Beruflich Dokumente
Kultur Dokumente
I. PANIMULA
a. Uri ng Panitikan
Nobela
b. Bansang Pinagmulan
Pilipinas
c. Pagkilala sa May Akda
Si Roman G. Reyes ay ipinanganak noong ika-28 ng Pebrero, 1858 sa Bigaa, Bulacan. Nang makatapos ng pag-aaral
sa Bigaa ay dinala siya sa Maynila upang mag-aral sa Colegio de San Jose at nagtapos noong 1874 bilang maestro
superior. Nagturo siya sa Sta. Maria, Bulacan na kilalang bayan ng makata at manunulat. Dito niya nakilala at
pinakasalan noong 1883 si Sebastiana Ramos, 16 anyos lamang samantalang si G. Reyes ay 25 anyos. Ayon kay Dr.
Mona Highley, si G. Reyes ay isang mahigpit na magulang. Labintatlo ang mga anak ng mag-asawa. Kabilang sa mga
ito si Gng. Trinidad Reyes-Cruz na kaibigan ni Dr. Highley. Isa naman sa mga anak na lalaki ni G. Reyes si Ildefonso na
nakapangasawa ng Amerikanang si Grace Hackman sa Brooklyn, New York. Noon ay nagbalik si G. Reyes sa Bigaa
noong 1886 kung saan siya ay nagtayo ng paaralan sa mga silid ng bukana ng kaniyang bahay. Nagtrabaho siya
bilang bahagiang eskribiyente sa tribunal ng kanilang bayan na may sahod na walong piso kada buwan. Ganito ang
kaniyang pamunuhay sa Bigaa hanggang sa sumiklab ng Rebolusyon noong ika-5 ng Nobyembre 1896. Ang
kanyang pamilya ay lumipat sa Maynila noong 1899 sa bahaging Kapawiran ng daang Requesens. Nang umsenso ay
lumipat sa bahaging Kabatuhan. Nang mga panahong iyon ay kakatapos lamang ng Rebolusyon at nagkaroon ng
bagong sistema ng sanitasyon na sumugpo sa kolera at bulutong kung saan siya nagsimulang sumulat ng mga nobela
na siya namang itinuturing ng mga kritiko bilang isa sa mga importanteng koleksyon ng mga isinulat na obra.
d. Layunin ng May-Akda
Ipakita ang pagkakaiba ng panahon noon at ngayon at ipabatid sa mambabasa ang kahalagahan ng Pagtitiwala sa
Diyos.
II. PAGSUSURING PANGNILALAMAN
a. Tema o Paksa
Pagiging responsable
b. Tagpuan/Panahon
Umikot ang istorya sa panahon na magtatapos na ang ng ika-19 na siglo. Mahihinhin pang manamit ang mga tao noon
mahigpit ang mga magulang sa anak. Naipakita rin ang mga makalumang panunuyo ng mga binata sa mga dalaga at
ang kanilang mga palusot para lihim na mag-usap o makipagtanan. Ibinase si Roman G. Reyes ang ilang parte ng
nobela sa mga historikal na pangyayari tulad ng malawakang Rebolusyon sa Pilipinas at ang pagdating ng Amerikano
na pinalitan ang mga Espanyol sa pamumuno sa kolonya. Nagdagdag ng historikal na mga lugar at pangyayari tulad
ng Maynila na pinagdausan noon ng giyera ng mga Pilipino, Kastila at Amerikano
c. Mga Tauhan o Karakter
1.) Enrique “Ikeng” Pag-Ilagan – 19 anyos na binata, kulot ang buhok at mapang-akit ang mga mata. Maraming
nililigawan ngunit hindi handang magpakasal. Sa huli ay si Loleng rin pala ang papakasalan na dating tinalikuran ng
pangako. Hindi nagtagal ay naging iresponsableng asawa at ama ngunit nagsisi kung kailang huli na ang lahat.
2.) Loleng – anak ni Matandang Tikong at pinagkasundaang pakakasal kay Ikeng. Isang mabuti at ulitang ina kay
Nene. Masyadong mapagbigay kaya napabayaan ang minana sa kaniyang ama kaya unti-unting naubos dahil sa
pagsusugal ni Ikeng.
3.) Nene – Elisa sa tunay na pangalan. Anak si Ikeng at Loleng. Siya ay inosente, magalang at mapagkumbaba ngunit
matalino sa kabila ng mga paghihirap na dinanas.
4.) Matandang Tikong – maalalahaning ama ni Loleng na sa katandaan ay nag-aalinlangan kung kanino niyang lalaki
ipagkakatiwala ang anak niya. Pinili si Ikeng para mapangasawa ni Loleng na tila mabigat ang loob dahil walang
magagawa kundi sumunod sa desisyon ng ama. Nagsisi nang sumapit ang kamatayan dahil nagkamali pala sa
pagkakakilala kay Ikeng.
6.) Mag-asawang G. Ricardo at Aling Nitang – mag-asawa na nakatagpo kay Nene at nagsilbing instrumento upang
magkitang muli ang mag-ina. Mabait at mapagbigay ang mag-asawa dahil tinulungan si Loleng at Nene para
makaahon sa hirap.
5.) Isiang – dalagang taga-Tabing-bakod at anak ni Aling Juana at Mang Tiago. Minahal si Ikeng kahit hindi ito
seryoso sa kanya. Labag sa mga magulang niya ang panunuyo ni Ikeng ngunit nagpumilit na siya ay itanan, na siya
namang pumalpak sa bandang huli.
6.) Aling Buro – kahit hindi tunay na anak si Loleng ay kaniyang sinuportahan sa mga bagay-bagay tulad noong
ipinanganak si Nene, pagbibigay ng payo para matigil ang pagwawaldas ni Ikeng ng pera at pagpapabaon kay Loleng
ng pera noong lumuwas sa Maynila.
7.) Tomas – matalik na kaibigan ni Ikeng na kasama niya sa lahat ng bagay. Makalipas ng ilang taon ay nagkita silang
muli ni Ikeng sa barberya at nagsilbing instrumento upang makita muli si Loleng at Nene.
8.) Beheng – dalagang taga-San Josep na anak ni Kabesang Bino. Inagaw ni Ikeng mula sa ama at itinanang patago sa
Tarlac sa halip na ang pagtulong sa Rebolusyon ang inatupag. Labis na natakot dahil baka mahanap sila ng kanyang
ama at sinabi ni Ikeng na huwag matakot dahil magkasama silang parehong nag-iibigan.
9.) Mang Tiago – nagbanta na gagawa ng paraan para makulong si Ikeng dahil sa pagtatangkang maitanan si Isiang.
Dahil dito, walang nagawa si Ikeng kundi umiwas sa gulo sa paraan na ituloy ang pagpapakasal kay Loleng.
10.) Kabesang Bino – ama ni Beheng na nagdemanda kay Ikeng dahil sa pang-aagaw sa kaniyang anak. Nakulong si
Ikeng sa loob ng apat na taon dahil sa kaniya.
d. Balangkas ng mga Pangyayari
Gumamit ang may-akda ng Daloy ng Kamalayan o stream-of–consciousness sa wikang Ingles. Diretso ang lahat ng
patutunguhan ng istorya kaya mas naiintindahan ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Nag-umpisa ang
lahat sa pakikipagkasundo ni Ikeng kay Matandang Tikong hanggang sa kanyang kamatayan ng magkita sila muli
nina Loleng at Nene sa Maynila. Maikli lang ang nobela dahil ito ay may dalawampu’t pitong mga kabanata na
umiikot sa kwento nina Ikeng, Loleng at Nene ngunit may mga kabanata na may historikal na pagsasalaysay tulad ng
Rebolusyon sa Bulacan at ang pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas.
III. PAGSUSURING PANGKAISIPAN
a. Mga kultura
Masasalamin sa nobela ang tunay na pagkaPilipino
b. Ideyang Taglay ng may Akda
Ayon sa pagsusuri, ang Pusong Walang Pag-Ibig ay isa sa mga maganda at kapaki-pakinabang na basahin dahil sa
pagiging dramatiko nito at sa mga mapupulot na aral. Hindi nakakatamad suriin ang nobela dahil sa magandang
kuwentong taglay
c. Istilo ng Pagkakasulat
Makalumang Tagalog ang kadalasang ginamit ni Romang G. Reyes tulad ng salitang “napapanagimpan” at
“humahaginggeng” sa mga pagsasalaysay at pag-uusap ng kwento at tauhan. Naging mahirap para sa manunuri ang
pagkuha sa kahulugan ng ibang mga hindi pamilyar na salita ngunit sulit naman dahil maganda ang kuwento.
Naipakita ng may-akda kulay ng mga makalumang kaugalian noong ika-19 na siglo tulad ng labis na kahigpitan at
pagdedesisyon ng magulang kung kanino ikakasal ang anak, ang mga makalumang uri ng sugal, pamamaraan ng
panliligaw at mga salitang panuyo, mga taong walang ibang libangan kundi makipagkuwentuhan sa kapananghalian
at ang mga bagay na dapat inihahanda kapag manganganak ang isang babae. Lahat ng mga makalumang ugali ay
nagbigay diwa sa nobela. Inilahad rin ni Roman G. Reyes ang kanyang historikal at awtobiograpikal na karanasan sa
Rebolusyon tulad ng mga pagkabalisa ng mga tao, pagiging abala ng mga kalalakihan dahil mamumundukan at ang
hindi pagiging kalmado ng mga dalaga dahil sa takot. Isiningit rin ng may-akda ang kalagayan ng Maynila noong
nagkakagulo dahil sa biglaang dominasyon ng Amerikano sa Pilipinas na ang kinakatwiran ay tutulong daw para
makapagsarili ngunit sinalakay nila ang mga sundalong Pilipino.
IV. BUOD
Sa baryo ng Pulong-gubat, nais ni Matandang Tikong na maikasal na ang anak niyang siyang si Loleng. Nararamdaman ng
matanda na malapit na siyang mamatay at mapapalagay lamang siya kung mayroong lalaking makakasama ang kanyang
anak habangbuhay. Napili ni Tandang Tikong si Ikeng na dating tenyente at ngayon ay wala pang trabaho. Wala namang
magawa si Loleng dahil iyon ang kagustuhan ng kanyang ama. Bagama’t napupusuan niya si Tone na lagi niyang
nakakaulayaw ay may nasisintahan nang iba. Dumating isang gabi si Ikeng at nakipagkasundo na nga kay Matandang
Tikong at nangakong babalik para matupad ang pangako ngunit naisip ni Ikeng na tila napasubo na naman siya sa hindi
niya gusto dahil may mga dalaga pa siyang sinusuyo tulad nina Isiang, Beheng at Gunday. Nagkausap-usap ang mga
binata ng Pulong-gubat at kung bakit daw nila hinahayaan na ang isang dayo ang siya pang manliligaw sa dalagang
katutubo sa kanilang nayon? Dahil dito ay kinausap ni Aling Buro si Loleng at kung bakit sa isang dayo pa siya
magpapakasal. Sinabi naman ni Loleng na wala siyang magagawa dahil ama niya naman talaga ang nasusunod. Nabigo si
Ikeng sa panunuyo kay Isiang, Gunday at Beheng. Idinemanda pa siya ni Kabesang Tiago dahil sa pagtangay sa kanyang
anak na si Isiang matapos tangkaing itanan ni Ikeng sa tulong ni Tomas. Pati si Tomas ay nadamay sa demandahan at kung
hindi kadikit ni Ikeng ang direktor ay malamang na ikinulong sila. Ngunit hindi sumusuko si Kabesang Tiago dahil kung
walang magagawa ang kinauukulan ay siya mismo ang gagawa ng hakbang para maparusahan si Ikeng. Para makaiwas sa
gulo ay naisipan nina Mang Simon at ni Aling Tolang na suyuin sa tulong ni Tenyente Pedro ang mag-amang taga-Pulong-
gubat para ikasal na sina Ikeng at Loleng. Pumayag si Ikeng sa mungkahing iyon dahil wala na talagang ibang paraan
bagama’t dalawang buwan na ang lumipas. Natuloy ang kasal at nangako si Ikeng kay Loleng na hindi mauubos ang
kanyang pag-ibig. Naging maganda sa umpisa ang pagsasama ng bagong kasal ngunit hindi nagtagal ay nagbalik na
naman si Ikeng sa dati niyang gawi. Namatay na nagsisisi si Matandang Tikong kung bakit si Enrique ang napili niya para sa
anak ngunit hindi ni Loleng sinisi ang kanyang ama. Naging palasugal na ngayon si Ikeng hanngang sa manganak si Loleng
na wala siya sa kaniyang tabi. Babae ang naging anak nila at pinangalanang “Elisa”, at “Nene” ang naging palayaw. Unti-
unting naubos ang pamana ni Matandang Tikong para kay Loleng dahil sa pagsusugal ni Ikeng. Kahit damit ay hindi ni
Loleng maibili si Nene at minsan ay wala man lang bigas na maisasaing kaya naging kaawaawa ang mag-ina. Pinayuhan ni
Aling Buro si Loleng na huwag nang hayaan si Ikeng sa pagsusugal kung ayaw nilang mamatay sa gutom. Nagkaroon ng
mga usap-usap tungkol sa isang himagsikan at umabot iyon sa Pulong-gubat. Maraming lalaki ang nais sumali sa
Rebolusyon kaya sila ay pumunta sa bundok. Isa si Ikeng sa mga sumanib ngunit hindi naman talaga iyon ang kanyang
layon kundi ang maiwan ang kanyang asawa’t anak. Natapos ang himagsikan at tinalo ng mga Amerikano ang mga Kastila.
