Sie sind auf Seite 1von 4

Alamat Ng Paru-Paro

Noong unang panahon, may isang diwatang ubod ng


pangit. Ang mukha nito'y mapula at kulubot. Ang
kasuotan nya ay lumang luma na at tila may basahang
nakapulupot sa kamay nito.
Ang bahay nito ay nakatayo sa tabi ng magandang
dalampasigan. Napakaganda ng tahanan nito na kulay
bahaghari. Ang hardin ng kanyang tahanan ay
napapalibutan ng magagandang bulaklak. Ang lahat
ng taong mapadaan doon ay nabibighani sa ganda ng
mga bulaklak na iyon.
Isang umaga, may isang batang lalaki at babae ang
lumayas sa kanilang tahanan. Ang mga bata ay anak
mahirap at hindi na pumapasok ng paaralan. Sila'y
naging palaboy.
Sa kabila nito ay naging masaya ang dalawang bata.
Sa paglilibot nila ay napadpad sila sa hardin ng pangit
na diwata.
"Ligaya, masdan mo ang mga bulaklak kaygaganda!"
saad ng batang lalaki
"Nakikita ko Malakas! Kaygaganda nga!" saad naman
ng batang babae
Pumasok ang dalawang bata sa may hardin ng diwata.
"Wala yatang nakatira dito" saad ni Ligaya
Nasiyahan ang dalawang bata sa natuklasan. Si Malakas ay umakyat pa ng puno upang kumain.
Pinatakan din nya si Ligaya ng matamis na katas ng prutas.
Napagkasunduan ng dalawang bata na doon na tumira. Kaybilis ng oras at nakalimot na ang
dalawang bata kung nasaan sila hanggang sa biglang dumating ang diwata na galing pala sa
dalampasigan.
"Bakit kayo pumasok dito? Anong ginagawa nyo?" Saad ng diwata na halatang galit.
Natakot ang dalawang bata.
"Ka-Kaygaganda po kasi ng mga bulaklak" sabay na pagkakasabi ng dalawang bata
"Bakit hindi kayo humingi na pahintulot mula sa akin?" muling tugon ng diwata.
Agad na nagsisi at humingi ng tawad ang dalawang bata.
Naunawaan naman ito ng diwata.
"Kami po'y kapwa ulila, gawin nyo na lamang po kaming alila. Handa kaming magsilbi"
Napaisip ang diwata sa suhestiyon ng dalawang bata.
Pagkalipas ng ilang sandali ay bumulong ng mga salitang engkanto ang diwata at namangha
naman ang dalawang bata.
Ilang sandali pa ay nagbago ang anyo ng diwata, isang maganda at kumikinang na diwata ang
ngayo'y nasa harap ng dalawang bata.
"Dahil sa inyong pagkawili sa mga bulaklak ngayo'y gagawin ko kayong hardinero at maari
kayong magpasasa sa mga bunga"
Pagkasabi pa lamang noon ay nagbagong anyo ang dalawang bata.
Si Ligaya at Malakas at naging mga paru-paro na duma dapo-dapo sa mga halaman at bulaklak.
"Sa halamang ito'y mabubuhay tayo nang mahabang panahon!" saad ni Malakas. "Mula ngayon
tayo ay mga paru-paro ng diwata" tugon naman ni Ligaya.
Mula noon ay lagi nang may mga paru-paro sa hardin ng diwata.
Ang Hukuman ni Mariang Sinukuan
Noong unang panahon, nakatira si Sinukuan,
ang hukom ng mga hayop sa isa sa mga
kuweba sa Bundok Arayat. Nakatira siya dati
sa isang lugar malapit sa bayan. Subalit dahil
sa sobra ang tapang at lakas niya, nagsimula
siyang kainggitan ng mga tao hanggang sa
siya ay layuan.

Dumating ang panahon na marami nang


naging pagtatangka sa buhay niya. Bunga
nito, isinuko niya ang lahat ng ari-arian at mga
kaibigan niya sa bayan at nagpunta siya sa
Bundok Arayat. Dito niya inilaan ang lahat ng
kaniyang oras upang kaibiganin ang mga
hayop.

Hindi na mahirap para kay Sinukuan na


makuha ang pagmamamahal ng mga hayop.
May kapangyarihan siyang baguhin ang anyo
niya sa kung ano man ang naisin niya. At
palagi niyang ginagaya ang anyo ng hayop na
nagpupunta sa kaniya.
Hindi nagtagal, nalaman ng lahat ng mga
hayop ang kapangyarihan, katalinuhan, at
pagiging makatarungan ng kanilang mabait na
kaibigan kaya siya ang ginawa nilang hukom.

