isang salita bago siya mawalan ng hininga.
Isang salita na pwedeng maging dahilan para mahuli namin yung killer. Pero ang
hindi ko maintindihan, ano ang ibig iparating ni Jerard nung sinulat niya yun.

Ano ba ang ibig sabihin ng...

CRAB?

[Chapter End]

##################################

~~It Feels Really Empty At The Top~~

##################################

Bloody Crayons

It Feels Really Empty At The Top


---------------------------------------------------

Eunice

Strange...

Meron yung pakiramdam na malinis 'tong kwartong ito.

Alam kong magulo at makalat siya kasi naghalughog si Jerard dito pero meron talaga
yung pakiramdam na wala kaming mahihita na kahit isang bagay.

Yung para bang tinanggal na nung killer yung mga importanteng ebidensiya. Kung ano
man yung hinahanap at nahanap ni Jerard, nakuha na ng killer. And I just can't
shake off the feeling na isang napaka importanteng bagay yun. Na dahil dun, nasolve
ni Jerard ang mystery. Na nalaman niya kung sino ang killer.

Lumuhod ako at sinalat ko yung balat ni Jerard. Mainit init parin. Shit, kahit ayaw
ko nagbabago ulit yung deductions ko.

Judging from his temperature tsaka liquid parin yung dugong nakakalat sa kwarto
malalaman mo agad na bago palang siya namatay. So makakapagformulate ako ng
hypothesis na pinatay siya nung time span na naghiwa hiwalay kami.

Why?

The time that it takes for blood to coagulate.

Normally, blood clots in 15-20 minutes, in some cases naman pwedeng 10 minutes.
Judging from the fact na nagmeet kami ulit sa sala after ten minutes or more tapos
nagtalo pa kami ng mga ilang minuto and still hindi parin nanigas yung blood ni
Jerard.

I just can't help thinking na isa sa aming anim ang killer. Pero meron parin akong
pakiramdam na hindi siya isa samin. It's hard to explain. The situation that we're
in is hard to exlain.

"Guys, tignan niyo tong nakasulat o." pukaw ni Kyle sa atensiyon ko.

"CRAB?" sabay sabay naming tanong. Ano ba ang ibig sabihin ng crab na yan?
Acronym? Acrostic? Or yung talangka? Kung yung talangka, I can formulate a
hypothesis.
I still remember na kahapon, may pangyayari regarding sa talangka. Humiyaw si
Olivia, pinatay ni April at naawa si Marie. Kung ang gusto saming iparating ni
Jerard na ang killer ay may kinalaman sa talangka kahapon. Ibig sabihin...

April Marie Olivia

Isa sa kanilang tatlo ang killer.

Pero wala akong supporting facts. Tsaka malay ko ba kung mali pala yung
pagkakainterpret ko. For all I know baka acronym yan. At pag acronym nga yan, mas
lalong hihirap idecode. It could mean lots of things, for example: Color Red At
Blue.

Masyadong broad pati ako naguguluhan.

"Ano kayang ibig sabihin niyan?" tanong ni April.

"Ewan ko! Pero mas mabuti pang umalis na tayo rito kasi wala narin tayong
mahihita." Bingo. Mukhang may matalino parin naman pala sa grupo namin kasi may
nakapansin din dun sa napansin ko kanina.

"Sangayon ako kay Kyle, mas mabuti pang dalhin nalang natin si Jerard sa basement
at magusap usap tayo sa sala." Segunda naman ni Jake.

Humans are really amazing? Kung may isang adjective akong gagamitin samin ngayon,
siguro resilient. Hindi na kami yung tulad kahapon o kanina na masyadong madaling
madepress. Oo nga at nalulungkot parin kami at natatakot pero kaya na naming
kontrolin ang mga nararamdaman ngayon. We are better, stronger.

~ ~ ~

Pagkatapos naming ihatid yung bangkay ni Jerard sa baba, umupo kami sa sala para
magusap usap. Pangalawang araw palang ng pananatili namin dito sa isla at ni hindi
pa nga nagtatanghali pero nabawasan na kami ng sobra sa kalahati. Kung gusto talaga
naming magsurvive, we better stop and think things through. Masyado na kaming
nadadala sa mga pangyayari. Yun nga lang, sana pagusapan namin 'to ng mahinahon.
Kinakabahan kasi ako dahil kanina pa ako kinukutuban na may masamang mangyayari.

"I think we better talk about the past events na nangyari." Ako na nagbukas ng
usapan.

"I agree." sangayon naman sakin ni Marie. "If we want to live, kailangan nating
magtulong tulong. We need all the help we can get."

"Ano naman ang paguusapan natin?" tanong ni April.

"Ano ang napansin niyo kanina sa kwarto kung saan namatay si Jerard?" tanong ko.
Kung ano ang sagot nila, duon ko malalaman kung gaano na sila kalayo sa mga
deductions nila. With this harmless question, malalaman ko kung gaano karaming
ebidensiya ang kailangan kong idivulge sa kanila. I can't just tell them everything
nang wala naman silang maibibigay na kapalit. Ako ang mapeperhuwisyo. After all
malaki ang possibility na isa samin ang killer. At katangahang sabihin ang
nalalaman mo kung nasa harap mo ang papatay sayo.

"Sa tingin ko merong nawawala sa kwartong yun." Sagot ni Kyle. "At nasolve na ni
Jerard kung sino man ang killer."

"Kung ganuon nga talaga, ibig bang sabihin na yung sinulat niyang crab ay clue
patungkol sa killer?" tanong naman ni Kenly.

"Nope." Sabat ni Jake. "Hindi si Jerard ang nagsulat nung crab."

"HA? Paanong?" nagugulumihanang tanong ni April. "Pano mo nasabing hindi siya?"


"Simple lang. Nawasak yung bungo ni Jerard kaya hindi niya na kaya pang magsulat.
At kung meron mang may tsansang isulat yun, yung killer o kaya naman ay si..."
hindi ko na itinuloy yung sasabihin ko. Muntik nanaman akong magname drop.

"Si? Sino?" tanong ni Marie.

"Wala, nevermind." Pagbabago ko ng usapan.

"Si Kenly right?" pagtutuloy ni April sa muntik ko ng masabi. Hindi ko lang alam
pero bakit ang galing ni April pag dating sa pagdidiin sa mga kasama namin? "Kung
meron mang pwedeng magsulat nun maliban sa killer, si Kenly diba?"

"Parang hindi naman ata tamang pagsuspetyahan mo ako ng walang basehan April. Pati
ikaw Eunice. Akala ko nagbago ka na pero mukhang bumabalik nanaman yung
pagkademonyita mo. Matagal na akong nagtitimpi." That did it. Nawalan na ako ng
control.

"Pero tama naman diba? May possibility na ikaw nga ang nagsulat. Para maframe mo
sila April?" She is back. The bitch is back. I love this feeling. "At diba ikaw
lang ang survivor from room one? Hindi ba kataka taka yun?"
"Please guys, stop it. Kailangan nating magusap ng mahinahon dito." Pigil samin ni
Marie.

"Aw, geez. Can you please shut up Marie? Hindi mo parin ba naiintindihan? Nung
sinulat ng kung sino man yung crab tayo ang pinupuntirya. Kasi kahapon, tayo lang
ang may involvement sa crab. Ikaw, ako at si Olivia."

"April, tama na. Di mo bagay ang mahighblood." Pigil narin ni kyle sa girlfriend
niya.

"Hindi Kyle. Tama naman siya eh. Tsaka ang may pinakamalaking chance para linisan
yung kwartong yun ng mga ebidensiya ay walang iba kundi si Kenly lang." Sagot ko
narin.

"I have to agree with that one. Si Kenly nga ang may pinakamalaking chance na gawin
yun pero hindi parin yun sapat na dahilan para sabihing siya nga ang pumapatay."
Kontra sakin ni Jake.

"Actually yes. Nasa time span ng naghiwa hiwalay tayo ang pagpatay kay Jerard. At
ano lang ba ang pagtatago ng ebidensiya tapos biglang magmumura ng malakas para
marinig natin?" nung sinabi ko yun, natahimik si Jake. Ayun. Talo siya. Ang dami
kasing satsat di naman pala alam ang sinasabi.
"Kung ganyan ang tingin niyo sakin, siguro mas mabuti nalang na maghiwa hiwalay na
tayo. Alam ko namang lahat tayo pinagsususpeyahan ang isat isa. Bakit hindi nalang
natin itigil tong kaplastikan na 'to?" asar na sabi ni Kenly.

"That's a great idea. Mas gusto ko na ngang maghiwa hiwalay tayo. Since malaki
naman 'tong bahay at aanim tayo, siguro naman kakayanin nating hindi magkita kita
diba?" sangayon ko sa bluff ni Kenly. Takutin niya sarili niya. I can fend for
myself.

Palagi namang ganto eh. In the end ang natitira lang sakin ay ang sarili ko. People
always think that I'm strong. Emotionally and mentally. At dahil daw sa strong
akong tao, hindi ko na kailangan pa ng tulong. Kasi kaya ko na.

Si Eunice kailangan ng tulong? You got to be kidding me!

Okay ka lang ba Eunice? May sakit ka ata kaya di mo nakayang magisa?

In the end no one can understand. That's why I never asked for help. That's why I
never said anything.

I really envy the weak. They can surround themselves with people who can help them.
It's always the weak. Palagi nalang sila ang tinutulungan. Pano naman yung mga
katulad ko? Pano naman kami? The fittest may survive but it's always the weak who's
comforted.
It's sad being at the top.

If I can't be weak, why can't I be with strong people like me?

"I think so too. Kyle, let's go." Sabi ni April hila hila si Kyle, na medyo may
second thoughts sa mga pangyayari. Pumasok sila saglit sa kitchen bago lumabas dala
dala ang isang basket ng tinapay, bread knife at cheese. Kumuha rin sila ng
dalawang kutsilyo, siguro pangdefend nila sa sarili nila. "Kasya na samin to
hanggang bukas. Sana hindi namin kayo makita."

"I guess I have no choice. Kung pipigilan ko kayo wala rin lang mangyayari."
Pumasok din si Jake sa kitchen at kumuha ng supplies. Bumalik siya dala ang iba't
ibang klase ng kutsilyo na nahanap niya sa kusina at inilatag ang mga ito sa
harapan namin. "Mamili na kayo diyan kasi yan nalang ang natitira dun. Alis na ko
guys." Nginitian niya kami ng malungkot bago naglakad papalayo. "Survive for two
weeks."

Nung tatatlo nalang kaming natira nila Kenly at Marie, sabay sabay kaming kumuha ng
kutsilyo at tinalikuran ang isa't isa. This time hindi na ito group game.

Mas humirap na yung mga pangyayari. Oo nga at sinabi kong united we stand divided
we fall.
Pero sa tingin ko hindi na applicable samin yun. Kasi kung may isang bulok na
kamatis sa isang grupo, lahat mabubulok. We'll just get dragged down.

I think it's better this way. Kung baga, mas mararamdaman na namin na nasa panganib
talaga ang buhay namin.

At kapag ang isang tao nalagay sa bingit ng kamatayan, maraming kamangha manghang
bagay ang kaya niyang magawa at kaya niyang gawin.

I guess ito yung tinatawag na natural selection. Matira matibay.

The weak is food for the strong and the strong rules the weak. Yun yung batas ng
nature nung umpisa at ngayon yun yung nilalaro namin. A game inside a game. This
time wala ng kaibi kaibigan. Wala ng kasa kasama. You are alone at pag tatanga
tanga ka, ikaw ang unang madadale ng killer. Habang paunti kami ng paunti, mas
lalong lumalaki yung tsansa kong malaman kung sino yung killer. Kailangan ko nalang
magsurvive hanggang sa panahong yun. And when that time comes, I'll personally kill
the killer with my own hands.

Mahirap ang mga susunod na mangyayari. Kailangan ko silang obserbahan ng hindi nila
nalalaman. Personally, I think mas maganda yun. Ngayon lang ako gagawa ng ganito
kareckless and I love the thought of it.
I'm good at being alone. If it's a battle to reach the top, I knew I can survive.

Pagdaan ko sa sala tiningnan ko yung aquarium at napangiti ako sa nakita ko. Yung
mga isda na 'nangamatay' kanina lumalangoy na ulit at buhay na buhay.

Mas lalong nagulo yung deductions ko pero pakiramdam ko I'm getting close to
something.

Kyamii, Marie, Olivia, April, Kenly, Jake, Kyle.

Konting panahon nalang at malalaman ko rin kung sino sa inyo ang red herring at
kung sino sa inyo ang killer.

Isang araw at kalahati palang ang lumilipas pagkatapos naming makarating dito sa
isla and I swear to god, I'll survive for 12 and a half days more.

[Chapter End]
##################################

~~Who Told You I'm Happy?~~

##################################

Bloody Crayons

Who Told You I'm Happy?

----------------------------------------------------------------------------------

Kyle

"Ano ba Kyle, masyado kang tensed. Magrelax ka lang kasi wala pa namang
nangyayaring masama." Sabi sakin ni April habang pinapalamanan yung tinapay gamit
yung bread knife. "Tsaka sa kanilang lahat, tayo yung pinakasafe. Dalawa tayo
remember."

Di ko lang alam kung bano talaga kami o talagang may sangkatangahan yung grupo
namin. Alam naman na kasi namin na mali yung paghihiwa hiwalay pero tinuloy parin
namin. Langya lang, nakakagago. Parang mas lalo lang naming binigyan ng advantage
yung killer.
Nasa room 2 kami ngayon. Yung kwartong hindi inatake ng killer nuong minasssacre
niya yung mga kasama namin. Dito narin namin balak hintayin yung susundo namin.
Kung makakatagal kami ng labindalawa at kalahating araw.

"Mas mabuti ng safe tayo. Mamaya hagisan tayo ng sleeping gas eh." Sagot ko habang
kinukuha yung isang tinapay na natapos niya ng palaman. Kinagatan ko yun tapos
bumalik na ako dun sa inuupan ko malapit sa pintuan nung kwarto. "Naks, may talent
ah. Sarap nitong tinapay, lasang bread."

"Baliw! Tsaka kung yung sleeping gas yung pinoproblema mo, meron naman na tayong
pangontra diba?" sabi niya sabay tuktok dun sa balde na may lamang mga basang
bimpo.

"Oo, alam kong may pangontra na tayo pero kahit na ganun mahirap parin yung
papetiks petiks." Syempre basic precaution na yang basang bimpo pangontra sa mga
usok. Kumbaga, halos lahat ng taong nagbabasa ng mystery o nanunuod ng bakbakan
malalaman yan.

Kapag may nagpausok, gumamit ka raw ng basang bimpo pantakip sa ilong mo. Syempre
haharangin nuon yung usok kaya di mo malalanghap. Pero kumbaga sa medicine, first
aid lang yan. Kailangan parin naming lumabas sa kwarto. Tapos kunwari nagaabang
pala yung killer sa labas.

Tsaka hindi yan sapat para magpapetiks petiks kami. Ilang beses na ba kaming
nalagasan dahil sa katangahan namin?

"Bahala ka diyan. Masyado kang paranoid di mo bagay. Kyle the paranoid!" Pambubuska
niya sakin.

"Di ako paranoid. Surist ako." Sagot ko habang tumatawa.

"Anong surist?" takang tanong niya.

"English ng segurista." Sabi ko na mas nilakasan ang tawa.

"Hala! Si manong, patawa." Bakit ganun ang mga tao? Nambabarag pero tumatawa naman.
"Kyle," sabi ulit niya pero this time alam kong seryoso na siya. "Lalabas lang ako,
may kailangan lang akong kunin sa bag kong naiwan sa baba."

Ano naman kayang importanteng bagay ang naiwan niya para ipahamak niya ang sarili
niya sa pagbaba? "Diba naiakyat na natin ang lahat ng mga gamit mo? Lika, samahan
na kita."
"Meron nga kasi akong naiwan dun eh. Tsaka wag na. Sa baba lang naman ako eh. Kaya
ko na to." Sabi niya sakin sabay dampot dun sa kutsilyong nakalatag sa tabi ng
higaan.

"Ano ba kasi yung laman ng bag na yun? Tsaka delikado, sasamahan na kita." Hindi ko
maiwasang magalala para sa kanya.

"Hindi na nga sabi eh, wag na. Kaya ko na talaga ito." Sabi niya sakin sabay
pinaikot niya yung kutsilyo sa mga daliri niya. Kung ano man yung laman nung bag na
yun, ayaw niya talagang sabihin sakin. Mas lalo tuloy nadagdagan ang pagtataka ko.
Kaso alam kong wala na akong magagawa. Hindi ko siya mapipilit sabihin yun kung
hindi niya gusto sabihin. Alam ko naman kasi na kung minsan mamisteryo yung mahal
ko. Tsaka isa yun sa nagustuhan ko sa kanya. Sasabihin niya rin naman yun kapag
ready na siya. Konting hintay lang. Di rin naman ako kayang tiisin niyan.

"Magiingat ka, subukan mong mamatay papatayin kita." Banta ko sa kanya. Tumawa
nalang siya dun sa joke tapos lumabas na siya. Naiwan nalang akong tinititigan yung
pintuan nung kwarto.

Safe naman siya diba? Tsaka saglit lang naman yun eh.

* * *
Kenly

Nasa sala ako ngayon. Dito ko natripang pumunta. Alam kong katangahan tong
pinaggagagawa ko pero minsan para matalo ang isang matalinong kalaban, kailangan
mong gumamit ng katangahan. Alam kong delikado ang manatili rito pero ang advantage
naman ng sala ay open space ito. Kung may aatake man sakin makikita ko agad basta
wag lang akong tatanga tanga.

Lalo na ngayon na meron na rin yung possibility na atakehin ako ng mga kaibigan ko
kahit hindi naman sila yung killer.

Ubusan na talaga ng lahi 'to. Threat kami sa isa't isa. At ang dapat gawin sa mga
threat ay ieliminate. Ang tingin ngayon nila sakin ay libreng pagkain. Maamong
tupa. Kaya kapag nakakita sila ng walang kalaban labang tao, ibaba nila ang guard
nila. At duon ko sila titirahin.

Sigurado akong mangyayari to dahil meron at meron parin yung mga taong literal yung
pagiisip sa survival of the fittest. Kahit mga kabarkada ko yung mga yun, syempre
uunahin nila yung sarili nilang kapakanan. Kumbaga, a sacrifice of one man for the
greater good is better ang linya ngayon ng pagiisip nila.

Nakakagago lang talaga kasi nakakagutom 'tong paghihintay. Tsaka nakaka mind fuck
kasi masyadong tense yung pakiramdam ko. Lahat nalang inoobserbahan ko. Ano nanaman
ba yung term nun? Ah, paranoid.
Dumampot ako nung mansanas dun sa fruit bowl. Nakakailan narin akong ganito, gusto
ko sana yung heavy pero hindi naman ako marunong magluto. Tsaka katangahan ang
magluto kung nasa bingit ka na ng kamatayan.

Nung pakagat na ako sa mansanas, bigla akong napatigil. Nakakita kasi ako nang
kislap ng isang kutsilyo banda run sa hagdanan. Di ako sure kung kutsilyo nga
talaga ang may gawa, pero sigurado akong metallic yun. Mataas rin yung
pinanggalingan at mistulang lumulutang kaya sigurado akong may naghahawak nito.

