Sie sind auf Seite 1von 17

PANIMULANG PAGSUSULIT:

Panuto: Bilugan and titik ng tamang sagot.


1. Ang klimang tropikal ng Pilipinas ay batay sa kanyang lokasyon na:
A. malayong nasa itaas ng equator
B. mismong nasa equator
C. banayad na nasa ibaba ng equator
D. banayad na nasa itaas ng equator
2. Ang Pilipinas ay binubuo ng _____________ pulo.
A. 7,707 C. 7,701
B. 7,107 D. 7,109
3. Ito’y binubuo ng biyaya ng lupa, karagatan, ilog, kagubatan, at kapaligirang
pangkalikasan.
A. likas na yaman C. yamang pisikal
B. yamang pantao D. lakas paggawa
4. Kasama ng Pilipinas, ang bansang ____________ at iba pang mga estadong
arkipelago ay namuno sa pagpapanukala at pagsasakatuparan ng
pandaigdigang kumperensiya sa Batas sa Karagatan.
A. Indonesia C. Brunei
B. Malaysia D. Thailand
5. Ang Saligang-Batas na nagtatadhana ng lawak na nasasakop ng Pilipinas ay
ang:
A. Konstitusyon ng 1972 C. Konstitusyon ng 1973
B. Konstitusyon ng 1987 D. Konstitusyon ng 1935
6. Ang Pilipinas ay isang arkipelago dahil:
A. ito’y binubuo ng mga isla na napapaligiran ng dagat sa lahat ng direksyon.
B. ito’y napapaligiran ng dagat sa hilaga at timog.
C. ito’y isang pulo na napapaligiran ng tubig.
D. ito’y isang makipot na lupain na kakikitaan ng mga bundok at tubig.
7. Apatnapu’t limang bahagdan ng kalupaan ng Pilipinas ay nagagamit sa:
A. pagmimina C. agrikultura
B. komersyo at kalakal D. pangingisda
3
8. Ito ang sentro ng kulturang Ifugao:
A. Autonomous Region of Muslim Mindanao
B. Cordillera Autonomous Region
C. CARAGA
D. Bicol Region
9. Ang pinakamahabang kabundukan sa Pilipinas ay ang:
A. Kabundukan ng Zambales
B. Kabundukan ng Caraballo
C. Kabundukan ng Sierra Madre
D. Kabundukan ng Ifugao
10. Ang anyong tubig sa silangang bahagi ng bansa ay ang:
A. Dagat Celebes C. Kanal ng Bashi
B. Timog Dagat Tsina D. Karagatang Pasipiko
11. Ang Bikol o Ikalimang Rehiyon ay kilala sa buko, pili at abaka. Ang mga
probinsiyang katulad ng Albay at Sorsogon naman ay mahalagang
pinanggagalingan ng _________
A. enerhiyang geothermal
B. enerhiyang solar
C. enerhiyang hydro-electric
D. enerhiyang bio-gas
12. Batay sa P.D. 1596 na nilagdaan noong ika-11 ng Hunyo, 1978, ang Pilipinas ay
umaangkin sa _______________ bilang bahagi ng pambansang teritoryo na
nasasalig sa kasaysayan at titulong legal:
A. Turtle Island
B. Scarborough Shoal
C. Sabah
D. Mga Isla sa Kalayaan
13. Sa Kanluran, anong bansa ang kalapit ng Pilipinas?
A. Indonesia C. Taiwan
B. Vietnam D. Malaysia
4
14. Ang lalawigan ng rehiyong ito ay kadalasang daanan ng mga ulan at bagyo.
Dahil dito,kilala ang rehiyon sa pagiging mahirap at sa mababang produksyon.
A. Rehiyon VII – Gitnang Bisaya
B. Rehiyon VIII – Silangang Bisaya
C. Rehiyon VI – Kanlurang Bisaya
D. Rehiyon I – Ilocos
15. Ang mga sumusunod ay suliraning naidulot ng pagkakahiwa-hiwalay ng mga
pulo ng Pilipinas maliban sa:
A. mabagal na sistema ng transportasyon
B. kahirapan sa pangangasiwa at pamamahala sa kapuluan
C. kawalan ng pagkakaunawaan ng mga Pilipino dulot ng maraming wika
D. pagpili ng mga pinuno sa bansa
16. Ang matabang lupa mula sa bulkan sa lalawigan ng Davao ay lumilikha ng mga
produktong pang-agrikultural. Nangunguna sa buong Mindanao ang Davao sa
produksyon ng:
A. orkidyas C. abaka
B. bigas D. saging
17. Alin sa listahan ang bansa na hindi umaangkin sa mga Isla ng Spratlys?
A. Taiwan C. Malaysia
B. China D. Thailand
18. Ang pangingisda at pagsisid sa mga perlas ang mga pangunahing ikinabubuhay
sa rehiyong ito. Tanyag din ang rehiyong ito sa makukulay na moske at vinta at
mga bahay sa baybaying dagat:
A. Rehiyon XIII – C.A.R
B. ARMM
C. Cordillera Administrative Region
D. Rehiyon IX - Kanlurang Mindanao
19. Ang tropikal na klima ng Pilipinas ay may katangiang:
A. maalinsangan at maulan
B. mainit at maulan
C. mainit at mahalumigmig
D. maulan at mainit
20. Ang mga Isla sa Kalayaan (Spratlys) ay bahagi ng ______________
A. Mindanao
B. Sulu
C. Palawan
D. Batangas

