Sie sind auf Seite 1von 9

Mga Diptonggo, Digrapo, at Klaster

OCTOBER 9, 2016 BY ITSNOTDOMINIKKI


1. Diptonggo
 Ang diptonggo ay ang tunog na nabubuo sa pagsasama ng alin man sa limang patinig
at ng mga malapatinig na w o y.
 Ang diptonggo ay alin man sa mga tunog na /aw/, /ay/, /ey/, /iw/, /iy/, /oy/, o /uy/ sa
isang pantig ng salita.
 Ang /ew/, /ow/, at /uw/ay mga diptonggo subalit walang salita sa Filipino na may tunog
na ganito.
 Walang diptonggo sa mga salita na may mga titik aw, ay, ey, iw, iy, oy, o uy kapag
nahihiwalay ang dalawang titik sa pagpapantig.
Mga halimbawa:

 Ang salitang aliw (a-liw) ay may diptonggo. Ang diptonggo ay ang tunog na /iw/ dahil
ang tunog na ito ay nasa pantig na liw.
 Ang salitang sampay (sam-pay) ay may diptonggo na /ay/ dahil ang tunog na ito ay
nasa pantig na pay.
 Ang salitang aliwalas ay may iw ngunit wala itong diptonggo na /iw/ dahil ang titik i at w
ay nahihiwalay sa pagpapantig ng salita (a-li-wa-las).

2. Digrapo

 Ang digrapo
ay kombinasyon ng dalawang letrang pinagsama para katawanin ang isang tunog
.
 Sa Filipino, kadalasang maririnig ang mga digrapo sa mga salitang hiram, ngunit
maging sa mga taal na salita ay maririnig na rin ito dahil sa proseso ng simplipikasyon.
a. Digrapong “ch”

-Panatilihin ang digrapong ”ch” kapag ang salita ay hiniram sa orihinal na anyo.

Halimbawa: chopsuey, chips, Chavez, charter

-Palitan ang digrapong “ch” ng “ts” kung ang tunog ay /ts/ sa hiniram na salita.

Halimbawa:

chalk – tsok

cochero – kutsero

checklist – tseklist
chocolate – tsokolate

channel – tsanel

b. Digrapong “sh”

-Panatilihin ang digrapong ”sh” kapag ang salita ay hiniram sa orihinal na anyo.

Halimbawa: Sharon, shampoo, shangri-la, shamrock

-Palitan ang digrapong “sh” ng “sy” kung ang tunog ay /sy/ sa hiniram na salita.

Halimbawa:

workshop – worksyap

shooting – syuting

censorship – sensorsyip

scholarship – iskolarsyip

3. Klaster

 Ang klaster, o kambal katinig,


ay magkakabit na dalawang magkaibang katinig sa isang patinig.
 Ang klaster ay maaaring matagpuan sa unahan o inisyal, sa gitna, at sa hulihan o pinal
na pusisyon ng salita.
 Hal. kr, pl, br, tr, rd, rs, ks, etc.
Mga halimbawa:

Unahan:

 braso
 trabaho
 plano
 pluma
 klaster
Gitna:

 kontrata
 kongreso
 sakripisyo
 sobre
 kumpleto
Hulihan:

 kard
 nars
 relaks
 klerk
 plaslayt

Wika at Panitikan
Pahinang isinapublliko upang matulungan ang mga mag-aaral na nagpapakadalubhasa sa Wikang
Filipino maging ang mga istudyanteng nais matuto ng Wika at Panitikang Filipino. Lahat ng
impormasyon sa pahinang ito ay sinuri ng mga medyor sa Filipino at propesor sa Pamantasang
Normal ng Pilipinas, Ang Pambansang Sentro ng Edukasyong Pangguro at ang Pambansang Sentro
ng Kahusayan sa Wikang Filipino at Panitikan sa buong bansa.
Ask me anything Submit a post

December 152013
Diptonggo At Ang Klaster
Pantig
àay galaw ng bibig, saltik ng dila na may kasabay na tunog ng lalamunan o walang antalang bugso ng tinig sa
pagbigkas ng salita.

Mga Pormasyon ng Pantig


May sampung pormasyon ang pantig,na dati'y siyam lamang. Ito ang mga:

1. P - (patinig)
Halimbawa:

pag-aayos aso

pag-a-a-yos a-so
1. KP -(katinig-patinig)
Halimbawa:

bata malaya

ba-ta ma-la-ya
1. PK -(patinig-katinig)
Halimbawa:
estranghero ampunan

es-trang-he-ro am-pu-nan
1. KPK -(katinig-patinig-katinig)
Halimbawa:

bundok hadlang

bun-dok had-lang
1. PKK - (patinig-katinig-katinig)
Halimbawa:

instrumento ins-tru-men-to
1. KKP -(katinig-katinig-patinig)
Halimbawa:

protesta

pro-tes-ta
1. KKPK -(katinig-katinig-patinig-katinig)
Halimbawa:

plantsa

plan-tsa
1. KKPKK -(katinig-katinig-patinig-katinig-katinig)
Halimbawa:

Tsart

1. KPKK -(katinig-patinig-katinig-katinig)
Halimbawa:

nars

1. KKPKKK - (katinig-katinig-patinig-katinig-katinig-katinig)
Halimbawa:

shorts
shirts

Ang Diptonggo
à Ito ay tumutukoy sa pinagsamang tunog ng isang patinig (a,e,i,o,u) at isang malapatinig (w,y) sa loob ng
isang pantig.