"Sino yan? Lumabas ka." Sabi ko habang dinadampot ko yung kutsilyo na nakatago sa
gilid ng sofa na kinauupuan ko ngayon. Shit! Masyadong tensyonado ako para
makapagisip ng matino.

Dahan dahan kong nilapitan yung hagdan habang mahigpit na nakakapit ang kanang
kamay ko sa kutsilyong hawak nito. Bakit ba kasi medyo madilim yung parte kung saan
nakapuwesto ang hagdanan? Tsaka bakit ba kasi nataon pa na hapon mangyari to kaya
medyo nagaagaw na ang liwanag sa dilim?

Inunti unti ko yung paglapit dun, lahat nung senses ko nakatuon doon sa hagdanan.
Sa pinanggalingan ng kislap. Kaso kahit anong pilit ko wala parin talaga akong
makita na kahit anong kakaiba. Baka naman guni guni ko lang ang lahat?

Nung nasa hagdanan na ako, napahinga ako ng maluwag dahil wala akong nakita.
Paranoid nga lang siguro ako.
"Don't move." Bigla akong kinilabutan nung may narinig akong nagsalita sa likuran
ko. Hindi rin nakakatulong sa bilis ng tibok ng puso ko ang pakiramdam na may dulo
ng kutsilyo na nakaturo sakin.

"Sino ka? Magpakilala ka tangna mo!" galit kong sabi pero ang narinig ko lang ay
ang tawa ng kung sino man yung nasa likod ko. Pagkatapos niyang itigil ang maiksi
niyang tawa, naramdaman kong diniinan niya pa yung kutsilyo.

Nakaramdam ako ng kirot sa likuran ko pero sigurado akong hindi pa naman nasusugat
ang likod ko. Kung sino man siya, pinaglalaruan niya ako. At hindi ko gusto ang
pinaglalaruan ako. Hindi pa nakakatulong na babae ang pinanggalingan ng boses.
April? Eunice?

"Sige, pwede ka nang humarap sakin." Nabosesan ko na kung sino ang nasa likuran ko
at nung nilingon ko siya, nakumpirma ang hula ko. Si April. "Ang weak mo, wag kang
maglagi dito sa sala mamamatay ka lang."

Sinuksok niya yung kutsilyo dun sa makeshift knife-sheath niya tapos dinampot niya
yung isang bag. "Adios mi amigo! Seryosohin mo yung advice ko, magtago tago ka kasi
mamamatay ka lang. Malay mo sa susunod na mangyari yun eh..." Di niya tinapos yung
sasabihin niya pero naintindihan ko.

Di parin ako nakapagsalita kahit matagal na siyang wala. Ambiilis ng mga


pangyayari. Ganun ba talaga ako kadaling tapusin?
* * *

Marie

Naghiwa hiwalay kami. Magisa nanaman ako.

Nandito ako sa room 4. Apat lang ang bedroom sa resthouse na ito at yung dalawa may
nangamatay na. Syempre kukunin ko yung blood-free. Sino ba namang matinong tao ang
mag i stay sa mga ganung klase ng lugar?

Tsaka kahit ako di ko kaya. Kahit hindi na bago sakin ang makakita ng taong patay
at duguan.

Pinanganak ako sa mayamang pamilya. Tipikal na mayamang pamilya. Kahit na wala


silang time para sakin kasi busy mga parents ko sa trabaho naiintindihan ko naman.
Alam ko namang mahal na mahal nila ako.

Tsaka kung may time naman sila they always try to make it up to me. They would take
me to trips around the world. Pero ang pinakagusto ko ay yung nandito lang kami sa
pinas. Wala lang, nakakatuwa kasi eh. Knowing the beauty of your homeland is the
best way to enjoy your time with your family.
Masasabi kong kuntento na ako sa pamilya ko. Oo nga at hindi kami katulad ng ibang
pamilya na palaging magkasama, palaging masaya but hey, we're trying! Mama and papa
are trying. I think?

May mga panahon bang humiling ako na sana magkasama kami palagi? Syempre naman.
Hindi nga lang minsan, palagi. Kasi once every three months lang ang uwi nila tapos
maximum of three days lang ang kaming nagkakasama. Then after that they'll go away
again. They'll leave me again.

Hindi ako yung katulad ng ibang bata na nagrerebelde para mapansin ng mga magulang.
I try my best in everything. Kasi alam ko namang balang araw magiging sobrang PROUD
sila sakin at aattend din sila sa isa sa awarding ceremonies ko.

Nakakatawa lang kasi hindi pa nangyari yun kahit minsan.

Masasabi nating isa ako run sa mga batang uhaw sa atensiyon ng pamilya. Uhaw na
maramdaman yung pagmamahal ng mga magulang niya. Pero kahit ganun, pilit ko parin
silang iniintindi. Alam ko balang araw maririnig ko rin sa kanila yung salitang WE
ARE PROUD OF YOU MYKA. O kaya naman eh, ANG GALING GALING TALAGA NITONG ANAK NATIN,
WE ARE SO PROUD OF YOU MARIE.

Sad to say wala eh. Everytime na may ipapakita ako sa kanila, simple lang ang
isasagot nila.
"Daddy, mommy, look o nanalo kami ng trophy dun sa story telling activity namin."
Tapos ngingiti lang yung mga magulang ko, kung sineswerte may maririnig akong
THAT'S GOOD!

Then kinabukasan, magbabiyahe na kami papunta sa kung saan. And all the time, all
the duration ng byahe, trabaho parin ang inaatupag nila.

Pero mahal naman nila ako diba? Diba?

Kasi kung hindi, di hindi sana nila ako ipinapasyal. Pero bakit ganun? Pakiramdam
ko kulang yung pagkatao ko. Na meron yung isang bagay na hinihingi ng kaluluwa ko.
Na sana maramdaman ko talaga na mahal na mahal na mahal nila ako kahit na hindi ko
kinukumbisi ang sarili ko.

And all those years, naniniwala parin ako na magkakaroon parin ng time na
magkakasama kami palagi.

Kaso mukhang malabo talagang mangyari yun. Kahit kailan hindi ko naranasan yun.
Kasi bago pa man nila napakita saking mahal nila ako, napatay na sila.
Patay na sila. Di ko parin maalis sa isipan ko yun. Hindi ko parin matanggap.

Magulong kwarto. Dugo sa pader, dugo sa mga gamit, dugo sa sahig. Parang
pinapalibutan kami ng dugo.

Tapos dun sa sahig nakahiga ang dalawang bangkay. Mga bangkay ng mga magulang ko,
nakahilata, wala ng buhay. Ako? Nakatayo ako sa gitna nila. Nakatitig lang sa
sahig, hindi makapaniwala sa mga nangyari. Tapos nung itinaas ko yung paningin ko
nakita ko yung salarin sa harapan ko.

Nakangiti habang may hawak na kutsilyo.

Nabulabog yung iniisip ko nang may marinig akong kaluskos sa bandang gilid ko.
Akala ko nga guni guni ko lang pero nung narinig ko ulit kaya sigurado na ako.

Hindi lang ako magisa dito sa kwarto.


[Chapter End]

##################################

~~The Tears I Locked Up Inside Me~~

##################################

Bloody Crayons

The Tears I Locked Up Inside Me

-----------------------------------------------

Jake

Kahit anong gawin kong justification mali talagang maghiwa hiwalay kami. Sa ngayon
kasi dalawa nalang yung suspects ko. Kung hindi isa sa amin yung pumapatay, isa sa
mga patay yung pumapatay.

Problamado nga ako kung isa sa amin yung pumapatay. Kahit isa kasi wala akong
maisip kung sino. Yung puro suspicion nalang ako na wala namang sapat na
ebidensiya. Pwedeng si Marie, pwede rin namang si April. Pwede rin naman silang
lahat.
Pero kung yung isa sa amin na namatay ang pumapatay. Simple lang. Kasi dalawa lang
naman ang papasok sa isip mo. Si Kyamii o si Olivia. Syempre mas malaki yung chance
na si Olivia. Tsaka siguro dulot narin ng katangahan namin kung bakit kami unti
unting nababawasan.

Kung si Olivia nga yung pumapatay, nalaman na sana namin agad na prosthetics yung
ginagamit niya kung chineck namin yung mga sugat niya. Pero hindi namin yun ginawa
yun.

Dahil siguro sa masyado kaming nagulat kaya di namin siniguro ng mabuti. O kaya
naman kasi maraming asar samin sa kanya kaya sa loob loob namin masyado kaming
natuwa dahil namatay na siya.

Ang ginawa lang namin ay ang binalot siya ng kumot at ibinaba papunta sa basement.
Yun lang.

Pero pano niya magagawa yun? Masyado siyang matapang. Masyado siyang mahilig isugal
yung mga pangyayari. O baka talagang naisip niya na yun.

Kahit pinakamababa ang probability sa number skills ko, sapat na ito pa mapredict
ko ang gagawin ng isang tao. Lalo na kung meron akong kumpletong data niya. Ano
yung mga trip niyang gawin, emotional level, lahat. Kung ganun nga yung ginawa ni
Olivia, ibig sabihin mas lalo dapat kaming magingat.
May problema lang sa deductions ko. Yung killer parang alam yung isla. At ang taong
may alam lang sa isla ay si Marie.

Si Marie nga lang ba?

Pwede namang naikwento niya yung location ng isla sa isa samin tapos pumunta dito
yung killer para iplano yung pagpatay niya.

Pero walang kaalam alam si Olivia sa isla diba? Natatandaan ko pa kahapon na inaway
niya si Marie kasi ang tagal daw.

Masyado ko ng ginagamit yung utak ko. Naguumpisa nang kumirot ang ulo ko. Kailangan
kong kumalma kung gusto kong magtagal pa ang buhay ko.

Mas mabuti pang ituon ko nalang ang atensiyon ko sa kung saan itinago ng killer ang
bangkay ni Kyamii. Yun ang isa sa mga dahilan kung bakit ko piniling tumambay dito
sa attic.

Kahit naman incomplete parin ang data ko sa killer, kaya ko na siyang basahin. At
pag tama yung hula ko, tinago niya ang bangkay ni Kyamii sa isa sa mga cabinet
dito.
Linapitan ko yung isang cabinet tapos binuksan ko pero ang nakita ko lang ay sapot
ng gagamba. Linapitan ko yung pangalawa at nung binuksan ko ay napangiti ako.

Bingo-- shit!

Pagkabukas na pagkabukas ko sa cabinet bumagsak sakin ang malamig na bangkay ni


Kyamii. Ang bigat pa naman. "Sabi ko na eh. Dito ka tinago nung killer." Sandali
lang kasi yung time frame na libre siya kaya ang pwede niya lang gawin ay isiksik
si Kyamii sa isa sa mga cabinet.

Minsan hindi ko alam kung baliw ba talaga yung killer. Ang dami niya masyadong
nalalaman na kung ano ano.

Tinulak ko yung bangkay ni Kyamii paalis sa ibabaw ko tapos nagpagpag narin ako.
May balak pa ata akong rapin eh. Di ako mahilig sa necrophilia so sorry nalang.

"Peace pre! Nagjojoke lang." sabi ko. Mahirap na baka multuhin ako ni Jerard. Okay,
oras na para ibaba yung bangkay ni Kyamii. Medyo mahirap to pero sige lang.
~ ~ ~

Nung nasa second floor na ako, napatigil ako sa harap ng isang pintuan. May
naririnig kasi akong humihikbi. Kakatukin ko sana pero wag nalang. Mamaya magulat
eh, maistorbo ko pa. Binuksan ko yung pintuan ng dahan dahan tapos pasimpleng
pumasok.

Di naman sa pagtataksil kay Mai pero naitak yung puso ko nung nakita ko si Marieng
umiiyak. Parang may naaalala siya na masakit na nakaraan niya. Sa lahat pa naman
samin, siya yung pinaka emotionally stable. Bihira magalit at bihira umiyak.

Kaso kahit anong ingat ko, mukhan naistorbo ko siya kasi bigla siyang tumigil tapos
pinulot niya yung kutsilyo sa lamesa. Badtrip, napagkamalan pa tuloy akong killer.

"Sino yan?"

"Marie, chill lang. Ako 'to si Jake." Sabi ko sabay pakita sa kanya. Mahirap na
baka batuhin niya pa ako ng kutsilyo.

"Jake?" sabi niya tapos nagpunas punas siya ng mata. "Bakit ka nandito?"
"Ah wala, narinig lang kitang--"di ko na natapos yung gusto kong sabihin kasi bigla
niya akong niyakap.

"Sumakay ka lang. May nanunuod satin dun sa bandang balcony." Kinilabutan ako sa
binulong niya sakin. Ni hindi ko man lang naramdaman na hindi lang kaming dalawa
ang nandirito sa kwartong ito. Kung hindi niya siguro sinabi, baka hindi ko
napansin. Muntikan na akong namatay.

Sinimplihan kong tinignan ang direksiyon ng balcony at nakita ko nga na merong tao
na nakatayo duon. Babae. Kulot ang buhok. Ang problema, madilim kaya di ko
mamukhaan.

"Pano siya nakapunta diyan?" bulong ko rin pabalik. Nakayakap parin sakin si Marie
na umaakting na umiiyak. Ang tingin siguro samin nang babae sa balcony ay
naglalandian.

"Malapit lang naman yung balcony nitong kwartong to sa balcony sa kabila. Baka
nilaktawan niya lang yung railing. Ano gagawin natin?" bulong niya pabalik sakin.

"Dalawa tayo, isa lang siya. Kung yung killer nga yan, tsansa na natin. Parehas
tayong may kutsilyo. Abangan mo siya sa pintuan sa labas ng kabilang kwarto." Tapos
ako naman, aatakehin ko siya sa balcony. Sa ganung paraan, wala siyang takas.
"Wag. Di natin siya kaya ng magisa." Pigil sakin ni Marie sabay yakap sakin ng
mahigpit. Shit. Ang lapit ko masyado sa kanya kaya di ko mapigilang amuyin ang
kabanguhan niya. Mai, please kung nanunuod ka, wag kang magseselos. "Sugudin natin
siyang dalawa."

"Sige, bibilang ako ng tatlo tapos dun tayo susugod."

"One."

"Two."

"Three..."

* * *

Kyle
Bakit ang tagal ni April? Baka napano na yun.

Hindi ko mapigilang magalala kasi kanina pa kasi siya wala. Sabi niya sandali lang
naman siyang mawawala para kunin yung bag na naiwan niya sa ibaba pero hanggang
ngayon kahit anino niya di ko makita. Baka kung saan nanaman nagpupupunta yung
babaeng yun. Minsan talaga nagkakatopak yun eh. Hahanapin ko na nga lang siya.

Kinuha ko yung natitirang kutsilyo na nakapatong sa lamesang malapit sa kama na


kinakaupuan ko. Hindi ko maiwasang mapansin na kumportable na ako na humawak ng
patalim. Hindi rin nakawala sa atensiyon ko na mas ligtas ang pakiramdam ko ngayong
may hawak na akong kutsilyo.

Tahimik akong lumabas ng kwarto at nagumpisa ng maglakad papunta sa direksyon ng


hagdanan. Habang pababa ako nakita ko si Kenly na paakyat naman. Naalala ko yung
sinabi sakin ni Jake kaninang umaga, siguro oras narin para tanungin ko yun.

"Tol, busy ka? May gusto sana akong tanungin sayo eh." Sabi ko nung nagkatapat na
kami.

"Wala naman." Sabi niya, medyo wala ata siya sa sarili niya ngayon. May iniisip
siguro.
"Tara sa labas." Sabi ko tapos nauna na akong bumaba.

~ ~ ~

Nung tinanong ko siya sa nakita ko kahapon simple lang ang sinagot niya. Lumabas
siya kase nagulat daw siya dun sa nakita niya sa loob. Tapos nung tinanong ko siya
kung bakit siya nagpanggap na di niya pa napasok yung kwarto simple lang din yung
sagot. Natakot daw siyang mapagbintangan siya.

Naniwala ba ako? Oo naman. Wala akong naramdamang pagsisinungaling na galing sa


kanya. Tsaka kung magsisinungaling ka, syempre gagalingan mo. Hindi yung bulok ang
isasagot mo.

"Tol, satin lang to pero sa tingin ko si Marie ang pumapatay." Nagulat ako nung
biglang binago ni Kenly yung usapan. Tsaka kahit sino di maiisip yun. Magkababata
sila eh. Kung meron mang dalawang taong hindi magsususpetyahan dito sa isla maliban
kina April at Kyle, sila yun. "Pinatay yung mga magulang ni Marie nung Grade 5
siya."

"Tapos, ano nangyari?" di ko parin maintindihan kung ano ang gusto niyang tukuyin.

"Bali-balita lang naman to. Di ko sure kung totoo pero pagkatapos nung libing ng
mga magulang niya nagbago ugali ni Marie. Di na siya nagalit. Yung dating madaldal
na palasimangot na Marie biglang tumahimik at palangiti. Matagal ko nang tinatanong
to sa sarili ko kaso ayaw ko talagang paniwalaan. Posible bang siya yung pumatay sa
mga magulang niya?"

* * *

Marie

Nung binuksan namin yung pintuan medyo nahuli na kami. Palda nalang niya ang nakita
namin pero dahil dun nakasigurado na talaga kami na babae ang pumapatay. Tinalon
namin yung railing nung kabilang balcony tapos sinundan namin siya pero wala na
talaga kaming nakita pa.

"Marie, kailangan nating maghiwalay. Dun ka sa attic ako sa baba." Tatanggihan ko


sana siya pero alam ko na para mahuli namin yung babaeng yun kailangan naming
maghiwalay. "Magpromise ka lang na wag kang mamamatay."

"I won't." sabi ko tapos naghiwalay na kami. Mahirap 'tong gagawin namin pero
kailangan.

Habang inaakyat ko yung hagdanan papuntang attic, di ko mapigilang ituloy yung


iniisip ko kanina. Na maalala yung nakaraan.
Nang itinaas ko yung paningin ko nakita ko yung salarin sa harapan ko. Nakangiti
siya habang may hawak na kutsilyo.

Humakbang ako papalapit sa kanya at ganun rin naman yung ginawa niya. Patuloy lang
kami sa paglalakad hanggang sa magkaharap kami.

Isang malaking salamin pala ang kaharap ko.

Ako pala ang pumatay sa mga magulang ko.

[Chapter End]

##################################

~~Open The Treasure Chest Inside~~


##################################

Bloody Crayons

Open The Treasure Chest Inside

----------------------------------------------------------

Marie

Oo nga no? Ako pala ang pumatay sa mga parents ko.

Di ko na kasi napigilan yung nararamdaman ko. Palagi nalang silang wala. I always
felt so alone, so lonely. Atensiyon lang naman nila yung hinihingi ko eh. Kaunting
time lang naman.

Pero wala eh. Kahit kaunti lang di parin nila maibigay sakin.

It's amazing how loneliness can change a person so much. It's amazing how
loneliness can create a monster.

Naaalala ko pa nga yung ginawa ko. Gabi noon. Mahimbing silang natutulog kaya
nakapasok ako sa kwarto nila na may dalang kutsilyo na walang kahirap hirap.
Tapos...