GABAY SA 6. A 15. D
PAGWAWASTO: 7. K 16. D
PANIMULANG 8. B 17. D
PAGSUSULIT 9. C 18. D
1. D 10. D 19. A
2. D 11. A 20. K
3. A 12. D
4. A 13. B
5. B 14. B

PANGHULING PAGSUSULIT
1. H 8. G 15.J
2. L 9. D 16.F
3. E 10.M 17.S
4. A 11.C 18.Q
5. O 12.F 19.I
6. N 13.I 20.M
7. B 14.K
PANIMULANG PAGSUSULIT:
Panuto: Piliin ang tamang sagot. Isulat sa patlang ang titik
lamang.
_____1. Ang kauna-unahang tao na nakarating sa Pilipinas ay ang mga:
A. Indones
B. Malay
C. Austronesyano
D. Ita
_____2. Ang pinagmulan ng lahing Pilipino ay
A. iisa lamang
B. dalawa lamang
C. tatlo lamang
D. marami
_____3. Ang paggawa ng kagamitang metal ay laganap noong panahon ng
A. paso
B. paghahabi
C. bagong bato
D. lumang bato
_____4. Ang mga Pilipino sa panahon ng metal ay
A. nagtatanim na
B. naghahabi na
C. nangangaso
D. pumipitas ng prutas at gulay
_____5. Ang paglaganap ng tao sa Pilipinas ay
A. nagpayabong ng kulturang Pilipino
B. nag-udyok sa permanenteng paninirahan
C. nagpalaganap ng paggamit ng metal
D. nagpasimula ng paghahabi ng mga damit n gating mga ninuno
_____6. Ang ebidensya ng pagkakaroon ng lider ay ang
A. pagkakaroon ng buhay-pulitika
B. di pagkakapantay-pantay ng mga dekorasyon sa libingan
C. di pagkakapantay-pantay ng mga alahas
D. di pagkakapantay-pantay ng mga libingang banga
_____7. Ang mga bato ay mahalaga sa panahon ng
A. pagtatanim
B. pangangaso
C. paghahabi
E. paggawa ng paso
3
_____8. Ang ugat ng ating wika ay
A. Austronesia
B. Indones
C. Malay
D. Malayo-Polynesia
_____9. Ang sentro ng kalakalan ng sinaunang lahi ay karaniwang sa
A. kapatagan
B. isla
C. kabundukan
D. karagatan
_____10. Alin ang hindi kasama sa grupo?
A. bato
B. tanso
C. bronse
D. ginto
_____11. Ang mga sinaunang Pilipino ay
A. salat sa kultura
B. may payak na kultura
C. may simpleng kultura
D. may mayabong na kultura
_____12. Ang panahon ng metal ay panahon din ng mga sumusunod,maliban sa:
A. kwintas
B. relo
C. hikaw
D. pulseras
_____13. Pangangaso ang ikinabubuhay ng mga tao noong panahon ng
A. lumang bato
B. bagong bato
C. metal
D. pag-usbong ng mga lungsod
_____14. Ang buhay-pulitika ay nagsimula noong panahon ng
A. lumang bato
B. bagong bato
C. metal
D.pag-usbong ng mga lungsod
_____15. Ang paggawa ng paso ay nagsimula pa noong panahon ng:
A. lumang bato
B. bagong bato
C. metal
D. pag-usbong ng mga lungsod
PANIMULANG PAGSUSULIT
1. c 3. b 5. a
2. d 4. b 6. b
7. b 11. d 15. a
8. a 12. b
9. a 13. a
10. a 14. c

