Sie sind auf Seite 1von 2

ANG HINDI MALILIMUTANG PAGKAKATAON

Ang hindi ko malilimutang pagkakatao ay yung Jubilee Anniversary kung saan ay sumayaw kami
sa Araneta Coliseum, bago paman kami sumayaw sa Araneta ay halos isang taon naming itong pinag
handaan marami kaming ibat ibang karanasan habang nag iinsayoat nag hahanda para sa paparating na
anibarsayo n gaming simbahan. Noong una hindi ko nais na lumahok sa pagsayaw ngunit na hikayat ako
ng isa sa malapit kong kaibigan sa simbahan, hindi kasi ako marunong sumayaw noon kaya ako nahihiya.
Nang una naming pagiinsayo ay napaka saya dahil “basic” o madali palamang ang aming ginagawa,
makalipas ang isang ilonggo ay hinati na kami sa dalawang groupo ito ay ang “fan girls” at “scarf girls”,
napunta ako sa “fan girls” mga halos dalawang lingo puro lamang kami sa pamaypay nag iinsayo paano
ito hawakan, iikot, pano ang tamang galaw ng nakuha nanamin ang tamang paggalaw ay tinuruan
naman kami kung paano tumawid sa kawayan habang sumasayaw, kailangan dito ng tamang pasok,
saulo ang sayaw at ang hakbang ng iyong paa sa pag pukpuk ng kawayan sa sahig upang hindi ka maipit.
Ang hindi ko malilimutang pagkakataon ay yung pag Graduate ko ng sekundarya o “High
School”, dahil ito ang pinakakahihintay kong pagkakataon ang maka graduate. Umaga palang noon ay
handa na ako para sa graduation ko, lalo nat alam ko na darating yung papa ko mula manila alam ko na
nalam nya na graduation ko ngaun. 12 na ng hapon maguumpisa na ang misa naming at kami ay
naglalakad na patungong simbahan nakatingin ako sa aking mama ng patanong kung nasaan naba si
papa ngunit hindi sya sumagot. Naglalakad na kami papunta sa aming upuan at hawak-hawak ko sa
aking kamay ang cellphone na binigay pa sakin ng aking titan a bunsong kapatid ni papa, naghihintay ako
sa kanyang txt o tawag manlang ngunit wala akong natangap ni isang txt ko tawag na galing sa kanya,
hindi ako nagisip ng negatibo ang sabi ko nalang sa aking sarili ay baka naman nasa eroplano na sya kaya
hindi sya makatawag at makapagtxt sa akin o d kaya isusurpresa nya ako, yun nalamang ang aking iniisip
sa mga oras na yun ng nagtungo na kami sa aming paaralan dahil doon gaganapin ang graduation ay
hindi parin ako nawawalan ng pagasa, umaasa parin ako ng makakarating sya at maabutan nya ako at
aakyat sya ng intablado upang sabitan ako ng medalya na aking nakuha sa pagsisikap ko sa pagaaral
hindi man kasing dami ng medalya ng pinakamataas na magaaral sa amin kahit na dalawang medalya
lamang ito ay alam ko na mapapasaya ko si mama at papa sa aking nakuha. Hapon na at nasa
kalagitnaan na ako kami ng seremonya ngunit wala parin ang akin ama, pero iniisip ko na paparating na
yun malapit nay un konting konti nalang makakarating din sya ditto, hindi ako nawalan ng

Das könnte Ihnen auch gefallen