Sa halip na magsarili na ang Pilipinas ay inako lamang na mga Amerikano sa Kastila ang kapangyarihan. Isang kaguluhan
ang nangyari at nagtakbuhan ang mga tao. Nahiwalay si Loleng kay Nene kaya’t siya’y muntikan nang mabaliw sa
kakahanap samantalang inagaw pala ni Ikeng si Beheng mula sa kanyang ama na si Kabesang Bino at itinago sa Tarlac.
Masalimuot ang naging kalagayan ni Loleng habang hinahanap si Nene sa Maynila. Hindi inakala ni Loleng na may
magnanakaw na pumasok sa kaniyang tahanan habang abala sa paghahanap. Mabuti na lamang dahil pinabaunan siya ng
pera ni Aling Buro dahil baka sa kalye siya matulog. Maging si Nene ay hinahanap na rin ang kanyang ina. Habang tila
maloloka na sa kakahanap ay napagtanungan ni Loleng si G. Ricardo sa daang Villalobos. Napagkamalan nga ng ginoo na
si Loleng ay matanda na dahil sa itsura nito. Nalaman ni Loleng na kinupkop ni G. Ricardo at ng kaniyang asawang si Aling
Nitang ang anak niyang si Neneng. Sa wakas ay nagkita na muli ang mag-ina! Hindi ibang tao ang turing nina G.Ricardo at
Aling Nitang sa mag-ina. Ibig ni Loleng na makapag-aral si Nene dahil iba na ang panahon. Pumayag pa nga sila na mag-
aral si Nene at binigyan ng puhunan si Loleng para makapagbenta ng bibingka. Unti-unting guminhawa ang buhay ng
mag-ina. Biglaang sumulpot si Ikeng sa barberya ni Tomas dahil magpapagupit. Nakilala ni Tomas at Ikeng ang isa’t isa.
Nalaman ni Tomas na nakulong ng apat na taon si Ikeng dahil sa pagtatanan kay Beheng. Nais ni Ikeng na makita ang mag-
ina ngunit hindi nito alam kung saan sila hahanapin. Siya namang itinuro ni Tomas ang lugar nina Loleng at Nene ngunit sa
kasamaang palad ay nabangga ng isang humaharurot na awtomobil si Ikeng at isinugod sa Hospital San Pablo.
Naghihingalo na si Ikeng ngunit nagawa pa rin niyang humingi ng kapatawaran at inamin na napakalaki ng pagkukulang
niya sa kaniyang mag-ina. Oras na talaga ni Ikeng at siya’y tuluyan nang namatay. Dito nagtatapos ang kuwento ni Ikeng,
ang “pusong walang pag-ibig”.
V. BISANG PAMPANITIKAN
a. Bisang Pangkaisipan
Isang kahalagahan ang pagiging responsable. Naipakita ni Roman G. Reyes ang katotohanan sa mga iresponsableng
ama noon at maging sa ngayon. Ang pagpapakasal ay hindi kaning isusubo at kapag napaso ay iluluwa. Ang kasal ay
isang banal na pakikipagtipan na may basbas ng Diyos. Kailangang magsikap na isang magulang lalo na ng isang
padre de pamilya ang maitaguyod sa magandang kondisyon ang kanyang pamilya sa halip na magbisyo dahil masama
ang magiging epekto nito.
b. Bisang Pandamdamin
Hindi dapat mawalan ng pag-asa ang isang tao dahil may maawaing Diyos sa Langit. Manalig lamang sa Kaniya at
kumilos ng tama at Kanyang ibubuhos ang biyaya. Matatag si Loleng dahil sa kalagitnaan ng alitan giyera ng mga
Amerikano sa Pilipino ay kanyang buong giting na hinanap sa mapanganib na lansangan ng Maynila ang kanyang
anak na si Nene.
c. Bisang Pangkaasalan
Kapag may hirap, may ginhawa. Sa kabila ng hindi na nahanap muli ni Loleng si Ikeng ay sinikap niyang muling
bumangon sa tulong ni G. Ricardo at Aling Nitang. Sa simpleng pagbebenta ng bibingka ay unti-unting nakaipon kaya
silang mag-ina ni Nene ay namuhay rin ng masagana.
Maging matulungin sa kapwa katulad ng pagtulong ni G. Ricardo at Aling Nitang kay na Loleng at Nene. Hindi sila
kailanman humingi ng kapalit bagkus lalo pa nilang sinuportahan ang mag-ina para umasenso.
“BANGKANG PAPEL”
I. PANIMULA
a. Uri ng Panitikan
Ang akda ay isang maikling kwento dahil ito ay maaring ihalintulad sa tunay na buhay. Ang kwento ay pangkatauhan
dahil ang ugali at katangian ng mga tauhan ang nagbigay ganda sa kwento.
b. Bansang Pinagmulan
Pilipinas
c. Pagkilala sa May Akda
Si Edroza Matute ay ipinanganak noong 13 Enero 1915. Nagturo siya ng apatnapu’t anim na taon sa elementarya,
haiskul at kolehiyo, at nagretiro bilang Dekana ng Pagtuturo sa Philippine Normal College (ngayon ay Philippine Normal
University) noong 1980. Pinarangalan siya ng Cultural Center of the Philippines ng Gawad CCP Para sa Sining (Panitikan) noong
Pebrero, 1992. Maraming ulit siyang nagkamit ng Gantimpalang Palanca. Mabisa at madaling unawain ang kanyang
pananagalog. Ang ilan sa kanyang mga kuwentong nagkamit ng gantimpala ay Kuwento ni Mabuti,Paglalayag sa Puso ng Isang
Bata, Parusa, Maganda Ang Ninang Ko at Pagbabalik.
d. Layunin ng May-Akda
Masalamin sa bang kang papel ang mga pangarap ng isang musmos na bata na hindi na niya napalutang o hindi na
niya nakamit.Maayos ang ginampanan ng mga tauhan sa
II. PAGSUSURING PANGNILALAMAN
a. Tema o Paksa
Ang isyung tinalakay sa kwento ay ang pagkawasak ng pamilya dahil sa gera.
Unang nailathala ang ang maikling kwentong Bangkang Papel noong 1946.
Sa taong 1946 nakamit ng Pilipinas ang tunay na kalayaan na kung saan ang awtor ay maaaring maglathala ng
kwento. Bakas sa kwento ang kinikimkim na saloobin ng awtor tungkol sa digmaan noong panahon ng mga Hapones..
b. Tagpuan/Panahon
Ang kwento ay nangyari noong Bagong Taon
c. Mga Tauhan o Karakter
Ang mga tauhan sa akda ay ang:
• Batang lalaki- ang bida sa kwento na gumawa ng bangkang papel ngunit hindi niya napaanod
• Miling-ang kapatid ng batang lalaki
• Ina ng batang lalaki
d. Balangkas ng mga Pangyayari
May mga batong tumatama sa bubong ng batang lalaki at hindi pa umuuwi ang kanilang tatay.
Kinabukasan, sa isang sulok, doon nakita ng batang lalaki ang kanyang ina na nakalikmo sa sahig. Sakanyang
kandungan ay nakasubsob si Miling at ang buhok nito ay talang tigil na hinahaplosng kanyang ina.
Nagtaka ang batang lalaki kung bakit madaming tao sa kanilang bahay.
Nalaman nilang ksama ang kanilang tatay sa mga nabaril sa nangyaring gulo nung nakaraang gabi
Sa bawat hakbang na palayo sa bahay na pawid at sa munting bukid na kanyang tahanan ay nararagdagan
ang agwat ng ulila sa kanyang kabataan.
III. PAGSUSURING PANGKAISIPAN
a. Mga kultura
Masasalamin sa nobela ang tunay na pagkaPilipino
b. Ideyang Taglay ng may Akda
Mahirap nga talaga kung ang iyong ama o magulang ay isang rebelde hindi mo alamkung ano ang pwedeng mangyari
sa kanila, ang buhay nila ay lagging nasa kapahamakan.Samantalang naiiwan ang kanilang pamilya. Ang mga batang
maagang nawalan ng mgamagulang ay tiyak na mahirap lalo pa;t rebelelde ito, lagi kayong nagtatago, at unti-unti
angnawawala ang mga panahon ng kabataan ng mga musmos na ito. Iyan ang bagay nanatamo ng aking isipan at
pinalawak pa nito ang aking kaalaman ukol sa mga bagay nahindi mapapakinabangan
c. Istilo ng Pagkakasulat
Ang akda ay binase sa kasalukuyang sitwasyon, ang kalagayan ng mga mahihirap at ang kwento ng mga hindi
natutupad na pangarap.
IV. BUOD
Isang batang lalaki ang gumawa ng tatalong malalaking bangkang papael na hindi niya napalutangsa tubig
kailanman. Hindi niya malaman kung ano ang dagundong ang biglang pumuno sa bahay o ang biglang pagliliwanag.
Nagsunud-sunod ang tila malalalaking batong gumugulong sa kanilang bubungan. Ang paggulong ng mga iyo’y
sinasaliwan ng pagliliwanag at pagdidilim ng bahay, ng pagliliwanag muli. At samantalang pumapailanlang sa
kaitaasan ang kahuli-hulihang pangarap ng batang yaon,ang panahon at patuloy sa pagliliwanag at pagdiidlim, sa
pananahimik at pag-uumugong,sapagbabata ng walang awing hampas ng hangin at ulan. Ang kinabukasan ng
pagtatampisaw at pagpapaanog ng mga bangkang papel ay dumatingngunit kakaibang kinabukasan. Sa isang sulok,
doon nakita ng batang lalaki ang kanyang ina na nakalikmo sa sahig. Sakanyang kandungan ay nakasubsob si Miling .
at ang buhok nito ay talang tigil na hinahaplosng kanyang ina. Ang mukha ng kanyang ina ay nakita ng batang higit
na pumuti kaysa rati, ngunit ang mgamata noo’y hindi pumipikit , nakatingin sa wala Lahat ng lapitan niya’y
nanatiling pinid sa labi. Ipinatong ang kamay sa kanyang balikat o kak’y hinahaplos ang kanyang buhok at wala na.Sa
labinlimang nangapat kagabi ay kabilang ang kanynag ama«sa labas ng bayan..sasagupaan ng mga kawal at tanong-
bayan.Nag-aalinlangan, ang batang lalaki’y lumapit sa kanyang ina na mabibigat ang mga paa sa paghakbang. Sa
bawat hakabang na palayo sa bahay na pawid at sa munting bukod na kanyang tahananay nararagdagan ang agwat
ng ulila sa kanyang kabataan. Ang gabing iyon ang kahuli-hulihan sa kabataang sasansagalit lamang tumagal
V. BISANG PAMPANITIKAN
a. Bisang Pangkaisipan
Ang pagiging positibo sa buhay sa kabila nang mga pagsubok ay mahalaga.
b. Bisang Pandamdamin
Maging matatag at puno ng pag-asa. Pag-asa na minsan sinakay natin ang ating munting pangarap. Ngunit dahil sa
mga alon na dumarating sa ating buhay, lumulubog ang bangka kasama ang mga pangarap natin. Pero dahil pursigido
tayong magtagumpay, gagawa at gagawa pa rin tayo ng bangkang papel at babaunan ng panalangin na malayo ang
mararating nito. Malayo ang mararating ng mga pangarap natin..
c. Bisang Pangkaasalan
Habang may buhay may pag-asa. Sa Diyos lamang lagi magtiwala.
“SA PULA SA PUTI”
I. PANIMULA
a. Uri ng Panitikan
Ang “Sa Pula, Sa Puti” ay isang sikat na dulang pangkomedya.
b. Bansang Pinagmulan
Pilipinas
c. Pagkilala sa May Akda
d. Si Francisco “Soc” Rodrigo ay ipinanganak sa Bulacan noong Enero 29, 1914. Nag-aral sa Pamantasang Ateneo de
Manila at namatay noong Enero 4,1998 dahil sa kanser. Siya ay isa rin ay nanalong senador ng dalawang termino sa
magkaibang administrasyon. Isa ring kolumnista sa pahayagang ng Malaya at Philippine Star. Naging mamahayag sa
telebisyon sa ABS-CBN para sa “Mga Kuro-kuro ni Soc Rodrigo” .Kilala din na isang kritiko ng politika at isyu ng
sosyo-ekonomikal.
e. Layunin ng May-Akda
Ang dulang “Sa Pula, Sa Puti” ay isang dula na nagmumulat sa atin sa mga isyu ng lipunan. Tulad ng pag-asa sa swerte
para magkapera at ang pagkalulong sa sugal.
II. PAGSUSURING PANGNILALAMAN
a. Tema o Paksa
Isang magandang pagpapakita ng mga isyu ng lipunan partikular sa ugali ng pag-asa ng karamihan sa swerte.
Napapanahon din ito dahil marami pa rin hanggang ngaun ang lulong sa sugal ngunit hindi nakikita ang msamang
epekto nito.
b. Tagpuan/Panahon
Sa isang probinsya
c. Mga Tauhan o Karakter
- Kulas – isang mananabong
- Ceiling – asawa ni Kulas
- Teban – kaibigan ni Kulas
- Sioning – kaibigan ni Ceiling
d. Balangkas ng mga Pangyayari
Pagpapakita ng kulturang Pilipino ay naisulat sa nakakaaliw na paraan. Mula pa lamang ng akda ay
makikita mo ang gusting iparating ng manunulat.Isa rito ang paniniwala ni Kulas sa swerte dahil mahilig
siyang tumaya sa sabong. Maganda rin ang dalow at pagkakarugtong ng pangayayari sa akda. Hindi mo rin
agad-agad malalaman ang mga mangyayari na magdudulot ng aliw sa pagbabasa nito. Lalo na ang wakas
nito ng natalo silang dalawang mag-asawa sa sabong na simple nagpapaliwanag na walang magandang
naiidulot ang pagsusugal.