PANIMULANG PAGSUSULIT:
Ang pagsusulit na ito ay naglalayong tingnan kung hanggang saan ang iyong
nalalaman tungkol sa paksang iyong pag-aaralan sa modyul na ito. Handa ka na ba?
Unang Bahagi: Piliin ang wastong sagot sa mga tanong at bilugan ang titik nito.
1. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng kabuhayan ng mga sinaunang Pilipino?
A. Nakikipagkalakalan na sila sa mga karatig-bansa at maunlad na ang
pagsasaka
B. Nabubuhay lamang sa pagkakaingin at pangangaso ang mga Pilipino
C. Palipat-lipat ng tirahan at di pa sapat ang kanilang kaalaman sa pamumuhay
2. Ano ang katangian ng barangay sa panahon ng sinaunang Pilipino?
A. Mauunlad at nakapagsasarili ang mga bawat barangay
B. Mayroon nang malalaking kahariang kinabibilangan ang mga barangay
C. Madalas nakikidigma sa kapwa barangay
3. Paano nagiging pinuno o datu ang isang tao noong sinaunang panahon?
A. Kung siya ay nanalo sa digmaan o kung siya ay anak ng dating datu
B. Kung siya ang pinakamayaman sa barangay
C. Kung siya ang inihalal ng mga kasapi ng barangay
4. Naipamalas ng mga sinaunang Pilipino ang kahusayan sa paglalakbay sa
pamamagitan ng:
A. Pagwawagi sa karera ng mga bangka
B. Paggawa ng mahuhusay na sasakyang dagat
C. Paninirahan sa tabing dagat
5. Isang katibayan na mayroon nang mataas na antas ng kultura ang mga Pilipino
noon ay ang:
A. Paninirahan nila sa tabing dagat
B. Pagkakaroon ng mga awit at tula
C. Pagkakaroon ng maunlad na sistema ng pakikipagkalakalan
6. Paano nakarating ang Islam sa Pilipinas?
A. Pangangalakal ng mga Arabeng Muslim
B. Paglalakbay sa Arabya ng mga sinaunang Pilipino
C. Pananakop ng mga Arabeng Muslim
7. Alin sa mga sumusunod ang nagpapatunay na maunlad na ang kaalaman ng mga
sinaunang Pilipino sa teknolohiya?
A. Kahusayan sa pangingisda
B. Paggamit ng mga Pilipino ng sistema ng pagmimina ng metal
C. Kahusayan sa pakikidigma
8. Paano lumaganap ang Islam sa Mindanaw?
A. Tinakot ang mga katutubong Pilipino
B. Nakipag taling-puso ng mga misyonerong Muslim sa mga anak ng mga
pinunong Pilipino
C. Sinakop at binili ng mga mangangalakal na Arabe ang mga lupain sa
Mindanaw
9. Ang regular na pagdarasal ng limang beses sa loob ng isang araw na bahagi ng
limang haligi ng katotohanan ay tinawag na
A. Salat o Salah
B. Sahada
C. Saum
10. Isinasagawa ng mga Muslim ang pag-aayuno sa panahon ng
A. Hari Raya B. Biyernes C. Ramadan
11. Sa panahon ng barangay, ang tinuturing na sentro ng panrelihiyon, pampulitika at
panlipunang gawain ay ang:
A. barangay B. Haj C. Moske
12. Ang sistemang barangay sa panahon ng mga sinaunang Pilipino ay naiiba sa
sistemang barangay sa kasalukuyan sa pamamagitan ng
A. May sari-sariling pamahalaan ang bawat barangay noon
B. Lahat sila ay napapailalim sa pangulo ng bansa
C. Nabibilang ang mga unang barangay sa mga kaharian
13. Ipinakilala ang sistemang sultanato sa Pilipinas ni:
A. Mohammed C. Rajah Baguinda
B. Sharif Abu Bakr
14. Sa sistemang sultanato, ang pamahalaan at relihiyon ay
A. hindi dapat magkasama.
B. magkasama at pinag-isa.
C. hindi pinahahalagahan.
15. Ang Madrasah ay isang sistema ng
A. panulat B. edukasyon C. pamamahala
PANIMULANG PAGSUSULIT:
Unang Bahagi
1. A 6. A 11. C
2. A 7. B 12. A
3. A 8. B 13. B
4. B 9. A 14. B
5. B 10. C 15. B