Tapos ano pa nga ba ang ginawa ko? Ah, pinagsasaksak ko nga pala sila. Tumalsik ang
maraming dugo noon. Sinubukan nilang bumangon pero wala na, nahuli na sila. Ang
tanging nagawa nalang nila ay bumagsak nalang sa sahig.

Ako yung pumatay sa mga magulang ko. Ako ang pumatay sa mga magulang ko!

"A-ako yung pumatay sa mga m-magulang ko!" Humihikbi kong sabi. Umiiyak nanaman
pala ako. Di ko mapigilang maging emotional pag naaalala ko yung kasalanan ko.

Tears of joy? Hindi. Tears of regret. Sana hindi ko nalang pinatay yung mga
magulang ko. Sana hindi ko nalang ginawa yung kasalanang yun.

Dahil dun hindi na ako normal. Isa na akong baliw na pwedeng pumatay bigla bigla.
I'm a psychotic bitch.
That's the main reason kung bakit hindi ako basta basta nagagalit. Yun yung rason
kung bakit ako palaging nakangiti at kinokontrol ang sarili.

Dahil pag pinabayaan kong magwala ang sarili ko, baka di ko mapigilang makapatay
uli ng ibang tao.

Ang mga sumunod na taon ay napuno ng pagiisa at lungkot. Parusa ko sa sarili ko


para sa kasalanang nagawa ko. My way of atonement.

Kung magiisa ako, walang masasaktan. I kept on smiling kahit nasasaktan ako. Hindi
ko hinahayaang magtake over sakin ang galit ko. Kinulong ko ang mga luha sa isang
malaking baul sa loob ng puso ko.

That's why I always smiled. I tried so hard to become a positive soul, to be an


optimist. That's why I kept it all inside my heart. No wonder we call it our chest.
It's the place where we keep our agonies and heartaches locked up. Like a box. Like
a chest. Like a treasure chest full of suffering.

I think I succeeded. I made friends. Not just 1 but 13 friends. At isa dun naging
boyfriend ko. Yung dati kong malungkot na buhay? Biglang nawala. Nagkaroon nanaman
ng mga panahong tumatawa ako na hindi peke o plastic. Nagkaroon nanaman ng panahon
na gusto kong mabuhay. And every day I thank God na binigyan niya ako ng mga
mabubuting kaibigan.
I have finally learned to live again. I felt free. I felt forgiven. I felt reborn.

Pero lahat ng bagay nagtatapos. Lahat ng bagay may hangganan. Sinaktan nila ako.

Sinaktan nila ako.

At kailangan nilang magbayad.

* * *

Jake

Alam ko naman na hindi magandang maghiwalay kami ni Marie. Lalo na kung yung killer
nga yung hinahabol namin. Pero kung ang kapalit naman nito ang kaligtasan namin,
kailangan naming sumugal katulad ng killer.

Ito yung isa sa mga sigurado ako tungkol sa kanya. Mahilig siyang sumugal.
Masyadong marami siyang tricks na ginamit na 70% ang rate na magbabackfire sa
kanya. Pero sige lang siya. At dahil hindi man lang siya nagdadalawang isip,
palaging siya ang nagwawagi.
Dalawang klase lang ng tao ang kilala kong ganun kalakas ang loob. Isang desperado
o isang taong hindi takot na mawala sa kanya ang lahat.

We're dealing with someone who's prepared to lose everything.

Nung nakaabot na ako sa baba, wala paring sign nung killer. Pwedeng tumakas siya sa
labas o nasa taas siya.

Di ko na kailangang magisip kung saan ako pupunta. Delikado si Marie, magisa lang
siya sa attic.

* * *

Kyle

"Posible bang siya yung pumatay sa mga magulang niya?" syempre nagulat ako dun sa
tinanong ni Kenly.
"Tol, grade 5 lang siya nun. Anong laban niya sa mga magulang niya?" sinagot ko
yung una kong naisip. Syempre naman, ang liit liit niya pa nun tapos di hamak naman
na mas malaki yung mga magulang niya. Kahit anong gawin niya di niya kayang
kalabanin yung mga yun.

"Oo nga no. Di ko yun naisip." Tumatawang sagot sakin ni Kenly. Pero alam ko na
hindi siya kumbinsido dun sa sinagot ko. Ako rin medyo may mga naiisip na paraan
pero grade 5 lang siya nun. Anong kayang gawin ng isang grade 5?

"Pero sa tingin mo, sino ang pumapatay?" seryoso kong tanong.

"Mahirap man pero si Marie." Bigla ding nagseryoso si Kenly nung narinig niya yung
tanong ko. "Sa kanila tong isla, alam na alam niya yung gagawin dito. Kumpara dun,
lugi tayong labingtatlo."

"Marie? Kung iisipin mo nga si Marie. Pero pano yung pagkakapatay kay Olivia? Diba
matagal na siyang wala bago tumili si Olivia?"

"Agree. Pero brad, pano kung gumamit siya ng recorder?" napatigil ako nung sinabi
sakin yun ni Kenly. Mahirap mang aminin pero may punto siya.
* * *

Jake

Paakyat na ako papunta sa attic ng naalala ko yung kwinento minsan sakin ni Jerard.
Yung tungkol sa ukit ukit. Doon daw yun sa isang cabinet sa dati naming kwarto.

Alam kong dapat kong puntahan si Marie para iligtas siya sa killer kaso di mawala
sa isip ko yung sinabi ni Jerard.

Pumasok ako sa kwarto tapos dumeretso sa cabinet. At yun, nakita ko yung ukit ukit
na tinutukoy ni Jerard.

Myka Marie Ramag That's me :)

Nakakatawa. Di ko alam kung tanga yung killer o masyadong bilib sa sarili. O baka
isa nanaman 'tong panggulo.

Sabi ko nga, pwedeng pumunta dito yung killer para magresearch. At kung mas
papasimplehin ko yung iniiisip ko, pwedeng si Marie ang killer.

Pano ko nasabi? Simple. Dahil sa nakaukit.

Myka Marie Ragma. Tapos may sumunod na That's me :) Kahit sinong tanga maiisip kung
ano ang mali dito sa nakaukit.

Mas bago yung That's me :) kaysa dun sa pangalan ni Marie. Ibig sabihin, may taong
pumunta rito para ukitan yung cabinet. At kung titignang mabuti sa itsura ng kahoy,
mga isang linggo palang ang tagal nito.

Kung sino man ang killer, nakapagprepare siya ng sobra sa isang linggo.

Mahirap mang aminin pero mas lumaki yung percentage na si Marie ang killer. Pero
kaya niya ba yung gawin? Mabait ang pagkakakilala ko sa kanya.

Lumabas ako saglit sa balcony para magpahangin. Tapos parang may nakita ako. Hindi
ako sure pero parang Bangka na may cabin house. Gawa sa bakal. Di kaya yun ang
escape route ng killer?
O baka namalikmata lang ako? O natakpan ito ng puno? Kasi ngayon puro dahon nalang
nakikita ko.

* * *

Marie

Naramdaman ko nanaman yung magisa. Iniwan nanaman nila ako. Hindi nanaman nila ako
binigyan ng kahit konting panahon nila.

Hindi sila umattend sa debut ko.

Family matters daw. Sandali lang naman. Kaunting oras lang naman. Maano bang
ipostpone nila yung mga lintik na family problem na yan? Pati yung boyfriend ko
hindi rin dumating.

Oo nga at maraming pumunta. Pero yung mga taong itinuring kong kaibigan, yung mga
taong pinagbuksan ko ng loob ko. Yung mga taong pinapasok ko sa buhay ko kahit
natatakot ulit akong masaktan. Wala.
Wala sila.

Sinaktan nanaman nila ako. Iniwan sa ere. Mga walang hiya.

Minsan lang namang magdebut ang mga babae diba? Minsan lang naman akong humiling sa
kanila na umattend sa debut ko. Anong ginawa nila? Wala. Iniwan nila ako sa ere.

Yung galit ko, hindi na kaya ng pagpepainting lang. Di na kaya ng art. Di na kaya
ng lahat. Pakiramdam ko nun sasabog ako. Gustong gusto kong sumabog. Pero hindi
pwede. Nasa party ako. Nasa party KO ako.

Gustong gusto ko noong magwala at umiyak pero kailangan kong ngumiti. I need to
show them that I'm happy kahit na sa loob loob ko, I'm slowly dying.

I nestled that hatred deep inside my heart. I nursed it. I watered it with hatred
until it bore its poisonous fruit.

And when sembreak came, I knew that it was time to harvest it.
I made a plan. Pupunta kami sa isla namin para magbakasyon. Para makabawi sila
sakin. Pero ang totoong dahilan kung bakit ko sila dinala rito sa isla---

Bigla akong nahila pabalik sa realidad nang may sumaksak sa braso ko.

[Chapter End]

##################################

~~You Understood Me When Nobody Couldn't~~

##################################

Bloody Crayons

You Understood Me When Nobody Couldn't

----------------------------------------------------------------
Marie

Shit! Napamura ako nang maramdaman ko ang pagsaksak ng kutsilyo sa balikat ko. I
miscalculated. Hindi ko inakalang aatakehin niya agad ako pagpasok na pagpasok ko
sa attic.

Napaatras ako sa gulat habang hawak hawak ang braso ko para maampat ang pagdurugo.
Kahit na sobrang sakit at hapdi na ang nararanasan ko dahil sa sugat, hindi ako
gumawa ng ingay. Hinding hindi ako gagawa ng ingay. It's up to me to protect the
killer. That's the least that I can do to thank my savior.

Nakakatawa nga eh. Hindi ko inakalang mapupunta ako sa sitwasyong ito. Hindi ko
inakalang madedehado ako. Hindi ko inakalang hindi ko makakamit yung paghihiganti
na inaasam ko gamit ang sarili kong mga kamay.

Inisip ko na ako ang magkokontrol ng mga pangyayari. Inakala ko na ako ang


maghahawak ng mga magaganap sa isla. I imagined myself to be the scriptwriter.

Kaso minsan kasi makakahanap ka ng isang taong mas magaling sayo. At wala kang
ibang magagawa kundi tumahimik na lang at panuorin siya. Na hayaan siya dahil di
hamak na mas maganda ang plano niya kaysa sayo.
Dinala ko ang mga kasama ko rito sa isla para patayin sila. Pero in the end, wala
man lang ako napatay kahit isa. Hanggang supporting role lang pala talaga ako sa
kwento naming magkakaibigan.

Kwentong isinulat ko na itinuloy ng iba.

Masyadong madilim.

Masyadong madilim ngayon dito sa attic. At ang masama pa, nakaputi ako. Isa akong
exposed target. Madaling makita, madaling atakehin. Madaling patayin. Na hindi
naman talaga importante. Alam ko naman na ang mangyayari sakin simula ng sinaksak
niya ako. Tapos na ang role ko.

Hindi naman talaga ako nagtagal doon sa kwarto kasama si Olivia. Iniwan ko kaagad
siya. Simpleng aspirin lang yung pinainom ko sa kanya nung mga panahong yun.
Palusot lang lahat yun para makawala ako sa nakakasulasok na 'pagkakaibigan' nila.

Sa totoo lang, wala naman talaga akong balak na may mamatay agad nung gabing yun.
Balak ko lang silang takutin. Balak ko lang silang sindakin. Kaya ko nga sinira
yung telepono at pinutol yung tali ng speedboat eh.
Yun lang dapat yung nangyari nung gabing yun. Yun lang dapat ang nangyari kagabi.
Pero meron pa palang isang taong nagbabalak ng masama katulad ko.

At mas magaling siya.

Di hamak na mas magaling siya. Ni hindi ko nga naisip na maglaro ng death game.
Balak ko lang silang sindakin. Na takutin. Ang tanging exciting lang siguro na
naisip ko ay yung dagdagan yung nakaukit kong pangalan ng That's me :)

Kung sino man ang makakakita nun malalaman agad na ako ang pumapatay. Pero siyempre
ang inisip ko, chance lang na makita nila yun. At kung may makakita man, alam ko
namang hindi nila basta basta magegets yun. Maliban nalang kung matalino ang
makakakita.

Kung ako sana ang naging killer at hindi siya. Baka matagal na akong nahuli. Pero
ang isang to, iba siya. Di hamak na mas pinagisipan niya ng mabuti ang gagawin
niya. At parehas lang kami ng gustong mangyari.

Ang mamatay kaming lahat dito sa isla.


Sa umpisa nagalit ako. Naasar ako sa sarili ko. Naasar ako sa katangahan ko.
Sobrang laki ng poot na nararamdaman ko noon na alam kong naramdaman ni Kenly na
gusto kong pumatay kagabi. At alam kong natakot siya sakin.

Nagalit rin ako sa kanya. Nagalit ako sa pag-agaw niya sa role ko. Nagalit ako sa
pakikisawsaw niya. Pero lumipas ang mga oras at natanggap ko na ang sitwasyon.
Hindi ako ang bida. Kailanman hindi ako nakatakdang maging bida.

It's either my death, or the death of all of us. Sa message na iniwan niya, iyan
ang pinaka tumatak sa isipan ko. Kung hindi nila siya mahuhuli, mamamatay kaming
lahat. Pati na ang killer.

Matagal ko na ring alam kung sino siya, sa umpisa palang sigurado na ako kung sino
siya. At matagal ko naring nasagot yung tungkol sa crayons. Nakakatawa kasi ako
naman talaga yung tinutukoy dun eh.

Maroon Almond Yellow Apricot Magenta Khaki Red Indigo.

It was all a cruel joke. Kung kukunin mo yung initials ng mga yan ang lalabas ay
ang mga letrang:

M-A-Y-A-M-K-R-I
At kapag titignan mo yung puzzle nung sa TACIT, may corresponding color per letter.
Kaya kapag iniayos mo yung TACIT into ATTIC kasama yung corresponding color niya
lalabas ang:

YKAMA

At pag sinali mo sa original sequence magiging:

M-YKAMA-R-I

Pangalan ko. Ang problema lang, hindi naman talaga ako yung killer. Or mas
appropriate sigurong sabihin na hindi NAGING ako yung killer. Nag give way ako
kaagad.

Ang daya lang, to think na yung biggest clue na sinabi ng killer ay siya palang
pinakamalaking panglito sa lahat. Pero sino bang tanga ang basta basta nalang
maniniwala sa sinasabi ng taong balak kang patayin? That was too naïve.
Pinilit kong aninagin siya sa dilim pero hindi ko magawa. I guess it's really my
time. Akala ko pa naman hindi niya ako agad papatayin. Mawawalan kasi nang silbi
yung mga crayons kapag ginawa niya 'to. Pero siguro naging desparado na rin siya
nung naghiwa hiwalay kami. Dahil dun hindi na importante ang crayons. Kumbaga kahit
papano medyo nagulo nila ang plano niya.

Si Kenly kasi eh. Nakakatawa yung kababata kong yun. Sa sobrang padalos dalos niya
nagkaroon tuloy sila nang tsansang matalo ang killer. I guess it's all up to
Eunice. Since from the start naman kasi takot na sa kanya yung killer.

Nakangiti akong naglakad ako papunta sa gitna ng Attic pagkatapos itinayo ko yung
upuan. Dito namatay si Kyamii. Siguro gusto ko ring mamatay ng nakaupo. At least
maganda yung itsura ko bago ako mawala.

When it's time for you to go, it's time. Exit the stage with dignity. Exit the
stage with grace. Life is an immense tragedy with a lot of characters in it. And
when you exhaust your character's purpose, bear it with a smile in your lips. You
played a part. You're not useless. And I guess that's all that matters.

"Ready na ako. Pero bago mo ako patayin may request ako, wag kang papahuli." Wala
akong narinig na sagot pero alam kong naintindihan niya yung request ko. Magtatagal
pa ng konti ang death game na ito. Hindi ko man mapapanuod hanggang sa dulo,
kuntento na ako sa kung saan ang naabot ko.

Pinikit ko yung mata ko nung naramdaman ko siya sa likuran ko. Parang nasa salon
lang ako at nagpapahair cut. Pero this time wala ng balikan. Oras ko na. At least
nagenjoy ako.
Siya na ang bahala.

Lumapat sa leeg ko ang malamig na talim ng isang kutsilyo. Panadalian lang ang
lamig pagkat napalitan ito ng mainit na daloy ng isang malapot na likido. Ginilitan
niya ang leeg ko.

Napangiti nalang ako habang unti unting nanlalabo ang paningin ko. Salamat.

Thank you for avenging me.

Thank you for saving me.

* * *

Jake
Paakyat na sana ako papunta sa attic para sundan si Marie. Hindi ko na alam kung
ano ang papaniwalaan ko. Kung siya nga ba ang pumapatay o isang malaking joke lang
ang lahat.

Isa lang ang sigurado ko. Hanggang hindi ako 90% sure na siya ang killer, hindi ko
kayang iwanan siya para mamatay.

Tinakbo ko na yung hagdanan. Mas mabuti na 'to, mas matatakot yung killer kasi
malalaman niyang may papuntang kasama si Marie. May papuntang magliligtas sa kanya.

Kumbaga, bluff ko na to.

Mas binilisan ko yung pagtakbo ko pataas nang hagdanan para mas lumakas yung tunog
na ginagawa ko. Pero hagdanan parin ito. Mahirap tumakbo paakyat.

Hinihingal kong binuksan yung pintuan nung attic pero nagulat ako sa nakita ko sa
loob.

Parang nangyari na ang nakikita ko ngayon kanina. Pero kanina si Kyamii yung
nakaupo sa upuan at hindi si Marie.
Nanghihina akong lumapit kay Marie pero tangina talaga.

I fucked up.

Bago pa man ako makarating sa gitna may naramdaman akong tao sa likuran ko.
Tinakpan niya yung bunganga ko kaya hindi ako nakagawa ng ingay. Kahit gusto kong
sumigaw wala rin siguro akong magagawa sa sobrang bilis ng mga pangyayari.

Bigla nalang niya akong sunod sunod na inundayan ng saksak sa likuran.

At habang nagdidilim ang paningin ko, nakita ko ang babaeng pinakamamahal ko.
Napuno ng guilt ang dibdib ko. Di ko natupad yung pangako ko sa kanya.

Mai, sorry. Nabigo ako.

* * *
XXX

Tanga.

Bakit ba punong puno ang barkadang to ng tanga? Kahit yung akala mo matalino tanga
rin pala. Aakyat kasi ang ingay ingay. Yan tuloy napapala. Tama bang signalan ako
na paparating siya?

Hinila ko yung bangkay ni Jake papalapit doon sa upuan kung saan ko pinatay si
Marie tapos itinabi ko siya.

Pangalawang araw palang pero andami ko nang napatay. So far so good.

Tatapusin ko na ba ngayon o bukas?

I can't decide.

Itinapon ko yung natitirang crayons sa bangkay nilang dalawa. Sa takbo ng


pangyayari ngayon, hindi ko na kailangan yang mga yan. Mahirap pa namang kunin yung
iba.
Ecru Royal-purple Amber Green Mauve Almond

[Chapter End]

##################################

~~Who Told You To Save Me?~~

##################################

Bloody Crayons

Who Told You To Save Me?

-----------------------------------------------------------

Eunice

Madilim.
Napakadilim ng buong paligid.

Hindi ko alam kung nasaan ako pero isa lang ang sigurado ko, nanganganib ang buhay
ko. Di pa ako pwedeng mamatay. Hindi pa pwede.

