Sie sind auf Seite 1von 1

Manuel S.

Enverga University Foundation


Lucena City, Philippines
Granted Autonomous Status
CHED CEB Res. 076-2009
This is life! Walang ibang ginagawa kundi kumain, matulog, manood ng tv,
internet, dagdagan mo pa ng panonood ng porn, sabay kain ulit. ‘Yan ang ikot ng buhay
ko. Wala eh, taong bahay. Nakakatamad kaya mag-aral. Lumabas ako ng bahay, bitbit
ang bagong cellphone na regalo sa akin ni mama. Madaming batang naglalaro, ang
matatanda’y nagtotong-its, may nagwawalis, at meron din namang nakaupo lang
habang pinagmamasdan ang lugar. Nagulat nalang ako nang may biglang nagtext, si
Kaye. Nagpapasundo siya sa akin sa kaniyang eskwelahan. Eto ang unang beses niya
magpasundo. So ako naman si dakilang bida bida, takbo agad papasok ng bahay at
dali daling nagbihis. “Ma, diyan lang ako sa purok kanto ha”. Di ko na hinintay ang sagot
niya, dumeretso na agad ako sa aking paroroonan.

Pababa na ang sikat ng araw nung ako’y makarating sa school. Uwian na ng mga
estudyante ng Enverga. May mangilan-ngilan akong mga dating kaklase na nakikitang
lumalabas ng paaralan. "Toot, toot, toot" Rinig ko ang sunod sunod na pag tap ng mga
estudyante ng kanilang mga ID na sinasabayan ng pagtawag ng mga drayber ng jeep
para sumakay sa kani-kanilang sasakyan. Habang naghihintay ako sa labas ng gate,
may isang babaeng estudyante, na wari ko'y HUMMS dahil sa kulay ng kaniyang ID, na
nag-abot sa akin ng shoulder bag ni Kaye, sabay paalam na pinapahabilin daw niya ito
sa akin. Sa aking pagkausisa, binuksan ko ito ng walang pasabi, ano ba dapat ang
makita ko doon? Mga notebook, libro, ballpen at mga gamit na kailangan sa araw-araw
na pag pasok. Sa aking pag halungkat at pangingialam ng kaniyang gamit ay makikita
sa aking mukha ang ngiti na patawa.

Sa lalim ng aking pag halungkat at pangingialam, nakita ko ang isang pouch na may
pabango, pulbo, lip tint, at isang libro. Ang libro na nakita ko ay isang diary, lalo akong
napangiti habang binabasa ito sa aking isip:

"Dear Diary,
Nagising na naman ako sa alarm galing sa aking cellphone, as usual, sa aking
wallpaper, si crush agad ang nakita ko, OMG. Kaya ginaganahan akong pumasok eh,
my gad"

Iyon ang unang pangungusap na nakasulat, Ang aking ngiti ay mistulang nahinto.

"Eto nanaman si Sir William, haay antok na naman, mag aaral nalang ako sa bahay,
itutulog ko nalang ito."

Patuloy pa ang paglalahad niya sa pag daan ng araw. Dumating ang oras na kita ko na
siya sa malayong distansya. Minadali kong pinag saksakan lahat ng gamit niya sa
kaniyang bag. Kasama niya ang kanyang mga kaibigan na may mga lobo, at patungo
palabas ng gate na nakangiti. Lumapit si Kaye sa akin, at sambit ko "Happy 17th
Birthday Kaye!" sabay abot ng isang maliit na paperbag ng Bench at tatlong pulang
rosas. Kita ko sa kaniyang ngiti na siya ay masaya sa pagdaan ng araw. Kwentong-
kwento siya kung paano siya pinasaya ng kanyang mga kaibigan. Sinundo ko na siya
pauwi ng bahay, sakay sa isang tricycle na lagi kong nasasakyan noon. Pagkarating
namin, may mga nakahandang mga pagkain at naroon din ang iba pang mga kaibigan
sa pag gunita ng kaniyang kaarawan. Bago lumabas si Kaye sa tricycle na aming
sinasakyan, sinabihan ko siya "Kaye, sinilip ko nga pala yung bag mo kanina, sa may
gate, nakita ko yung diary mo. Akala ko ba ako lang?". Bakas sa kaniyang mukha ang
kaba at pagkahiya. "Ah 'yun ba? Wala yun, kemekeme lang yun. Hehe" Bago tumayo
ay bigla siyang ngumiti ng maliit sabay yakap sa akin ng mahigpit, "Thanks nga pala sa
pabango na bigay mo kuya ha. Aylabeeeet" nagmamadaling lumabas ng tricycle si
Kaye at mahigpit niyang niyakap sila mama at papa. Napatawa ako. Dalaga na nga
talaga ang aking kapatid.

COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES


University Site, Red-V, Lucena City, Philippines; Tel No. (042)710-3171; arts_mseuf@yahoo.com

Das könnte Ihnen auch gefallen