Sie sind auf Seite 1von 61

Alitaptap Sa Gabing Mailap | Psy 13

UNANG EKSENA: ANG UTAK

*Ang entablado ay nababalot ng kadiliman... May isang manipis ngunit matining na


ilaw na siyang dadapo sa Kinatatayuan ni SALVACION

Matuwid na matuwid ang pagkakatayo ng babae: ang kanyang tinig ay malambing,


parang huni ng ibon, parang musika, Lagi mayroon nakatagong ngiti sa kanyang
mga labi, isang maawing ekspresyon na wari ay Mate Dolorosa, mapagkumbaba at
handang magbigay ng payo sa sino mang naliligaw sa kanyang kinalalagayan.

SALVACION:​​ Ang utak. Maselan. Matatag. Mapaglaro. Napapakinabangan. Ang


kaibuturan ng bawat tao ay ang kanyang utak. Sabihin na nga natin na ang puso
ang nagpapaagos ng dugo sa kanyang mga nugat at siyang nagbibigay ng sigla at
sustansiya sa kanyang tauhan. Sabihin na rin natin na kapag ang puso ay
napinsala, ang buong katawan ang siyang mapapahamak. Ngunit kasing halaga ng
puso ang utak.

Mula sa utak nagmumula ang bawat instruksiyon. Ang bawat katuturan.. Ang
tanging kahuluugan na syang tumatangi sa tao mula sa mga hayop. Sapagkat ang
yao ay may utak, tayo ay may dahilan. At kapag ang utak ay naagnas, kapag ito
ay nabahiran ng kahit man anong kapansanan... naglalabo ang kahulugan ng
pagkayao... pati narin ang katuturan ng puso... at ang kahalagahan ng
kaluluwan.

*Unti-unting liliwanag ang kapaligiran ni SALVACION upang ipakita ang isang


malaking espasyonh kilalagyan ng iba’t ibang katauhan. Makikita ang ibng mga
pasyente ng klinika. Sila ay nakatayo, sinukluban ng mga anino, manonood ngunit
walang bakas na damdamin o ulirat sa kanilang mga mukha.

Sa dalawang bahagi ng entablado ay makikita ang isang bantay. Siya ay ang orderly
– si SAMUEL.

SALVACION:​​ At ilan sa ating mga kapatid ang pinagtatampuhan ng kapalaran....


tinutukso... nilalait sa pamamagitan ng kanilang sariling utak.

Ang pananaw ng daigdig ay nasasagap lamang mula sa utak ng bawat isa sa


atin. Maririnig mo ang gusto mong marinig, masisilayan ang gustong makita. Ang
lahat ng daigdig ay namamasok sa kaisipan ng bawat tao sa pamamagitan ng
kanyang utak.

Dito sa aming klinika, ang naghahari ay siyensa, kami ang mga alaga ng
siyensa. Kami ang mga naatasang mag-alaga ng ating mga kapatid na kinapos-palad

1
Alitaptap Sa Gabing Mailap | Psy 13
na nakawan ng dahilan... Minalas na mapagkaitan ng tamang pag-iisip... nawalan
ng saysay ang sariling utak.

Silang mga kinatatakutan, pinandidirihan, at iniiwasan ng lipunan ay aming


kinukupkop. Dito sa aming klinika, ang tanging batas ay siyensa.... at ang
tanging masusunod ay ang mga napag-aralang pamamaraan kung papaano... kahit
papano manumbalik ang wastong pag-iisip.

Wala ditong aksidente, lahat pinag-aralan... lahat pinag-isipan. Ang lahat


ay tumpak sa daigdig ng mga inaalagaang baliw.

*Unti-unting maririnig ang sabay sabay na bulungan ng mga pasyente. Hindi sila
gumagalaw, nakatitig lamang at panay ang pag-ugong ng kanilang mga tinig, parang
mga bubuyog. Magpapatuloy si SALVACION

SALVACION:​​ Wala ditong mga pasyente... lahat ay mga kapatid. Kami ang
nag-aalaga, sila ang mga inaalagaan. Nasa amin ang kasagutan sa kanilang mga
katanungan. At ang lahat ng katanungan ay sinusuklian lamang ng tinatagi at
sinasabing dahilan.

*Palakas ng palakas ang pag ugong ng mga bulong-bulungan. Lalabas na si SALVACION

IKALAWANG EKSENA: ANDRES CARANDANG

*Hindi maglalaho ang ilaw. Ang mga pasyente ang siya na ring mag-aayos ng
entablado, maglalabas ng mga bangko at silya, itatag ang RECREATION ROOM ng
klinika. Magsisiupuan ang ilan sa kanila habang ang iba ay sasalampak sa sahig.
Nagbabasa ng komiks si JULIE. Si CAPISTRANO ay nagmumukmok sa isang sulok, yakap
ang sarili at patuloy na inuuga ang katawan. Si BIG MAMA ay nasa kanyang silya,
gumagawa ng isang basket habang sina MENESES at KA-PABLO ay nakaupo sa kanto,
naglalaro ng dama.

Nakikinig ng radyo habang nagbabasa ng tabloid si SAMUEL. Maghihikab si


SAMUEL.

(hahablutin ni SAMUEL ang komiks ni JULIE. Maiilang ang dalaga.)

SAMUEL:​​ ​Anong oras na?

2
Alitaptap Sa Gabing Mailap | Psy 13
YAP:​​ Huy! Ano yang binabasa mo?

JUNIE:​​ Amin na yan!

SAMUEL:​​ Sagutin mo muna tanong ko.

(Pipilitin ni JULIE na makuha ang komiks ngunit ito ay papalipat-lipatan ni


SAMUEL sa kanyang mga kamay)

JUNIE:​​ A-a-amin na yan, eh!! Ma-ma-mapu-punit, eh!

SAMUEL:​​ Sagot muna!

(​Aangal si Ka-PABLO)

PABLO:​​ Huwag nga kayong masyadong maingay. Hindi kami makapag-isip dito!

JULIE:​​ Amin na ang komiks ko!

(​Ihahagis ni SAMUEL ang komiks sa sahig na kaagad dadamputin ni JULIE)

SAMUEL:​​ Hayan na! Tanginang to...

MENESES:​​ Matagal pa ba ang hapunan?

SAMUEL:​​ Ulol! Kakakain mo lang ng tanghalian, humihingi ka na ng hapunan?!

MENESES:​​ E nagugutom na ko

SAMUEL​​: Pano ka hindi gugutumin, hindi ka kumain ng tanghalian. Kinutkot mo lang


yang pagkain mo!

MENESES:​​ Purgang purga na ko sa nilagang gulay.

SAMUEL:​​ Hayaan mo, mamaya raw steak ang ipapakain sa inyo!

PABLO:​​ Maigi nga yung gulay.. Magaling sa katawan.

MENESES:​​ Araw-araw yon na lang! Hindi ba, ka PABLO?!

PABLO:​​ Huwag kang maingay, iniisip ko ang tira ko!

MENESES:​​ Ano ba ang sabi ni Miss SALVACION? Noong isang linggo nangako siya na
papalitan na ang pagkain! Bskit hanggang ngayon ito pa din?

3
Alitaptap Sa Gabing Mailap | Psy 13
SAMUEL​​: Pasensya na, naniwala ka eh. Mabuti pa tong si BIG BOY, walang imik.
Kahit buhangin ang ipakain mo, lulunukin.

(​susulyapan ni BIG MAMA si SAMUEL, matatawa si SAMUEL)

SAMUEL​​: O? Hindi ka mabiro?

(​Patuloy na lamang si BIG MAMA sa paghahabi ng kanyang ginagawang basket, wala


itong kibo. Igagalaw ni PABLO ang kanyang pitsa sa dama.)

PABLO:​​ ​Hayan.

(​Gagalaw na sana si MENESES ngunit mag-iiba ang isip ni PABLO)

PABLO:​​ Teka!

MENESES:​​ Ano ka ba?! Eh ginalaw mo na ah! (​inis)

PABLO: ​Sandali lang! Nagpalit yung isip ko eh!

MENESES:​​ Hindi na pwede! (​kukunin yung tanzan at ibabalik)

PABLO:​​ bakit hindi?! Pwede!

(​Igagalaw uli ni PABLO ang kanyang pitsa. Maiinis na si MENESES)

MENESES: ​Sinabing hindi eh!!!!

(​Pupwersahin ni MENESES na bitiwan ni PABLO ang hawak na pitsa. Makikita ito ni


SAMUEL at manghihimasok)

SAMUEL:​​ Huy, tama na yan! (​Itutulak)

(Hahawakan si MENESES)

MENESES:​​ Nandaya siya! Mandaraya siya! ​(turo right left)

PABLO:​​ Ikaw ang mandaraya! ULOL, ULOL!

(​babatukan ni SAMUEL si KA PABLO, manunugod ang matanda)

SAMUEL:​​ Oh, tama na!

(​Akmang babatukan muli ni SAMUEL si PABLO. Titigil na ang matanda.)

MENESES:​​ Tarantadong matanda to! Niloloko mo ako! NILOLOKO MO AKO!!

4
Alitaptap Sa Gabing Mailap | Psy 13
SAMUEL:​​ Ah putcha. Alam ko ang solusyon diyan

(​Itataob ni SAMUEL ang board ng dama. Kakalat ang mga pitsa sa sahig. Matitigilan
na lamang ang lahat.)

SAMUEL:​​ Oh ayaaan. Di tapos na ang laro. Pareho kayong panalo, ok? Sport?! GAME
OVER!

(​Hindi kikibo sina MENESES at KA PABLO. Nakatingin lamang si BIG MAMA, makikita
ang galit sa mga mata. Parang tulala si JULIE, takot na takot. Maririnig na
lamang si CAPISTRANO, humahagikgik sa kanyang kinalalagyan inuuga ang sariling
katawan.)

SAMUEL: ​Sige.. Pulutin nyo!

(Pupulutin nina MENESES at KA PABLO ang mga pitsang kumalat sa sahig.

*Papasok sa recreation room sina CARANDANG at DR.BAUTISTA. Si DR.BAUTISTA ay


isang maliit at nakakalbong doktor. Si CARANDANG ay maganda, balingkinitan ngunit
mahahalayang hindi kumikilos ng kusa sa dahilan.)

BAUTISTA:​​ Samuel.. Ano ka ba? Kanina pa ko bumabuzzer sa labas di ka sumasagot!

SAMUEL:​​ wala po ako naririnig, doc.

BAUTISTA:​​ kakaayos lang niyan ah?

SAMUEL:​​ maam sira na naman po.

(​Iilang si Bautista)

BAUTISTA:​​ Ba’t hindi nyo nirereport? Para akong tanga na pindot ng pindot, hindi
naman pala gumagana. Samuel, dalhin mo nga ito sa ward seven... ito si
CARANDANG

(​Magtitinginan ang lahat kay CARANDANG. Hindi ito kikibo, nakatingin lamang kay
BAUTISTA.)

BAUTISTA:​​ CARANDANG, siya ang orderly dito. Siya ang mag-aalaga sayo.

5
Alitaptap Sa Gabing Mailap | Psy 13
(​Iismid si Carandang)

BAUTISTA:​​ Ito si SAMUEL.

(​Hindi kikibo si Samuel)

CARANDANG:​​ Saan ang kwarto ko?

BAUTISTA​​: O Samuel, samahan mo na si CARANDANG sa ward seven.

(​Ngunit bago makalabas, papasok naman si SALVACION)

SALVACION​​: Ipinatawag niyo raw ako, Doktora BAUTISTA.

BAUTISTA​​: Miss SALVACION, ano na naman ang diperensya diyan sa buzzer?


Kakapaayos pa lamang, sira na naman. Pinaglalaruan ata ng mga pasyente eh.

SALVACION​​: Alam ninyong imposible mangyari iyon, DR. BAUTISTA, alam ng mga tao
dito kung ano ang maari nilang gawin at kung ano ang pinagbabawal. Mababait ang
mga tao dito, sumusunod lagi DR. BAUTISTA.

BAUTISTA​​: Eh bakit nasira na naman? Para akong angang pindot ng pindot... kaya
hindi lumalabas sina --

SALVACION​​: Nars po ako, DRA. Hindi electrician.

(​Mapapahiya si Bautista)

SALVACION​​: Hayaan niyo’t patitignan ko mamaya...

BAUTISTA​​: Dapat lang.

(​Aalis na si BAUTISTA, galit. Hihinga ng malalim si SALVACION. Mapupuna ang inis


sa tinig ni CARANDANG.)

CARANDANG​​: Ano ba? Tatayo na lang ba ko dito o merong maghahatid sakin sa


kwarto?

(mapapatingin si SALVACION kay CARANDANG)

SALVACION​​: ikaw si CARANDANG?

CARANDANG​​: OO.

SALVACION​​: Kilala mo ba kung sino ako?

6
Alitaptap Sa Gabing Mailap | Psy 13
CARANDANG​​: eh siguro magpapakilala ka naman diba? Di sabihin mo na, nagtanong ka
pa

SALVACION​​: Ako si Nars SALVACION

CARANDANG​​: ano kamo?

SALVACION​​: NARS SALVACION!

CARANDANG​​: wala ka bang nickname?

(​magugulat ang ibang tauhan sa silid. Magpipigil ng tawa si SAMUEL.)

SALVACION​​: Ako ang supervisor ng ward na ito, at ikaw ay nasa ilalim ng aking
pangangalaga

CARANDANG​​: ay, ganun ba?

SALVACION​​: OO, ganun nga MR. CARANDANG. Mabuti pa yung malinaw ang lahat sa atin
habang maaga.

Ikaw ay nandirito dahil ikaw ay may kapansanan. Ako ay nandiriito para ikaw ay
tulungan, at matutulungan ka lang namin kung kami rin ay iyong tutulungan.
Nagkakaintindihan ba tayo?

(​mapapatingin lamang si CARANDANG)

CARANDANG​​: so far, so good

SALVACION​​: hindi ito bahay bakasyunan, hindi rin ito bilangguan. Ito ay isang
pagamutan. Kaya nandirito ka sapagkat ikaw ay may kapansanan.

CARANDANG​​: sinabi mo na yan...

SALVACION​​: at huwag kang magsasalita habang hindi pa tapos ang aking


pangungusap, hindi maganda sa tao. Hindi gawain ng matinong tao ang maging
bastos!!

CARANDANG​​: eh hindi ba sira naman ako kaya ako nadirito, ang sira naman ay hindi
matino.. Kaya pwedeng maging bastos, hindi ba??

(sandaling katahimikan)

7
Alitaptap Sa Gabing Mailap | Psy 13
SALVACION​​: tapos ka na ba, MR. CARANDANG?

(​sandali pang katahimikan)

CARANDANG​​: OK.

SALVACION​​: tayo ay isang malaking pamilya sa klinikang ito, tayo ay


nagtutulungan. Tayo ay may malasakit para sa isa’t isa. Maaaring magkaiba ang
ating mga kagustuhan ngunit kung ano man ang aming mapagdesisyonan, ito ay para
na rin sa iyong sariling kabutihan, maliwanag ba, miss CARANDANG?

(​hindi kikibo si CARANDANG, nakatitig lamang kay SALVACION)

SALVACION​​: maunawain kami dito, naiintindihan namin ang iyong pangangailangan.


