pimamunuan ni Manuel L. Quezon. Komonwelt ang tawag sa
sitwasyong pamulitika ng Pilipinas na naglayong tuluyang wakasan ang pananakop ng Amerika sa Pilipinas. Ang mga sumusunod na manunulat ay kinilala noong panohon ng Komonwelt: 1. Lope K. Santos - Banaag at Sikat Ang Banaag at Sikat[1] ay isa sa mga isinaunang mahabang salaysaying pampanitikan na isinulat ni Lope K. Santos sa wikang Tagalog noong 1906.[2] Bilang isang aklat na tinaguriang “bibliya ng mga manggagawang Pilipino”[2], umiinog ang mga dahon ng nobelang ito sa buhay ni Delfin, sa kaniyang pag-ibig sa isang dalagang anak ng mayamang nagmamay-ari ng lupa, habang tinatalakay din ni Lope K. Santos ang mga paksang panlipunan: ang sosyalismo, kapitalismo, at mga gawain ng mga nagkakaisang-samahan ng mga liping manggagawa. 2. Jose Corazon de Jesus - Isang Punungkahoy
Ang kalagayan ng puno sa Isang Punong Kahoy ni Jose Corazon De Jesus
ay noong una ay masagana, maayos at namumunga. Ito ay nakakapagbigay ng silong o tirahan sa mga ibon at nagpapaganda sa lugar kung nasaan siya. Ngunit kung ihahambing natin ito sa buhay ng tao, ang yugtong ito ng buhay ay ang kamatayan. Kung saan ay ikaw ay ihahatid sa simbahan na nakapaloob sa isang kahoy o kabaong. Ito ang punto ng buhay na may mga taong iiyak na maaaring kamag-anak, kapamilya, kaibigan o maging ordinaryong kakilala lamang. Ito ang punto ng buhay na tanging ang mga taong nakasama mo ang iiyak at malulumbay sa iyong pagkawala. 3. Amado Hernandez - Isang Dipang Langit Isang Dipang Langit Ako’y ipiniit ng linsil na puno hangad palibhasang diwa ko’y piitin, katawang marupok, aniya’y pagsuko, damdami’y supil na’t mithiin ay supil. Ikinulong ako sa kutang malupit: bato, bakal, punlo, balasik ng bantay; lubos na tiwalag sa buong daigdig at inaring kahit buhay man ay patay. Sa munting dungawan, tanging abot-malas ay sandipang langit na puno ng luha, maramot na birang ng pusong may sugat, watawat ng aking pagkapariwara. Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod, sa pintong may susi’t walang makalapit; sigaw ng bilanggo sa katabing moog, anaki’y atungal ng hayop sa yungib. Ang maghapo’y tila isang tanikala na kala-kaladkad ng paang madugo ang buong magdamag ay kulambong luksa ng kabaong waring lungga ng bilanggo. Kung minsa’y magdaan ang payak na yabag, kawil ng kadena ang kumakalanding; 4. Julian Cruz Balmaceda - Kahapon Ngayon at Bukas Si Julian Cruz Balmaceda ay itinuturing na isa sa mga haligi ng panitikang Pilipino dahil sa malaking kontribusyon niya sa sariling panitikan. Siya ay isang makata, mandudula, kuwentista, mangangatha, nobelista at mananaliksik-wika. Naging patnugot siya ng Surian ng Wikang Pambansa. Isinilang si Balmaceda sa Orion, Bataan noong 28 Enero 1895. Nag-aral siya sa Colegio de San Juan de Letran. Natapos siya ng dalawang taong pag-aaral ng Batas sa Escuela de Derecho. Sa gulang na labing-apat ay nagwagi na sa isang timpalak ang kanyang dulang Ang Piso ni Anita, isang dulang musikal na ang paksa ay tungkol sa pagtitipid. Pinaksa rin ni Balmaceda sa kanyang mga dula ang pilosopiya ng sosyalismo, kagalingang-bayan at pangkasaysayan. Sa kanyang mga dula ay lalong kilala ang Sa Bunganga ng Pating, tumutuligsa ito sa mga nagpapautang na labis magpatubo. Mula rin sa kanyang panitik ang Sangkwaltang Abaka, Dahil sa Anak, Budhi ng Manggagawa, Musikang Tagpitagpi, Ang Bagong Kusinero, at iba pa. Sa nobela ay mababanggit ang Himagsikan ng mga Puso at Tahanang Walang Ilaw. Ang katipunan ng mga tulang kanyang nasulat ay tinawag niyang Pangarap Lamang. Kasama sa katipunang ito ang Marilag na Guro, Sa Bayan ni Plaridel, Magsasaka, Nasaan Ka, Bakit, Ulila, Anak ni Eba, at marami pang iba. Ginamit niya ang sagisag na Alpahol sa kanyang pagsusulat. Ang huli niyang naisulat ay isang tula na ang pamagat ay Punungkahoy. Siya ay binawian ng buhay noong 18 Setyembre 1947 sa gulang na 52. 5. Florentino Collantes - Lumang Simbahan Si Julian Cruz Balmaceda ay itinuturing na isa sa mga haligi ng panitikang Pilipino dahil sa malaking kontribusyon niya sa sariling panitikan. Siya ay isang makata, mandudula, kuwentista, mangangatha, nobelista at mananaliksik-wika. Naging patnugot siya ng Surian ng Wikang Pambansa. Isinilang si Balmaceda sa Orion, Bataan noong 28 Enero 1895. Nag-aral siya sa Colegio de San Juan de Letran. Natapos siya ng dalawang taong pag-aaral ng Batas sa Escuela de Derecho. Sa gulang na labing-apat ay nagwagi na sa isang timpalak ang kanyang dulang Ang Piso ni Anita, isang dulang musikal na ang paksa ay tungkol sa pagtitipid. Pinaksa rin ni Balmaceda sa kanyang mga dula ang pilosopiya ng sosyalismo, kagalingang-bayan at pangkasaysayan. Sa kanyang mga dula ay lalong kilala ang Sa Bunganga ng Pating, tumutuligsa ito sa mga nagpapautang na labis magpatubo. Mula rin sa kanyang panitik ang Sangkwaltang Abaka, Dahil sa Anak, Budhi ng Manggagawa, Musikang Tagpitagpi, Ang Bagong Kusinero, at iba pa. Sa nobela ay mababanggit ang Himagsikan ng mga Puso at Tahanang Walang Ilaw. Ang katipunan ng mga tulang kanyang nasulat ay tinawag niyang Pangarap Lamang. Kasama sa katipunang ito ang Marilag na Guro, Sa Bayan ni Plaridel, Magsasaka, Nasaan Ka, Bakit, Ulila, Anak ni Eba, at marami pang iba. Ginamit niya ang sagisag na Alpahol sa kanyang pagsusulat. Ang huli niyang naisulat ay isang tula na ang pamagat ay Punungkahoy. Siya ay binawian ng buhay noong 18 Setyembre 1947 sa gulang na 52.