PANGWAKAS NA PAGSUSULIT:
A. Piliin ang wastong sagot sa mga tanong. Bilugan lamang ang titik.
1. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng barangay sa panahon ng mga sinaunang
Pilipino:
A. Ang lahat ng barangay ay nasa ilalim ng pamumuno ng isang sultan o datu
lamang
B. Hindi mauunlad at hindi nakapagsasarili ang mga barangay
C. Malaya at nagsasarili ang bawat barangay
2. Alin sa mga sumusunod ang tamang paglalarawan sa kabuhayan ng mga Pilipino
bago dumating ang mga Kastila?
A. makaluma at naghihikahos ang pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino
B. palipat-lipat ng tirahan at di pa sapat ang kanilang kaalaman sa pamumuhay
C. may agrikultura at maunlad na kalakalan na ang mga sinaunang Pilipino
3. Kailan nagiging pinuno o datu ang isang tao sa panahon ng mga sinaunang
Pilipino?
A. Kung siya ay nanalo sa digmaan
B. Kung siya ay anak ng dating datu
C. Kung siya ang pinakamayaman sa barangay
4. Ang isang katibayan na mayroon nang mataas na antas ng kultura ang mga Pilipino
noon ay ang:
A. sistema ng panulat na tinatawag na alibata
B. paninirahan nila sa tabing dagat
C. pagkakaroon ng mga awit at tula
5. Naipamalas ng mga sinaunang Pilipino ang kahusayan sa paglalakbay Sa pamamagitan ng:
A. Paggawa ng mahuhusay na sasakyang dagat
B. Pagwawagi sa karera ng mga bangka
C. Paninirahan sa tabing dagat
6. Alin sa mga sumusunod ang nagpapatunay na maunlad na ang kaalaman ng mga
sinaunang Pilipino sa agham at matematika?
A. Kahusayan sa pangingisda
B. Paggamit ng mga Pilipino ng sistemang decimal
C. kahusayan sa pakikidigma sa karatig-Barangay
7. Paano nakarating ang Islam sa Pilipinas?
A. Pangangalakal ng mga Arabeng Muslim
B. Paglalakbay sa Arabia ng mga sinaunang Pilipino
C. Pananakop ng mga Arabeng Muslim
8. Bakit madaling napalaganap ang Islam sa katimugan ng Mindanao?
A. wala pa kasing relihiyon ang mga katutubong Pilipino
B. pakikipagtaling-puso ng mga misyonerong Muslim sa mga anak ng mga
pinunong Pilipino
C. pananakot at pananakop ng mga Arabeng Muslim
9. Ang regular na pagdarasal ng limang beses sa loob ng isang araw ay bahagi ng
pangunahing aral ng Islam na tinaguriang:
A. Limang Haligi ng Katotohanan
B. Walong Daan sa Kaliwanagan
C. Sampung Utos ng Diyos
10. Ang pag-aayuno ay isinasagawa ng mga Muslim sa panahon ng
A. Hari Raya
B. Biyernes Santo
C. Ramadan
11. Sa panahon ng barangay ang moske ay tinuturing na sentro ng:
A. panrelihiyong gawain
B. pampulitika at panlipunang gawain
C. panrelihiyon, pampulitika at panlipunang gawain
12. Sa paanong paraan napapatatag ng relihiyong Islam ang pagkakaisa ng
pamayanan?
A. Ang sama-samang pagsamba ang nagpalakas sa pagkakaisa ng mga Muslim
B. Ang mabilis na pananakop ng mga Arabeng Muslim ng iba pang pamayanan
C. Ang takot na sila ay magapi ng mga Kristiyano
13. Sa sistemang sultanato, ang pamahalaan at relihiyon ay:
A. hindi dapat magkasama
B. magkasama at pinag-isa
C. hindi pinahahalagahan
14. Ang sistema ng edukasyon na ipinakilala ng mga Muslim ay ang
A. alibata B. madrasah C. Ramadan
15. Ang sistemang barangay sa panahon ng mga sinaunang Pilipino ay naiiba sa
sistemang barangay sa kasalukuyan sa pamamagitan ng:
A. May sari sariling pamahalaan ang bawat barangay noon.
B. Lahat sila ay napapailalim sa pangulo ng bansa.
C. Nabibilang ang mga unang barangay sa mga kaharian.
PANGHULING PAGSUSULIT
A. Piliin ang tamang sagot
1. c 6. b 11. c
2. c 7. a 12. a
3. b 8. b 13. b
4. a 9. a 14. b
5. a 10. c 15. a
PANIMULANG PAGSUSULIT:
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Alin sa mga sumusunod ang hindi maituturing na salik sa pagpunta ng
kanluraning Kastila sa ating lupain?
A. Paghina ng impluwensya ng simbahang Katoliko sa Europa.
B. Paglalakbay ni Marco Polo
C. Krusada
D. Pagbubukas ng Suez Canal
2. Alin sa mga sumusunod na bansa sa Europa ang nanguna sa
paglalakbay para maghanap ng ibang ruta papuntang Silangan?
A. Espanya
B. Ingglatera
C. Pransya
D. Portugal
3. Si Magellan ang unang dayuhang Europeo na nakarating as Pilipinas at nakipag-ugnayan sa
mga katutubo. Ang unang pulo kung saan siya dumaong ay ang:
A. Samar
B. Homonhon
C. Cebu
D. Mactan
4. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang naging pinakamahalagang
resulta ng paglalakbay ni Magellan para sa mundo?
A. Ang pagkatuklas sa Pilipinas
B. Ang patunay na ang mundo ay bilog
C. Ang pagkatuklas ng mga rekado sa Moluccas
D. Ang pagiging Kristiyano ng mga katutubo sa ating kapuluan
5. Maraming ekspedisyon ang ipinadala ng Espanya sa Pilipinas. Sino sa
mga namuno ng mga ekspedisyong iyan ang nagbigay ng pangalang
Filipinas sa ating kapuluan?
A. Loaisa
B. Cabot
C. Villalobos
D. Saavedra
6. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing layunin ng mga Kastila sa
pagtungo at pagtuklas ng mga lugar sa Silangan?
A. Ang pagpalaganap ng Kristiyanismo
B. Ang pakikipagkalakalan at pagpapalawak ng kapangyarihan
C. Ang pagpapasikat sa kapwa Europeong bansa
D. Ang pagtulong sa mga at di maunlad na bansa para mapaunlad
ang mga ito.
7. Alin sa mga sumusunod na katangian ng Pilipino ang hinangaan ng
mga Kastila noong sila ay dumaong sa ating kapuluan?
A. Ang pagiging matapang
B. Ang pagiging masunurin
C. Ang mabuting pagtanggap sa mga dayuhan
D. Ang pagiging masayahin
8. Ang sanduguan ay kaugalian ng mga Pilipino upang ipakita ang…
A. Kapangyarihan nila sa mga dayuhan
B. Pakikipagkasundo sa mga dayuhan
C. Pakikipagkasundo sa pangangalakal
D. Pagtanggap ng relihiyon ng mga dayuhan
9. Ang mga ipinadalang ekspedisyon ng Hari ng Espanya sa Pilipinas ay pinamunuan ng mga
Kastila maliban kay:
A. Loaisa
B. Cabot
C. Magellan
D. Urdaneta
10. Alin ang lugar na dinaungan ni Magellan kung saan nagkaroon ng pagbibinyag sa mga
katutubo?
A. Limasawa
B. Cebu
C. Mactan
D. Homonhon
11. Ang pulo kung saan nagsagawa ng sanduguan sina Magellan sa pinuno ng mga katutubo:
A. Homonhon
B. Limasawa
C. Mactan
D. Cebu
12. Ang “Islas del Poniente” ay walang iba kundi ang:
A. India
B. Tsina
C. Siam
D. Pilipinas
13. Alin sa mga sumusunod ang hindi napatunayan ni Magellan sa
kanyang paglalakbay sa Silangan?
A. Ang mundo ay bilog
B. Maaaring makarating sa silangan na ang daan ay kanluran
C. Duwag at hindi sibilisado ang mga katutubo sa Pilipinas
D. Sagana sa mga rekado at yamang likas ang Silangan.
14. Pagdating ni Magellan sa Cebu, ano ang una niyang ginawa?
A. Nakipagkaibigan siya kay Raha Humabon.
B. Pinabinyagan niya si Raha Humabon at walong daang
Cebuano.
C. Binigyan niya ang asawa ni Raha Humabon ng estatwa ni Sto.
Niño.
D. Nagtayo ng simbahan para sa mga katutubo.
15. Ang mga sumusunod tungkol kay Lapu-lapu ay totoo maliban sa:
A. Siya ang kahulihulihang Pilipino na nagpasakop sa mga
dayuhan.
B. Siya ang kauna-unahang Pilipino na tumangging magpasakop
sa mga dayuhan.
C. Siya ang pinunong katutubo na nakapatay kay Magellan.
D. Siya ang pinunong katutubo ng Mactan.
16. Nang tumulak sa Villalobos patungong Pilipinas, siya ay inatasan ng
Hari ng Espanya na:
A. sakupin ang Moluccas
B. sakupin ang Pilipinas
C. mangalakal lamang sa Pilipinas
17. Siya ang nagpangalan sa kapuluan ng Felipinas, bilang parangal kay
Prinsipe Felipe, ang tagapagmana ni Haring Carlos ng Espanya.
A. Ruy Lopez de Villalobos
B. Sebastian Cabot
C. Andres de Urdaneta
D. Sebastian El Cano
18. SA huling bahagi ng gitnang panahon, humina ang impluwensya ng
simbahang Katoliko sa Europa dahil sa:
A. Pagpapayaman ng mga prayle.
B. Pagkasangkot ng mga pari sa imoralidad
C. Pagkakaroon ng mga maraming katiwalian at kurapsyon sa simbahan.
D. Lahat ng dahilan sa itaas ay tama.
19. Kung si Ruy de Villalobos ay nakarating sa Mindanao, bakit marami pa
ring Muslim doon at hindi Kristiyano?
A. Hindi siya nakipagsundo sa mga Muslim.
B. Wala siyang kasamang mga paring Katoliko nang pumunta siya roon.
C. Tumutol ang mga katutubong Muslin na masakop ng mga Kastila.
D. Babalik pa sana siya sa Mindanao ngunit namatay na siya.
20. Dahil sa malaking pagpapahalaga ng hari ng Espany sa Kristiyanismo,
ang lahat ng ekspedisyong ipinadala sa Pilipinas ay may kasamang:
A. historiador
B. manunulat
C. pari
D. inhinyero
GABAY SA PAGWAWASTO
PANIMULANG PAGSUSULIT