III. PAGSUSURING PANGKAISIPAN
a. Mga kultura
Masasalamin sa nobela ang tunay na pagkaPilipino
b. Ideyang Taglay ng may Akda
Maraming nakapaloob na kaisipan sa akdang ito. Tulad ng paniniwala ng mga Pilipino sa swerte na nakakasama
minsan, sapagkat tila tumatakbo na rito ang buhay nila. Karagdagan pa ay ang bisyo sa sugal na nakakasama rin. Tulad
sa akda na ang sugal ay puno ng kasinungalingan at pandaraya. Dahil dito ay masasabing wala talagang nanalo sa
sugal. Si Ceiling naman ay nagpatotoo sa kasabihan na “Kung hindi mo sila matalo, subukan mong sa kanila’y
makihalo”, sapagkat tumaya rin siya sa sabong upang maibalika ng kinuha ni Kulas sa kanya. Ngunit tumaya naman
siya sa kalaban ni Kulas. Isang magandang paghahatid ng mensahe na walang nanalong totoo kung nakuha mo lang
ito sa daya.
c. Istilo ng Pagkakasulat
Isang magandang pagpapahiwatig ang ginamit ng may akda sapagkat ginawa niya itong nakakaaliw at hindi naging
mabigat ang tema. Maganda rin ang pagkakatagpi-tagpi ng mga pangayayri na magdudulot ng patuloy pang
pagbabasa. Pormal ang mga salitang ginamit, ngunit ito ay simple na maiintidihan ninoman.
IV. BUOD
Maaga pa lamang ay nagtatalo na mag-asawa dahil sa paghingi ni Kulas kay Ceiling ng pera upang ipangtaya sa
sabong. Ngunit kahit ganun ay nakataya pa din siya at pinangako sa asawa na pagnatalo siya ay papatayin na ang mga
manok niya. Si Teban naman na kaibigan niya ay tinuruan na gawing pilay ang manok at tumaya ng doble sa kalaban.
Samantalang si Ceiling din naman ay tumaya din sa kalaban upang makasiguro na babalik din ang pera pinangtaya
nila. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nanalo ang manok ni Kulas at kahit ganoon ay wala siyan naiuwing
pera. Kaya pagkauwi niya sa bahay ay magiging tinola na ang manok niya.
V. BISANG PAMPANITIKAN
a. Bisang Pangkaisipan
Sa Dulang Ito na Sa Pula At Sa Puti Ipinapakita ang Hilig ni Kulas Sa PagSasabong . Tulad din sa iba Na Ginagamet
ang PagSUSUGAL Dahil daw ay Makakaahon sila sa Buhay. Na Sa Dula'y Sa Huli Hinde Ren nman nagWagi si Kulas
b. Bisang Pandamdamin
Huwag iasa ang kapalaran sa swerte
c. Bisang Pangkaasalan
ng PagSusugal ay HindeNagDudulot ng Maganda Lalo na Sa Mga Taong Nakapaligid atin. Dahil maaari itong
makasira sa relasyon ng pamilya at hinde ren uunlad dito Dahil Nadin Swerte swertehan Lamang ito, Kadalasan ikaw
ay mananalo ngunit mas maaaring masmarami ang iyong talo, Kaya Masmaganda nalang na Huwag Magsugal.
TATA SELO
I. PANIMULA
a. Uri ng Panitikan
Ito ay isang uri ng maikling kwento ng tauhan.
b. Bansang Pinagmulan
Pilipinas
c. Pagkilala sa May Akda
Si Rogelio R. Sikat (kilala rin bilang Rogelio Sícat) (1940-1997) ay isang Pilipinong piksyonista, mandudula, tagasalinwika,
at tagapagturo.. Si Rogelio Sikat ay nakatanggap ng maraming pampanitikang premyo. Siya ay tanyag dahil sa "Impeng Negro", ang
kanyang maikling kuwento na nagwagi ng gantimpalang Palanca noong 1962 sa Filipino (Tagalog). Si Rogelio Sikat ay propesor at
dekano ng Kolehiyo ng mga Sining at mga Titik sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman mula 1991 hanggang 1994. Ang akda niyang
Tata Selo ang pinagbatayan sa pelikulang “Munting Lupa” ni Angelito Tiongson, na isang propesor sa Kolehiyon ng Komunikasyong
Pangmasa sa U.P.
d. Layunin ng May-Akda
Aug layunin ng may-akda ay maipakita ang sitwasyon ng mga magsasaka lalo na ang mga magsasakang walang sariling
lupang sinasaka at ng kawalang hustisya.
II. PAGSUSURING PANGNILALAMAN
a. Tema o Paksa
Pakikipaglaban sa karapatan
b. Tagpuan/Panahon
Sakahan/Bukid
c. Mga Tauhan o Karakter
Tata Selo - isang magsasaka.
Kabesang Tano- napatay ni Tata Selo
Saling- anak ni Tata Selo
d. Balangkas ng mga Pangyayari
Kitang-kita sa akda ang realidad na ang isang tao kung siya’y nagigipit ay humahantong sa pagsasanla ng kaniyang pag-aari.
Magkaganito man ang sitwasyon ang nangutang ay dapat maging responsible na magbayad ng kaniyang utang at sa isang banda
naman ang pinangutangan ay magbigay ng sapat na panahon sa pagbabayad.
Sa isyung pagpapaalis kay Tata Selo bilang magsasaka, ang may-ari ng lupa ay dapat maglaan ng sapat na panahon ukol dito, hindi
ang agad-agarang pagpapaalis sa tao. Hindi tamang gumamit ng dahas tulad ng panunungkod ng kabesa ,ang pagtaga ni Tata Selo
sa kabesa na humantong sa kamatayan ng huli at ang pananakit ng alkalde at ng mga pulis sakay Tata Selo.
Sa akda kitang-kita ang pagiging usisero ng mga tao dahil nagsiksikan sila sa bahay-pamahalaan upang makita si Tata Selo at
matiyak na ito nga ang pumatay sa kabesa. Nagpapahiwatig rin ito na si Tata Selo ay mabait na tao dahil hindi sila makapaniwala
na magagawa ni Tata Selo na patayin si Kabesang Tano.
Si Tata Selo ay isang tauhang bilog dahil mula sa isang pagiging masunurin, tapat na magsasaka ay nakapatay siya ng tao sa akda.
Siya ay simbulo ng mga taong may pagmamahal sa gawain dahil hangad pa rin niyang magsaka sa kabila ng kaniyang edad at
handing ipaglaban ang karapatan sukdulang mamatay o makapatay siya.
III. PAGSUSURING PANGKAISIPAN
a. Mga kultura
Naipakita ito sa mga pangyayari na kung saan may mga magsasakang walang sariling lupang sinasaka, ang
pagsasanla ng isang bagay na maaaring humantong sa pagkakaembargo nito kung hindi mababayaran.
b. Ideyang Taglay ng may Akda
Naipakita ito sa mga pangyayari na kung saan may mga magsasakang walang sariling lupang sinasaka, ang
pagsasanla ng isang bagay na maaaring humantong sa pagkakaembargo nito kung hindi mababayaran.
c. Istilo ng Pagkakasulat
Ang akda ay nailahad sa paraang flashback. Gumamit ng pag-uulit ng mga salita upang mabigyang pansin/emphasis
ang salita sa akda.
IV. BUOD
Maliit lamang sa simula ang kalumpon ng taong nasa bakuran ng munisipyo, ngunit ng tumaas ang araw, at kumalat na ang
balitang tinaga at napatay si Kabesang Tano, ay napuno na ang bakuran ng bahay-pamahalaan.
. Nasa loob ng istaked si Tata Selo. Mahigpit na nakahawak sa rehas. May nakaalsang putok sa noo. Nakasungaw ang luha sa
malabo at tila lagi nang may inaaninaw na mata. Kupas ang gris niyang suot, may mga tagpi na ang siko at paypay. Ang
kutod niyang yari sa matibay na supot ng asin ay may bahid ng natuyong putik. Nasa harap niya at kausap ang isang
magbubukid ang kanyang kahangga, na isa sa nakalusot sa mga pulis na sumasawata sa nagkakagulong tao . Inilabas nya
ang kanyang damdamin ukol sa pagpapaalis sa kanya sa kabila ng kanyang ng pagiging patas nya sa partihan ng ani at
ang pag-amin niya sa pagkakataga sa Kabesa.
Ayon naman sa isang binatang anak ng pinakamayamang propitaryo sa San Roque, na tila isang magilas na pinunong
bayan nakalalahad sa pagitan ng maraming tao sa istaked hindi nya dapat tinaga ang kabesa dahil lamang sa pagpapaalis
sa kanya sa lupa at karapatan ng may-ari na paalisin siya sa anumang oras na naisin nito. Hindi narin nakatiis si Tata Selong
sabihin sa binata na malakas pa sya at kaya pa nyang magsaka huwag lamang siyang paalisin at sa kanila ang bukid
lamang at naisanla iyon ng magkasakit ang kaniyang asawa hanggang sa maembargo iyon. Nakita niya ang isang batang
magbubukid na nakalapit sa istaked. Nangiti si Tata Selo. Narito ang isang magbubukid, anak-magbubukid na naniniwala
sa kanya. Nakataas ang malapad na sumbrerong balanggot ng bata. Nangungulintab ito, ang mga bisig at binti ay may
halas. May sukbit itong lilik.
Ikinuwento niyang siya ay pinuntahan ng kabesa sa sakahan at siya’y pinaalis dahil may magsasaka na raw iba, nakiusap
siya ngunit tinungkod siya mng tinungkod hanggang sa mataga niya ito.
Tanghali na ay hindi pa nakakausap ng alkalde si Tata Selo. Mag-aalas-onse na nang dumating ito, kasama ang hepe ng
pulis. Galing sila sa bahay ng kabesa. Abut-abot ang busina ng dyip na kinasaksakyan ng dalawang upang mahawi ang
hanggang noo’y di pa nag-aalisang tao.
Naggitgitan at nagsiksikan ang mga pinagpawisang tao. Itinaas ng may-katabaang alkalde ang dalawang kamay upang
payapain ang pagkakaingay. Nanulak ang malaking lalaking hepe. Nagkagulo ang mga tao. Nagsigawan, nagsiksikan,
naggitgitan, nagtulakan. Nanghataw ng batuta ang mga pulis. Ipinasya ng alkalde na ipalabas ng istaked si Tata Selo at
dalhin sa kanyang tanggapan.
Sa tanggapan inusisa ng alkalde ang nagyari at inilahd naman ni Tata Selo na siya’y pinuntahan ng kabesa at siya’y
pinapaalis sa lupang sinasaka niya. Sinabi rin niyang siya’y nakiusap na huwag paalisin dahil kaya pa niyang magsaka
ngunit siya ay tinungkod ng tinungkod ng kabesa hanggang sa mataga niya ito at mapatay.May mga tao namang
dumarating sa munisipyo. Kakaunti lang iyon kaysa kahapon. Nakapasok ang mga iyon sa bakuran ng munisipyo, ngunit
may kasunod na pulis. Kakaunti ang magbubukid sa bagong langkay na dumating at titingin kay Tata Selo. Karamihan ay
taga-Poblacion. Hanggang noon, bawat isa’y nagtataka, hindimakapaniwala, gayong kalat na ang
balitang ililibing kinahapunan ang Kabesa. Nagtataka at hindimakapaniwalang nakatingin sila kay Tata Selo na tila isang
di pangkaraniwang hayop na itatanghal.
Ang araw, katulad kahapon, ay mainit na naman. Nang magdadakong alas-dos, dumating ang anak ni Tata
Selo.Pagkakita sa lugmok na ama, mahigpit itong napahawak sa rehas at malakas na humagulgol. Nalaman ng
alkalde na dumating si Saling at ito’y ipinatawag sa kanyang tanggapan. Di-nagtagal at si Tata Selo naman
ang ipinakaon. Dalawang pulis ang umalalay kay Tata Selo. Halos buhatan siyang dalawang pulis. Pagdating sa bungad ng
tanggapan ay tila saglit na nagkaroon ng lakad si Tata Selo. Nakita niya ang babaeng nakaupo sa harap ng mesa ng
presidente. Nagyakap ang mag-ama. Suot pa rin ni Saling ang damit niya tatlong araw na ang nakararaan mula ng ito ay
umuwi sa kani;ang bahay.
Sinabi ni Tata Selong huwag nitong ipapaalam ang kaniyang nalalaman at pilit niya itong pinauuwi. Muling ibinalik sa
istaked si Tata Selo at naiwan sa tanggapan ng alkade si saling. Hapon na ay naroon pa rin si Saling. Nasa init siya,
nakakapit sa rehas sa dakong harapan ng istaked. Nakatingin siya sa labas, sa kanyang malalabo at tila lagi nang nag-
aaninaw na mata’y tumatama ang mapulang sikat ng araw. Sa labas ng istaked, nakasandig sa rehas ang batang Inutusan
niyang sumundo kay Saling. Sinabi ng bata na ayaw siyang papasukin sa tanggapan ng alkalde ngunit hindi
siya pinakinggan ni Tata Selo, na ngayo’y hindi pagbawi ng saka ang sinasabi. Habang nakakapit sa rehas at nakatingin sa
labas, sinasabi niyang lahat ay kinuha na sa kanila, lahat, ay! Ang lahat ay kinuha na sa kanila…
V. BISANG PAMPANITIKAN
a. Bisang Pangkaisipan
Hindi lamang sa kuwento nagyayari ang pagmamalupit ng mga nasa
kapangyarihan. Maraming uri ng pagmamalupit o human rights vilations.
