Sie sind auf Seite 1von 5

HAIKU

Noong ika-15 siglo, isinilang ang bagong anyo ng pagbuo ng tula ng mga Hapon. Ang bagong
anyo ng tula ay tinawag na haiku.

Noong panahon ng pananakop ng mga Hapon sa Pilipinas lumaganap nang lubos ang haiku.
Binubuo ng 17 na pantig na nahahati sa 3 taludturan. (tingnan ang buong detalye

Ang haiku na may labimpitong patnig sa bawat taludtod. Ang unang taludtod ay may limang
patnig, sa ikalawa'y pito at sa ikatlo ay may lima. (5-7-5).

Noon ay tinawag na hokku, ang nagbigay sa haiku ng pangalan nito ngayon ay isang manunulat
na Hapones at siya si Masaoka Shiki sa katapusan ng 19th century.

TANAGA

Ang tanaga ay isang uri ng Filipino poem, binubuo ito ng apat na linya na may pitong pantig
kada isa ng may parehong tunog sa dulo ng bawat linya. (tingnan ang buong detalye
Talambuhay Ni Andres Bonifacio (Buod)

Ipinanganak ang bayaning si Andres Bonifacio noong


Nobyembre 30, 1863 sa syudad ng Maynila. Ang kanyang
ama ay si ginoong Santiago Bonifacio at ang kanyang ina
naman ay si ginang Catalina de Castro.

Panganay si Andres sa anim na magkakapatid at sa murang


edad na katorse ay natuto nang maghanapbuhay si Andress
buhat noong magkasunod na mamatay ang kanyang mga
magulang.

Itinigil na din ni Andres ang kanyang pag-aaral kapalit ng


pag tataguyod nya sa limang nakababatang kapatid. Dahil
sa likas na talento ni Andres sa gawaing kamay ay natuto
syang gumawa ng baston, pamaypay at mga karatula na
syang ibinebenta.

Di tumagal ay nagtrabaho si Andres bilang mensahero sa dayuhang kompanya na Fleming and


Company. Bukod dito ay nagtrabaho din sya sa isa pang dayuhang kumpanya na Fressel and
Company.

Dito natuto si Andres ng salitang ingles. Kahit hindi nakapagtapos ay natuto din si Andres ng
salitang espanyol. Nahubog ang kanyang kaalaman sa pagbabasa ng mga librong tungkol sa mga
pangulo ng estados unidos, mga nobela ni Rizal tulad ng Noli Me Tangere, El Filibusterismo,
Les Miserables at iba pa.

Si Andres ay dalawang beses nag asawa. Una syang ikinasal kay Monica Palomar ng Tondo.
Ngunit maaga ding nabyudo si Andres sapagkat si Monica ay namatay sa sakit na ketong. Di sila
pinalad na magka anak.

Taong 1892 ay nakilala naman ni Andres ang ikalawang asawa na si Gregoria de Jesus o mas
kilala sa tawag na Oryang. Noong una ay tutol ang magulang ni Oryang sa pag iibigan ng dalawa
dahil si Andres ay isang freemason at tinuturing na kalaban ng Simbahang katoliko. Ngunit
kalaunay nagpakasal din ang dalawa taong 1893 sa simbahan ng Binondo. Nagkaroon sila ng
anak na nagngangalan ding Andres ngunit si Andres Jr. ay maagang namatay sa sakit na
bulutong.

Unang naging bahagi ng katipunan si Andres noong 1892 pagkatapos na ipatapon si Jose Rizal
sa Dapitan.

Nabunyag ang kilusang KKK sa mga espanyol at taong 1896 noong maganap ang "Sigaw ng
Pugad Lawin" o ang pagpilas sa cedula laban sa mga espanyol.
Naganap ang laban ng katipunan laban sa mga espanyol noong Agosto 30, 1896 at maraming
umuwing sugatan. Ang labang iyon ay naging malaking banta laban sa mga mananakop na
espanyol.

Nagkaroon ng dalawang grupo ang katipunan ito ay ang Magdalo at Magdiwang na


pinamumunuan ng pinsan ni Aguinaldo.