Pero oras na ikaw ay lumabag sa kung ano man ang napagpasiyahan namin na
makakasira sa iyong sariling kabutihan.... Ms CARANDANG, hindi kami
magaatubiling isatuwid ang mga pagkakamali mong nagawa. Mayroon ka bang
katanungan?

(hindi papansinin ni CARANDANG si SALVACION)

SALVACION​​: MR. CARANDANG?

CARANDANG​​: saan ang kwarto ko? Pagod na ko eh

SALVACION​​: SAMUEL...

SAMUEL​​: yes maam

(paalis na si CARANDANG at si SAMUEL nang magsalita muli si SALVACION)

SALVACION:​​ isa pang bagay, MR. CARANDANG...

(hihinto si CARANDANG at SAMUEL)

SALVACION​​: Ang pangalan ko ay nars SALVACION, pwedeng Miss SALVACION. Yun lang
ang maaari mong itawag sakin, maliwanag ba?

(​ngingiti si CARANDANG)

CARANDANG​​: sabi mo, eh.

8
Alitaptap Sa Gabing Mailap | Psy 13
(​aalis na si CARANDANG, kasunod si SAMUEL pasipol sipol, susundan siya ng tingin
ni SALVACION)

SALVACION​​: SAMUEL?

SAMUEL​​: Mam?

SALVACION​​: Bantayan mo yan...

SAMUEL​​: Opo mam

SALVACION​​: tandaan mo samuel. BANTAYAN MO ANG ISANG YAN.

(​tatango si SAMUEL; nakangiti. Lalabas na si SALVACION. Magdidilim ang entablado)

IKATLONG EKSENA: MGA USAP-USAPAN

*Isasaayos ng mga pasyente ang entablado. Magpapasok ang mga ito ng double
deckers na siyang ipapaikot sa entablado, ito ay magsisilbing ward 7.

Naguusap usap sina JULIE, MENESES, at Ka PABLO. Si CAPISTRANO ay nakaupo


sa kanyang kama walang kibo, nakatingin sa malayo, humuhini. Si BIG BOY ay
nakaupo sa kanyang kama, gumagawa ng basket.

JUNIE​​: T-to-too?

MENESES​​: yon ang sabi nila

KA PABLO:​​ e bakit nandirito sya?

MENESES​​: ewan.

JUNIE​​: Ilan raw ang pinatay?

MENESES​​: hindi ko alam.

KA PABLO:​​ dapat yan nasa preso...

MENESES​​: ano ba tawag dito?

9
Alitaptap Sa Gabing Mailap | Psy 13
JUNIE​​: shhh.. Na-nan-di-dirito na.

(​lahat sila ay titingin kay CARANDANG, papasok si CARANDANG. Siya ay nakausot ng


unipormeng pang pasyente)

(pagmamasdan siya, wala munang kinakausap si CARANDANG. Dudukot siya mula sa


ilalim ng kanyang unan ng kaha ng sigarilyo. Magsisindi ito ng isa. Magugulat ang
ibang kasamahan ni CARANDANG)

MENESES​​: bawal yan.

(​hindi kikibo si CARANDANG, magpapatuloy mag sigarilyo)

MENESES​​: huuuy! Bawal yan!

CARANDANG​​: alam ko.

MENESES​​: magagalit si SAMUEL, pag nalaman nilang nagsisigarilyo ka dito.

CARANDANG​​: eh hindi naman nila malalaman eh

KA PABLO:​​ Papano mo napuslit ang sigariloyo’t posporo?

(​hindi kikibo si CARANDANG)

PABLO​​: saan mo inilagay?

CARANDANG​​: sa akin na lang yon

(​sandaling katahimikan. Magititinginan muli sina JULIE, MENESES, at PABLO.


Makikita ni CARANDANG si BIG BOY)

CARANDANG​​: ok yan ah.

(​ngingiti si CARANDANG, hindi kikibo si BIG BOY)

CARANDANG​​: mapalit na ring matapos. Ano? Nakakailan ka niyan sa isang linggo?

(​iikbit si BIG BOY gamit ang balikat)

CARANDANG​​: nakakapagsalita ka ba?

BIG BOY​​: kung meron kelangang sabihin.

10
Alitaptap Sa Gabing Mailap | Psy 13
MENESES​​: bawal din yan

JUNIE​​: da-dapat sa re-re-re-creation room lang yan eh o-o-kaya sa workshop...

CARANDANG​​: eh bakit dito niya ginagawa? Di nautakan niya rin pala yung gagang
yun

KA PABLO:​​ di nila pinapakielaman si BIG BOY

(​matatawa si CARANDANG)

CARANDANG​​: hindi ko rin sila masisi.

(magtitinginan ang tatlo, makikita ni CARANDANG si CAPISTRANO)

CARANDANG​​: eh ito?

MENESES​​: bakit?

CARANDANG​​: ganyan na lang ba yan?

MENESES​​: oo

PABLO​​: hindi yan kumikibo mula nang ipasok yan dito. Ganyan na yan, hindi
nagsasalita.

JUNIE​​: ku-kung ga-gabi lang kung minsan.. U-umi-umiiyak y-yan eh, p-p-parang
ba-bata... U-u-umiiyak.

(​matatawa si CARANDANG)

CARANDANG​​: eh kayo?

MENESES​​: hindi ako luko loko

PABLO​​: ako din naman

MENESES​​: Ipinalagay lang ako ng mga kamag-anak ko dito dahil lagi akong nasisipa
sa trabaho. Luko luko ba yon JUNIE?

(​iiling si JUNIE)

MENESES​​: hindi ako luko luko. Yan! Yang si CAPISTRANO ang luko luko.. Pero ako
hindi.

11
Alitaptap Sa Gabing Mailap | Psy 13
CARANDANG​​: sabi mo eh

PABLO​​: ako naman, yung mga anak ko ayaw na kong alagaan. Kaya pinadala nila ako
ito.

(​ibubuga ni CARANDANG ang usok)

MENESES​​: pag naamoy yan ni SAMUEL, lagot ka!

JUNIE​​: pa-parang mga a-a-a-so ang ilong non

CARANDANG​​: basta ba’t huwag lang silang mangangat eh, ok lang

(aalukin ni CARANDANG ng sigarilyo ang iba)

CARANDANG​​: baka naman gusto nyo lang?

(parang takot na takot na iilang ang tatlo)

CARANDANG​​: sigurado ba kayo?

MENESES​​: masama raw iyan

JUNIE​​: mag-magka-magkaka-cancer

(​aalukin ni CARANDANG si BIG MAMA... sandaling katahimikan. Nakatingin lamang si


BIG BOY sa kaha ng sigarilyo)

CARANDANG​​: sige na, kumuha ka na! Para namang iba kang tao

(​kukuha si BIG MAMA ng isa. Sisindihan ito ni CARANDANG, magtititigan mula ang
tatlo at ngingiti si CARANDANG)

BIG BOY​​: salamat

CARANDANG​​: walang ano man

(​biglang gagalaw si CAPISTRANO, lalapit kay CARANDANG. Magugulat sila at uungol


si CAPISTRANO)

CARANDANG​​: ha?

12
Alitaptap Sa Gabing Mailap | Psy 13
(uungol ulit si CAPISTRANO nakatingin kay CARANDANG habang ito ay
naninigarilyo)

CARANDANG​​: bakit daw?

BIG BOY:​​ Humihingi.

CARANDANG​​: ha?

BIG BOY: ​humihingi ng sigarilyo.

MENESES​​: naninigarilyo ba yan?

PABLO​​: hindi!

MENESES​​: eh bakit humihingi?

CARANDANG​​: problema ba yon? Edi pagbigyan!

(​aabutin ni CARANDANG ng sigarilyo si CAPISTRANO. Nanginginig na isisilido nito


ang sigarilyo sa kanyang bibig, sisindihan ni CARANDANG)

(magbabalik si CAPISTRANO sakanyang sulok, magtataka ang lahat ng makita nilang


naninigarilyo si CAPISTRANO. matatawa si MENESES)

MENESES​​: ay, tignan mo si CAPISTRANO!!

PABLO​​: anak ng tupang to marunong nga, ano?

(​patuloy na hihithit-buga si CAPISTRANO. Magpapalakpakan sila at tatawa si


CAPISTRANO. Lalong bibilisan nito ang pagmamalaki ng kanyang hithit-buga. Biglang
papasok sa silid si SAMUEL.)

SAMUEL​​: hoyyy! Ano ba at ang ingay ingay niyo?!!

(​matatakot sina MENESES, PABLO, AT JUNIE. Ngunit patuloy na maninigarilyo ang


tatlong kasamahan)

SAMUEL​​: anak ng puta!! SINO ANG NAGDALA NG SIGARILYO DITO??!

(​walang kikibo. Parang walang naririnig si CARANDANG na magpapatuloy ng kanyang


paninigarilyo, ihahagis sa sahig ang upos at saka papatayin)

13
Alitaptap Sa Gabing Mailap | Psy 13
SAMUEL​​: CARANDANG!!

CARANDANG​​: yes sir?

SAMUEL​​: ikaw ba ang nagdala ng yosi dito?

CARANDANG​​: ay-ay sir!

(​hahablutin ni SAMUEL ang sigarilyo kay CAPISTRANO. Uungol si CAPISTRANO)

SAMUEL​​: hindi mo ba alam na bawal yan??!

CARANDANG​​: yes sir!

SAMUEL​​: eh bakit?! Nasan ang sigarilyo mo? Nasan ang iba?

CARANDANG​​: no more sir!

SAMUEL​​: putangina mo. Huwag mo kong lokohin ng ganyan, HINDOT KA PA UUPAKAN


KITA!

CARANDANG​​: tikman mo lang sir!

(​sandaling katahimikan, pipiliting maging mahinahon ni SAMUEL)

SAMUEL​​: CARANDANG??

CARANDANG​​: yes sir?

SAMUEL​​: ibigay mo na sakin ang ibang sigarilyo... sige na

CARANDANG​​: no more sir!

(mapapansin ni SAMUEL na nakatingin sa kanya ang lahat ng pasyente, patuloy na


nagsisigarilyo si BIG BOY at nakatitig kay SAMUEL na parang nanghahamon)

CARANDANG​​: Peks man, mam!

(​Gigil na si SAMUEL)

SAMUEL​​: makikita mo carandang... makikita mo

CARANDANG​​: thank you sir!

14
Alitaptap Sa Gabing Mailap | Psy 13
(​mabilis na lalabas si SAMUEL, magtatawanan silang lahat. saka lamang ihahagis ni
BIG MAMA ang kanyang sigarilyo at papatayin)

MENESES​​: eh talaga palang loko loko ka eh!

CARANDANG​​: kaya nga ako nadirito diba?

PABLO​​: mahirap makalaban yan si SAMUEL, traydor yang hayop na yan.

CARANDANG​​: siguro naman hindi niya ako madadaig sa pagkatarandado no.

(​magbabalik si CARANDANG sa kanyang kama, mauupo at mag-iinat. Lapapitan niya si


JUNIE)

JUNIE​​: totoo ba ang.. S-s-sabi nila?

CARANDANG​​: ano yon?

(magititinginan muna sina JULIE at MENESES)

JUNIE​​: na-na-naka-p-patay ka raw ng tao?

(matatawa si CARANDANG)

CARANDANG​​: yun lang?

MENESES​​: Kung ganon... totoo nga?

(ngingiti si CARANDANG)

JUNIE​​: Kaya ka ba.... na-na-nandirito?

CARANDANG​​: Siguro, ano sa tingin mo?

PABLO​​: hindi ito ang pinaglalagyan ng mga mamamatay tao. Bahay ito ng mga
sira-ulo

(​ngingiti si CARANDANG)

CARANDANG​​: Utak, pre. UTAK.

15
Alitaptap Sa Gabing Mailap | Psy 13
(​bigla na lamang masisira ang kanilang usapan, maririnig nilang umiiyak si
CAPISTRANO, mapapatingin ang lahat. Yakap yakap nito ang kanyang sarili,
humihikbi. Muling magdidilim ang entablado.)

IKAAPAT NA EKSENA: ANG UNANG ENGKWENTRO

*Ililipat ang mga double deckers at isasaayos upang magmukhang mga gilid ng
isang makitid na opisina. Ipapasok ang isang silya at desk, mauupo sa likuran
ng silya si SALVACION. Liliwanag ang entablado.

SALVACION​​: tuloy.

(​papasok sina SAMUEL at CARANDANG)

SAMUEL​​: mam, si CARANDANG.

CARANDANG​​: good morning mam

SALVACION​​: iwanan mo na kami dito, SAMUEL.

(​lalabas ng opisina si samuel, pagmamasdan ni CARANDANG ang opisina ni SALVACION)

CARANDANG​​: Mukha yatang tinitipid ang silya sa opisina niyo mam

SALVACION​​: nireport ka sakin ni SAMUEL, Carandang

CARANDANG​​: hindi ba kayo naaasiwa dito? Walang ibang silya... tsaka.. Parang
cubicle ng masahista itong opisina nyo MAM!!

SALVACION​​: hindi ang aking opisina ang pinag-uusapan, MR CARANDANG

CARANDANG​​: nabanggit ko lang mam.. Nabanggit ko lang. Huwag kayong masyadong


sensiive.

(​sandalng katahimikan)

SALVACION​​: Nagdala ka raw ng sigarilyo sa loob ng kwarto ninyo?

CARANDANG​​: korekek mam

16
Alitaptap Sa Gabing Mailap | Psy 13
SALVACION​​: alam mo bang bawal magsigarilyo sa loob ng mga wards?

CARANDANG​​: ngayon alam ko na mam

SALVACION​​: MR CARANDANG tinatanong ko kayo ng mahusay

CARANDANG​​: Sinasagot ko rin kayo ng mahusay mam

(​hihinga ng malalim si SALVACION)

SALVACION​​: huwag mong subukan ang akin pasensya, MR CARANDANG

CARANDANG​​: bakit ko naman gagawin yon?

SALVACION​​: I-surrender mo ang ibang sigarilyo na iyong pinuslit sa kwarto

CARANDANG​​: hindi ba sinabi sainyo ng inyong aso? Wala na. Hinithit na namin ang
lahat ng aking sigarilyo. No more.

SALVACION​​: MR CARANDANG...

CARANDANG​​: kung gusto nyo I-search nyo pa ang kwarto ko, wala na kayong
makikita. Mag-aaksaya lang kayo ng panahon.

(​hihinto si SALVACION, tutungo)

SALVACION​​: baka akala mo ay matatakot ako sa iyong record, MR CARANDANG. Ngayon


pa lamang, sinasabi ko na sayong hindi ako madaling masindak. Maaaring
nakapatay ka na ng tao pero sa akin, balewala yon. Mayroon pang mas grabeng
kaso na aking hinawakan. At kahit minsan ay hindi ako sumuko..at hindi pa din
ako natatalo

(sandaling katahimikan)

CARANDANG: ​congratulations MS. SALVACION. Bilib na ako sa inyo.

(sandaling katahimikan)

SALVACION​​: Bakit mo pinataynyung recruite. MR CARANDANG??

(sandaling katahimikan)

CARANDANG: ​Akala ko ba’y alam mo na ang lahat ng tungkol sa akin

17
Alitaptap Sa Gabing Mailap | Psy 13
SALVACION​​: Sagutin mo na lamang ang aking tanong. Dahil ba niloko ka MR.
CARANDANG?