Isa na rito ay ang kawalan ng hustisya, pagsikil sa karapatang pantao ng
mga mahihirap at pagkawala ng due process sa pagpaptupad ng batas.
b. Bisang Pandamdamin
Lubhang nakakaawa ang hirap dahil sa pagmamalupit na dinananas ng
mag-amang Tata Selo mula sa kabesa, sa hepe at maging saalakalde.
Halos nahubaran na sila ng anumang dignidad ng pagiging tao. Ganun
kalupit kung silaý itrato ng mga nasa kapangyarihan sa bayan ng San
Roque.
c. Bisang Pangkaasalan
Ang kuwentong ito ay napapanahon pa rin. Napakaraming nilalang sa
mundo ang hindi masyadong nabiyayaan ng materyal na bagay na
nagiging sanhi kung bakit sila ay laging inaapi, ninanakawan ng
karapantang mabuhay nang matahimik at mapayapa. Isa rin sa mga aral
na mapupulot sa kuwento ang satuwinaý pagmamhal ng magulang sa
kanyang anak gayundin ang pagmamalasakit ng anak sa kanyang mga
magulang sa kabila ng dinaranas na kahirapan.
SA BAGONG PARAISO
I. PANIMULA
a. Uri ng Panitikan
Ito ay isang uri ng maikling kwento ng tauhan.
b. Bansang Pinagmulan
Naisulat ang naturang akda sa bansang Pilipinas. Ang maikling kuwento ay nasilayan na noong panahon bago pa
man dumating ang mga Kastila sa ating kapuluan. Ngunit, lalo itong umunlad noong panahon ng pagsakop ng mga
Amerikano. At tuluyan itong nailimbag noong panahon ng mga Hapon na kung saan dumami ang mga manunulat ng
uri ng panitikang ito. Sa kasalukuyang panahon, patuloy pa ring nililinang ng mga makabayang manunulat ang
panitikang ito na siyang sumasalamin sa ating kultura.
c. Pagkilala sa May Akda
Si Efren Abueg ang isa sa mga iginagalang na nobelista, kuwentista, mananaysay, at krititiko ng kaniyang panahon.
Kabilang sa kaniyang mga aklat ang Bugso, ang kaniyang kauna-unahang koleksiyon ng mga kuwento.
d. Layunin ng May-Akda
Layunin niyang mailahad ang kahalagahan ng pagsunod sa magulang.
II. PAGSUSURING PANGNILALAMAN
a. Tema o Paksa
Pagmamahalan na nagsimula noong mga musmos pa ang mga tauhan.
b. Tagpuan/Panahon
Sa bakuran / probinsya /tag-nit
c. Mga Tauhan o Karakter
1. Ariel - batang walong taong gulang na kalaro at kaibigan ni Cleofe
2. Cleofe - batang babae na walong taong giulang na malimit kalaro at kaibigan ni Ariel
3. Mga magulang ni Ariel at Cleofe
d. Balangkas ng mga Pangyayari
Ang unang bahagi ng kwento ay nakasentro sa panahon na kung saan mga bata pa lamang sina Ariel at Cleofe. Silaý
walong taong gulang pa lamang at napakamangmang pa nila sa katotohanan ng buhay. Madalas silang matukso at
naging paraiso nila ang dalampasigan ng kanilang probinsya.
Hindi sila nakatakas sa panahon na kung saan sila’y lumaki na at pinilit na binago ng kanilang mga magulang ang
pakikitungo nila sa isa’t isa. Nang dahil sa kakulangan ng pagkaintindi sa sitwasyon, nang silaý lumuwas sa Maynila
para mag-aral ng kolehiyo, sinuway nila ang utos ng kanilang mga magulang at ito ay nagbunga sa isang pagkakamali
na kanila nga namang iniyakan at pinagsisihan. At ang pangalawang bahaging ito ng akda ay naganap na sa
tinagurian nilang bagong paraiso.
May pagkaluma rin ang mga pangyayari sa akda ngunit maaari pa rin itong maipakita sa isang modernong pananaw.
Nagkakaisa ang mga pangyayari mula simula hanggang wakas upang mailahad ang aral ng kwento na nasa huli nga
ang pagsisisi at kailangang makinig sa mga magulang upang magabayan sa pagiging maingat.
III. PAGSUSURING PANGKAISIPAN
a. Mga kultura
Naisasalamin sa akdang ito ang kultura ng Pilipinas na kung saan pinapahalagan ng mga nakakatanda ang
kahalagahan na makatapos sa pag-aaral at ang pagkamit sa mga pangarap. Nailalahad din dito ang konserbatibong
kaugalian ng mga Pilipino na kung saan hindi masyadong tanggap ng lipunan ang malapit na pagkakaibigan ng isang
binata at isang dalaga. Ito’y dahil sa pinapaniwalaan ng mga nakakatanda na ang uri ng pagkakaibigang ito ay
nagpapalapit lamang sa mga kabataan sa tukso at baka mauwi pa sa hindi inaasahang pangyayari. Sa kabuuan,
masasabing ang kulturang masasalamin sa akda ay tunay ngang nakaimpluwensiya sa pananaw ng mga Pilipino
pagdating sa paggawa ng mga pasya na hinggil sa pakikipagkaibigan sa ibang kasarian, pakikipagrelasyon at
pagkawalang-malay sa katotohanan ng buhay.
b. Ideyang Taglay ng may Akda
Sa akdang ito ang magulang at anak ay parehong nabigyan ng babala na kung ang anak ay sobrang paghigpitan
maaari itong magdulot ng pagrerebelde ng mga anak na sa kabilang banda naman, kung ang anak ay hindi susunod sa
mga magulang ay maaaringhumantong sa pagkapariwara ng huli. Ang pagtitiwala sa isa’t isa ay mabisang solusyon sa
isyung ito, ang pagtitiwala ng magulang sa anak at ang pagpapahalaga sa pagtitiwala ng anak sa magulang.
Makikita rin sa akdang ito ang sobrang pagpapahalaga ng mga magulang sa edukasyon na tiyak naming nais ng lahat
ng mga magulang.
c. Istilo ng Pagkakasulat
Sinimulan niya ito sa paglalarawan ng tagpuan, upang paipaghambing ang sinasabing bagong paraiso ng mga tauhan
sa dati nilang ginagalawan. Lohikal ang pamamaraan ng manunulat sa kanyang pagsulat Ang paglalarawan ng
manunulat sa mga bata noong sila’y walong taong gulang, ang pag-aaral sa elementarya, ang mga pagbabagong
naganap sa kanila bunga ng paging dalaga at binata nila, mga pangyayari noong sila ay nasa hayskul na at nang
maging kolehiyo. Gumamit rin ang may akda ng mga pahiwatig tulad ng pagkakaroon ng buwanang dalaw,
pagpapatuli ng batang lalaki, ang pagbabago-bago ng panahon at ang huli ay ang pagduwal ni Cleofe.
IV. BUOD
Ang kwentong ito'y tungkol sa pagkakaroon ng lamat ng kawalang-malay ng mga batang si Ariel at Cleofe. Kapwa sila
walong taong gulang at magkababata. Ang kanilang daigdig ay umikot sa isang paraiso'y langit ang kawangis, madalas silang
maglaro sa bakuran ng kanilang bahay na malapit sa isang dalampasigan. Tahimik ang kanilang mundo at mistulang walang
suliranin. Ang kanilang mga magulang ay hindi nag-aaway at relihiyoso. Pareho silang nag-aaral kasama pa ng ibang bata sa isang
maliit na gusali sa may dakong timog ng kanilang nayon at marami silang pangarap. Wala silang pasok kung araw ng Sabado at
Linggo o mga araw na pista opisyal. Silang dalawa'y madalas magpalipas ng oras sa loob ng kanilang bakuran, mula sa umaga
hanggang sa hapon. Misan habang silay nakahiga sa damuhan dala, titingalain nila ang langit at magkukunwaring aanawin sa
langit ang kanilang mukha. Magtataka ang batang babae at tatanungin ang batang lalaki kung makikita nga ba ang mukha sa
langit at sasagutin ito ng batang lalaki ng bakit hindi sapagkat ang langit daw ayon sa kanyang itay ay isang malaking
salamin.Madalas silang makatulog at magigising na lamang sa tawag sa kanilang bahay. Madalas nilang kilitiin ang isa’t isa habang
natutulog ang isa sa pamamagitan ng kaputol na damo. At kapag sila naman ay nagsasawa na sa looban ay sa dalampasigan naman
sila pupunta kung malamig na ang araw sa hapon. Namumulot sila ng kabibi, naghuhukay ng hilamis sa talpukan, o kaya'y gagawa
ng kastilyong buhangin, o kaya'y nanunugis ng mga lamang-dagat na nagtatago sa ilalim ng buhangin. Minsang naitanong ng
batang lalaki ang tumutunog sa kanyang dibdib na pakikinggan naman ng batang babae habang nakadaiti ang katawan nito at
itatanong sa batang lalaki ang tungkol sa tunog na iyon na hindi masagot ng batang lalaki. Nagkatinginan ang dalawa at ang lalaki
ang unang nagbawi ng tingin. Sinagot na lamang ng batang lalaki ang kalaro ng malay daw niya at niyaya na nitong umalis na sila.
Habang lumalakad, nakatanaw sila sa papalubog na araw at nagtataka sila kung bakit kulay dugo ito.
Kinaiingitan naman sila ng ibang mga batang hindi nagkaroon ng pagkakataong makahalubilo sa kanila. Madalas nilang
marinig sa kanilang mga kanayon na sa kanila raw paglaki ay sila ang magkakatuluyan na kanilang ipinagtataka. Higit pang
nakaabala sa kanilang isip ang sinasabi ng kanilang mga kaklase na silang dalawa'y parang tuko - magkakapit. Isang araw tinukso
sila ng kanila mga kaklase na kapit-tuko na ikinaiyak ng batang babae na naging dahilan upang makipagsuntukan ang batang
lalaki. Pagkaraan ng pangyayaring iyon, napag-usapan ng dalawang bata ang bansag sa kanila. At sila'y nag-isip, na lalo lamang
nilang ikinalunod sa kanilang kawalang-malay.Lumipas ang mga araw at nakakita sila ng sinigwelas na bubot na kanilang
isinawsaw sa asin at sila’y naasiman. Sinabihan sila ng mga matatanda na madaling mahihinog ang sinigwelas kapag umulan na.
Nang sumapit ang tag-ulan silay naligo sa ulanan ng walang saplot sa katawan .
Hanggang isang araw ay kumulog, dumagundong ang kalawakan, at nangagulat ang mga tao sa lansangan; pamaya-maya,
pumatak ang ulan, na ang pasimulang madalang ay naging masinsin. Ang dalaga ay dumungaw sa bintana - masama ang kanyang
pakiramdam. May kung anong nakatatakot na bagay sa kanyang katawan na ibig niyang ilabas, na ibig niyang itapon. At iyon ay
umaakyat sa kanyang lalamunan. Tumingala siya upang pawiin ang pagsama ng kanyang pakiramdam. Natanaw niyang maitim
ang langit at naisip niyang magtatagal ang ulan.Tumungo siya at kasabay ng kanyang pagtungo, parang may isinikad na pataas sa
lalamunan ang kanyang bituka at siya'y napanganga at naduwal siya…at ang lumabas sa kanyang bibig ay tumulo sa bangketa at
sandaling kumalat doon at pagkaraa'y nilinis ng patak ng ulan, inianod ng nilikhang mumunting agos sa gilid ng daan. At ang
dalaga'y napabulalas ng iyak.
V. BISANG PAMPANITIKAN
a. Bisang Pangkaisipan
Nagpapakita ng gawi, kilos at paniniwala ng tauhan. Nailahad ito sa bahaging madalas silang maglaro noong sila ay
mga bata pa at ang bahaging nanindigan silang magkita sa kabila ng pagtutol ng kanilang mga magulang. Sa mga
magulang naman nila naipakita ang teoryang ito sa bahaging sila ay naniniwala na ang babae ay tukso at dahil ganap
ng binata at dalaga ang kanilang mga anak ay bawal ng magkita.
b. Bisang Pandamdamin
Makikita sa akda ang paggamit ng kalikasan bilang bahagi ng kanilang pag-iibigan. Sinasabing sa teoryang ito ay
kakikitaan ng pagtakas sa katotohanan, nailahad ito sa bahaging pinagbabawalan sina Ariel at Cleofe ng kanilang
mga magulang dahil lamang sa sila ay binata at dalaga na. Nagpapahiwatig ito na ang kanilang mga magulang ay
hindi pa ganap na tanggap na ang kanilang mga anak ay lumalaki na at sa huli ay maaaring magkaroon ng kani-
kanilang mga buhay.
c. Bisang Pangkaasalan
Nailahad sa akda ang katotohanan na maraming kabataan ang nasusuong sa maagang pagbubuntis bunga na kanilang
kapusukan na maaaring humantong pagkatigil sa pag-aaral ,maagang pag-aasawa masuong sa maagang
responsibilidad ng buhay may-asawa
" Saan Patungo ang Langay-langayan?”
I. PANIMULA
a. Uri ng Panitikan
Ang sanaysay ay naglalaman ng personal na opinyon ng may-akda.
b. Bansang Pinagmulan
c. Pagkilala sa May Akda
-Si Buenaventura S. Medina, Jr.- isang magaling na manunulat at ang isa sa mga isinulat nya ay ang "Saan Patungo
ang Langay- langayan?"
d. Layunin ng May-Akda
- layunin ng may akda na magbigay aral sa lahat ng mambabasa.
