Sie sind auf Seite 1von 13

Ang 4p’s Program ng Pamahalaan sa Pag-aaral ng Cabay National High School

taong panuruan 2017-2018

Isang payak na pananaliksik na iniharap kay;


Bb.Clarissa C. Reyes
Guro sa Filipino

Bilang Pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino; Pagbasa at


Pagsusuri ng ibat ibang teksto tungo sa Pananaliksik
Nina;
Ednalyn Recana
Arjay . Aquino
Reymark De Rosales
Klarice Dimayuga
DAHON NG PASASALAMAT
Kami ay taos pusong nagpapasalamat sa mga sumunsunod na indibidwal at tanggapan
dahil sa tulong, kontribusyon at suporta upang maging matagumpay ang pamanahong
papel na ito.
*Sa panginoon ,para sa pagdinig sa aming panalangin lalong lalo na kung kami ay
nawawalan ng pag asa para matapos ang aming pananaliksik.
*Sa aming pamilya , sa tulong at pag suporta sa aming ginagawang pananaliksik .
*Sa mga guro na nag bahagi ,nag bigay ng impormasyon upang maging matagumpay
ang aming pananaliksik.
*Sa aming kamag aral na tumulong upang matapos ang pananaliksik na ito.
*Sa google, para sa mga impormasyong kailangan para sa pananaliksik.

Muli maraming ,maraming salamat!!!

Mga mananaliksik,
KABANATA I
INTRODUKSYON
Ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ay isang hakbang ng
pambansang pamahalaan para sa pagpapabuti ng kalagayang pang tao ng ating mga
kababayan. Nagbibigay ito ng kondisyonal na tulong-pinansiyal para sa
pinakamahihirap na Pilipino upang pabutihin ang kalusugan, nutrisyon, at edukasyon ng
mga batang may edad 0 hanggang 18 taong gulang. Kailangang matupad ng mga
pamilya ang mga kondisyon ng pamahalaan upang maibigay sa kanila ang tulong-
pinansiyal. Halaw ito sa programang Conditional Cash Transfer (CCT) ng mga bansa sa
Latin Amerika at Aprika, na maiangat sa kahirapan ang milyon-milyong tao sa buong
mundo.
Ang Pilipinas hanggang ngayon ay patuloy paring nilalabanan ang
kahirapan sa maraming taon. Ang problema ang tungkol sa kahirapan ay naipapasa sa
bawat presedente ang pinakamataas na posisyon ng republika (fabros 2012).
Ang bagong kampanya laban sa kahirapan na ipinatupad na sa ilang mga
bansa sa mundo ay ang Conditional Cash Transfer program (CCT). mga bansa sa
timog America tulad ng Brazil, Colombia, at Mexico ay patuloy pang pinatutupad ang
CCT sa kasalukuyan, ang programang CCT ay kinupkop at ipinatutupad at ito ay
pinangalanan bilang Pantawid Pamilya Pilipino program (4p’s) (Chaudhary, et. al 2013).
Pangarap ng bawat magulang ang mabigyan ng magandang kinabukasan
ang kanilang mga anak. Ang kalusugan at edukasyon ang siyang daan upang
maisakatuparan ang pangarap na ito. Ngunit maraming pamilya ang hindi kayang
matugunan ang mga pangangailangan at pag aaral ng kanilang mga anak.
Alam naman natin na dito sa ating paaralan cabay national high school
(CNHS) ay marami ang benepisyaryo ng 4p’s, ngunit saan nga ba talaga napupunta
ang perang nakukuha ng mga magulang mula dito. Napupunta ba ito para sa pag aaral
ng kanilang mga anak sa pagkain ba o sa ibang bagay, sa pag aaral na ito gusto
naming malaman kung saan nga ba napupunta ang alawans ng mga batang
benepisyaryo ng 4p’s.
PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Ang pamanahong papel na ito ay nagbibigay ng impormasyon hinggil sa saloobin
ng mga 4p’s na estudyante sa cabay national high school. Narito ang mga
mahahalagang katanungan na nais mabigyan ng kasagutan at paglilinaw ukol sa
programang ito.

1.Gaano kadami ang benepisyaryo ng 4p’s program sa Cabay National High


School;
a) Grade 7
b) Grade 8
c) Grade 9
d) Grade 10
e) SHS
2.Ano ang naitutulong ng 4p’s sa mga benepisyaryong estudyante sa Cabay
National High School?
3.May sapat bang naitutulong ang 4p’s sa mga benepisyaryong estudyante sa
Cabay National High School?