CARANDANG:​​ Magbiro ka na sa lasing, wag lang sa luko-luko

SALVACION​​: Kaya mo siya pinatay?

CARANDANG:​​ Sabi nga nila.

(sandal pang katahimikan. Magtitinginan lamang ang dalawa. Ngingiti si SALVACION)

SALVACION​​:​ Huwag mong matahin ang iyong mga kasamahan dito MR CARANDANG, kung
hindi ka mahilig sa biruan, lalung-lalo na kami.

CARANDANG: ​Napuna ko nga.

SALVACION​​: ​Ang lahat ginagawa naming dito. Ang lahat ng mga reglamentong aming
dinisenyo ay para sa kabutihan ng karamihan ng iyong mga kasamahan sa klinika.
Naiintindihan mo ba ako, MR CARANDANG?

CARANDANG:​​ Yes Ma’am!

SALVACION​​: ​Hindi kami mga kaaway, kami ay mga kaibigan.

CARANDANG: ​Ang sarap pakinggan n’on Ma’am.

SALVACION​​: ​Isa pang bagay, MR CARANDANG. Minsang ka pang lumabag sa ano mang
reglamento, ako na ang makakabangga mo.

(ngingiti si SALVACION)

SALVACION​​: ​Mahirap akong makaaway MR. CARANDANG

Hindi kikibo si Carandang, nakatingin rin ito kay SALVACION)

SALVACION​​:​ Mayroon ka pa bang katanungan?

CARANDANG: ​Parang wala na yata.

SALVACION​​:​ makakaalis ka na.

(​tutungo na sa pintuan si CARANDANG ngunit hihinto ito at titignan si SALVACION)

CARANDANG​​: ma’am?

18
Alitaptap Sa Gabing Mailap | Psy 13
SALVACION​​: ano yon?

CARANDANG​​: sa susunod, magpalagay naman kayo ng silya. Nakakangawit


makipagkwentuhan kapag nakatayo.

(​lalabas si CARANDAN, maiiwang nagiisip si SALVACION. Magdidilim ang entablado)

IKALIMANG TAGPO: WALANG ORAS SA LOOB

*Aayusin muli ang entablado.

Maiiwan lamang ang isang mahabang mesa at dalawang silya. Makikita si BIG
MAMA at si CARANDANG, magkatabi. Sila ay nasa workroom. Gumagawa na naman ng
basket si BIG MAMA ngunit makikitang nahihirapan si CARANDANG. Hindi malaman
kung papaano niyaatupagin ang kanyang inaayos.

CARANDANG​​: Putanginang to! Namamaltos na kamay ko!


(​ihahagis ni CARANDANG ang basket at pagmamasdan niya si BIG BOY. Bihasang bihasa
at napakabilis sa paggawa ng basket)

CARANDANG​​: Saan mo natutunan yan?

(​ngigiti lang si BIG BOY, ipagpapatuloy ang kanyang basket)

CARANDANG​​: hilig hilig lang yan e. ako,wala akong kahilig hilig sa ganyan. Kung
gusto nila bilyar pa. Anak ng putcha kahit sino hahamunin ko ng bilyar!

(​hindi kikibo si BIG BOY, magpapatuloy sa kanyang ginagawa. Matatawa si


CARANDANG)

CARANDANG​​: kanya kanyang talento rin naman yan diba? Yung iba malakas sa
suntukan, yung iba malakas sa sayawan, yung iba malakas sa isahan. Ako, malakas
sa utakan! Naiintindihan mo ba ko, BIG boy?

(​hindi kikibo si BIG BOY)

CARANDANG​​: alam mo ba kung bakit ako nandirito?

(​sandaling katahimikan)

19
Alitaptap Sa Gabing Mailap | Psy 13
CARANDANG​​: totoo ang sinasabi nila. Nakapatay ako ng tao! Sinaksak ko, BIG BOY.
Sinaksak ko. ICE PICK, BIG BOY! BIG BOY, alam mo ba na pag nasasak ka sa
pamamagitan ng ice pick, walang dugong lalabas?

(​titignan lang ni BIG BOY si CARANDANG)

CARANDANG​​: noong una akala ko tsismis lang yon pero pare,totoo pala, eh mataba
pa naman yung sinaksak

(​ipipikit ni carandang ang kanyang mga mata)

CARANDANG​​: dire diretso sa tiyan, tapos sa laman, ang taba, ang litid. Yung mga
mata ng gago,lumaki. Ang bibig, biglang bumilog... tapos lumapas parang
hininga... pare, isang.. isang hininga.. Tapos umungol.. Umungol

(​sandaling katahimikan)

CARANDANG​​: pinagmasdan ko muna, pare. Pinagmasdan ko. Parang baboy,


nangingisay.. Hawak-hawak ang anyang tiyan. Sabi ko, “san ang dugo, ang dugo?!”
walang dugo BIG BOY. Tapos, inisip ko lang naman, “PUTANGINA MO! HINDI KA NGA
TAO! Ang tao may dugo, ikaw wala! Hindi ka nga tao. Hindi bale pala itong
ginawa ko dahil ang tao may dugo.. Ikaw wala... hindi ka tao.” Niloko mo ako.
Kulang na lamang isangla ko pati pustiso ng aking lolo para lamang makahakot
ako ng perang ibabayad sa tiket, sa administrative fees, sa recruitment fees,
sa dito, sa doon.. Tapos niloko mo ako!

(sandaling katahimikan)

CARANDANG​​: TSAK! Isa pa sa tagiliran.

(​nakatingin lang si BIG BOY)

CARANDANG​​: TSAK!! Dito

(​tinuro ni carandang ang kanyang lalamunan)

CARANDANG​​: Dito yung huli para matapos ang trabaho.

(​sandaling katahimikan)

CARANDANG​​: sabi nila sa korte, sira daw ang aking ulo dahil ibinenta ko na ang
lahat ng aking ari-arian.. Pati na raw ang aking konsensya at kaluluwa para

20
Alitaptap Sa Gabing Mailap | Psy 13
lamang makapunta sa Saudi... tapos niloko ako ng baboy, sabi nila sa korte,
luko-luko raw ako.

(sandaling katahimikan, ngingiti si CARANDANG)

CARANDANG​​: sabi ko naman... edi sige. Siguro nga luko-luko ako. E, di lulo luko
kung luko luko.

(​sandali pang katahimikan, aabutin ni CARANDANG ang kanyang ginagawa, parang wala
sa sarili, iniikot ikot ang plastic straw sa olmahang gawa sa rattan)

CARANDANG​​: ininterbyu ako ng mga doktor. Kung ano ao ang kanilang sinusulat sa
mga notebook nila, sinabi nilang luko luko raw ako. “Si Andres CARANDANG ay
isang luko luko”... ang sagot ko naman, edi sige. Luko luko kung luko luko.

(matatawa si BIG BOY)

CARANDANG​​:​ marunong ka naman palang tumawa eh! Akala ko ba luko luko ka rin?!

(Papasok si Bautista)

BAUTISTA:​​ ​Kamusta na ba Carandang??

CARANDANG​​: ​Heto po, Doc…. Masaya. Mamaya gagawa na ako ng kaing. Nakaka-adik
pala itong paggawa ng basket. Parang gusto kong lumabas at kalbuhin lahat ng
puno ng niyog na makikita ko…

BAUTISTA: ​Ano ‘ka mo?

CARANDANG​​: ​Ang sarap, eh. Parang gusto kong gumawa ng mga basket, kaing,
pamaypay, bahay…. Building…

BAUTISTA: ​(matatawa)

CARANDANG​​: ​Building, airplane, jet, submarine…. Lahat gawa sa straw.

BAUTISTA: ​Mabuti naman at naliligayahan ka ditto Carandang!

CARANDANG​​: ​Pag ganito nang ganito, ayaw ko nang gumaling. Ang sarap pala maging
luku-luko.

(Mag-iiba ang mukha ni BAUTISTA)

CARANDANG​​: ​Nagbibiro lang Doc, nagbibiro lang. Hindi ba pare?

21
Alitaptap Sa Gabing Mailap | Psy 13
(Hindi kikibo si BIG BOY. Ipagpapatuloy lang ang kanyang ginagawa)

BAUTISTA: ​Sige, Carandang. Mabuti naman at nakapag adjust kang maigi.

CARANDANG​​: ​All the time Doc. Baka meron kayong gusting ipagawa sa akin, magsabi
lang kayo

(aalis na si Bautista. Susundan siya ng tingin ni CARANDANG)

(tatawa lamang si BIG BOY)

(​magpapatuloy ang dalawa sa paggawa. Didilim ulit ang entablado)

IKAANIM NA TAGPO: ANGHEL SA LUPA

*Dadapo ang ilaw sa isang bahagi ng entablado. Makikita sina SALVACION at si


ELVIE. Si ELVIE ay isang dalaga, maganda at mukhang matalino. Nakasuot ng
salamin sa mata. Laging naka jeans si ELVIE, mukhang no-nonsense na tipo ng
babae. May dala dalang tape recorder si ELVIE.

SALVACION​​: hindi lahat ng pasyente dito ay nananakit. Sa katunayan, karamihan ng


mga nakukuha namin sa klinikang ito ay mga mababait, nangangailangan lamang ng
kaunting alalay at therapy.

ELVIE​​: pero mam, papano nyo nalalaman kung sino sa kanila ang nananakit at sino
ang mababait?

SALVACION​​: merong mga doctor dito, katulad ni DR. BAUTISTA, na siyang umeeksamen
muna sa mga pasyente at ina-assign ang mga ito kung saan sila mailalagay.

ELVIE​​: at wala pa naman kayong kaso na nagkamali kayo ng lagay sa pasyente?

(mapapabuntong hininga si SALVACION)

SALVACION​​: MS RIVERA, ang lahat ng ginagawa namin dito ay ayon sa aprubadong


sistema. Kapag ang mga pinapangalagaan mo ay mga taong sinasabing may sira sa
ulo, hindi dapat makipagsapalaran.

ELVIE​​: siguro naman ho kung minsan nagkakamali din kayo...

SALVACION​​: Maaari.... ngunit hindi pa nangyayari.

22
Alitaptap Sa Gabing Mailap | Psy 13
(​unti unting liliwanag ang entablado. Makikitang inalis na ang lamesa at ang
eksena ay magaganap sa courtyard kung saan ilalabas nina SAMUEL ang mga pasyente,
sila ay ipageerhisyo)

SALVACION​​: sa ganitong oras, inilalabas namin ang mga pasyente para


makapag-exercise

ELVIE​​: marami rin silang forms of recreation, ma’am?

SALVACION​​: kung minsan, nagbabasketball sila... pero noong huling beses naming
ipinaglaban ang mga tauhan ng dalawang wards, hindi maganda ang nangyari.

ELVIE​​: nag-away?

SALVACION​​: sabihin na lang natin na kapag hindi tama ang takbo ng utak ng tao...
ay wala rin silang paniniwala sa sportsmanship.

(​palalakarin ang mga pasyente paikot – isang circle na parang bata na pinapapila
at pinalalakad ng paikot)

(mapapansin ni CARANTANG sina SALVACION at ELVIE. Kakalabitin nito si JULIE)

CARANDANG​​: Junie...

JUNIE​​: o-oh?

CARANDANG​​: Nakikita mo ba yon?

(​Titingin si JUNIE sa babae, Matatawa si JUNIE​)

CARANDANG​​: O, ano? Tipo mob a, ​JUNIE​?

JUNIE​​: I-i-kaw talaga… Ma-ma-makita ta-tayo ni ​SALVACION​… Ma-ma-ga-galit ‘yon


sa’tin.

CARANDANG​​: Tang ina n’ya! Kasalanan ba ang tumingin?


(​Patuloy silang naglalakad ng paikot)

CARANDANG​​: Cute ‘di ba? Ang kinis~

(​Tumatawa si JUNIE, ngunit nakayuko​)

23
Alitaptap Sa Gabing Mailap | Psy 13
CARANDANG​​: Paano mo makikita, eh nakatungo ka! Tignan mo!

JUNIE​​: Ayaw ko!

CARANDANG​​: Bakit?

JUNIE​​: D’yahe ko!

CARANDANG​​: Ba’t ka madyadyahe, nakatingin nga sa’yo!

(​Lalong tutungo si JUNIE​)

JUNIE​​: Talaga?

CARANDANG​​: Eh, tatanga-tanga ka pala. Luku-luko na, tanga pa!

(​Susulyapan ni JUNIE si ELVIE na kausap pa rin ni SALVACION.)

JUNIE​​: Maganda pala, ano?

CARANDANG​​: ‘kita mo na…

JUNIE​​: Ma-ma-maganda


(​Matatakot si JUNIE, iiling)

CARANDANG​​: Tanga!

(​Maglalakad sina SALVACION at ELVIE, tatawid ng entablado. Biglang sisigaw si


CARANDANG.)

CARANDANG​​: GOOD MORNING MA’AM!!!

(Magugulat ang lahat. Mapaphinto si SALVACION. Mapapatingin si Elvie. Ngunit


patuloy ang paglalakad ng mga pasyente sa isang malaking bilog.)

SALVACION​​: Good Morning, MR. CARANDANG


(​Tutuloy nang maglakad ang dalawa)

ELVIE​​: Sino yon ma’am?

(​Ngunit hindi siya sasagutin ni SALVACION, patuloy na lalabas.​)

(​Maglalabas ng tray si SAMUEL. Ang tray ay nagtataglay ng mga maliliit na


kupita. Lalagok ng tubig sa isang baso. Pagkatapos ng isa ay susunod naman ang

24
Alitaptap Sa Gabing Mailap | Psy 13
isa pang pasyente, iinom sa iisang baso. Pag-abot kay CARANDANG ay titingnan niya

nag kupita.)

CARANDANG​​: Boss?

SAMUEL​​: O ano nanaman, CARANDANG?

CARANDANG​​: Nagtatanong lang, ano? Ano ba ‘tong ipinainom n’yo sa amin?

SAMUEL​​: Ano ba sa tingin mo?

CARANDANG​​: Kaya nga itinatanong ko, eh!

SAMUEL​​: Eh di, gamut!

CARANDANG​​: Gamot para sa mga luku-luko?

SAMUEL​​: Hindi, para sa may mga T.B.! Eh, di syempre! Inumin mo na’t nababara ang
linya!

CARANDANG​​: Boss…

SAMUEL​​: O, ano ka ba CARANDANG?

CARANDANG​​: Wala naman akong nararamdaman, bakit niyo ako pinainom nito?

SAMUEL​​: Huwag ako ang iyong tanungin. Hintayin mo na lang si Dr. BAUTISTA!

CARANDANG​​: Mamaya ko na lang iinumin ‘to…

(​Lalapit na si SAMUEL, galit​)

SALVACION​​: Ano na naman ang nagyayari dito?

SAMUEL​​: Eh, itong putang inang si CARADANG…

CARANDANG​​: Bakit naman pati nanay ko, dinadamay mo sa uspan?!

SAMUEL​​: Inumin mo na ‘yan!!

CARANDANG​​: Bakit ko iinumin ‘to? Hindi ko nga alam kung anong epekto nito sa
akin!

SALVACION​​: Bibigyan ka ba naman ng gamut kung makakasama yan sa’yo?