Talaan ng Diptonggo
Salita: Halimbawa:
Ay Bahay

Ey Beywang

Iy —-

Oy Tuloy

Uy Kasuy

Aw Sigaw

Iw Baliw

Ang Klaster
à Ang klaster o kambal katinig ay dalawang magkaibang katinig na magkasunod sa isang pantig.

Mga Halimbawa:
Pluma Bruha

Prito Tsart

Nars Troso

Braso Plaka

Trak Tren

Prito Braso

Ukol sa mga klaster na ang huling katinig ay /y/ at /w/, masasabing magkakaroon ito ng variant o pagkakaiba
sa pamamagitan ng paglalagay ng isang tunog na patinig sa pagitan ng dalawang katinig.

Halimbawa:

kwento = kuwento

sweldo = suweldo

byenan = biyenan
Mapapansin na kapag ang isang klaster ay nagkaroon ng singit na patinig, nagkakaroon na ng dalawang pantig,
kaya ito ay hindi na maituturing na klaster.

Mga Posisyon ng Klaster


1. Posisyong Inisyal
(una o simula) ng pantig

Halimbawa:

trak , drama,plano

2. Posisyong Midyal

(gitna) ng pantig
Halimbawa:

sombrero , eroplano , lantsa

3. Posisyong pinal

(hulihan) ng pantig
Halimbawa:

sport , kard , relaks.

This Filipino word is from the Spanish diptongo.

diptonggo
diphthong
non-standard spelling variation: diptunggo

Ang mga diptonggo ng Filipino ay iw, iy, ey, ay, aw, oy at uy. Ito ay tumutukoy sa
pinagsamang tunog ng isang patinig (a,e,i,o,u) at isang malapatinig (w,y) sa loob
ng isang pantig.

Also known as a gliding vowel, a diphthong refers to two adjacent vowel sounds
occurring within the same syllable.

May diptonggong Espanyol na pumasok sa ating wika.


1. Diptonggo – alinmang patinig na sinusundan ng malapitinig na /y/ o /w/ sa loob ng isang pantig. Ang
mga diptonggo sa Filipino ay iw, iy, ey, oy, at uy.
Halimbawa:
Sayaw giliw langoy aruy

Gayunman, kapag ang /y/ o /w/ ay napapagitan sa dalawang patinig ito ay napasasama na sa
sumusunod na patinig kaya’t hindi na maituturing na diptonggo.

Halimbawa ng Diptonggo:
Ang aw sa sayawan ay hindi na maituturing na diptonggo sapagkat ang w ay nakapagitan na
sa dalawang patinig. Ang pagpapantipg sa “sayawan" sa-ya-wan at hindi sa-yaw-an

2. Klaster o Kambal Katinig – magkakabit na dalawang magkaibang katinig sa isang patinig. Ang klaster
ay maaaring matagpuan sa unahan o inisyal, at sa hulihan o pinal na pusisyon ng salita.

Halimbawa:
Klaster sa unahan trabaho plano braso
Klaster sa hulihan kard nars relaks

Diptonggo

Ang patinig ay alin man sa limang titik a, e, i, o, at u. Ang diptonggo ay ang tunog na
nabubuo sa pagsasama ng alin man sa limang patinig at ng titik w o y. Ang diptonggo ay
alin man sa mga tunog na /aw/, /ay/, /ey/, /iw/, /iy/, /oy/, o /uy/ sa isang pantig ng
salita.

Halimbawa, ang salitang aliw (a-liw) ay may diptonggo. Ang diptonggo ay ang tunog
na /iw/ dahil ang tunog na ito ay nasa pantig na liw. Ang salitang sampay (sam-pay)
ay may diptonggo na /ay/ dahil ang tunog na ito ay nasa pantig na pay.
Walang diptonggo sa mga salita na may mga titik aw, ay, ey, iw, iy, oy, o uy kapag nahihi-
walay ang dalawang titik sa pagpapantig.