Pinikit ko ang mga mata ko tapos sinubukan kong tumayo pero parang may pumipigil
sakin. Kahit anong gawin kong pagpupumiglas wala paring silbi. Pilitin ko mang
sumigaw hindi ko maibuka ang mga bibig ko. Doon ko lang naintindihan ang sitwasyon
ko.

Nakatali ako.

Tumindig ang mga balahibo ko ng makarinig ako ng mga yabag. Magaan pero
nararamdaman ang bigat. Hindi nagmamadali pero pakiramdam mo tumatakbo siya papunta
sayo. Malayo pero malapit.

Pinilit kong iikot ang paningin ko papunta sa direksiyon ng mga yabag pero hindi ko
magawa. Nasa bandang likuran ko siya.
Hindi ko na napigilang umiyak. Siguro kasi pakiramdam ko ang helpless helpless ko.
Yung nasa bingit na ako ng kamatayan pero wala parin akong magawa. Kumpara sa lamig
ng paligid, ramdam na ramdam ko ang init ng mga luhang naglalandas sa mga pisngi
ko. Mga luha na pinaghalong galit at awa sa sarili.

Then I heard something metallic. Kinikiskis niya sa pader yung kutsilyong hawak
niya habang papalapit siya ng papalapit sakin. Eunice! Think! Kailangan mong
makatakas dito.

Hindi ko alam kung swerte lang talaga ako o may nagbabantay sakin sa itaas. Habang
patuloy ako sa pagpupumiglas ko sa kinauupuan ko, naramdaman kong lumuwag yung
tali.

Unti unting may nabuong plano sa isipan ko. At sisiguraduhin kong magtatagumpay
ito.

Kung tutuusin pwede na akong tumakbo pero pinigilan ko ang sarili ko.

Hindi pa ngayon ang tamang panahon.

Papalapitin ko siya at titingnan kong mabuti ang pagmumukha niya. Madilim nga pero
kahit silhouette lang okay na sakin. Kailangan ko lang madetermine kung lalake ba o
babae siya.
I mentally calculated the distance between us based on the sound of the footsteps.
Medyo malayo. Siguro mga 30 seconds pa bago siya makalapit sakin. Sapat na oras
para maghanda.

Pero nagkamali ako. Yung inaakala kong malayo pa siya mali pala. Bigla bigla ko
nalang siyang naramdaman sa likuran ko.

Ni hindi ako nakareact sa bilis ng mga pangyayari. Gusto kong sumigaw pero ayaw
lumabas ng boses ko. Kahit nung tinanggal niya na yung busal sa bibig ko. Di ko
alam kung bakit ganito yung pakiramdam ko. Parang takot na takot ako. Parang sa
presensiya niya palang gusto ko nang sumuko.

Bakit nga ba kasi ako napunta rito sa lugar na 'to in the first place?

Everything's a blur.

Wala akong maalala. Wala akong matandaan. Parang yung memory ko for the past hour
bigla nalang nabura. Ang naaalala ko nalang ay yung naghiwa hiwalay kami.
Ano ba kasi ang nangyari?

Wala na sa matinong state ngayon ang pagiisip ko. Takot at pangamba nalang ang
naghahari rito. Pipilitin ko pa sanang iorganize yung isipan ko pero huli na. I
felt something cold slide across my neck followed by a flow of warm, viscid liquid.

I slowly realized that I was dying.

~ ~ ~

Someone is screaming. I can hear it. Sigurado akong galing yun sa isang babae.
Bakit siya sumisigaw? Anong nangyari?

Then I realized it was me.

Pinilit kong isara yung bibig ko hanggang sa wala na akong marinig na ingay.
Nakakahiya ako. Sigurado akong rinig ako sa buong bahay.
I woke up sweaty and panting. But I'm glad it was all a dream. Thank God it was all
a dream.

Akala ko talaga mamamatay na ako. Akala ko katapusan ko na. Bakit ba kasi ako
nakatulog? Shit naman eh. Delikado na nga yung killer kahit gising ka tapos nakuha
ko pang matulog. Genius.

Pinahid ko yung pawis na namuo sa mukha ko tapos tinignan ko yung paligid ko. Bakit
ko ba piniling manatili sa basement? Anong pumasok sa utak ko? Nandirito yung mga
bangkay ng kaibigan ko. No doubt na magkakanightmare talaga ako.

Tapos bigla akong kinabahan.

Ang dilim.

Parang katulad ng sa panaginip ko.

Dali daling hinanap nung kamay ko yung kutsilyo na kinuha ko kanina. Nang
maramdaman ng kamay ko ang handle nito, nabawasan ang takot na nararamdaman ko. I
can fight. Dahan dahan akong umatras. Have to find a wall. I need to find a wall.

Mahirap nang maging target ako from all directions. Pinagpatuloy ko yung pagatras
ko pero napatigil ako nung mga nakakalahati ko na yung distance.

I realized something.

It was strangely quiet.

Pati yung mga kuliglig wala kang maririnig. Hindi 'to yung kumportableng
katahimikan na nakasanayan ko. Iba ito. Iba ang pakiramdam ko.

Pinilit kong i steady yung nanginginig kong kamay pero walang silbi. Sa sobrang
panginginig nito himala nalang na nahawakan ko pa yung kutsilyo.

Ang hirap pala kung takot ang kalaban mo.


Di ko alam kung paranoid lang talaga ako o merong nangyayari ngayon na dapat kong
ikabahala.

"Eunice, okay ka lang?" biglang sumindi yung fluorescent lamp sa taas kaya nasilaw
ako. Sino ba yung nagsalita? Si Kyle? Ano ginagawa niya rito?

"Ayun siya sa sulok pre. Sabi sayong wag mong isindi agad eh." May kasama pala
siya. And judging from that voice, si Kenly yun. "Tara tulungan na natin."

Ang bilis nung mga pangyayari. Basta naramdaman ko nalang na may nagbuhat sakin
paalis sa basement. Habang unti unting nagaadjust yung mga mata ko nakita ko kung
sino yung nagbubuhat sakin.

Si Kenly.

I don't understand. Pagkatapos nung mga pinagsasasabi ko sa kanya kanina nandirito


parin siya para tulungan ako.

I just can't understand.


Diba dapat galit siya ngayon sakin? Pero bakit niya ako tinutulungan?

"Put me down." Mahina kong sabi sa kanya pero para siyang walang narinig. Sinubukan
kong ulitin yung sinabi ko, this time medyo malakas. "I said put me down!"

"Shut up." Yun lang yung sinabi niya pero napatigil ako. For the first time merong
isang taong nakapagpatigil sakin. May isang taong nakabara sakin.

Pero bakit parang hindi ako tumututol? Bakit parang mas gusto kong magpatuloy itong
piggy back ride ko sa likod niya? Don't tell me...

Attracted ako sa kanya.

No. It can't be. Not this fast.

Naglililikot na ako kaya wala siyang choice kundi ibaba ako. "Ano ba problema mo
ha? Tinutulungan ka na nga ganyan ka pa." For the second time around natameme
nanaman ako. Bakit nga ba ayaw kong magpabuhat? Dahil ba naaapektuhan ako sa init
na nagmumula sa likuran niya? No. Hindi 'to pwede. Ano bang problema ko?
Di na ako sumagot tapos nilayuan ko siya. Side effect ba to ng bangungot ko kanina?
Shit. I'm acting like a girl. Well, I'm a girl but... I just can't believe myself.
Ngayon ko pa napiling maglandi.

Ang awkward nung atmosphere kahit nakarating na kami sa living room. Akala ko ba
walang tulungan? Bakit ang tanga nitong mga to? Pano nalang kung nagpanggap na nasa
panganib yung killer at inatake sila? Ang tanga tanga naman eh.

But still, I'm glad na meron sila dun. Nakakabanas kasi yung panaginip ko, sa
dinami rami ng pagkakataon ito pa yung pinili para bumisita sa pagtulog ko.
Nagpanic attack tuloy ako.

"Uhm, t-thanks." O tapos nauutal pa ako. Great, just great. Problema ko ngayon?

Umoo nalang silang dalawa. Aalis na sana ako pero may nakita akong papel dun sa
center table. Tapos nung binuklat ko biglang tumindig ulit yung balahibo ko.

Check the attic.


Tatlong salita pero ang lakas ng impact. Isa lang ang sigurado ko. Nabawasan
nanaman kami.

Hindi ko maialis ang mga mata ko sa mensahe. Nakasulat ito sa dugo. The nerve of
that killer.

Nung pinakita ko kina Kyle at Kenly napatiimbagang nalang sila. Kahit di sila
nagsasalita alam ko kung ano yung susunod na mangyayari. We have to check the
attic.

Inabot sakin ni Kenly yung kutsilyo ko tapos umakyat na kami. Meron parin yung
awkward na pakiramdam pero hindi na ganun kaintense. I have to thank Kyle for that.
He walked between us.

Pagaakyat namin sa second floor nagulat kami dun sa bumulaga samin. Yung bangkay ni
Kyamii na nakahilata sa hallway.

Unti unting nababawasan yung mga suspetsa ko.

"Balikan nalang natin siya." Sabi ni Kyle. Umoo nalang ako kasi alam ko namang mas
importanteng matignan namin yung attic.
Kung meron mang iniwan para samin yung killer kailangang makita ko yun as soon as
possible. Naniniwala parin kasi ako na fresh evidence is the key to success.

On the way up bigla akong napatingin dun sa bintana sa labas. Gabi na pala. Ang
tagal ko rin palang nakatulog. Ibabalik ko na sana yung atensiyon ko sa hagdan ng
may nahagip yung mga mata ko.

Ilaw sa bandang gilid ng isla. Bakit may ilaw dun?

Nagshrug nalang ako ng balikat at binalewala ang nakita ko. Baka guniguni ko lang
yun. Habang pinagpatuloy namin ang pagakyat, nagisip ako. Kainis nga eh, wala parin
akong fixed na killer. Puro below 70% yung mga pinagsusupetyahan ko. Kung gusto ko
talagang makaligtas kailangan kong makasigurado kahit 80% lang.

"Sa tingin mo may trap?" nagulat ako ng biglang nagsalita si Kyle. Meron ba?

"Wala." Sure ako walang trap ngayon.


"Sinabi mo yan ah." Binuksan na ni Kyle yung pintuan ng attic tapos dahan dahan
kaming pumasok. And for the second time napako nanaman yung tingin namin sa gitna
ng kwarto.

Yung bangkay nila Jake at Marie magkatabi tapos may mga nakakalat na crayons sa
paligid.

Call it a blessing or maybe call it a curse.

Pero this time sigurado na ko.

Hindi lang 80%. Mas mataas. This time iisa nalang ang suspect ko.

At sigurado ako na siya yun. The probability is 90%.

It all makes sense now.


[Chapter End]

##################################

~~We Are Not That Powerless~~

##################################

Bloody Crayons

We Are Not That Powerless

---------------------------------------------------

April

Ano ba ginagawa ko sa labas? Di ba dapat bumalik na ako sa room namin ni Kyle?


Nakakaasar kasi. Yung katangahan ko. Yung mga bagay na pumapasok sa utak ko.

Ano ba naisip ko at napagtripan kong ganunin si Kenly? Para akong baliw. Mas lalo
tuloy nila akong paghihinalaan.
Nasa gilid ako ngayon ng cliff malapit sa resthouse. Sa ibang tao siguro nakakalula
na ito pero hindi naman ako takot sa heights. At mas lalong hindi ako takot na
mahulog. Di naman ako tanga. Alam ko kung saan ang mahinang parte. Syempre I still
value my life.

Kahit na wala naman talaga akong kwenta.

Lumingon ako sa likuran at nakita ko sila Kyle at Kenly sa labas naguusap. O


nagkekwentuhan. Hindi ako sigurado. Medyo malayo sila sa kinakaupuan ko at mahina
pa ang mga boses nila para marinig ko ng maayos kung ano man ang pinaguusapan nila.
At kahit na ako pa ang pinaguusapan nila, wala akong pakialam.

Lumingon ulit ako at tinignan ang kalawakan ng dagat. Yung mga panahong nagaagaw na
ang liwanag at dilim ang pinamagandang time para sakin. Tapos nataon pa na may view
ng dagat. Medyo patapos na ang sunset pero maganda parin. Nakakalma sa pakiramdam.
Malamig man ang simoy ng hangin at hindi kakapalan ang suot ko pero di naman ako
masyadong apektado sa lamig. Hiyang na ako. Palaging naka max ang aircon sa bahay
namin. Kahit pa October ngayon wala akong pake.

Sa lahat naman kasi ata ng bagay wala akong pakialam.

Pinikit ko yung mga mata ko at nahiga dun sa damuhan. Ang kalmado ng paligid.
Naririnig mo yung huni ng mga kulisap tsaka ng mga kuliglig. Ingay na mahirap
marinig sa mga siyudad. Tinuloy ko lang yung pagrerelax ko ng biglang nabulabog
yung katahimikan.
Narinig kong sumigaw si Eunice. At kasabay ng pagsigaw niyang yun ay ang pagtahimik
ng mga kulisap. Istorbo. Bakit niya kailangang sumigaw kung hindi rin lang naman
namin siya tutulungan? What's the sense? Ang kapal ng mukha niyang magisa tapos
sisigaw sigaw. Sarap upakan.

Lumipat ako sa pagkakaupo para tignan yung resthouse, dun ko napansin na wala na
sila Kyle at Kenly sa harapan. Ang mga gunggong pumunta para tulungan si Eunice.

Ewan ko sa kanila. Basta ako magrerelax nalang sa lamig ng paligid. Unti unti kong
pinikit ang mga mata ko habang unti unting bumabalik ang mga tunog ng mga insekto
ng gabi.

~ ~ ~

Mga ilang sandali lang nabulabog nanaman yung pagrerelax ko nang marinig ko silang
tumatakbo paakyat ng hagdan. Yun kasi ang problema sa hagdanan ng bahay nila Marie,
gawa sa kahoy. Kapag talaga mabigat ang gagawin mong hakbang, magiingay.

Napabuntong hininga nalang ako sa kinakahigaan ko. Since nawala naman na ako sa
mood magrelax, susundan ko nalang sila.
* * *

Eunice

It all makes sense. Naiintindihan ko na lahat ng mga pangyayari na naganap. Kung


pano nangyari ang ganito at ganyan.

Sigurado na ako.

SIYA ang killer.

Tumakbo ako pababa ng second floor para kumuha ng dalawang bedsheets para ipambalot
sa katawan nila Jake at Marie. Hindi ko na kailangan ng ebidensiya. Isa nalang ang
kailangang mangyari.

Ang huliin ang killer.


Pinabalot ko kila Kyle at Kenly yung mga bangkay ng mga kaibigan namin para maayos
nilang mabuhat pababa.

Sana kayanin kong buhatin si Kyamii. Mabigat yun eh. Kahit papano nagset in na ang
rigor mortis sa katawan niya. Granted nga na natunaw yung mga lamang loob niya pero
hindi naman completely tunaw yun. Since walang grinding motion na nangyari masasabi
kong hindi nagdecrease ang weight niya.

Nung nakababa na kami sa second floor, nakasalubong namin si April. Nagulat siya ng
makita niya ang mga bangkay na buhat nila Kenly pero nakarecover din siya agad.
Since nandirito narin lang siya, magpapatulong ako sa kanyang buhatin si Kyamii.

~ ~ ~

Pagkababa namin ng mga bangkay sa basement, nagpaalam na si April na lalabas siya.


Umoo nalang ako pero pinigilan ko si Kyle ng susundan niya sana si April. Tamang
tama lang 'tong pagkakataon na 'to na tatlo lang kami.

"Kilala ko na kung sino ang killer." Pambungad ko sa kanila. Parehos silang


nagulat, pero alam ko namang naniniwala sila sa sinabi ko.
"Sino?" tanong ni Kyle pagkatapos niyang makabawi sa gulat.

Binulong ko sa kanya kung sino tsaka kung ano yung plano ko, halatang nagulat siya
kasi nakita ko sa peripheral vision ko na namilog yung mata niya. Magrereact sana
siya pero tinakpan ko yung bunganga niya. "Shhh. Wag kang maingay. Mamaya ka na
magreact."

"Hey, I think that's unfair. Meron din akong karapatang malaman kung sino man ang
killer." Narinig kong sabi ni Kenly. Lalapitan ko na sana siya at bubulungan pero
napaisip ako...

Kung ibubulong ko sa kanya yun. Siyempre mangyayari YUN.

Magkakalapit yung mga mukha namin. At ayaw kong mangyari yun. Di ko naman kasi
maintindihan 'tong nararamdaman ko eh. Dahil ba ang vulnerable ko kanina at siya
ang naging knight in shining armor ko?

Punch me and my feelings. "Itanong mo nalang kay Kyle."

"Bakit kay Kyle pa? Eh pwede mo namang ibulong sakin? May problema ka ba sakin?"
"Wala." Nagtaray nalang ako para di siya makahalata.

"Halata nga. Kung may problema ka sakin, sabihin mo ng deretso. Putcha naman eh,
ako nga dapat ang may karapatang magalit." Shit! Nagalit na siya sakin. Ano ba kasi
ang meron sakin ngayon? Damn it.

"O, kalma lang kayo." Awat samin ni Kyle na kalmado parin kahit na ganun yung
binulong ko sa kanya.

Binulong niya nalang kay kenly yung mga pinagsasasabi ko. Parehas na parehas sila
ng reaksiyon. Gulat na gulat.

"Sigurado ka?" tanong sakin ni Kenly. "Payag ka dun sa sinasabi niya Kyle?"

"Kung tutuusin dapat akong magalit. Pero gusto ko ng matapos to. Kung totoo nga
yung sinabi ni Eunice, yun nalang siguro ang tanging paraan." Napapabuntung
hiningang sabi ni Kyle.

"Good. So parehas kayong payag sa plano ko?"


"Teka teka, di mo pa nga ineexplain ng mabuti eh. Parang sinabi mo lang samin yung
title." Ang atat nitong Kenly na to. Kung di lang talaga ako... Shut up Eunice.

"Ieexplain ko naman eh. Pero tignan niyo muna yung mga paligid at baka nakikinig
siya. Wag na wag niyong mababanggit ang pangalan niya kapag magkakasama tayong
tatlo at baka maghinala siya." sabi ko sa kanila. Siyempre mahirap ng malaman niya
na nagpaplano kaming huliin siya.

Linibot namin yung basement, pati na sa bandang taas na parte ng hagdanan. Mahirap
na at baka may makarinig. A simple error will cause our deaths. Nang nakasigurado
kami na tatlo lang kaming naroroon, inumpisahan ko nang iexplain sa kanila ang
plano.

"Sigurado ka ba dito? Parang ang delikado eh." Meyo nagdududang tanong ni Kenly.

"Oo naman. Tinignan ko na yung mga possibility at alam kong malaki ang risk. Para
mahuli natin siya, kailangang kompleto tayo. At ito lang yung paraang naiisip ko.
Kung di tayo susugal wala tayong tsansang matalo siya. Kung di natin to gagawin,
paniguradong mababawasan nanaman tayo."