SAMUEL​​: CARANDANG, ang aga-aga pinapainit mo ulo namin!

25
Alitaptap Sa Gabing Mailap | Psy 13
CARANDANG​​: Problem n’yo na ‘yun. Nagtatanong lang ako. Kung uminit ulo n’yo,
kagagawan ko pa ba ‘yun?


(​Magbabalik na si SALVACION. Makikita nito ang kaguluhan.)

(​Sandaling katahimikan.)

SALVACION​​: Bakit ayaw mong inumin ang gamut, MR. CARADNANG? Papaano ka gagaling
kung hindi mo pangangalagaan ang iyong sarili?


(​Hindi kikibo ang ilang pasyente na ngayon ay kinakabahan na lamang.)

CARANDANG​​: Hindi naman po iyon ang aking hinanakit. Wala naman akong hinanakit.
Meron ba akong hinanakit, BOYS?

(​Hindi kikibo ang ilang pasyente na ngayon ay kinakabahang na lamang.​)

CARANDANG​​: Itinatanong ko lamang kung nao ang epekto ng mga gamut na ‘yan sa
akng katawan. Masama ba naman ‘yon?

(​Ngingiti si SALVACION ay magbubutong-hininga.​)

SALVACION​​: MR. CARANDANG. Dito sa atin, walang ginagawa na hindi ayon sa payo at
pag-aaral ng mga doctor at espesyalistang…

CARANDANG​​: Alam ko naman ‘yon, Ms. SALVACION. Araw-araw ‘yang ang bukang-bibig
niyo, eh! Sagutin niyo na lang ang aking tanong at kung gusto niyo ang lahat ng
mga kapsula’t pilidoras d’yan sa tray, uubusin ko.


(​Sandaling katahimikan, nagpipigil na si SALVACION.)

SALVACION​​: Wala kang karapatang magtanong, MR. CARANDANG. Kami ang nakakaalam
kung ano ang aming napagpasiyahan para sa iyo, ‘yon ang dapat mong sundin…

CARANDANG​​: Sandali lang…

SALVACION​​: Hindi, ikaw ang maghintay. Ikaw ang bastos. Hindi pa tapos ang aking
sinasabi, sumabat ka na naman!


(​Titigil si CARANDANG)

SALVACION: Ang lahat ng ginagawa naming dito ay para sa inyong kabutihan. Ang
lahat ng aming pagsasakripisyo sa lugar na ito ay para sa inyong

26
Alitaptap Sa Gabing Mailap | Psy 13
kabutihan. Ikaw… ikaw, Ms. CARANDANG… ay susunod sa amin. At ikaw, MR.
CARANDANG, ay iinom ng gamut kahit hindi mo alam kung bakit, kung saan at
kung kalian. At kung ano ang pangalan ng…


(​Iinumin ni CARANDANG ang gamut)

CARANDANG:​​ Oh, masaya ka na ba ma’am?

IKA-PITONG TAGPO: IKALAWANG ENGKWENTRO

(Una muna ay dadapo ang ilaw sa kabilang bahagi ng entablado na kung saan
makikita si ELVIE, nakatayo, nagsasalita. Ang kanyang pananalita ay parang
nagbibigay ng isang repo)

ELVIE: ​As much as possible, ang environment created inside the the clinic is
close to the normal in order to develop greater affinity among the inmates
not only for one another, but also to nurture a healthy and disposition
towards the authorities. Despite numerous claims of insufficient funds
purportedly create a major hindrance in the development of similar
clinics, the administration claims to have copde with the problem. With
their limited resources, as much of the first world innovations and
developments regarding psychiatric treatments and therapy have been
implemented with the reasonable grounds. According to Dr. Ramona Bautista,
head of the clinic, a asubstantial amount of change has been implemented
among certain practices for the cure of their psychiatric patients. Again,
despite limitations, the best possible approaches to the immediate cure of
mentl patients have been experimentally applied in order to facilitate
their speed recovery.

(magdidilim ang bahagi ng entablado kung saan nakatayo si Elvie at liliwanag ang
kabilang bahagi ng entablado at ipapakita ang recreation room.
Nag-uusap-usap ang mga pasyente.)

(Katabi ni JUNIE sina CARANDANG, at BIG BOY. Nagbabasa ng komiks si Junie.)

(Maiinis na si CARANDANG sa pag-awit ni CAPISTRANO)

CARANDANG: ​Nasaan ba yung radyo?

JUNIE: ​I-i-inalis.

27
Alitaptap Sa Gabing Mailap | Psy 13
CARANDANG: ​Sino ang nag-alis?

JUNIE: ​Si Sa-sal-Salvacion!

CARANDANG: ​Eh, talagang maloloko ako dito kung hindi titigil nang kana yang si
CAPISTRANO! Hoy! Awat na muna yan!

(Ngunit parang walang naririnig si CAPISTRANO, patuloy na kinakantahan ang


kanyang sarili)

CARANDANG: ​HOY! CAPISTRANO! LUKO-LUKO KA LANG! HINDI KA BINGI!! ITIGIL MO NGA


YAN!

SAMUEL: ​ANO BA YAN, CARANDANG BAKIT KA SUMISIGAW!

CARANDANG: ​Eh, bakit hindi niyo patigilin si Capistrano.

SAMUEL: ​Bakit? Maganda naman, ah…

SAMUEL: ​Pabayaan mo siya. Hindi naman nakaksait sa iba!

CARANDANG: ​Saan ba napunta ang radyo?

SAMUEL: ​Pinaalis ni Ms. Salvacion.

CARANDANG: ​Bakit? Pati ba radyo pinagdidiskitahan na ng babaeng yan?

SAMUEL: ​Bakit hindi siya ang tanungin mo?

CARANDANG: ​Eh, yan na yata ang nasisiraan ng utak, eh!

(Sapul na papasok sa silid si Salvacion)

SALVACION:​​ Sino ang nasisiraan ng utak, Mr. Carandang?

(Hindi muna kikibo si Carandang)

SALVACION:​​ Junie?

JUNIE:​​ ​M-ma’am?

SALVACION: ​May bisita ka. Yap, samahan mo si Junie sa labas. Nandiyan ang
kanyang ama.

(Makikita ang takot sa mukha ni JUNIE. Siya ay mangangatog)

28
Alitaptap Sa Gabing Mailap | Psy 13
JUNIE:​​ M-m-m-m-ma’am?

SALVACION: ​Ano yon Junie?

JUNIE: ​Pu-pu-pwede bang…?

SALVACION: ​Ano ang ayaw mo?

JUNIE: ​ Siya. A-a-ayaw ko siya…. Maka-u-u-usap!

SALVACION: ​ Junie.. Alam mo ba kung anong sakripisyo ang ginawa ng iyong amo
para ka lamang Makita? Alam mob a kung gaano kalayo ang minaneho ng iyong ama
para ka lamg Makita? Tapos ayaw mo siyang Makita o makausap?

(iiling si Junie)

JUNIE: ​ A-a-ayaw! A-a-ayaw!

SALVACION: ​Hindi Junie! Kakausapin mo ang iyong ama. Aayusin mo ang iyong
sarili. Lalabas ka ng kwartong ito, haharapin mo ang iyong ama at kayo ay
mag-uusap! Maliwanag!

JUNIE: ​ A-yaw ko.. Please.. please.. Mi-mi-miss Sal-va-caion! Please!

SALVACION: ​Samuel, ilabas niyo na si Junie.

CARANDANG: ​Bakit niyo ba pinilipit kung ayaw n’ong tao?!

SALVACION: ​Kelan ka pa nagging doctor, Mr. Carandang? Ang mga may sakit ay
walang karapatang magturo kung paano gumaling! Ilabas niyo na si Junie!

(Dadamputin ni Samuel si Junie at ilalabas ng silid. Bumubulong ng mura si


CARANDANG. Sita ay haharapin ni SALVACION)

​SALVACION: ​Mayroon ka bang gusting sabihib sa akin, Mr. Carandang? Aba, kung
meron kang hinanakit ay mas makakabuti para sa iyo kung sasabihin mo sa akin.
Masama ang nagkikimkim ng galit.

(Pipiliting ngumiti ng CARANDANG)

CARANDANG: ​Wala naman po, Ms. Salvacion. Maitatanong ko lang…

SALVACION: ​Puro katangungan.

29
Alitaptap Sa Gabing Mailap | Psy 13
CARANDANG: ​Bakit n’yo inalis ang radyo sa kwarto?

SALVACION: ​Dahil kailangan.

CARANDANG: ​ Bakit kailangan?

SALVACION: ​Dahil kailangan. Yon ang sagot, Dahil kailangan.

CARANDANG:​​ Ms.Salvacion, namimiss na naming ang music ditto.

SALVACION:​​ Talaga, Mr. Carandang?

CARANDANG:​​ Mas magandang pakinggan ang musika sa radyo kaysa sa aming sariling
boses.

SALVACION:​​ Sabihin natin kay Dr. Bautista.

(Mabilis ang susunod na palitan ng mga salita ng dalawa)

CARANDANG:​​ Si Dr. Bautista pala ang nagpaalis ng radyo?

SALVACION:​​ Hindi.

CARANDANG:​​ Kung ganoon, ikaw nga..

SALVACION:​​ Oo.

CARANDANG:​​ Bakit?

SALVACION:​​ Dahil kailangan.

CARANDANG:​​ Kailagan alisin? O kailangan tiriyahin kami?

SALVACION: ​Bakit ko naman kayo titiruyahin?

CARANDANG:​​ Ewan ko. Kaya ko nga itinatanong , eh!

SALVACION:​​ Masyado kayong maingay. Masyadong maligalig ang mga kasamahan mo


dahil sa pagkalakas-lakas na pagpapatugtog ng radyo.

CARANDANG:​​ Ah, gan’on ba?

SALVACION:​​ Mas makabubuti sa kanila kung walang radyo sa silid na ito.

CARANDANG:​​ Sino ang may sabi?

30
Alitaptap Sa Gabing Mailap | Psy 13
SALVACION:​​ YON ANG DAPAT.

(Haharapin ni CARANDANG ang mga kasamahan.)

CARANDANG:​​ Sino ang may ayaw ng radyo? ITAAS ANG KAMAY!

(Walang magtataas ng kamay. Nakatitig lang si SALVACION)

CARANDANG:​ Sino sa inyo ang mga gusting ubalik ang radio? ITAAS ANG KAMAY!

(Isa-isanG magtataasan ng kamay ang mga pasyente, maliban kay CAPISTRANO na


nakatingin lamang. Gigil na gigil si SALAVACION. Haharapin ni CARANDANG si
SALVACION)

CARANDANG: ​Ms. Salvacion, sa tingin ko’y gusto ng aking mga kasamahan na ibalik
ang radyo. Si Capistrano ang hindi bumoto dahil sarili niya ang kanyang radyo.

SALVACION: Hindi pwede, Mr. Carandang!

CARANDANG:​​ Nakita n’yo na ang…

SALVACION:​​ Kayo ay may mga sakit. Ang inyong mga sakit ay sa utak. Ang mayroong
diperensya sa utak ay walang tamang pagdedesisyon. Walang kahulugan ang inyong
mga boto. At ang mas importante ay kung ano ang naatasan naming---

CARANDANG:​​ Ms. Salvacion!

SALVACION:​​ KUNG ANO ANG NAPAGPASIYAHAN NAMIN PARA SA INYO!

(Biglang sisingit ang katahimikan)

SALVACION:​​ Good night, Mr. Carandang.

(Biglang kakanta si CARANDANG. Ito ay “Bahay Kubo” Eengganyuhin niya ang mga
kasamahang kumanta.Magugulat si SALVACION, haharapon ang mga pasyente. Lahat ay
magsisipagkantahan na ngayon ay nagtatawanan. Maski si CAPISTRANO ay tatayo at
kakanta, humahalakhak. Nakatigin lamang si SALAVACION sa mga lalaki, sila ay
nananadya. Dahan-dahang didilim ang entablado)

IKAWALONG TAGPO: DISIPLINA

31
Alitaptap Sa Gabing Mailap | Psy 13
Muling nasasapawan ng kadiliman ang buong entablado. Mahuhulog ang dalawang
makitid na ilaw sa iba’t ibang bahagi ng entablado. Una muna, makikita si
Salvacion, nakatayo, kausap ang mga manood.

SALVACION:​​ Importante ang disiplina. Sa mga institusyong katulad nito, disiplina


ang tanging nagbibigay ng kapararakan, ng direksyon sa aming iba’t ibang
programa na madaling panunumbalik ng dahilan ng wastong kaisipan ng aming
mga pasyente.

Ang disiplina ang olmahan ng Sistema. Ang Sistema ang ina ng sisyensya. At
ang siyansya ay ang bunga ng lohika. Mula sa lohika nagmumula ang lahat ng
lunas, ang lahat ng kasagutan. Salohika lamang maaaring umasenso,
umabante. Sa lohika lamang ang ibinabatay ang katuturan, ang kapaligiran.

(Sa ward 7. Dadapo ang ilaw sa kabilang dako ng entablado na kung saan makikita
sina BAUTISTA at CARANDANG. Nakaupi si BAUTISTA sa likuran ng mesita.
Nakatayo sa kanyang harapan si CARANDANG.)

BAUTISTA:​​ Sabihin mo sa akin kung ano yung problema?

CARANDANG:​​ Wala naman, doc, ah.

BAUTISTA:​​ Carandang, kaya kami nandirito ay para matulungan ka.

CARANDANG:​​ Sabi nga.

BAUTISTA:​​ Kaya kung hindi mo sasabihin sa amin kung ano ang iyong mga problema,
hindi natin yan mahahanapan ng paraan, ano?

CARANDANG:​​ Eh, ano mang ang sasabihin ko kung talagang wala? Kung mag-ibento
naman ako, baka pagkamalan n’yo pa akong luko-luko. Luko-luko na nga ako,
diba? Gumawa pa ng kalukohan ang luko-luko, di na talaga ako gagaling.
Gusto niyo akong gumaling diba?

BAUTISTA:​​ Siyempre.

CARANDANG:​​ O, di hayun

(Sandaling katahimikan)

BAUTISTA: ​Alin yun?

32
Alitaptap Sa Gabing Mailap | Psy 13
CARANDANG:​​ Wala akong problema.

BAUTISTA: ​Aaah…

(Sadaling katahimikan. Medyo natataranta ang dokto, magkakamot ng ulo. Ngingiti


si Carandang)

CARANDANG: ​Baka kayo ang may problema doc?

BAUTISTA:​​ Huh…?

CARANDANG:​​ Baka kayo ang may problema. Sabihin niyo lang sa akin, okay rin
naman. Magkaibigan naman tayo diba?

BAUTISTA:​​ Aaah.. Wala. Wala rin.

CARANDANG:​​ Kita niyo na. Ang saya naten dito. Wala tayong problema. Lahat tayo
walang problema.

(Maglalaho ang ilaw kina Bautista at Carandang, babalik kay Salvacion)

SALVACION: ​Maraming paraan upang makamtam ang disiplina. Ang tao, para rin yang
mga hayop o mga halaman. Sa dahan-dahan na pagsusubaybay, sa pamamagitan
ng pagsasatawid, pagsusupil, naiiba ang takbo ng buhay, na didisenyo ang
pamamalakad ng kanyang kabuhayan. Kahit ayaw mapipilit rin magustuhan.
Kahit gusto, matuturuang pandirihan. Ang imporatante lamang ay disiplina.
Kung paano mahuhubog ang kaisipan at kagawian ng isang nilalang upang
sumang-ayon sa isang Sistema.