II. PAGSUSURING PANGNILALAMAN
a. Tema o Paksa
- ang tema o paksa ng may akda ay makabuluhan sapagkat ito ay tungkol sa kung paano nilikha o paano iwinangis ng
diyos ang mga tao
b. Tagpuan/Panahon
- sa bayan
c. Mga Tauhan o Karakter
May Akda
d. Balangkas ng mga Pangyayari
-kalayaan nga ba ang mithiin natin o maging isang alipin?
-mahirap aliwanag ang kahulugan ng kalayaan, ngunit sinasabi na ito ay ang pagkakaunawa sa sarili at sa daigdig.
- patuloy nating hinahanap ang ating kalayaan saanmang dako ng mundo, ngunit ito pala ay matatagpuan kahit saan.
- unti- untin nagkakaroon ng kamalyan ang mga tao, ngunit nandoon pa rin ang pagnanasang makalaya.
- sa paglipas ng panahon, malalaman natin na hindi pala natin makakmit ang kalayaan dahil mismong kapwa natin ang
nag-iimbot sa atin.
III. PAGSUSURING PANGKAISIPAN
a. Mga kultura
b. Ideyang Taglay ng may Akda
- taglay ng may- akda ang kaisipag pumupukaw sa damdamin at isipan ng mambabasa.
c. Istilo ng Pagkakasulat
- maayos ang istilo ng pagkakasulat at gumamit ngmatatalinghagang salita.
IV. BUOD
Noong una pa lang ay nagnanais na tayong makamit ang ating kalayaan. kalayaang magpapalaya sa atin sa pagkaalipin
mula sa iba.
Subalit dahil din sa pagkakaibang ito'y ng-uugat ang di-pagkakaunawaang pagkat nawawala ang tatak ng pagkakaisa.
Isa pa ring kabalintunaan: bumuo ng salita upang magkaunawaan, ngunit siyang salita ring dahilan ng di-
pagkakaunawaan. Bakit ganito? Pagkat sumipot ang pagkakani-kaniya, sumibol ang pagkamakasarili. Ito'y mga tanda ng
pagkagapi, ng pagkatalo, ng sarili: napaalipin nang lubos ang tao sa sariling nagkasala, hindi, hindi nga ako malaya!
Nagkaroon ng sariling ari-arian ang tao. May mga kasangkapang tanging kanila, walang makakagalaw. Gaya rin ng
karapatang kumilos, lumakad, manahanan, mabuhay na hindi dapat sansalain. Ito'y ipagtatanggol hanggang sa magtigis ng
dugo at kumitil ng buhay! May mga kagamitang kanya: iilang malapit sa puso lamang ang makagagalaw. Dito nagbinhi
ang inggit at pag-iimbot, pagkat may mga taong nagnanais na magkamit ng ari ng iba. Kung may mga supling akong
mapanarili, mayroon pa ring naging mapagkamkam.
Sa salamin ay minasdan ko ang aking larawan, pagkalipas ng maramin-maraming panahon. Nahahapis ako, may pilak na
ang aking buhok.
V. BISANG PAMPANITIKAN
a. Bisang Pangkaisipan
Ang mga tao ay hindi Malaya dahil sa pagkaalipin sa kanilang mga sarili
b. Bisang Pandamdamin
Ano man ang pinagdadaanan dapat nating palayain ang ating mga sarili
c. Bisang Pangkaasalan
Palayain ang sarili sa galit, inggit, at kasamaan upang maging tunay na Malaya.
SATANAS SA LUPA
I. PANIMULA
a. Uri ng Panitikan
Ang nobela ay isang mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari na pinaghahabi sa isang
mahusay na pagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng bayani sa
dako at ng hangarin ng katunggali sa kabila -isang makasining na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring
magkasunod at magkakaugnay. Ang mga pangyayaring ito ay may kanya-kanyang tungkuling ginagampanan sa
pagbuo ng isang matibay at kawili-wiling balangkas na siyang pinakabuod ng nobela.
Ang nobelang “Satanas sa Lupa” ni Celso Al Carunungan ay isang nobelang panlipunan dahil ito ay tumatalakay sa
mga isyung panlipunang nagaganap hanggang sa kasalukuyan. Ang mga pangyayaring ito ay nagaganap hanggang
sa kasalukuyan. Napapanahon ang isang nobelang ito.
b. Bansang Pinagmulan
Pilipinas
c. Pagkilala sa May Akda
Si Celso Al. Carunungan ay isang Pilipinong manunulat sa wikang Ingles at Filipino. Nagsimula si Carunungan
magsulat sa pahayagan ng Unibersidad ng Santo Tomas, ang Parsitaria Unang nakilala bilang manunulat sa wikang
Ingles, ang mga maikling kwento.
d. Layunin ng May-Akda
- Ang layunin ng may akda ay ipamulat ang reyalidad ng buhay sa atin.
II. PAGSUSURING PANGNILALAMAN
a. Tema o Paksa
- Ang tema nito ay humahaplos sa puso at sa ating isipan .
b. Tagpuan/Panahon
Manila Japan Rome
c. Mga Tauhan o Karakter
1. Benigno Talavera
- mahusay ang pagkakaganap ng protagonistang ito. Naipakita niya ang isang natatanging tauhan na kasasalaminan
ng mambabasa sa nais na mkilala ng mababasa siya ay isang Congressman- Siya ay isang mapanggamit na tao- Hindi
na niya iniisip ang kaniyang pamilya- Ma bisyo- Siya ay kumandidatong Bise Presidente- Nakalimutan na niya ang
kaniyang pamilya- Dahil sa kaniya ang nagkagulo ang kaniyang pamilya-siya ang kinikilalang “SATANAS SA
LUPA”
2. Virginia Talavera
-bilang maybahay ni Benigno nagging maunawaing ina at asawa- Mapagmahal, mapagtimpi at mapagbigay- Tinitiis
niya parati ang mga kahihiyang ginagawa ng kaniyang asawa- Sinusuportahan niya ang kaniyang asawa.
3. Conrado Talavera
- Siya ang anak ni Benigno at ni Virgina na gustong magpari- Parati niyang sinasabi sa ama na siya’y ipagdarasal niya-
lumabas siya sa kumbento dahil sa minamahal niyang si Chona- Nakipagtanan kasama si Chona.
4. Ismael Talavera
-anak na lalaki ni Benigno-naging kaibigan ng anak ni congressman Caprio na si Ricky-nagkaroon ng koneksiyon ka
Balbino Marcial dahil sa marijuana-pinagbibintangang pumatay kay Ricky.
d. Balangkas ng mga Pangyayari
Naging maayos ang paglalahad ng mga pangyayari sa nobela. Naisalaysaya nang may tamang pagkakasunod-sunod
ang mga tauhan gayundin ang mga kaisipang nais maiparating ng manunulat sa kanyang mga mambabasa. Naipakita
ng bawat tauhan ang kanilang papel na dapat na ginampanan sa nobela
III. PAGSUSURING PANGKAISIPAN
a. Mga kultura
b. Ideyang Taglay ng may Akda
- Maganda ang mga kaisipan na nakapaloob sa kwento humahaplos sa puso at sa ating mga isipan.
c. Istilo ng Pagkakasulat
Ang naging istilo ng paglalahad ni Carunungan sa kanyang nobela ay isang daloy ng pangyayari sapagkat Malaya
niyang isinasalaysaya ang buhay ni Benigno na kung saan magdadala sa mga mababasa sa tunay na mensahe at
esensya ng isang nobela. Makatotohanan ang mga paglalahad na kanyang ginawa sapgkat ang mga ito ay patuloy na
nangyayari sa kasalukuyan.
IV. BUOD
Si Benigno Talavera ay isang karaniwang tao bago siya mahalal na Kongresista sa ating Batasang-Bayan. Ang kanyang
pagiging gerilya ang siyang naghatid sa kanya sa tagumpay bilang kinatawan ng lalawigan ng San Miguel.
Simula sa pangyayaring ito, sunod-sunod na ang mga tuksong dumating kay Benigno. Sumunod si Mr. Lim. Ang intsik na ito
ay isang “smuggler” at si Benigno ang tagapaglusot nito sa adwana. Si Balkbin Marcial, isang kawani ng adwana, ang siyang
tagalakad para mailabas ang mga kontrabando. Gaya ng kay Dr. del Rey, ipinalagay ni Benigno “para sa paglilingkod”niya
ang mga salaping ibinibigay ni Mr. Lim.
Ang pagpapalipas ng oras sa mga “niteclub” ay isang karaniwang gawain ng mga kongresista. Sa isang paghahapi-hapi ni
Benigno sa may Roxas Boulevard, nakatagpo niya si Kongresista Caprio. Inanyayaan nito si Benigno na uminom at
pagkatapos ay dinala sa isang bahay na kung saan ipinakilala siya kay Diana – isang babaing labing-anim na taong
gulang at sariwa pa.Madaling nahulog ang loob ni Benigno sa babaeng ito.Pagkatapos ng inaasahang maganap, ikinuwento
ni Diana ang buhay niya. Lalong naawa siya kaya sinabi niya na ititira na lang niya si Diana sa apartment.Pumayag agad
ang babae. Sa pag-uusap nila, biglang may pumasok na mga lalaki. Tinakot nila si Benigno pero sinabi ni Diana na
kasamahan siya ni Kongresista Carpio.Pagkatapos umalis ang mga lalaki, napag-alaman ni Benigno na mga “black mailer”
lamang ang mga ito.
Ibinahay nga ni Benigno si Diana. Naging malayo siya sa kanyang pamilya at napalapit na lalo kay Diana. Ang kabit na ito
ng ating Kongresista ang siyang naging tagapag-ayos ng mga “deal”. Dahil sa pagbabago ni Benigno sa kanyang pamilya,
umalis ang kanyang mag-anak patungong probinsya.Sa kasamaang-palad, naaksidente sila Malubha ang naging sugatb ng
anak nilang si Marichu. Hindi nagtagal at namatay ito.Galit nag alit si Benigno. Isinumpa niyang magbabayad ang may
kagagawan nito.Sa kasamaang-palad ulit, namatay ang tsuper ng trak na nakabangga sa kotse nila. Napag-alaman ni
Benigno na si Don Ignacio ang may-ari ng trak. Nagbago ang isip niya sapagkat hindi niya kayang idemanda ang Don na
isa sa mga tumulong sa kanya nang malaki. Nagalit si Virgie sa naging desisyon ng asawa niya. Naisip nitong mas mahalaga
sa asawa niya ang pulitika kaysa buhay ng anak nila.
Upang makalimutan ang pagkamatay ni Marichu, iminungkahi ni Benigno kay Virgie na magbakasyon sila sa Roma. Alam
ni Benigno na wala silang gagastusin sapagkat si Mr. Lim ang bahala. Pumayag ang babae. Sa may airport, iniabot ni Mr.
Lim kay Benigno ang isang maleta upang ibigay sa kapatid nang Makita na dolyar ang laman nito. Dahil sa pusisyon niya
sa pamahalaan medaling nakalusot ang maleta sa Custom.
Sinalubong ng kapatid ni Mr.Lim sina Benigno sa airport ng Hongkong .Inasikaso silang mabuti. Ipinasyal, pinakain at
pinatira sa pinakamahal na hotel. Kinabukasan,lumipad na sila patungong Roma na may sama ng loob sa kapatid ni Mr.
Lim. Nagtampo si Benigno dahil hindi siya nabigyan ng babae.
Sa Roma, tinawagan ni Benigno ang embahador ng Pilipinas.Pinadalhan siya ng isang kawani ng embahador upang
tulungan siya. Nagbigay ng isang salu-salo ang embahador para sa karangalan ng kongresista. Sa piging na ito, sinabi ni
Benigno sa embahador na gusto niyang magkaroon ng isang “exclusive audience” sa Papa.
Lahat ng mga problema ni Benigno ay gumugulo sa kanyang isip hanggang dumating ang kasukdulan. Hindi na niya kaya
pang tanggapin. Ang puso niya ay sumuko na sa mga sama ng loob. Dinadala siya sa ospital ngunit talagang wala na . . .
hindi na niya gustong mabuhay. Hindi nagtagal at binawian na siya ng hininga.
Sa bulwagan ng Kongreso, pinarangalan si Benigno bilang isang magaling na Kongresista ngunit hindi ito nagustuhan ni
Virgie. Sinabi niya na hindi niya kayang tanggapin ang lahat ng paghihirap ng kanyang kalooban dahil sa lahat ng mga
pangkukunwaring ginagawa sa harap ng bangkay ng asawa niya. Sumigaw siya at sinabing iyan na lamang siya. Nailibing
si Benigno nang matiwasay ngunit ang mga gawaing pulitika ay patuloy pa ring gumugulo sa pamilya niya.
Tulad ng sabi ni Carpio kay Virgie, “Hindi po blackmail, Misis. Ito po’y pulitika!”
V. BISANG PAMPANITIKAN
a. Bisang Pangkaisipan
Ayon nga sa isang pabula na pinamagatang “Ang mga Surot” na kung saan ay naghahanap ang amang hari ng dugo ng
isang matapat na politico na siyang magbibigay lunas sa karamdaman ng kanyang anak. Masasabing Malabo nang
malunasan ang karamdaman ng kaniyang anak sapagkat sa panahon ngayon ay mahirap humanap ng dugo ng isang
matapat na politiko. Nais lamang ni Celso na turan o itatak sa isip ng mga mambabasa na dapat ay lagging isipin ang
kapakanan ng kapwa at kailangan gawin ang nararapat o TAMA upang mas gumanda ang buhay. Ika nga, kailanman
ang taong namumuhay sa kadiliman ay hindi kailanman magiging masaya.
b. Bisang Pandamdamin
Nakakalungkot lamang dahil ito ay isang makatotohanang nobela na nakabatay sa realidad na siyang gigising sa mga
natutulog na damdamin ng mga Pilipino. Ang nobelang ito ay nakapagbibigay ng pagkakataon sa mga mambabasa na
makapag-isip-isip sa mga bagay-bagay na nagaganap sa kanyang paligid.
c. Bisang Pangkaasalan
Tinuturuan ng nobelang ito ang mga mambabasa na maging mapanuri at mapaghimagsik. Sa ating lipunan, kailangang
maging mapanuri sa kung sino ang nais nating maging pinuno na ating susundin. Mapanuri sa lahat ng mga gawaing
ginagawa ng mga nakaupong opisyales ng pamahalaan.