"I'll trust you on this one then. Siguraduhin mo lang magtatagumpay to." Natawa
nalang ako sa sinabi niya. Ganun na ba ako naging hindi kapani paniwala in the span
of two days? Siguro kasalanan ko rin. Ilang beses ko ba siyang pinagtututuro? Baka
nga badshot na ako sa kanya.

"Oo. 90 percent ang success rate ng plano ko. Basta Kyle, nasayo nakasalalay lahat
ng 'to. Ikaw ang key player dito. Nasayo ang desisyon kung magtatagumpay ba o
matatalo tayo."

"Tinawag mo pang 90% success rate." Isa pa talaga Kenly, uupakan na kita.

"Payag na ako. Masakit man sa loob ko pero gusto ko na talagang matapos itong
kalbaryong 'to. Ano ba ang una nating gagawin?"

"First agenda. We survive the night."

~ ~ ~

Simple lang naman ang naisip ko para hindi kami mapatay ng kinagabihan. Matutulog
kaming apat sa isang kwarto. Kailangan naming ilock ng mabuti ang pintuan. Yung sa
hallway at pati na sa balcony.
Pagkatapos nun may dalawang magbabantay. Ikutan. Sinigurado ko na hindi
magpapartner si Kyle at April. Mahirap na. Tsaka ika nga, killing two birds with
one stone.

Hindi magpapartner si Kyle at April, hindi rin kami magpapartner ni Kenly. Ayaw
kong maging awkward ang paligid. Baka di ako makapagisip.

* * *

Kenly

I guess I have no choice left but to trust her. Yun nalang naman talaga ang tanging
natitirang paraan. Kahit na paulit ulit niya akong ginago kahapon pati na kanina,
wala akong magagawa. Alam kong siya nalang ang pagasa ko para mabuhay. Hindi ako
tatagal ng magisa. Pinamukha na sakin yun ni April kanina.

Ang problema nga lang sa sinabi niya, napakadelikado nang plano. Alam ko
nagsisinungaling siya nung sinabi niyang 90% ang success rate. Alam kong 50-50 lang
ang tsansa namin.

Di ko man sinasadya, napatingin ako kay Eunice. Ang ganda niya pala pag natutulog.
Parang anghel. Malayong malayo pag gising siya at malademonyo.
Siguro kung wala kami ngayon sa sitwasyong ito baka nainlove na ako sa kanya.

Matalino siya. Palaban. May sariling prinsipyo at kayang ipaglaban ito. Hindi
maarte katulad ni Olivia. At higit sa lahat, alam kong sa likod nang pagiging
demonyita niya may tinatago siyang kabaitan.

Shit? Ano ba tong pinagiisip ko? Kakamatay lang ni John tapos katrayduran na ang
iniisip ko? Putik.

Nilayo ko nalang yung tingin ko sa kanya tapos pinagmasdan ko si April. Ang kalmado
niya lang matulog. Di ako makapaniwalang kalmadong kalmado siya.

Tumingin ako sa relo ko at nakita kong 2 oclock na ng umaga. Oras na sigurong


gisingin sila.

* * *

Eunice
So far so good. Wala pang nangyayaring masama samin. Well, at least hindi naman
siguro masama yung nangyari kanina.

Bakit ba kasi siya pa yung gumising sakin?

Nakakaasar lang. Napatili pa tuloy ako tapos nasapok ko siya. Nagkaroon nanaman
tuloy ako ng kasalanan sa kanya.

Kahit anong pigil ko bumalik nanaman yung tingin ko sa natutulog niyang mukha. Di
lingid sakin na cute talaga siya. Alam ko ring justified ang pagkabaliw ni Olivia
sa kanya. Lalo na ngayong natutulog siya. Para siyang makisig na anghel na bumaba
sa langit.

Nakonsiyensiya ako nang makita ko ang noo niya. Halata pa yung pasa na dulot ng
katangahan ko. Bakit ko ba kasi nagawa yun?

Nang tiningnan ko uli ang relo ko nakita kong ala sais na ng umaga.

So far so good. Nakasurvive kami. Ngayon pwede na naming gawin yung plano.
Nagsinungaling ako nung sinabi kong 90% success rate ng plano. Actually 40% lang.
Pero kung magiging maingat kami magiging 85% ang tsansang magtagumpay kami.

Tumayo na ako at tinignan sa mga mata si Kyle. Mukha namang naintindihan niya kasi
pinuntahan na niya si Kenly para gisingin.

Umpisa na ng plano.

Kailangan namin siyang mahuli sa akto.

It's time for our counter attack.

[Chapter End]
##################################

~~United We Fall, Divided We Still Fall~~

##################################

Bloody Crayons

United We Fall, Divided We Still Fall

---------------------------------------------------------

Kyle

Hindi ko alam kung bakit ako pumayag sa plano ni Eunice.

Kung tutuusin dapat nagalit ako. Kapahamakan lang ang idudulot nun kay April.
Siguro kasi napagod narin ako. Yung narating ko na yung puntong gusto ko nalang
matapos lahat. Yung wala na akong pake kung ano yung gagawin o kung ano yung
paraan.

Kahit na ganito kadelikado.


Pero tama nga ba na sundin namin siya? Ewan. Bahala na.

* * *

Eunice

Simple lang naman ang plano. We catch the killer red handed.

Nandirito kami ngayon sa dining room, busy kumakain. Nagpapanggap na normal lang
'tong araw na 'to kahit alam naming hindi. Alam naming lahat na ngayon na
mangyayari ang dapat mangyari. Kung mabubuhay nga ba kami o hindi.

"Waa, busog. Lalabas muna ako guys." Sabi ni April sabay dampot sa kutsilyo sa tabi
niya. Naging normal na para samin ang paghawak at pagdala ng kutsilyo sa kung saan
ka man pupunta. Nakakatawa kasi ang laki na ng pinagbago namin kahit dalawang araw
palang ang inilagi namin sa isla. Habang kumakain nakalatag sa tabi mo. Kapag
natulog ka, nakalagay sa ilalim ng unan. Mahirap na kasing magpapatay patay at baka
mamatay talaga kami. I find it ironic na ang kinakapitan namin para mabuhay ay
isang bagay na gamit pang patay.

Nang nakaalis na si April, biglang naging tensiyonado ang paligid namin. Lahat
nakikiramdam. Sinisigurado kung may tao pa maliban saming tatlo.
Nang nakasigurado na ako, tinitigan ko si Kyle at Kenly. Naintindihan naman nila
kaya itinabi nila yung mga plato nila. Ito na ang huling tsansa namin.

"Sigurado ka na ba talaga na siya ang killer Eunice?" pagbubukas ni Kenly sa


usapan.

"Oo, 100%. Diba napagusapan na natin to kahapon?" asar kong sagot.

"Siguro naman naiintindihan mo yung nararamdaman ko. Ako ang pinakaapektado rito
Eunice. Siguro naman pwedeng magsiguro kami." Mainit na sabat ni Kyle. "Pag
pumalpak 'tong plano mo at hindi siya ang killer. Mananagot ka sakin."

"Alam ko Kyle. Sigurado na ako. Sa dinamirami ng mga pangyayari sa mga nakaraang


araw at sa dami rin ng suspects ko, isa lang nakakasigurado ako." Itinigil ko yung
pagsasalita ko sandali para uminom ng tubig. Medyo nakakatuyo ng lalamunan 'tong
atmosphere na nakapaligid samin. "You have to trust me here."

"Alam ko. Alam ko naman yun eh. Pero may parte parin talaga ng katawan ko na ayaw
pumayag dun sa sinasabi mo."
"Bakit? Kasi mahal mo siya?" medyo naaasar na tanong ko.

"Oo." Mahina niyang sabi. "Siguro naman maiintindihan mo na mahirap saking


tanggapin na si April ang killer."

"Kyle!" nahihintakutang pigil ko. "Diba sinabi kong bawal nating banggitin ang
pangalan niya?"

"Pre, kumalma ka lang muna." Pilit na pinapaupo ni Kenly si Kyle pero mukhang
walang silbi.

Ewan ko kung maaasar ako o maaawa sa kanya. "Hoy lalake. Pumayag ka na kahapon sa
plano ko. Tapos ngayon magbaback out ka? Sinabi ko na sayo diba? Ikaw ang
pinakaimportanteng parte ng planong 'to." Tumaas na pala yung boses ko ng hindi ko
namamalayan. Huminga ako ng malalim para kumalma tapos hinawakan ko yung mga
balikat niya. "Kyle, please. Wag ka namang maging makasarili o. Gusto ko pang
mabuhay. At ikaw ang tanging paraan para mangyari yun."

Mukhang umepekto naman yung sinabi ko kasi nanghihinang umupo si Kyle sa upuan.
"Alam ko yun Eunice. Alam ko. Mahirap kapag nakasalalay sayo ang buhay ng ibang
tao. Sana intindihin mo rin ako. Isang tanong nalang pwede?"

Huminga ako ng malalim bago tumango. "Sige. Naiintindihan naman kita Kyle, I really
do. Alam kong masyadong mabigat at malaki yung mga pangyayari pero sana magisip
ka."

"Bakit mo nasabing si April ang killer?" nagulat ako sa tanong niya. Bakit nga ba?

"Basta." Sagot ko. "At sa susunod, wag mong sabihin ang pangalan niya nang malakas
pwede? Baka mabuko tayo."

"Basta? Ganun na yun? Basta?" napatayo nanaman si Kyle sa kinauupuan niya.

"Please Kyle, let me explain. Alam kong sa lagay ng mga pangyayari, hindi sapat na
ebidensiya para maituro siya. Kaya nga nandirito yung plano eh. Diba napagusapan na
nating huhuliin natin siya sa akto?"

"Alam ko yun. Pero para talagang mali 'tong gagawin natin. Alam mo kung ano ang
naiisip kong gawin?" Nanggigigil na sabi ni Kyle. "Pupuntahan ko siya at tatanungin
ko mismo."

Wala na kaming nagawa ni Kenly nang nakita namin siyang lumabas sa dining room.
* * *

April

Nandirito ako ngayon sa labas nagpapahangin. Medyo naririnig ko silang nagsasagutan


sa loob pero hindi ko na inabalang pakinggan pa. Alam kong wala rin lang namang
kwenta ang pinagtatalunan nila.

Pinikit ko yung mga mata ko tapos sumandal sa pader. Wala kasing kwentang
magpakastressed ka sa mga bagay na hindi mo naman na kayang ayusin pa. Para mo
narin lang pinapahirapan ang sarili mo.

"April..." nagulat ako nang narinig ko ang boses ni Kyle na nanggaling malapit sa
pader na sinasandalan ko.

"O? Anong nangyari? Okay na ba?"

"Hindi. May itatanong ako sayo." Umupo siya sa harapan ko tapos tinignan niya ako
sa mga mata. Kung ano man ang sasabihin niya, alam kong importante ito. "Ikaw ba
ang pumapatay?"
Hindi na ako nagulat sa itinanong niya. I was expecting it anyway. "Hindi."

* * *

Kyle

"Hindi" Nung narinig ko yung sagot niya, parang nabunutan ako ng tinik. Tinitigan
kong mabuti ang mga mata niya at alam kong hindi siya nagsisinungaling.

"Hindi ka magtatanong?"

"Hindi na. Kung ano man ang dahilan para pagdudahan mo ako, kasalanan ko rin naman
yun eh. Masyado kasi akong nagpakabaliw nitong mga nakaraang araw. Tinakot ko pa
nga si Kenly kanina. Ang gaga ko ano?" Ngumiti siya ng parang malungkot tapos bigla
niyang kinuha yung bag niya.

"Yan ba yung bag na binalikan mo?"


"Ah eto? Oo eh. May laman kasing importante." Sabi niya tapos nilabas niya yung
bagay na tinutukoy niya. Plastic bottle yun na isang litro ang laki. May lamang
kulay itim na likido sa loob at halos nakalahati na yung laman.

"Coke?" natatawang tanong ko. "Coke yung importanteng laman niyang bag?"

"Alam mo namang addict ako sa coke eh. Bigla ko nalang kasing naalala na may dinala
pala akong coke sa laman ng bag kaya binalikan ko." Binuksan niya yung coke tapos
iniabot sakin.

Tumatawa nalang akong kinuha yung coke. Kung tutuusin nakakamiss din tong mga
ganito. Pagbalik namin ni April magsosoftdrinks party kami. Celebration narin.
Tsaka para makalimot narin kami sa mga nangyari.

"Ang lakas mong uminom. Nakalahati mo na o." tumatawa kong sabi bago ako tuloy
tuloy na lumagok. Balak kong kalahatiin yung natitira eh.

"Magtira ka." Nakangiting sabi niya.

Dumighay ako ng malakas nung natapos yung paginom ko. Iba pala yung pakiramdam ng
nakainom ng ¼ liter ng coke nang wala man lang tigil. Biglang nanlabo yung paningin
ko eh.
Tatanungin ko sana si April kung nahilo rin ba siya ng uminom siya ng ganun karami
pero napahinto ako.

Bigla akong nagpawis ng malamig tapos nagumpisang manginig yung mga kalamnan ko.
Gusto kong magmura pero di ako makapagsalita.

At ang pinakahuling bagay na nakita ko bago tuluyang magdilim yung mga paningin ko
ay yung ngiting yun.

Yung nakakalokong ngiting nakapagkit sa mga labi ni April.

[Chapter End]

##################################
~~Why Don't You Come Inside?~~

##################################

Bloody Crayons

Why Don't You Come Inside?

-----------------------------------------------------------------------------------
-

Kenly

"Wala na. Wala na yung plano. Nasira na lahat." Kanina pa inuuntog ni Eunice ang
ulo niya sa lamesa at kahit anong gawin ko hindi ko siya mapigilan. Kailangan niya
ba talagang saktan ang sarili niya? "Bakit ko ba kasi siya hinayaang lumabas sa
pintuang yan?"

"Oi, wag mong masyadong pahirapan ang sarili mo. Walang mangyayaring maganda kung
magkakabrain damage ka sa ginagawa mo." Alam ko namang wala ring silbi ang pagpigil
ko sa kanya pero sige parin ako. Di ko kasi talaga matiis ang nakikitang sinasaktan
niya ang sarili niya.

"Hindi Kenly. You don't understand. Mamamatay na tayong lahat dito. At kasalanan ko
ang lahat."

"Isa pang paninisi sa sarili kakatusan na kita." Naaasar na saway ko sa kanya.


"Ganito yan eh, kung patuloy mong iuuntog yung sarili mo, baka mamatay ka talaga.
Diba hanggang humihinga may pagasa?"
"Not this time. Wala na tayong pagasa pa. Bawat galaw na ginagawa natin, bawat
hininga na lumalabas sa katawan natin, nagsisilbing hudyat sa nalalapit nating
kamatayan. Di mo ba naiintindihan ha?" malungkot na sabi niya. Para talagang
nawalan na siya ng pagasa.

"Ewan ko kung tatawa ako o maaawa sayo. Ikaw ba yan Eunice? Diba matapang ka? Ano
nangyayari sayo?"

"Hindi mo parin naiintidihan? Hindi mo parin alam kung ano ang nangyari sakin?
Gusto mo pa talagang ipaliwanag ko?" Ngumiti siya ng mapait tapos nagsalita ng
mahina. "Narealize ko kung gaano ka hopeless ang sitwasiyon natin. Na wala na
tayong pwedeng gawin. Sinabi ko naman na mababa ang percentage na magsucceed tayo
kung hindi magcocooperate ng mabuti si Kyle diba? Ito na yun o, ito na yun. Bakit
di mo maintindihan?"

"Ganon na lang? Basta ka nalang maggigive up? Nasan na yung Eunice na kilala ko?
Yung hindi sumusuko? Yung palaban?" Nung sinabi ko yun lumingon siya pabalik sakin
tapos ngumiti ulit ng mapait.

"Bawal bang panghinaan ako ng loob? Tao rin naman ako ah? Bakit ba parati nalang
kayong ganyan?" tumalikod siya ulit tapos naglakad papuntang pintuan. "Alam mo kung
ano ang nangyari sa Eunice na hinahanap mo? Namatay na siya kanina."
Hindi ko alam kung ano yung mararamdaman ko sa sinabi niya. Awa? Ewan. "Teka, saan
ka pupunta?"

"Dun sa kwarto kung saan nagumpisa ang lahat."

"Wag mong sabihing..."

"Oo. Dun sa kwarto kung saan namatay si Olivia."

~ ~ ~

Kanina pa nakaalis si Eunice pero nanatili lang ako sa kinauupuan ko. Ang bilis ng
mga pangyayari. Kagabi lang may pagaasa pa kaming nararamdaman. Ngayon kahit ata ni
isang katiting ng pagasang yon ay hindi makikita sa mga anyo namin.

Wala naman na akong magagawa kaya mas mabuti pang lumabas nalang ako dito kaysa
madepress lang.
Pag labas ko, nakita kong nakaupo si April sa sala. Nagpapahinga siguro. "Nakita mo
si Kyle?" tanong ko.

"Ah oo, pumunta siya sa labas. Nakakapagtaka nga eh, parang di niya man lang ako
napansin."

"Di ka niya napansin? Di ibig sabihin wala siyang sinabi sayo?"

"Nababaliw ka na? Siyempre di nga niya ako napansin eh. Pwede bang kausapin niya
ako kung hindi ako napansin?" tumatawa niyang sabi. Siya nalang siguro ang taong
hindi depressed sa bahay na to.

"Pumunta sa labas sabi mo? Bakit nakasara yung pintuan?"

"Nasisilaw kasi ako kaya sinara ko." Tumatawa niyang sagot. "O saan ka pupunta?"

"Susundan ko siya. May gusto akong sabihin sa kanya eh." Aakto na sana akong
bubuksan yung pintuan pero pinigilan niya ako.
"Wait! Sa tingin ko kailangan mo pa siyang bigyan ng kaunti pang panahon para
makapagisip. Parang mainit yung ulo niya nung lumabas eh. Why don't you just sit
down here at magusap muna tayo."

"Sige ba. Medyo malapit narin akong mabadtrip kaya good idea ang magpahinga muna
ako sandali." Sabi ko habang pabagsak na umupo sa sofa. Shit. Ang sarap sa
pakiramdam ng ganito. "Nga pala, nakakapanibago ka. Gusto mo makipagusap?"

"Ahh. Yun? Ano kasi..." parang di niya maituloy yung sasabihin niya.

"Sige, ituloy mo lang."

"Naalala mo yung ginawa ko sayo rito kahapon?" bakas sa mukha niya ang pagsisisi.

"Ahh yun?" syempre naman. Putik, muntikan na akong mamatay nun sa heart attack.

"I'm really sorry. Hindi ko alam kung ano nakain ko nun. Di ako nagiisip ng matino.
Sorry talaga." Ramdam ko naman na seryoso siya sa paghingi ng tawad. At nakabuti
naman sakin yung ginawa niya kahapon. Kung di siguro dahil sa kaniya, baka malamig
na bangkay na ako ngayon.
"Nope. Dapat nga ako ang magthank you sayo eh. Kung nagpatuloy akong nagstay dito,
baka namatay narin ako." tumatawa kong sagot sa kanya.

"Hindi. Masyadong harsh yung ginawa ko sayo."

"Ganito nalang, parehas tayong may kasalanan. Quits." Sabi ko nalang para matapos
yung usapan.

"Osige, quits. Tanggapin mo nalang tong natira kong softdrinks para sa peace
offering."