1. D
2. D
3. A
4. B
5. C
6. B
7. C
8. B
9. C
10. B
11. B
12. D
13. C
14. A
15. A
16. B
17. A
18. D
19. C
20. C
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Alin ang pinakamahalagang salik sa pagpunta ng kanluraning Kastila sa ating lupain?
A. Paghina ng impluwensya ng simbahang Katoliko sa Europa.
B. Paglalakbay ni Marco Polo
C. Krusada
D. Paghihikahos ng Suez Canal
2. Alin sa mga sumusunod na bansang Europeo ang naunang naglakbay dagat gamit ang
daang pakanluran patungong Silangan?
A. Espanya
B. Portugal
C. Ingglatera
D. Pransya
3. Ang unang pulo na dinaungan ni Magellan kung saan nakipagplitan siya ng mga handog sa
mga katutubo:
A. Samar
B. Homonhon
C. Cebu
D. Mactan
4. Alin sa mga na pangyayari ang pinakamahalagang resulta ng paglalakbay
ni Magellan para sa mundo?
A. Pagtuklas ng mga rekado sa Molucass
B. Napatunayan na bilog ang mundo
C. Pagiging Kristiyano ng mga taga-Cebu
D. Pagtuklas sa Pilipinas
5. Alin sa mga sumusunod ang tama tungkol ka Magellan
A. Siya ay isang Espanyol na inutusan ng Hari ng Espanya na
sakupin ang Pilipinas.
B. Siya ay isang Portuges na nag-alok ng kanyang serbisyo
sa Hari ng Espanya na mamuno ng ekspedisyon
papuntang Silangan.
C. Siya ang Portuges na naktuklas ng Amerika.
D. Siya ang Espanyol na lumaban sa Krusda.
6. Ang maliit na pulo sa Pilipinas kung saan unang bininyagan sa pagkakristiyano
ang ilang katutubo:
A. Limasawa
B. Homonhon
C. Mactan
D. Cebu
7. Ang Pulong dinaungan ni Magellan kung saan siya ay nakipagsanduguan
sa pinuno ng mga ktutubo:
A. Mactan
B. Limasawa
C. Bohol
D. Homonhon
8. Ang kahulugan ng sanduguan:
A. Pakikipaglaban
B. Pakikipagdwelo
C. Pakikipagkaibigan
D. Pakikipag-alitan
9. Ang impluwensya ng Simbahang Katoliko sa huling bahagi ng gitnang
panahon ay humina dahil sa mga sumusunod maliban sa:
A. Pagpapayaman ng simbahan
B. Pagkasangkot ng mga prayle sa kurapsyon
C. Pagkasangkot sa digmaan sa Krusada
D. Pagkasangkot ng mga pari sa Imoralidad
10. Ang pangunahing layunin ng mga Kastila sa pagtuklas at pananakop ng
mga lupain sa SIlangan:
A. Palaganapin ang Kristiyanismo.
B. Makipagkalakalan at magpalakas ng puwersa bilang
makapangyarihang bansa.
C. Magpasikat sa kapwa Europeong bansa.
D. Matulungn ang di maunlad na mga bansa upang ang mga ito.
11. Hinangaan ni Magellan ang mga naunang katutubong nakilala niya dahil
sa:
A. mabagsik sa pakikihamok
B. mangmang at walang kulturang maipagmamalaki
C. mahusay makipagkalakalan
D. mayaman ang kultura at mabuting makipagkaibigan sa
mga dayuhan
12. Alin sa mga sumusunod ang hindi tama sa mga pangyayaring naganap sa
ating kapuluan noong pagdating ni Magellan?
A. Nabinyagan bilang Kristiyano ang mga taga-Cebu.
B. Nagdaraos ng misa bilang paggunita ng Pasko ng
Pagkabuhay ni Kristo.
C. Nagbigay ng imahen ng Sto. Niño si Magellan sa asawa ni
Humabon.
D. Nagtayo ng simbahan si Magellan sa Homonhon.
13. Napatunayan ni Magellan sa kanyng paglalakbay s Pilipinas ang mga
sumusunod maliban sa:
A. Ang mundo ay bilog.
B. Maaaring makarating sa Silangan na ang daan ay kanluran.
C. Duwag at hindi sibilisado ang mga katutubo sa Pilipinas.
D. Sagan sa yamang likas ang Pilipinas.
14. Nang mapatay ni Lapu-lapu si Magellan, ang naging epekto sa mga
katutubong pinuno katulad ni Humabon ay:
A. nanghina ang kanilang impluwensya sa Cebu.
B. ipinaghiganti ang pagkamatay ni Magellan.
C. nakapag-isip sila na hindi dapat magpasakop sa dayuhan.
D. naghanda para sa pakikipaglaban kay Lapu-lapu.
15. Si Lapu-lapu ay itinuring na:
A. Kahulihulihang Pilipino na nagpasakop sa mga dayuhan.
B. Pinunong katutubo na nakipagsanduguan ka Magellan.
C. Pinunong katutubong taga-Mindanao na hindi nagpasakop
kay Magellan.
D. Pinunong katutubo ng Mactan na lumaban kay Magellan
at itinuring na bayaning Pilipino na di nagpasakop sa mga
Espanyol.
16. Ang paglalakbay ni Magellan sa Pilipinas ay naging mahalaga dahil
sumusunod maliban sa isa:
A. napatunayan niya na maaaring pumunta sa Silangan na
dumadaan sa kanluran.
B. napatunayan niya na bilog ang mundo nang makabalik sa
Espanya ang isa niyang barko sa pamumuno ni Sibastian
El Cano.
C. natuklasan niya ang isang daanan sa dulo ng Aprika.
D. nakilala ng mga Europeo ang kapuluan ng Pilipinas.
17. Si Villalobos ay inutusan ng Hari ng Espanya na sakupin ang Islas del
Poniente. Ang tinutukoy na lugar ay:
A. Moluccas kung saan nakukuha ang rekado na gusto ng
mga Europeo.
B. Tsina na may telang seda.
C. Ang kapuluan na napuntahan ni Magellan na ngayon ay
kilala bilang Pilipinas.
D. Ang pulo ng Cebu kung saan maraming katutubo ang
nabinyagan bilang Kristiyano.
18. Alin sa mga sumusunod ang tama sa mga utos ng Hari ng Espanya
kaugnay ng mga paglalakbay na ipinadala niya sa Silangan?
A. sasakupin ang Moluccas
B. sasakupin ang Pilipinas
C. mangalakal lamang sa Pilipinas
D. gamiting daanan ang Pilipinas patungong Moluccas
19. Maraming ekspedisyon ang pinapunta ng Hari ng Espanya sa Pilipinas. Si
Villalobos ang unang nakarating sa Mindanao ngunit hindi niya nasakop
ang kapuluan dahil sa:
A. tumutol ang katutubong Muslim na masakop ng dayuhan.
B. naghihintay ng magandang pagkakataon si Villalobos.
C. pinatay siya ng mga katutubo .
D. nakipagkasundo siya sa katutubo kaugnay sa pangangalakal.
20. Ang lahat ng ekspedisyon na ipinadala ng hari ng Espanya sa Silangan ay
may kasamang pari. Ito ay nagpapahiwatig ng mga sumusunod maliban
sa:
A. malaking pagpapahalaga ng Hari sa relihiyong
Kristiyanismo.
B. paggamit sa relihiyon bilang pamamaraan ng pananakop.
C. ang pari ay magaling sa paglalakbay dagat.
D. matibay na paniniwala na ang paglalakbay ay gagabayan
ng Panginoon.