Halimbawa, ang salitang aliwalas ay may iw ngunit wala itong diptonggo na /iw/
dahil ang titik i at w ay nahihiwalay sa pagpapantig ng salita (a-li-wa-las). Ang
salitang sampayan ay walang diptonggo dahil ang magkasunod na titik a at y ay
nahihiwalay sa pagpapantig ng salita (sam-pa-yan).
Mga halimbawa ng mga salitang may diptonggo

/aw/

agaw bangaw dalaw gaslaw ibabaw lugaw pulaw tahaw


alingawngaw bataw daw gunaw kalabaw nakaw sabaw takaw
ampaw batingaw dilaw halimaw kantiyaw palayaw salindayaw tampisaw
anahaw bayaw dungaw hikaw labnaw pangaw sawsaw tanaw
apaw bugaw galaw hilaw laktaw panglaw sayaw tanglaw
araw bughaw galawgaw hiyaw langaw paningkaw silaw tuklaw
ayaw bulahaw gaway ihaw layaw pataw sigaw tunaw
bakulaw bulalakaw gawgaw ikaw ligaw pugnaw singaw uhaw
balintataw bulyaw ginaw ilaw litaw pukaw singkaw/ay/
abay baranggay himlay katay liwayway panday sanaysay talakay
agapay batay hinay kaway malay panganay sangay tamlay
akbay baybay hintay kulay malunggay pantay sampay tangay
alalay bitay hiwalay lakbay may patay saway tangkay
alay buhay hukay lagay maybahay patnubay saysay tangway
anay damay husay lamay mayroon paypay sikhay tatay
aray dighay inay lantay nanay pilay silay tibay
atay gabay ingay laway nangalay pugay suklay tinapay
away gulay itay laylay nilay-nilay sabay sungay tiwasay
bagay gutay-gutay kaaway lugay pakay sakay subaybay tulay
bahay hanay kalaykay lumbay palagay saklay sugnay tunay
balangay handusay kamay lumanay palay salakay suway ugnay
bantay himay kampay lupaypay panay salaysay tagumpay wagayway

/ey/

beybi beyk beysbol Leyte keyk reyna

/iw/

agiw aliw-iw giliw paksiw sisiw


aliw baliw liwaliw saliw

/iy/

kami'y (kami ay)

/oy/

abuloy baboy kasoy lumboy palaboy saluysoy taboy tukoy


apoy daloy kuyakoy luoy panaghoy simoy tanghoy tuloy
amoy hoy langoy maligoy pantukoy soy totoy ugoy
biloy kahoy latoy okoy saboy tabatsoy tsampoy unggoy

/uy/

aruy baduy hu

Alam mo na ba kung ano ang ponema? Ang diptonggo? Ang klaster? Alam mo na bang
gamitin ang mga ito sa malinaw na pakikipag-usap? Alam mo ba kung ano ang tekstong narativ? Ang
expositori?

Nasa ibaba ang ilang tanong para mataya kung ano na ang alam mo sa ngayon kaugnay ng
nilalaman ng modyul na ito.

Isulat ang mga sagot sa iyong sagutang papel.

A. Basahin ang mga pangungusap sa ibaba. Isulat sa iyong sagutang papel ang T kung tama at M
kung mali ang ideang ipinapahayag sa pangungusap.

 1. Ang ponema ay makahulugang tunog.


 2. Ang dating Abakada ay may 20 letra.
 3. Dalawampu (20) ang ponema sa wikang Filipino.
 4. Ang alfabeto ng wikang Filipino ay may 28 letra kaya may 28 ponema rin
 5. Lima (5) ang ponemang patinig sa Filipino: /a, e, i, o, u/.
 6. Ang impit na tunog ay nakapag-iiba sa kahulugan ng salita pero hindi ito makikita sa
 pagbaybay o ispeling ng salita.
 7. Ang mga salitang kulay, daloy, aliw at ayaw ay mga halimbawa ng mga salitang may
 diptonggo.
 8. Ang mga diptonggo sa mga salita sa Blg. 7 ay ay, oy, iw at aw.
 9. Ang mga salitang kulayan, kamayin, daluyan at ayawan ay may diptonggo rin.
 10. Ang klaster ay dalawang magkaibang katinig na magkasama sa iisang pantig.
 11. Ang mga salitang drama, braso, gripo at trapo ay mga halimbawa ng mga salitang
 may klaster.
 12. Ang mga klaster sa mga salita sa Blg. 11 ay dr, br, gr at tr.
 13. Pareho lamang ng kahulugan ang dalawang pangungusap sa ibaba:
 • Hindi, akin ang kendi sa mesa.
 • Hindi akin ang kendi sa mesa.
 14. Ang tekstong narativ ay nagsasalaysay o nagkukwento.
 15. Ang tekstong expositori ay naglalahad o nagpapaliwanag.

B. Isulat sa iyong sagutang papel ang angkop na diptonggo para mabuo ang mga salita sa ibaba.
Ibinigay ang kahulugan ng salita bilang clue.

1. sukl_ _ pang-ayos ng buhok


2. bugh_ _ isa sa mga kulay
3. ar_ _ sumisikat tuwing umaga
4. bal_ _ sira ulo
5. bah_ _ tirahan
6. tul_ _ pasok
7. tul_ _ tawiran sa ibabaw ng ilog
8. suh_ _ suporta
9. sal_ _ tugtog na kasabay ng kanta
10. ag_ _ dumi sa bahay
11. sakl_ _ ginagamit ng pilay
12. pil_ _ may baling buto
13. il_ _ nagbibigay ng liwanag
14. sis_ _ anak ng inahen
15. dil_ _ isa sa mga kulay

Das könnte Ihnen auch gefallen