"Softdrink? Nagdala ka ng coke dito?"

"Ayy hinde. Pepsi yan, o kaya naman lason. Ano ba yung nakalagay sa label?" natawa
nalang ako sa pambabara niya.
"Sabi ko nga, coke. Pero sigurado kang ibibigay mo sakin yan?" paninigurado ko.
"Baka naman napipilitan ka lang."

"Nope. Bukal sa kalooban ko. Magtatampo ako pag hindi mo tinanggap to. Ibig sabihin
lang nun na hindi mo tinatanggap yung sorry ko." Pilit niyang inaabot yung botelya
sakin

"Oo na, oo na. Hindi ako magtitira." Iinumin ko na sana kaso pinigilan ulit ako ni
April.

"Wait, nakita kong umakyat kanina si Eunice. Saan siya pumunta?"

"Ahh, pumunta siya dun sa kwarto kung saan namatay si Olivia."

"Weh? Kaya niya yun?" gulat na gulat na tanong niya.

"Kaya niya yun. Siya pa." sagot ko tapos tinungga ko na yung coke. Kahit hindi na
malamig masarap parin naman sa pakiramdam. Nostalgic. Pagbalik ko talaga sa bahay
tutungga ako ng isang litro nito.
Napadighay ako nang maubos ko ang lama nung bote kaso bigla ko ring naramdaman ang
panginginig ng mga kalamnan ko. Bigla nalang akong nagpawis, biglang nagpanic ako.
Biglang hindi ako makahinga tapos unti unting naninigas yung katawan ko.

Pero yung worst na pakiramdam ay yung unti unting nangangamatay ang mga parte ng
katawan mo.

Ganito pala ang pakiramdam.

Shit.

* * *

Eunice's POV

Bumalik nanaman ako sa kwartong to.

Pasalampak akong nahiga dun sa higaan ni April. Kailanman hindi ko maaatim na


mahiga dun sa kabila.

Kahit na alam ko yung katotohanan.

"Ano pa ba ang pwedeng paraan para mailigtas kami dito?" di ko namamalayang


nagsasalita na pala ako. "Siguro pwedeng dumating dito yung dad at step mom ni
Kyamii."

Naaalala ko kasi na tumawag siya dati bago pa man maputol ang connection namin sa
labas ng isla. Baka tumawag pabalik yung mga parents niya at napansing hindi kami
macontact.

Sana.

Naistorbo yung mga iniisip ko nang nakarinig ako ng katok sa labas ng pintuan.

"Sino yan?"
"Si April."

"Ahh, ikaw pala. Bukas yan." Pinikit ko ulit yung mga mata ko nang narinig ko ang
mahinang pagbukas ng pintuan.

Sinara niya yung pintuan tapos narinig ko siyang naglakad papunta sakin. Or mas
correct siguro kung sasabihin kong pumunta siya somewhere sa harapan ko.

Umalis ako sa pagkakahiga ko sa gitna ng kama at umupo sa gilid nito. Tinitigan ko


siyang mabuti. Nakaupo siya ngayon sa isang upuan at pinaglalaruan yung kutsilyong
dala niya.

Dinampot ko rin yung kutsilyong nasa tabi ko tapos tinitigan siya sa mata. "Oras na
ba?"

Ngumiti siya, tapos biglang nagkibit balikat. "Di pa masyado. Magkwentuhan muna
tayo pwede?"

"Ano naman pagkekwentuhan natin?"


"Marami actually. Remember yung pumunta tayong magbabarkada dati sa plaza?"
pagbubukas niya ng topic.

"Nung umulan?" sagot ko.

"Oo. Diba ang saya nun?" malungkot niyang sabi.

"Oo. Ang saya saya nun. One of the best memories nating magkakaibigan." Yun yung
panahon na balak sana naming mamasyal pero umulan kaya ang ginawa namin ay
maghabulan sa ulan. Para kaming tanga eh. Siguro ang mga inisip ng mga taong
nakakakita samin ay mga baliw kaming nakatakas sa mental. Para kasi kaming mga isip
bata nun.

Nakaramdam ako ng lungkot. Yun yung mga panahon na buo parin kaming magbabarkada.
Ngayon apat nalang kaming natitira.

Tinuloy lang namin ang pagkukwentuhan pero hindi rin namin ito natapos. After five
minutes, biglang tumayo si April, hawak ng mahigpit ang kutsilyo sa mga kamay niya.
"Time's up Eunice. Tapusin na natin 'to."

Tumayo narin ako sa pagkakaupo ko, yung kutsilyo hawak ko ng mahigpit. Maraming
nagsasabi na ang future mo ay nasa iyong kamay. How ironic. Ang future ko ay nasa
kamay ko nga. Nasa kutsilyong hawak ko.

Nginitian ko siya one last time bago ako nagsalita. "Alam kong nasa labas ka at
kanina ka pa nakikinig. Bakit hindi mo buksan yang pintuan at pumasok ka?"

"Olivia."

[Chapter End]

##################################

~~The Curtain Call Is Fast Approaching~~

##################################
Bloody Crayons

The Curtain Call Is Fast Approaching

------------------------------------------------------

Eunice

"Alam kong nasa labas ka at kanina ka pa nakikinig. Bakit hindi mo buksan yang
pintuan at pumasok ka? Olivia."

Mga ilang segundo rin kaming naghintay ni April bago bumukas ang pintuan at pumasok
si Olivia.

I was right. The plan succeeded.

It was really a simple plan. Risky but simple. Kailangan lang naming palabasin si
Olivia sa lungga niya. At pumunta siya sa lugar kung saan kontrolado naming apat
ang mga mangyayari.

The plan consisted of three simple steps. Una, gawing lax ang defense niya at
hayaan siyang magpapetiks petiks para magkamali siya. Pangalawa, ang gulatin siya
para hindi siya makapalag at mataranta.
Nangyayari na ang pangalawa ngayon.

Medyo hindi sigurado at nalilito siyang pumunta papunta sa gitna namin. Yung isang
kamay niya na may hawak hawak na mini chainsaw ay nanginginig kaya siguradong hindi
niya kakayaning gamitin yun ng maayos.

Plus, apat kami ngayon at magisa niya lang. Napapalibutan siya.

Si Kyle na nasa balcony. Si Kenly na nakabantay sa hallway. At kaming dalawa ni


April sa loob ng kwarto.

Kung baga, natakpan na lahat ang escape route niya. Gusto man niyang tumakas, wala
na siyang magagawa. Huli na ang lahat. Sumugal man kami, mukhang nagtagumpay ang
plano.

Mananalo kami.

At ang dahilan ng pagkatalo niya, ang dahilan para magsilbing futile ang mga plano
niya ay siya rin lang ang may dahilan. Naging overconfident siya nang iwanan niya
ang vial ng tetrodotoxin bilang clue. She's now having a taste of her own medicine.
Ang una naming ginawa ay ang classic misleading technique. Ginawa naming villain si
April. At nang nakita niyang wala na si Kenly at Kyle na pwedeng lumaban pabalik sa
kanya physically, lumambot ang gwardiya niya kaya pumasok siya rito sa kwarto.

Pero ang pagkakamali niya ay hindi niya naisip na meron parin sakin ang vial ng
tetrodotoxin. Pati narin sa coke na dinala ni April.

Alam kong delikadong paglaruan ang tetrodotoxin pero nang nakita ko ang coke na
dala ni April, nabuhayan ako ng loob.

We can use the sugar content para mashorten pa ang duration ng effect ng
tetrodotoxin.

Kung gagamit kami ng tubig, ang hula ko ay tatagal ang "dead state" ng kalahating
araw. Ganun ang nangyari sa mga isdang pinageksperimentuhan ko.

Kung gagamitin namin ang tetrodotoxin, kailangan namin ng isang malaking lalagyan
ng tubig. At kapag naman ginawa namin yun, makakahalata si Olivia. Kaya laking
pasasalamat ko talaga nang nakita ko ang coke ni April.
Sugar gives energy. Sabi ko nga, mataas ang sugar content ng softdrinks. At kapag
nilagyan yun ng tetrodotoxin, maaaring mapaiksi ang duration niya. Which totals to
five minutes. Pero lahat ay theory lang, hindi ko ineexpect na magpoprogress ng
ganito. Kung tutuusin, tsamba lang lahat ng nangyari at baka hindi na ulit pwedeng
mangyari pa.

Sinuwerte lang talaga kami.

Alam naming hindi sapat ang tetrodotoxin trick para mauto si Olivia kaya
kinailangan naming umakting. Medyo kinakabahan nga kami ni Kyle kaninang
nagsasagutan kami sa dining room. Buti nalang boses lang ang kayang pakinggan ni
Olivia at hindi niya kayang makita ang mga facial expressions namin.

"Pano mo nalaman na ako ang killer?" pambabasag ni Olivia sa katahimikan. Hindi ko


alam kung ano ang mararamdaman ko pagkarinig ko sa boses niya. Wala na yung tonong
bitchy. Napalitan ito ng nanginginig at takot na boses ng isang taong nahuli sa
isang bitag.

Matutuwa ba ako o magagalit? Maaasar o maririndi?

Hingipitan ko ang hawak ko sa kutsilyo at tinitigan siyang mabuti. "By process of


elimination. Mali yung ginawa mong pagpatay kay Marie."
Ngumiti siya ng mahina tapos tumingin sa kisame. "Sabi ko na nga ba eh. Pero hindi
sapat yun diba?"

"Alam ko. Naalala mo yung stunt mo sa basement? Yung mata at buhok na nakasilip?
Bakit ka gumamit ng ulo ng manikin kung ginupit mo rin lang naman ang ilang parte
ng buhok mo? At bakit mo iniwan yung mga vial ng tetrodotoxin?"

"I'm impressed. Sabi ko na nga bang malalaman mo kung ano yung laman ng mga vial.
Sabi ko na nga ba eh. Nabuburyong na kasi ako sa mga pangyayari. Para kayong
tangang nagbibintangan. Tapos meron pa yung drama niyo. I got impatient that's why
I left so many clues na possibleng ako ang killer. Pero wala talaga. Wala kayong
kwenta. Ngayon niyo lang naisip kung kailan sobrang konti niyo na. Though I must
confess na nagulat niyo ako."

"Bakit? Bakit mo nagawa to?" biglang nagsalita si April na kanina pa nananahimik.


Sa totoo lang, malaki dati ang paghihinala ko sa kanya. Sabihin na nating parang
gusto niyang pumatay ng tao. Na nasasabik siya. Pero kahapon, naramdaman ko nalang
bigla na nagchange of heart siya. Nagising na siya kung ano ang tama at mali.

At alam kong tama ang kutob ko.

Wala man akong sapat na ebidensiya para talagang maituro si Olivia alam kong siya
talaga ang killer.
"Matagal ko nang alam na balak akong idump ni Kenly. At alam koring pabor sa inyo
yun. At ayaw kong natatalo. Kung hindi mapapasakin si Kenly, mabuti pang walang
makinabang sa kanya. Ako ang magiging pinakahuli niyang babae. Ako lang."

Napailing ako nung narinig ko yung dahilan ni Olivia. Ganun ba talaga kalaki
pagmamahal niya kay Kenly? Hindi na pagmamahal ang tawag dun. Obsession na to. To
the point na nabaliw na siya.

At nadamay pa kami.

Ang babaw ng dahilan. Ang babaw babaw. Hindi ko maintindihan. Para lang sa isang
relasyon nagawa niya ang lahat ng to?

Ang pumatay?

At magplanong pumatay?

Masakit mang isipin pero siguro ganun na nga talaga ang mga nangyari. Love can
either make you or break you. Sad to say, iba ang nangyari kay Olivia. She chose to
be broken.

"Ganun lang? Ganun lang yun? Nakaya mong pumatay dahil dun?" umiiyak na sabi ni
April. "Wala kang kwenta Olivia."

"Aw come on April. Ang galing mong magsalita. Diba deepest darkest desire mo ang
pumatay at mangtorture ng isang tao?" nakangiting pang aalaska niya.

"P-pano mo nalaman?"

"Sa susunod kasi, itago mo ng mabuti ang diary mo. Alam mo bang niresearch ko
kayong lahat? Kung paano kayo magisip. Kung ano yung mga sekreto niyo. Kung paano
kayo gumalaw. Lahat lahat." Tinalikuran niya si April at humarap sakin. "Ikaw
Eunice, alam ko ang pinakamalaking sikreto mo. Ikaw ang dahilan kung bakit hindi
sila nakarating sa debut ni Marie diba?"

Hindi ko alam kung paano niya nalaman yun. Hindi ko naman sinasadya yun eh. Isang
malaking aksidente ang lahat.

"Ito pa, April. Nung highschool fourth year ka, naaalala mo yung nangyari sa senior
prom niyo?" Nakangising tanong ni Olivia. "Alam ko lahat ang mga baho niyo."
"Ang sama mo Olivia." Nanggigigil kong sabi sa kanya. Nakuha niya pang mangasar
kahit na alam niyang talo na siya.

"Alam ko. Wala akong kasing sama." Humihikab niyang sabi. "Tsaka may karapatan
naman siguro akong mangasar kasi dinaya niyo ako. 4 v.s. 1? So so unfair. Take
note, dalawa pa ang lalake. Ano naman kaya ang kaya kong gawin? Isa lang akong
mahinang babae."

Hinigpitan niya ang hawak niya sa mini chainsaw at inistart ito. Napunit ang
katahimikan ng paligid ng umalingawngaw ang ingay ng makina. Nagbabadya, nananakot,
nambabanta.

"A-anong ginagawa mo? Napapalibutan ka namin! Wala ka ng magagawa!"

Medyo nagdalawang isip siya ng narinig niya ang sinabi ko. Pero bumalik ulit ang
higpit ng hawak niya sa chainsaw na para bang wala na sa kanya ang lahat. "Alam ko.
Kaya nga lalaban ako eh. At least may isa akong maisasama sa inyo ni April. Sino
kaya ang pipiliin ko sa inyo?"

"April?"
"O..."

"Eunice?"

"Eenie, meenie, miney mo!" Tumawa siya nang malakas habang palipat lipat ang daliri
niya sa aming dalawa. Nababaliw na siya. Masyado na siyang desperada. Pero kaya
namin 'to. Apat kami at sa isang sabi ko lang, papasok na sila Kyle at Kenly sa
kwarto na 'to. Kahit papano may skill si April sa pagtapon ng daggers kaya alam
kong hindi makakalapit si Olivia samin.

"Sumuko ka na." pagpipigil ko sa kanya. "Sumuko ka na para wala ng masaktan pa."

"Ano to? Pelikula? Nobela? Nagpapakabait ka at ayaw mo akong patayin kahit na deep
inside nangigigigil ka na?" Tumawa uli siya. Kanina pa siya. Kanina niya pa kami
pinagtatawanan.

"Aaminin ko. Gusto kitang saksakin. Gusto kong ibalik sayo lahat ng mga pasakit na
ginawa mo samin. Pero kung gagawin ko yun, magiging katulad mo ako." Nanginginig
kong sabi.
Nung iniangat ko yung paningin ko nakita kong sumusugod na si April papunta kay
Olivia, yung kutsilyo niya na nakaamba sa leeg nito. "WAG APRIL! Wag mong gawin
yan. Wag mong gawin yan sa sarili mo."

Halfway through, napatigil si April. Hindi niya alam kung itutuloy niya ba o
ititigil yung gagawin niyang pagsugod. Pinapanood lang siya ni Olivia na wala
paring ginagawa kundi tumayo sa gitna namin.

Bakit ko nga ba pinigilan si April? Siguro kasi alam kong siya rin lang ang kawawa
sa gagawin niya. The guilt na nakapatay siya ng isang tao. Alam kong mararamdaman
niya rin yun. Someday, somehow. At ayaw kong mangyari yun. Sapat na ang trauma na
naranasan namin sa islang ito, ayaw ko ng may maidala pa kami pabalik.

Ayaw ko na.

"Boys, pumasok na kayo." Pagbibigay ko ng senyales kina Kyle at Kenly. "Olivia,


please, sumuko ka nalang."

Lumipas ang ilang segundo na naging isang minuto pero wala parin sila Kyle at
Kenly.

"Oi, boys, pumasok na kayo dito." Paguulit ko, This time mas malakas kaysa sa
naunang pagtawag ko sa kanila.

"Sorry, I lied." Tumatawang sabi ni Olivia. "Diba sinabi kong 4 v.s. 1 ang labanan?
Hindi ganun."

Itinaas niya ulit ang mini chain saw at itinutok sa akin.

"This time, ang mangyayaring labanan ay 2 v.s. 1"

[Chapter End]

##################################

~~Have You Ever Embraced The Darkness?~~

##################################

Bloody Crayons
Have You Ever Embraced The Darkness?

-----------------------------------------------------------

Olivia

"This time, ang mangyayaring labanan ay 2 v.s. 1" napangiti ako nang makita ang
shocked expressions sa mga mukha nila.

That was a nice response. They started a gamble. Muntikan na nga akong matalo, buti
nalang sinuwerte ako.

Naaalala ko pa. Naaalala ko pa nung mga panahong pinagpaplaplanuhan ko palang ang


gagawin ko. Hindi pa nga ako masyadong sigurado na magiging ganito kaeffective ang
mga pinaggagagawa ko. It was a haphazardly made plan. Masyadong baliw, masyadong
risky. Para akong sumusugal na ang gamit kong pantaya ay ang sarili kong buhay. It
was a gamble of death.

And I loved every second of it.

At wala na akong pakialam ngayon. Nanalo ako. Panalo ako. That is all that matters
now.
~ ~ ~

It all started fifteen days ago. When Marie told us about their island resthouse.

Kahit na ayaw kong makipagusap sa kanila, tinanong ko si Marie ng extra info


tungkol sa isla. I'm a good actress, since my so called friends taught me how to
become one, so it was easy to fake interest.

Marie never knew. Dada lang siya ng dada ng kung ano ano kaya hindi ako nahirapang
ipunta sa lokasyon ng isla ang usapan. I memorized the location and the moment I
was free, I went there. Minemorize ko ang lahat. The house. The place. Everything.
It's so amazing how hatred can fuel you.

After familiarizing with the setting of the story, I proceeded to make their
character sheets. Nagresearch ako sa mga buhay nila. Everything. Alam ko ang mga
baho nila at kung paano sila magisip. I really made sure to know the enemy. It's
amazing how I can use the basics of writing to plot their deaths.

That was the reason why I was always in control. Everything's just a story. A story
written by me. At wala silang kayang gawin kundi sundin ang isinusulat ng aking
pluma.
But as a story, alam kong magiging boring lang kung hanggang dito nalang ako.
That's why I inserted twists. That's why I created the game.

Ginamit ko ang connections ng pamilya ko para makakuha ng tetrodotoxin. It was


really hard pero kahit papano nagawa ko. Front lang naman kasi ng pamilya namin ang
prosthetics business. Miyembro ang papa ko ng isa sa pinakaprominenteng mafia sa
mundo.

So to start the ball rolling, I faked my death. Pero hind ako nakuntento run. Alam
ko kasing kahit na gamitin ko pa ang tetrodotoxin para mapalabas na namatay ako,
kailangan kong ipakitang brutal ang pagkamatay ko. Kaduda duda naman kasing ako
lang yung hindi nagalusan sa mga bangkay.