(Muling manunumbalik ang ilaw kina Carandang at Bautista)

BAUTISTA: ​Bakit mo ginalit si Ms. Salvacion? Sinasadya mo raw siya, eh.

CARANDANG:​​ Yun ba ang sinumbong niya sa’yo, doc?

BAUTISTA:​​ Hindi naman sa pagsusumbong…

CARANDANG:​​ Pero yun ang sinabi niya…

BAUTISTA:​​ Oo..

(Papalatak si Carandang, iiling)

BAUTISTA: ​Baka mayroon kang gusting sabihin sa akin, Carandang?

33
Alitaptap Sa Gabing Mailap | Psy 13
CARANDANG:​​ D’yahe, doc, D’yahe

BAUTISTA:​​ Tayo-tayo lang naman nahihiya ka pa.

CARANDANG:​​ Doc?

BAUTISTA:​​ Ano yon?

CARANDANG:​​ Matagal ko nang kutob ito, eh. Doc, sa palagay ko, may crush sa’kin
si Ms. Salvacion.

(Magugulat si BAUTISTA, parang matutulala, hindi malaman kung seseryosohin nito


ang sinabi ni Carandang o titingnan bilang nanloloko lamang)

CARANDANG: ​Noong una’y ayaw kong ipagtapat sa inyo dahil dyahe nga, baka
mapagkamalan n’yo pa akong mayabang. Eh, para yatang lumalala. Doc,
kailangan ni Ms. Salvacion ng tulong.

BAUTISTA:​​ Papaano?

CARANDANG:​​ Hindi ko naman masabing hindi siya ang tipo kong babae… Pero baka
naman masaktan…

(Tatango lamang si BAUTISTA, biglang sumakit ang ulo.)

CARANDANG: ​Ayaw kong ma-brokenhearted yang matanda.

BAUTISTA:​​ Bakit mo pinilit na kumanta ang iyong mga kasamahan sa ward?

CARANDANG:​​ Aba, doc! Hindi ko sila pinilit. Kumanta lang ako, sumabay sila. Ed
fi ga’non.

BAUTISTA:​​ Ginawa mi rin yon para inisin si Ms. Salvacion.

CARANDANG:​​ Bakit? Yon ba ang sinabi niya?

BAUTISTA:​​ Oo.

CARANDANG:​​ Ibig mong sabihin nainis siya?

(Maiinis na rin si BAUTISTA)

BAUTISTA: ​Oo.

34
Alitaptap Sa Gabing Mailap | Psy 13
CARANDANG:​​ Baka naman hindi n’ya lang alam yung lyrics ng kanta kaya napikon.
Eh, di sana’y nag-request siya.

BAUTISTA:​​ Carandang, hindi ako nakikipagbiruan sa’yo.

CARANDANG:​​ Hindi naman po ako natatawa, doc. Kayo ba natatawa? Ako? Hindi yata.

(Sandaling katahimikan)

BAUTISTA: ​Thank you, Mr Carandang. Makakabalik ka na sa yong ward.

CARANDANG:​​ Yon lang?

BAUTISTA:​​ Oo.

(Tatango si Carandang)

CARANDANG: ​Good night.

(Habang nagdidilim ang bahagi ng entablado na kinatatayuan ni Bautista, liliwanag


naman ang bahagi na kinatatayuan ni SALVACION. Tatapusin ni Salvacion ang
kanyang linya habang si CARANDANG ay naglalakad sa kalagitnaan ng entablado
na siyang isinasaayos nilang ward)

SALVACION: ​Maraming paraan upang matamo ang wastong pag-iisip ukol sa disiplina,
maraming nababagay na paraan upang makumbinse ang sino mang nilalang na
ang disiplina ay ang nalalabing solusyon sa ano mang problema na maari
niyang makaharap o makabangga. Dito sa aming institusyon, ang
pinakamahalaga ay disiplina. Susupilin ang matigas ang ulo at bibigyan ng
parangal ang walang pakundangang sumunod)

(Magdidilim ang kinalalagyan ni Salvacion)

(Tutuloy si Carandang sa ward seven, roon na kung saan nag-aabang sina MENESES,
KA PABLO, BIG BOY, AT SI CAPISTRANO)

KA PABLO: ​O? Ano?! Ano nangyari?!

CARANDANG:​​ Wala.

MENESES:​​ Hindi ka kinagalitan?

(Matatawa si Carandang)

35
Alitaptap Sa Gabing Mailap | Psy 13
CARANDANG: ​Ano ‘ko? Bata?

(Aakbayan ni BIG BOY si CARANDANG, nakangiti)

CARANDANG: ​Bakit? Gusto n’yong mag-sing-along na naman tayo?

(Magtatawanan ang mga ito. Magugulat sila nang mapansin nila na tumatawa-tawa rin
si CAPISTRANO)

MENESES: ​Tingnan mo si Capistrano!

KA PABLO:​​ Baka naiintindihan n’ya tayo.

(lalapitan ni CARANDANG si CAPISTRANO)

CARANDANG: ​Naiintindihan mob a kung ano ang nangyayari?

(Tatawa-tawa lang si Capistrano)

CARANDANG: ​Tang-inang ‘to. Luko-luko ka nga, ano?

(Papalakpak si CAPISTRANO, parang batang nagagalak)

BIG BOY: ​Ngayon ko lang nakitang ganyan yan.

CARANDANG:​​ Si Junie?

BIG BOY:​​ Hindi pa bumabalik.

CARANDANG:​​ Napakatagal naming usapan n’yan. Baka kinuha na ng ama n’ya.

MENESES:​​ Sino? Si Junie? Imposible.

CARANDANG:​​ Bakit?

KA PABLO:​​ Hindi mo ba alam?

MENESES:​​ Kaya nagkaganyan si Junie dahil sa kanyang ama..

KA PABLO:​​ Koronel sa army ang tatay ni Junie.

MENESES:​​ Makita mo sana, sobra ang sungit…

KA PABLO:​​ Laging nagtatagpo ang kilay..

MENESES:​​ Hindi tumatawa..

36
Alitaptap Sa Gabing Mailap | Psy 13
KA PABLO:​​ At napakalupit.

MENESES:​​ Sabi ni Junie..

KA PABLO:​​ Nakira mo na ba yung latay sa likuran ni Junie?

(iiling si CARANDANG)

KA PABLO: ​Dati-rati raw ay ginugulpe siya, ginagamit yung garden hose.

MENESES:​​ Yung gomang makapagal.

(Hindi kikibo si CARANDANG)

MENESES:​​ Kaya gan’on na lang ang takot ni Junie sa kanyang ama.

CARANDANG: ​Junie?

(Lalapit si CARANDANG kay JUNIE)

(Titingnan ni JUNIE si CARANDANG. Saka lamang ito biglang hahagulgol, yayakapin


si CARANDANG. Aakbayan ni CARANDANG ang binata)

(Biglang hahalakhak si CAPISTRANO, patalon-talon, pumapalakpak at tumatawa.)

(Mahuhulog ang kalooban ng ibang pasyente, Isa-isa silang magsisihiga. Ngunit


yakap pa rin ni CARANDANG si JUNIE na umiiyak na parang bata)

(Unti-unting magdidilim ang entablado)

IKA-SIYAM NA TAGPO: MAHALAGA PA BA KUNG BAKIT?

(Muling makikita ang dalawang seskyon ng entablado na isyang iilawan habang ang
kalahatan ay nababalot ng kadiliman. Una muna ay dadapo ang ilaw sa isang
bahagi na kung saa makikita sina BAUTISTA at SALVACION.)

BAUTISTA​​: Ano naman ang kaba mo, Ms. SALVACION?

SALVACION​​: Hindi ko lang gusto yang mga estudyanteng nag-uusisa. Nakakaistorbo


sa gawain.


(​Matatawa si BAUTISTA)

37
Alitaptap Sa Gabing Mailap | Psy 13
BAUTISTA​​: Para naman kasing hindi ka rin naging estudyante.

SALVACION​​: Hindi ako nanggambala ng iba noong ako ay nag-aaral.

BAUTISTA​​: Akala mo ba’y gusto ng batang iyan na mapunta dito? Napipilitan din
‘yan dahil kailangan n’ya ng diploma. Hindi ba?

SALVACION​​: Kung ayaw niya ay bakit pa siya nagpupumilit…

BAUTISTA​​: Ms. SALVACION, kaunting pasensiya…

SALVACION​​: Depende kung sino o ano ang aking pinag-uukulan ng pasensya, Dr.
BAUTISTA.


(​Matatawa si BAUTISTA)

SALVACION​​: Sabihin n’yo nga sa akin, Dr. BAUTISTA. Kahit naman hindi ako pumayag
na interbiyuhin ang mga pasyente ay masusunod pa rin ang kanyang
kahilingan, hindi ba?

BAUTISTA​​: Matalik na kaibigan ng kanyang ama nag isa sa ating Board of Trustees…

SALVACION​​: Kapag mayroong kakilala, kahit ang mga reglament ay naiikutan.

BAUTISTA​​: Balita pa ba ‘yon, Ms. SALVACION?


(​Hindi sasagot si SALVACION, ngunit ipapahalata ang kanyang pagkagambala)

BAUTISTA​​: Pabayaan n’yo s’ya, Ms. SALVACION. Malay mo baka may kabutihang madala
pa ang babaeng ‘yan sa ating mga pasyente.


(​Ngingiti si SALVACION, isang mapait na ngiti)

SALVACION​​: Siguro nga.

(​Tatalikod si SALVACION, tatawid ng entablado. Sa kabilang dako ay lalapitn niya


si ELVIE​)


(​Isina-ayos na ang kabilang bahagi: dalawang silya, may mesa sa pagitan)


(​Magdidilim ang kinalalagyan ni BAUTISTA)

SALVACION​​: Ms. RIVERA, okey ka na dito?

ELVIE​​: Thank you very much, Ms. SALVACION. I really do appreciate this.

38
Alitaptap Sa Gabing Mailap | Psy 13
SALVACION​​: Kung mayron ka pang kailangan, Ms. RIVERA , sabihin mo lang sa akin o
kaya ay ipatawag mo ang isa sa mga oderlies.

ELVIE​​: Yes, Ms. SALVACION.

(​Lalabas si SALVACION. Ipapasok ni SAMUEL si JUNIE. Makikita na naiilang si


JUNIE. Si ELVIE naman ay binubutIngting ang kanyang cassette recorder, inilalagay
ang mga baterya.​)

SAMUEL​​: Ito si Antonio Gallego…


(​Ngingit si ELVIE. Parang ilang na ilang na naupo si JUNIE sa tapat ni ELVIE)

ELVIE​​: Hi…


(​Tutungo si JUNIE)

ELVIE​​: Relax ka lang. Hindi naman ako nangangagat, oh.


(​Ngingit si JUNIE ngunit nakatungo pa rin)

ELVIE​​: Mediyo mainit dito, ano?

(​Tatango si JUNIE, nakatungo pa rin​)

ELVIE​​: Gaano ka na katagal dito?

JUNIE​​: Ma-ma-matagal na!

(Nakatingin lamang si ELVIE kay JUNIE, naghihintay pa ng kasagutan. Mapapahiya


si JUNIE)

ELVIE​​: Ano ang palayaw mo? Nakakailan ka namang tawagin bilang Antonia Gallego

JULIE​​: Ju-ju-Junie.

ELVIE​​: Junie.

(Tatango si Junie)

ELVIE​​: Meron akong friend, Junie din pangalan pero kaya naman julie ang kanyang
ginagamit dahil ang baho ng kanyang pangalan, Eufrosinio. Hindi ba ang baho? No
wonder junie ang kanyang nickname. Dinamay pa raw siya ng kanyang tatay sa
kabantutan ng pangalan!

39
Alitaptap Sa Gabing Mailap | Psy 13
(Tatawa si junie, ngingiti si elvie)

ELVIE​​: ikaw naman, okay ang name, eh. Antonio. Pwede narin. How old are you na?

JUNIE​​: tu-twenty three.

ELVIE​​: Aba, magin-age pala tayo.

(magugulat si junie, tititigan si elvie)

ELVIE​​: bakit ka ganyan makatingin? Hindi ka makapaniwalang twenty three ako?

JUNIE​​: hindi... ang.. Ibig kong... s-s-sabihin... ay...

ELVIE​​: alam ko na ibig mong sabihin

(ngingiti uli si ELVIE)

ELVIE​​: julie, relax naman oh.

(tatango si junie, ngingiti ito)

ELVIE​​: good, siguro maaari na nating umpisahan itong interbyu, ano? You don’t
mind?

(itinuro ni elvie ang tape recorder, iiling si junie, nakangiti pa din)

JUNIE​​: b-bakit?

ELVIE​​: bakit ano?

JUNIE​​: bakit mo a-ako iinterbyuhin?

ELVIE​​: gumagawa ako ng thesis, Junie

(tatango si junie)

ELVIE​​: nag-aral ka na ba ng college?

(tatango si julie)

ELVIE​​: talaga?

JUNIE​​: h-hanggang second year.

40
Alitaptap Sa Gabing Mailap | Psy 13
(pipindutin ni elvie ang tape recorder)

JUNIE​​: magm-major s-sana ako ng philosophy

ELVIE​​: wow philosophy! Bigatin!

ELVIE​​: Tapos ano ang nangyari>

(muling magdidilim ang kanilang kinalalagyan)

(liliwanag muli ang entablado at makikitang mga pasyenteng naglalakad sa bilog,


nageehersisyo)

CARANDANG: ​Samuel! Baka naman maari nating palitan ng kauniti itong ginagawa
natin? Kaunting music lang para naman makasayaw kami.

SAMUEL: ​ Tumigil ka nga dyan, Carandang!

CARANDANG: ​Mag dance lessons kaya tayo? Exercise din naman yon diba?

MENESES: ​Sasayaw tayo?

KA PABLO: ​Masarap nga yon!

MENESES: ​Eh, pano si Big boy? Marunong ka ba sumayaw Big Boy?

CARANDANG: ​Putsa, matapakan n’yan ang paa mo, ospital ka na kaagad.

(Magtatawanan ang mga pasyente)

KA PABLO: ​Eh, si Capistrano?

CAPISTRANO: ​ Ok yang si Capistrano. Type niyang sumayaw diba Capistrano?

(Tatawa si Capistrano)

CARANDANG: ​Sabi sa inyo, eh!

SAMUEL: ​TUMUGIL KA NA CARANDANG!

CARANDANG: ​OK, OK. Suggestion lang, eh..

(Papasok si Junie. Mukhang masayang-masaya si Junie. Sasali si Junie sa bilog n


naglalakad)

SAMUEL: ​O, Ka Pablo, ikaw naman.

41
Alitaptap Sa Gabing Mailap | Psy 13
KA PABLO: ​Saan mo ako dadalhin?

SAMUEL: ​Basta! Sumama ka na lang!

CARANDANG: ​Tsansingan mo, Ka Pablo… Tanungin mo kung pwede mo syang ma-date


mamayang gabi!

