Sie sind auf Seite 1von 1

My Poem For Goyo��

Katapangan at pagmamahal sa bayan,

Ginamit ng ating mga bayani upang lumaban

Nangakong maging tapat sa tungkulin

Kaya sila'y naging magigiting

Sila ay lumalaban ng buong puso

Inalay ang kanilang pawis at dugo

Ano man ang mangyari ay hindi agad susuko

Dahil sila'y tunay na mga Pilipino

Sila ay hindi rin patitinag,

Hanggang sa huli ay mananatiling matatag

At kung mangyari mang hindi magtagumpay,

Pupurihin pa rin silang tunay

Talaga ngang ipinamalas nila ang kanilang kabayanihan

Matapang na lumaban sa mga dayuhan

Kahit kapalit pa nito ay kamatayan

Makamit lamang ang kalayaan ng mahal na bayan

Das könnte Ihnen auch gefallen