So ginamit ko ang easy to apply prosthetics ng pamilya ko. But I can't still shake
that feeling that it was still not enough. Then one day, the answer came to me in
the form of a movie with the title Iron Man. Paano nga ba nila naiembed yung arc
reactor sa dibdib niya? Trick o edit? Nagsearch ako at nalaman ko ang sagot.
Gumamit sila ng latex para magsilbing base. Pagkatapos inairbrush nila para maging
kasingkulay ng totoong balat at doon mismo inembed ang arc reactor.

It felt like God answered my prayers. Mapapalabas ko narin sa wakas na may


naitatarak na crayon sa ulo ko. Pag nakita nila yon, di na sila magdadalawang isip
na patay na ako.

Kilala ko sila the way a writer knows her characters. Like a mother knows her
child. Masyado silang masashock para iexamine ako nang mabuti. At kahit pa mawala
ang bangkay ko, kontento na sila na alam na butas ang bungo ko, malamig ang katawan
ko at hindi tumitibok ang pulso ko. Sasabihin nalang nilang itinapon ng killer ang
bangkay ko para hindi na magulo pa ang isipan nila.

Pero hindi sapat ang isang twist para mairaos mo ang isang kwentong isinusulat mo.
That's why I recorded the scream. Inilabas ko pa nga ang iPhone ko sa umpisa para
maisip nilang may possibility na may iba pang nagdala ng gadgets sa isla pero
masyado silang tanga. Masyado silang nagpabulag sa pagkairita nila sakin. Ang bait
ko na nga sa kanila. Andami ko nang binigay na clues. Pero ang tanga parin nila.

Pinilit kong magbulyawan kami ni Kenly para may alibi ako para bumalik sa kwarto.
Para maincriminate ko na si April na nakahiga ngayon dito dahil sa gamot na hinalo
ko sa inumin niya.

Ang nakakairita lang, nakisawsaw si Marie. Akala ko nga di siya aalis. Inisprayan
ko ng kaunting pampatulog ang ilong ni April bago ko gawin ang dapat. Mahirap nang
magising siya. Nagsplash ako ng dugo na niready ko matagal na tapos nilagay ko na
yung easy to apply prosthetics ko. Medyo natagalan ako pero okay naman. Everything
is starting to shape up well.

Pagkatapos kong maiayos ang sarili ko, pinindot ko yung play sa phone, nakarecord
ang 5 minutes na katahimikan bago marinig yung sigaw ko. Inedit ko talaga yun para
maging sobrang lakas yet at the same time natural parin ang tunog. Ininom ko yung
tetrodotoxin tapos pagkagising ko, nasa basement na ako.

Tagumpay ang plano. Well may bonus. Nalaman kong balak rin palang patayin ni Marie
ang mga kasama namin at ginawa niya na ang pagputol sa linya ng telepono pati yung
pagsasabotage ng speed boat. Nabawasan ang trabaho ko.
Papuslit akong umalis sa basement at nakiramdam sa paligid. Nang nakita ko ang
sitwasyon maingat akong pumunta sa yate ko na nakaarko sa gilid ng isla. Dun ang
tirahan ko kapag di ko sila pinagmamasdan. Nagpalit ako at niready ang mga bagay ng
gagamitin ko. Nalaman ko kasing naghiwa hiwalay sila. Sa laki ng inis ko, gusto
kong turuan sila ng leksiyon. Masyado silang kampante, minamaliit nila ako.

Inisprayan ko yung kwarto nila Kyle ng pampatulog. Dapat mabuhay hanggang sa huli
ang mga hinayupak na yun. Dalawa sila ni Kenly. Mga walanghiya. Mga hinayupak. Mga
baboy.

Pagdating ko sa kabila, nakita kong gising pa sila at naguusap. At ang nakakatawa


run, puro walang kwenta yung mga sinasabi nila. Papakinggan ko pa sana yung mga
pinagsasasabi nila pero nakita na ako ni Mai kaya ang ginawa ko, tinapunan ko
silang lahat ng pampatulog.

Gumawa ako ng minigame. Ito yung hindi ko plinano. Ito yung nangyari dahil trip ko
lang. Kinuha ko si Kyamii at ipinunta sa attic, alam ko na dating may trapdoor dito
kaya marami akong tricks na pwedeng gawin. Hinubad ko yung sapatos ni Kyamii tapos
sinuot ko, para maisip nilang pwedeng patay ang pumapatay. And at the same time,
magkaroon sila ng konting pagdududa kung totoo nga ba talaga ang pagkamatay ni
Kyamii. Tamang tama lang yun sa disappearing act na nakaplano para sa kanya.

Nilagyan ko narin ng bote ng tetrodotoxin sa gilid niya tapos nilagay ko pa yung


botelya na ginamit ko. Di ko nga alam kung bakit ang dami kong clues na ibinibigay
sa kanila. Siguro gusto ko lang na at the end ako ang panalo. Na maiisip nila na
Bakit di ko naisip yun? Eh siya na nga ang tinutukoy ng mga clues. Gusto ko ng
complete defeat. Kaya binibigyan ko sila ng clues. I want them to hate themselves
just like how I hated myself.
Pwede naman nilang mailigtas si Kyamii pero ano pa nga ba? TANGA sila eh. Ayun,
namatay ang gaga. Bakit pa nga ba ako nagulat? Yun naman talaga ang ineexpect ko?

Basang basa ko talaga sila. Alam kong habang may usok pa, pupunta sila sa basement.
Kaya ginamitan ko sila ng mannequin with timer. Para mas masaya, ginamit ko yung
buhok ko which is curlier than April or Eunice. Pero wala talaga, hindi nila agad
napansin. Naubos yung timer at nahiwa yung lubid, mga tanga.

Pero may itatanga pa pala sila. Ilang beses ko ng pinigilan ang sarili ko na
maituro sa kanila ng diretsahan ang clue. Nakakapanggigil. Isa pa yung Marie na
yun, pilit niyang pinapatay yung suspicion nila sakin. I appreciate the effort
tsaka pagaalala niya para sakin pero nasisira niya ang plano ko. Kaya alam kong
dapat ko na siyang patayin. Pero may ginawa nanaman sila para magulat ako.

NAGHIWA HIWALAY ANG MGA TANGA! At ang masahol, mukhang malapit nang mahulaan ni
Jerard ang mga pinaggagagawa ko. Medyo nagpanic ako nun. Di ko naman kasi inakalang
ganun kadali niyang masasagutan ang lahat. Kaya ang ginawa ko, ibinalik ko yung
nokia sa aparador at hinintay ko siyang kumagat sa bitag.

Alam ko naman kasing investigators start at the beginning of a crime. At ganun ang
pagiisip ni Jerard. Pero at least hinayaan ko siyang masagot ang mystery bago pa
siya mamatay. Bilang pakonswelo de bobo, isinulat ko yung crab para tatlo nalang
kami ang paghinalaan. Tapos umakyat ako para ipasok yung bangkay ni Kyamii sa
closet. Tanga na ang hindi magbukas ng closet.
Si Marie, Si April at ako. Yun nalang dapat ang pinaghihinalaan nila.

Well, since alam ko namang mamamatay na si Marie, si April at Ako nalang talaga.

Bumalik ako sa yate para kunin yung mga gamit pero pagbalik ko nabwisit nanaman
ako. Pano ba naman kasi, naghiwa hiwalay nanaman sila. YUNG TOTOO? Nakakapanggigil
na sila. Ang sarap nilang pagpapataying lahat. Alam kong di kaibigan ang trato nila
sakin pero pati ba sila ganun ang tingin sa isa't isa? Ano to? Plastikan?

Medyo nagulat nga ako kasi hinabol nila ako. Hindi ko naman plinanong bibisita si
Jake. Buti nalang naghiwalay sila. At ang swerte pa, hindi man lang lumaban si
Marie. Ilalagay ko na sana yung crayons sa bangkay niya since useless naman na yung
mga yun pero narinig ko yung ingay na ginagawa ng kung sino mang tanga.

Nang maging apat na sila, duon nagbago ang lahat.

Nung umpisa akala ko talagang si April ang pinaghihinalaan nila. Buti nalang
nalaman ko na plano lang pala nilang lahat yun. Plano para matalo ako. I admire
their efforts. At least gumawa sila ng plano na muntikan na akong matalo. Except sa
isang flaw. Si Kyle ang unang pinatay. Alam ko yung nakaraan nilang dalawa ni April
kaya alam kong hindi siya kayang patayin nito. Tapos naalala ko na nakuha ni Eunice
yung tetrodotoxin. Medyo natawa talaga ako nung nahuli ko yung plano nila. Pano ba
naman paniwalang paniwala ako sa acting nila.
Para makasiguro, pinagsasaksak ko yung mga bangkay nila Kenly at Kyle. Gusto ko
sana silang ihuli pero napilitan akong baguhin ang ang plano ko. Binago nila ang
plano ko. Silang apat ay ang mga characters na matigas ang ulo at hindi sumusunod
sa plot.

And so here we are. At the final stage. "Anong ibig mong sabihing 2 v.s. 1?"
nanginginig na tanong sakin ni April.

"2 v.s. 1, kayong dalawa laban sakin. Ano pa nga ba?" natatawa kong sabi.

"Pero..." di na natapos ni April yung sasabihin niya nang mukhang naintindihan niya
ang ibig kong sabihin. Silang dalawa nalang ang natitira.

[Chapter End]

##################################

~~It Was Only Just A Once Upon A Time~~


##################################

Bloody Crayons

It Was Only Just A Once Upon A Time

-------------------------------------------------------------------

Olivia

"Is evil truly evil? Or does evil have a reason to be evil?" Arielle asked as she
saw her parents doing wicked stuff to other people. She knew that they only did
that out of the love that they bore for her. To support her.

It has been days since she last saw her dazzling prince. The prince who drove the
pitchblack purgatory covering her life away. The prince who made her believe that
there is always life even in hell. The prince who saved her from the darkness.

Everyday she swam to the surface, everyday she tried her best to find him again.
But it looks like they were never meant to be.

She is of merfolk and he is a human. She has a tail while he has legs. She's born
in the darkness while he is the light.

Arielle knew what happens when a shadow comes near a source of light but it didn't
stop her from seeing her prince. She's willing to sacrifice everything for him.
One day, Arielle swam near the shore searching for something. The thing she needed
was, the witch said, a pair of legs. She needed to possess a pair of legs before
she can truly meet her prince.

And as she continued swimming, she found the pair of legs around midafternoon. It
was attached to a girl.

~ ~ ~

The reason why I can't be together with Kenly is because of his bitchy girlfriend.
She owns his love. She owns the legs that I needed.

So I was forced to take it from her. She did not deserve his love. She didn't even
really care. Para sa kanya, isang laruang dapat gamitin sa pagyayabang si Kenly.
She was just using him for popularity.

Kung sana mahal niya talaga si Kenly. Kung sana hindi niya ito pinagtataksilan,
sana hindi ako nakialam. Sana nananatili parin akong nakatingin sa kanya sa malayo.
It started as a warm and sunny love. What made it happen this way?

~ ~ ~

Arielle traded the tail her parents gave for her newly acquired legs. It made her
soar. It made her fly. It made her really happy.

And at last, she found herself beside her dazzling prince. At last she found the
fairy tale that she had always wanted.

But it looks like they were never meant to be. She is of merfolk and he is a human.
And her legs were forcibly taken. Not given but taken. She knew deep inside that
she was never meant to be there. But she kept on dreaming. With that innocent sweet
smile on her face, she kept on dreaming.

But alas! She is living with humans. And humans are very judgmental. They tend to
discriminate, demean and destroy those that are very different from them. And she
is different. She's happy and she's innocent.

And when humans find something pure, they ruin it. They drag it down to their
level. They cover it with grime and filth and malice. But Arielle was naïve. She
still believed them.

The cause of blame is the prince's friends. They never wanted her with him. They
said she didn't belong beside him. They said that she was just a freak.

When was it wrong to be so kind? To be so pure? To be divine? When was it sin to be


so kind? Why did their hate make their eyes blind?

But Arielle stayed beside her prince. To all their lashes she did not once wince.
For the love of a merfolk can break the toughest binds. And even forge the
strongest bonds.

And everyday Arielle endured. But Alas she lives with humans! And humans taint and
break and stain.

And day by day as she stayed there. The human darkness built within her. They made
her see with hooded eyes. Go away! Be gone! That was their advice.

And then one day she started to see her dazzling prince's bright light went dim.
And her legs grew weaker day by day. And then she knew she'll never stay.
~ ~ ~

They killed the past me.

Naramdaman mo na bang hindi ka kasama sa isang grupo? Na hanggang sa salita ka lang


talaga nila tinuturing na kaibigan?

They made me feel that way. Napasali lang naman ako sa circle of friends nila dahil
kay Kenly. Kung hindi ako naging girlfriend ni Kenly, baka nga hindi nila ako
pansinin.

I was the outcast. The uncool kid. Unwanted. Excess baggage.

Pero kahit ganun ang trato nila sakin, okay lang. Kaibigan sila ni Kenly eh. Sa
umpisa lang siguro to, kapag tumagal tagal, magiging tunay na friends na kami.

Pero mali ako. Yung kabaitang pinakita ko sa kanila, di man lang nila
pinahalagahan. They made all sort of impossible demands. At alam kong kapag hindi
ako papayag, isusumbat nila sakin. Na madamot ka raw. Na wala kang kwentang
kaibigan. Na ang sama sama mo.

Yung kahit ikaw na ang nagsasakripisyo, yung kahit ikaw na ang nawawalan, okay
lang. Kasi kaibigan mo naman sila diba? Ganun kasi raw ang pagkakaibigan.

Kailangan mo raw talagang masaktan.

Pinilit kong magfit in. Pinilit kong umoo sa lahat nang sasabihin nila. Tapos nung
medyo naramdaman ko nang accepted ako, ang baba baba na nang tingin ko sa sarili
ko. Oo nalang ako ng oo sa kanila. Kahit alam kong mali, kahit tutol ako, oo nalang
ako ng oo. Isa nalang akong aso na sunod sunuran sa kanila.

Then I tried to say no. I tried to voice my thoughts. Pero tinawanan lang nila. You
say yes to all of their demands and you feel like shit. You say no but you still
feel like shit.

~ ~ ~

Arielle felt something die inside her that day. She never realized that the love
her prince bore for her was only an imagined thought.
She never expected that the world that the humans lived in was too cruel and
unforgiving.

She suddenly felt the pangs of longing for her home under the sea. Down there may
be dark and chaotic but her parents loved her with all their hearts.

A love that was freely given. Not taken. Not begged for.

But alas! She was finally human. She has legs. She has malice. She has evil brewing
inside her. Every part of her soul cried for vengeance. For revenge.

She can never return unless she clean herself of this anger inside. And the only
way that she can possibly think of is to destroy and kill it's source.

Kill the prince along with his friends.

~ ~ ~
He was the center of my universe. He was my world. He was my life. Alam kong maling
mahalin ang isang tao ng sobra sobra pero handa ako sa kung ano man ang
consequences ng ginagawa ko.

Big word. I was not ready when my word came falling apart. I was not ready when I
heard Kyle and Kenly plotting behind my back. Thinking of ways for Kenly to finally
get rid of me. Hindi ako handa nung nalaman kong hindi niya na ako mahal.

For the second time in my life, I died.

Bakit nga ba hindi ko naisip ang possibility na nagsasawa na rin pala sakin si
Kenly? I am nothing special anyway. Mas maraming maganda, mas maraming sexy kaysa
sakin. Kahit anong gawin ko, kahit magpakabitcy man ako. I am still shit.

I was kind back then before I met his friends. But now that's just a memory of the
past.

How foolish of me to think that everything was the fairytale that I have always
wanted. How naïve of me that love was always sunshine and laughter.
Now I learned my lesson. Love is not always warm and sunny. Sometimes it's dark and
twisted. And the only thing that it would leave you is an uglier version of
yourself.

* * *

Eunice

2 v.s. 1

Nung narinig ko yun alam ko na kung ano ang nangyari. The plan backfired.
Nasabotage ang plano ko, natalo kami ni Olivia.

Nanghihinang napaluhod nalang ako. Isa lang ang sigurado ko, MAMAMATAY KAMING
LAHAT.

"WALANG HIYA KA!" narinig ko nalang ang sigaw ni April. Sigaw na puno ng regret, ng
takot, ng sakit. At galit. Punong puno ng galit.
Alam kong dapat ko siyang pigilan pero walang salitang lumabas sa lalamunan ko. Di
ko magalaw ang mga paa ko at namamayani ang takot sa buong pagkatao ko. Yung takot
na nakakapangwala ng pagasa, takot na nakakaparalyse, na kumakain ng buo mong
pagkatao.

Ano nga lang ba ang laban namin sa kanya? Napatay niya na ang labing isa samin.
Pito ay mga lalake. Di hamak na mas malakas sa kanya.

Ano nga lang ba---

The continuous flashing of morbid thoughts inside my head were broken when I felt
something hot touch my cheeks. Liquid siya at malapot. At nang hawakan ko iyon,
nakita ko nalang ang mga palad ko na nagkulay pula.

It was blood.

Parang nagising ang utak ko, nawala ang pagkakaparalyze ng katawan ko. Bumalik
lahat ng senses ko.

Narinig ng tenga ko ang tunog ng chain saw na parang may hinihiwa. Sunod sunod rin
ang pagtama ng mainit na likido sa aking mukha, sa aking mga braso pati na sa aking
katawan. At nang makita ko kung saan nanggagaling ang tunog at likidong kanina pa
gumagambala sakin, nagimbal ako.

It was something out of a macabre movie. It was something that you only see in the
movies. Hindi yun pwedeng mangyari sa totoong buhay. Pero bakit nakikita ko ito
ngayon?

Yung chainsaw ni Olivia unti unting hinihiwa ang leeg ni April. Ang buong kwarto
naliligo sa dugo. Pero ang nakakatindig balahibo ay yung makita ko si Olivia na
nakangiti.

Her face bathe in blood with those maniacal eyes staring intently at the chainsaw.
Di niya man lang inantala na naliligo na kaming dalawa sa dugo ni April. No. Parang
ineenjoy niya pa.

Napatili ako ng makita ko ang paggulong ng ulo ni April palayo sa katawan nito.
Isang bagay lang ang laman ngayon ng isipan ko.

SUSUNOD NA AKO.

Olivia stepped on April's severed head tapos sinipa niya papunta sakin. Rinig na
rinig ang paggulong nito. Parang bowling ball. Pero ang ulo ng isang tao ang bola.
Huminto sa harapan ko ang ulo ni April, face first. Namatay siya ng dilat ang mata
na puno ng takot at sakit. And while staring at those dead eyes, unti unti ko
namamang nararamdaman ang takot.

"Ooh, scared?" I was forcefully dragged back to reality when I heard Olivia's
voice.

She's near.

Nung iniaangat ko ang ulo ko, nagulat ako na nakita ko na nasa harapan ko siya.
Chainsaw raised, poised to strike.

Pinilit kong umilag pero nadali niya ang kaliwang kamay ko. Halos mahimatay ako sa
sakit nang maramdaman kong kumagat ang mga blade sa braso ko. Pinilit ko ang sarili
ko na labanan ang kadilimang nagbabadyang sumakop sa paningin ko pero makailang
beses na akong muntikang natalo.