(Ilalabas na ni Samuel si Ka Pablo. Mapupuna ni Carandang na masayang-masaya si


Junie)

CARANDANG: ​O, Junie?

(ngingiti si Junie)

CARANDANG: ​Anakanamanputsa…

(Pasayaw-sayaw si Junie)

CARANDANG: ​Ok, ba?

(tatango si Junie)

CARANDANG: ​Nililigawan mo na ba?

JUNIE: ​Hi-hindi!

CARANDANG: ​Bakit hindi?

CARANDANG:​​ Ang hina mo talaga!

JUNIE: ​Ca-carandang?

CARANDANG: ​Ano?

(Ngingiti lang si Junie, naglalakad, masayang-masaya)

JUNIE: ​Mam’mya na lang..

(Hahawakan ni CARANDANG ang balikat ni JUNIE)

CARANDANG: ​Ok, ba?

(Magiging masaya na rin si CARANDANG, patuloy na maglalakad sa bilog)

IKASAMPUNG TAGPO: KAUNTING LIWANAG

42
Alitaptap Sa Gabing Mailap | Psy 13
(Muling magdidilim ang entablado. Makikita si Elvie, nakatayo, nagsasalita,
parang nagbibigay ng isang report)

ELVIE: ​Mental disorder cannot be attributed to a simple set of equations.


Numerous factors-both external and internal in character- must be studied in
order to identify possible causes for such disorders.

Moreover, an entire spectrum of possible dificiences are also known to affect


the human mind. Each of there are, in turn, unique to patient. The important
thing is that, one muts be abke to disassemble the nuances, identify the
symptoms, and hope that through existing records of similar or approximate
cases, the proper therapy can be applied to a given patient.

In the case of Antonio Gallego, Jr. The only son of colonel Gregorio Gallego
and Heminia Hernandez Gallego. Junie- as he is more fondly called, had a series
of nervous breakdown. The first one, which occurred when the boy was ony
fourteen years of age.

An almost textbook example of a domineering father, intimidating the son


because of the “military lifestyle” and the environment which constituted hhis
home, Junie had undergone an unusual number of pressures not only from his
parents but his peers as well. Being the only boy in a family of six children,
Junie’s life has always been beset by a series of expectations. The entire
“macho syndrome”, which when put to a level of excess-can create personality
pressures which are beyond the norms of acceptable social behavior.

(Magdidilim ang kinalalagyan ni Elvie)

(Liliwanag ang ibang bahagi ng entablado na ngayon ay isinaayos bilang work room)

(Makikita na magkatabi sina BIG BOY, CARANGDANG at JUNIE. Sila ay gumagawa ng mga
basket. Makikita si Samuel na nakatayo sag awing tabi, binabantayan ang mga
nagtatrabaho)

CARANDANG: ​Ano ba ang kinakayakot mo?

JUNIE:​​ A-alangan ako..

CARANDANG:​​ Bakit?

(hindi kikibo si Junie, magpapatuloy sa kanyang ginagawang basket)

CARANDANG:​ E
​ h, talagang magigng alangan ka kung ayan ang iisipin mo. Mukhang
palo naman sa’yo yung babae, hindi ba Big Boy?

BIG BOY:​​ OO.

JUNIE: ​Pa-pa-paano niyo nalalaman. Hi-hin-hindi n’yo naman kami na-nakikitang


mag-mag-magkasama?

CARANDANG: ​Eh, obvious naman eh!

43
Alitaptap Sa Gabing Mailap | Psy 13
JUNIE: ​Bakit?

CARANDANG: ​Lakasan lang ng kalooban yan, pare ko. Junie, may hitsura ka naman.

(Matatawa si Junie)

CARANDANG: ​Atsaka, kung hindi siya interesado sa’yo, bakit ikaw nang ikaw ang
lagi niyang iniinterbyu?

JUNIE: ​Si-si-siguro ako ang may pinakamalalang kaso dito..

CARANDANG: ​Ulol! Eh, ano ang tawag mo kay Capistrano?

JUNIE: ​Ewan ko.

CARANDANG:​​ Big boy, ikaw nga ang kumausap dito!

(Hindi kikibo si BIG BOY, magpapatuloy sa kanyang ginagawa)

CARANDANG: ​Big boy! Bigyan mo naman ng moral support itong kaibigan natin! Wala
ka nang inatupag kundi yang basket mo, eh!

BIG BOY: ​Ano ang gusto mong sabihin ko?

CARANDANG: ​Aba, ewan ko! Pati ba naman yon poproblemahan ko pa?!

(Ang susunod na monologo ay bibigkasin ni JUNIE habang ginagawa ang kanyang


basket. Mapapansin pa rin ang pagkautal ng binate, ngunit hindi siya tumitingin
sa kanyang dalawang kasamahan.)

JUNIE: ​A-ayaw ko na. Ta-takot na a-akong mapahiya, eh. At saka… Ba-bakit naman
n’ya ako…. Pagkakainteresahan? Ma-matalino siya.. Ako, luko-loko!

CARANDANG:​​ Pag sinabi mong luko-loko ka, ibig sabihin n’on hindi ka sira. Mas
baliw yung mga sinasabing matino sila!

JUNIE:​​ Hi-hindi pa ako… nagkaka-girlfirend… bu-buong buhay ko, hindi pa ako..


pinapansin ng babae. Ka-kasi nga… ga-ganito akong magsalita. Noong, noong nasa
college pa ako.. mayroon akong natipuhan.. maganda siya.. pero.. nga ga-ganito
akong magsalita!

CARANDANG: ​Eh, tanga yon! Hindi ba, Big boy?

BIG BOY: ​Oo.

CARANDANG: ​Kung akala niya na lahat nadadaan lang sa salitaan, tanga siyang
talaga!

JUNIE: ​Ayaw ko na, Carandang..

CARANDANG: ​Kaya, ano? Habangbuhay ka na lang na tititig? Habang buhay ka na lang


maglalaway? Eh, talagang masisiraan ka ng utak. Kung gusto mo, dakmain mo!
Sabihin mo!

JUNIE: ​Ku-kung ayaw niya sa akin..

44
Alitaptap Sa Gabing Mailap | Psy 13
CARANDANG: ​Ang importante’y nasabi mo na sa kanya kung ano ang nararamdaman mo.

JUNIE​​: pa-para sayo...

ELVIE​​: ha?

JUNIE​​: p-p-para sayo ito.

(kukunin ni elvie ang basket at ngingiti)

ELVIE​​: bakit?

JUNIE​​: wala

ELVIE​​: ikaw ba ang may gawa nito, JUNIE?

(tatango si JUNIE)

ELVIE​​: thank you, ha? Hayaan mo, sa susunod kong pagpunta dito ako naman ang
magbibigay sayo ng regalo.

JUNIE​​: wag

ELVIE​​: bakit?

JUNIE​​: h-hindi ko naman ibinigay yan sayo dahil umaasa akong..r-r-regaluhan mo


rin ako

JUNIE​​: b-binigay ko yan dahil... dahil....

(nakatitig si ELVIE kay JUNIE. Mawawalan ng kalooban si JUNIE)

JUNIE​​: dahil... gusto kitang maging kaibigan

(ngingiti si ELVIE)

ELVIE​​: thank you, JUNIE.

(muling magdidilim ang kanilang kinalalagyan)

(liliwanag muli ang entablado at makikitang mga pasenteng naglalakad sa bilog,


nageehersisyo. Papasok si SAMUEL dala dala ang tray ng mga gamot)

SAMUEL​​: oh, uminom na kayo ng gamut ninyo,. Pila na, pila!

45
Alitaptap Sa Gabing Mailap | Psy 13
(pipila ang mga pasyente, isa isa na namang kukuha ito ng mga gamot at
lalagukin. Tatayo si CARANDANG sa harapan ni SAMUEL, titignan ang mga gamot)

SAMUEL​​: CARANDANG, kuhanin mo na yan ng magpatuloy na ang linya

CARANDANG​​: ikaw ba, umiinom rin dito?

SAMUEL​​: bakit naman ako iinom niyan, wala naman akong sakit.

(kukunin ni CARANDANG ang mga kapsula at magkukunwaring iinumin, ngunit ito ay


iipitin sa kanyang mga kamay, magkukunwaring ilulunok, aalis si carandang sa
linya)

SAMUEL​​: hindi ka ba nahihirapan niyan, CARANDANG? Bat hindi mo sabayan ng tubig

CARANDANG​​: ok lang.

(magpapatuloy kumuha ng gamot ang ibang pasyente. Lalapitan ni CARANDANG si BIG


BOY)

CARANDANG​​: hoy! Dagul! Halika dito....

(lalapit si BIG BOY, ipapakita ni CARANDANG ang mga kapsula sa kanyang mga
palad. Nakaipit. Nakangiti si CARANDANG)

BIG MAMA:​​ pag nahuli ka niyan...

CARANDANG:​​ bakit? Magsusumbong ka ba?

(babalik na sa piling ng kanyang mga kasamahan si JULIE. Mukhang matamlay si


JUNIE)

CARANDANG: ​Patay! Mukha yatang na-busted!

(Lalapitan ni Carandang si Junie)

JUNIE: ​Hindi ko na-nasabi.

(Mag bubuntong hininga si Carandang)

CARANDANG:​​ Akala ko ba napag-usapan na natin yan?

JUNIE: ​Sa susunod na lang promise!

46
Alitaptap Sa Gabing Mailap | Psy 13
CARANDANG: ​Baka hinihintay mong siya pa ang mag-propose sayo! Kadalasan, ang
lahat sa mundong ‘to dinadaan sa lakas ng loob.

(​Iiling si JULIE at magpapatuloy maglakad. Papasok sa courtyard si SALVACION.


Makikita niya ang mga pasyente)

SALVACION: SAMUEL, ipasok niyo na sila.

SAMUEL: O, Pasok na! Pasok na!

CARANDANG​​: Ms. SALVACION, sandal lang. Ang ganda ng araw ikukulong mo na uli
kami.

SALVACION​​: Marami pa kayong dapat gawin Mr. CARANDANG.

CARANDANG​​: Ma’am naman…

SALVACION​​: Ipasok mo na sila, Samuel

(Paalis na si Salvacion ngunit hindi pa din gumagalaw si Carandang)

SAMUEL: ​HOY! CARANDANG!

SALVACION: ​Ikaw ba ay kusang papasok o kakailanganin pang ipa straight-jacket


kita!

(Muling magtatagisan ng tinginan ang dalawa. Ngingiti si Carandang)

SALVACION: ​Pumasok ka na Mr. Carandang.

(hindi pa rin gagalaw si Carandang)

SALVACION: ​Huwag mo na akong galitin, Mr. Carandang. Sapat na ang problema ko sa


buhay. Kapag hindi mo ako tinigilan yang pag-aaburido mo sa akin, gagawin ko
ang lahat sa aking kakayahan para maalis ka sa klinikang ito at malipat ka sa
bilangguan ng mga criminal kung saan ka nababagay!

CARANDANG: ​Hindi niyo magagawa yon, Ma’am

SALVACION: ​Sinusubukan mo ba ako?

CARANDANG: ​Pag-umalis ako dito, maniwala kayo sa akin. Mamimiss niyo ako.

(Maninihas ang mukha ni SALVACION, nguit hindi pa rin maalis ang ngiti sa mukha
ni CARANDANG)

CARANDANG: ​Maniwala kayo sa`kin, ma’am. Mami-miss niyo ako.

(Magdidilim ang entablado)

IKALABING-ISANG TAGPO: IKATLONG ENGKWENTRO

47
Alitaptap Sa Gabing Mailap | Psy 13
Maglalakad si SALVACION patungo sa isang bahagi ng entablado na kung saan
makikita si BAUTISTA. Galit na galit si SALVACION habang pinipilit ni BAUTISTA
na maging mahinahon

BAUTISTA​​: Miss SALVACION, maari naman nating maparaanan ito, eh…

SALVACION​​: Hindi ako makakapayag na insultuhin mo ako ng lalaking yan sa harapan


ng ibang pasyente, Dr. BAUTISTA! Mula nang dumating si CARANDANG sa klinikang
ito ay nagkasira-sira na ang lahat ng ating mga…

BAUTISTA​​: Miss SALVACION huwag kang mag-over react…

SALVACION​​: Siya ay hindi nararapat dito!

BAUTISTA​​: Ano ang ibig mong sabihin

SALVACION​​: Naniniwala ba kayong my sira sa ulo yang si CARANDANG?

BAUTISTA​​: According to his doctors at ayon rin sa korte…

(ngingiti si SALVACION, iiling)

SALVACION​​: Sa tinagal-tagal ko nang panunungkulan sa ibat’t ibang ospital at


klinika ay alam ko na siguro kung sino ang baliw at kung sino ang nagpapanggap
lamang!

BAUTISTA​​: Ms. SALVACION, ang kinikilos ba ni Mr. CARANDANG ay gawain ng isang


matalino?

(Iiling si SALVACION, nakangiti si BAUTISTA)

SALVACION:​​ Hindi, Dr,Bautista, Pero iba ang luko-loko sa matino, at iba rin ang
matino sa mautak.

(Liliwanag ang kabilang seksiyong na kung saan makikita sina CARANDANG at


ELVIE, naguusap. Iniinterbiyu rin ni ELVIE si CARANDANG. Nakatutok and tape
recorder sa mesang namamagitang sa dakawang sikya na kinauupuan.)

CARANDANG​​: Ano ang kalalabasan mo pagka-graduate mo?

ELVIE​​: Eh, di… bahala na. Kung anong trabaho ang makuha… Pwede bang
ipagpatuloy na naten interbiyu?

CARANDANG​​: Teka, sandal lang. Kanin aka pa nagtatanong saakin pero ayaw mo
namang pagbigyan ako magtaning sa’yo.

(Sandalung katahimikan. Magiisip si ELVIE.)

ELVIE​​: Ano ang gusto mong malaman?

48
Alitaptap Sa Gabing Mailap | Psy 13
CARANDANG​​: Mayaman ka ba?

ELVIE​​: Ano ba ng inaakala mong mayaman? Yung may kotse? May kotse ako… Yung
maraming alahas? Wala akong alahas.

CARANDANG​​: Dahil wala kang ipambibili o wala kang hilig?

(Hindi sasagot si ELVIE, nakatingin lang kay CARANDANG. Ngingiti si CARANDANG)

ELVIE​​: Ipagpatuloy na lang natin ang interbiyu.

CARANDANG​​: Bakit kami ang iyong napiling pag-aralan?

(Muling papatayin ni ELVIE ang tape recorder.)

ELVIE​​: Nag-aaksaya lang tayo ng tape, e

CARANDANG​​: Para kaming mga… mg hayop… mga palaka na idadapa, iaaasapili sa mesa
at bibiyakin… bubutingtingin… ganyan ba?

ELVIE​​: Mr. CARANDANG, sa susunod na lamang tayo mag-usap. Wala ka yata sa


mood…

CARANDANG​​: Madali ka pa lang mapikon!

ELVIE​​: SAMUEL!

CARANDANG​​: Sandali lang.

(Mahahawakan ni CARANDANG ang braso ni ELVIE. Magigimbal ang babae. Kaagad


nitong aalisin ang kanyang braso, wari ay nandidiri. Mapapangiti si CARANDANG.)