PANGHULING PAGSUSULIT
1. A 8. C 15. D
2. A 9. C 16. D
3. B 10. B 17. C
4. B 11. D 18. B
5. B 12. D 19. A
6. D 13. C 20. C
7. B 14. C
PANIMULANG PAGSUSULIT
Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan. Pagkatapos ay pumili ka ng
tamang sagot mula sa talaan sa ibaba. Isulat ang titik ng pinili mong sagot sa
patlang sa bawat bilang.
_____1. Ang kanyang pagkamatay ang nagpasulong ng isang pambansang
damdamin tungo sa isang mapayapang rebolusyon.
_____ 2. Nakilala siya sa buong Pilipinas at sa buong daigdig sa kanyang
mapayapang pakikilaban bilang isang maybahay at isang pangulo ng bansa
upang maibalik ang demokrasya sa Pilipinas.
_____3. Ang lansangang naging simbolo ng mapayapang rebolusyon para sa
demokrasya sa Pilipinas
_____4. Huling hakbang ni Marcos upang ipakita na ang Pilipinas ay may
demokrasya.
_____5. Ang naging armas ng mga taong nagrebolusyon sa EDSA.
_____6. Nagpasumpa kay Gng. Corazon Aquino bilang Pangulo ng Pilipinas.
_____7.Itinawag sa naganap sa EDSA noong Pebrero 22, 1986.
_____8. Ang islogan na nagpasulong sa “People Power.”
_____9. Dahilan ng pagbabalik ni Ninoy Aquino sa Pilipinas.
_____10. Ang kulay na simbolo ng “People Power.”
_____11. Pinangalanan ang lugar na ito bilang alaala sa pagkabayani ni Ninoy
Aquino.
_____12. Tawag sa probisyonal na Konstitusyon ng bagong tatag na
pamahalaang Aquino.
_____13. Ang kalipunan ng mga pinuno na binuo upang baguhin ang Saligang-
Batas ng Pilipinas sa ilalim ng pamahalaang Aquino.
_____14. Unang demokratikong hakbang upang isangguni sa mga mamamayan
ang bagong Saligang-Batas.
_____15. Opisyal ng simbahang Katoliko na tumulong kay Gng. Corazon Aquino
na manawagan sa mga tao upang magtipon sa EDSA noong Pebrero 24, 1986.
4
_____16. Petsa ng pagkakapaalis sa Pangulong Marcos at panunumbalik ng
demokrasya sa Pilipinas.
_____17. Isa sa mga opisyal ng militar na nanguna sa mga sundalo sa
pagbalikwas sa pamahalaang Marcos at naging pangulo ng Pilipinas pagkatapos
ng ilang taon.
_____18.Mahalagang dokumento na nagbibigay ng kapangyarihan sa mga
pamahalaang lokal sa malayang pamumuno.
_____19. Programang pang-edukasyon na isinulong ng administrasyon ni
Pangulong Corazon Aquino.
_____20. Pinakamahalagang ibinunga ng EDSA Revolution at nagpabalik na
muli ng mga malayang proseso o sistemang pampulitika, panlipunan at
pangkabuhayan.
Mga pagpipilian:
A. Fidel V. Ramos
B. Ninoy Aquino
C. Pebrero 26, 1986
D. Plebisito
E. Freedom Constitution
F. CON-CON o Constitutional
Convention
G. Ninoy Aquino International Airport
H. Education for All o Edukasyon
Para sa Lahat
I. Kodigo ng Pamahalaang Lokal o
Local Government Code
J. Demokrasya
K. Cardinal Sin
L. Corazon C. Aquino
M. Snap Election
N. EDSA o Epifanio Delos Santos
Highway
O. Dilaw
P. Rekonsilyasyon o Pagkakaisa
Q. Chief Justice Claudio Teehankee
R. “Hindi ka nag-iisa”
S. EDSA People’s Revolution
T. Panalangin at Pagkakaisa