Hindi ko alam kung bakit pero biglang naalala ko yung ilaw na nakita ko kahapon.
Kung ano man 'yon, isa lang ang sigurado ko. Sasakyan yun paalis sa islang ito.
Mapayate man o speedboat pa, alam kong yun ang tanging way out ko.

Sinipa ko ang binti ni Olivia na nagdulot sa kanya para matumba. Kinuha ko yung
tsansa para tumakbo. While running, I ripped my clothes off at ginamit ko iyon para
maging tourniquet.

Biting. Kumakagat ang higpit ng pagpakakatali ko pero alam kong mabuti yon. Mas
kokonting dugo ang mawala, mas maganda.

Nakikini kinita ko na ang hagdanan pababang first floor ng marinig ko ang tunog ng
chainsaw. Mukhang hindi pa umaalis si Olivia sa kwarto. Binibigyan niya ba ako ng
head start?

Dahil sa lapot ng dugo na nakalagay sa katawan ko medyo hirap akong gumalaw. Di ko


man gusto pero nagdahan dahan akong bumaba sa hagdanan.

Makailang beses na akong muntikang madulas pero sa awa ng Diyos napipigilan ko ang
mga ito. Alam kong kung hinabol ako ni Olivia sa umpisa palang, patay na ako
ngayon. Nakababa na ako sa sala at wala parin akong nakikitang Olivia. Lalabas na
sana ako sa front door ng makita ko ang bangkay ni Kenly, tadtad siya ng saksak sa
dibdib. Di ko nalang namalayan na nangilid na pala ang mga luha sa aking mga mata.
Pagbukas ko ng pintuan, nakita ko ang bangkay ni Kyle na nakahandusay sa harapan.
Tadtad rin ng saksak. Nakaramdam ako ng guilt. Kung hindi dahil sa tangang plano
ko, baka buhay pa sila ngayon.

Natumba ako ng paulit ulit. Gumulong. Pero ipinagpatuloy ko ang pagtakbo papunta sa
direksiyon ng ilaw na nakita ko kahapon.

Mga ilang segundo rin ang lumipas bago tumambad ang pakay ko sa paningin ko. Ang
family yatch nila Olivia. Ilang beses ko narin 'tong nakita. At palagi akong
naiinis. Di ko man lang naisip na ito ang magliligtas sa buhay ko balang araw.

Pumunta ako sa control room at inoperate ito. Laking pasasalamat ko talaga na


nakinig ako sa Uncle Kurt ko nung naglecture siya sakin tungkol sa pagpapatakbo ng
mga ganito.

Nang narinig kong tumunog ang makina, napaluhod ako sa tuwa. Siguro kapag alam mong
ligtas ka na, bigla ka nalang manghihina. Biglang mawawala yung adrenaline rush mo.
Babalik yung sakit at mga damdaming pinipigilan mong lumabas.

"Guys, sorry. Ako lang ang natira." Mahinang sabi ko. Pero may bigla akong narinig
na boses sa likuran ko.
"Sinong nagsabing mabubuhay ka?"

[Chapter End]

##################################

~~Curtain Call~~

##################################

Bloody Crayons

Curtain Call

--------------------------------------------------------------------------

Eunice

"Sinong nagsabing mabubuhay ka?" Biglang nanigas yung nanlalambot kong katawan ng
narinig ko ang boses ni Olivia. So all this time pala na akala kong hindi niya ako
sinusundan, nakasunod pala siya.

Ewan ko kung dahil sa takot o dahil sa desperation, basta kusang gumalaw ang
katawan ko para atakehin si Olivia. Alam ko namang wala akong laban kumpara sa
kanya. Malakas siya, no wounds at may chainsaw pa.

Pero kapag ang isang tao wala na talagang choice, yung tipong wala ng mawawala sa
kanya, ibubuhos niya na ang lahat lahat. A cornered rat will fight back ika nga.

Dinamba ko si Olivia gamit ang buong lakas ko at laking gulat ko nang natamaan ko
siya. Napahiga siya sa sahig na sinamantala ko naman. Dinaganan ko siya at pilit
kong pinipigilan ang kanang kamay niya na may hawak sa chain saw.

"Mabubuhay ako Olivia. Mabubuhay ako." Nangingiti ngiti kong sabi sa kanya. May
tsansa pa akong mabuhay. May posibilidad pa.

Ngumiti lang siya ng nakakaloko at tinawanan ako ng bahagya. "Ows?"

Kahit nakahiga na siya di parin nawawala yung kayabangan niya. Pero mabuti yan. Her
arrogance will lead to her downfall.

Dinaganan ko ng mga tuhod ko ang mga braso niya para hindi niya ito maigalaw, then
I started punching her face. Inubos ko na yung natitira kong adrenaline sa mga
huling suntok na 'to. I know I'm not that strong pero naniniwala ako na sa pakonti
konti may mangyayari rin. Small blows fell great oaks.
Mga ilang minuto ko ring pinagsusuntok si Olivia hanggang sa maramdaman kong
nanghihina na siya. Pero alam kong hindi pa sapat yun. Hindi pa ako ligtas. Isa
lang ang paraan para mailigtas ako.

I have to kill her.

Dali dali kong iginala ang mga mata ko sa paligid hanggang sa nakita ko yung
cabinet sa bandang ulunan niya. Napangiti ako ng nakita ko yung laman sa loob. Mga
maliliit na botelya na naglalaman ng isang likidong pamilyar na pamilyar ako.

Tetrodotoxin.

Bakit hindi? It was a fitting ending to this sick tragedy. Nagumpisa lahat sa
tetrodotoxin, tatapusin natin sa tetrodotoxin.

Dali dali kong binuksan ang isang vial at pilit kong pinainom sa kanya ang lahat ng
laman nito. Overdozed. Yan ang mangyayari sa kanya. Matagal man mabulok ang bangkay
niya, sigurado naman akong mamamatay na siya. Sana.
Napangiti ako habang nakita kong unti unting nanghihina siya. Binababa ko ang mga
defences ko. I lowered my guard. Nagpakatanga nanaman ako.

My arrogance caused my downfall.

With the last of her diminishing strength, Olivia shoved the chainsaw into my
stomach. Naramdaman ko nalang ang pagkagat ng malamig na metal sa tiyan ko na
sinundan ng hapding hindi ko maipaliwanag.

Napatingin ako pababa at nakita kong tumatalsik na ang dugo sa paligid. Pero hindi
ko na kayang magisip dahil sa sakit na naghahari sa buong pagkatao ko. Ramdam na
ramdam ko ang pagdurog at paghiwa ng chainsaw sa bituka ko, sa tiyan at sa mga
lamang loob ko.

At sa aking nagdidilim na panangin, nakita ko ang bangkay ni Olivia na may ngiti sa


kanyang mga mukha.

* * *

Olivia
As I lay there dying, bathing in Eunice's blood, I can't help but remember
Arielle's story. The first and last story that I was able to create.

Arielle stood there, her face splattered with blood, slowly drinking the sight of
the bloody corpses lying in front of her.

She succeeded. She finally cleansed herself of the filth covering her soul. Now
she's finally free.

As she walked towards the shore, she can't help but feel happy. The anger and
hatred that filled her soul was no more. She can now return to the sea without
regret. She has shed the human within her. She was again of the merpeople.

She has to do one last thing before she can finally return. She needs a tail.

She propped herself in one of those big rocks that you usually find in beaches.
Using a sharp stick and sea weeds, she proceeded to sew her legs together. The pain
was excruciating but Arielle didn't stop. With every prick, with every wound she
screamed. But she didn't stop. She couldn't let herself stop. This is her
punishment. This is her last sacrifice.
The blood oozing from her legs dyed the beach red turning it into a beautiful
scarlet. And somehow through the pain inflicted haze she finished stitching them.
It was not the beautiful tail that she once possessed but it was more than enough
for here.

She took one last glance of the cruel human world that she was leaving behind
before she dove into the ocean with a smile on her face.

At last. It was finally over.

* * *

Nagkaroon ng imbestigasyon pagkatapos madiskubre ang mga naagnas na bangkay ng mga


magkakaibigan. Pero dahil sa minanipula ito ng mga magulang ni Olivia, napalabas na
isang tagalabas ang gumawa ng krimen.

Bakit?

Dahil sa lahat ng bangkay ng magkakaibigan, ang kay Olivia lang ang di naagnas.
Natural na siya ang paghihinalaan. At dahil ang ama ni Olivia ay isang lalakeng
naniniwala sa reputasyon, ayaw niyang mabahiran ang pangalan ng anak niya. Ginamit
niya ang koneksiyon niya sa kinaaanibang mafia para mapaglaruan ang sistema ng
batas, at dahil takot ang mga pulis sa kanya, di man lang sila nagdalawang isip na
baguhin ang resulta ng imbestigasyon. Ang ina ni Olivia ay isang mabait na babaeng
hindi naniniwala sa embalmation at pagprepreserve ng bangkay. Ayaw niya ring dumaan
ang katawan ng pinakamamahal niyang anak sa autopsiya dahil ayaw niyang itrato ng
iba na isang bunton ng malamig na karne ang anak niya.
At dahil hindi naman nabubulok ang katawan ni Olivia, walang dahilan para tutulan
ito ng iba.

Sinadlak ang bangkay ni Olivia sa isang sikat na kapilya, pero wala man lang ni
kahit isang dumalaw sa kanya. Sa laking galit ng ama ni Olivia, inutusan niya ang
mga alagad niya para maghanap ng mga taong makikiramay.

May nagpakalat kasi na si Olivia ang pumatay sa mga magkakaibigan. At kahit anong
gawin ng mga magulang nito, hindi kayang patayin ng pera at koneksiyon nila ang
isang chismis.

Dahil sa takot. Dali daling napuno ang kapilya ng mga taong "nakikiramay". Ngumiti
ang ama ni Olivia at pumunta sa harapan para magsalita.

"Maraming salamat sa pakikiramay niyo. Kung nasaan man si Olivia, alam kong
nakangiti siya habang pinagmamasdan niya tayo."

Bahagyang tumango ang mga tao di dahil sa pakikiramay kundi sa takot. Alam nilang
kamatayan nila ang kapalit kung tututol sila.
Pagpatak ng alas dose, isinara ang kabaong ni Olivia at nagisuwian na ang mga tao.
Sa labing apat na magkakaibigan, siya lang ang nagkaroon ng matinong libing na
aabot ng isang linggo.

Siguro masasabi ng isang taong may alam sa buong istorya na hindi makatarungan ang
lahat. Bakit nagkaroon ng matiwasay na libing si Olivia? Na ang dapat gawin ay
babuyin ang bangkay niya.

Pero ganito ang sistema sa mundo nating mga tao. Hindi importante kung sino ang
tama o mali. Hindi importante kung nasa panig ka ng katarungan. Kung may
kapangyarihan ka, ikaw ang masusunod. Our society now is a modern day battlefield.
People are fighting corporate and criminal wars and the only winner that emerges
from the fray is the one with money.

Ika nga ni Bertrand Russell, "War does not determine who is right - only who is
left."

Pero mukhang iba talaga siguro ang tinakda ng tadhana. Mukhang hind nakasulat na
dapat mairaos ng tama ang libing ni Olivia. Isang pangyayari ang hindi parin
maipaliwanag ng pulisya.

At hanggang ngayon hindi parin nasasagot ang isang katanungan.


Pagbukas ng kabaong niya kinabukasan, isang salita lang ang nabanggit ng mga
magulang niya.

"Nasaan si Olivia?"

[End]

P.S. Wala po itong Book 2. Yan na talaga ang ending.

##################################

~~Author's Note at iba pang kadramahan~~

##################################

Author's Note at iba pang kadramahan

---------------------------------------------------------

Maraming salamat sa pagbabasa hanggang sa dulo!


Bloody Crayons as you know right now is in its version 2. And I thank you for
helping me through the editing and revision process. But before you got to know v2,
it existed in 2 earlier versions. Let me tell you of Version Zero and Version One.

Version Zero is an aborted work. Kung matagal mo na akong kilalang writer at


nandirito ka na simula palang nung nagumpisa ako, malalaman mong abortionist ako.
Marami na akong ideas na inilagay dito sa account kong ito at dinelete rin. Siguro
dahil sa tinamad ako. O kaya naman dahil sa tinamad ako. Tamad kasi akong tao.

Ang version zero ng BC ay nakasulat sa ingles. Nagumpisa kasi ako bilang English
writer kaso narealize ko na mahirap pala. Di ko kaya. Fourth year high school
palang ako noon at alam ko ang limitations ko. Simple lang ang plotting ng BC v0.
Kung may plot nga ba talagang matatawag. Pumunta ang isang grupo ng magkakaibigan
sa isang isla at may pumapatay. Yun. Tapos. Di man lang pinagisipan.

Version One is a haphazardly written work. Ibinalik ko ang BC (O nirecycle lang


yung title. Kung ano man ang ikakatahimik ng kaluluwa niyo.) dahil sa
kadahilanang, hindi na pala ako nagsusulat ng mystery at puro romance ang inasikaso
ko para lang makiuso sa trend. Katulad sa version zero, wala rin akong plot.
Pumunta lang sila sa isang isla at may pumatay sa isa sa kanila. Yun. Tapos na yung
plotting stage. BOOM! Originally sampung chapters lang dapat ang BC. Si Marie ang
killer sa isang pipitsuging istorya. Kaso habang tumatagal, napansin ng mga readers
at nagustohan nila. May narealize ako nuon. Gusto ko pang humaba ang BC. Siguro
partly kasi gusto ko yung atensiyon na binibigay ng mga tao sa istorya. Sinong taga
watty ba naman ang hindi diba? At partly kasi dahil sa positive feedbacks, mas
lalong naengganyo yung utak ko para makapagisip ng kung ano pang isisiksik sa
kwento. Na realize ko na hindi pala ako makokontento sa bonsai na BC. I want it to
grow like a big fucking tree.

BC v1 readers, kasama ko kayo sa pagsusulat ng kwentong ito. (Hindi ito yung mga
pahambol effect na style ng ibang writers. Seryoso ito.) Dahil sa mga comments
niyo, nalalaman ko kaagad yung mga loopholes ng mga updates ko na bara bara kong
isinulat. Nalalaman ko rin kung ano yung masyadong obvious na clues kaya naitatago
ko sila nang bahagya. It's like a brainstorming process para sa susunod na update.
BC v1 is not me writing a story. It's about me writing an update to counter your
deductions. You made me grow so much. Dahil sa inyo nagkaroon ako ng confidence sa
pagsusulat ko. Sana magawa niyo rin ang nagawa niyo sakin sa ibang tao.

Nakwento ko sa taas na walang plot ang BC v1 diba? Sasabihin ko uli. TOTOO YAN.
Kahit ako namamangha ngayon na nakapagsulat ako ng ganitong istorya kahit walang
pagpaplano. Bara bara ang update. Nagiisip lang ako kung anong mangyayari pag
magtatype na ako ng update. Diretso type. Diretso publish. Puno tuloy ng mga
loopholes ang early chapters. Pero yung mga loopholes na yun ang naging challenge
ko para sa mga susunod na updates. Kaya kung binabasa mo ito at isang writer ka na
may malaking takot sa loopholes, ang masasabi ko sayo wag kang matakot. Yang
pagsagot at paghanap mo nang paraan para mawala ang loopholes na mga yan ang
dahilan para magimprove ka. Treat your loopholes as a friend. Just don't forget to
kill them in the end haha

Remember. The magic happens outside your comfort zone. So go out there and impress
them with your skills and talent.

Nakwento ko na ang version zero at version one. Alam niyo narin ang version two.
Pero alam niyo narin ba ang version 3? Hindi pa? Don't worry. Someday makikita niyo
rin yan. Kaya hintay hintay lang sa announcement haha.

Maraming salamat talaga sa lahat ng sumuporta at sa patuloy na sumusuporta sa


kwentong ito. You made me realize that I can make more people despair by killing
off characters HAHAHAHA. De seryoso guys. MARAMING SALAMAT TALAGA!

-Josh
P.S. Korni na. Alis na. HAHAHAHA

Bloody Crayons Official Fan page:

www.facebook.com/BloodyCrayonsv2

Or try clicking the external link.

##################################

~~On Publishing BC~~

##################################

BC in print? Why not! HAHAHA

Sa mga friends ko sa FB, nakita niyo na pumunta ako sa QC pero di ko sinabi kung
bakit. Ito yun. I talked with two publisher yesterday para sa posibilidad na
ipublish ang BC.

They both gave great offers but in the end, I really have to choose only one.
Sa Life Is Beautiful publishing po mapupunta ang BC!

While signing the contract, nagusap kami ng kaunti sa plano sa libro. Dahil hindi
pa nga ako nakakapagpasa talaga ng manuscript.

Basta ang sigurado po ngayon ay maipapublish ang BC this year at hindi siya
lalagpas ng September!

Bibili po ba kayo kung nagkataon? haha

Tsaka okay lang ba na hatiin yung libro?

Salamat sa pagbasa at pagsagot! I'll post another one like this para sa kumpletong
detalye sa susunod. Pag napagusapan na talaga haha
##################################

~~Final Announcement and FAQs~~

##################################

Final Announcement and FAQs

1. Kelan po marerelease yung book version ng BC?

Nagpasa ako ngayon ng final manu (4/15/2014) at sabi ng management, around July or
so yung release month.

2. Totoo po bang mahahati sa dalawang volume ang BC?

I'm afraid so. Kailangan kasi talaga eh. Kapag kasi isang book lang, baka
matapyasan ng scenes. And we don't want that. So it's final na dalawang volume po
ang BC.

3. Kung mahahati po yung BC, magkano naman po yung isang libro?

Dahil ngayon lang ako nagpasa, hindi pa po masasabi. Masasabi lang yung price kapag
naprint na yung libro. Pero wag po kayong magalala. Ang isang 256 pages novel ng
LIB ay hindi umaabot ng P100.00 at ang pinakamataas na presyo so far ay P120.00.

4. Kung irerelease po sa July or so ang first volume, kelan naman po magiging


available ang second volume?
Sabi ng LIB management, after a month or so rin.

5. Ano po bang pinagkaiba ng book sa meron sa watty?

Ang nakalagay po sa wattpad na version 2 ay parang second draft lang. Yung nasa
book po ay mas matino na at may mga konti pang naidagdag. You can call it version
3.

6. Paano namin malalaman kung ano ang volume 1 sa volume 2?

Nakalagay sa cover and at the same time, iba ang cover ng volume 1 sa volume 2 pero
at the same time, matching paring. Yung cover ngayon ng BC ay ang pang volume 1 at
kung titignan niyo ang multimedia sa gilid, yan naman ang pang volume 2. Plus
magkaiba po ang likuran ng dalawang volume.

7. Booksigning?

Hindi pa po sure. Malayo po kasi ako sa NCR. 9-10 hours ang biyahe. Pero kung
makakapunta man ako, siguro sa Manila International Book Fair. Sana. Cross fingers
tayo guys.

8. Sino po gumawa ng cover ng BC?

Si Myka Marie. Sabi sa inyo magaling sa art yun eh haha


9. Bakit mo naman naisip na bibili kami?

Kasi po nagmamakaawa ako haha

Das könnte Ihnen auch gefallen