CARANDANG​​: Gusto mong malaman ang tungkol sa aming mga buhay. Hinahalungkat mo
na gamit mga karanasan. Naiintindihan mo kami?

(Hindi Makakasagot si ELVIE. Parang gulat.)

CARANDANG​​: Talaga bang naiintindihan mo kami?

ELVIE​​: Oo. Kaya ko nga kayo pinag-aaralan para malaman ko kung bakit kayo
nagkaganyan at… at kung papaano maiiwasan nang iba ang nangyari sa inyo…

CARANDANG​​: Papaano?

ELVIE​​: Anong… anong papaano? Nakakataranta ka naman magtanong.

CARANDANG​​: Papaano mo kami maiintindihan? Dahil sa iyong tape recorder? Sa iyong


mga sinusulat?

ELVIE​​: Mr. CARANDANG, apat na taon akong nag-aral sa college. Dalawang taon
akong kumuha ng mga courses para maka Master’s degree. Sa dinami-daming mga
libro…

CARANDANG​​: Ah… Sa libro…

49
Alitaptap Sa Gabing Mailap | Psy 13
ELVIE​​: Mga articles… mga papers… ma aking binasa… nasisiguro kong kaya kong
maunawaan ang iyong problema!

(Hindi kikibo si CARANDANG, sasandal, ngingiti.)

ELVIE​​: Alam ko ang aking ginagawa.

CARANDANG​​: Gusto mo pa bang ipagpatuloy ang interbiyu?

(Sandaling katahimikan)

CARANDANG​​: Ano?

ELVIE​​: Baka sa susunod na lang, SAMUEL!

(Magdidilim ang entablado)

(Muling liliwanag ang entablado kung saan matatagpuan ang mga pasyente.
Naghahandang lumabas na ang mga ito ngunit si Capistrano ay nagmumukmok sa
isang tabi.)

SAMUEL​​: Hoy Capistrano! Tayo na!

(Iiling si Capistrano, lalong isisiksik ang sarili sa kanto ng kama)

SAMUEL​​: CAPISTRANO! Maghahapunan na kayo!

MENESES​​: Kanina pa ‘yan ganyan… iyak ng iyak!

SAMUEL​​: CAPISTRANO!

(Uungol si Capistrano, iiling. Maiinis si SAMUEL. Lalapitan nito si Capitrano,


hahawakan.)

(Biglang sisigaw si Capistrano, hahawiin si SAMUEL. Matatamaan ang balikat ni


MENESES. Masasaktan.)

SAMUEL​​: Putang inang’to!

(Susunggaban ni SAMUEL si CAPISTRANO.)

SAMUEL​​: Lalabas ka! Kakain ka! Kung kailangan, kakaladkarin pa kita!

(Manlalaban si Capistrano. Sasampalin ito ni SAMUEL. Magigimbal ang iba.)

(Manlalaban muli si CAPISTRANO. Sa kanyang pagsasangga ng sarili upang maiwasan


ang sampal ni SAMUEL ay matatamaan ito sa mukha.)

(Lalong manggigigil si SAMUEL, hahampasin si CAPISTRANO, magmumura.)

KAPABLO​​: H’wag!

JUNIE​​: SAMUEL…h’wag! Hindi naman niya sinasadya, eh…

(Ngunit hindi nagpapapigil si SAMUEL. Patuloy niyang guguluhin si CAPISTRANO.)

50
Alitaptap Sa Gabing Mailap | Psy 13
(Dahan-dahang lalapitan ni BIG BOY si SAMUEL. Magugulat na lamang si SAMUEL
nang damputin siya ni BIG BOY. Itataas ni BIG BOY si SAMUEL. Makikitang
nangangatog si SAMUEL, takot na takot)

(Papasok sa silid si SALVACION. Makikita nito ang nagaganap.)

SALVACION​​: Ibaba mo siya!

(Sandaling hindi gagalaw ang lahat. Nakatingin lamang si BIG BOY kay SALVACION.
Hawak-hawak pa rin si SAMUEL. Matatag ang tinig ni SALVACION.)

SALVACION​​: Ibaba mo siya.

(Dahan-dahang ibababa ni BIG BOY si SAMUEL saka lang makakahinga ang orderly.)

(Maliwanag. Nagtititigan sina SALVACION at BIG BOY, unti-unting magdidilim ang


entablado.)

(Liliwanag ang ibang bahagi ng entablado, makikita si CARANDANG, kausap ni


BAUTISTA sa opisina ng doctor. Tarantang-taranta si CARANDANG. Si BAUTISTA ay
aaktong mahinahon.)

BAUTISTA​​: Gusto mo raw akong makausap.

CARANDANG​​: Alam mo ba ang ginawa nila kay BIG BOY?

BAUTISTA​​: Oo.

CARANDANG​​: Hindi raw kasalanan ni BIG BOY.

BAUTISTA​​: Gusto niyang saktan si SAMUEL…

CARANDANG​​: Ipinagtanggol lang niya si CAPISTRANO. Ginulpi ni SAMUEL si


Capistrano

BAUTISTA​​: Si Capistrano ang nagsimula ng away!

CARANDANG​​: Hindi alam ni Capistrano ang kanyang ginagawa. Kung Hindi ba naman
gaga si SAMUEL. Bakit niya pinipilit yung tao? Pinagdiskitahan niya si
Capistrano!

BAUTISTA​​: H’wag kang…

CARANDANG​​: Saan n’yo dinala ang dalawa?!

(Sapul namang pagpasok sa silid ni SALVACION.)(

SALVACION​​: Hindi naming sinaktan ang iyong kasamahan. Sila ay binigyan namin ng
mga wastong gamot upang…

CARANDANG​​: Saan niyo dinala sina Capistrano at BIG BOY?

SALVACION​​: Bumalik ka na sa iyong silid!

(Ngingiti si CARANDANG.)

51
Alitaptap Sa Gabing Mailap | Psy 13
SALVACION​​: Ito ay isang pagamutan…at…

CARANDANG​​: Pwede ba, Ms. SALVACION, h’wag ka nang mag-ispits. Ilang beses ko
nang narinig ‘yang talumpati mo tungkol sa kabutihan. Hayaan mo, bukas na
bukas,

ipapagawa kita ng monument. Ipapalagay natin ‘yang ispits mo sa ilalim para


lahat ng tao mabasa ang madalas mong sabihin!

SALVACION​​: MR. CARANDANG, Bumalik ka na sa iyong kwarto..

BAUTISTA​​: Ina-assure naming sa ‘yo na walang nangyari sa iyong mga kaibigan.

CARANDANG​​: Sana. Ipanalangin niyong wala.

SALVACION​​: Kailan ka pa natutong magbanta sa ’min, MR. CARANDANG?

CARANDANG​​: Kapag sinaktan niyo sina Capistrano at BIG BOY, malalaman niyo ang
tunay na kahulugan ng kulo ng ulo ng isang luko-luko.

(Lalabas ng silid si CARANDANG. Maiiwang nakatingin si SALVACION kay BAUTISTA.)

SALVACION​​: Naniniwala ka na ba sa akin?

(Hindi sasagot si BAUTISTA. Ititiklop ni SALVACION ang kanyang mga braso sa


dibdib. Magdidilim ang entablado.)

IKALABING-DALAWANG TAGPO: ANG LAHAT AY MAY LUNAS:

Madilim pa rin ang entablado. Una munang dadapo ang ilang sa isang seksyon na
kung saan makikita si CAPISTRANO. Nakaupo, parang wala sa kanayang sarili.
Tulala si CAPISTRANO, mapapansin na ang kanyang mga mata ay hindi nakatitig
kahit saan. Maririnig ang tinig ni BAUTISTA.

BAUTISTA​​: Maraming methods ang ginagamit sa klinika upang mai-correct ang mga
problemang maaaring ipakita o ipadama ng isang pasyente.

(Papasok si SAMUEL sa isang gilid ng entablado na kung saan siya ay dadapuan


rin ng ilaw.)

BAUTISTA​​: Noong araw, mas drastic ang mga ginagawang corrective measures ng mga
ospital. Isa na rito ang grontal lobotomy na kung papaano pinapatay ang
pagkamasigasig ng isang pasyente. Ginagawa itong docile… receptive… Ipaaalis
ang kanyang pagkaagresibo… isang paraan na inilalaan lamang sa mga kasong hindi
na maaaring masuherto sa pamamagitan ng mga reinforcements at psychiatric
guidance.

(Unti-unting liliwanag ang entablado upang ipakita na si CAPISTRANO ay lugmok


na nakaupo sa sulok ng silid.)

BAUTISTA​​: Ngunit sa pag-unlad at pagkadiskubre ng sari-saring drugs at kemikal


na umeepekto sa nervous system ng mga individuals ay hindi na kinakailangang
gumamit ng ganitong karahas na paraan…

52
Alitaptap Sa Gabing Mailap | Psy 13

(Papasok si SAMUEL, at SALVACION sa loob ng wards)

SALVACION​​: Magandang umaga sa inyo…

CARANDANG​​: Talaga namang gumaganda ang umaga kapag nakikita ka namin Ms.
SALVACION…

SALVACION​​: Mabuti naman, MR. Carandang. Ihanda n’yo na sila para mag eksersays…

CARANDANG​​: Ms. SALVACION, bakit nagkaganito si Capistrano?

(Tinignan ni SALVACION si CARANDANG)

SALVACION​​: Bakit, Mr. CARANDANG? Ano ba ang nangyari sa kanya?

CARANDANG​​: Totoo ba ang mga… salbahe dito ay iniindyeksyunan ninyo?

SALVACION​​: Mr. CARANDANG, wala ka yata sa posisyon para kuwestiyunin yan… at


wala rin ako sa posisyon para magpaliwanag.

CARANDANG​​: Bakit naman wala, Ms. SALVACION?

SALVACION​​: Sapagkat hindi ako doctor… at ikaw ay pasyente lamang dito. Kung
pwede ko mang ipaliwanag, Mr. CARANDANG, nakasisiguro akong hindi mo rin
maiintindihan.

CARANDANG​​: Sige nga… Tignan natin…

SALVACION​​: H’wag na natin aksayahin ang oras ng isa’t isa, Mr. CARANDANG,
SAMUEL! Ihanda na ang mga pasyente para mag-eksersays!

CARANDANG​​: Ano ang inyong ginagawa sa mga taong napagiinitan niyo?

SALVACION​​: Bakit? Gusto mong humingi ng babala?

(Sandaling katahimikan)

SALVACION​​: Siguro nga. Mag-ingat ka. Iyan lang ang masasabi ko…

(Ngingiti si CARANDANG)

CARANDANG​​: Tinatakot n’yo ba ako?

SALVACION​​: Aba, depende, Mr. CARANDANG. Kung gusto mo bang matakot ay ano
magagawa ko. Lumabas na kayo at sayang ang araw… presko sa labas…

(isa-isang nagsisilabasan ang mga pasyente. Maiiwan na lamang sina CARANDANG,


CAPISTRANO, at SALVACION)

(Dadapo ang ilaw sa kinalalagyan ni ELVIE. Nakaupo sa kanayang tapat si JUNIE.


Mapapansin ni ELVIE na nakatitig sa kanya si JUNIE habang siya ay nagusulat)

53
Alitaptap Sa Gabing Mailap | Psy 13
(Magliliwanag ang kabilang dako na kung saan nag-uusap sina BIG BOY at
CARANDANG)

CARANDANG​​: Tatakas ako ditto.

(Hindi kikibo si BIG BOY)

CARANDANG​​: Walang gumagaling dito, BIG BOY. Habang tumatagal ka dito’y lalong
masisira ang iyong ulo…

(Ngingiti si BIG BOY)

CARANDANG​​: Alam mo ba kung ano ang mga pinapainom sa inyo, ha? Alam niyo ba kung
ano-anong mga kapsula’t pildoras ang ipinapainom sa inyo? Dahil lamang na
sinasabi sa inyo na makakabuti ay, nilululon mo na, ganoon ba?

BIG BOY​​: Kahit naman malaman ko kung ano yun hindi ko rin maiintindihan.

CARANDANG​​: Pampapurol yon ng utak, BIG BOY. Pampapurol.. para lagi kang… lagi
kang inaantok, lagi kang mawawalan ng sigla… lagi kang susunod sa lahat ng

kanilang magustuhan. Sinasabi nila na yon raw ang makakabuti sa iyo pero sa
katunayan, yan ang gusto nilang paniwalaan para magawa nila ang lahat ng
gustuhin nila para… para sas iyo! Naiintindihan mo ba?

(Hindi kikibo si BIG MAMA, nakatingin lang kay CARANDANG)

CARANDANG​​: Mula noong huminto ako sa kakainom ng kanilang mga gamut, nagbalik
ang aking pag-iisip…

BIG BOY​​: Baka nga nasisiraan ka na rin?

CARANDANG​​: Hindi! BIG BOY! Hindi! Gusto nilang maniwala kang ang kanilang
ginagawa ay kabutihan, pero ang totoo ay unti-unti nilang pinapantay… unti-unti
nilang inaalis ang iyong pag-iisip! Naiintindihan mo nab a ako?!

BIG BOY​​: Eh, kung gagawin na lang ang gusto nila, wala ka nang problema…

CARANDANG​​: At ano?! Hihintayin mo na amaging katulad ka ni Capistrano?!


Hihintayin mo na maging tulala ka… maging… maging… repolyo… na umaasa sa awa ng
iyong mga kasamahan?

(Iiling si CARANDANG, galit na gali)

CARANDANG​​: Tatakas ako dito.

BIG MBOY​​: Hindi ka makakaalis… kung makatakas ka man… iababalik ka rin nila
dito

(Mangingiti si CARANDANG)

CARANDANG​​: Yan ang pag-aakala nila!

(Magdidilim ang entablado at makikita sina SALVACION at BAUTISTA, nag-uusap sa


isang bahagi ng entablado. Galit nag alit si SALVACION)

54
Alitaptap Sa Gabing Mailap | Psy 13
SALVACION​​: Hanggang kailan ba ang babaeng yan dito, Dr. BAUTISTA?

BAUTISTA​​: Hanggang matapos niya ang kanyang research.

SALVACION​​: Mag dadalawang buwan na dito si ELVIE, pero hanggang ngayon ay hindi
pa tapos ang kanyang trabaho!

BAUTISTA​​: Ano ba ang pinuputok ng butsi mo, Ms. SALVACION? Hindi naman
nakakaistorbo si ELVIE! Sa katunayan, nakakatulong pa nga siya at nakakaibigan
ang mga pasyente.

SALVACION​​: Hindi ako ang kakamkam ng responsibilities kung ano ang mangyari sa
kanya, Dr. BAUTISTA.

BAUTISTA​​: Ano naman ang maaaring mangyari sa babaeng iyon? Lagi naman may
guwardiyang nagbabantay sa labas ng kanyang kwarto kapag siya’y nag-iinterbiyu.
At kung siya nama’y sasama sa mga round, laging mayroon.

SALVACION​​: Basta’t ayaw kong maging responsible sa kung ano mangyayari sa


dalagang yan!

(Didilim ulit and entablado)

(Makikita sina ELVIE at JUnIE sa kabilang dako. Papatayin na ni ELVIE ang


kanyang tape recorder, nangangahulugang tapos na ang kanyang interbiyu.
Nakatingin lamang si JUNIE kay ELVIE.)