Isang araw, sa hukuman ni Sinukuan, dumating ang isang ibon. Hiniling niya kay Sinukuan na
parusahan ang palaka sapagkat napakaingay nito sa gabi kung kailan gusto na niyang matulog.
Ipinatawag niya ang mapanggulong palaka at tinanong kung ano ang dahilan ng kaniyang
masamang asal. Mapagkumbaba na sumagot ang palaka, “Umiiyak lang ako para humingi ng
tulong dahil natatakot ako sa pagong na may dala-dalang bahay sa kaniyang likod. Baka ako
malibing sa ilalim nito.”

“Sapat na ’yang dahilan,”sabi ni Sinukuan. “Malaya ka na.”

Sumunod na ipinatawag ang pagong sa hukuman ni Sinukuan. Pagdating niya, mapagkumbaba


niyang sinagot ang tanong ng hukom. “Kagalang-galang na hukom, dala-dala ko ang aking
bahay sapagkat natatakot ako sa alitaptap. Naglalaro siya ng apoy at natatakot ako na baka
masunog niya ang bahay ko. Hindi ba tama na protektahan ninuman ang bahay niya laban sa
sunog?”

“Napakagandang katwiran. Malaya ka na,” sabi ni Sinukuan.

Sa parehong paraan, kinabukasan ay dinala sa hukuman ang alitaptap. Nang tanungin siya ng
hukom kung bakit siya naglalaro ng apoy, mahina niyang sinabi, “Sapagkat wala akong ibang
paraan para protektahan ang sarili ko laban sa matalim at matulis na punyal ng lamok.” Tila ito
ay makatwirang sagot kaya napalaya rin ang alitaptap.

Sa bandang huli, nilitis ang lamok. Sapagkat hindi siya nakapagbigay ng magandang paliwanag
sa pagdadala niya ng punyal, hinatulan siya ni Sinukuan na mabilanggo sa loob ng tatlong
araw. Napilit niya na sumunod ang lamok. At sa panahon ng kaniyang pagkakakulong, naglaho
ang boses niya. Simula noon, ang lalaking lamok ay nawalan ng boses. Takot na rin siyang
dalhin ang punyal niya dahil natatakot siya sa higit na mabigat na parusa.
Si Malakas At Maganda
Noong unang panahon, nag-iisa
lamang ang Dyos sa kalawakan.

Naging Malungkutin ang Dyos


sapagkat nag-iisa lang sya.

Ang araw ay sumisikat na parang


ginto ang liwanag, ang langit
naman ay puting puti na
napapalibutan ng ulap, ang mga
tala ay nag niningning sa langit.

Ikinumpas ng Dyos ang kanyang


kamay at itinuro pababa.

Sa isang iglap lamang ay nalikha ang daidig. Ang mga puno, luntiang halaman at damo ay
sumibol at ang mga bulaklak ay namukadkad.

Ang mga ilog ay umagos, nagsiliparan naman ang mga ibon sa himpapawid.

Nilikha ng Dyos ang sanlibutan.

Isang araw, ang mga ibon ay walang patid sa paglipad hanggang sa masilayan nila ang dalawang
puno ng kawayan.

Dumapo ang mga ibon dito.

Tok! Tok! Tok! isang tinig mula sa loob ng kawayan.

"Palayain mo ako dito haring ibon!" ang sabi ng misteryosong nilalang sa loob ng kawayan.

"Baka ito'y patibong" ang nasa isip ng ibon.

Isang butiki ang biglang sumulpot papunta sa dulo ng kawayan, dahil sa gutom ay tinuka ito ng
ibon.

Isang malakas sa tuktok ang ginawa ng ibon hanggang sa mabiyak ito.

Isang makisig na lalaki ang lumabas at nagpasalamat ito, at muling humingi ng pabor.

"Ako'y si Malakas. Pakiusap haring ibon, tuktukin mo uli ang isa pang kawayan, iyong palabasin
ang aking kasama".

Tinuktok ng ibon ang isa pang kawayan at kalaunay nabiyak ito at lumabas ang isang
napakagandang babae.

Ito'y si Maganda.

"Halina kayo at sumakay sa aking likuran, dadalhin ko kayo sa lupang hinirang at doon kayo
maninirahan". saad ng ibon

Si Malakas at Maganda ay inihatid ng ibon sa luntiang lupain at ito'y kumikinang sa sinag ng


araw.

Dito sa pulong ito nagsimulang mamuhay sina Malakas at Maganda.

Ang pinagmulan ng lahing kayumanggi.

Das könnte Ihnen auch gefallen