GABAY SA PAGWAWASTO:
PANIMULANG PAGSUSULIT
1. B 8. R 15. K
2. L 9. P 16. C
3. N 10. O 17. A
4. M 11. G 18. I
5. T 12. E 19. H
6. Q 13. F 20. J
7. S 14. D
B. Panuto: itapat ang aytem sa Hanay A sa pahayag sa Hanay B. Isulat ang titik

sa linya.

Hanay A Hanay B
___1. Atas ng Pangulo blg. 742 a. Pagbabawal sa paglabas ng bahay
___2. Open Door Policy at Parity mula 12 ng hatinggabi hanggang 4 ng umaga
Rights b. Reporma sa edukasyon
___3. CPP c.Pang-akit sa mga dayuhang mamuhunan.
___4. Atas ng Pangulo blg.27 d. Pagbibigay ng Awtonomiya sa Mindanao.
___5. KADIWA e. Programa kasabay ng pamahalaang
___6. Masagana 99 Bagong Lipunan.
___7. NCEE f. Pagpapalaya sa magsasaka sa lupang
___8. BLISS matagal ng sinasaka pero di kanila.
___9. Curfew g. Pagpapadami ng ani.
___10. PLEDGES h. Murang pagahay
i. Samahan ng mga Pilipinong naniniwala sa
komunismo
j. Murang bilihin