ANG TONDO MAN MAY LANGIT DIN
I. PANIMULA
a. Uri ng Panitikan
Ang akda ay isang nobela at lipunan. Ang akda ay karaniwan ng salamin ng tradisyon ng isang lipunang nagluwal
dito. Masining ang akda sapagkat kinakitaan ito ng makatotohanang gawain, paniniwala, at saloobin ng mga tao.
Naging makabuluhan ang akda nung ito ay napaghanguan ng mga makatotohanang pangyayari na naganap sa isang
tiyak na panahon.
b. Bansang Pinagmulan
Pilipinas
c. Pagkilala sa May Akda
Sa mga nobela ni Andres Cristobal Cruz, malinaw ang mga karanasan pagkatapos ng digmaan. Sa kanyang kwento ay
ipinakikita ang paglaganap ng diwang kolonyal sa iba’t ibang larangan ng pulitika, ekonomiya, edukasyon at kultura.
Bagama’t ginamit ang paksang pag-ibig, hindi ito lubusang piagtuunan ng pansin ng akda ni Cruz. Sa kanyang mga
akda ay makikita ang pakikisalamuha ng tao sa kanyang kapwa.Naipakita ni Cruz na ang akda ay salamin ng
tradisyon ng isang lipunang nagluwal dito. Nagawa niyang masining ang akda nang kinakitaan ito ng
makatotohanang gawi, paniniwala at saloobin ng pangkat ng tao. Mula sa isang tiyak na lugar, nagiging makabuluhan
ang isang akda kung ito ay maaaring mapaghanguan ng mga makatotohanang pangyayari na naganap sa isang tiyak
na panahon.
d. Layunin ng May-Akda
Ang akda ay nanlilibang at nakwentotungkol sa mga pangkaraniwang gingawa ng mga tao. Ipinapakita din nito ang
mga kabutihan at pagmamalasakit ng mga kamag-anak at pamilya. Nagpapakita ito ng pakikitungo ng tao sa
kanyang kapwa. Pinapakita nito ang mga tiyak na tradisyon at kaugalian. Inilarawan nito ang lipunan. Higit sa lahat
ipinakita nito ang tiyak na kaisipang Pilipino.
I. PANIMULA
A. Uri ng Panitikan
Nobela
B. Bansang Pinagmulan
Pilipinas
C. Pagkilala sa may akda
Si Valeriano Hernandez at Peña (ang Peña ay apelyido ng kanyang ina) ay isinilang sa nayon ng San Jose, Bulakan,
Bulakan noong Disyembre 12, 1858. Siya ay bunsong anak nina Marcos Hernandez at Dominga dela Peña. Ang
kanyang ama ay isang platero, at ang hanapbuhay na ito ang kanyang ginamit upang maitawid ang kanyang
pamilya sa pang-araw-araw na pangangailangan.
Nagsimulang mag-aral si Tandang Anong (ito ang tawag sa kanya ng mga kasamahang manunulat sa Muling
Pagsilang) ng Kartilya at ang kanyang naging guro ay ang kanilang kapit-bahay na si G. Marcelino Nuque. Sa
murang edad na sampu ay nakitaan na siya ng pagkahilig sa pagbabasa at pagsusulat. Sa nayon ng Matungao,
Bulakan, Bulakan ginugol ni Tandang Anong ang malaking bahagi ng kanyang kamusmusan sa piling ng mga
kababatang sina Gregorio Santillan (ama ng mga manunulat na sina Dr. Jose Santillan at Dr. Pura Santillan-
Castrence), Benito dela Peña, at Mariano Cristobal. Nagsimula siyang mamasukan bilang kawani ng isang Kapitan
Alvarez sa gulang na labindalawa matapos pumanaw ang kaniyang ama. Nagsilbi rin siyang kawani ng husgado.
Nakasal siya kay Victoria Laktaw, isang taga-Matungao sa gulang na 45, subalit ang mag-asawa ay hindi pinalad
na mabiyayaan ng anak..
D. Layunin ng may akda
Nilalayon ng may akda naipahiwatig sa mga mambabasa ang kahalagahan ng pagtatagumpay sa mga
pagsubok.
II. PAGSUSURING PANGNILALAMAN
A. Tema o Paksa ng Akda
1. Ang kalinisan ng puri ng babae ay maikukumpara sa kanyang dignidad
2. tamang pag-asal
3. pagkakaibigan
Ang pag-ibig ay binubuwag ng maling paghuhusga at pinagtitibay ng buong tiwala
"Pinaparusahan ng langit ang masasamang gawa sa kapwa-tao at ang kabaita'y ginagantihan ng
matatapat na biyaya
B. MGA TAUHAN/ KARAKTER SA AKDA
Isko - isang lalaki na nagkagusto kay neneng, nakilala ni neneng sa kasalan.
Neneng - matalik na kaibigan ni nena,babaeng itinadhana para kay narciso.
Narciso - lalaking nagmahal kay neneng ng lubos.
Chayong - babaeng gusto si narciso, pero napunta kay miguel.
Miguel - ama ng dinadalang bata ni chayong, na inakala na narciso.
Nena - babaeng matalik na kaibigan ni neneng, nagkagusto kay miguel, pero napunta kay deogracias.
Deogracias - kababata ni nena at naging asawa.
Aling Anday - ale ni nena,. nag alaga kay nena simula ngmaulila, parang ikalawang ina ni nena.
Pepe - kapatid ni neneng.
C. Tagpuan/Panahon
D. Balangkas ng mga Pangyayari
1. Si NENA at NENENG ay matalik na magkaibigang dalaga na parang kapatid na ang tratuhan.
2. Ang unang pagsubok sa pagkakaibigan ay nagsimula nang magkaroon ng tinginan sina Nena at ang kilalang
babaero't mapaglaro sa damdamin na si Miguel- sinumbong ni Neneng kay Aling Anday, pinarusahan si Nena, at
sa gitna ng paghuhumigpit ng ale, hiningi nito ang kamay ni Miguel sa kasal.
3. Nagkabalikan ang dalawang dalaga nang maipakita ni Neneng kay Nena si Miguel na kasama na si Chayong.
4. Si CHAYONG ay may dalawang lalaking kinaguguluhan sa buhay- si Miguel na naiipit sa dalawang dalaga,
at ang pinsan nitong si Narciso na maspabor sa kanya ang pamilya ni Chayong, matino't matalino, at saka dati
nang minahal ni Chayong.
5. Ang kuwento'y lumalim lalo nang magkatitigan nang iba si Neneng na papunta kay Chayong at si Narciso na
paalis, at pagkatapos, nang inilahad ni Miguel kay Chayong ang kanyang tuluyang paglimot kay Nena.
6. Lalo pang lumalim ito nang mamatay ang asawa ni Aling Anday kung kaya't naghiwalayan ang magkaibigan.
7. At sunud-sunuran ang mga pangyayaring naganap na sila ring nagbago ng direksyon ng buhay nilang lahat.
8. Lumalim ang pagkakaibigan tungo sa pagmamahalan at pagpapakasal nina Nena at Deogracias- ang kanyang
kalaro't parang kapatid sa lalawigan noong lumalaki pa sila.
E. Kulturang Masasalamin sa Akda
Ang pagpapahalaga sa pagkababae ay mahalaga
III. PAGSUSURING PANGKAISIPAN
A. Mga Kaisipan? Ideyang Taglay ng Akda
Ang may akda ay nagpapatid nang kahalagahan ng pag-ibig at pag-kakaibigan
B. Estilo ng Pagkakasulat ng Akda
Maganda ang pagkakasulat ng may akda
IV. BUOD
Matalik na magkaibigan si Nena at Neneng kapwa mananahi ang kanilang hanapbuhay. Nagkaroon ng kasintahan ang
dalawang dalaga. Unang naging kasintahan ni Nena si Miguel ngunit di nagtagal ang pagsibol ng kanilang relasyon. Kaya
nanligaw si Miguel kay Chayong kasintahan naman ng pinsan si Narciso o Sochong. Ginahasa niya ito.Si Miguel ay sugapa
sa sugal, bukod sa singungaling at nabilanggo dahil sa kasamaan hanggang mabulok saka namatay sa bilibid. Nagkaanak si
Chayong at si Narciso ang naging ninong. Isang araw na dinalaw ni Narciso ang inaanak,nakabangga niya si Neneng na
maghahatid ng tahi para kay Chayong. Ito ang simula ng pagkakilala ng dalawa na humantong sa pagiging
magkasintahan. Si Nena ay umuwi sa kanilang nayon dahilan ng pagkamatay ng kanilang amain. Dito niya nakta muli ang
kababatang si Deogracias, nagkaibigan sila at di nagtagal ay nagpakasal. Inimbitahan ni Nena ang magkasintahang
Neneng at Narciso. Sa kasalan, dito nakita ni Isko si Neneg na sa unang tingin pa lang ay sumibol ang pag-ibig ni Isko para
kay Neneng, na agad namang tinutulan ni Neneng dahil mayroon siyang kasintahan. Nagpakasal sina Neneng at Narciso.
Hindi pa rin tumugil sa panunuyo si Isko,lumuluwas pa rin siya sa Maynila para ligawan si Neneng na taliwas sa kaalaman
ni Narciso. Dahil sa isang liham ni Isko para kay Neneng na nabasa ni Narciso, at minsang umuwi si Narciso sa tahanan nila
nakita niyang tumalon mula sa bintana si Isko. Dahil sa pagkaseloso’y humahangga sa kawalan ng bait. Inakala ni Narciso
na nagtataksil sa kanya si Neneng kaya nilayasan niya ang asawa.Dinamdam ni Neneng ang pag-iwan ng asawa. Umuwi
siya kina Nena at salikod ng pag-aliw ng kaibigan, nagkasakit si Neneng at tuluyang namatay.Si Narciso ay di mapalagay
kaya bumalik siya sa kanilang tahanan. Ngunit huli na ang lahat, nabatid na yumao na si Neneng dahil sa pagkasiphayo sa
pag-ibig. Nang malaman niya mula kay Nena na patay na ang asawa at mabasa ang liham ni Neneng na nagpapaliwanag
na wala itong kasalanan sa bintang nito sa kanya. Nagmamadaling nanaog ng bahay si Narciso upang magtungo sa libingan
ni Neneng para humingi ng tawad, sa kanyang pagmamadali nadulas siya sa hagdan at sa pagkakahulog tumama ang
kanyang ulo sa bato upang maging sanhi ng kanyang pagkamatay.
I. PANIMULA
a. Uri ng Panitikan
Dula- Ang dulang ito ay isang komedya dahil sa mga nakakatawang linya ng mga tauhan..
b. Bansang Pinagmulan
Bansang PIlipinas
c. Pagkilala sa May Akda
-Epifanio G. Matute ay naging mamamahayag ng Mabuhay sa ilalim ng DMHM (Debate, Monday Mall, Herald,
Mabuhay). Naging patnugot rin siya ng mga magasin ng Sampaguita, Mabuhay, at Pagsilang, at kagawad ng mga
magasing Liwaywayat Malaya.
Siya ay naging pangunahing scriptwriter ng Dramatic Philippines sa ilalim ng direktor na si Narciso Pimentel, Jr., na
nakilala sa mga dulang panradyo at pantanghalan. Ang pinakabantog nilang produksyon ay Kuwentong Kutsero.
Ang Impong Sela ni EGM ay kabilang sa aklat-katipunan ng UNESCO
d. Layunin ng May-Akda
- layunin ng may akda na magbigay aral sa lahat ng mambabasa lalong higit ang pagkakaroon ng pagmamahal sa
ating bansa.
II. PAGSUSURING PANGNILALAMAN
a. Tema o Paksa
- Ito ay tungkol sa mga simpleng opinion ng mamamayan tungkol sa lagay ng gobyerno at pulitika ng bansa
b. Tagpuan/Panahon
Ang tagpuan ng dula ay sa tindahan ni Aling Tinay. Di naman tiyak ang panahon kung kelan naganap ang dula.
c. Mga Tauhan o Karakter
Mang Ambo- isang kutsero na parating nambubuska kay Aling Doray
Ka Berto- isang jeepney driver na gusto na nasa ayos ang lahat.
Pidong- tambay at mahilig na di sumang-ayon sa kanyang mga naririnig.
Aling Tinay- may-ari ng tindahang pinagtatambayan ng mga nagkwekwentuhan
Aling Doray- siya ay bibili lang dapat kay Aling Tinay pero napasali na rin siya sa kwentuhan.
d. Balangkas ng mga Pangyayari
- Masasabi kong tao laban sa lipunan ang tunggalian sa dulang ito dahil binabatikos at tinutuligsa nila ang
pamamalakad ng mga pulitiko sa bansa
Nagpatuloy lang ang pag-uusap nila tungkol sa maling mga Gawain sa gobyerno. Hanggang sa napagdesisyunan ni Ka
Berto na umalis na at pupunta daw siya ng Edsa para linisin ang basura sa gobyernoatin.