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Ang pag aaral na ito ay mahalaga dahil nagbibigay ito ng mga karagdagang
impormasyon sa mga taong kasangkot sap ag aaral na ito. Ito ay tumatalakay sa 4p’s
Program ng Pamahalaan sa Pag aaral ng Cabay National High School. Layunin nitong
makatulong sa mga sumusunod:

DSWD – Ang pananaliksik ay mahalaga sa ahensyang ito dahil ito ay makakapagbigay


feedback sa epetibidad ng implementasyon ng programang pantawid pamilya.
PAMAHALAAN NG REPUBLIKA NG PILIPINAS – Makatutulong ito upang malaman
at maebalweyt ng pamahalaan ang mga epekto ng mga programang kanilang
ipinatutupad sa buong bansa sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kaalaman sa mga
saloobin ng mga benepisyaryo ng programa.
CABAY NATIONAL HIGH SCHOOL– Mahalaga ang pag aaral na ito sa paaralan
sapagkat malalaman nila ang epektibidad at saloobin kaugnay kung saan napupunta
ang alawans ng mga estudyanteng benepisyaryo ng 4p’s.

LAYUNIN NG PAG AARAL


Ang mga mananaliksik ay naglalayong maglagay ng isang marka kung hanggang
saan ang itatakbo ng pananaliksik. Ang mga layunin ay ay ang mga sumusunod:
1.Malaman kung ilan ang bilang ng estudyanteng benepisyaryo ng 4p’s sa Cabay
National High School.
2. Malaman kung saan napupunta ang benepisyong nakukuha mula sa
programang 4p’s.
3.Malaman kung ano ang saloobin ng mga 4p’s na estudyante.

SAKLAW AT LIMITASYON
Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sap ag aaral sa 4p’s Program ng Pamahalaan
sa Pag aaral ng Cabay National High School. Saklaw nito ang mga 4p’s na
estudyanteng nakatatanggap ng benepisyo mula sa programa. Gumamit ang mga
mananaliksik ng isang talatanungan upang makapangalap ng mga datos. Naka pokus
ang pag aaral sa mga nakuhang sagot mula sa mga respondante.
BALANGKAS TEORETIKAL
ANG 4P’S PROGRAM NG
PAMAHALAAN SA PAG AARAL NG
CABAY NATIONAL HIGH SCHOOL

Mga mag-aaral na miyembro ng 4p’s


sa Cabay National High School

Upang matulungan ang mga


mahihirap at estudyante sa EPEKTO
kanilang edukasyon o pag-
aaral.

Ang negatibong epekto


ng 4p’s ay minsan sa
halip na pambayad sa
Ang positibong epekto ng eskwelahan ay
4p’s ay makatulong sa pag napupunta pa ito para
aaral ng mga estudyanteng sa pagbili ng iba pang
benepisyaryo nito. pangunahing
pangangailangan ng
mga bata.

Maihahayag namin ang resulta


ng aming pananaliksik batay
kasagutan na ibinigay ng mga
respondent.
KONSEPTWAL NA BALANGKAS

input proseso resulta


• survey method • kami ay • maihahayag
ang gagamitin nakakakuha ng namin ang
para sa mga resulta galing resulta ng
4p's na mag sa labing aming
aaral ng Cabay dalawang 4sp pananaliksik
National High na studyante. batay sa mga
School. sagot na
ibibigay ng mga
respondent
"Ang 4p's
Program ng
Pamahalaan sa
Pag aaral ng
Cabay National
High School"
DEPINASYON AT TERMINOLOHIYA
Upang maging mas madali ang pagkaka intindi ng mga mambabasa minarapat
naming bigyang depinasyon ang mga sumusunod na terminolohiya batay sa kung ano
ang kahulugan nito at kung paano ginamit ang bawat isa sa pamanahong papel na ito.