Nagkaroon ng pulong na ginanap noong ika 22 ng Marso taong 1897 sa Tejeros, Cavite.
Napagpasyahan na maghalal ng pangulo ng unang republika ng Pilipinas. Nahalal na pangulo si
Emilio Aguinaldo at naging pangalawang pangulo naman si Andres.

Dahil hindi matanggap ni Andres ang naging resulta ng halalan at pinawalang bisa nya ito.
Ngunit kinabukasan ay nanumpa na si Aguinaldo bilang pangulo.

Habang si Andres ay nasa Indang, Cavite ay inatake sila ng Magdalo ngunit inutos ni Andres sa
kanyang mga tauhan na wag nang lumaban. Si Andres ay inaresto sa salang pagtataksil laban sa
pamahalaang Aguinaldo.

Nilitis si Andres at napatunayang nagkasala at mahatulan ng parusang kamatayan.

Si Andres ay binitay sa bundok ng Maragondon kasama ang kapatid na lalaki na si Procopio


noong ika 10 ng Mayo taong 1897.
Talambuhay ni Dr. Jose Rizal
Si Dr. Jose Protacio Rizal ay ang Pambansang Bayani ng
Pilipinas. Siya ay isinilang sa Calamba, Laguna noong
Hunyo 19, 1861. Ang kanyang mga magulang ay sina G.
Francisco Mercado at Gng. Teodora Alonzo.

Ang kanyang ina ang naging unang guro niya, maaga


siyang nagsimula ng pag-aaral sa bahay at ipinagpatuloy
niya ang kanyang pag-aaral sa Biñan, Laguna. Nakapag
tapos siya ng Batsilyer sa Agham sa Ateneo de Manila
noong Marso 23, 1876 na may mataas na karangalan.
Noong 1877 ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa
Unibersidad ng Santos Tomas at Unibersidad Central de
Madrid hanggang sa matapos niya ng sabay ang medisina
at pilosopia noong 1885. Natuto rin siyang bumasa at
sumulat ng iba’t ibang wika kabilang na ang Latin at
Greko. At nakapagtapos siya ng kanyang masteral sa Paris at Heidelberg.

Ang kanyang dalawang nobela “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo.” naglalahad ng mga
pang-aabuso ng mga prayle sa mga Pilipino at mga katiwalian sa pamahalaan ng Kastila.

Noong Hunyo 18, 1892 ay umuwi ng Pilipinas si Dr. Jose P. Rizal. Nagtatag siya ng samahan
tinawag ito na “La Liga Filipina.” Ang layunin ng samahan ay ang pagkakaisa ng mga Pilipino at
maitaguyod ang pag-unlad ng komersiyo, industriya at agricultura.

Noong Hulyo 6, 1892 siya ay nakulong siya sa Fort Santiago at ipinatapon sa Dapitan noong
Hulyo 14, 1892. Apat na taon siya namalagi sa Dapitan kung saan nanggamot siya sa mga
maysakit at hinikayat niya ang mamamayan na magbukas ng paaralan, hinikayat din niya ang ito
sa pagpapaunlad ng kanilang kapaligaran.
Noong Setyembre 3, 1896 habang papunta siya sa Cuba upang magsilbi bilang siruhano at
inaresto siya. Noong Nobyembre 3, 1896 ibinalik sa Pilipinas at sa pangalawang pagkakataon
nakulong siya sa Fort Santiago.

Noong Disyembre 26, 1896 si Dr. Jose Rizal ay nahatulan ng kamatayan sa dahilang
nagpagbintangan siya na nagpasimula ng rebelyon laban sa mga Kastila.

Bago dumating ang kanyang katapusan naisulat niya ang “Mi Ultimo Adios” (Ang Huling
Paalam) upang magmulat sa mga susunod pang henerasyon na maging makabayan.

Noong Disyembre 30, 1896, binaril si Dr. Jose P. Rizal sa Bagumbayan (na ngayon ay Luneta).

Das könnte Ihnen auch gefallen