III. PAGSUSURING PANGKAISIPAN
a. Ideyang Taglay ng may Akda
- Dapat hindi tayo pumapayag na magpatuloy lang ang maling pamamalakad ng gobyerno. Dapat kumilos na tayo
upang magkaroon ng pagbabago.
b. Istilo ng Pagkakasulat
- Para sakin, monologue ang ginamit na kumbensyon ng dula. Ito ay dahil bawat tauhan ay nakapagsalita nang sila
ay mag-isa (solo) pero may nanginginig sa kanila.
IV. BUOD
Nakagawian na nina Mang Ambo, Ka Berto, at Pidong ang pagtambay sa tindahan ni Aling Tinay tuwing hapon. Biglang
nakasimangot na dumating si Aling Doray upang bumili at napansin naman ito ng mga tao sa may tindahan. Sinabi ni
Doray na galit siya dahil sa baho na dumikit sa kanyang bakuran dahil sa basura. Doon na nagsimula ang pagbibigay ng
mga opinyon tungkol sa kung anung dahilan ng problema ni aling Doray. May nagsabi na dahil ito sa mga hindi nagiikot na
truck ng basura, at dahil ito sa presidente sapagkat sa panahon daw ni Pangulong Quezon ay malinis ang bansa pero
mukhang tumatagal umuurong ang kalinisan ng ating bansa. Hanggang sa maaabot sa BIR na hindi makapag kulekta ng
tamang buwis, paano pa kaya makakapag kulekta ang bansa ng basura, nagyayabangan sila tungkol sa mga kabulukan ng
mga pamamaraan sa sating bansa. Hangang sa, si Ka Berto ay biglang aalis. Tinanong siya ni Aling tinay kung saan siya
pupunta at sinabi niya na magpapalit siya damit ng pangkatipunero. Tinanong siya ng lahat kung anong pumasok sa
kukorte niya. Ang sinabi niyang, “Para mag-EDSA. Hindi upang palitan ang pangulo kundi upang puksain ang kasakiman
ng mga Trapo at linisin ang basura sa gubyerno. Sugod mga kapatid !!!!”.
V. BISANG PAMPANITIKAN
a. Bisang Pangkaisipan
Pagpukaw sa kaisipan ng mga mambabasa upang mamulat sa sistema ng pamahalaan.
b. Bisang Pandamdamin
Nakakaantig ng puso na balikan kung paano an gating bansa ay lumaya sa pagkaalipin.
c. Bisang Pangkaasalan
Kung hindi maayos ang isang panukala o sistema, marapat lamang na ito ay hindi mo sundin, dapat maging matatag sa
pagtugon sa pag-aalay ng tunay na pag-ibig sa ating bansa.
" Ang Kalupi”
I. PANIMULA
a. Uri ng Panitikan
Ang Kalupi ay isang Maikling Kwento, at isang masing na anyo ng Panitikan isang maigsing salaysay hinggil sa isang
mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilangtauhan at may iisang impresyon lamang.
b. Bansang Pinagmulan
Bansang PIlipinas
c. Pagkilala sa May Akda
-Si Benjamin P. Pascual - pinanganak sa Tondo, Manila noong Enero 16, 1928. Anak nina Domingo pascual at Adriana
Punong- bayan. Isa siyang fictionist at playwright. Kasal siya kay Erminda Besabe. Sila ay may 5 anak. Siya ay din ay
nagtrabaho sa Phil. Free Evening News Magazine at This week. Isinulat niya ng Ang Kalupi´ na na inilimbag sa
Liwayway. Nagtrabaho din siya sa Liwayway bilang comis editor at copy editor simula 1956-1981. Isinulat din niya
ang ilang sa mga Kahilingan 1st prize 1963 at iba.Nanalo di siya ng pangalawang beses sa Filipino of CCP Literary
Contest for General Goyo noong 1971. Ang kanyang nobelang Utos ng Hari- nanalo ng grang prize sa nobelang
Filipino noong 1975.
d. Layunin ng may Akda
Ang layunin ng kwentong ito na maipahiwatig ang tunay na nagyayari sa ating lipunan, ang kahirap at kawalan ng
hustisya.
Upang malaman ng mambabasa kung ano ang kahantungan ng panghuhusga sa kapwa
II. PAGSUSURING PANGNILALAMAN
a. Tema o Paksa
- Huwag mong huhusgahan ang panlabas na kaanyuan kundi ang busilak na kalooban.
b. Tagpuan/Panahon
Ang tagpuan ay Palengke, Bahay at Pulisya..
c. Mga Tauhan o Karakter
Aling Marta -pangarapnamakatapos ang dalaga.Siya ay may katandaan na, mainitin ang ulo, mapagmarunong
sa autorodad at makakalimutin din kung minsan. MInsan ay may pagkasinungaling at mapanghusga. Siya ay
isang madisiplinang ina pagkat ang isang kasalanan at ipipilit niyang may kaparusahan.
Andres Reyes - napagbintangan na kumuha ng pitaka at mudos operandi. Walang permanenteng tirahan,
anak mahirap, walang pinag -aralan ngunitmapagmahal sa pamilya.
Asawa ni aling Marta -matiyagang nagtratrabaho para sa kanila, mahilig manigarilyo at siyang kumukuha sa
kalupi ni Aling Marta ng walang paalam kaya niya ito nakalimutan.
Mga Pulis - Sila ang humuli at nag-imbestiga sa inaakusang pagnanakaw ng kalupi ni Aling Marta.
Aling Godyang - Ang tinderang inutangan ni Aling Marta ng pambili ng panghanda.
Dalagang Anak ni Aling Marta - Ang magtatapos sa hayskul at paghahandaan ni Aling Marta ng garbansos na
siyang paborito nito..
d. Balangkas ng mga Pangyayari
Ang pagayayari ay nagpapahayag ng pananawa ng may akda. Ang mga pagkapit ng mga pangayayari ay may
kaisahan mula umpisa hanggang wakas.
III. PAGSUSURING PANGKAISIPAN
a. Ideyang Taglay ng may Akda
- Sinasalamin din ng akdang ito ang katotohanang mahirap makamit ang hustisya para sa mga dukha. Ang gusting
ipabatid sa atin ng manunulat na hindi tamang maghusga tayo ng walang sapat na batayan.
b. Istilo ng Pagkakasulat
- Ang istilo ng pagkakasulat ng akda ay binase sa isang sitwasyon ,pangyayari o karanasan sa buhay.
IV. BUOD
Araw ngayon ng pagtatapos ng kanyang anak. Nais niyang makapaghanda ng masarap na putahe para sa tanghalian. Nasa
palengke na si Aling Marta. Naririnig niya ang ingay mula sa labas habang iniisip ang mga bibilhing sangkap para sa
lulutuing ulam. Nasa loob pa ang bilihan ng manok kaya pumasok siya sa loob. "Mag-iingat ka naman sa dinaraanan mo!"
ang sabi ni Aling Marta "Pasensya na po." Sabi ng bata. Ang bata ay nakapantalon ng maruming maong na sa kahabaan ay
pinag-ilang lilis ang laylayan. Nakasuot ito ng libaging kamiseta, punit mula sa balikat hangang pusod, na ikinalitaw ng
kanyang butuhan at maruming dibdib. Natiyak ni Aling Marta na ang bata ay anak-mahirap. "Pasensiya!" sabi ni Aling
Marta. "Kung lahat ng kawalang-ingat mo ay pagpapasensiyahan nang pagpapasensiyahan ay makakapatay ka ng tao."
Pagdaan niya sa bilihan ng mga tuyong paninda ay bumili na rin siya ng mantika. Nang mangyaring kukunin na niya ang
kanyang pitaka wala na ito sa kanyang bulsa. "Bakit ho?" anito. "E ... e, nawawala ho ang aking pitaka," wala sa loob na sagot
ni Aling Marta. "Ku, e, magkano ho naman ang laman?" ang tanong ng babae. "Ang tanda niyang laman ng kanyang kalupi
ay pitumpong piso na siyang bigay na sahod ng kanyang asawa nang sinundang gabi, Sabado. Ngunit ewan ba niya kung
bakit ang di pa ma'y nakikiramay nang tono ng nagtatanong ay nakapagpalaki ng kanyang loob upang sabihin, "E, sandaan
at sampung piso." Nanatili siya sa pagkakatayo nang ilang saglit, wari'y tinakasan ng lakas, nag-iisip ng mga nakaraang
pangyayari.Maya-maya ay parang kidlat na gumuhit sa kanyang alaala ang gusgusing batang kanyang nakabangga.
Hinanap niya ito at nakita malapit sa tindahan ng kangkong. "Nakita rin kita!" ang sabi niyang humihingal. "Ikaw ang
dumukot ng pitaka ko, ano? Huwag kang magkakaila!" Tiyakin ang kanyang pagsasalita; ibig niyang sa pagkalito ng bata
sa pag-iisip ng isasagot ay masukol niyang buung-buo. Ngunit ang bata ay mahinahong sumagot: "Ano hong pitaka?" ang
sabi ng bata. "Wala ho akong kinukuhang pitaka sa ninyo." "Anong wala!" pasinghal na sabi ni Aling Marta. "Ikaw nga ang
dumukot ng pitaka ko at wala nang iba. Kunwari pa'y binangga mo ako, ano, ha? Magaling, magaling ang sistema ninyong
iyan. Kikita nga kayo rito sa palengke." Maya-maya ay may dumating na pulis at kinausap sila. Nagtanong ang pulis ng
kaunting impormasyon tungkol sa bata. "Kung maari ay sumama kayo sa amin sa pulisya upang pag-usapan ang tungkol sa
bagay na ito. Sumama ang dalawa sa pulisya.Nang makarating sila roon ay iniwan muna sila ng pulis. Hindi na
nakapagtimpi si Aling Marta at hinablot ang bata. Sinaktan niya ito. "Kahit kapkapan niyo pa ako ay wala kayong
makikita sa akin!" Sabi ng bata sabay takbo ng walang lingun-lingun kasabay nito ang harurot ng isang sasakyan na siya
namang dahilan ng pagkaaksidente ng bata. "Kahit na kapkapan niyo pa ako. Wala kayong makikita sa akin" Ang Mga
huling Salita na nasambit ng bata kasabay ng apgkawala nito. Namutla si Aling Marta. Tila sinisisi ang sarili sa mga
pangyayari. Sa kabilang banda ay naisip niya ang asawa at anak na kanina pa ay naghihintay sa kanya. Inisip niya kung
paano makapag-uuwi ng ulam samantalang wala na siyang pera. Nangutang siya sa tindahan. Nang siya ay makauwi
sinalubong siya ng kanyang asawa at anak. "Saan po kayo kumuha ng pambili, inay?" tanong ng anak" "Saan pa, e di sa
pitaka." "Ngunit naiwan niyo ho ang inyong pitaka." Noon rin ay naalala ni Aling Marta ang mga katagang sinabi ng bata na
kanyang pinagbintangan. "Kahit na kapkapan niyo pa ako. Wala kayong makikita sa akin.”
V. BISANG PAMPANITIKAN
a. Bisang Pangkaisipan
Hindi mo kailanman pwedeng husgahan ang isang tao nang wala kang basehan. .
b. Bisang Pandamdamin
May kasalanan man sayo o wala ang isang tao hindi mo ito kailangang pag malupitan.
c. Bisang Pangkaasalan
Ang pagsisisi ay lagging nasa huli. Huwag maghusga ng tao sa panlabas nitong anyo ng walang sapat na batayan,
isiping maigi ang mga desisyon. Dahil marami ang namamapatay sa maling akala.
“ANG KUBA NG NOTRE DAME”
I. PANIMULA
a. Uri Ng Panitikan:
Piksyon
Dahil sa taglay nitong kuba na pinakapangit sa paris,france.
ANYO:
Tuluyan/Nobela
Dahil sa pasalaysay at madamdamin nitong istorya.
b. Bansang Pinagmulan:
Paris, France Sa Europe
Ang Paris ay ang kabisera at pinakamalaking lungsod ng Pransiya, na matatagpuan sa pampang ng Ilog Sena, sa hilagang
Pransiya, sa kalagitnaan ng rehiyong Pulo ng Pransiya (o Rehiyong Parisino).
c. Pagkilala Sa May Akda:
Victor Hugo
Si Victor-Marie Hugo (26 Pebrero 1802 – 22 Mayo 1885) ay isang Pranses na makata, mandudula, nobelista, manunulat ng
sanaysay, artistang pangbiswal, politiko, aktibistang pangkarapatan ng tao, at tagapagtaguyod ng kilusang Romantiko
(tagapagtangkilik ng Romantisismo) sa Pransiya.
d. Layunin Ng May Akda.
Layunin ng akdang “ANG KUBA NG NOTRE DAME” na makita ng isang mambabasa ang magandang mukha ng France
sa kanilang panitikan. Ito rin ay naglalayong mapaunawa sa mambabasa na ang pag-ibig ay umiiral sa iba't-ibang paraan.
II. PAGSUSURING PANGNILALAMAN
a. Tema O Paksa Ng Akda:
Ito’y Makabuluhan at Nakaka-enganyong Basahin Dahil sa Taglay Nitong Mensaheng Nais Iparating sa Lahat ng Mambabasa
Ng Akdang Ito na Nagbibigay Inspirasyon, Hindi sa Isa Kung Hindi Para sa Lahat na Umibig ng Hindi lang Nakabase sa Itsura.
Ito rin ay Nagbibigay Inspirasyon sa Mambabasa Upang Sumulat ng Kapanapanabik na Nobela na Makabuluhan at May
Magandang Mensaheng Nilalaman.
b. Mga Tauhan/Karakter Sa Akda:
Quasimodo:
Si Quasimodo, ang kuba ng Notre Dame na itinanghal bilang “Papa ng Kahangalan” dahil sa taglay niyang labis na
kapangitan. Sa kabila ng kanyang pisikal na kaanyuan, siya ay may magandang kalooban.