4P’S Ang pantawid pamilya ay programa ng pamahalaan na ay layunin ay makatulong


sa mga mahihirap na mamamayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong pinansyal
o cash grant para sa pangangailangan sa nutrisyon, kalusugan, at pag aaral ng mga
bata (pantawid pamilya Pilipino program beneficiary guide booklet, 2010)
CCT Conditional Cash Transfer ay mga programa na nagbibigay ng pera sa mga
mahihirap na pamilya, sa condition na ang mga pamilyang iyon ay magbibigay ng
halaga o magpupundar sa human capital ng kanilang kamag anak (fiszbein, et al,2009).
DSWD Department of Social Welfare and Development ay isang pampamahalaan na
institusyon na responsible sa proteksyon sa mga karapatan ng mga mamayan sa
lipunan at nagsusulong ng pangka unlaran ng bansa (dswd.gov.ph). Ang ahensya ng
pamahalaan na namamahala sa programang pantawid pamilya at nakikipag tulungan
sa CHED at DOLE.
CHED Commision on Higher Education ay isang pampamahalaang institusyon sakop
ang parehong pampubliko at pribadong institusyon para sa mataas na edukasyon
(ched.gov.ph).
ESTUDYANTE Isang tao na pumapasok sa paaralan, unibersidad o kolehiyo para mag
aral. Ang mga benepisyaryo ng 4p’s sa Cabay National High School.
SGP-PA Students Grant-in-Aid Program for Poverty Alleviation ay programang
nagbibigay tulong pinansyal sa mga 4p’s na mga estudyante. Ang Department of Social
Welfare and Development (DSWD) sa pamamagitan ng Pantawid Pamilya Pilipino
Program kaakibat ang Commission on Higher Education (CHED) at ang Department of
Labor and Employment (DOLE) ang nagpatupad ng programang ito (DSWD F.O VIII,
2012).
KABANATA II
MGA KAUGNAY NA PAG AARAL AT LITERATURA

Ang Pantawid Pamilya Pilipino Program ay programa ng pamahalaan na ang


layunin ay makatulong sa mga mahihirap na mamamayan sa pamamagitan ng
pagbibigay tulong pinansyal o cash grant para sa pangangailangan sa nutrisyon,
kalusugan, at pag aaral ng mga bata (Pantawid Pamilya Pilipino Program Beneficiary
Guide Booklet 2010).
Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamagitan
ng Pantawid Pamilya Pilipino Program kaakibat ang Commission on Higher Education
(CHED) at ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa pagpapatupad ng
programang nagbibigay tulong pinansyal sa mga estudyante na mas kilala bilang
Students Grant-in-A
May ginawa na pananaliksik patungkol sa programang CCT sa Pilipinas o ang
Pantawid pamilya, isinagawa ito nina Chaudharry et.al ng World Bank Development
Economics Research Group at ng World Bank East Asia and Pacific Region , Human
Development . Ang pag aaral na isinagawa ay nagpapakita na ang Panatawid Pamilya
ay may malakas na epekto sa mga estudyante. Dinagdag din nina chaudharry et.al (2013)
ayon sa pag aaral na ang mga pantawid barangay ay mas mataas ang porsyento ng
pagpasok sa paaralan kaysa di pantawid barangay ng 3.8% puntos mas mataas sa mga
kabataang edad 6-11 taong gulang, 4.9% mas mataas sa mga edad 12-14 taong gulang
at 7.6% mas mataas sa mga edad 15-17 taong gulang. Nagpapakita ito na magandang
naidudulot ng programa sa mga benepisyaryong pamilya at mag aaral.
KABANATA III
DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

DISENYO NG PANANALIKSIK
Upang malaman, ilarawan at suriin ang saloobin ng mga 4p’s na estudyante sa
pagiging benepisyaryo sa paaralang Cabay, ginamit ang diskriptive analitik bilang paaran
ng pananaliksik. Ang purposive sampling naman ang ginamit bilang teknik sa pagpili ng
mga respondent sa dahilang kaya nila sagutin ang mga tanong na inihanda ng mga
mananaliksik.

MGA RESPONDENT
Ang mga piniling respondent sa pag-aaral na ito ay ang mga benepisyaryo ng 4p’s
ng mga studyante sa CNHS buhat sa ika-7 hanggang sa ika-12 baitang
Sa kabilang banda dahil malaki ang bilang ng mga estudyante ay pumili lamang
kaming mananaliksik ng dalawang mag-aaral sa bawat baiting ng grade-7, grade-8
grade-9, grade-10, grade-11 at grade-12 upang magkaroon ng pantay na
representasyon. Sa kabuuan ay may bilang na 12.

INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK
Sa pananaliksik na ito ay gumamit ng pagsusurbey upang makakuha ng mga
impormasyon tungkol sa alokasyon ng alawans ng mga 4p’s na estudyante ng cabay.
Ang mga mananaliksik ay naghanda ng surbey kwestyoner upang makapangalap ng mga
datos na makatutulong sa pag-aaral na ito.