JUNIE​​: Ang dami mo nang alam tungkol sa akin.

ELVIE​​: Kaya nga ikaw ang aking gagawin kong subject sa aking thesis.

JUNIE​​: Malalaman ko ba kung ano ang sinasabi mo tungkol sa… sa akin?

(Ngingiti si ELVIE)

ELVIE​​: Titignan natin…

JUNIE​​: Ha-hanggang ke-kelan ka dtto?

ELVIE​​: Siguro sa makalawa tapos ko na ang lahat ng aking research. Total,


naiinis na sa akin si Ms. SALVACION…

JUNIE​​: Hi-hindi!

(Magugulat si ELVIE)

JUNIE​​: Ma-masungit lang yun… sa-sa lahat… hi-hindi siya galit sa iyo…

ELVIE​​: Hayaan mo, bago ako tuluyang umalis ay bibigyan ko kayo ng regalo… si
Ms. SALVACION para sa kanyang pasensiya at ikaw dahil… dahil kung wala ka ay…
hindi ko mabubuo itong aking ginagawa…

JUNIE​​: ELVIE…

(Sandaling katahimikan)

55
Alitaptap Sa Gabing Mailap | Psy 13
JUNIE​​: Babalik ka pa ba ditto?

ELVIE​​: Siguro, bibisita-bibisitahin ko pa kayo…

(Ineempake ni ELVIE and kanyang mga kagamitan. Makikita ang kaguluhan na


nagaganap sa ulo ni JUNIE)

JUNIE​​: ELVIE

ELVIE​​: Ano yon, JUNIE?

(Hihingang malalim si JUNIE. Ang kanyang mga sumusunod na kataga ay parang


idudura)

JUNIE​​: Huwag ka na lang umalis

(Magugulat si ELVIE, mapapatingin ito kay JUNIE. Hindi malaman ni ELVIE and
kanyang gagawin. Pipilitin niyang maging mahinahon)

ELVIE​​: Tatawagin ko na si SAMUEL para maibalik ka na sa iyong kwarto…

JUNIE​​: Huwag ka nang umalis

(Matatakot si ELVIE)

JUNIE​​: Huwag kang… ma-matakot… kailangan sabihin ko, eh… ELVIE…

ELVIE​​: JUNIE…

(Biglang susunggaban ni JUNIE si ELVIE at yayapusin. Ngunit and yakap nito ay


parang batang naghahanap nang mahahagkan, sabik sa pagmamahal)

JUNIE​​: ELVIE!

(Titili si ELVIE)

ELVIE​​: JUNIE!!! BITAWAN MO AKO JULIE!!!

(Ngunit lalong hihigpitan ni JULIE ang yakap kay ELVIE. Titili si ELVIE)

ELVIE​​: GUARD!!! GUARD!!!

(Ngunit ang tinig ni JULIE ay puno ng pagmamakaawa)

ELVIE​​: GUARD!!!

(Biglang pumasok si SAMUEL. Makikita niya ang nangyari. Ihihiwalay niya si


JULIE at ELVIE. Umiiyak sa takot si ELVIE)

JUNIE​​: Hu-huwag kang… hu-hu-huwag kang maiiyak… huwag!

(Ngunit humahagulgol si ELVIE, takot na takot. Kakaladkarin palabas ni SAMUEL


si JULIE habang pinipilit nitong abutin si ELVIE. Si ELVIE naman ay parang
bata, takot na takot na namimilipit sa sulok)

JUNIE​​: Hi-hindi kita gusting saktan! ELVIE! ELVIE!

56
Alitaptap Sa Gabing Mailap | Psy 13
(Unti-unting magdidilim ang enteblado. Maririnig lamang ang tinig ni JULIE)

JUNIE​: EL-ELVIEEEEEEE!!!

IKALABING-TATLONG TAGPO: ANG HULING ENGKWENTRO

Magliliwanag ang Ward Seven. Makikita si JUNIE, sumisigaw at sinusumbatan si


CARANDANG. Nakatingin lamang ang iba sa dalawa.

JUNIE​​: I-ikaw! Sa-sabi mo…

CARANDANG​​: Aba, malay ko bang magkakaganon yon?!

JUNIE​​: Si-sinabi mo… ka-ka-kaya gi-ginawan ko… pero…

CARANDANG​​: Mabuti nga’t Alam mo na kung anong klaseng babae ang gagang yon, ah!

JUNIE​​: Hi-hindi ga-ga si ELVIE!

(Papasok si SALVACION sa silid kasama si SAMUEL, mangangatog sa takot si JUNIE)

SALVACION​​: Bakit mo ginawa ‘yon, JUNIE?

(Umiiling si JUNIE. Hindi na makapagsalita, nabubulol at humahagulgol)

SALVACION​​: Bakit mo ginawa ‘yon?

CARANDANG​​: MS. SALVACION, sandali lang.

SALVACION​​: Huwag kang makialam, Mr. CARANDANG

(Ibabaling ni SALVACION ang kanyang tingin kay JUNIE. Nakatango lamang si


JUNIE, umiiyak parang bata)

SALVACION​​: Ipinatawag ko na ang iyong ama…

(Magugulat si JUNIE, ang gimbal ay lalong makikita)

SALVACION​​: Alam mo ba kung anong kahihiyan ang haharapin ng iyong ama kapag
nalaman niya ang ginawa mo sa isang inosente at walang labang babae?!

JUNIE​​: Hu-huwag… Hu-huwag n’yo akong… i-i-su-sumbong!

SALVACION​​: Ang ama mo parin naman na…

JUNIE​​: HUWAG!!!

SALVACION​​: Binigo mo ang iyong ama, JUNIE!

JUNIE​​: HUWAG!!!

(Luluhod si JUNIE sa harap ni SALVACION, nagmamakaawa)

JUNIE​​: Please, Ma’am… please… hu-huwag n’yong sa-sabihin sa… sa daddy ko…
huwag, Ma’am…

57
Alitaptap Sa Gabing Mailap | Psy 13
SALVACION​​: Tumayo ka, JUNIE… SAMUEL…

(Ilalabas ni SAMUEL si JUNIE. Tatalikod na si SALVACION)

CARANDANG​​: Masaya ka na ba, Ms. SALVACION?

(Hindi kikibo si SALVACION, magpapatuloy lumabas)

CARANDANG​​: PUTANGINA MO, Ms. SALVACION!

(Hihinto si SALVACION, sandaling titingin si CARANDANG. Ngingiti si CARANDANG)

SALVACION​​: Ano ang sinabi mo, MR. CARANDANG?

CARANDANG​​: Ang sabi ko, putang ina mo!

(Sandali pang katahimikan)

(dahan-dahang tatalikod muli si SALVACION at lalabas ng silid. Magdidilim ang


entablado)

(Maglalakad si SALVACION sa kinalalagyan ni BAUTISTA Mukhang abala si ​BAUTISTA​​.


Nakatingin lamang si SALVACION sa doctor)

BAUTISTA​​: Wala namang nangyari kay ELVIE… nagulat lang… tinawagan ako ng kayang
ama… ipinaliwanag ko na…

SALVACION​​: Alam ko na ang tungkol diyan, Dr. BAUTISTA…

(Sandaling katahimikan)

BAUTISTA​​: Nasaan si JUNIE?

SALVACION​​: Nasa ward.

BAUTISTA​​: Anong sabi ni Coronel?

(Hindi sasagot si SALVACION. Papahiran ni BAUTISTA ang pawis sa kanyang noo)

BAUTISTA​​: Nasaan ang ibang kasamahan ni JULIE?

SALVACION​​: Sa courtyard… Nag e-eksersays…

BAUTISTA​​: Hindi sumama si JUNIE?

(Iiling si SALVACION)

BAUTISTA​​: Maigi siguro kung palabasin mo na si JUNIE at pasamahin sa iba.

SALVACION​​: Masama raw ang kanyang pakiramdam.

(Makikita ang mga pasyente, naglalakad sa isang bilog. Sila ay nag-e-eksersays.


Binabantayan ni SAMUEL. Makikitang abalang-abala si CARANDANG)

CARANDANG​​: Bakit wala pa si JUNIE?

MENESES​​: Siguro ineenjeksyunan…

58
Alitaptap Sa Gabing Mailap | Psy 13
CARANDANG​​: SAMUEL

SAMUEL​​: Ano?

CARANDANG​​: S’an si JUNIE?

SAMUEL​​: Aba, malay ko…

KA PABLO​​: Malamang nga’y ineenjeksyunan na yon…

(Papasok sa courtyard si SALVACION. Tatahimik ang lahat.)

SALVACION​​: SAMUEL, ilabas mo na si JUNIE… nasa ward…

SAMUEL​​: Yes Ma’am

(Lalabas ni SAMUEL. Magpapatuloy maglalakad sa bilog ang mga pasyente.


Mapapansin ni SALVACION na nakatitig sa kanya si CARANDANG)

SALVACION​​: Mayroon ka bang gustong sabihin sa akin?

CARANDANG​​: Nasabi ko na kung ano man iyon…

SALVACION​​: Masama ang nagtatanim ng galit, Mr. CARANDANG…

CARANDANG​​: Hindi ang tipo ko ang nagtatago ng sama ng loob…

SALVACION​​: Anong ibig mong sabihin?

(Hindi kikibo si CARANDANG)

SALVACION​​: Siguro’y alam mo na, na maaari kong pahirapan ang iyong buhay dito
Mr. CARANDANG. Hindi ko lang malaman kung bakit ako ang naisipan mong awayin.
Ano nga ba nagawa ko sa iyo at ganyan na lamang ang inis mo sa akin?

CARANDANG​​: Tandaan mo… sabi nila sira ulo ako. Hindi nangangailangan ng dahilan
kung bakit ganito ang aking pakiwari sa iyo. Pasensya ka nalang at luko-luko
ako…

(Biglang babalik si SAMUEL mukhang takot na takot. Magugulat ang mga pasyente.
Hinihingal si SAMUEL.)

SAMUEL​​: MA’AM!

SALVACION​​: Ano ‘yon?

SAMUEL​​: Si… si JUNIE!

SALVACION​​: Bakit?

SAMUEL​​: MA’AM!

CARANDANG​​: ANO ANG NANGYARI KAY JUNIE?!

MENESES​​: ANO?!

59
Alitaptap Sa Gabing Mailap | Psy 13
(Uungol si KA PABLO, parang sugatang hayop. Hindi makagalaw si CARANDANG sa
gulat. Nakatingin lamang si BIG BOY.)

SAMUEL​​: Yung… yung sash ng kanyang roba, Ma’am sa... Sa kisane nag…

SALVACION​​: Huminahon ka, SAMUEL. Tawagin mo si Dr. BAUTISTA. Kayo! Magpatuloy


kayong mag-eksersays.

(Ngunit hindi gagalaw ang mga pasyente, parang tulala.)

SALVACION​​: Magpatuloy kayong mag-eksersays… SAMUEL, kunin n’yo yung tray…bigyan


mo sila ng kanilang gamot at…

(Bigla bigla ang galaw ni CARANDANG. Hindi namamalayan ng sino man ang susunod
na mangyari. Bigla nitong tatalunin si SALVACION, susunggaban sas leeg.
Magkakagulo ang lahat. Sasakalin ni CARANDANG si SALVACION, ibabagok ang ulo sa
sahig. Ang kanyang sigaw ay parang hayop, isang mabangis na halimaw na handang
pumatay.)

(Magkakagulo. Ihihiwalay ni SAMUEL si CARANDANG mula kay SALVACION ngunit


mangingibabaw ang lakas ni CARANDANG, patuloy na papatayin si SALVACION.)

(Magkakagulo. Magdidilim ang entablado.)

IKALABING-APAT NA TAGPO: MAY ILANG SANDALI

Maririnig pa rin ang alingawngaw ng kaguluhan. Ngunit habang unti-unting


magliliwanag ang entablado ay makikita na lamang ang isang double deck bed.

(Makikita si BIG BOY, nakaupo sa nakakababang palapag)

(Ipapasak ni Samuel sa stretcher si Carandang)

(Liliwanag ang isang bahagi ng entablado. Makikita si Bautista, kinakausap ang


mga manonood)

BAUTISTA:​​ Ang utak. Maselan.Matatag. Mapaglalaruan. Napapakinabangan. Ang


kaibuturan ng bawat tao ay ang kanyang utak. Sabihin na natin na ang puso ang
nagpapaagos ng dugo sa ating mga ugat at nagbibigay ng sigla at sustansya sa
kanyang katawan. Ngunit kasing halaga ng puso ang utak. Kapag ang utak ay
naagnas.. Kapag ito ay nabahiran ng kahit na ano mang kapansanan, naglalaho ang
kahulugan ng pagkatao.. pati na rin ang katuturan ng puso.. at ang kahalagahan
ng kaluluwa.

(Aalis na si Samuel)

(Magdidilim ang kinalalagyan ni Bautista)

(Maiiwan na lamang ang liwanag kina BIG BOY at CARANDANG)

BIG BOY​​: CARANDANG!

60
Alitaptap Sa Gabing Mailap | Psy 13
(Hindi sasagot si CARANDANG)

BIG BOY​​: CARANDANG!

(Hindi parin ito kikibo)

BIG BOY​​: putang-ina mo, CARANDANG… magsalita ka! Luko-luko ka! Kailangan
magsalita ka! CARANDANG! CARANDANG!

(Ngunit parang gulay pa rin si CARANDANG na nagugunaw sa kamay ni BIG MAMA.


Hahagulgol si BIG MAMA)

BIG MAMA​​: Anong ginawa nila sa’yo?!

(Sandaling katahimikan.)

BIG BOY​​: tatakas tayo, CARANDANG. Gusto mo ba? CARANDANG?!

(Ngunit hindi pa rin kikibo si CARANDANG, lupaypay.)

(Sandaling katahimikan)

(Nakatitig lamang si BIG BOY sa kanyang kaibigan. Dahan-dahang bubuhatin ni BIG


BOY at CARANDANG. Yayakapin. Ihihiga ni BIG BOY si CARANDANG.)

BIG BOY: Matulog ka na… hindi… CRANDANG… hindi na…

(Kukunin ni BIG BOY ang isang unan at isusuklob niya ito sa mukha ni CARANDANG.
Sandaling manlalaban si CARANDANG.)

BIG BOY​​: Sshhh… huwawg kang maingay… maririnig ka nila… huwag kang maingay…
huwag kang maingay…

(Maglalaho ang buhay ni CARANDANG. Manlalata si BIG BOY, bibitawan ang unan.)

BIG BOY​​: Matulog ka na, CARANDANG… matulog ka na…

(Dahan-dahang magdidilim ang entablado.)

(Dadapo ang ilaw sa isang bahagi ng entablado. Makikita si SALVACION, May brace
ang leeg. Siya ang magsasalita.)

SALVACION​​: dito sa amin klinika, ang naghahari ay ang siyensiya, ang siyensiya
ang batas. Ang siyensiya ang lohika… ang siyensiya ay inukit sa pamamagitan ng
mga patakaran…

Dito sa aming klinika, kami ang mga alagad ng siyensiya… wala ditong aksidente…
lahat pinag-aralan, lahat pinag-isipan. Ang lahat ay tumpak sa daigdig ng mga
inaalagaang baliw.

61

Das könnte Ihnen auch gefallen