La Esmeralda:
Si La Esmeralda ay ang dalagang mananayaw,handang mamatay para sa kanyang mahal.
Claude Frollo:
Si Claude Frollo ay pari ng Notre Dame. Paring may pagnanasa kay La Esmeralda; amain ni Quasimodo; siya ay sakim sa
pagmamahal. Dahil sa labis na kagustuhan sa dalagang mananayaw, nakalimutan na niya ang buong pagkato niya at
kung ano ang kanyang katayuan.
Pierre Gringoire:
Si Pierre Gringoire ay ang nagpupunyaging makata at pilosopo sa lugar na handang tumulong sa kanyang mahal sa buhay.
Phoebus:
Si Phoebus ay ang kapitan ng mga tagapagtanggol sa kaharian; may malalim ding gusto sa babaeng mananayaw na si La
Esmeralda. Itinuturing na mas mahalaga ang kapangyarihan niya bilang kapitan kaysa tulungan ang dalagang
napamahal na sa kanya.
Sister Gudule:
Si Sister Gudule ay dating mayaman subalit nawala ang bait nang mawala ang anak na babae; ina ni La Esmeralda. Isang
dakilang ina na walang tigil sa pghahanap sa nawawalang anak.
c. Tagpuan/Panahon
Katedral Ng Notre Dame
Dito Isinasagawa ang “Pagdiriwang ng Kahangalan” na isinasagawa sa loob ng isang araw taon-taon.
d. Balangkas Ng Mga Pangyayari:
Balangakas na Patalata dahil gumagamit ito ng patalatang buod upang isalaysay ang bawat pangayayari. Naayon ang
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa nobelang ito dahil sa pagsasalaysay ng may deskripsyon. At Naipararating nito ang
mensahe na makita ng isang mambabasa ang magandang mukha ng France sa kanilang panitikan. Ito rin ay naglalayong
mapaunawa sa mambabasa na ang pag-ibig ay umiiral sa iba't-ibang paraan.
e. Kulturang Masasalamin Sa Akda:
Ipinagdiriwang nila ang “Araw ng kahangalan” at may itinatampok na isang tao bilang simbolo taon-taon.
Sa Pilipinas itinatampok ang pista ng “Itim na Nazareno” taon-taon (Ika-9 ng Enero) upang gunitain ang kapistahan ng santong
patron, kung saan itinuturing ito bilang isa sa pinakamalaki at tanyag na kapistahan sa Pilipinas.
I. PANIMULA
a. Uri Ng Panitikan:
Tuluyan/Nobela
b. Bansang Pinagmulan:
PIlipinas
c. Pagkilala Sa May Akda:
Si Lope K. Santos (Setyembre 25, 1879 – Mayo 1, 1963) ay isang tanyag na manunulat sa wikang Tagalog noong kaniyang
kapanahunan, sa simula ng ika-1900 dantaon. Bukod sa pagiging manunulat, isa rin siyang abogado, kritiko, lider obrero,
at itinuturing na "Ama ng Pambansang Wika at Balarila" ng Pilipinas.
Sa larangan ng panitikan Ipinanganak si Lope K. Santos sa Pasig, Rizal - bilang Lope C. Santos - sa mag-asawang Ladislao
Santos at Victoria Canseco, na kapwa mga katutubo sa Rizal. Ngunit mas inibig na gamitin ni Santos ang titik na K bilang
kapalit ng C para sa kaniyang panggitnang pangalan, upang asang padasino das(Kolehiyo Pilipino), matapos na
makapag-aral sa Escuela Normal Superior de Maestros (Mataas na Paaralang Normal para sa mga Guro) at sa Escuela de
Derecho (Paaralan ng Batas). Naging dalubhasa siya sa larangan ng dupluhan, isang paligsahan ng mga manunula na
maihahambing sa larangan ng balagtasan. Noong 1900, nagsimula siyang maglingkod bilang patnugot para sa mga
lathalaing nasa wikang Tagalog, katulad ng Muling Pagsilang at Sampaguita. Siya ang tagapagtatag ng babasahing
Sampaguita. Sa pamamagitan ni Manuel L. Quezon, naging punong-tagapangasiwa si Santos ng Surian ng Wikang
Pambansa. [4] Kabilang sa mga katawagang nagbibigay parangal kay Santos ang pagiging Paham ng Wika, Ama ng
Balarilang Pilipino, Haligi ng Panitikang Pilipino, subalit mas kilala rin siya sa karaniwang palayaw na Mang Openg.
d. Layunin Ng May Akda.
Ilahad na di lamang maaring mabuhay ang tao sa pamamagitan ng pagyaman.
II. PAGSUSURING PANGNILALAMAN
a. Tema O Paksa Ng Akda:
Kahanga-hanga dahil di nila inintindi ang mana ni Meni upang mabuhay ng maginhawaan.
b. Mga Tauhan/Karakter Sa Akda:
Don Ramon – Ama ni Talia at Meni Felimon
Loleng- magulang ni Isiang,madlanglayon na kaibigan ni talia,
Felipe- manlilingbang,
Delfin-manunulat
Tentay -asawa ni felipe.
c. Tagpuan/Panahon
Antipolo / Laguna
d. Balangkas Ng Mga Pangyayari:
masyadong konserbatibo ang wakas.
e. Kulturang Masasalamin Sa Akda:
Masasalamin ang karalitaan sa kwento
- Ang Pangaapi ng mga nasa kapangyarihan sa mga mababang uri ng tao
I. PANIMULA
a. Uri Ng Panitikan:
Ang maikling kwento ay isang anyo ng panitikan na nagsasalaysay nang tuloy-tuloy ng isang pangyayaring hango sa
tunay na buhay. Ito'y may isa o ilang tauhan lamang, sumasaklaw ng maikling panahon, may isang kasukdulan at nag-iiwan
ng kakintalan o impresyon sa isip ng mambabasa. Ang kasukdulan ang bahagi ng kwento na nagbibigay ng pinakamasidhi
o pinakamataas na kapananabikan o interes sa mambabasa. Ang kakintalan o impresyon naman ang kaisipang naiiwan sa
isipan ng mga mambabasa. Ito ay matatapos sa isang upuan lamang, maari itong magpakita ng iba't ibang damdamin at
bumabase sa buhay ng isang tao, mayroon namang kathang isip lamang.Ang maikling kwento ay isang akdang
pampanitikan na ang mga pangyayari ay umiinog sa buhay na mga pangunahing tauhan.
b. Ang istilo ng pagkakasulat ng akda ay binase sa isang sitwasyon ,pangyayari o karanasan sa buhay. Ito ay angkop sa antas
ng pag-unawa ng mga mambabasa.
c. Bansang Pinagmulan:
PIlipinas
d. Pagkilala Sa May Akda:
Si Deogracias A. Rosario Cruz ng katoliko o kwentas ay isinilang sa Tondo, Maynila noong Oktubre 17, 1894. Nagsimulang
magsulat noong 1915 sa Ang Demokrasya. Taong 1917 naman ng magsimula siyang sumulat sa Taliba.
e. Layunin Ng May Akda.
Ilahad na di lamang maaring mabuhay ang tao sa pamamagitan ng pagyaman.
II. PAGSUSURING PANGNILALAMAN
a. Tema O Paksa Ng Akda:
Kahanga-hanga dahil di nila inintindi ang mana ni Meni upang mabuhay ng maginhawaan.
b. Mga Tauhan/Karakter Sa Akda:
MARCOS
Siya ang pangunahing tauhan sa kwento na punung-puno ng galit sa asenderong si Don Teong.
DON TEONG
Si Don Teong ang mayamang asendero na sinisisi ni Marcos sa pagkamatay ng kaniyang ama, dalawang kapatid at ni Anita.
INA NI MARCOS
Siya ang ina ni Marcos na palaging nagpapakalma sag alit na nararamdaman ng kaniyang anak para kay Don Teong.
c. Tagpuan/Panahon
KABUKIRAN
Lupang tinitirhan nina Marcos at kaniyang ina na pilit na inaangkin ni Don Teong.
Tulad sa iabng kwento, ang kabukiran ay lupang sinasaka ng mga kadalasang magsasakang bida. Ayon sa aking
pagsusuri, ang kabukirang ito ang kumakatawan sa ating bansa kung saan ang buhay ng mga mahihirap at mayayaman ay
nagkakasalubong. Sa mga bagay na nangyayari sa ating bansa, mas naapektohan ang mga mahihirap at ang mga
mayayaman naman ay hindi ganoo kaapektado.
d. Balangkas Ng Mga Pangyayari:
masyadong konserbatibo ang wakas.
e. Kulturang Masasalamin Sa Akda:
- Ang Pangaapi ng mga nasa kapangyarihan sa mga mababang uri ng tao.
III. PAGSUSURING PANGKAISIPAN:
a. Mga Kaisipan/Ideyang Taglay Ng May Akda:
Ang Akda ay nagtataglay at nagpapahiwatig ng mga tiyak na sitwasyon o karanasan. And akda ay isang paniniwalang
kumokontrol sa buhay
b. Estilo Ng Pagkakasulat Ng Akda:
Ang istilo ng pagkakasulat ng akda ay binase sa isang sitwasyon ,pangyayari o karanasan sa buhay. Ito ay angkop sa antas
ng pag-unawa ng mga mambabasa
IV. BUOD
Ito ay kwento ng isang lalaking nagngangalang Macros na sukdulan ang galit sa mayamang asenderong si Don Teong. Si
Son Teong ang kontrabida sa buhay ng pamilya ni Marcos. Siya ang dahilan kung bakit namatay sa sama ng loob ang ama,
dalawang kapatid, at kasintahan ni Marcos. Ang kasintahan ni Marcos ay si Anita, anak ni Don Teong. Ilang beses nang
tinitimpi ni Marcos ang kaniyang galit kay Don Teong. Kung hindi lang dahil sa ina niya ay matagal na sanang wala sa
mundo si Don Teong. Para kay Marcos ang pang-aapi ni Don Teong ay hindi lamang simpleng pang-aalipin sa pamilya nila
kundi pagyurak na rin sa kanilang dangal at pagkatao.
Sina Marcos ay pinagbabayad ng buwis para sa lupang kanilang sinasaka kahit na ito’y kanilang minana sa
kanilang mga ninuno. Dahil sa walang kakayahang ipagtanggal ang kanilang karapatan, napilitan silang magbayad sa
kanilang sariling pag-aari iyang ang dahilan ng pagkamatay ng kaniyang ama at dalawang kapatid. Namatay silang punung-
puno ng sama ngloob kay Don Teong na matagal nilang pinagsisilbihan. Lalong sumidhi ang galit ni Marcos kay Don
Teong nang malaman niyang ang dahilan ng pagkamamatay ng kaniyang kasintahan na si Anita ay si Don Teong. Sinaktan
ni Don Teong si Anita na siyang kinamatay nito. Sa dami nang mga nawalang mahal sa buhay ni Marcos, hindi
katakatakang takot siyang marinig ang animas, ang malungkot na tunog ng kampana. Hindi pa naman humuhupa ang galit
niya, siya naming pagdating ng isang kautusan ng pamahalaan na sila ay pinapaalis na sa kanilang tahanan, ngayon pang
malago na ang kanyang palayan dahil sa dugo at pawis sa maghapong pagbubukid. Binigyan sila ni Don Teong ng isang
buwang palugit upang lisanin ang lupang kanilang tinitirhan. Alam niyang ang mga nangyayaring iyon sa buhay nila ay
kagagawan ng mapangsamantalang si Don Teong.
Dahil sa galit na nararamdaman ni Marcos kay Don Teong, nag-isip siya ng paraan kung paano siya
makakapaghiganti dito. Nagbihis si Marcos nang tulad ng kay Don Teong. Pinag-aralang mabuti ni Marcos ang bawat kilos
ni Don Teong at inabangan niyang mamasyal sa bukid si Don Teong ng hapong iyon. Pinakawalan niya ang kaniyang
kalabaw at hinayaang suwagin ang kaawa-awang si Don Teong. Kinabukasan, huling araw na pananatili ng mag-ina sa
bukid, habang nagiimpake na sila ng kanilang mga gamit, mabilis na kumalat ang balitang patay na si Don Teong.
Mahinahong pinakinggan ni Marcos ang malungkot na tunog ng kampana, hindi tulad niyang ang kaluluwa ng namatay na
si Don Teong ay mas inisip pa niya ang kanyang matapang na kalabaw.
V. BISANG PAMPANITIKAN
a. Bisang Pangkaisipan
Ang kwentong walang panginoon ay tungkol sa pamumuhay ng mga tao noon.Ang mga lupa noon ay wala pang nag
mamay-ari kayat kung sino ang naunang tumira sya na ang maituturing na nagmamay-ari nito.Ito rin ang dahilan
kung bakit usong-uso ang pagkamkam ng lupa noon.
b. Bisang Pandamdamin
Sinasabi o nais iparating ng may akda na ang sakim ay hindi pagpaalarin.Sinasabi ritona maging matiisin kahit ano
mang hirap ang dumating sa iyong buhay,kailangan ring gumawa ng paraan upang mapagtagumpayan ang mga
problema na kinakaharap mo sa iyong buhay..
c. Bisang Pangkaasalan
Sa kwentong ito sinasabi o ipinapahiwatig na tayo ay dapat na gumawa ng paraan na dapat ay ligtas at hindi tayo
napapahamak.tayo ay dapt na maging malikhain sa pagharap natin sa ating mga problema ano man ito at gaano man
ito kahirap.