TRITMENT NG MGA DATOS


Dahil ang pamanahong papel na ito ay isang pangunahing pag-aaral lamang at
hindi naman isang pangangailangan sa pagtamo ng isang digri, walang ginawang
pagtatangka upang masuri ang mga datos sa pag-aaral na ito sa pamamagitan ng
matataas na kompleks na istatistikal na pamamaraan. Bilang o dami lamang ng mga
pumili sa bawat pagpipilian ng bawat aytem sa kwestyoner ang inalam ng mga
mananaliksik. Samakatuwid ang pagtatally at pagkuha ng porsyento lamang ang
kailangan gawin ng mga mananaliksik.
KABANATA IV
Ang 4p’s Program Ng Pamahalaan Sa Pag-aaral Ng Cabay National High School
Mga Tanong Oo Hindi Porsyento
1.Sa iyong palagay
nakatutulong nga ba ang 12 0 100%
programang 4p’s ng
gobyerno sa mahihirap?

2.Malaki ba ang naitutulong


ng programang ito sa mga 12 0 100%
estudyanteng benepisyaryo
ng 4p’s?
3.Malaki ba ang epekto ng 100%
programang ito sa mga 12 0
benepisyaryo ?
4.Nagagamit ba ng tama
ang perang nakukuha sa 11 1 92%
programang 4p’s?
5.Napupunta ba ang perang
nakukuha sa programang 100%
ito para sa pag-aaral ng 12 0
mga studyante?

6.Maganda ba ang epekto 100%


ng programang 4p’s para sa 12 0
mga studyante?

INTERPRETASYON
Batay sa resulta ng aming ginawang pagsusurbey mula sa mga benepisyaryo ng
4p’s sa Cabay National High School walumpot tatlong porsyento 83% sa mga ito ang
nagsasabing nakakatulong ang programang 4p’s para sa pag aaral ng mga
estudyanteng kabilang dito samantalang labing pitong porsyento 17% lamang sa mga ito
ang hindi sumang ayon batay sa kwestyoner at pagsusurbey na ginawa.
KABANATA V
LAGOM, KONLUSYON AT REKOMENDASYON

LAGOM
Ang pag aaral na ito ay naglalayong malaman kung ano nga ba ang naitutulong ng
programang 4p’s sa Cabay National High School at magbigay alam kung saan nga ba
napupunta ang perang natatanggap mula sa programang ito, kung napupunta nga ba ito
para sa pag aaral ng mga estudyanteng benepisyaryo nito.Gamit ang deskriptib analitik,
ang mga mananaliksik ay gumawa ng surbey kwestyoner upang makapangalap ng mga
datos at impormasyon.

KONLUSYON
Pagkatapos i-tally ang resulta ng surbey kwestyoner, nalaman ng mga mananaliksik
ang sumusunod na konklusyon:
a) Nalaman kung gaano kadami ang benepisyaryo ng 4p’s program sa Cabay
National High School;
BAITANG DAMI NG ESTUDYANTENG PORSYENTO
BENEPISYARYO NG 4P’S
Grade 7 41 40.6%
Grade 8 30 30.9%
Grade 9 30 29.4%
Grade 10 36 41.4%
SHS 32 38%

b) Ang mga naitulong ng 4p’s program sa mga estudyanteng benepisyaryo nito sa


Cabay National High School ay;

b.1 Nakatutulong ang programang 4p’s ng gobyerno sa mga mahihirap.


b.2 Nakatutulong ang programang ito sa pag aaral ng mga estudyanteng
benepisyaryo nito.
b.3 Malaki ang epekto ng programang ito para sa mga estudyanteng benepisyaryo
nito.
b.4 Isa ito sa dahilan kung bakit nakakaraos ang mga pamilyang benepisyaryo ng
4p’s.
b.5 ito rin ay malaking tulong sa pangkalusugan at edukasyon ng mga
benepisyaryo
c). May sapat na naitutulong ang 4p’s program ng pamahalaan sa pag aaral ng
Cabay National High School dahil ito’y nakapag bibigay ng malaking tulong para
sa pag aaral ng mga benepisyaryo nito.

REKOMENDASYON

a) Para sa mga magulang ilaan ng tama ang perang nakukuha mula sa 4p’s
program kung ito ay para sa edukasyon ng mga benepisyaryo nito.
b) Para sa mga estudyanteng benepisyaryo nito pahalagahan ang mga tulong na
binigay ng programang 4p’s ng gobyerno.
c) Dapat ilaan ng tama ang perang nakukuha at huwag ibili ng kung ano anong
hindi importanteng bagay.

Das könnte Ihnen auch gefallen