PANIMULANG PAGSUSULIT
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ang unang pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas:
a. Manuel Quezon c. Manuel Roxas
b. Sergio Osmeña d. Jose P. Laurel
2. Naganap noong Hulyo 4, 1946:
a. Ipinahayag ng mga Amerikano ang kalayaan ng Pilipinas.
b. Ipinahayag ang kalayaan ng Amerika.
c. Naganap ang huling halalan sa ilalim ng Komonwelt.
d. Ipinahayag ni McArthur ang pagtatatag muli ng Pamahalaang
Komonwelt sa Tacloban.
3. Nilalaman ng Treaty of General Relations:
a. Binawi at isinuko ng Amerika ang lahat ng pag-aari, pangangasiwa,
pananakupan, at kapangyarihan sa buong kapuluan ng Pilipinas
maliban sa mga base militar nila sa bansa.
b. Pagkakaloob ng Amerika ng $20 M bilang tulong sa Pilipinas upang
magamit sa pagtatayong muli ng kabuhayan ng bansa.
c. Magpapadala ng tulong teknikal ang Amerika sa bansa.
d. Ipatutupad ang malayang kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.
4. Ang pangunahing suliraning pangkapayapaan ng administrasyong Quirino:
a. Gerilya c. Huk
b. Militarisasyon d. Terorismo
5. Ang lahat ay naganap sa administrasyong Quirino maliban dito:
a. PACSA c. ACCFA
b. RFC d. Kasunduang Quirino-Foster
6. Ang nakatulong nang lubos upang mapasuko ang mga Huk.
a. Ramon Magsaysay c. Carlos P. Garcia
b. Elpidio Quirino d. Diosdado Macapagal
7. Ang samahang naitatag matapos ang Manila International Conference noong
1954:
a. APEC b. MAPHILINDO c. ASEAN d. SEATO
8. Kilala si Ramon Magsaysay sa mga sumusunod na katangian maliban sa isa:
a. Kauna-unahang pangulo na nagsuot ng barong Tagalog sa kanyang
inagurasyon.
b. Nagbukas ng Malakanyang sa mga karaniwang tao.
c. Malapit sa mga ordinaryong mamamayan at nakikisalamuha sa mga
tao.
d. Nagpakita ng nepotismo sa pamamagitan ng pagpapasok ng mga
kamag-anak sa pamahalaan.
9. Ang nagpatupad ng Filipino First Policy:
a. Ferdinand E. Marcos c. Carlos P. Garcia
b. Diosdado Macapagal d. Ramon Magsaysay
10. Sa kauna-unahang pagkakataon, ang kanilang administrasyon ay binuo ng
kasapi ng magkaibang partido:
a. Manuel Roxas at Elpidio Quirino
b. Ramon Magsaysay at Carlos P. Garcia
c. Carlos P. Garcia at Diosdado Macapagal
d. Ferdinand Marcos at Fernando Lopez
11. Sa panahon ng pangangasiwa ni Pangulong Macapagal na naghain ng pagaangkin
ang Pilipinas sa lupaing ito:
a. Sabah c. Spratly Island
b. East Timor d. Kalayaan Island
12. Siya ang namuno sa pagkakatatag ng MAPHILINDO:
a. Ferdinand Marcos c. Carlos P. Garcia
b. Elpidio Quirino d. Diosdado Macapagal
13. Ang lahat ng ito ay isinagawa ni Pangulong Diosdado Macapagal maliban sa
isa:
a. Nilagdaan ang Bell Trade Act.
b. Pinagtibay ang Agricultural Land Reform Code.
c. Inilipat ang petsa ng Araw ng Kalayaan mula Hulyo 4 sa Hunyo 12.
d. Ginamit ang wikang Pilipino sa mga selyo, pasaporte at iba pang
opisyal na komunikasyon.
6
14. Ang dahilan kung bakit tinaguriang Infrastructure Man si Pangulong Marcos.
a. Ipinatupad ang paghihigpit laban sa ilegal na pagpapapasok sa
Pilipinas ng mga produktong dayuhan.
b. Pagpapatupad ng malawakang programa sa pagpapagawa ng mga
kalye, tulay, patubig, paaralan, at iba pa.
c. Pinagtibay ang programang pangkalusugan.
d. Pagsupil at pagpigil sa karahasan.
15. Ang kauna-unahang pangulo na muling naihalal sa panguluhan.
a. Carlos P. Garcia c. Diosdado Macapagal
b. Ferdinand E. Marcos d. Ramon Magsaysay
16. Ang lahat ay dahilan ng kabataang aktibismo sa panahon ni Pangulong
Marcos maliban sa isa:
a. Pagsasamantala ng ilang mga pulitiko at pinuno ng bayan.
b. Pagtaas ng halaga ng bilihin.
c. Malawakang pagtaas ng mga matrikula sa mga paaralan.
d. Pagpapadala ng mga Pilipino sa Vietnam.
17. Kilalang pinuno ng Partido Komunista.
a. Nur Misuari b. Ed Olaguer c. Jose Ma. Sison d. Luis Taruc
18. Ang pangunahing layunin ng Moro National Liberation Fronto (MNLF):
a. Ihiwalay ang Mindanao sa kabuuan ng Pilipinas.
b. Isulong ang mga adhikain ng Komunismo.
c. Pabagsakin ang pamahalaang Marcos.
d. Maghasik ng terorismo sa Luzon.
19. Dito naganap ang pinakamadugong pambobomba sa Kamaynilaan.
a. Quirino Grandstand c. Plaza Miranda
b. Manila Hotel d. Plaza Lawton
20. Ang panahon sa administrasyon ni Marcos na inilalarawan na panahon ng
krisis pangkabuhayan at malawakang diskontento ng mga mamamayan.
a. First Quarter Storm c. panahon ng distabilisasyon
b. EDSA Revolution d. panahon ng krisis

PANIMULANG PAGSUSULIT
1. c 2. a 3. a
4. c 10.c 16. d
5. d 11. a 17. c
6. a 12. d 18. a
7. d 13. a 19. c
8. d 14. b 20. c
9. c 15. b

PANGHULING PAGSUSULIT
I. Unang Bahagi: Isulat ang titik ng tamang sagot.
I II
___________1. Tinaguriang Pangulo ng karaniwang tao a. Manuel Roxas
___________2. Nagpatupad ng Bell Trade b. Nur Misuari
Act.
___________3. Nagtatag ng PACSA. c. Elpidio Quirino
___________4. Nagsimula ng Filipino First d. Carlos P. Garcia
Policy.
___________5. Nagsulong ng Agricultural e. Jose Ma. Sison
Land Reform Act.
___________6. Ang kauna-unahang Pangulo f. Diosdado Macapagal
na nagkaroon ng dalawang
termino.
___________7. Namuno sa CCP o Comunist g. Ramon Magsaysay
Party of the Philippines.
___________8. Nagtatag ng MNLF. h. Ferdinand Marcos
PANGHULING PAGSUSULIT
I. Unang Bahagi:
1. g
2. a
3. c
4. d
5. f
6. h
7. e
8. b

Das könnte Ihnen auch gefallen